You are on page 1of 2

ISANG PAGSUSURING BASA 1. PANIMULA 1.

.1 Pamagat at kahulugan nito ANG HUNSOY Ang hunsoy ay isang sigarilyo na mataba at hindi nauubos dahil ang lalagyan ay isang bakal na lagyan lang nang tabako ngunit ang kay Malta ay nilalaro niya sa kanyang bibig ang hunsoy na wala namang laman kundi abo. 1.2. MAY-AKDA MARCEL M. NAVARRA 1.3. MGA TAUHAN AT GINAMPANANG PAPEL: Tura at talino- mga anak ni Malta at Imok Malta- asawa ni Imok na maaalahanin sa kanyang asawa at sa dalawa niyang mga anak na palaging naglalaro ng hunsoy na wala namang laman ngunit abo. Imok- asawa ni Malta na tagahatid ng mga pagkain sa mga sundalong nagbabantay sa kanilang baryo. Pitong sundalo- nagbabantay sa lipata. Sepa- asawa ni Teroy na hiniraman ng bigas ni Malta. Teroy- asawa ni Sepa at kababantay na kasama ng mga sundalo tuwing martes. 1.4. Pangunahing kaisipan Gaano man kahirap ang buhay mas mabuti nang magbigay kaysa tumanggap. 1.5. Mga sanhi at bunga na nakilala sa teksto.

Sanhi 1. Si Teroy ay kababantay na kasama ng mga sundalo tuwing martes. 2. Biglang pagputok ng baril. 3. Buhat ng napasadsad ang lantsa ng Hapon sa Lipata 4. Isang taong may malaking parte sa bukid sa Bas ay magpapadala ng tatlong salop ng bigas linggolinggo.

Bunga
1. Palagi nalang dumaing sa

hapdi nang kanyang tiyan. 2. Nagulat si Malta. 3. Napilitan ang mga sakang na tumigil muna . 4. Nalunasan na ang problema nila sa sarhento

II. PAGPAPAHALAGA SA NILALAMAN 2.1. Kalagayang sosyal at Pangkabuhayan Mahirap lang ang pamumuhay nila Malta at Imok at ang kanyang dalawang anak na sina Tura at Talino. Subalit nagawa parin ni Malta na magpapakain sa mga sundalo kahit na walang-wala sila dahil sa tulong ni Sepa, nagpahiram siya ng bigas kay Malta at ibininta rin ni Malta ang dalawang manok para makabayad at makabili ng masasarap na pagkain. 2.2. Kulturang Pilipino Ang mga kaugaliang Pilipino sa kwento ay ang maaalahanin at matulungin na ginamit ni Malta kahit na mahirap lang sila. a. Maalalahanin- Si Malta ang matindi niyang pag alala ay hindi dahil sa kanyang sarili kundi sa kanyang asawa o maging sa dalawa niyang anak. b. Matulungin- kahit na walang-walang si Malta ay nanghiram sya ng bigas para lang makatulong at makapakain sa mga sundalo na nagbabantay sa kanilang lugar. 2.3. Pilosopiyang Pilipino May kasabihan tayo na higit na mabuti ang magbigay kaysa tumanggap dahil sa kwentong ang hunsoy minabuti ni Malta na magbigay sa mga sundalo kahit walang-wala sila at mahirap lang. 2.4. Simbolismo Ang hunsoy ay simbolo ng kahirapan sa buhay dahil sa kwento sa halip na tabako na ilagay sa hunsoy, ang nilagay ni Malta ay abo at ang hunsoy din ang nagmulat sa kanya sa kahirapan ng buhay nong naghatid siya ng rasyon sa mga sundalo. III. IMPLIKASYON 3.1. Kalagayang Panlipunan Kung mababasa nang nakakarami ang hunsoy na kwento makakakuha sila ng aral at malalaman nila kung gaano kahirap ang tinamasa ng mga tauhan sa kweto at mapupulutan ng aral ana kahit mahirap ay nakatutulong kahit sa simpleng paraan.

You might also like