You are on page 1of 16

PAG-AALAGA NG

NATIVE NA BABOY
Ikalawang Edisyon
P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y

A
ng mga katangian ng native na baboy ay itim ang
karaniwang kulay subalit mayroon ding batik na puti,
pula at itim. Ito ay madaling alagaan at sanay sa lokal na
kondisyon. Ang mga native na baboy ay pangkaraniwang inaalagaan
sa malalayong lugar o barangay na minsan ay walang pabahay o
kulungan lamang. Ang mga ito ay madaling mag-anak at may dami
ng anak na 5 hanggang 8 biik kada anakan at ang mga inahin at
barako ay may timbang na 50 hanggang 80 kilo.

PAG-AALAGA NG
NATIVE NA BABOY
Ikalawang Edisyon Ang kahalagahan sa pag-aalaga ng native na baboy ay maliit ang
puhunan. Ito ay sanay na sa lokal na kundisyon, may kakayahang
mabuhay at dumami sa mga lokal na pakain at payak na pag-aalaga
at madaling maglahi at manganak Ang mga inahin ay maingat at
maalaga sa mga biik o bulaw at may natural na panlaban sa mga
pangkaraniwang sakit at parasito. Ang katangian ng karne nito ay
may natural na lasa na gusto ng lokal na mamimili at mga naglilitson
dahil sa ganda at lutong ng balat kapag naluto.

2 3
P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y

I. KULUNGAN AT PAGALAAN: Kahalagahan ng Pabahay o Kulungan sa Native


na Baboy
• Kanlungan sa gabi at masamang panahon, (bagyo, lamig, init)
Sa kasalukuyan ang mga native na baboy ay nakatali at inaalagaan
• Proteksyon sa mga predators (aso, ahas)
lamang sa mga ilalim ng punong kahoy at minsan ay nakagala
• Para sa pagbilang (inventory) at pag-iingat
lamang sa mga bakuran. Sa ganitong pamamaraan nakakaranas ng
• Kailangan sa paanakan
mga suliranin ang mga nag-aalaga tulad ng pagkamatay ng mga biik
• Pagsasagawa ng ilang gawain e.g. feeding, vaccination, hauling/
at ang pagkakaroon ng ilang karaniwang sakit ng baboy. Kaya ang
selling, culling
payo ng mga dalubhasa ay maglaan ng payak na pabahay o kulungan
• Makaiwas sa sakit at ilang sanhi ng pagkamatay
sa native na baboy tulad ng bubong na gawa sa nipa, cogon, anahaw
na may sukat na 4 metro kuwadrado ang bawat inahin o bulugan na
may ding-ding na kawayan, balat ng niyog o kaya ay bakal at kung
maaari may pagalaan na may bakod na hog wire, balat ng niyog,
tabla o siit ng kawayan.

Ang pabahay ng native na baboy ay dapat angkop sa kanyang


pangangailangan, kondisyon, panahon at lugar na pagtatayuan. Ang
baboy ay madaling hingalin at lamigin subalit alam nilang gumawa
ng paraan upang maging kaaya-aya ang kanilang kundisyon sa
pamamagitan ng paghuhukay ng kanyang higaan at pagtubog sa
malamig na putikan. Ang sukat ng kulungan ay naayon sa edad at
laki nito.

4 5
P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y

Ang pabahay ay dapat nasa maaliwalas na lugar, hindi binabaha,


may sapat na lugar para sa pagalaan at pagtataniman ng pamakain.
Kung maari ang mga gagamiting materyales ay makukuha sa inyong
lugar tulad ng kawayan, kusot, bunot, ipa, dayami atbp.

Mga kailangan materyales sa bedding;


1. Bunot, kusot, ipa, dayami o dahon
2. Lupa na mabuhangin
3. Asin (ordinaryo)
4. Effective microorganism/IMO
Kabutihan ng Bedding Type na Pabahay
5. Tubig
1. Maginhawa sa native na baboy
2. Walang masamang amoy
Paghaluin ang 3 sako na ipa o kusot, 1 sako na lupa, ½ kilong asin
3. Makakatipid sa tubig na panglinis na humigit kumulang sa 2,000
at diligan ng tubig na may EM/IMO (60% moisture) para gawing
litro kada taon sa kada isang metro kuwadradong kulungan.
higaan ng baboy.
4. Matipid sa trabaho dahil hindi na kailangang linisin araw-araw
5. Maaring gamiting natural na abono o vermicast.

6 7
P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y

8. Kinisin ang pakainan at ibabaw na hollow block para hindi sirain


ng baboy.
9. Lagyan ng bunot, dahon o dayami ang kalahati ng hinukay at
siksikin. Lagyan ng hinalong kusot, ipa, lupa at asin ang ibabaw
upang maging higaan ng mga baboy (beddings).
10. Palagiang magdagdag ng sapin (beddings) kung kinakailangan.
11. Hukayin at palitan ang beddings kung nagpuputik na o kada 1-2
taon nang ginagamit, maaring gamitin ang inalis na beddings sa
vermiculture o direktang pangabono sa pamakain na halaman.

Paraan ng paggawa:
1. Pumili ng lugar na hindi binabaha o dinadaanan ng tubig
2. Sumukat ng lupa na ang laki ay ayon sa edad at laki ng aalagaan.
Halimbawa 4 na metro kwadrado para sa inahin at 2 metro
kwadrado para sa palakihin para sa native na baboy.
3. Humukay ng 1 metro ang lalim. Ang hinukay na lupa ay maaring
ipalibot sa kulungan upang tumaas ito at hindi makapasok ang
tubig. Maglaan ng lugar na hindi hinukay para sa pakainan
(kinakailangan na malapit sa daanan).
4. Maaring lagyan ng hollow block ang palibot ng hinukay mula sa
ilalim pataas. Lagyan din ng patayong kabilya upang tumibay.
Paalala!!! huwag lagyan ng semento ang ilalim o sahig nito.
5. Ang dingding ng kulungan ay maaring gamitan ng kawayan na
biniyak na may taas na 3 piye o kabilya na ang laki patayo ay 10
milimetro at 12 milimetro na pahalang at ang pagitan ng kabilya
pataas ay 4 na pulgada.
6. Gumamit ng buong kawayan o 2 pulgada na bilog na tubo (GI
pipe) para sa poste.
7. Maaaring gumamit ng nipa o yero bilang bubong.

8 9
P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y

Upang mapaganda pa ang lahi o kalidad ng native na baboy


kailangang magkaroon ng pagpili sa mga gagawing palahian na
inahin at bulugan tulad ng:
1. malusog o walang sakit,
2. mabilog, makapal ang katawan at may tamang haba,

II. PAG-PAPALAHI AT PAGPAPARAMI 3. malakas ang mga paa.


4. ang inahinin ay may 5-6 na pares ng suso, maraming manganak
(8 pataas) at maalaga sa anak (biik),
Ang pagpapalahi ng native na baboy ay ginagawa sa natural na 5. at ang mga bulugan ay pantay ang testicle, pinakamalaki sa mga
pamamaraan na magkakasama sa kulungan na may 1:10 -20 dami magkakapatid, mabilis lumaki at ilan pang katangian tulad ng
ng bulugan at inahin na may pagalaan na 300 metro kuwadrado itim na kulay.
(15 x 20m). Maaari ding magkahiwalay ang mga bulugan at inahin
at kung oras o panahon na ng pagpapalahi ay saka pagsasamahin.
Palatandaan at talaan ng inahin at bulugan ay makakatulong upang
makaiwas sa pagkakasta ng mga magkakamag-anak

10 11
P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y

Paraan ng Pagpili

Maaring makuha ang kakayanan ng bawat hayop sa kanyang


sariling talaan tulad ng paglaki at produksiyon (dami ng kapatid,
anak, dami ng nabubuhay na anak). Maari ring maging basihan ng
kanyang kakayanan ay ang talaan ng kanyang pamilya (paglaki at
dami ng anak) tulad ng magulang, kapatid at mga anak. Ang isang
hayop na may talaan na may mataas na produksiyon ay maaring
maglipat ng mas mataas na produksiyon sa kanyang mga anak
(biik), na kung gagawin sa bawat henerasyon ang tamang pagpili ay
inaasahan ang pagtaas ng produksiyon ng bawat henerasyon.

Paraan upang mapataas ang lahi


at produksiyon ng native na baboy

Ang pagpili ng pareparehong kulay (kung maari ay itim), mabilog


at may kakayahang lumaki sa kanyang mga ka-edad o kapatid.
Malusog ang katawan, may kakayahang mabuhay sa payak na
pamamaraan, dapat ay galing sa lahi ng maraming manganak (higit Paraan ng pagpapalahi
sa 8 biik), magaling magbuhay ng anak halos nabubuhay (90%) lahat
ang kanyang mga anak, maganda ang gatas, maalaga sa mga anak Purong lahi ay ang pag pili ng gustong itsura o katangian
(biik), dapat may likas na panlaban sa mga sakit at masarap ang lasa halimbawa ay kulay, dami ng anak, paglaki na galing sa iisang lahi at
ng karne. nag-aanak ng iisang itsura o katangian. Ang purong lahi ay iisa ang
itsura at katangian ng magulang at mga anak.

12 13
P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y

Timbang
Ina:___________
Ama: _________

Pag-awat

Puna
Bilang
Date
Timbang

Gamot
Kapanganakan: _______________
Source: ______________________

Bilang
Panganganak

Luoy
Buhay
In breeding ay ang pagpapalahi ng magkamag-anak halimbawa

Sintomas
ay magulang at anak, magkapatid o vise versa. Ang negatibong

Date
resulta ng pagpapakakasta ng magkamag-anak ay abnormal, sakitin,
mahina ang produksiyon ng mga native na baboy. Ang positibong

Date
Due
resulta nito ay puwedeng gumawa ng pare-pareho ang itsura at
produksiyon.

Boar
Crossbreeding ay ang pagpapalahi ng magkaibang uri o lahi. Ito

Halimbawa ng talaan ng Inahin

Date

Gawain
Lahi: ______________________
Blng/Pangalan:_____________

2
Pag-kasta
ay ginagawa upang mapataas ang uri, produksiyon, mapasigla, at
mapaganda ang kalusugan ng anak. Ngunit ang negatibong resulta

Boar
nito ay ang hindi maayos na pagpapalahi, wala ng purong lahi na

TALAAN NG INAHIN
gagamitin, walang kontrol na paggamit ng ibat-ibang lahi na sanhi

Date
1
ng ibat-ibang produksiyon at itsura ng mga anak.

Mga Gawain
Pag-anak

Date
1
2
3
4
5
6
7
8
14 15
P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y

III. PAGKAIN AT PAGPAPAKAIN • Biik (10-45 araw ang edad)


o Pagkain na madaling malusaw (commercial hog starter mash)
o Dagdag na prutas, gulay, darak, mais na durog o niyog
Isa sa magandang katangian ng native na baboy ay ang kakayahan
nitong magamit ang mga lokal na pagkain tulad ng darak, kamoteng • Palakihin: (2 – 5 buwan ang edad)
kahoy, gabi at mga damo upang mabuhay at magparami. Ang mga o .3 – 1 kilo ng mixed feeds kada ulo sa isang araw
karaniwang pamakain na nabibili sa agricultural supply ay ginawa o suplemento tulad ng damo, dahon, bahog (kitchen left over),
para sa commersiyal o hybrid na baboy kaya hindi ito angkop sa lutong gabi, kamoteng kahoy o pungapong atbp.
pangangailangan ng native na baboy, dagdag pa dito ay ang mataas
na halaga at kung ito ang gagamitin sa native na baboy ay maaring
hindi kumita ang nag-aalaga. Maaring maghalo ng mga lokal na
pakain base sa lugar at kung ano ang marami at mura na maaring
gamitin na pamakain sa native na baboy.

Maaring pagkunan ng sustansiya


ng mga native na baboy:
• Energy: Darak, kamoteng kahoy, mais, niyog o kopra, gabing san
fernando, pungapong, mga damo, gulay at pulot
• Protina: Isda, legumbre, gulay, madre de agua, soybean
• Bitamina: Gulay, maberdeng pagkain, prutas

Paraan ng pagpapakain
• Inahin at Bulugan
o 1-1.5 kilo na halong pamakain (darak, mais, copra) Mga katangian ng mga lokal na pakain
o suplemento tulad ng damo, dahon, bahog (kitchen left over), • Darak:
lutong gabi, kamoteng kahoy o pungapong atbp. o Mataas na makukunan ng enerhiya
o dagdagan ang pakain sa mga nagpapasusong inahin o Madaling makuha sa maraming lugar sa bansa
o Gustong kainin ng mga baboy
o Mataas ang bitamina at mineral

16 17
P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y

• Gabing San Fernando (G. Villancio, J. Bulatao UPLB)


– Kayang mabuhay sa paiba-ibang panahon
– Magandang itanim sa sandy loam at malilim na lugar
– Matatagpuan sa maraming lugar sa Pilipinas
– Kapareho ng mais pagdating sa taglay na sustansiya
– Kailangan lutuin o ibilad bago ipakain sa baboy

• Trichantera o Madre de Agua


o Damo na mataas ang protina at calcium
o Palatable o gusto ng mga bahoy
o Maaring ibigay ng sariwa o tuyo
o Madaling paramihin at maraming magdahon
o Malasa sa baboy at iba pang hayop

18 19
P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y

• Kamoteng kahoy SIMPLENG PAKAIN SA NATIVE NA BABOY,


– Magandang pagkunan ng enerhiya NA GAMIT NG BAI-NSPRDC
– Maaaring ipangpalit sa mais para pakain sa hayop
– Ang laman, katawan, at dahon ay maaring ipakain sa hayop
– Ang dahon ay maaaring buruhin o ibilad para pagkunan ng Pakain para sa palakihin (BAI-NSPRDC, 2014).
protina Mga Sangkap Dami (kilo) Halaga (Php/kg) Kabuuang halaga (Php)
– Kailangan lutuin o ibilad bago ipakain sa baboy Darak D1 37.00 15.00 555.00
Mais (durog) 30.00 18.00 540.00
Palyat 27.70 15.00 415.50
Pulot 3.00 20.00 60.00
Apog 2.00 12.00 24.00
Asin 0.30 15.00 4.50
Iba pang pakain *Ad-libitum
Kabuuan 100.00 Php 1, 599.10 o Php 15.99/kg
*Nauukol sa dami na gustong kainin ng alagang baboy.

Pakain para sa inahin at barako (BAI-NSPRDC, 2014).


Mga Sangkap Dami (kilo) Halaga (Php/kg) Kabuuang halaga (Php)
Darak D1 50.00 15.00 750.00
Mais (durog) 14.20 18.00 255.60
Palyat 30.00 15.00 450.00
Pulot 3.75 20.00 75.00
Apog 2.00 12.00 24.00
Asin 0.30 15.00 4.50
Iba pang pakain *Ad-libitum
Kabuuan 100.00 Php 1, 559.10 o Php 15.59/kg
*Nauukol sa dami na gustong kainin ng alagang baboy.

20 21
P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y

IV. MGA GABAY SA PAG-AALAGA Mga dapat gawin:


• Ihanda ang kulungang paanakan, linisin, o lagyan ng bagong
NG NATIVE NA BABOY sapin (beddings)
• Ilipat ang inahin 2 linggo bago ang takdang panganganak
Pag-aalaga ng Bagong Panganak na Inahin: • Bigyan ng damo pakain
Kung may senyales na malapit ng manganak ang mga inahin • Huwag bigyan sa araw ng panganganak
(10 araw bago ang takdang pag-anak) tulad ng malaking tiyan, • Iwasan na abalahanin ang nanganganak na inahin
namamaga na ang suso at ang ari nito maaari ng itali o ikulong ang
inahin bago manganak. Huwag pakainin ang inahin sa araw ng Pag-aalaga ng Biik:
panganganak, panatilihing tuyo ang sahig o kulungan, mag-lagay Hayaan ang mga biik na nakagala sa lupa upang makakuha
ng mga sapin (dahon, dayami atbp) at iwasan ang mabulabog o ng dagdag iron, kapunin ang mga biik 10-14 na araw ang edad,
maabala ang inahin sa oras ng panganganak, hayaan ang normal na panatilihing tuyo ang sahig ng kulungan upang maiwasan ang
panganganak, (iwasan ang pag-iyak ng mga biik) huwag ihiwalay o impeksyon. Bigyan ng hiwalay na pakain ang mga biik. Awatin ang
magtanggal ng ngipin sa araw ng panganganak. mga biik 45 araw ang edad at pabakunahan ng hog cholera o peste
ang mga biik dalawang buwan ang edad.

22 23
P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y

Mga dapat gawin: Maglaan ng galaan na 2 metro kuwadradong kulungan kada


• sa native na baboy hindi na kailangan putulin ang ngipin at pusod palakihin. Magpakain ng pinaghalong darak, kopra at niluto
• huwag galawin o hawakan ang mga biik habang nanganganak o pinatuyong kamoteng kahoy at gabi. Maglaan ng galaan at
ang inahin o ilayo sa inahin ang mga biik supplementong protina mula sa mga damo, legumbre, dahon, bahog
• kailangan makasuso ng colostrum sa unang 24 hours (kitchen left over), atbp. Purgahin sa edad na 2 buwan gulang.
• hayaang makalabas o makagala sa lupa ang mga biik para
makakuha ng iron Mga dapat gawin:
• hindi na kailangan ang turukan ng iron ang mga biik • bigyan ng grower mash na may ad-libitum na pagkain ng forages
• Sa edad na 10 araw, bigyan ng starter feeds ang mga biik at damo.
• Kapunin ang mga lalaki sa edad na 10-14 na araw • hayaan na makagala ang mga palakihin
• Bakunahan ng Hog Cholera sa edad na 45 na araw • Piliin ang may magandang itsura at mabilis lumaki upang
• Iwalay sa edad na 45-60 na araw gamiting pamalit sa mga palahian

Pag-aalaga ng Palakihin:
Ang kailangan na tamang laki ng palakihin;
o Para sa lechon: 10-30 kilo sa buhay
o Para sa katay: 30-40 kilo sa buhay o higit pa

24 25
P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y

Paraan ng Pagkakapon:
Ito ay ang pagtatanggal sa bayag ng biik. Ito ay ginagawa sa
V. KALUSUGAN AT MGA
kadahilanang: KARANIWANG SAKIT
a. Mapigilan sa pagdami ang mga lalaking may mga malulubhang
kapansanan at mga kapintasan. Maglaan ng simpleng silungan o pabahay para sa tag-ulan at
b. Maalis ang amoy-barako sa karne ng baboy. matinding init ng araw upang makaiwas sa sakit. Tama at sapat na
c. Ito ay ginagawa sa edad na ika-apat naput limang (45) araw. pakain at tubig na inumin ay kailangan para sa tamang paglaki at
d. Kinakailangan na malulusog ang biik na kakapunin. kalusugan ng alagang native na baboy.
e. Suriin mabuti ang biik kung ito ay mayroong luslos o wala.

Mga kagamitan:
1. Matalas na blade
2. Tintura de yodo o Iodine
3. Pang-ipit o Forceps
4. Bulak

Mga hakbang
1. Ihanda ang lahat ng kagamitan, linisin at pakuluan.
2. Hawakan ng mabuti ang biik sa huling paa (nakabitin)
3. Hugasan at linisin mabuti ang bayag at ang palibot nito. Gumamit Bakunahan ng Hog Cholera ang mga alaga sa unang 2 buwan ang
ng malinis na tubig at sabon. edad at tuwing ika 6 na buwan sa mga inahin at bulugan.
4. Hawakang mabuti ang bayag upang mabanat ang balat at hiwain
ng katatamtaman sa gitna ng bawat bayag hanggang kusang Ubo at sipon (respiratory problem). Maaaring gumamit ng mga
lumabas. natural na gamot tulad ng pinakulong sambong, lagundi at iba pang
5. Hilahing papalabas ang bayag upang makitang mabuti ang litid mga dahong gamot.
na nag-uugnay ng bayag sa katawan. Ipitin ng forceps at hiwain
o putulin. Pagtatae (diarrhea). Ito ay kadalasang nararanasan sa mga biik,
6. Kung nakuha na ang bayag, ulitin ang ginawa sa ikalawa. maaring pakainin ang mga biik ng madagtang dahon tulad ng
7. Pagkaalis sa dalawang bayag, pahiran ng tintura de yodo. kaymito, bayabas, puno ng saging at iba pa.

26 27
P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y P A G - A A L A G A N G N A T I V E N A B A B O Y

Kung magpatuloy ang sakit ng mga alagang native na baboy


maaring kumunsulta sa mga beterinaryo. VI. ANG NAKIKITANG HINAHARAP NG
Pamamaraan ng pagbabakuna:
PAG-AALAGA NG NATIVE NA BABOY
Ang native na baboy ay may likas na panlaban sa sakit subalit
kung walang bakuna ito ay maaring dapuan ng hog cholera o peste
ng baboy. Ang peste ng baboy ay madaling kumalat at sanhi ng
biglaang pagkamatay ng mga alagang baboy.

Mga dapat gawin:


• Bakunahan ang biik 1 ½ o 2 buwan ang edad.
• Bakunahan lamang ang malusog na mga biik at baboy.
• Magbakuna kung maganda ang panahon
• Ilagay ang bakuna sa refrigerator huwag sa freezer.
• Basahin ang label ng bakuna lalo ang expiration date.
• Ilagay sa maliit na cooler na may yelo ang bakuna at diluent.
• Paghaluin ang diluent at bakuna ingatang hindi matapon.
Kulang ang handaan ng Pinoy (Filipino) kung walang litson na
• Turukan ang lahat ng biik sa pige o leeg (likod ng tainga).
baboy sa hapag at kung tatanungin ang mga lokal na naglilitson mas
• Ang natirang bakuna na hindi nagamit ay kailangang ibaon o
magandang gamitin ang native na baboy dahil sa lasa at ganda ng
sunugin.
balat kapag naluto. Mataas ang pangangailangan sa native na baboy
• Huwag muna paliguan at obserbahan ang mga binakunahan sa
(maglilitson: regular (5-10 na ulo kada linggo), holiday season (30-50
loob ng tatlong araw.
na ulo kada linggo). Mataas ang halaga P 100.00 -180.00 kilo sa buhay.
• Ulitin ang pagbabakuna tuwing ika-anim (6) na buwan.
Sanay na sa lokal na kondisyon, maaring alagaan sa malalayong lugar
• Maglaan ng galaan 2 metro kuwadrado kada palakihin
o barangay at maliit na puhunan ang kailangan . Ang karaniwang
• Pakainin ng pinaghalong darak, kopra at niluto o pinatuyong
native na baboy ay may kakayahang lumaki at dumami ang anak sa
kamoteng kahoy at gabi.
pamamagitan ng tamang pagpili ng mga gagawing inahin at bulugan.
• Bigyan rin ng damo, legumbre, dahon, bahog (kitchen leftover),
Maaring alagaan sa payak na pamamaraan. Maaring gamitin sa
atbp.
natural o organikong produksiyon ng karne.
• Purgahin sa edad na 2 buwan gulang.

28 29
Para sa iba pang impormasyon, makipagugnayan kay:

Rene C. Santiago, DVM, MSc.


Center Chief IV
Bureau of Animal Industry
National Swine and Poultry Research
and Development Center
Brgy. Lagalag Tiaong, Quezon
(042) 585-7727
renecsantiago@yahoo.com

This publication is funded by the Department of Agriculture-Bureau of Agricultural Research

You might also like