You are on page 1of 2

Kabute or Mushroom Farming

Ang pagtatanim ng kabute ay kapaki-pakinabang. Ito ay inihanay na sa kalipunan ng mga gulay at


ibinibilang na isa sa mga masustansyang pagkain. Hindi nangangailangan ng malaking lugar at hindi
gugugol ng mahabang panahon sa pagtatanim.

Mga Kailangan sa Paggawa ng Kama

Ang dayami ng palay ang siyang pangunahin at pinakamabuting gamitin para sa paglilinang ng
kabute. Ito ay hindi mahirap lalo na’t katatapos lamang ng anihan. Ang water lily, dahon o tangkay
ng saging at mga itinapon bahagi ng abaka ay maaari ding gawing kamang punlaan ng kabute.

Paghahanda

Mahaba, malinis at tuyong dayami ang kailangan. Iwasan ang paggamit ng bulok at lumang mga
dayami. Bago bungkusin, tiyakin na nakaayos na mabuti ang bawat dulo ng dayami. Ang
pagbubungkos ay mula anim hanggang walong diyametro. Putulin ang nakabungkos na dayami sa
habang 1.5 hanggang 2 talampakan. Ibabad ang nakabungkos na dayami sa loob ng 3 oras.
Tandaan na ang paglulubog nito sa tubig ay di dapat lumampas ng 10 oras upang ang dayami ay
makasipsip ng katamtamang dami ng tubig. Tayuan ng apat na kawayan o patpat ang bawat sulok
ng kamang pagpupunlaan na may sukat na dalawang talampakan ang lapad at sa ninanais na haba.
Ilatag na mabuti ang mga nakabungkos na dayami pahalang sa pundasyon. Ihinto ang pagdidilig
kung ang tubig ay naguumpisa nang dumaloy sa kama.

Pagtatanim ng Binhi

Isingit ang mga binhi sa pagitan ng mga dayami ng apat na pulgada ang layo mula sa tagiliran, at
apat na pulgada rin ang layo ng bawat butong itatanim. Huwag magpunla sa gitna ng kama.
Patungan ng panibagong dayami na pasalungat sa nauna, diligan at patagin. Sundin ang mga
naunang tuntunin hanggang sa mahusto ang salansan at taas ng kamang punlaan. Ang kama ng
kabute ay binubuo ng anim na salansan ng dayami. Ang bawat patong ay may mga nakatanim na
binhi ng kabute.

Pag-aalaga sa Kaman ng Kabute

Mula sa apat hanggang limang araw matapos ihanda ang kamang punlaan, simulan na ang
pagdidilig. Gawin ito tuwing makalawang araw o naaayon sa kalagayan ng panahon. Sa buwan ng
tag-init, ang pagdidilig ay kailangan, ngunit kong tag-ulan, hintayin na lamang na tumubo ang
kabute. Ang labis na pagdidilig at pagkatuyot na kamang pinagpunlaan ay makasisira sa paglaki ng
kabute. Upang hindi lumabis ang tubig sa kama, maaaring gawin ang pagdidilig sa tagiliran ng
kama. Kapag ang kabute ay nag-uumpisa nang tumubo, ihinto muna ang pagdidilig ngunit kung
nasa kalagitnaan na ang pag-usbong ng kabute, muling ipagpatuloy ang pagdidilig.

Pag-aani

Pagsapit ng dalawa hanggang tatlong linggo, ang mga binhi ng kabute ay naguumpisa nang
tumubo. Sa pag-aani, tiyakin na kasama ang pinaka-ugat nito sa pag-aalis sa kama. Huwag anihin
ang mga umuusbong pa lamang upang hindi magambala ang paglaki nito. Ang kabute na nasa
kasibulan ay mas malinamnam kaysa sa mga nakabukadkad.

source: http://www.da.gov.ph

You might also like