You are on page 1of 2

PAGTATANIM NG KABUTENG SAGING SA DAHON NG SAGING

(volvariella volvacea)
Straw Mushroom (egg stage) Matured (umbrella stage)
Ang pagtatanim ng Volvariella ay hindi nangangailangan ng malaking capital ngunit
nangangailangan ng maraming manggagawa. Mapagkukunan ito ng karagdagang pagkakakitaan ng
mga magsasaka dahil pwede nang mag-ani sa lamang ng dalawang lingo.Maaaring gamitin ng lupa
ng palayan kung panahon ng taniman para sa produksyon ng kabuteng saging. Pwede rin sa mga
likod bahay o bakuran o mga bakanteng lote sa kapaligiran.
Paghahanda ng Cultivated Beds
1. Ang unang dapat aasikasuhin ay ang lugar na pagtatayuan ng kama ng dayami o dahon ng
saging
2. Maaring sementado o direkta sa lupa o plot, ngunit mas madaling linisin ang paligid kung
sementado
3. Huwag magtatayo sa lugar na direktang tatamaan ng sikat ng araw
4. Kailangan may lilim ang puno para maiwasan ang subrang pagkabilad sa araw o biglang pag-
ulan.
5. Pwedeng gumawa ng kama na may tatlong baiting (yari sa kahoy o kawayang kama ng
paglalagyan ng dayami). Mas magastos nga lang ito, ngunit makatipid naman sa lugar.
6. Kung itatayo ang kama mismong semento, maglagay ng bed foundation o palatandaan kung saan
ilalagay ang substrates o bedding na karaniwang yari sa dayami.
7. Siguraduhing malinis ang dayami bagong ani at napatuyo na.
8. Hanggat maari, gumamit ng dayami ng bagong ani dahil kung bulok na ang dayami, may dala
itong masamang organismo, tulad ng Coprinus spores o mga weed mushroom. Ang mga ito ay
karaniwang dala ng hangin at nakakasagabal ng produksiyon ng kabute.
Hakbang sa paggawa ng Mushroom Beds Gamit ang tuyong dahon ng saging
Dapat nating tandaan na ang dahon ng saging ay kailangang kunin ang bagong tuyo dahon na
nakakabit pa sa puno nito at hindi yung nakalapag na sa lupa. Upang maiiwasan ang pagtubo ng
mga coprinus o mushroom wed.
9
1. Ayusin ang dahon ng saging at ibungkos o ibigkis ang mga ito na may sukat na 12 inches ang
haba at 6 inches ang dayametro (diameter)
2. Putulin ang magkabilang dulo, ang lapad ng kama ay katumbas ng haba nito
3. Ang mabubuong sukat ng kama ay 2 metro ang haba at 1 piye (feet) ang lapad. Kung dahon ng
saging ang gamitin, kumuha ng tuyong dahon ng saging na nakalaylay pa lang sa puno nito na hindi
pa bumagsak sa lupa. Putulin ito na gaya din sa proseso na gaya ng dayami. Gupitin ang subrang
dulo ng dahon ng saging.
4. Ibabad magdamag ang lahat na bungkos sa dram ng malinis na tubig sa loob ng apat na oras
kapag dayami ang gamitin, at 10 oras naman kapag dahon ng saging ang gamitin.
5. Patuluin ang bungkos pagkatapos na mibabad sa tubig ng ilang minute bago pagpatung patungin
habang pinuporma ang kama.
6. Ayusin ang bungkos nang tabi-tabi at isiksik, kahanay sa lapad ng kama.
7. Matapos ang unang suson (first layer). Magdilig ng 2 tablespoon urea at 33 grams na asukal sa
isang gallon ng tubig,basain ang dyaryo sa tinunaw na urea at asukal at ipatong ito sa ibabaw ng
nakasuson na mga bubgkos na dahon ng saging, magbudbod ng spawns ng Volvariella sa buong
tagiliran sa ibabaw.
8. Ilagay ang natirang bungkos sa ibabaw at diligan muli at budboran ng spawnsa susong ito tulad
ng ginawa sa una. Kailangang planuhin ang spawn na ilalagay para magkasya ang 2 bote sa buong
2 metrong haba ng kama. Kung mas’ maraming spawn ang ilalagay, mas mabilis ang pagkalat ng
amag at mabilis ang pagtubo ng kabute.
9. Makatapos makabuo ng isat kalahating piye na taas ng kama (5 layers), Gupitin ang tagiliran ng
kama lalong lalo na ang subrang dahon na lumalabas sa tabi. Kapag pantay na ang mga tabi, mas
madali ang pag-ani at hindi sik sik ang mga kabute sa malalim na bahagi ng tagiliran. Kung hindi
kaagad makikita ang mga kabute, mabubulok lamang sa loob ng kama ang mga ito.
10. Pagkatapos, takpan ang kama ng plastik o sako para hindi matuyo ang kama.
10
Pag-aalaga ng mga Kama (Beds)
1. Pagkaraan ng 2-3 araw, pakiramdaman ang ibabaw ng kama o di kaya’y itaas ang nakasaklob na
plastik at almin ang temperature sa loob. Kung mainit, luwagan ang pagkabalot sa kama, buksan o
tanggalin ang plastik dahil maaring mamatay ang spawn sa init.
2. Hindi lamang nakokontrol ng plastic ang pananatiling basa ang loob, kundi pati na ang
temperaturang kailangan ng spawns sa paglaki.
3. Ang temperaturang kailangang mapanatili ay 35ºC hanggang 38ºC. Paglagpas ng 38ºC, mamatay
ang itinanim na spawn at ang tutubo ay ang Coprinus o weed mushroom.
4. Sa loob ng isang linggo, bisitahin paminsan-minsan ang loob ng kamang taniman para malman
ang temperatura at kung may insektong pumapasok.
Puwedeng dampian ng kamay ang ibabaw ng bed o isksik sa loob ng kama (bed) ang kamay. Pag
sobra ang init o umuusok ang dayami, ay alisin ang plastik na takip at pahanginan. Puwede ring
diligan ang labas o ibabaw ng plastik pero hindi dapat mababasa ang dayami na tinutubuan na ng
amag.
5. Sa ika- 10 araw matapos itanim ang spawn makakakita na kayo ng pinheads o maliliit na kabute
na lumalabas. Kung malamig ang panahon, makikita lamang ang resulta pagkatapos ng dalawang
linggo.
6. Pagkaraan ng 2-3 araw pa, ang kabute ay nasa egg stage na sya namang pinakamagandang
panahon para mag-ani. Pagkaraan ng 3-4 na araw sa pag-ani, pagpahingahin ang cultivating beds
nang isang linggo.
7. Simulan uli ang pag-aani sa susunod na 1-2 linggo pa. Bubunga ang mga kabute sa loob ng isang
buwan.
8. Ang pinakamababang ani na makukuha ay 3 kilo o katumbas ng P450 samantala ang pinaka
mataas naman ay 4 to 5 kg sa loob sa isang buwang pagtatanim sa kama.

You might also like