You are on page 1of 9

Summer Love Copyright 2012 damselinvain. All rights reserved. "Kys tara pasyal tayooo.

." Sya si Gelo, ang ultimate crush ng bayan slash bestfriend ko. Palage kameng magk asama nyan, kahit san sya magpunta sinasama nya ako at ganun din naman ako sa kanya. "Ayoko Gelo. Tinatamad akong lumabas ng bahay. May heat wave ngayon kaya dito na lang ako sa bahay. Atleast dito may aircon eh sa labas, wala." Nandito sya sa bahay namen, sa kwarto ko to be exact. Summer na kase ngayon kaya madalas dito lang ang tambay namen. Sobrang inet kaya hinde kase kaya hinde ako naglalalabas. Mahirap na baka magkasunburn ako. "Arte mo talaga Kys... Dali na, labas na tayo." pangungulit pa din nya saken. Na gpout pa. Tss. Wala na, papayag na ako. "Oo na. Lalabas na tayo. Tss. Plano ko pa namang magkulong dito sa bahay buong summer." Tumayo na ako at pumasok sa banyo. Nagpalit na ako ng damit na panglabas. T-shir t at short lang ang suot ko. Hinde naman kase ako tulad ng ibang babae na parang lala bas lang ng bahay kelangan nakamagandang damit pa. Pumunta kame ni Gelo sa park na madalas naming puntahan. Umupo kame dun sa bench at pinanuod yung mga batang naglalaro.

"Kys..." Napalingon naman ako kay Gelo, "Oh?" Ngumiti sya ng tipid tsaka nagsalita, "Bakit wala ka pang boyfriend? Magcocolleg e na tayo oh, pero NBSB ka pa din." Aba! Loko 'to ah. Tama bang ipamuka pa saken na hinde pa ako nagkakaboyfriend?! Kasalan ko bang walang lalakeng manligaw saken?! Tss. "Eh anu naman kung wala pa akong boyfriend? Hinde ko kailangan nun. Sakit lang sila sa ulo." tapos binalik ko na yung tingin ko sa mga batang naglalaro. Narinig kong bumuntong-hininga si Gelo. Parang may problema sya. Anu kaya yun? "Gelo may problema ka ba?" Nagulat sya tanong ko, "Huh? Ah... Wa-wala naman akong problema..." "Sure ka?" "Oo naman. Etong bestfriend ko talaga masyadong concern saken." sabay akbay saken. Bata pa lang kame magkasama na kame ni Gelo. Minsan nga napagkakamalan kaming magkapatid eh, pero mas madalas na akala ng mga tao eh magboyfriend-girlfriend k ame. Sanay na ako na ganun yung iniisip nila, wala lang naman yun saken eh. Meron na nga akong haters fan-club dahil sa pagiging close ko sa kanya. Ang members nun, mala mang yung mga so-called fans nya.

"Pero seriously Kys, bat wala ka pa ngang boyfriend?" Napatingin na naman ako sa kanya. At dahil nga sa nakaakbay sya saken, pagharap ko sa kanya eh halos magdikit na ang labi namen dahil sa sobrang lapit na ng mukha nam en. Noon naman hinde ako naiilang kahit halos magkiss na kame dahil sa sobrang lapit namen sa isa't-isa, pero bakit ngayon parang nakaramdam ako ng pagkailang? Dugdug.Dugdug.Dugdug. Yun ba yung tunog ng puso ko? Bat parang ang lakas naman ata? Anu ba 'tong nararamdaman ko? Napansin kong nasa ganoong posisyon pa din kame ni Gelo. Onting tulak lang eh, maglalapat na yung mga labi namen. "Kys... Ngayon ko lang napansin na maganda ka pala kapag walang contact lens." Nakatitig sya sa mga mata ko habang sinasabe yung mga yun. Ako din nakatitig lan g sa kanya. Dugdug.Dugdug.Dugdug. Eto nanaman yung puso ko. Jusko, parang hinahabol ng kabayo yung puso ko. Kulang na lang tumalon sya palabas ng katawan ko. Anu ba 'to? "Ge... Gelo ang baho ng hininga mo." tapos tinulak ko sya ng mahina. Tumalikod ako kase naramdaman kong namula ako dahil sa mga sinabe ni Gelo. Pagdadahilan ko lang yung sinabe ko sa kanya. Ang awkward naman kase nung positi on namen kanina.

"Mabaho ba talaga Kys? Nagtoothbrush naman ako kanina ah..." nag-aalangang tanong ni Gelo. Nung alam ko ng hinde na ako namumula, humarap na ule ako kay Gelo. "Hinde. Jinojoke lang kita..." sabay tawa. Biglang pinat ni Gelo yung ulo ko. Ano ako aso? Psh. Siraulo talaga 'to. "Hoy Gelo Madrigal! Hinde ako aso kaya wag mong ipat yang ulo ko." mataray na sabe ko sa kanya sabay tanggal nung kamay nya. Natawa na naman sya. Bat ba tawa sya ng tawa? Joker ba ako? Clown? Psh. "Kys... Panu kaya kung ligawan kita?" Teka, parang nabingi ata ako. Anu daw sabe nya? Humarap ako sa kanya, "Anong sabi mo?" Huminga sya ng malalim bago magsalita, "Sabi ko kung pwede ka bang ligawan?" "Huh?" Napakamot sya sa ulo, "Aish. Ang bingi mo naman Kys... Bingi na nga manhid pa." Binatukan ko nga sya. Aba! Grabe naman sya kung makapanlait.

"Sira ka kase. Kung anu-ano mga pinagsasabe mo. Mamaya sugudin na naman ako ng mga fans mo eh." Hinawakan nya yung dalawang kamay ko na kinagulat ko naman. "Kys... May ikukwento ako sayo..." "Kwento? Anu namang pakulo yan Gelo? Story teller ka na? Ayos ah." Sya naman yung nangbatok saken. "Sira. Tumahimik ka na lang muna, pwede? Makinig ka sa kwento ko..." Tumango na lang ako at hinde nagsalita mamaya batukan na naman nya ako eh. Mahir ap na, maalog pa yung mga brain cells ko. "Noong 5 years old ako may nakilala akong isang batang babae na iyakin. Actually, kakalipat lang namen sa subdivison nung nakilala ko yung batang iyakin na yun. Mag-isa lang sya sa playground at iyak ng iyak, naawa ako kaya nilapitan ko sya. Inabutan ko sya ng panyo para punasan nya yung mga luha nya pero instead na kunin yung panyo eh tumayo sya at bigla akong niyakap. Nagulat pa nga ako nung niyakap nya ako eh, para bang nakaramdam ako ng connection dun sa batang yun..." Nakatingin lang saken si Gelo. Parang kilala ko yung batang sinasabe nya? "Dahil nga sa bata pa lang ako, hinde ko alam kung paano sya icocomfort kaya ang ginawa ko dinala ko sya sa bagong bahay na lilipatan namin. Pinakilala ko sy a sa Mommy at Daddy ko at sinabi ko sa kanila na paglumaki ako magiging girlfriend ko yung babae na yun at hinde ko hahayaan na may magpaiyak sa kanya. Natatandaan ko pa nga yung reaksyon ng parents ko sa mga sinabe ko eh, tawa sila ng tawa kase daw ang bata ko pa pero kung anu-ano na ang natututunan ko..." "Gelo..."

"Simula nung araw na yun palage ko ng sinamahan yung batang iyakin na yun. Kung saan man ako magpunta sinasama ko sya at kung saan man sya magpunta eh sumasama din ako.. Hinde ko hinahayaang mawala sya sa paningin ko, natatakot kase ako na baka pag nawala sya kahit ilang saglit lang sa paningin ko eh may mag-paiyak na naman sa kanya katulad nang nangyare noong mga bata pa kame..." Kilala ko nga yung bata na yun at alam ko na din 'tong kwento na 'to. Napangiti ako ng 'di sinasadya. "Naging magbestfriend kami, hinde kami mapaghiwalay kaya naman napagkakamalan kaming magbf-gf. Sa totoo lang masaya ako kapag may nagsasabeng para nga daw kameng couple, pero dahil ayaw ko ngang may mangyaring masama sa kanya palagi kong sinasabi na 'Bestfriend ko lang sya' kahit na ang totoo eh gusto ko sya higit pa sa isang kaibigan, higit pa sa pagig ing magbestfriend namen..." Ngayon may clue na ako kung bakit sa tuwing nakikita kong may lumalapit na ibang babae sa kanya ay halos magdikit yung mga kilay ko dahil sa sobrang inis. "Kys... tinanong kita kanina kung bakit hinde ka pa nagkakaroon ng boyfriend hanggang ngayon, pero alam mo hinde naman talaga yun ang gusto kong itanong eh." Ngumiti ako sa kanya, "Ano ba talaga yung gusto mong itanong?" "Itatanong ko sana sayo kung baket sa tuwing kasama kita eh bumibilis yung pagtibok nitong..." sabay turo sa puso nya. Ngumiti na lang ule ako sa kanya, "Bakit mo naman tinatanong sakin yan? Akin ba yang puso na yan? Hinde naman eh, dapat ikaw ang may alam nyan." "Alam ko namang hindi mo masasagot pero nagbabakasakali lang ako na may idea ka kung baket ganun kasi ikaw naman ang dahilan kung bakit bumibilis ang

pagtibok nun eh..." "May ideya ako kung baket pero hinde ko sasabihen sayo..." sabay belat sa kanya. "Psh. Damot mo naman Kys... Wag kang mag-alala alam ko naman talaga eh. Tinatry ko lang kung mahuhulaan mo. Kilala mo na ba kung sino yung batang tinutukoy ko?" Tumayo ako at pumunta sa harap nya. Bale, ako yung nakatayo sa harapan nya haban g nakaupo sya. "Oo, kilalang-kilala ko nga yung bata eh. Pero may kulang dun sa kwento mo..." "Ano?" nagtatakang tanong nya. "Noong kinagabihan nung araw na una silang nagkakilala, hinatid nung batang lalaki yung batang babae sa bahay nila, sabe pa nung Mama nung batang babae dun sa batang lalake 'Hijo ang liit mo pa pero naihatid mo na dito ang anak ko. Sana maging mabuti kayong magkaibigan.' Ngumiti nun yung batang lalake at tumango tsaka sinabing 'Hinde lang po mabuting kaibigan, magiging mabuting boyfriend din po ako kay Kys kapag lumaki na kami.' Napangiti din yung Mama nung batang babae dun sa sinabe nung batang lalake. Yung batang babae naman, naging sobrang masaya kase sa wakas may tao ng mag-aalaga sa kanya. May kaibigan na syang hinde sya aawayin at lalong hinde sya iiwan..." hinawakan ko s a balikat si Gelo, "Simula noon, pinangako na nung batang babae sa sarili nya na kapag dumating na sila sa tamang edad at niligawan sya nung batang lalae na yun eh sasagutin nya agad..." "Kys...may sasabihin ako sayong importanteng bagay." nakangiting sabi ni Gelo saken.

"Ako din meron. At dahil babae ako, ako na ang mauuna kaya makinig ka kang mabuti..." tumango ng isang beses si Gelo, "Gelo... Mahal kita, kahit bata pa la ng tayo alam ko na na mahal talaga kita." Yumuko ako at dinampi yung mga labi ko sa labi ni Gelo. After 3 seconds lumayo a ko at niyakap sya. "Ako din Kys.. Naunahan mo pa akong umamin. Ikaw talaga! Mahal din kita, mahal na mahal..." Ngayon alam ko na kung baket naiinis ako sa mga babaeng lumalapit sa kanya. Alam ko na din ang dahilan kung baket bumibilis yung tibok ng puso kapag nandyan sya sa tab i ko. Alam ko na kung baket masaya ako sa tuwing kasama ko sya... Kahit na mga musmos na bata pa lang kame noon, alam na ng mga puso namen na maha l namen ang isa't-isa. Akala ko ang summer ngayong taon ay magiging katulad lang ng mga nakaraang summe r ko pero nagkamali pala ako. Eto ang pinakamasayang summer ng buhay ko. <33 Fin.

You might also like