You are on page 1of 10

PAGMAMAY-

ARI NG LUPA
• Paano ba hinati-hati ang pagmamay-ari
ng lupa ng mga sinaunang Pilipino?

• Ano ang kanilang Sistema sa pagmamay-ari ng


lupa?

• Ano ang katangian ng sinaunang Pilipino sa


pagmamay-ari ng lupa?
• Karaniwang komyunal (communal) o kolektibo ang
pagmamay-ari ng mga lupain noon.
• Ibig sabihin, maaari itong gamitin ng lahat ng tao sa
pamayanan at ang mga bunga nito ay pinaghahatian din
ng lahat.
• Naniniwala ang lahat sa kahalagahan ng pagpapanatili ng
kaayusan nito at pag-aalaga sa kalikasan, dahil sa ang
lahat ng miyembro ng barangay ay nakikinabang dito.
• Ang mga pastulan, ilog at kagubatan ay
kolektibong pag-aari din ng buong pamayanan at
hindi maaring solohin ng iilang pamilya lamang.

• Itinuturing naman ng mga pamayanan sa mga


baybayin na pangkalahatan din ang paggamit sa
karagatan, daungan, o ilog.
• Mayroon ding mga katutubong batas sa paggamit ng lupa.
Halimbawa:
- Para sa mga Ifugao, may mga sinusunod na
tuntunin sa pagtatakda ng panahon ng pangangaso,
pagputol ng mga kahoy at panahon ng pagkuha
ng pulot at mga bunga.
• Hindi rin maaring ipagbili ang mga lupa sa mga taga-ibang
lugar o hindi kasapi ng pamayanan.
• Sa mga lupaing pastulan, maari lamang itong gamitin ng
kung sinuman ang naglilinis nito.
• May mga komyunal na lupain na mayroon ding mga
pribadong pag-aari ang mga Maharlika at pamilya ng
datu.
• Ang mga pribadong lupa ay kadalasang makikita sa mga
lugar na may aktibong kalakalan o produksiyong
agrikultural.
• Kalimitan ding nagagamit ang mga pribadong lupa upang
malaman ang katayuan sa buhay ng isang pinuno, lalo na
sa Luzon kung saan nakabatay ang pamumuno ng mga
angkan sa kanilang mga pag-aaring lupa.
• Maari ding maipamana ang mga lupain sa mga anak at
kamag-anak, kung namatay na ang nagmamay-ari dito.
• Kadalasan, pag-aari ng datu lalo na sa Katagalugan
ang mga lupa na may irigasyon.
• May kontrol din ang datu sa paggamit ng mga
palaisdaan at daanang patubig (irigasyon).
• Paano ba hinati-hati ang pagmamay-ari
ng lupa ng sinaunang Pilipino?

Hinati-hati ang lupain ng sinaunang


Pilipino batay sa kanilang pangangailangan
at sa kanilang tirahan.
Ano ang kanilang Sistema sa pag-
mamay-ari ng lupa?
1. May mga lupain na nakalaan para sa kapakinabangan ng
mga maginoo o pamilya ng datu.
2. Kakahuyan, lupang pansakahan at katubigan ay itinuturing na
pagmamay-ari ng buong pamayanan.
3. Ang pakikinabang o paggamit ng lupa sa sinaunang lipunang
Filipino ay tinatawag na komunal o ginagamit sa
kapakinabangan ng mga miyembro ng pamayanan.
4. Pagmamay-ari ng isang pamilya ang lupang kinatitirakan ng
kanilang tahanan.
Ano ang katangian ng sinaunang
Pilipino sa pagmamay-ari ng lupa?

• Nagtutulungan ang lahat para sa kanilang


pangangailangan.
• Pantay-pantay ang pagmamay-ari ng lupa.

You might also like