You are on page 1of 1

MAYO 31 - "WORLD NO-TOBACCO DAY'

Sa apat na dekada na ang nakararaan, nang nagaluntang ang mundo


sa isang balitang pang mediko sa posibleng panganib sa kalusugan ng
tabako. Mula noon, napatunayan na ang tabako ay isang panganib na may
kinalaman sa may 25 na sakit kabilang na ang kanser, sakit sa puso, atake,
at peptic ulcer.

Walang alinlangan na alam na natin ngayon na ang paggamit ng


tabako ay naging dahilan - at patuloy na nagiging dahilan - ng kamatayan at
sakit sa malawakang antas. Sa mga papaunlad na bansa lamang, ang
mapanganib na mga epekto ng tabako ay dahilan ng kamatayan ng hindi
kukulangin sa 60 milyong tao bawat taon. Kung magpapatuloy ito sa 2020,
ang bilang ng kamatayang ito ay aabot sa 10 milyon bawat taon. Karamihan
sa mga kamatayang ito ay nagaganap sa mga papaunlad na bansa na ang
48 bahagdan ng kalalakihan at 7 bahagdan ng kababaihan ay naninigarilyo.

Ang paggamit ng tabako ay nakarating na sa nakatatakot na


proporsyon at walang sinumang tao, organisasyon o gobyerno ang
makapipigil sa panganib na ito nang nag-iisa. Alam ang bagay na ito ng
World Health Organization (WHO), ilang taon na ang nakalipas ng idineklara
ang Mayo 31 ng bawat taon bilang World No-Tobacco Day. Ito ang paraan ng
WHO sa panawagan ng lahat ng kasaping bansa na himukin ang mga
gumagamit ng tabako na sa isang araw man lamang ay huwag manigarilyo
o yumigil na para sa kanyang kabutihan.

"Itigil na paninigarilyo simula ngayon".Iyan ang layunin ng World No-


Tobacco Day.

You might also like