You are on page 1of 17

WANTED: A CHAPERON (An Excerpt)

Ni Wilfrido Ma. Guerrero

CHARACTERS:
Don Francisco (The Father)
Doña Petra (The Mother)
Nena (Their Daughter)
Roberting (Their Son)
Doña Dolores
Fred (Her Son)
Francisco (The Servant)
Pablo (The Mayordomo)
TIME: One Sunday morning, at about eleven
SCENE: In the living room. Simply furnished. A window at the right. At the rear, a corridor. A door on
the left. Sofa, chairs, etc. at the discretion of the director.

INTRO: DON FRANCISCO, about sixty, is sitting on the sofa, smoking a cigar. He wears a
nice-looking lounging robe. Presently, ROBERTING, his twenty-year old son, good-looking,
well dressed, enters. He wants to ask something from his father, but before he gathers
enough courage, he maneuevers about the sala and clears his throat several times before
he finally approachs him.
ROBERTING: (Clearing his throat.) Ehem – ehem-- ehem!
FRANCISCO: (Looking up briefly.) Ehem.
ROBERTING: Dad.
FRANCISCO: (Without looking at him.) Ano ‘yun?
ROBERTING: Dad.
FRANCISCO: Ano?
ROBERTING: Da --
FRANCSICO: Ano nga ‘yun?
ROBERTING: Well, kasi ganito ‘yun. Ahm ahm --
FRANCISCO: Anong ‘yun?
ROBERTING: Pa’no ba kasi ‘to. Ang hirap i-explain, Daddy.
FRANCISCO: Kung wala ka namang sasabihin, saka mo na ako kausapin kapag tapos na ako dito
sa mga papeles ko.
ROBERTING: Sige, sige. Ngayon na lang, Dad. Tungkol kasi sa pera.
FRANCISCO: Pera! Anong pera?
ROBERTING: Kasi ganito yun --
FRANCISCO: (Imitating his tone.) Kasi ganito – Nakikita mong busy ako, ‘di ba?
ROBERTING: Ah, kelangan ko kasi ng pera, Dad.
FRANCISCO: (Dropping the paper.) Kelangan mo ng pera? ‘Di ba nagtatrabaho ka na ngayon?
ROBERTING: Oo nga po, kaso -- kulang pa sweldo ko.
FRANCISCO: Magkano ba kinikita mo ngayon?
ROBERTING: Otyenta, Dad.
FRANCISCO: Eighty pesos? Aba! Halos kinikita mo na rin ang katulad ng sa akin.
ROBERTING: You don’t understand, Dad.
FRANCISCO: Hmmp! I really don’t understand.
ROBERTING: Don’t misunderstand me, Dad.
FRANCISCO: Aba! Kakasabe mo lang na na hindi mo ako maintindihan -- that means na I’m not
capable of understanding. Tapos sasabihin mo ngayong not to misunderstand you --
meaning na I’m capable of understanding pala. Ano ba sa dalawa, ha?
ROBERTING: Hindi kasi, ganito ‘yun, Dad. Ang point ko is --
FRANCISCO: Sige. Go on.
ROBERTING: I want-- pa’no ba -- I want my old allowance.
FRANCISCO: (Jumping.) Gago! Gusto mo ibalik ko ang dating allowance mo? Nagtatrabaho ka at
sumusweldo ng otyenta pesos and ni singkong duling, wala kang maibigay samin sa pagtira
mo dito sa aking bahay. Tapos ngayon, hihingi ka pa ng allowance?
ROBERTING: Dad, kasi ganito. Marami akong gastusin kasi --
FRANCISCO: Magkano na ba naiipon mo sa bangko?
ROBERTING: How can I save anything?
FRANCISCO: Wala ka palang iniipon! Anu bang regalo binibigay mo dyan sa girlfriend mo? Kotse?
House and lot?
ROBERTING: (Embarrassed.) I -- er -- I--
FRANCISCO: Flowers? (ROBERTING nods.) Sais – siete pesos para dyan sa
bulaklak?(ROBERTING nods again.) Tarantado! Nung magnobyo pa lang kami ng nanay
mo, mani o balut lang binibigay ko dyan.
(DOÑA PETRA, about fifthy-five enters and catches his last words.)
PETRA: Oo, natatandaan ko yun, Daddy. Kung alam mo lang kung ano sinasabe ni Nay kapag
nagbibigay ka ng mga ganun. “Ka kuripot naman!”
FRANCISCO: Pero, Petra, ‘yang magaling mong anak ay kumikita na ng otyenta pesos. Ni hindi
nga s’ya nagbabayad ni sentimo para sa gastusin natin dito sa bahay, and on the top of that,
hinihingi pa n’ya ang old allowance n’ya. Where in the world have you seen such a thing?
PETRA: Aba, may alam akong lugar ako na ang mga anak ay nagtatrabaho, tapos hindi sila
magbibigay ng sweldo sa mga magulang nila. And still, they ask for allowance.
FRANCISCO: Saan?
PETRA: Sa Pilipinas.
FRANCISCO: Aba! Pinapakita mo ngayon ang pagiging illustrada mo, Petra.
PETRA: (To ROBERTING.) Nak, You’re not going to get any centavo from us.
ROBERTING: Pero, Mom --
PETRA: Kung wala kang pang-taxi, sumakay ka na lang ng jeep.
ROBERTING: Sasakay ng jeepney para bumisita sa isang babae, ay!
PETRA: (Imitating.) Ay ka d’yan.
(ROBERTING goes out, mumbling.)
PETRA: (Calling.) Francisco!
FRANCISCO: Ha?
PETRA: Engot! Yung katulong natin tinatawag ko.
FRANCISCO: Kasi naman, sa dinami dami pang tawag sa katulong, kapangalan pa ng may-ari ng
bahay.
PETRA: Paalisin ko na yang katulong natin. Nakabasag na naman ng pinggan mo.
FRANCISCO: Na naman? ‘Di ko alam ang dahilan kung bakit palagi na lang niya nababasag mga
pinggan ko. Hindi naman niya nababasag mga plato mo, o kay Roberting, even Nena’s.
Hindi. Alam ko na! Binabasag n’ya lang mga pinggan ko.
(FRANCISCO, the servant, enters. He is dark, tall, thin boy. He looks foolish and is. He has his
mouth open all the time.)
SERVANT: Opo, Señora.
PETRA: Ginawa mo na ba ‘yung sign na sinasabe ko?
SERVANT: Ahh. ‘Yun po ba yung sinasabi n’yong gawin ko?
PETRA: (Emphatically.) Malamang.
SERVANT: ‘Yun po ba ‘yung may nakasulat na: “Wanted a Muchaco”?
PETRA: (Irritated.) Oo, Don Francisco!
FRANCISCO: Ha?
PETRA: No, kausap ko ‘tong katulong natin. So, ano? Nagawa mo na ba?
SERVANT: Ahh. Nakalimutan ko po kasi kung pa’nu bibigkasin. Ngayon ko lang ‘din po naalala.
PETRA: Tanga! Hala, sige. Pumunta ka sa labas at gawin mo yan. (SERVANT goes out.)
FRANCISCO: Nasaan si Nena?
PETRA: Hayun, natutulog pa rin.
FRANCISCO: Sa ganitong oras? Mag aalas onse na na.
PETRA: Bayaan mo na, Linggo naman e.
FRANCISCO: Nakapagsimba na ba s’ya?
PETRA: Sa tingin ko, oo. Kaning alas kwatro ng umaga.
FRANCISCO: Kaya si Nena umuwe ng late galing party, tapos wala pang kasamang chaperon?
PETRA: Isa beses lang namang nangyare, Dad.
FRANCISCO: Haay. I hope nothing happened.
PETRA: Anu naman sa tingin mo pwedeng mangyare? Akala ko ba pinag-usapan na natin ‘to?
FRANCISCO: Oo, alam ko. Pero isipin mo. Isang dalagang Filipina pumunta sa isang party na
walang chaperon.
PETRA: Afterall, she didn’t just go out with Fred alone. Kasama naman niya yung mga kaibigan
niya, sila Lolita at Lurding.
FRANCISCO: Hay nako. Magmula nang dumating yang dalawang kaibigan nya from abroad,
they’ve been trying to teach our daughter all the wrong things they learned from those
places.
PETRA: Wrong things ka d’yan? Masyado kang exagge, Francisco.
(FRANCISCO, the servant, enters with a sign in his hands.)
PETRA: Tapos ka na agad d’yan? Bilis naman.
SERVANT: Natapos ko na po kagabi pa, Señora.
PETRA: Kagabe?
SERVANT: Opo, Señora. Hindi ko lang po natandaan kung saan ko ito nailagay.
PETRA: Istupido ‘tong taong ito. Akina’t makita ko.
(PETRA takes the sign, reads aloud.)
PETRA: Wanted: A Muchaco. All right, isabit mo ito sa labas ng bintana.
(The servant hangs it outside the window sill but with the sign facing inside.)
PETRA: Ang sabe ko: sa labas -- hindi sa loob!
FRANCISCO: Ay Francisco, kung bakit ko pa s’ya naging kapangalan. (The servant, after putting
the sign, stays by the window, making signs and faces to somebody outside.)
PETRA: As I was saying Francisco --
FRANCISCO: Ako ba kausap mo Petra? O ‘yung katulong?
PETRA: (Addressing the SERVANT.) Francisco! Ano pang ginagawa mo dyan? Bumalik ka na sa
kusina! (SERVANT goes out.)
FRANCISCO: You were saying, Petra --
PETRA: As I was saying, I think nagiging unfair ka na kay Nena. Afterall, she’s already grown up --
FRANCISCO: Petra, tandaan mo, virtue is ageless.
PETRA: Alam ko ‘yan, Francisco, pero ang pagsa-chaperon ay makaluma na atin ngayon.
FRANCISCO: Makaluma, pwede, pero sa ibang sibilisadong bansa --
PETRA: Hindi ba sibilisado ang Pilipinas?
FRANCISCO: In many ways, yes -- pero kung tutuusin mo, hindi sibilisado.
PETRA: Ay, Francisco. Kung narinig lang yan ni Saturnino Balagtas --
FRANCISCO: Saan mo nakuha ang ideya na ang first name ni Balagtas ay Saturnino. Baka
Francisco kamo.
PETRA: Saturnino -- Francisco -- pareho lang nagtatapos sa O.
FRANCISCO: Oo, kaya pala kapag tatawagin mo ako, Francisco Muchacho rushes in.
PETRA: Anyhow, kaya naman ng mga kababaihan natin na alagaan ang mga sarili nila.
FRANCISCO: Sigurado ka ba?
PETRA: Especially kung may natanggap silang edukasyon. Tulad ni Nena, nasa senior year na siya
sa Education sa USTE. She even took some courses in home economics.
FRANCISCO: I suppose that immunes her from any moral falls.
PETRA: Moral falls ka d’yan! Exagge ka masyado. What I’m telling is that Nena is better educated
and more enlightened to take care of herself.
FRANCISCO: (Annoyed.) Petra naman. You don’t see the point. Education, even sa university
education, with all the letters of the alphabet after a graduate’s name, is not a moral
education. Training the mind is not training the heart.
PETRA: But if the mind is trained, why, the heart will be ruled by the mind.
FRANCISCO: No, Petra. Kung ang isang tao ay intelektwal, it doesn’t ipso facto make him moral.
PETRA: Ipso facto? Ang lalim naman n’yan, Francisco.
FRANCISCO: Talagang malalim! Mahuhulog ‘yang dalaga natin sa malalim kung hindi mo
babantayan.
PETRA: (Exaggerately.) Ay, you’re so apprehensive, Francisco! (The SERVANT enters.)
SERVANT: Tawag n’yo po ako, Señora?
FRANCISCO: Hoy -- ikaw!
SERVANT: Opo, señorito.
FRANCISCO: Kasal ako sa Señor. Kaya wag mo akong tatawaging señorito. Señor! Intiendes?
SERVANT: Opo.
FRANCISCO: Teka. Papalitan ko ang pangalan mo. Magmula ngayon, Francis ang tawag naming
sa’yo.
SERVANT: Francis po?
FRANCIS: Oo, Francis. Maliwanag ba?
SERVANT: Bakit hindi na lang po Paquito, señor? O Paco o Fracisquito?
FRANCISCO: Dahil ayoko! Layas! (SERVANT goes out.)
PETRA: Tatawagin ko rin ba s’yang Francis?
FRANCISCO: From the time being at least. Hanggang umalis s’ya dito. Paaalisin mo rin naman
s’ya dito ‘di ba?
PETRA: Kaya nga inaasikaso ko na ang pag-alis n’ya eh. (ROBERTO comes in.)
ROBERTING: Dad, hindi ako makahanap ng taxi.
FRANCISCO: Ang sabe ng mommy mo ‘di ba ay mag-jeep na lang?
ROBERTING: Pero bibisita ako sa girlfriend ko eh. Naman.
FRANCISCO: Bibisita ka sa ganitong oras? Magtatanghaling tapat na ah.
ROBERTING: Tinawagan n’ya ako, Dad. Ang sabe n’ya ay pumunta agad ako sa kanila. Importante
daw.
FRANCISCO: Roberting, you went to the party last night ‘di ba?
ROBERTING: Yes, Dad. Kasama si Lia.
FRANCISCO: Pumunta ka ng party ng walang chaperon?
PETRA: Kelan ba ni Roberting ng chaperon?
FRANCISCO: Hindi kay Roberting. Ang pinag-uusapan ko dito ay tungkol sa babaeng kasama ng
anak mo.
PETRA: Hay nako. Kung mag-iinit lang ‘yang ulo mo, pupunta na lang muna ako ng kusina. (She
goes out.)
ROBERTING: Yes, Dad.
FRANCISCO: Anong yes?
ROBERTING: Sinama ko si Lia sa party nang mag-isa.
FRANCISCO: Kayo talagang mga kabataan ngayon. Alam mo ba nung nililigawan ko yang Nanay
mo, andun ang pamilya n’ya kasama naming sa sala – nanay, tatay, tatlo nyang ate, bunso
nilang lalake, lola n’ya, limang pinsan n’ya at dalawang malayong kamag-anak.
ROBERTING: Bakit andame, Dad?
FRANCISCO: Kasi nung panahon naming, inaalagaan ang reputasyon ng mga kababaihan.
ROBERTING: Pero Dad, nung panahon n’yo --
FRANCISCO: Huwag mong sabihing nung panahon naming ay kakaiba. Pwedeng magbago kung
pa’no kami manamit sa aming kasuotan. However, the human heart remains the same.
ROBERTING: But in other countries, Dad --
FRANCISCO: There you go, in other countries. Iba ang Pilipinas, anak. Our climate, our tradition,
our innate psychology -- all these make our people different from foreigners.
ROBERTING: Pero si Lia ay nakapag-aral sa abroad --
FRANCISCO: Filipina girls who have studied abroad acquire the outward customs and mannerisms
of people with traditions and temperament different from us. But a Filipina girl can’t easily
change her temperament. It is inborn. (A knock is heard.)
FRANCISCO: May tao sa labas. Francisco -- Francis!
ROBERTING: Sino si Francis?
FRANCISCO: ‘Yung katulong natin. Binigyan ko s’ya ng bagong layaw. (Calling again.) Paquito! (No
answer.) Francisquito!
(The SERVANT appears. FRACISCO stares at him.)
SERVANT: Yes, Señorito.
FRANCISCO: Hindi, hindi. Ang aking anak na si Rberting ang señorito. Ako ang señor. Tignan mo
kung sino ang tao sa labas. Paupuin mo.
(SERVANT goes out. ROBERTING and FRANCISCO go to their rooms. Presently SERVANT comes
in, followed by PABLO. He is fat, dark fellow. He is all dressed up; wears a tie and everything. He
smokes a cigar. PABLO and the SERVANT stare at each other, the SERVANT open-mouthed as
usual.)
SERVANT: Anong kailangan mo?
PABLO: Kung ano ang gusto ko. Haven’t you got any manners?
SERVANT: Ang sabe ko, kanino ka makikipagkita?
PABLO: Bakit ayaw mo ako kausapin ng maliwanag?
SERVANT: Anu gusto mong ipasabe sa may-ari ng bahay?
PABLO: Sino ang may-ari nitong bahay?
SERVANT: The señora, of course.
PABLO: Bakit? Biyuda na ba?
SERVANT: Hindi pa.
PABLO: Sabihin mo sa señora mo na gusto ko s’yang Makita.
SERVANT: Sino sa mga señora?
PABLO: Ilan ba ang mga señora nakatira dito?
SERVANT: Andito si señora Petra, si señorita Nena --
PABLO: Gago! Tawagin mo si señora Petra.
SERVANT: Opo. Maupo muna kayo. Heto po ang sigarilyo. (SERVANT goes out. PABLO, looking
about, gets one cigar -- then a second -- when about to get the third, PETRA comes in.)
PETRA: Yes?
PABLO: Good morning.
PETRA: Good morning din. Have a sit. (PABLO does so.)
PABLO: Nakita ko po ‘yung sign nyo sa bintana.
PETRA: Oo?
PABLO: Nakasulat kasi: Wanted: A Muchacho.
PETRA: Aba, oo. Are you by chance a detective?
PABLO: (Giggling.) You flatter me, señora. Minsan na ring akong tinawag ng isang babae na gwapo
ako.
PETRA: Really? That is very interesting.
PABLO: Women sometimes tell the sweetest lies.
PETRA: Ah. Ok lang ba sa’yo kung --
PABLO: Oo naman. Sige lang po. Magtanong pa po ka’yo.
PETRA: Pwede ko bang tanungin kung anung kelangan mo?
PABLO: (Blushing.) Gusto ko sanang mag-apply.
PETRA: Mag-apply para saan?
PABLO: (After mustering enough courage.) Mag-aaply sana ako para sa trabaho.
PETRA: Anong trabaho?
PABLO: (Pointing at the sign outside, significantly.) ‘Yun.
PETRA: (Looking towards the sign and at PABLO. Unconvinced.) You mean --
PABLO: (Joyfully.) Yes. I’m offering my services,
PETRA: You mean -- gusto mong maging muchacho?
PABLO: I wish you wouldn’t be so insulting, señora. Pero gusto kong maging katulad nung nasa
Europa ako bilang mayordomo.
PETRA: Ano? Mayor --
PABLO: A mayordomo. You know --
PETRA: Oh. You mean --
PABLO: Oo, ‘yun ang ibig sabihin ko.
PETRA: (After giving him a dirty look.) Well, for a minute akala ko isa kang hacendero o isa sa mga
technical advisers ng Malacañang.
PABLO: Oo. Hindi talaga ako mukhang muchacho -- er -- mayordomo. Palaging sinasabe ng nanay
ko na may halaga ako sa isang bagay. (Cupping his hand towards PETRA’s ears.) Sa totoo
lang, gusto akong ipakasal ng nanay ko sa anak ng presidente.
PETRA: Anak ng president: You mean the president of the Philippines?
PABLO: Oo naman. Bakit hindi. May mali ba ‘dun?
PETRA: Tapos gusto mong magtrabaho dito bilang -- er -- mayordomo.
PABLO: Tumpak.
PETRA: Ano bang kaya mo?
PABLO: Kaya kong magbantay ng bahay n’yo habang wala ka’yo. Pwede ko ring samahan ‘yung
mga bata, kung meron ka’yo, sa mga sinehan o sa mga party.
PETRA: Ano pang kaya mo?
PABLO: Marami akong kayang gawin. Kaya ko ring kumanta.
PETRA: Nevermind your social accomplishments. Anong pangalan mo?
PABLO: Marcelino ako nung binautistahan ako, pero tinatawag ako ng nanay ko na Pablo kasi
naaalala n’ya sa akin ‘yung kapatid n’yang nasa bilangguan ng dalawang taon. Pero Paul
ang tawag sa akin ng mga kaibigan ko.
PETRA: Bente pesos ang ibabayad ko sa’yo, kasama na ang pagkain at pagtira mo dito.
PABLO: (Jumping.) I’ll take the job!
(PETRA stands up and looks at him unfeelingly.)
PETRA: Good. Pwede mo nang simulang maghugas ng pinggan sa kusina.
PABLO: Maghugas? Pero oras na para mananghalian. Hindi pa ba nahuhugasan ang pinagkainan
n’yo nung almusal?
PETRA: Hindi dahil ‘yung katulong naming si Francisco ay palaging nakakabasag ng pinggan. Kaya
sinabihan ko s’ya, pagkatapos ng almusal, na ‘wag na n’yang hugasan.
PABLO: Sana pala dumating na lang ako pagkatapos nang hugasan ang mga pinggan.
PETRA: Sige, kausapin mo si Francisco sa mga gagawin mo.
(PETRA goes out. PABLO lights a cigar and throughout the following scene drops the ashes
everywhere. FRANCISCO enters.)
FRANCISCO: Oh, good morning. Ga’no ka na katagal naghihintay dito?
PABLO: (Staring at him rudely.) Hindi, kakausap ko lang sa señora.
FRANCISCO: Ah. Bakit ayaw mong maupo.
PABLO: Uupo ako. (And PABLO sprawls Cleopatra-like on the sofa.)
FRANCISCO: Nandito ka ba para sa isang business?
PABLO: Business? Ah. Parang ganun na rin.
FRANCISCO: Mabuti naman.
PABLO: Ah. Maganda ‘yang suot suot mong nightgown.
FRANCISCO: Nagustuhan mo ba?
PABLO: Talagang bibili ako na katulad ng ganyan.
FRANCISCO: Salamat. Imitation, sabe nga nila, is the sublest form of flattery.
PABLO: Pero syempre mas mahal ‘yung bibilhin ko.
FRANCISCO: Without a doubt.You must be a man of means.
PABLO: Of means? Well, sort of – Hmm, bakit kaya antagal ni Francisco.
FRANCISCO: Francisco? Ako si Francisco.
PABLO: (Laughing.) ‘Di nga? Ikaw si Francisco?
FRANCISCO: Oo. Ako nga.
PABLO: Well, kung kaya talaga si Francisco, sinabihan ako ni señora na tanungin sa’yo kung ano
ang mga gagawin ko.
FRANCISCO: Mga gagawin? Anung klaseng mga gagawin?
PABLO: Sa tingin ko ang ibig n’ya sa mga gagawin sa paghuhugas ng mga plato ang iba pang mga
bagay.
FRANCISCO: (Puzzled.) Maghuhugas ng mga plato? Iba pang mga bagay? Anong ibig sabihin
mo?
PABLO: Hindi ka ba ang katulong dito?
FRANCISCO: (Shocked.) Katulong! Ako ang may-ari ng bahay na ito!
PABLO: (Jumping.) May-ari ng bahay! Pasensya na po. (Gliding away.) Dito po ang daan
patungong kusina, ‘di ba? (He runs out to the kitchen.)
FRANCISCO: Petra! Petra! (PETRA appears.)
PETRA: Ano ‘yun?
FRANCISCO: Kumuha ka ba ng bagong katulong?
PETRA: Oo.
FRANCISCO: Sinabe mo ba sa kanya na tanungin si Francisco ng mga dapat gagawin?
PETRA: Oo. Sinabihan ko s’ya. Hindi ba sinabe sa’yo ni Francisco?
FRANCISCO: Akala n’ya ako si Francisco!
PETRA: Pa’no nangyare ‘yun?
FRANCISCO: Sinabe ko na kasi sa’yo na tawagin mo ‘yung katulong natin na Francis o Paquito!
PETRA: Ay, nakakalimutan ko. ‘Di bale. Paaalisin ko na s’ya dito bukas. Meron na tayong bago.
FRANCISCO: Eto bang kinuha mo -- katulong ba ‘yan?
PETRA: Well, not exactly.
FRANCISCO: Hindi mo alam?
PETRA: Kasi ganito ‘yan. Mayordomo s’ya.
FRANCISCO: Mayordomo? Ibig sabihin galing s’ya sa estado mayor?
PETRA: Oo, mayordomo. Alam mo -- ‘yun ang tawag sa kanya ng mga katulong ‘nung nasa Europa
pa s’ya.
FRANCISCO: Alam mo, kung hindi ka mag-iingat, ‘yang mayordomo ang mapagkakamalang may-
ari nitong bahay! (Fuming, Francisco goes out.)
PETRA: Pablo! Pablo! (She waits but no answer.) Francis! Paquito! Paco! Francisquito! (PABLO
appears, still wearing shirt and tie and smoking a cigar.)
PABLO: Opo, señora.
PETRA: Nasaan si Francis?
PABLO: Francis? Oh, yung muchacho n’yo ba kamo?
PETRA: Kapangalan kasi ng asawa ko ang katulong naming. Parehong Francisco. Francis na lang
ang pinangalan namin sa kanya. Huwag ka na ulit magkakamali d’yan.
PABLO: Opo, señora.
PETRA: Bakit hindi ka pa nagsisimulang magtrabaho?
PABLO: Nagsisimula na ako, señora.
PETRA: Nagtatrabaho ng naka-t-shirt tapos naka-tie pa. At nagagawa mo pang manigarilyo?
PABLO: Kasi ganito ‘yun, señora. Dito sa Pilipinas, camiseta ang suot ng mga katulong. Ang panget
ng ganun. Kaya nagsusuot ako ng t-shirt na may tie. Ayokong matawag lang ako bilang
katulong kundi bilang mayordomo.
PETRA: Kailangan mo pa talagang manigarilyo?
PABLO: Naging habit ko na po ito, señora. Ang lolo ko, na mayordomo sa isang cabeza de
barangay, ay naninigarilyo rin nung nagtatrabaho pa s’ya.
PETRA: Wala akong pakialam sa lolo mo! Ayokong may naninigarilyo dito sa loob ng pamamahay
ko! Maliwanag ba?
PABLO: Opo, señora.
PETRA: Bumalik ka na sa kusina at tapusin mo na ang paghuhugas ng mga pinggan.
(PABLO goes out. PETRA arranges the chairs. NENA comes in. NENA is about eighteen, and she’s
wearing a nice-looking pair of slacks. She obviously has just risen from bed for she keeps yawning
awfully.)
NENA: Na’san na ang dyaryo?
PETRA: Oh, gising ka nap ala. Kamusta ang party kagabe?
NENA: (Sitting on sofa.) Ayo slang. Mommy, nasan na ‘yung dyaryo?
PETRA: Hihanap din ng kuya mo. (FRANCISCO enters.)
FRANCISCO: Oh, gising ka na rin sa wakas. Nakapag-almusal ka na ba?
PETRA: Mag-aalmusal pa? Kitang mong tanghali na.
FRANCISCO: Kamusta ang party?
NENA: Okay lang. (FRANCISCO looks for some cigars on the table.)
FRANCISCO: Aba! Na’san na mga sigarilyo ko dito, Petra?
PETRA: Bakit, meron pang anim d’yan kaninang umaga ah.
FRANCISCO: Kalahating dosena? Isa pa lang nagagamit ko.
PETRA: Nakapagtataka naman.
FRANCISCO: Talagang nakapagtataka.
NENA: (Standing and yawning.) Inaantok pa ‘ko.
FRANCISCO: Teka, Nena, maupo ka nga muna.
NENA: Bakit, Dad?
FRANCISCO: So, pumunta ka sa party kagabe nang mag-isa?
PETRA: Eto namang si Francisco! Kakasabe ko lang na kasama n’ya si Fred.
FRANCISCO: Anyhow, eto na ang una’t huling makikita ko na pupunta ka sa party na walang
chaperon.
NENA: Wala namang problema, Dad. Afterall, I’m an educated girl.
(NENA yawns so desperately that she looks like an acrobat. PETRA and FRANCISCO stare at each
other.)
PETRA: Oo, Francisco. Kaya naman n’ya ang sarili n’ya. Can’t you see she’s educated?
(FRANCISCO gulps and wonders if his wife is crazy. ROBERTING enters.)
ROBERTING: (To NENA.) Oh, gising ka na pala. Kamusta ang party kagabe?
NENA: Ayo slang.
FRANCISCO: Bakit andito ka pa?
ROBERTING: Wala akong makitang taxi. Walang pera e.
FRANCISCO: ‘Di ba sinabe ko sa’yo na mag-jeep ka na lang?
ROBERTING: Anyhow, makikita ko naman s’ya mamayang hapon. Nakita ko nga pala ‘yung nanay
ni Fred kani-kanina lang.
NENA: Nanay ni Fred?
ROBERTING: Malapit dun sa terminal ng mga taxi.
PETRA: Anong ginagawa mo ‘dun sa terminal ng taxi?
FRANCISCO: Para siguro mangutang ng pan-taxi, siguro.
PETRA: Nakakuha ka?
ROBERTING: Nakakuha ng?
FRANCISCO: Ng taxi?
ROBERTING: Hindi. Anyhow, ‘yung nanay ni Fred --
NENA: Anong meron sa kanya?
ROBERTING: Sinabe n’ya sa akin na pupunta s’ya dito.
PETRA: Para naman san?
ROBERTING: Hindi niya sa akin sinabe, eh.
FRANCISCO: Nanay ni Fred? You mean ‘lalaking kasama ni Nena kagabe sa party?
ROBERTING: Yes, Dad.
NENA: Sinabe n’ya ba kung bakit s’ya pupunta?
ROBERTING: Hindi. Parang galit ata s’ya sa akin. Feeling ko nga galit din sa’yo ‘yun, Dad.
FRANCISCO: Sa akin?
ROBERTING: (Imitating Dolore’s voice.) Sinabe n’ya sa akin, “Sabihin mo sa Kiko na ‘yan na
pupunta ako sa inyo mamaya.”
FRANCISCO: Tinawag n’ya akong Kiko?
ROBERTING: Yes, Dad.
FRANCISCO: Hindi man lang n’ya ako tinawag na Don Kiko?
ROBERTING: Hindi. Sinabe n’ya lang Kiko.
FRANCISCO: Aba! (PABLO’s head is seen sticking out by the door.)
PABLO: (Shouting at the top of his lungs.) Nakahanda na ang hapunan!
FRANCISCO: Hoy! ‘Wag mo akong sigawan ng ganyan! (PABLO vanishes out.)
ROBERTING: Sino sya, Mommy?
PETRA: Ang bagong mayordomo.
ROBERTING: Ano? Mayor?
PETRA: S’ya ang bagong katulong.
(They all go out. But NENA remains for a while, and there’s an expression of worry in her face. Then
she exits. PABLO and the SERVANT come in.)
SERVANT: Hoy!
PABLO: Hoy hoy ka d’yan? Pablo ang pangalan ko. Tawagin mo na lang akong Paul.
SERVANT: Tawagin mo na lang akong Francisco. Francis ang tawag sa akin ni señor, pero mas
gusto ko ang Paquito. Minsan din, tinawag ‘din akong Frankie.
PABLO: Anong kelangan mo, Sinatra?
SERVANT: Kelangan ka ni señora sa hapagkainan.
PABLO: Para ‘san?
SERVANT: Para maghatid ng mga kakainin.
PABLO: Aba! Trabaho mo ‘yan! Hindi ako muchaco. Mayordomo ako!
SERVANT: Hindi mo nakita sa sign kanina kung anong nakalagay? Sabe dun: Wanted: A
muchacho.
PABLO: Oo. Bakit?
SERVANT: ‘Di muchacho ka rin tulad ko.
PABLO: (Threatening him with his fist.) Gusto mong ipaintindi ko sa’yo na hindi ako muchacho?
SERVANT: Ha? Mukha ka pa ring muchacho sa paningin ko.
PABLO: (Threatening him with the cigar he holds.) ‘Wag mong hayaang marinig ko pa uli ‘yan
sa’yo.
SERVANT: Suplado! (PETRA enters.)
PETRA: Ano pang ginagawa n’yong dalawa dito? Alam n’yo bang kumakain na kame?
(PABLO and SERVANT go out. Presently, Nena comes in, and goes to the window. She sees
somebody coming, and runs out. Several knocks are heard. PABLO is seen crossing the corridor.
Then PABLO enters first, trying to cover his face, followed by DOÑA Dolores, an arrogant woman of
forty, wearing a Filipiniana dress and sporting more jewels than pawnshop. Her twenty-year old son
Fred follows her. FRED is so dumb and so dumb-looking nobody would believe it. Not even Ripley
himself. PABLO is still trying to hide his face.)
DOLORES: (Fanning herself vigorously.) Nasan si Doña Petra.
PABLO: Kumakain po. Maupo muna ka’yo.
DOLORES: Tawagin mo ang señora mo. And mind your own business! (Recognizing him.) Che!
Ikaw pala ‘yan. Ikaw – ikaw. Nagtatrabaho dito? Magkano kinikita mo?
PABLO: (Rudely.) Bakit?
DOLORES: Matapos ka naming alagaan ng maayos sa bahay bilang muchacho, magtatrabaho ka
dito nang wala man lang sinasabe sa amin na aalis ka na.
PABLO: (With hands akimbo.) Hindi ako muchacho! Ako ay isang mayordomo!
DOLORES: Mayordomo ka d’yan! Gago! (PETRA and FRANCISCO enter.)
PETRA: Pwede ka nang umalis, Paul.
DOLORES: Paul? (PABLO leaves.) Tinawag mo s’yang Paul?
PETRA: Good afternoon.
FRANCISCO: Gusto mo raw ako Makita?
DOLORES: Oo! Ikaw at si Petra!
PETRA: Umupo ka nga muna.
DOLORES: Mas gusto ko ang nakatayo!
FRANCISCO: So, this is your son -- I imagine.
DOLORES: Don’t imagine. Anak ko s’ya.
PETRA: Ah, anak mo pala s’ya.
DOLORES: E ano ngayon sa’yo?
FRANCISCO: I was just thinking. Hindi kasi ka’yo magkamukha.
DOLORES: Malamang hinde! Kamukha s’ya ng una kong asawa.
PETRA: Maupo ka na muna.
DOLORES: Gusto mo bang sabihin sa akin na wala akong upuan sa pamamahay ko? Che!
FRANCISCO: What can we do for you?
DOLORES: Tanungin mo ang anak ko. (Pointing at FRED.)
PETRA: What is it, Fred?
FRANCISCO: Aba’y magsalita ka!
DOLORES: So you and your daughter Nena have designs on my son, eh? Well, you won’t hook
him.
PETRA: Huh? Anong pinagsasabe mo?
FRANCISCO: Call Nena. (Aloud.) Nena! Nena! (ROBERTING appears.) Roberting, tawagin mo si
Nena. (ROBERTING goes out.)
FRANCISCO: If you don’t mind. Uupo lang muna ako.
PETRA: Uupo din ako. Pagod na din ako kakatayo. (FRED tries to sit down too, but his mother
yanks him out of the chair. NENA, wearing sports dress, comes in, followed by
ROBERTING.)
FRANCISCO: Nena, gusto kang kausapin ng taong ito.
DOLORES: (Bumping FRED.) Sabihin mo sa kanya.
FRED: Sabihin ang ano?
PETRA: Kung ano ‘yung misteryong nangyare.
DOLORES: (Worryingly.) Etong anak ko -- at yang dalaga n’yo.
FRANCISCO: Pumunta sila kagabe sa party, ‘di ba?
DOLORES: Oo, alam kong pumunta sila sa party. Pero paano sila nakaalis?
FRANCISCO: ‘Di ba may kotse ‘yang anak mo? Maybe they went in his car.
DOLORES: Oo, may kotse ang anak ko. Pero hindi ‘yun ang point ko.
FRANCISCO: So ano nga ang point mo?
DOLORES: ‘Yun nga ang gusto kong malaman e.
PETRA: Nena, ano bang nangyare?
NENA:Nangyare?
DOLORES: Oo! Kagabe!
NENA: Kagabe?
DOLORES: Oo! I’m asking you!
NENA: Anong nangyare?
DOLORES: Oo nga sabe e.
PETRA: Anung nangyare, Nena?
NENA: Huh? Walang nagyare, Mommy.
PETRA: Wala?
NENA: Wala, Mommy.
DOLORES: Anong wala? Isang dalaga pupunta sa party na walang kasamang chaperon, tapos
walang nangyare?
PETRA: Ano ba kasi ang totoong nangyare, anak?
NENA: (Approaching DOLORES and fairly screaming at her.) Wala ngang nangayare, Mommy! At
alam n’yo ‘yun.
DOLORES: Che! ‘Wag mo akong sigawan!
FRED: ‘Wag mong kausapin ng ganyan ang nanay ko, Nena!
NENA: (Approaching FRED.) Bobo! Sanggano! Tatayo ka lang dyan na parang estatwa!
FRED: Estatwa? Anung estatwa?
NENA: Estatwa ng kabobohan! Bobo!
FRED: Estupida!
ROBERTING: (Approaching FRED and holding him by the neck.) Hoy! ‘Wag mong tatawagin ng
ganyan ang kapatid ko a.
FRED: S’ya naman ang nagsimula e.
PETRA: Approaching DOLORES.) ‘Yang anak mo. Dinala n’ya ang anak ko sa party kagabe.
DOLORES: Bakit mo hinayaang umalis ang anak mo nang nag-iisa?
FRED: Nena insisted there was nothing wrong. Pero ang alam ko, male ‘yun.
DOLORES: Shut up, Fred!
FRED: Bakit, Mama? (DOLORES pushes her son hard.)
DOLORES: (To PETRA.) Bakit mo hinayaan ‘yang anak mo na umalis ng bahay nang mag-isa
kasama ng respetado kong anak?
NENA: Anong karespe-respetado d’yan sa anak n’yo? (DOLORES gives her a poisonous look.)
DOLORES: Maraming tao ang nakakita sa kanila na walang kasamang chaperon. Oo! Walang
kasamang chaperon! Imagine -- imagine a girl na nasa party nang mag-isa.
FRANCISCO: (Advancing.) Kasama naman ng anak ko si Fred, hindi ba?
DOLORES: Unfortunately.
FRANCISCO: So, kung kasama ng anak ang anak mo, anung problema ‘dun?
DOLORES: Pero pinag-uusapan sila ng maraming tao kagabe.
PETRA: Pero ano bang nangyare?
DOLORES: (To Fred.) Ano nga bang nangyare, anak?
FRED: (Tearfully.) Wala nga kasi, Mama.
DOLORES: Isipin mo! Something might have happened.
FRED: Wala! Wala! Wala! (DOLORES notices that the group’s hostile eyes are fastened on her.)
DOLORES: (Pinching FRED but hard.) Torpe!
FRED: (Twisting with pain.) Aray!
DOLORES: Ikaw -- ikaw kang bata ka! Bakit hindi mo sa akin sinabe na wala namang nangyare?
FRED: Gusto ko ngang sabihin sa inyo kaninang umaga, but you didn’t gave me a chance to
explain. (Embarrassed, DOLORES tries hard to regain her dignity.)
DOLORES: Well! It isn’t what happened. It is what might have happened.
FRANCISCO: (Approaching DOLORES.) You mean to tell me na pumunta ka lang dito para mag-
iskandalo. Wala namang nangyare, ‘di ba?
DOLORES: Well, hindi ako magiging sigurado about absolutely nothing! Besides, kailangan kong
pangalagaan ang dignidad ng anak ko.
FRANCISCO: ‘Yang anak mo! Tanga ‘yang anak mo.
FRED: Ano?
DOLORES: Tanga ang anak ko!
FRANCISCO: Oo! Kasing tanga mo!
DOLORES: Ako?
PETRA: Oo!
FRED: (Approaching Nena.) Kasalanan mo ang lahat ng ito.
NENA: Anong kasalanan ko? Bobo!
FRED: Masasampal na kita! Kung hindi lang ako gentleman.
ROBERTING: Ikaw ang masasampal ko! Sige ka!
DOLORES: (To Roberting.) Don’t you dare touch my son! Che!
NENA: (To Dolores.) Pupunta punta ‘yang anak mo dito, wala namang nangyare.
(NENA grunts so savagely that DOLORES retreats in terror.)
DOLORES: Sa susunod, ‘wag n’yong pabayaang makalabas ‘yang anak nyo sa party.
Pinagtsitsismisan ng mga tao yang anak mo at anak ko!
FRANCISCO: Mind your own business! (Raising his fist upon her head.) Sabihin mo d’yan sa anak
na tigilan nang maging tanga!
DOLORES: Che! I never saw such people, che!
FRANCISCO: Umalis na kayo sa pamamahay ko bago ko pa tawagin ang mga pulis!
FRED: Nay! Mga pulis! Nay!
DOLORES: Oo! Aalis na tayo.
PETRA: Paul! Paul!
FRANCISCO: Sino si Paul, Petra?
(PABLO appears.)
PETRA: Paul, pakisamahan nga ‘tong mga taong ito papalabas ng gate.
DOLORES: Che! Nilandi nyo lang ang muchacho ko para magtrabaho sa inyo.
PABLO: (Touching DOLORES on the shoulder.) Hoy! Hindi ako muchacho! Mayordomo ako! At
saka bente pesos ang natatanggap ko dito. Kesa sa tres pesos na kinikita ko sa inyo.
DOLORES: Bente peso kada buwan? San naman sila makakakuha ng ganung kalaki?
PETRA: Cabeza ka lang!
DOLORES: Che! Che!
PETRA: Can you imagine. Mga bastos!
FRANCISCO: ‘Yan na nga ba ang sinasabe ko sa’yo e. ‘Yan ang inabot ni Nena dahil walang
chaperon.
PETRA: Pa’no mo nalaman na mag-iiskandalo ng ganito si Dolores? Ha?
ROBERTING: Gusto mo baliin ko yung leeg ng Fred na ‘yan?
FRANCISCO: Ginawa mo na sana kanina pa nung dumating.
(NENA has sat on the sofa and begins to cry.)
PETRA: Nak, ‘Wag ka nang umiyak. Tapos na naman e.
NENA: Mag-iiskandalo ng walang dahilan? Ang totoo kasi, inaway ko si Fred nung nasa party
kame, at iniwan ko s’ya.
PETRA: Iniwan mo sya? San ka nagpunta?
NENA: Pumunta ako kina Lurding at Lolita. Gusto kasi nung nanay ni Fred ako para sa kanya. Kaya
ganun. Sinabe n’ya --
FRANCISCO: Ay, jusko. Magsilbing aral sana sa’yo ang mga nangyare ngayon.
(They all stare at her and at each other. NENA can’t help but giggle.)
PETRA: Tapusin mo nang kumain, Roberting.
FRANCISCO: Haynako, Roberting. I hope nothing happened with you last night.
ROBERTING: Last night?
FRANCISCO: ‘Di ba kasama mo si Lia kagabbe?
ROBERTING: Opo. Pero wala namang nangyare. I think.
PETRA: You think ka d’yan! (PABLO comes in, smoking a cigar.)
PABLO: Naihatid ko na po sila sa labas, señora. Ano na po ang gagawin ko?
PETRA: Simulan mo nang maghugas ng mga hinapagkainan.
PABLO: Ha? (He is about to go.)
FRANCISCO: Hoy! San mo nakuha ‘yang sigarilyo na ‘yan?
PABLO: Ha? Er -- Bakit? May nagbigay sa akin e.
FRANCISCO: Ha? Sino?
PABLO: Si Francis, señor.
FRANCISCO: Ha! Ikaw pala ang gumagamit ng mga sigarilyo ko. Lumayas ka dito! (He makes a
gesture of kicking PABLO, but the latter runs outside the street. The SERVANT is seen
coming in from the corridor. He disappears and comes back with a coat which he throws out
of the window.)
SERVANT: Hoy, ‘yung coat mo!
PETRA: Bumalik ka ng kusina, Francis!
SERVANT: Ako pa rin po ba nag katulong dito, señora?
PETRA: Oo. Ikaw na muna siguro ngayon.
SERVANT: Hindi na po ako maglalagay ng sign Wanted: A Muchacho?
FRANCISCO: Palitan mo! Gawin mong Wanted: A Chaperon.
PETRA: Wanted a chaperon?
FRANCISCO: Oo! Para sa anak nating si Nena.
PETRA: What a shame! Ako na lang ang magsa-chaperon sa anak mo. (She stares out the window.
Slowly she sees somebody coming.) Roberting! Roberting! (Roberting appears.)
ROBERTING: Anu ‘yun, Nay?
PETRA: (Pointing outside.) ‘Di ba girlfriend mong si Lia ‘yun?
ROBERTING: Aba, opo.
PETRA: At sino naman yung matandang kasama niya?
ROBERTING: (Swallowing.) Siya -- siya ‘yung tatay ni Lia!
PETRA: Ay! She’s carrying something!
ROBERTING: Ay! Oo nga! May dala s’yang baril! (Running out.) Pakisabe umalis ako!
FRANCISCO: Ay, Petra! Kelangan natin ng dalawang chaperons! (PETRA stares at him.)

You might also like