You are on page 1of 17

Ang Tula

Elemento ng Tula

Ano ang Tula?


Ang tula ay isang kaisipang naglalarawan ng kagandahan ng kariktan, ng kadakilaan: tatlong bagay na kailangang magkatipun-tipon sa isang kaisipan upang mag-angkin ng karapatang matatawag na tula. (Balmaceda, 141) Ang tula ay kagandahan, diwa, katas, larawan at kabuuan ng tanang kariktang makikita sa silong ng alin mang langit. (Regalado, 141) Ang tula ay kinakikitaan ng katangiang nabanggit kung ito ay nag-aangkin ng elemento sa pagpapatingkad ng tunay na kahulugan ng tula bilang panitikan.

Mga katangian na makikita sa saknong


1. may tugma a. tugmang ganap b. tugmang di ganap 2. may sukat 3. may talinghaga o tayutay 4. may aliw-iw o indayog 5. may sesura o ritmo

6. may damdamin
7. malayang taludturan

Ang Tugma
Tunog sa dulo ng taludtod ng tula na kahimig ng dulo ng mga ibang taludtod sa loob ng isang estropa. Kinabibilangan ng ibat ibang diin (ang pantig): Maragsa Mabilis Malumay Malumi

Uri ng Tugma
Karaniwan nagtatapos sa mga tunog na magkakahawig at magkakaiba ang tuldik ng mga huling pantig.
At sa durungawan ikaw ay nanungaw, At sumulyap-sulyap sa dakong karimlan; Nagmasid-masid pat saka mo inusal, Sino kaya siyaSiya kayay nasaan?

Tugmang Ganap
Ang mga taludtod ay nagtatapos sa magkakatulad na tunog at tuldik.
Pilipinas bayan ko, tanggapin itong tagubilin,

Na sa aking paglisan at kahilingang hihilingin; Sa bayan ko ay ilaan, manarawiy kandilihin, Isapusot isaisip balang araw pagyamanin.

Ayos ng Tugma
1.
Kaputol na bakal na galing sa bundok A B C D Sa dila ng apoy, kanyang pinalambot Sa isang pandayay matiyagang pinukpokAt pinagkahugis sa nasa ng loob (Ang Panday)

2.

Ugali ng Pilipino kapag mayrong suliranin

A A A A

Kaisipang matalinoy hahanapit sasangguniin Itatanong ang nararapat at matuwid na gawain O kayay pag-uusapan bawat panig lilimiin -

3.

Akoy ipiniit ng linsil na puno hangad palibhasang diwa koy pipiitin Katawang marupok, aniyay pagsuko damdamiy supil nat mithiin ay supil. (Isang Dipang Langit)

Aliw-iw O Indayog
Isang katangian ng galaw kung ity tinataningan, at iyan ay mapapansin sa sining ng pagsayaw, pag-awit, musika at panulaan. Ang tula ay isinaayos sa paraang maaliw-iw. May aliw-iw ang tula kapag ang mga tunog ay nahahati sa pare-parehong patlang. Sa tulang Tagalog, ang aliw-iw ay binubuo ng mga tulang may pare-parehong bilang ng pantig.

1.

3 ang ginagampanan ng aliw-iw ayon kay Alden

2.

3.

Nagbibigay Lugod layunin ng lahat ng sining ay magpahayag ng kaiktan at ang tula ay hindi naiiba riyan. Ang bisa ng ali-iw sa taynga ay gaya rin ng bisa ng kagandahan sa mata. Nagpapahayag ng damdamin ang paggamit ng aliw-iw sa pagpapahayag ng damdamin ay kasintanda ng sangkatauhan. Ang mga batang nagkakaisip, mga taong mababangis, mga taong nababaliw at ang lahat nang namamasdang gumagamit sa parang umuugot sa katawan kung hindi man sumasayaw ay kapansin-pansin naman ang aliw-iw o indayog. Nagpapaningning sa karanasan sa tulong ng guniguni sinabi ni Papini ang anyay nakakahambing ng paglalang sa daigdig ang gawain ng makata. Sa tulong ng guniguni naililipad ang imahinasyon sa kaitaasan.

Ang Sukat
Bilang ng pantig sa loob ng isang hati o bahagi ng isang pangungusap Tagal o ang bilang ng bagsak ng tunog sa diin o bigkas ng mga salita sa taludtod

Sesura
Katutubong tigil sa pagbigkas sa dulong pantig na isang pangkat ng mga salitang may ibat ibang pantig sa loob ng isang taludtod Bahagyang pagtigil (light pause) sa gitnang bahagi ng taludtod na may bilang na labindalawa at labingwalong pantig sa loob ng isang taludtod.

Estropa o Saknong
Kalipunan ng mga taludtod na karaniwang magkakatugma at nagpapahayag ng isang kaisipan o bahagi ng paksang tinataglay ng buong tula.

Narito ang pagpapakilala ni Lamberto Ma. Gabriel ukol dito

Kopla dalawang taludtod Terseto tatlong taludtod Kwarteto apat na taludtod Kinteto limang taludtod Senteto anim na taludtud

Tayutay
- Sinadyang paglayo sa ordinaryong paggamit ng salita. Kaiba ang paglalahad. Di tahas ang kahulugan kayat masasabing lumilikha ito ng larawan o imahen.

Uri ng Tayutay
Pagtutulad Pagwawangis Pagsasatao Paurintao Panawagan Pang-uyam Pagmamalabis Pagpapalit-saklaw Pagpapalit-tawag Padamdam

You might also like