You are on page 1of 3

Ang Dekada '70 (Dekada '70: Ang Orihinal at Kumpletong Edisyon), ay isang nobelang

Pilipino na isinatitik ni Lualhati Bautista.[1] Ito ay isang pagsasalaysay ng mga pangyayari


sa buhay ng isang pamilyang nahagip sa kalagitnaan ng mga magulong dekada ng 1970.
Tinatalakay nito kung paano nakibaka ang isang mag-anak na nasa gitnang antas ng
lipunan, at kung paano nila hinarap ang mga pagbabago na nagbigay ng kapangyarihan
upang bumangon laban sa pamahalaang Marcos. Naganap ang sunud-sunod na mga
pangyayari matapos ang pagbomba ng Plasa Miranda noong 1971, ang pagkitil sa Batas
ng Habeas Corpus, ang pagpapatupad ng Batas Militar at ang walang anu-anong
pagdakip sa mga bilanggong pampulitika. Nawalan ng katiwasayan ang mga
mamamayan dahil sa paniniil ng rehimeng Marcos. Napagmasdan ng babaeng katauhan
na si Amanda Bartolome ang mg pagbabagong ito na humubog sa dekada. Ina ng limang
anak na lalaki si Amanda Bartolome. Habang nagsisilaki at nagkaroon ng sari-sariling
mga paniniwala, pananaw at buhay ang mga anak na lalaki ni Amanda, itinaguyod naman
ni Amanda ang kaniyang pagkakakilanlan bilang isang mamamayang Pilipino, ina at
babae. Ibinungad ng Dekada '70 sa bagong salinlahi ng mga mambabasang Pilipino ang
salaysaying ng isang mag-anak na nasa isang partikular na panahon sa kasaysayan ng
Pilipinas. Ang nakahihikayat na katangian ng nobela ay nakasalalay sa pagunlad ng mga
tauhan nito na kumakatawa sa bagong henerasyon ng mga Pilipino. Ito ay isang kuwento
hinggil sa isang ina at sa kaniyang mag-anak, at sa lipunang nakapaligid sa kanila. Isa
itong salaysayin kung paano ang damdamin ng isang ina ay napupunit sa pagitan ng
panitik ng batas ang kaniyang mga katungkulan bilang ina.

Isang makahulugan ngunit hindi mapanghimagsik na nobelang Pilipino, ang Dekada '70
ay isa sa dalawang nagwagi ng mga pangunahing Gantimpalang Palanca noong 1983.[2]
Ginawa itong isang ganap na pelikula ng Star Cinema noong 2003, na kinabidahan nina
Christopher de Leon at Vilma Santos.

Buod ng nobela
Ang mga salitang ito'y tila mga lagusan na naghahatid sa mga aktibista, mamamahayag,
pulitiko at iba pang naging bahagi ng mga rali't demonstrasyon sa mga alaala ng isang di-
malilimutang panahon sa ating kasaysayan—ang dekadang 1970.

Ang nobelang Dekada '70 (Carmelo & Bauermann; 228 pahina) ng premyadong
manunulat na si Lualhati Bautista ay natatanging akda sa wikang Filipino hindi lang dahil
sa pagkamit nito ng unang gantimpala sa Palanca Memorial Awards for Literature noong
1983 kundi dahil sa mapangahas na inilarawan nito ang isang lipunang noo'y nasa bingit
ng pagbabago sa gitna ng papalalang krisis pang-ekonomiya at pampulitikang ligalig
bago naganap ang tinaguriang EDSA People Power Revolt ng 1986.

Sa akdang ito, ipinakita ni Amanda Bartolome (tagapagsalaysay ng nobela) ang mga


sakit, ligaya, problema, at adhikain niya bilang babae.
Ang mahabang salaysay ay nakasentro sa panggitnang-uring pamilyang Bartolome, at sa
kung papaano naapektuhan ng batas militar ang mga tunggalian at trahedyang naganap sa
buhay nila. Katuwang ni Amanda ang inhinyerong asawa na si Julian Sr. sa pagpapalaki
sa lima nilang anak na lalaki: ang panganay na si Jules na isang kabataang aktibista na
sumapi sa rebeldeng New People's Army (NPA) at pagkatapos ay naging bilanggong
pulitikal; si Gani na sa batang edad ay nakabuntis ng babae; si Em na isang manunulat na
naghahanap ng pagkakakilanlan sa sarili; si Jason na naging biktima ng salvaging at si
Bingo na maaga pa'y nagmamasid na sa mga nangyayari.

Sa Dekada '70, mababakas ng mambabasa ang tala ng mga aktuwal na kuwento ng


panunupil at karahasan ng mga militar sa mga inosenteng sibilyang nasasangkot sa
digmaan, mga paglabag sa karapatang pantao, iba't ibang mukha ng karukhaan at
pagsasamantala sa aping mamamayan, at ang walang humpay na paglaban ng
mamamayan sa diktadurya sa panahon ng batas militar.

Sa paggamit ng awtor ng first person point of view sa kuwento, kapansin-pansin ang hilig
ni Amanda na kausapin ang sarili o mind-chatter hinggil sa papel niya sa asawa't mga
anak at sa mga usaping bumabagabag sa kanya. Sa pagkatuto niya kay Jules,
nakakapaghayag siya ng tungkol sa mga nangyayari "dahil di na ako limitado sa mga
bagay lang na may kinalaman sa pampabata't pampaganda, pagdiriwang at mga
kaburgisan," wika nga ni Amanda.

Hindi tipikal na babae si Amanda, bagkus, isang tao na may likas na kamalayan sa mga
pangyayaring kinasasangkutan ng mas malawak na bilang ng mamamayan (na unti-unti
niyang natutuklasan) at di nagpapasupil sa limitasyon ng litanya ng asawa na, "Well
honey, it's a man's world."

Isang mahalagang tauhan sa akda si Jules, isang kabataang namulat ng mga kampanya
laban sa tuition fee increase sa paaralan hanggang sa lumao'y piliin niyang lumahok sa
sandatahang pakikibakang inilulunsad ng NPA. Ang katangian niya bilang isang
rebolusyonaryong nakikibaka para palitan ang sistemang umiiral ay lubhang nakapukaw
sa damdamin ni Amanda na minsa'y iginiit ang kalayaang magpasya ng sariling buhay
noong sumulat siya sa kapatid ng mga katagang sinipi mula sa tula ng makatang si Kahlil
Gibran:

"Ang inyong anak ay hindi n'yo anak, Sila'y mga anak na lalaki't babae ng buhay!
Nagdaan sila sa inyo ngunit hindi inyo, At bagama't pinalaki n'yo,sila'y walang
pananagutan sa inyo…" Sa pagkakaalam ko, ito rin ang madalas sipiin ng mga
aktibistang estudyante ngayon sa pakikipag-usap sa mga magulang na hindi nakakaunawa
sa kanilang ginagawa!

At gaya ng maraming magulang, hindi naiintindihan ni Amanda ang anak sa mga


ginagawa nito. Sagot ni Jules sa ina: panahon na para mamili ang tao. Alinman sa dito ka
o do'n…Tutulong ka bang baguhin ang kalagayang ito o magseserbisyo ka rin sa uring
mapang-api?
Sa di-inaasahang pagkakatao'y nalasap ng buong pamilya ang dagok ng batas militar
nang walang awang pinahirapan at pinatay si Jason ng mga di kilalang tao ilang oras
matapos itong palayain ng PC dahil sa hinalang gumagamit ito ng marijuana. Sa kawalan
ng pagkakakilanlan sa salarin, walang silang nagawa kundi ang tumangis sa kawalan ng
hustisya.

Ngunit kahit pa sumuong sa matitinding trahedya ang pamilyang Bartolome, nananatili


pa rin silang buo sa kabila ng pagkakaiba-iba nila ng prinsipyo. Kahit hindi
nagkakaintindihan sa mga diskursong pang-intelektuwal, di nawawala ang mahigpit na
ugnayang emosyonal. Ika nga ng isang awit, "sa pagkakalayo ay may paglalapit din."

Ang mga pangyayaring ibinunyag sa Dekada '70 ay tila nakapagsisilbing panggatong sa


lumalakas at umiigting na tinig ng paghihimagsik sa mga unang taon ng sumunod na
dekada.

Unang naipakilala sa 'kin ang Dekada '70 noong Oktubre 1996 ni G. Christopher Amat,
guro sa Komunikasyon sa College of Arts and Sciences ng University of Perpetual Help
System-Laguna (UPHSL). Mula noon, hindi ko tinantanan ang pagbabasa ng aklat
hanggang sa ito'y matapos ko sa loob lamang ng dalawang linggo.

Para sa mga estudyanteng may progresibong kaisipan, nakaambag ang akda sa


pagpapataas ng kanilang pampulitikang kamulatan at pagkamakabayan.

Kahit noong mga taong nagsisimula pa lang na sumulong ang pakikibaka para sa isang
malayang konseho at pahayagan ng mga mag-aaral sa UPHSL, itinuring ko na ang nobela
bilang nirerekomendang reading material para sa pagmumulat at pag-oorganisa sa
masang estudyante. May isa ngang kasamang nagmungkahi pa na gawin itong kurso sa
pag-aaral ng organisasyon.

Sa mga panahong gaya ng dekada 70—na dekada ng pagkamulat at pakikibaka—


natutunan natin ang aral na ang bawat isa'y bahagi ng mas malawak na lipunan kung saan
ang mga kabataan ngayon, na "isang malinaw na mata at tainga at tinig ng kanyang
panahon", ang siyang magpapasya ng kinabukasan ng bayan. Ang luma'y sadyang
napapalitan ng bago.

Wika nga ng isang bilanggong pulitikal, "ang payapang pampang ay para lang sa mga
pangahas na sasalunga sa alimpuyo ng mga alon sa panahon ng unos."

You might also like