Professional Documents
Culture Documents
Ang mais ay isa sa mga pinaka-importanteng produktong pang-agrikultura ng Pilipinas. Ito ay ginagamit bilang pagkain
ng tao, at pangunahing sangkap sa paggawa ng mga pagkain ng mga hayop.
Ang pagtatanim ng mais ay isa sa mga pangunahing itinatanim ng mga magsasaka lalung-lalo na dito sa Katimugang
Bahagi ng Mindanaw.
Ang pagtatanim ng mais ay nangangailangan ng mataas na halaga sa produksiyon. Ang babasahing ito ay inilathala
upang sa gayon ay matulungan ang mga magsasaka upang sila ay magkaroon ng mataas na ani.
Ang mga sumusunod ay ang mga pangunahing hakbang tungo sa masaganang ani ng mais:
- Gumamit lamang ng may mataas na kalidad na mga binhi upang maiwasan ang pagbabawas ng punla sa tudling o
ang magastos na muling pagpapatanim. Ang mga binhi na maayos na nilagyan ng mga pamatay-insekto, halimbawa, ay
makababawas ng sira sa taniman dahil sa mga langgam, ulalo, suhong, at mga ibon.
2. Paghahanda ng Lupa
- Sa mga lugar na ang patuloy na pagtatanim ng mais ay isinasagawa, araruhin ang taniman nang isang beses kapag
ang basa-basang kondisyon ng lupa ay puwede na. Ito ay upang ang mga biomass ng halaman/damo ay mabulok at
makamit ang ganap na mahalagang magkakatulad na tindig ng halaman at epektibong masugpo ang mga damo.
- Sa mga lugar na ang mais ay itinatanim pagka-ani ng palay na may patubig, hintayin ang taniman sa tamang basa-
basang kalagayan bago araruhin. Pagkatapos mag-araro, kaagad patubigan ang taniman bago suyurin at tudlingan
upang makamit ang kalinangan ng lupa na nababagay tulad sa pagtatanim ng mais sa mataas na lupa (upland).
- Sa pag-tatanim, siguruhin na ang mga tudling ay may pagitan na 75 sen-timetro at lalim na walong (8) sentimetro
3. Pangangasiwa sa tubig
(sa lugar na may irisgasyon)
4. Pag-aabono
- Gumamit ng kombinasyon ng inorganiko at organikong mga pataba. Para sa dalawang opsyon na nabanggit sundin
ang mga sumusunod:
1. Pantay na ikalat ang lahat ng organikong pataba sa kahabaan ng mga tudling sa oras ng pagtatanim.
2. Pantay na ikalat ang lahat ng organikong pataba sa kahabaan ng mga tudling sa oras ng pagtatanim.
- Gumamit ng inorganikong pataba lamang. Sa opsyon na ito, sundin ang paraan sa itaas maliban sa bilang 1.
- Para sa maasim na lupa, maglagay ng apog sa daming itinagubilin ng Bureau of Soils and Water Management
(BSWM) o ng UP Los Baños Department of Soil Science.
1. Araruhin paloob sa lupa ang apog 14-21 araw bago magtanim para ganap na mailahok sa lupa.
2. Ang karaniwang dami na 3 tonelada bawat ektarya ay inererkomenda, subalit nagkakaiba ito batay sa laki at uri ng
kaasiman ng lupa.
- Isaalang-alang ang timbang ng pataba upang mapataba ang mais. Dapat tandaan ang mga sumusunod:
5. Pagtatanim
- Ang dami ng butil na itatanim sa isang ektaryang lupa ay depende sa uri ng butil na gagamitin:
1. three-way cross hybrid, 18 kilos
2. single cross hybrid, 16 kilos
3. open pollinated varieties (OPVs), 20 kilos
- Ang mga butil ng mais ay itatanim sa bawat tundos na may pagitan na 25 sentimetro
- Para sa mga haybrid, magtanim ng 1-2 butil bawat tundos sa pagitan ng 20 sentimetro
- Gumamit ng makinang pantanim kung mayroon para sa pantay-pantay na lalim ng pagtatanim at paglitaw ng punla sa
lupa. Ang single cross hybrid na mga binhi ay mas maliliit kaya kailangan mas mababaw ang lalim ng pagtatanim.
- Sa mga lugar na maisan na mayroong pasilidad ng irigasyon, patubigan kaagad ang taniman pagkatanim.
- Ang mga magkakalapit ng magsasaka ay dapat magtanim ng sabay-sabay upang mabawasan ang mga problema sa
peste at sakit
- Subaybayan ang paninira ng peste o populasyon ng peste gayundin ang pagsipot ng likas na mga kaaway nang
lingguhan ang pagitan simula tatlong araw paglitaw ng pananim.
- Magsagawa ng mababaw na pagbubungkal o muling pag-aararo 14 na araw pagkatanim upang masugpo ang damo.
Ingatan
na hindi masira ang mga halaman sa pagsasagawa ng trabaho.
- Kung ang bilang ng tumubong halaman ay lampas sa inaasahan, bunutin kaagad nang maingat ang mga sobra (14-20
mga araw pagkatanim).
7. Paglalagay ng abono sa tahiban ng halaman (sideressing), paggagahok (hilling-up) at pangangasiwa sa peste (20-40
araw pagkatanim)
- Ilagay ang natitirang dami ng reko-mendadong nitrohinong pataba (urea, ammonium, atbp.) ng diretsong sama-sama
sa kahaba- an ng mga tudling, mga anim na sentimetro ang layo sa halaman (sidedressing)
- Kaagad takluban ang pataba pagkalagay sa pamamagitan ng paggagahok sa orihinal na lalim ng tudling
- Patuloy na subaybayan ang peste at likas na kaaway ng lingguhan.
- Patuloy na subaybayan ang halaman (kahit mula sa yugto ng pagkapunla) at kaagad alisin at silaban ang mga may di
pangkaraniwang mga tanda ng “chlorotic streaks,” batik-batik, mga bulok, atbp.) Kung ang antas ay
talamak, ipagbigay alam kaagad sa inyong “technician.”
- Sundan ang naunang pagbubungkal ng lupa sa namamataang mga damo upang masugpo ang mga ito. Pag-ingatan
na huwag masugatan ang mga halaman.
- Mag-alis lamang ng tangkay sa itaas ng puso ng mais pagka pisyolohikal na nasa edad na (mga 80-85 araw
pagkatanim). makintab ang mga butil, at ang mga dahon at balat ng puso o bunga ay tuyo na.
- Ang iba’t-ibang mga rehiyon ay mayroong kanya-kanyang ginagawa sa pag-aani na may kaugnayan sa
kanilang kinagawiang pamamaraan ng pag-aani, pagbibiyahe, pag-iimbak, at magagamit na mga kagamitan sa pag-aani
at matapos mag-ani. Mag-atikha ng isa na sisiguro sa mahusay na kalidad ng butil.
- Pagkaani, kaagad tuyuin ang unang 18 porsiyentong halumigmig na taglay ng mga bunga para sa mahusay na
paghihimay. Ito ay magagawa sa pamamagitan ng pagtutuyo sa araw ng 2-3 araw o sa mekanikal na tuyuan ng 6-8
hours.
- Isinasagawa ang pag-alis ng tangkay sa mga lugar na nagtatanim ng mais pagkatapos ng palay para pakain sa mga
baka.
- Mag-ani sa nababagay na yugto ng edad ng mais depende sa pag gulang ng inyong barayti o haybrid (90-95 araw
para sa
maaga at 105- 110 araw para sa buong panahon.
- Ang mais ay handa nang anihin kapag nagkaroon na ng itim na suson sa dulo ng butil na nakakabit sa busil,
makintab ang mga butil, at ang mga dahon at balat ng puso o bunga ay tuyo na.
- Ang iba’t-ibang mga rehiyon ay mayroong kanya-kanyang ginagawa sa pag-aani na may kaugnayan sa
kanilang kinagawiang pamamaraan ng pag-aani, pagbibiyahe, pag-iimbak, at magagamit na mga kagamitan sa pag-aani
at matapos mag-ani. Mag-atikha ng isa na sisiguro sa mahusay na kalidad ng butil.
- Pagkaani, kaagad tuyuin ang unang 18 porsiyentong halumigmig na taglay ng mga bunga para sa mahusay na
paghihimay. Ito ay magagawa sa pamamagitan ng pagtutuyo sa araw ng 2-3 araw o sa mekanikal na tuyuan ng 6-8
hours.
Tuyuin pa ang hinimay na mga butil ng hanggang 14 na porsiyento para sa mahusay na pag-iimbak.
- Imbakin sa malinis, nahahanginang lugar na ligtas sa mapanirang mga insekto, mga daga, at mga elemento
ng panahon tulad ng ulan at tuwirang init ng araw.
Maglaan ng tuyo at malinis na kondisyon sa lahat ng pagbabago sa pagpoproseso ng butil, pagbibiyahe at pag-iimbak
http://www.openacademy.ph Powered by Joomla! Generated: 22 February, 2012, 01:34
Open Academy for Philippine Agriculture
Kung ang bukbok ay problema sa pag-iimbak, bombahin o itubog ang mga sako sa solusyon ng mga pamatay-insekto
at patuyuin ang mga ito bago lagyan ng mga butil.
Ang mga butil ay may taglay na 14 na porsiyentong halumigmig, 97 porsiyentong puro, tatlong (3) porsiyentong hindi
magulang na mga butil, at mahigit sa limang (5) porsiyentong sira, ay ipinalalagay na mahusay ang kalidad sa
pangangalakal ng butil kung kaya mataas ang presyo.
Pinagmulan ng Teknolohiya: