You are on page 1of 30

Abandoned Lot April 9th, 2011 Taon na ang binilang na nakatiwangwang at hindi mab ili-bili ang lote sa may

Marilao Bulacan, ang mga tumitingin sa lote nakapagtata kang bigla silang umuurong sabilihan Taon na ang binilang na nakatiwangwang at hi ndi mabili-bili ang lote sa isang sona ng subdivision na iyon sa may Marilao Bul acan. Marami na ang prospective buyers na nagkagusto at nagtanong tungkol sa lot eng iyon. Mga taong interesadong bilhin ang lote ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay hindi nagkakatuluyan ang bentahan. Sa bahaging iyon, tanging ang lot eng iyon na lang ang nakatiwangwang at hindi okupado ng bahay. Ang mga katabing lote ay matagal na ring napagtayuan at natirhan ng mga nakabili nito. Nakapagtat aka nga marahil kung bakit sa dami na ng naging interesadong buyer sa lote ay ba kante pa rin ito hanggang sa kasalukuyan. Minsan ay isang kalapit na residente a ng nakakausap sa ahente na siyang may hawak o nagbebenta sa bakanteng lote. Magka kabentahan na ba kayo sa wakas ha? Sa dalas ng ahente sa gawing iyon ay naging ka kilala na ito ng mga kalapit na residente ng lugar. Sana nga. Kung bakit naman ka si nagkakaroon lagi ng aberya kapag nagkasundo na kaming magbilihan. Aberya? Talagan g interesado ang mga tumitingin sa lote. Kaso sahuli, nakapagtatakang bigla sila ng umuurong sabilihan. Mag-asawang nakatira sa katapat ng lote ang kausap ng ahen te. Nagkatinginan nang makahulugan ang mag-asawa. E, bakit naman kaya umuurong? Na gkibit-balikat ang ahente. Wala daw pera. Nagastos sa ibang bagay. Pang-ilang ahent e ka na ring humawak sa loteng iyan, e. Yon nga ang sabi ng may-ari. Nangako pa ko n a kayang-kaya kong ibenta yan. Pero hanggang ngayon wala pa rin. Nahihiya na tulo y ako sa may-ari. Kamiy matagal na ring nakatira sa lugar na to. Totoo ang sinabi ng may-ari.. .napakarami ng tumingin sa loteng iyan. Pero walang natutuloy na bilhi n yan. Alam mo bang may kuwento ang loteng iyan? Kuwento? Oo. At paulit-ulit na rin n aming naikuwento ito sa mga ahenteng nakilala na namin. Naku.. .marami na ring n akakaalam nito. Anong kuwento ho iyon? Naging curious na ang aliente. Noon kasing 19 84, may isang babaeng nagkagusto sa loteng iyan. Matandang dalaga. Gustung-gusto niya ang lugar para daw sa dream house niya. Matagal daw pinag-ipunan ng babae ang pera para talaga sa pagbili niya ng lupa at sa pagpapatayo ng bahay. Bakit ho hindi natuioy bilhin?* Na-holdup daw iyong babae nang araw na magbabayaran na. Ang siste.. .hindi lang basta kinuha ang perang ibabayad sana sa bangko kundi pinat ay pa ang babae ng mga nang-holdup sa kanya. Grabe naman yon!

Nabalita nga iyon sa tv. Heto pa ang kuwento.. .may mga madaling araw na may naka kakita sa loteng yan na mayroon daw isang matandang babae na nagsisiga. Walis nan g walis ng mga sukal sa loteng yan. Ganon? Ang kaso walang bakas man lang ng siga na m akikita sa lugar. At nanatiling masukal ang lote. Kung hindi papinahahawan ng ma y-ari ang mga damo at halamang ligaw ay baka naggugubat na yang lote. Ibig sabihi n, wala talagang naglilinis at nagsisigang babae d yan. Ibig ninyong sabihin.. ang babaeng nakikitang nagsisiga e, iyong babaeng bibili na napatay ng holdupper? Nag kibit-balikat ang matandang lalaki. Walang makakapagpatunay niyan. Ikuwento mo nama n iyong mga sumunod na nakagusto ng lote, sambot ng matandang babae. Pagkatapos ng matandang dalaga nga na napatay ng mga holduppers, marami pa ang sumunod na nag kagusto sa loteng yan. Ang sistewala isa man ang natuloy na bumili sa lote. Dahil nagkakaaberya. Aberya? Gaya nga ng sabi mo kanina, nakaranas ng ibat ibang aberya ang mga prospective buyer ng lote. Mayroong naaksidente at ang pera na dapat ay ipa mbabayad sa lote ay nagamit sa pagpapaospital. Mayroon pa nga kaming nakausap, nas unugan daw sila ng tindahan kaya hindi na nila kayang bilhin ang lote dahil dapa t unahin ang pagpapagawa ng nasunog na tindahan. Iyong isa pa nadale daw ng akyat bahay gang. Nalalos daw halos ang laman ng inuupahang apartment. Hayun hindi rin nagkabilihan. Ang saklap naman ng mga nangyari sa kanila. Marami pang mga sumunod n a tumingin at hindi na namin nalaman kung ano ang totoong kuwento kung bakit hin di natutuloy ang bentahan. Ang usap-usapan nga naming magkakapitbahay dito.. .ba ka raw talagang parang may sumpa na ang loteng yan, e. Bakit nyo naman ho nasabi yon? akit hindi? Lahat ng tumingin sa lote ay napapasama nakakaranas ng kamalasan sa b uhay, o hindi ba? Ano ho ang ibig sabihin non? Ewan natin. Baka may kinalaman iyong b abaeng napatay. Napakunot-noo ang ahente. Haka-haka lang naman ito ng mga tagarito . Kasi iyong babae daw na napatay nga, talaga daw pinag-ipunan nang husto ang ip ambabayad sa loteng iyon. At gustong-gusto iyon ng babae dream house daw ang plan ong itayo roon sana. Kaso nga hindi natuloy. Ibig ninyong sabihin.. .ayaw ng babae ng iyon na mabili ang lote? Posible. Kaya iyong mga nagkakagusto sa lote ay nakaka ranas ng aberya. Sa ganoong paraan ay mananatiling walang nakakabili rito. Posible iyon, e, sambot ng matandang babae. Siguro inari na talaga ng matandang dalagang iyon na sa kanya ang lote. Patunay ang di umano ngay pagsisiga at paglilinis niya sa lote sa tuwing madaling araw. Kung tunay nga na iyon ang dahilan kung bakit n ananatiling abandonado ang loteng iyon, walang makapagpapatotoo. Ngunit kung pag babasehan ang mga pangyayaring naganap sa mga prospective buyers ng nasabing lot e, malinaw ngang hindi ibig ng napaslang na matandang dalaga na may makabili pa ng nasabing lote

Aklatan August 29th, 2009 MATALINO ka ba? Mahilig mag-aral o dili kaya ay laging nasa silid aklatan upang mag research? Paniguradong maeengganyo kang siyasatin ang lihim ng kubling silid na ito sa aklatan ng isang paaralan sa gawi ng Intram uros. Hindi naman umano lahat ng nagtutungo sa silid aklatan ay nag-aaral. May m ga naglili-gawan, mga natutulog, may ibat ibang transaksyon at may isang halimaw na nagtatago sa isang kubling silid at nag-aabang ng inosenteng masisila. Noong una, hindi ako agad naniwala, dahil baka may layunin lang itong si Larry na nag kuwento sa akin ng pangyayaring ito na siraan ang kanyang paaralan.Ngunit napag alaman kong hindi naman pala siya nag-aaral sa paaralang iyon kundi ang syota ni yang si Rochelle. Hindi naman mahigpit sa paaralang iyon. Sa katunayan, malimit mag punta roon si Larry upang maki-research. Ayon sa kanya, kulang ang pasilidad ng kanilang paaralan bukod pa sa marami talagang magagandang babae sa paaralang iyon. Mas marami ang populasyon ng babae kaysa lalaki sa paaralang ito. Pati an g mga kurso ay tailor made sa babae at kaunti lang ang masasabing para sa lalaki . Sa pagkakadescribe ni Larry sa hitsura ng aklatan, napakaluwang nito at ibat ib ang aklat at mga babasahin ang matatagpuan. Iba rin umano ang lokasyon ng silid para sa mga computer bagamat nasa loob din ito ng aklatan. May takdang oras ang pag re-research at ito ay hanggang alas siyete lamang ng gabi. Nang araw na iyon , inabot silang dalawa ni Rochelle ng ganoong oras sa loob ng aklatan. Halos mag katulad ang uniporme ng pinapasukan niyang paaralan at ang uniporme ng lalaki sa paaralang iyon kaya hindi siya gaanong napapansin ng mga guwardiya. May nakatak dang pagsusulit noon si Larry kinabukasan kaya subsob ulo siya sa pagriresearch. Nang namimili siya ng mga aklat ay napansin niya ang isang tila bumukas na naka kubling maliit na lagusan sa gawing kaliwa ng aklatan. Ipinakita niya iyon kay R ochelle at napagpasiyahan nilang buksan ang pinto at pumasok doon. Inakyat nila ang isang makipot na hagdan pataas, Saan kaya ito papunta? bulong ni Rochelle kay Larry. Ewan natin, teka ikaw ang taga-rito ikaw ang dapat nakakaalam. Nang malapit na sila sa isang magkaharap na silid, natiyak nilang nasa ika-apat na palapag s ila. Nakarinig sila ng tunog ng kadena at ingay na tila ba may bumangon sa pagka kahiga. Nagulat silang dalawa at upang hindi mapatili ang nobya ay tinakpan ni L arry ang bibig nito. Ipinasya nilang dahan-dahang bumaba. Habang bumababa si Roc helle pabalik sa aklatan ay nasa likuran niya si Larry. Nakita ni Larry na tila may lumalabas sa nakapinid kanina ng pinto.Sumasayad ang kadena sa sahig at lumi likha ito ng ingay. Agad silang bumaba at agad ipininid ang pintuan ng nasabing kubling silid. Madilim na sa aklatan. Akala marahil ng librarian o ng guwardiya ay wala ng tao kaya isinara na ito. Sino nga naman ang mag-iisip na may tao pala ng naiwan sa loob ng aklatan. Habang pinipilit ni Larry na buksan ang pintuan up ang sila ay makalabas, ang ipininid nilang kubling silid ay unti-unting bumubuka s. Naririnig na nila ang tunog ng kadena na nalalaglag sa bawat baytang ng makip ot na hagdan. Pilit binubuksan ni Larry ang pintuan gamit ang isang maliit na al ambre buhat sa kanyang spiral notebook. Nagtagumpay siya at nakatakbo sila ng pa labas ng aklatan

habang kasunod nila ang hindi maaninag at hindi nila mawari kung anong klaseng n ilikha na may kadenang hinihila. Madilim ang mga corridor at tila walang guwardi yang nagroronda ng mga oras na iyon. Napadaan ang dalawa sa may terasa kung saan mamamataan ang maliit na kalsada sa labas. Kakatwa namang walang sinumang tao o sasakyang nagdaraan ng mga oras na iyon. Sa salaysay na iyon ni Larry, isang ba gong kuwento ang narinig ko.Hindi ko akalaing may ganoong pangyayari o may ganoo ng nilikha sa nasabing paaralan. Napakataas kasi ng tingin ko sa pamantasang iyo n. Naalala ko ang kuwento ng isa sa mga dati kong nobya na nag-aral din sa paman tasang iyon. Ang kuwento niya ay maihahalintulad sa naranasang pangyayari ni Lar ry. Ngunit hindi niya tinumbok na halimaw, o maaaring hindi lang niya nakita tal aga kung ano ang nilalang na nakatago sa kubling silid. Ang tiniyak lang niya sa akin, may itinatago sa nasabing kubling silid at nakakadena ito. Baka aso lang ang nakita niya, ang wika ko noon at biniro ko pa siyang masyadong naglalaro ang kanyang imahinasyon at guni-guni. Ngunit sa kuwento ni Larry, muli ay napapaisi p ako. Kamakailan lang ay nagkaroon ng party sa bahay ng isa naming kapitbahay n a may pinag-aaral din sa nasabing paaralan. Nagkukuwentuhan ang mga magkakamag-a ral sa veranda ng bahay. Tungkol pa rin doon sa pangyayaring iyon ang kanilang u sapan. Ayon sa isang dalagita, hindi na nakauwi ang isa nilang kamag-aral na gin abi sa aklatan. Maaari kayang tuwing gabi ay naghahanap ng masisila ang halimaw na iyon? At natiyempuhan ang dalagitang naiwan? Pagkatapos ng insidente, tila na glubay ang dalawa sa pagkukuwento tungkol sa bagay na iyon lalo sa mga kamag ara l nila sa nasabing paaralan. Nanahimik na rin si Larry ngunit ayon sa kanya, sa tuwing maaalala niya ang pangyayaring iyon, hindi niya mapigilang mangilabot Hin di kaya ang nilalang na nagtatago sa kubling silid ay kaanak ng may-ari na doon itinago dahil may diprensiya sa pag-iisip o may kakaibang sakit na sa halip na i pasok sa pagamutan ay doon na lamang itinago upang iligtas ang kanilang pangalan sa kahihiyan? Ito ay ilan lamang sa naglalaro sa aking isipan upang bigyan lina w at interpretasyon ang kakaiba kong naranasan. Kayo? Ano sa palagay nyo? Alulong May 19th, 2009 SABI ng iba, tanging ang mga tao lang umano ang may kalul uwa dahil siguro iniisip nilang tayo lamang ang nilalang na nakapag iisip. Totoo man ito o hindi, isang kakatwang pang yayari ang malimit maganap sa aming lugar dito sa Caloocan kung saan sa tuwing may aalulong na asong nakatakdang katayin, kasunod rin ay taong mamamatay. Mans best friend wika nga ng ilan o di kaya ay iti nuturing na kapamilya o di kaya ay kapuso na ng iba sa atin ang ating mga aso. Sa ib a naman ay inaalagaan lamang ito upang talagang gawing panlaman tiyan. Talamak s a katakawan sa karne ng aso ang mga manginginom dito sa aming lugar, bagaman nap akalayo nito sa Baguio at siguradong hindi naman mga Ifugao ang mga kapitbahay k ong buwakaw sa alak e, talagang sarap na sarap sila sa karne ni bantay

May kakatayin na namang aso bukas, ang naglalaway na tema ng usapan ng mga manging inom saamin nung isang araw. Nakatali na sa tabing daan ang isang kulay puti na aso. Alaga yan pare, walang rabis he he, bahagi ng usapan sa umpukan habang lumala klak ng ginebra bilog. Hanggang isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa kabi lang pasilyo. May nagaamok sa maliit na iskinita. Wala pang dumarating na pulis at ayon sa ibang usiserong galing sa lugar, isang lalaki ang sinaksak sa tagilir an ng nag-amok na adik. Dead on the spot Hindi ko akalaing si Berong ang madadali , hu hu, ang hikbi ng asawa ng napatay. Ipinagkibit-balikat lamang ng ilan ang mg a pangyayaring iyon o talagang wala lamang nakakapansin sa alulong. Halos gabi-g abi ay may umaalulong na mga aso sa lugar naming iyon, at kinaumagahan ay isang tao ang nagiging kapalit.Tila araw-araw ay may kinakatay rin ditong aso. Talagan g walang pangil ang batas patungkol sa Animal Welfare Act dahil binabalewala lan g sila ng mga tao dito. Umalulong na naman kagabi ang isang aso, sabi ng may ari , natural lamang daw na umalulong ito minsan, pero bakit sa tuwing aalulong ang aso lalo yung kakatayin na kinaumagahan, kasunod ay buhay ng taong mauutas. Hind i kaya nakikita ng mga asong ito ang kanilang kamatayan kayat bago pa man sila b awian ng buhay ng tao, mauuna na nilang bawian ng buhay ang mga ito? Hindi rin n aman kasi mga karaniwang inosenteng tao ang kadalasang sumusunod na pinaglalamay an sa tuwing may aalulong. Madalas sa hindi ay mga manginginom rin na minsan nan g nagpasasa sa karne ng itinuturing ng marami sa ating,..mans best friend ang bin abawian ng buhay. Ang Abo July 22nd, 2011 Pagpasok na pagpasok ni Yaya Malou ay agad niyang isinara ang pinto. Napahiyaw ang lalaki nang maipit ang kamay nitong dadakma sana sa braso ng yaya. Napahumindig ang babae nang makitang balahibuhin ang mga daliri ng lalaki at mahahabang matutulis ang mga kuko nito BASTA masama ang loob ni Archie ay sumasaglit siya sa sementeryo mula sa eskuwelahan. Nagpapa lipas siya ng ilang sandali sa harap ng puntod ng yumaong ina. Nagsusumbong siya na para bang buhay ito at nakikinig sa bawat pagsusumbong niya. Mommy, alam mo p o wala na yung dating girlfriend ni daddy. Yun pong parang clown kung mag-make up. May bago na naman po yung parang cheerleader kasi ang iksi-iksi kung manamit! Napal abi si Archie. Nangilid ang luha sa mga mata. Ipinatong ang baba sa mga tuhod at pinagsalikop ang mga braso dito. Pero mas seksi at mas maganda ka sa kanya, momm y! Totoo yun. Promise. Saka iba ka talaga. Kasi love na love mo ko! Napahikbi na an g bata. Isinubsob ang mukha sa dalawang tuhod. Pero saglit lang. Biglang napaang at ang mukha ni Archie nang maramdamang may dumaan sa kanyang harapan. Luminga-l inga siya Nagtaka siya dahil wala namang tao sa paligid. Muli siyang napayuko pe ro agad na namang napaangat ng ulo nang muling maramdaman ang hanging dumaan. Wa la siyang makitang ibang tao. Mainit ang panahon. Wala ngang kahangin-hangin.

Kinabahan na siya. Agad niyang dinampot ang mga gamit sa damuhan at nagmamadalin g tinalunton ang palabas ng sementeryong iyon. ARCHIE! Malayo pa ay sumisigaw na n ang tawag si Yaya Malou nang makitang hangos siyang papalabas ng gate ng semente ryo. Hindi nawala ang takot ni Archie. Lalo kasing niyang natiyak ngayon na niya ng hindi ang yaya ang dalawang beses na dumaan kanina sa harapan niya. Gawi na k asi ng yaya na sundan siya sa sementeryo kapag nawawala siya o tumatakas kaya pa ra puntahan ang puntod ng ina. Taranta kami ng daddy mo nang sabihin ng drayber n g school service na nasalisihan mo na naman ang konduktor! Mabutit may ideya kami kung saan ka lagi pumupunta! galit na sabi ng yaya na agad kinuha ang bag ng ala ga. Tulad ng dati, galit ang isinasalubong ni Aldrin sa nag-iisang anak nang dum ating ang mga ito sa bahay. Delikado yang ginagawa mo! Sampung taon kapa lang! Hin di mo pa kaya pangalagaan ang sarili kung sakali! sermon ni Aldrin kay Archie Sabi po noon ng mommy, hindi raw ako dapat matakot sa patay sa buhay daw ako dapat ma takot! katwiran niya sa ama na nagngi-ngitngitang loob. Yan na ngang ibig kong sabih in! Paano kung may maligaw na masasamang tao roon?! Anong magagawa mo? Eh tumakbo lang ay nadadapa ka Nandoon naman po si Mang Teroy. Mag kaibigan po kami. Lagi nga niya akong hinahatid sa gate at pinasasakay ng traysikel pauwi rito. Si Mang Ter oy ang sepulturero sa sementeryo. Hindi pinansin ni Archie ang anak. Sa halip ay binalingan si Yaya Malou. Yaya, Simula bukas, sasama ka na sa school service sa pagsundo sa alaga mong to! O-opo, Sir Aldrin! sagot ng tagapag-alaga. HINDI pa rin n apigil si Archie. Para makatakas sa yaya at muling makadalaw sa ina, lumiban na siya ng klase. Alam mo, mommy mula nang naging girlfriend ng daddy si Cheerleader, di na siya lagi umuuwi ng bahay. Palagay ko po.. .nagtanan na sila! Napangiwi si Archie nang may dumakma sakanya sa magkabilang balikat at sapilitan siyang itin ayo. Alas dos pa lang ng hapon bakit naririto ka na, Totoy?! Napaatras siya sa tako t nang makita ang mabagsik na anyo ng lalaki. Halos lumuwa ang dalawang mata nit o kung tumingin sa kanya. Umuwi ka na, Totoy! Iwinasiwas ng lalaki ang mga kamay b ilang pagtataboy sa bata. Hintakot na dinampot ni Archie ang bag at nagmamadalin g nilisan ang puntod ng ina. Nagtataka siya kung bakit may hawak na piko ang lal aki na may bakas pa ng dugo sa dulo. At bakit suot nito ang paboritong stripe bl ue T-shirt ni Mang Teroy na may malaking butas sa kili-kili? Ito na ba ang bagon g sepulturero? Sa halip na lumabas ng gate, bumalik si Archie. Lumigid siya sa k abilang bahagi ng sementeryo patungo sa maliit na bahay ni Mang Teroy. Sarado an g bahay. Kumatok siya at malakas na tinawag ang kaibigang sepulturero. Nang wala ng sumasagot, itinulak niya ang hindi nakakandadong pinto. Nagitla ang bata nang makitang naliligo sa sariling dugo si Mang Teroy. Wasak ang bungo nito. Dali-da li na siyang lumabas ng bahay at patakbong tinalunton ang daan palabas ng sement eryo. Saan ka pupunta,Totoy? sigaw ng lalaking may dalang piko.

Tumakbo uli pabalik si Archie. Na agad namang napahinto nang makitang may isa pa ng lalaking nag-aabang sa kanya sa di kalayuan. Wala na siyang pagpipilian kundi ang sumampa at ang magpalipat-lipat sa mga nakahilerang nitso. Pagod na pagod n a siya sa kalulundag kung kayat bumaba na siya at naghanap nang mapagtataguan. Is ang lumang nitso na sira na ang takip ang napiling pasukin ni Archie. Nagsiksik siya sa loob noon. TARANTA na ang lahat sa eskuwelahan nang datnan ni Yaya Malou . Nalaman ng dalaga na nagpaalam lang daw sa titser na magtutungo sa restroom si Archie pero hindi na ito nakabalik. May palagay silang nasalisihan nito ang guw ardiyang nagbabantay sa gate ng paaralan. Nagpasama na si Malou sa isa pang guwa rdiya para maghanap sa sementeryo. Pinuntahan na nila sa bahay nito ang sepultur ero nang makitang wala si Archie sa puntod ng ina. Natakot din sila sa natuklasa ng krimen. Agad na tumawag sa presinto ang guwardiya. Samantala ay nangangatal n a sa takot at pawisang-pawisan si Archie sa loob ng nitso. Diring-diri pa siya s a masangsang na amoy. Kahit madilim, tiyak niyang isang bungo ang nahawakan niya kanina nang pagapang siyang magsiksik sa loob noon. Gustuhin man niyang lumabas ay hindi rin pupuwede dahil makikita siya ng dalawang lalaking naghahabol sa ka nya. Naka istambay lang ang mga ito sa labas ng isang mausoleo na nasa harap mis mo ng puntod na pinagtataguan. Grabe sa takbuhan ang batang yon! Natakasan tayo! di nig na dinig niyang wika ng isa. Kailangang makuha na agad nila sa vault ang abo ng arkeologo. Baka makapagsumbong pa sa mga pulis ang bata! Hayan na sila! narinig niya eksayted na sabi ng isa Nakuha na namin ang abo! Narinig niya ang sigaw nagal ing sa bandang mausoleo. Nakahinga si Archie nang marinig ang huni ng mga police patrol sa labas ng sementeryo. Mga pulis! Takbo na! sigawan ng mga lalaki. Halos hindi siya humihinga nang dumaan sa harapan ng nitso ang apat. Pero mayamaya lan g ay narinig niyang bumalik ang mga ito. Napapaligiran nila tayo! Anong gagawin na tin sa abo? Itago na muna natin para sakaling mahuli man tayo, ang mga kasamahan n a lang natin ang kukuha rito! Tama! Kailangang maibigay na ito sa lider natin bago bumilog ang buwan! Hindi inaasahan ni Archie na sa mismong nitsong pinagtataguan itatapon ng mga lalaki ang bakal na kahong pinaglagyan ng abo ng sinasabing ark eologo ng mga ito. Sa lawak ng naturang sementeryo, nailigaw at natakasan ng apa t ang mga pulis. Sinamantala ni Archie ang pagkakagulo ng mga pulis sa kubo ni M ang Teroy. Tumalilis siya para makauwi. Kandahingal siya nang marating ang kanil ang bahay. Wala pa si Yaya Malou nang makauwi siya. Ang kasambahay nilang si Ana ang nadatnan ng bata Bat ganyan ka karumi, Archie?! Saan ka ba nagsusuot, bata ka ?! nagtatakang tanong ng kasambahay. N-naglaro ako sa playground sa bayan! pagsisin ungaling niya. At para hindi na matanong pa, nagmamadali siyang nagtungo sa kany ang silid. Inilapag niya ang napakabigat na bag sa ibabaw ng kama at nagdudumali ng tinungo ang banyo at naligo. NIL AGNAT si Archie kinagabihan. Painumin mo agad ng gamot, Malou. At huwag mo munang papasukin bukas, narinig niyang sabi ng ama na sumilip sa silid nang malamang nilalagnat siya..

Opo, sir sagot ng yaya. Sinundan na lamang ng tingin ni Archie ang amang lumabas ng silid. Nasaktan siya. Hindi na nito tinanong kung bakit nilagnat siya. Balewala na talaga siya sa kanyang daddy. Paano, naghihintay na kasi si Cheerleader sa k uwarto nito. Sabi kasi ng yaya niya kanina, nagpakasal na raw ang dalawa isang l inggo na ang nakararaan. Hindi nalingid kay Malou ang damdamin ni Archie. Kilala ng-kilala na niya ang bata. Siya ang nag-alaga Simula nang ipanganak ito. Saksi rin siya kung paanong naapektuhan ang mag-ama nang mamatay sa kanser ang amo niy ang babae isang taon pa lang ang nakararaan. Mabuti para kay Aldrin at nakatakas na ito sa kalungkutan dahil nakakita na ng bagong pag-ibig. Pero si Archie, hin di pa. At iyon ang hindi nakikita ng ama nito. Matulog ka nang gumaling ka agad hin aplus-haplos ni Yaya Malou sa pisngi ang alaga bilang pang-aalo. Pero tulad ni A rchie ay napatingin din ang yaya sa bintana nang lumitaw ang anino ng isang lala ki. Napatili sila nang akma itong papasok sa nakabukas pang bintana. Niyakap ni Malou ang alaga. Paglingon niya ay wala na ang lalaki. Ano yon, Malou?! hangos na t anong ni Aldrin na napasugod sa silid nang marinig ang tili ng yaya at anak. M-ma y lalaking gustong pumasok sa bintana! Di ko masyadong namukhaan dahil madilim! Bu kas na bukas din ay kukulitin ko na ang maglalagay ng mga grills dito. Isinara na at ikinandado ni Aldrin ang mga bintana. Ikandado nyo muna ito hanggat wala pang g rills. KINABUKASAN ay laman ng balita sa telebisyon ang nangyaring nakawan sa mau soleo. Doon daw inilibing ang kamamatay lang na arkeologo. Nakuha raw ng apat na magnanakaw ang bakal na kahong pinaglagyan ng sinunog na labi nito. Nagtataka r aw ang pamilya dahil wala naman daw ginto o kayamanan na kasama ang abo nito per o bakit pinag-intresan pang nakawin. Napansin ni Malou na napaawang ang mga labi ng alaga habang nanonood ng balita. Y-Yaya, nasa akin po ang bakal na kahon! amin ni Archie. Ano? Paano napunta yo?! gulat na tanong ni Yaya Malou. Saka ang bigat-bi gat nun. Paano mo nadala? Napilitang magtapat nang totoong nangyari si Archie. Bago po ako lumabas ng nitso, kinuha ko ang bakal na kahon kahit sobrang bigat! Hango s na kinuha iyon ni Archie sa ilalim ng kama. Diyos ko, Archie, nasundan ka ng mg a iyon dito! At ito tiyak ang pakay ng lalaking iyon kagabi! Nandidiring kinuha n i Malou sa loob ang kahon. Yaya, narinig ko pong sabi ng isa kailangan daw maibiga y ito sa lider nila bago magkabilugan ng buwan! Bakas sa mukha ni Archie ang tako t. Sumigid ang di maipaliwanag na kaba kay Malou. May sa-demonyo yata ang lider na iyon! Agad na inangat ni Malou ang awditibo para sana tumawag sa mga pulis. P ero putol ang linya. Nahagip ng paningin niya ang isang naka-unipormeng lineman na bumababa sa posteng nasa labas lang ng kanilang main gate. Iyon tiyak ang nag putol ng kawad ng telepono nila! Kinabahan na si Malou. Baka isa iyon sa mga mag nanakaw na nagpapanggap na lineman. Ngayon siya nagsisisi kung bakit hindi siya nahilig sa cellphone. Huwag na huwag mong buksan ang bintana, Archie! At huwag ka ng lalabas dito!

Hangos na lumabas si Malou at hinanap ang kasambahay na si Ana. Makikitawag siya sa cellphone nito. Naabutan niyang parang wala sa sarili ang dalagitang lumalak ad patungo sa main door. Sa labas ng bintana, nakatayo ang isang lalaking malali m ang konsentrasyong nakatingin kay Ana. Hipnotismo! Ginagamitan ng lalaki ng hi pnotismo ang dalagita para buksan ang main door. Huwag, Ana! pasigaw na saway ni M alou. Huwag! Ngunit huli na. Tumilapon pa si Ana nang pabalyang buksan ng lalaki a ng pinto. Patakbong bumalik sa kuwarto ni Archie si Malou. Habol naman siya ng l alaki. Pagpasok na pagpasok niya ay agad niyang isinara ang pinto. Napahiyaw ang lalaki nang maipit ang kamay nitong dadakma sana sa braso ni Malou. Napahumindi g siya nang makitang balahibuhin ang mga daliri ng lalaki at mahahabang matutuli s ang mga kuko nito. Muli niya itong binuksan at pabalyang isinarang muli at iki nandado. Tarantang-taranta si Malou. Napakataas ng mga pader ng bakuran kaya hin di tiyak maririnig ng mga kapitbahay ang paghingi niya ng tulong. Dinaluhan na l amang ni Malou ang alagang nanginginig na at umiiyak sa takot sa isang tabi. Mal akas namang binabalya ng lalaki ang pintuan. Alam ni Malou na hindi ito titigil hanggat hindi nakukuha sa kanila ang kahon. Kinuha niya ang kahon sa ilalim ng ka ma at ubod-lakas na ibinato sa salamin ng bintana. Basag ang salamin. Diretso sa labas ang kahon. Nakalas ang lock nito at nabuksan nang malakas na tumama sa pa der. Pagbagsak ay kumalat sa damuhan ang abo. Kitang-kita ni Malou na umusok ang abo nang tamaan ng sikat ng araw. Kasabay nang unti-unting paglalaho ng usok ay isang malakas naungol. AYON sa imbestigasyon ng mga pulis, nasa excavation site sa isang bansa sa South America ang arkeologo nang mamatay sa kagat ng paniki. Hindi na raw ito pina-autopsy ng pamilya. Agad na pinasunog ang labi ng arkeolog o at inuwi sa Pilipinas. Ay on naman sa bersyon ng mga dating kasamahan noon ng namatay, isang bampirang paniki ang kumagat sa arkeologo. Pero sa nangyaring nak awan, kumalat na ang haka-hakang baka isang totoong bampira ang kumagat sa arkeo logo. Pinasundan sa Pilipinas ang abo nito. Ipinapakuha para buhayin sa kabiluga n ng buwan nang makapiling na ng mga kauri nito. Anuman ang totoo, ang mahalaga ay namulat si Aldrin sa mga pagkukulang nito kay Archie. Unti-unti ring napalapi t ang loob ng bata sa madrasta. Mabait naman pala ito at pag ngumiti ay kahawig ng yumaong ina ang singkit na mga mata. Ang Lalaking galit sa buwan September 18 th, 2010 Unti-unting nagbago ang kanyang anyo. Tinubuan ng makakapal na balahibo ang kanyang mukha at katawan. Nagmukha siyang mabalasik na aso. May kilala ba k ayong tao na labis ang galit sa buwan? Ganoon si Hildo, ang kaibigan ng pinsan k o. At hindi siya nagkait na ibahagi kung ano ang lihim sa likod ng pagkagalit ni ya sa buwan. SA MGA nakasama at naging kaibigan ko, si Hildo lang ang taong naki lala kong sobra ang pagkagalit sa buwan. Sa katunayan, kapag may buwan, hindi si ya naglalalabas ng bahay.

Maraming nalilikha ang buwan na ikinapa-pahamak ng tao, ang sabi niya sa akin nang usisain ko siya tungkol doon isang araw. Kung puwede nga lamang paglahuin ko iyo n sa kalangitan. Ang buwan ay nagbibigay ng liwanag sa gabing madilim. Paano mo ma sasabing lumilikha iyon ng kapahamakan? Kapag ganoong kinokontra ko siya, hindi n a niya pinalalawig pa ang aming pag-uusap. Basta ang alam niya, perhuwisyo ang b uwan at galit siya roon. Kunsabagay, kung paniniwalaan ko ang mga sinasabing kuw ento ng mga katandaan sa amin, talagang marami ngang hiwagang idinudulot ang buw an. At si Lolo Sario ang nagpapatunay niyon. Kapag kabilugan kasi ng buwan, may m ga nilikha ng dilim na nagbabago ang anyo. Sa panahon ding iyon sila gumagala at naghahanap ng mabibiktima, pahayag niya. Ano naman ho ang nagiging anyo nila? Sa m ga manananggal ay nahahati ang kanilang mga katawan, tinutubuan ng pakpak at nak akalipad. Ang mga lahing aswang naman ay nag-aanyong baboy ramo at iba pang anyo na nagagawa nila. Ang mga taong lobo naman ay tinutubuan ng makakapal na balahi bo sa katawan, matutulis na kuko at pangil kung saan nagmumukha silang asong gub at, sabi pa ni Lolo Sario. May nobya si Hildo, si Leilani. Siya ang pinakamaganda ng babae sa aming baryo. Noong nililigawan pa lamang ni Hildo si Leilani ay kasa -kasama niya ako sa panunuyo rito. Sa katunayan, ako ang naging tulay nila, at m alaking papel ang ginampanan ko para magkaibigan sila. Ikaw ang kukunin kong best man sa aming kasal, Crispin, sabi ni Hildo sa akin. Walang problema. Mas magtatam po ako sa iyo kung maiitsapuwera ako sa kasal ninyo ni Leilani, tugon ko. Kailan b a ninyo binabalak magpakasal? Tiningnan niya ang kalendaryo. Sa a-disiotso ng Agos to, sagot niya. Sinulyapan ko ang kalendaryo. Itinaon pala niya na walang buwan s a petsang iyon kaya biniro ko siya. Paano kayo magha-honeymoon kung walang buwan? Kaya nga honeymoon, mayroong moon. Tila ikinainis niya ang sinabi ko dahil sukat b a namang talikuran niya ako. Hinabol ko siya at agad na humingi ako ng paumanhin sa kanya. Taong ito, hindi na mabiro, natatawang sabi ko. Alam mo namang allergic ako sa buwan, binabanggit mo pa. Mula nga noon ay hindi ko na binibiro si Hildo b asta may kaugnayan sa buwan. Ganunpaman, hindi mawala ang kuryosidad ko kung bak it ganoon siya. Alam mo, Crispin, hindi lang ang sinasabi ni Lolo Sario ang mga d ahilan kaya may mga taong ayaw na sanang lumitaw ang buwan, pahayag ng isang kaib igan ko na napagsabihan ko ng tungkol sa kakatwang galit ni Hildo sa buwan. Ano? D i bat may mga taong sinusumpong ng topak sa ulo kapag kabilugan ng buwan? Oo nga, a no, napapatangong tugon ko. Tinotoyo ba si Hildo kapag kabilugan ng buwan? Pero h indi ko sineryoso iyon dahil hindi iyon totoo. Napakabait na tao ni Hildo. Kahit dayo lang siya sa lugar namin, hindi man lamang siya nagkaroon kahit na isang k aaway o kagalit. Matulungin din siya sa kapwa at marami siyang naging kaibigan, at kabilang ako sa mga iyon.

Subalit isang buwan bago ang kanyang kasal, isang trahedya ang naganap sa kanyan g nobya. Natagpuang patay si Leilani sa isang ilang na lugar at hinihinalang add ict ang may kagagawan ng krimen. Labis na itinangis ni Hildo ang nangyari kay Le ilani. Halos hindi niya matanggap iyon. Palagi siyang lasing at kapag lango na s iya sa alak ay minumura niya ang buwan. Poot na poot siya doon. Hayup ka, salot! s igaw niya habang nakatingala sa kalangitan bagaman walang buwan kapag ginagawa n iya iyon. Ipinagtapat niya sa akin na hindi siya nanini-walang addict ang pumata y sa kanyang nobya. Nagulat ako sa sinabi niyang dahilan ng kamatayan ni Leilani . Ang sugat niya sa katawan ay hindi likha ng tao kundi ng isang alagad ng dilim, sabi niya. Paano mo nalaman? nakakunot ang noong usisa ko. Hindi siya hinalay na ka raniwang ginagawa ng isang addict sa kanilang biktimang babae. Hindi rin siya pi nagnakawan, kung holdaper man ang pumatay sa kanya. Pero ang malalim na sugat sa tapat ng kanyang puso ay kagagawan ng isang manananggal. Manananggal? Mayroon ban g ganoong nilikha? Nababasa ko lang iyon sa mga kuwento, naiiling na sabi ko. Tin ingnan lang niya ako nang makahulugan pero hindi siya nagpakita ng reaksiyon sa aking tinuran. Isang araw, ginabi kami ng uwi ni Hildo. Galing kami noon sa isan g kaibigan na nagdiwang ng kanyang kaarawan. Ayaw sana ni Hildo na sumama pero p inilit ko siya para naman malibang-libang siya dahil alam kong sariwa pa sa kany a ang naging kamatayan ng kanyang nobya. Naglalakad kami noon sa masukal na saba na nang mapatingala si Hildo. Nakita niyang sumisilip ang bahagi ng bilog na buw an sa ulap. Napansin kong nabahala siya at kinabakasan ng takot. Mauuuna na ako s a yo, sabi niya sa akin. Sige, okay lang, tugon ko naman. Halos lakad-takbo ang gina wa niya sa kanyang pag-uwi. Naiwan naman akong dahandahan lang ang ginagawang pa glalakad. Mayamaya ay nakarinig ako ng malakas na pagaspas ng pakpak. Napatingal a ako. Isang napakalaking ibon ang nakita kong lumilipad. At napansin kong sa ak in papalapit ang ibon. Tila dadagitin ako. Nakadama ako ng takot. Tumakbo ako pe ro natisod ako kaya bumagsak ako sa lupa kung saan tumama pa ang aking ulo sa is ang nakausling bato. Nakadama ako ng pagkahilo. Kinapa ko ang aking noo, may nas alat akong dugo na umaagos mula roon. Pagsulyap ko sa itaas, nakita kong hindi i bon ang padagit sa akin kundi isang tao na kalahati ang katawan at may mga pakpa k! Napakapangit at mabalasik ang kanyang anyo. Pero bago siya nakalapit sa akin ay nakita ko si Hildo na lumapit sa akin. Tila ibig niya akong proteksiyunan. Na sulyapan kong nahawi na ang ulap na nakakubli sa buwan kaya lumantad ang kabuuan niyon. Nagulat ako dahil kumisay-kisay si Hildo, at doon ko nakita na untiuntin g nagbago ang kanyang anyo. Tinubuan ng makakapal na balahibo ang kanyang mukha at katawan. Nagmukha siyang mabalasik na aso. Nilundag niya ang palapit na taong kalahati ang katawan. Sinakmal niya ito sa leeg. Nagpanghamok sila. Noon na ako tuluyang nawalan ng ulirat. Nang magmulat ako ng mga mata at pagsaulian ng mala y ay nasa bahay na ako. P-paano ako nakauwi? tanong ko sa aking kasambahay. Natagpu an kang walang ulirat ng mga barangay tanod sa sabana kaya iniuwi ka rito. Ang a kala nga nila ay nakagat ka ng aso dahil nakita nilang papalayo iyon sa iyo nang dumating sila.

Bagamat hilo ako noong masaksihan ko ang mga pangyayari, alam kong may lihim na n ahayag sa pagkatao ni Hildo nang sumilay ang bilog na buwan. Nang umaga ring iyo n, kahit masakit pa ang mga sugat ko ay tinungo ko ang bahay ni Hildo pero wala siya roon. Isang lalaki naman ang natagpuang patay sa kakahuyan, at hinihinalang biktima ng isang mabangis na hayop dahil maraming sugat ito na likha ng matatal im na ngipin. P-putol ba ang katawan ng biktima? tanong ko sa nakakita niyon. Hindi . Bakit mo nasabi iyon? W-wala Wala Mula noon ay hindi ko na nakita pa si Hildo. Hind i na siya nagbalik sa aming baryo. Nananatiling palaisipan sa akin ang hiwagang naganap. Iniisip ko na ang taong natagpuang patay ay ang manananggal na nakita k o. Marahil sa paghahamok nila ni Hildo na naging anyong aso, sugatan siyang naka takas at nakalayo at nagawa pang pagdugtungin ang katawan bago namatay. Ang mga kagat niyon ay alam kong likha ni Hildo. Sa gabi, madalas kong pinagmamasdan at tinititigan ang bilog na buwan. Napakaganda niyon kung saan ang liwanag ay nagig ing inspirasyon pa ng mga makata sa paglikha ng kanilang tula. Nagsisilbi ring p ang-akit iyon sa mga magkatipan na nagsusuyuan sa ilalim ng liwanag niyon. Pero masisisi ko ba si Hildo kung kapootan niya iyon at mahayag ang isang lihim? Hind i na. Kung minsan ay nakakarinig ako ng alulong ng aso mula sa kalapit na bundok kapag kabilugan ng buwan. Iniisip kong baka si Hildo iyon at hanggang ngayon ay nagagalit siya sa bilog na buwan Ang Karit July 3rd, 2011 Nanlamig ang buong ka tawan ni Vivian. Nanigas ang mga paat kamay niya nang makitang dumiretso sa kama ni Donya Isabel ang dalawang entidad. Inumang pa ng isa sa leeg ng donya ang haw ak nitong karit. KATATAPOS lang ng kursong nursing ni Vivian. Nakakaisang buwan pa lang siya sa ospital nang pakiusapan siya ni Maam Jocelyn, ang kanilang head n urse, na maging pribadong nars ni Donya Isabel. Si Donya Isabel ay nakatira sa l umang mansyon nito sa isang bayan sa Batangas. Beinte mil kada buwan ang suweldo, Vivian. Mas malaking hindi hamak sa sinusuweldo mo sa ospital. Apat ang kanilan g utusan kasama na ang mayordoma. Ang donya lang ang aasikasuhin mo, kumbinse pa ni Maam Jocelyn. Si Donya Isabel, sitenta anyos, ay isang biyuda. Bigla raw nangh ina ang donya nang magkaroon ng sakit na hallucinosis, isang kondisyon kung saan ay nakararanas ng halusinasyon ang isang pasyente. Tulad na lamang nang nakarir inig ng mga boses at nakakakita ng kung anu-ano na di naman naririnig o nakikita ng iba. Nagkaroon lang siya ng ganyang sakit nang mag-away ang dalawa niyang ana k. Pinalayas ni Reina si Riza. Kaya napilitang magtrabaho ang huli sa Amerika, pa gkukuwento kay Vivian ng mayordomang si Aling Marta. Napag-alaman din ng dalaga na araw lang ang itinagal ng mga naunang pribadong nars ng donya dahil hindi kay a ng mga ito ang puyat at nerbiyos sa tuwing aatakihin ng paghahalusinasyon ang donya.

Napaubo sa kaba ang dalaga. Kung hindi lang talaga niya kailangan ang malaking s uweldo para makapag-ipon sa planong pagpapaopera sa puso ng ina ay aatras na siy a ngayon pa lang. Pagtiyagaan mo muna siya, Vivian. Dating masama ang ugali ng do nya. Kaya nga namatay daw agad sa sama ng loob ang asawa niya. Pero sabi ni Rein a ay unti-unti nang bumabait ang mama niya ngayon. Magandang karanasan dinyan s a plano mong pagtatrabaho sa ibang bansa. At pangako, tutulungan kitang ilakad s a ahensiya ng kaibigan ko. Iyon ang pangako ni Maam Jocelyn sa kanya basta pagbigy an muna ang pakiusap nito na aalagaan ang donya. Si Reina kasi at ang head nurse ay magkaibigan. KAPAG pinaliliguan at pinabibihisan ay katu-katulong ni Vivian si Aling Marta. Hindi na kasi kayang bumangong mag-isa ng donya. Kailangan ding buhatin ito para maisakay sa wheelchair. Malaki ang mansion, Kaya marami ring ut usan. Sa pagtira sa mansion ay nalaman ni Vivian na si Darius, ang napangasawa n g anak ng donya na si Reina ay dating family driver ng mga ito. Matapos ang kasa l ilang taon na ang nakararaan ay ipinagpatuloy ni Darius ang kinukuhang kurso s a kolehiyo. Iyon daw ay para makatulong nang husto kay Reina sa pangangasi wa ng mga negosyo ng donya sa Maynila. Business Administration ang kurso ng lalaki. S a malaking kuwarto ng donya ay may isa pang kama kung saan natutulog si Vivian. Maayos naman ang mga nauna niyang gabi sa pagbabantay sa donya. Nag-umpisa ang k albaryo niya sa mansion makaraan ang isang linggo. Akala ni Vivian ay nananagini p lang siya na tinatawag siya ng donya Pero nagisnan niyang pasigaw na tinatawag siya nito. Napabalikwas ng bangon ang dalaga at tinungo ang kama ng matanda. Ma rahan niya itong niyugyog sabalikat. Maam, nananaginip ho kayo! Gising ako, iha dinig na dinig ko at kitang-kita ko sila! Nakadamit pa sila ng itim! Ang isa ay may h awak pang malaking karit! Parang karit ni kamatayan! Hapung-hapo si Donya Isabel. Nangangatal sa takot. Nanayuan ang balahibo ng dalaga. Nakaramdam siya ng takot kahit napakaliwanag ng ilaw sa silid nila. S-sinong sila? At anong sinasabi nila? T ulad ng dati malapit na raw akong mamatay! Sila raw ang susundo ng kaluluwa ko! M alakas ang boses nila! Nakakalakot ang mga halakhak! Tinatawag kita. Pero ang ta gal mong magising! Sinikap na balewalain ng dalaga ang panunumbat ng donya. Naban ggit na kasi ni Reina at Aling Marta na iyon at iyon lagi ang sinasabi ng donya sa tuwing maghahalusinasyon. Nang sumunod pang dalawang gabi ay paulit-ulit na n angyari ang ganoong eksena sa matanda. Bat ang tagal mo ring magising, Vivian? Ang lakas-lakas na ng tawag ko sa yo! Pareho ka rin nang mga nauna sa yo! muling sumba t ng natatarantang donya. Muling humingi ng paumanhin ang dalaga. Pero sa likod ng kanyang isip ay naroon na ang pagtataka. Simula pa kasi nang bata ay mababaw lang siya kung matulog. Agad nagigising sa mumunting ingay lamang. Hindi naman s iya umiinom ng bitamina para maging ganito na siya kahimbing matulog. Tumanggi n a ang donya nang painumin niya ito ng gamot na pampakalma ng sakit nito. Lalo lan g lumalala ang sakit ko sa tuwing umiinom ako niyan! Ito na siguro ang parusa sa akin sa mga kasamaan ko noon! Masama ako! Ang gusto ko na lang sana ay

ang bumalik rito si Riza bago man lang ako sunduin ni ni kamatayan! humagulgol na ang donya. Muling kinilabutan ang dalaga. Matutulad din yata siya sa mga naunang araw lang ang itinagal sapag-aalaga sa donya. K-kung buong puso nyo naman hong pi nagsisihan ang kasalanan nyo ay napatawad na yon ng Diyos, maam. Kaya patawarin nyo na rin ho ang sarili nyo nang makapamuhay na kayo nang maligaya. Hindi na niya ala m kung saan niya nabasa ang magandang payong iyon. Basta kailangan niyang mapaka lma ang donya dahil kung hindi, baka mauuna pa siyang mamatay sa nerbiyos. TUW1N G Linggo lang kung umuwi ang mag-asawang Reina at Darius. Sa dalawang araw na pa mamalagi ni Reina sa mansyon ay oras lang ang iginugugol nito sa pakikipagusap s a ina. Maliban sa ayaw siyang kausapin ng donya, marami pa siyang inuuwing traba ho mula sa kanilang opisina. Maam Reina, makabubuti hong pauwiin nyo narito ang kap atid nyo. Malaki ang maitutulong ng presensya niya sa muling paglakas ng mama nyo, minsan ay banggit niya sa amo. Wala na akong tiwala sa kanya, Ms. Vivian, seryoson g sagot ng babae. Isa siyang psychiatric nurse pero wala siyang naiambag para map igilan ang paglala ng sakit ng mama. May palagay nga akong gusto na niyang mamat ay ang mama nang maaga niyang makuha ang kanyang mana! At isa siyang traidor! Ay oko nang tumuntong pa siya sa pamamahay ko! Kumusta na hong lagay ng mama, dok? bali ng ng babae sa bagong doktor ng ina na inirekomenda ng asawa. Unti-unti nang nako kontrol ang sakit niya basta tuluy-tuloy lang ang pagpapainom ng ibinigay kong g amot, di ba, Vivian? anang doktor na bumaling naman sa kanya. Alanganing napatang o ang dalaga. Kabaligtaran yata ang sinasabi ng doktor. Katunayan, mahimbing ang naging tulog ng donya nang nagdaang gabi nang hindi na niya ito pinilit na pain umin ng gamot. Sige na ho, mama.. .pumayag na kayong doon na rin sa Maynila tumir a kasama namin ni Darius. Doon ay maaalagaan ka nang husto ng mga espesyalistang doktor at lagi pa tayong magkikita. May kung ilang ulit na yatang narinig ni Viv ian na pakiusap ni Reina sa ina ngunit nanatiling matigas ang puso ng donya. Ang gusto ko lang ay ang pauwiin mo na rito si Riza dahil siya na lang ang kakampi k o sa bahay na ito! Nalaman ng dalaga sa donya na malaki ang sama ng loob nito dah il sinuway ni Reina ang payo nitong huwag magpakasal kay Darius. Pera lang ang ha bol ni Darius sa anak ko, Vivian! Lolokohin lang siya ng lalaking iyon! sabi sa k anya ng matanda. Bat ho nag-away sina Reina at Riza, maam? lakas-loob na niyang tano ng. Gusto niyang mabawasan ang maraming katanungan sa kanyang isipan. Nagsumbong si Darius kay Reina na inaakit daw siya ni Riza. Nahusto ang galit ng anak ko Pi nalayas niya si Riza. Pero alam kong pakana lahat iyon ni Darius nang mawala rit o si Riza dahil alam niyang kahit ampon ko lang si Riza ay may mamanahin din mul a sa akin! Samakatwid, parehong sampid lang sa pamilya sina Darius at Riza. Puwed eng nagkakainggitan sila dahil sa milyung-milyong mamanahin, saloob-loob ng dala ga. MULI ay nakiusap ang donya kay Vivian na huwag na itong painumin ng gamot. D ahil iyon daw ang nagpapalala ng sakit niya. Pinagbigyan na lang niya uli ang do nya.

Saloob-loob niya, bukas na bukas din ay aalis na siya sa mansyon. Hindi na niya kaya ang puyat at nerbiyos, idagdag pa ang bigat ng problema ng pamilyang ito. T inapunan niya ng tingin ang mahimbing nang natutulog na donya. . Diyatat nakabubu ti nga ang hindi nito pag-inom ng gamot? Nahagip ng tingin niya ang baso ng gata s na ipinatong kanina ni Aling Marta sa mesita malapit sa kanyang kama. Nakaligt aan pala niyang inumin iyon. Nagmamagandang-loob kasi ang mayordoma na ipagtimpl a siya ng gatas tuwing gabi bago matulog nang magkaroon daw siya ng resistensiya sa klase ng trabaho niya. Babangon sana siya para inumin iyon nang maramdamang bumubukas unti-unti ang pintuan ng kanilang silid. Napako siya sa pagkakahiga na ng makitang pumasok ang dalawang entidad na nakasuot ng itim na kapa na may pant alukbong sa ulo kung kayat hindi nakikita ang mukha ng mga ito. Ang isa ay may ha wak pang malaking karit! Nanlamig ang buong katawan ng dalaga. Nanigas ang panga niya sa matinding takot. Nanigas din ang mga paat kamay niya nang makitang dumir etso sa kama ng donya ang dalawang entidad. Iniumang pa ng isa sa leeg ng donya ang hawak na karit. Nagising agad ang donya nang tawagin ng boses babaing entida d. Malapit ka nang mamatay! Ako ang susundo sa yo! Pagkatapos ay humalakhak ito. Matinis. Sumabay ang isa pang may hawak na karit. Mala-demonyong halakhak din an g nagmumula rito. Nang matiyak ng mga ito na takot na takot na ang donya ay tinu ngo na ng mga ito ang pintuan. Vivian!.. .Vivian! paungol na tawag ng donya. Napap iksi ang dalaga at ubod-lakas na bumangon. Napaluhod pa siya nang bumaba sa kany ang kama. Nawalan pala ng lakas ang mga tuhod niya sa sobrang nerbiyos. Naabutan pa ng paningin niya ang likod ng isa sa dalawang entidad na palabas na ng pintu an. Dali-daling dinaluhan niya ang parang di na makahingang donya. N-narinig mo r in sila! Nakita mo rin sila! Di ba? Ha? Iling lang nang iling ang dalaga. Nang ma katulog uli ang donya ay agad niyang dinala ang baso ng gatas sa kusina. Pinaino m niya iyon sa isang alagang pusa sa bahay na iyon. Segundo lang ay mahimbing na ng nakatulog ang pusa. Kumpirmado ni Vivian na may pampatulog na inilalagay sa k anyang gatas. Kaya pala hindi agad siya nagigising sa tuwing hihingi ng tulong a ng donya. Marahil ito rin ang ginagawa ni Aling Marta sa mga nauna sa kanya at m aging kay Riza! MAAGA pa kinabukasan ay tinawagan na ni Vivian si Reina. Ipinagt apat niya rito ang naganap nang nakaraang gabi. Noong una ay ayaw maniwala ng ba bae pero dahil na rin marahil sa sinsero niyang pagsasabi ng katotohanan ay nani wala rin ito bandang huli. Nagulat pa sina Aling Marta at ang iba pang utusan na ng biglang dumating si Reina na may kasamang mga pulis. Hinuli ng mga pulis si A ling Marta. Nang una ay tumatanggi pa ang matanda pero nang komprontahin niya it o at kumpirmahing boses nito ang narinig nang takutin ang donya ay hindi na ito nakapagkaila. Paano ay sinabi ni Vivian na handa siyang magpa-lie detector test basta kasama ang katulong. Noon bumigay si Aling Marta. Tiniyak naman ni Vivian sa nagugulumihanang donya na wala siyang sakit na hallucinosis. Lahat ng naririn ig at nakikita nito ay totoo. Napaamin din si Aling Marta na ang utak ng lahat a y si Darius. Nadiskubre ring malayong magkamag-anak sina Aling Marta at Darius. At ang bagong doktor ay

kakutsaba rin ng lalaki. Na pinapalitan nito ang laman ng kapsula ng isang uri n g hallucinogen drug na tumutulong para lalong maghalusinasyon ang pasyente. Hindi aksidente na ikaw ang napisil kong ipadala rito, Vivian. Ginamit ka ng Diyos na ng matapos na ang kasamaan sa mansyon, sabi ni Maam Jocelyn nang isama ito ni Rein a sa pagdalaw sa ina. Hindi lubos ang kasiyahan ng dalaga. Hindi pa kasi napaami n si Aling Marta kung sino ang kasama nitong may dala-dalang karit. Ayon sa mayo rdoma, siya lang talagang mag-isa ang nananakot sa donya. HINIWAL AYAN ni Reina si Darius at ipinakulong din kasama ng doktor at ni Aling Marta. Pinauwi rin nit o ng Pilipinas si Riza at muli silang nagkasundo ng kapatid. Inako rin ng donya ang gastos sa pagpapaopera sa puso ng ina ni Vivian. Ito raw ay pabuya sa katapa tan at kabayanihang nagawa ng dalaga. Ang dalaga pa rin ang pribadong nars ni Do nya Isabel. Pumayag na rin sa wakas ang donya na ibenta na lang ang mansyon at s a Maynila na tumira kasama ng mga anak. Nabunutan naman ng tinik ang dalaga. Kah it natuklasan na ang misteryo sa mansyon ay hindi pa rin palagay ang loob niya. Pa palabas na ng gate ang kotseng sinasakyan nila nang maisipang lingunin ni Vivian sa huling pagkakataon ang mansyon. Nahagip ng paningin niya ang isang malaking anino ng karit sa bintana ng kuwarto ni Donya Isabel. Napakurap lang siya ay big la naman itong nawala. Diyos ko! pausal na sabi ni Vivian. Ano kamo, iha? usisa ni Do nya Isabel na lumingon sa kanya. K-kako tama ang desisyon nyong lisanin natin ang m ansyon, maam! sambit ni Vivian na tumatahip pa rin ang dibdib sa takot. Ang Mekani ko July 2nd, 2012 Sino ang mahiwagang MEKANIKO? Natatabingan ng ulap ang buwan. Na nanaghoy ang kahol ng mga aso sa karimlan. Ayon sa mga paniniwala, sa ganitong p anahon na papaliit na ang buwan, lumalabas ang mga maligno. Hindi na iyon pinaguukulan ng pansin ng marami lalo na ng mga abala sa paghahanapbuhay. Wala na ang mga paniniwalang yaon sa makabagong pamumuhay sa umuunlad na kabihasnan. Sa buk id man, naiilawan na rin ng maliliwanag na bombilya ang mga bahay at ang datiy ma dilim na kalsada ay naiilawan na rin. Wala na ang kinatatakutang pusikit na kari mlan. Wala na rin ang tila daing na huni ng mga kuliglig at bibihira na ring mak ita ang mga alitaptap. Di gaya ng dati, wala nang dapat ikatakot ang mga ginagab i sa pag-uwi ng bahay. Ngunit ang mga kababalaghan ay hindi nagwawakas. Delayed ang arrival ng sinasakyang eroplano ng anak ng aking Kumpareng Estong. Alas kuwa tro pa lamang ng hapon ay nasa Ninoy Aquino International Airport na kami upang salubungin ang darating niyang anak na Nurse na galing sa London. Mag-aalas nuwe be na nang makalabas ng airport ang aming sinalubong. Araw ng Biyernes noon at a ng kahabaan ng South Superhighway ay nagsisikip pa rin sa gayong oras sa mga sas akyang papauwi ng probinsiya. Lampas na ng hatinggabi nang kami ay dumating sa b ahay ng aking kumpare. Hindi ko na pinaunlakan ang anyaya na magkape man lamang kami. Malayo pa ang lalakbayin kong pauwi sa aming nayon. Naghihintay at nababah ala na ang aking mag-iina.

Una kong napuna ang tila lumalabong ilaw ng aking Tamaraw FX hanggang sa tuluyan nang mamatay ang makina ng sasakyan. Bahagya man ang liwanag ng naglalahong buw an ay naaninaw ko pa rin na malapit ang hinintuan ko sa lumang talyer. Una kong kinuha ang aking flashlight ngunit bahagya na rin ang liwanag niyon dahil luma n a ang baterya. Kinuha ko ang maliit kong tool box at binuksan ang hood ng aking sasakyan. Hindi ko mawari ang aking gagawin nang may lumapit na lalaki at binuks an ang aking tool box. Isang spanner at isang screw driver ang kinuha niya at wa lang kibong kinalikot ang makina ng aking sasakyan. Sa gayong oras ng gabi at ma higpit na pangangailangan ay hindi ko na nakuhang magtanong kung sino siya. Hind i nagtagal, sinenyasan niya akong i-start ang makina. Habang kinakapa ko ng susi ang susian sa dashboard ay isinara niya ang hood. Isang click lamang at umandar na ang sasakyan. Makinis ang andar. Kakausapin ko sana ang mekaniko upang mapas alamatan at mabigyan man lamang kahit kaunting pabuya ngunit wala na siya. Lumin ga-linga ako ngunit hindi ko na siya nakita. Ang aking pagtataka ay pinukaw ng h uni ng isang kuwago sa di kalayuan, at ng ingay ng tila nabulabog na mga paniki. Humahagunot ang mga pakpak ng mga iyon habang umaaligid sa akin. Kinilabutan ak o kaya nagmamadaling pinaharurot ko ang FX pauwi ng bahay. Hindi ko na naiparada nang maayos ang sasakyan. Nagtatakang sumalubong ang aking asawa. Alas otso pa lamang ng umaga, kinabukasan, ay naroon na ako sa malapit sa talyer na hinintuan ko nang nakaraang gabi. Tahimik ang lugar at kahit isang tao ay wala akong naki ta. Nilibot ko ang paligid at mga lumang goma na lamang ng sasakyan ang nakita k o at ilang kalawanging chasis ng kotse. Sa ayos ay matagal ng hindi ginagamit an g talyer na iyon. Ibinalita ko sa aking kumpare ang nangyari. May bahid ng kalun gkutang nakabadha sa mukha niya nang sumagot sa akin. Pare, si Basilio iyon, ang dati naming mekaniko sa lugar na ito. May dalawang taon na siyang namatay sa aks idente sa lugar na iyon. Nasagasaan siya ng lasing na drayber. Ilan na rin ang n atulungan niya ng tulad sa nangyari sa iyo. Bagamat nangatatakot ang mga tinulun gan niya ay nagpapasalamat pa rin sila sa ginagawa ng multo ni Basilio. Ipagtiri k mo na lamang siya ng kandila bilang pasasalamat sa kanya. May bakas pa ng mga n aupos na kandila sa gilid ng talyer nang magtungo ako roon. Sinindihan ko ang da la kong kandila, umusal ng dalangin, at nagpasalamat sa mekaniko Ang Multo Sa Se menteryo July 19th, 2010 Ang lalaking kamukha ng patay na ngayon ay nakikihalubi lo sa mga nakikipaglibing ay ang mismong patay. Ramdam na ramdam niya ang negati bong enerhiyang nagmumula sa multo. KASISINDI lang ni Paolo ng dalawang kandilan g itinirik niya sa harap ng puntod ng kanyang ama na nagdaraos ng kaarawan nito nang araw na iyon nang mapalingon siya. May pumapasok na prusisyon ng libing mal apit sa lugar na kinaroroonan niya. Napasulyap uli siya sa bagong gawa at wala p ang lamang nitso di-kalayuan sa puntod ng kanyang ama. Natiyak agad niya na iyon ang paglalagakan ng kabaong na nang mga sandaling iyon ay pinagtutulungang buha tin ng anim na lalaki. May bubong ang nasabing nitso na halatang ginastusan ang pagkakagawa. Halos umabot sa puwesto niya ang maraming taong kasama sa libing ka ya napilitan siyang umatras. Nasipa pa ng isa sa mga bagong dating ang isa sa mg a kandila niya at natumba. Namatay ang apoy niyon pero hinayaan na lang niya iyo n. Sisindihan na lang

uli niya iyon mamaya. Tumuntong siya sa kalapit na magkapatong na dalawang nitso at doon pinagmasdan ang huling seremonya ng libing. Mayamaya pa ay ibinaba na a ng kabaong at binuksan. Nagsilapitan na roon ang marahil ay mga kamag-anak at ma lalapit na kaibigan ng namatay at pinagmasdan ang mga labi nito sa huling pagkak ataon. Prenteng nakaupo siya sa ibabaw ng nitso nang matigilan siya. Isa sa mga lalaking tumutunghay sa patay sa loob ng kabaong ay kamukha nito. Hindi lang mag kamukha ang mga ito, pareho rin ng suot. Parehong matangkad at katamtaman lang a ng mga pangangatawan. Nanlaki ang mga mata niya nang isang babae ang lumagos sa katawan ng lalaking pinagmamasdan niya! Ang lalaking kamukha ng patay na ngayon ay nakikihalubilo sa mga nakikipaglibing ay ang mismong patay. Napasulyap siya s a relo niya. Pasado alas-diyes pa lang ng umaga. Pero hindi naman talaga kakatwa na may nagmumulto sa umaga. Ilang beses na rin siyang may nakitang multo na gum agala sa umaga, partikular na sa mga sementeryo. Sa bawat oras ay may mga gumaga lang multo sa sementeryo at ang madalas na inuusisa ng mga ito ay ang mga bagong inililibing. Hindi gaya nang mga sandaling iyon na ang multong nag-uusisa sa li bing ay ang multo mismo ng inililibing. Natutulalang pinagmasdan niya ang multo. Hindi na ito nakikipag-agawan sa pagtunghay sa kabaong nito. Pinagmasdan na lan g nito nang tahimik ang mga taong sa huling sandali ay gustong makita ang bangka y nito. Pero mayamaya pa, nakita niyang may galit na rumehistro sa mukha ng mult o nang may makita ito sa mga nakikipaglibing. Anong ginagawa mo rito? hiyaw nito sa isang lalaki. Umalis ka rito! Anyong galit na galit ang multo sa naturang lalaki. Sinakal nito ang lalaki pero tumagos lang ang mga kamay nito sa leeg ng lalaki. Nang mabatid ng multo na walang epekto ang ginagawa nito sa lalaki ay nagpaling a-linga ito sa paligid. Isang matulis na kaputol na kahoy ang nilapitan nito at tinangkang damputin. Sasaksakin nito ang lalaki! Pero hindi mahawakan ng multo a ng matulis na kahoy. Nadidismayang nagsisigaw ang multo bago muling binalingan n ito ang lalaki. Umalis ka rito! Huwag mong bastusin ang libing ko! Pinagmumura pa nito ang lalaki. Nanlilisik ang mga mata nito. Walang ibang nakakakita sa multo kundi siya. Bukas ang third eye niya at malakas iyon kapag nasa sementeryo siya. Tuwing nasa sementeryo siya, walang palyang palagi siyang nakakakita ng multo. Pero kapag wala siya sa sementeryo, masuwerte nang may makaengkuwentro siyang mu lto minsan sa isang linggo. Hindi siya natutuwa na may kapangyarihan siyang maki ta ang hindi nakikita ng pangkaraniwang mga mata. Madalas ay perhuwisyo at abala ang dala niyon sa kanya, bukod pa sa natatakot pa rin siya sa tuwing makakakita siya ng multo. May mga multo na marahas at talagang nakakatakot ang hitsura. Ma yroon din namang multo na maamo at walang pakialam kahit alam ng mga itong nakik ita niya ang mga ito. May mga multo rin na walang amoy pero ang iba ay talagang nakakasulasok ang amoy na naninikit sa kanyang ilong kahit ilang araw na ang lum ipas. Ano ba ang pakinabang niya sa pagkakaroon niya ng bukas na ikatlong mata? Minsan, may natutulungan siyang ligalig na kaluluwa. Dati, may nakausap siyang m ulto na nagpakamatay nang hindi nakakahingi ng tawad sa mga magulang nito. Tinul ungan niya itong magkaroon ng komunikasyon sa mga magulang nito. Pero bihira ang pagkakataong iyon. Karamihan sa mga multo ay hindi nakikipag-usap sa kanya. Kar amihan ay galit at naiinggit sa mga buhay. Mas maraming dalang abala sa kanya an g kanyang kakatwang kapangyarihang makakita ng mga multo at iba pang kahalintula d na nilalang. Kung may alam lang siyang paraan, isasara na lang niya ang kanyan g ikatlong mata.

Gaya nang mga sandaling iyon, napansin na siya g pinagmamasdan niyang multo. Nab atid na nito na nakikita niya ito. Lumutang ito palapit sa kanya. At huli na upa ng iwasan niya ito. Ano ang itinitingin-tingin mo, ha? paasik na sabi nito sa kany a. Hindi siya sumagot. Nag-iwas lang siya ng tingin. Mapagkakamalan siyang baliw kapag kinausap niya ito dahil walang ibang nakakakita at nakakarinig dito kundi siya. Lalo itong nagalit sa hindi niya pagsagot. Pinagmumura siya nito. Tumalon siya pababa mula sa nitso at naglakad palayo. Katulad ng inaasahan niya, sumuno d sa kanya ang multo ng lalaki. Dahil marami na siyang karanasan sa multo, may a lam siyang paraan para itaboy palayo ang isang multo. Pagdating sa lugar na alam niyang hindi na sila pansin ng mga tao ay binulungan niya ang multo. Kapag hindi mo ko tinigilan, kakausapin ko ang mga kamag-anak mo. Sasabihin ko sa kanilang n akikita kita at hinihiling mo na gusto mong ma-cremate. Alam mo ba kung ano ang mangyayari sa isang multo kapag sinunog ang katawan niya at ginawang abo? Maglal aho siyang parang bula. Kaya kung may plno ka pang gumala-gala rito sa lupa, lub ayan mo ko, pananakot niya rito. Natuwa siya nang makitang natigilan ang kaharap n a multo. Mayamaya pa ay nilayuan na siya ng multo. Humalo uli ito sa mga taong s umama sa paglilibing dito na nang mga sandaling iyon ay nag-aalisan na. Pinuntir ya uli nito ang lalaking kanina ay nakita niyang sinasakal nito. Galit na pinags usuntok, pinagsisipa at pinagmumura nito ang naturang lalaki na wala pa ring nar aramdaman. Mayamaya pa ay binalingan ng multo ang lahat ng taong dumalo sa libin g nito at galit na pinagmumumura ang mga ito. Ramdam na ramdam niya ang negatibo ng enerhiyang nagmumula sa multo. Ang matinding pagkasuklam na bumabalot dito. N ilapitan uli niya ang puntod ng kanyang ama, itinayo ang kandilang natumba at mu ling sinindihan. Kasabay ng pag-aapoy ng kandila ay may kumislap na ideya sa kan yang isipan. Sinulyapan uli niya ang multo na wala pa ring sawang kinukutya at i naalipusta ang mga nakipaglibing sa bangkay nito. May mga multo na pagkaraan ng ilang araw ay nawawala na at nagtutungo na sa dapat na kahantungan. Mayroon nama n na nagtatagal nang ilang taon sa lupa, pagalagala lang at walang sinasaktan, a t may mga multo na pagkaraan lang ng ilang araw ay nagkakaroon ng kakayahang hum awak ng solidong bagay kaya nagagawa nang manakit. At pumatay. Paano kung ang mu ltong pinagmamasdan niya nang mga sandaling iyon, pagkaraan lang ng ilang araw a y magkaroon ng kakayahang humawak ng solidong bagay at magkaroon ng kakayahang m anakit? Baka araw-araw ay may patayin ito. Tiyak na ang uunahin nito ay iyong mg a nakipaglibing sa miserableng bangkay nito. Tumayo siya at hinabol ang mga naki paglibing na nagsisilulanan na nang mga sandaling iyon sa kanya-kanyang sasakyan . Sa sulok ng kanyang mga mata ay nakita niyang napatingin sa kanya ang multo. I pinagtanong niya sa mga ito kung sino ang pinakamalapit na kamag-anak ng namatay . Itinuro siya sa isang babaeng kapatid nito. Magalang na lumapit siya rito. Nag pakilala at hiningi niya ang address ng mga ito na ibinigay ng mga ito pagkatapo s niyang magpakita ng ilang IDs na magpapatunay na isa siyang mabuting tao. Tungk ol ho sa namatay, maikling sagot niya nang itanong nito kung ano ang pakay niya s a pakikipag-usap dito. Hindi na siya nagbigay pa ng detalye dahil nakita niyang palapit sa kanila ang multo ng namatay.

KINABUKASAN din ay tinungo na niya ang bahay ng kapatid ng namatay. Julio ang pang alan ng namatay. ikinuwento agad niya rito ang tungkol sa tangkang pananakit at galit na pagmumura ni Julio sa mga nakipaglibing, lalo na sa isang lalaki. Agad na nabaghan ang kapatid ni Julio at ang iba pang kamag-anak nitong kaharap nila. Kung kaya lang niyang patayin kahapon sa libing yong lalaki na yon, ginawa na sig uro niya, sabi pa niya. Inilarawan niya ang lalaking pinakitaan ni Julio ng matin ding galit. Si Larry, nahihindik na pagtukoy ng kapatid ni Julio sa nasabing lalak i. Dati silang magkaibigan. Inamin ng kapatid ni Julio na matagal nang may alitan sina Julio at Larry. Nagtungo lang sa libing si Larry bilang pagbibigay na rin n g respeto sa mga labi ni Julio. Sa una ay tumanggi pa ang kapatid ni Julio na sa bihin kung ano ang pinag-awayan ng dalawa, pero sa bandang huli ay nagkuwento ri n ito. Ibinisto raw at isinumbong ni Larry sa mga awtoridad ang mga ginagawang p andaraya ni Julio sa negosyo nito at sa mga empleyado nito. Ang mga kasong kinah arap nito dahil sa pagbubulgar ni Larry ang malamang na naging sanhi upang ataki hin sa puso si Julio at mamatay. Nakadagdag din sa sakit sa kalooban nito ang ka totohanang halos lahat ng kamag-anak nito ay hindi nagalit kay Larry at sa halip ay pinuri pa ito sa tama at naging matapang na desisyon nito. Noon pa raw kasi pinapaalalahanan ng mga kaanak nito si Julio na baguhin na ang masamang gawain. Ngunit mas inuna nito ang kumita nang malaki. Nakumbinsi niya ang mga kamag-anak ni Julio na kailangang sunugin ang bangkay nito bago pa makapaminsala ang multo nito. Hindi na siya sumama sa sementeryo nang kunin ng mga kamag-anak nito ang bangkay nito. Alam niyang hindi lang siya tatantanan ng pagmumura nito. Iyong ib ang tao, kahit maghapon na murahin at pagsalitaan nito ng masasakit ay walang ma ririnig. Pero siya, kahit paano ay naaapektuhan sa pag-aalipusta at pagbabanta s a kanya ng mga multo. Hindi na rin siya sumama sa crematorium dahil alam niyang susunod doon ang kaluluwa ni Julio. Masaya na siyang napigilan niya ang anumang masamang plano nito. Nagpakasama na ito noong nabubuhay pa, magpa-pakasama pa ri n pala ito kahit isa na lang kaluluwa. Isa iyon sa mga pagkakataong natutuwa siy a na bukas ang ikatlong mata niya. Ang Nilalang October 8th, 2011 Walang tigil s a pagwawala si Merlinda. Halos sumabog ang mga litid ng leeg niya sa pagtatangka ng gumawa ng ingay mula sa bibig na may busal. Hanggang maramdaman niya ang pagh ablot sa katawan niya ng isang nilalang. Mababalahibo ang mga kamay niyon at mat utulis ang mga kuko na agad tumusok sa magkabilang tagiliran at nagpasirit sa du go sa kanyang katawan NAPALINGON si Merlinda nang marinig ang lagaslas ng tubig m ula sa palikuran. Kagagaling lang niya sa banyo at tiyak niyang walang ibang tao roon. At bakit nga magkakaroon ng tao gayong nag-iisa lang siya sa bahay. Mamay a pa ang dating ng boyfriend niyang si Andrew. Pumapagpag ang dibdib na naupo si ya sa malambot na sofa. Hindi niya maalis ang mga mata sa gawing kinaroroonan ng comfort room. Nagtataka siya pero natatakot namang silipin iyon para bigyang sa got ang kuryosidad sa isip.

Nagitla pa siya nang marinig ang lagitik ng seradura. May nagbukas ng pinto. Swee theart! gulat na gulat si Andrew nang makita siya na biglang tumayo mula sa kinau upuan. Ginulat mo ako, ah. Kanina ka pa? Lumapit sa kanya si Andrew at ginawaran s iya ng halik sa labi. Hindi na rin nagtaka ang lalaki na nakapasok siya sa apart ment nito kahit wala ang binata. Binigyan kasi siya ng duplicate key ng nobyo pa ra maaari siyang makapasok doon na hindi na ito hihintayin pa. May dala akong cak e. Nasa refrigerator. Pinakialaman ko na ang gamit mo, medyo nahihiya pa niyang s abi. Ill guess. Blackforestcakenakangiti si Andrew Iyong klase ng ngiti na nakakalim utan niya ang lahat. Ngumiti si Merlinda. Tumango. Muli siyang hinalikan ng noby o. Pagkatapos ay inakbayan. Lets go. Iti-treat kita, yaya nito. Hindi na siya nakat anggi. Ilang sandali pa ay lulan na sila ng kotse nito at binabaybay ang kahabaa n ng mga kainan sa Makati. ILANG buwan pa lang nagkakakilala sina Merlinda at An drew pero hindi naging hadlang iyon para ibigin ng dalaga ang binata. Every inch a gentleman, iyan ang tingin niya sa nobyo sa unang pagkikita pa lang. Ang toto o ay hindi niya alam ang background ni Andrew. Nakilala niya ito nang dumalo sa isang product demonstration ng kompanyang pinapasukan. Ganun lang. Nahook agad si ya nito. Masayang kasama si Andrew at iyon ang dahilan kung bakit nalimutan niya ng sabihin ang tungkol sa naramdaman niyang kakaiba habang hinihintay ang lalaki sa apartment nito. Hanggang maging siya, sa dami ng hinarap na trabaho sa opisi na ay nalimutan nang banggitin pa iyon. Minsan, habang nanonood ng panggabing ne wscast ay nabaling ang atensiyon niya tungkol sa isang nawawalang magandang baba e. Ayon sa mga magulang ay may nobyo ang anak sa Maynila pero hindi nila kilala at pinangangambahan ding maaaring may kinalaman sa pagkawala ng dalaga. Naalala niya ang sariling ama at ina. Nasa probinsiya rin ang mga ito. Mag-isa siyang na ninirahan sa Maynila mula pa nang dito siya magkolehiyo. Nang magkatrabaho ay la lo na siyang nawalang panahon na umuwi. Ang pinakakomunikasyon niya sa mga pamil ya ay ang tawag sa telepono at cellphone. Hindi pa rin niya nababanggit sa mga i to na may nobyo na siya. Ibig niyang sorpresahin ang amat ina. Ang balak niya ay umuwi ng probinsiya kasama si Andrew para personal itong makilala ng mga magulan g. Tunog ng cellphone ang gumulantang kay Merlina. Sweetheart, bakit? Its past ele ven aniya na nakatingin sa wall clock na nakasabit sa dingding ng sala. M-may prob lema ako, sabi ni Andrew. Naalarma si Merlinda. Ngayon lang naiba ang boses ni An drew mula sa masigla at puno ng buhay na tinig nito tuwing magkasama sila. Proble ma? sabi niya. How can I help? Please, puntahan mo ako, may samo sa tinig ng binata. Nagdalawang-isip siya. Gabing-gabi na. Baka mahirapan na siyang makauwi lalot hi ndi siya maihahatid ni Andrew sa kalagayan nito. Pero naalala rin niya ang nobyo . Nagiisa ito at kailangan siya. Sa huli, natagpuan ni Merlinda ang sarili na pu mapara ng taksi at nagpapahatid sa apartment ng binata.

Madilim ang apartment. Tila walang tao sa loob. Kumatok siya. Walang sagot. Tina wag niya ang pangalan ni Andrew. Isang beses. Dalawa. Tatlo. Wala ni galaw mula sa loob ng kabahayan. Kinabahan si Merlinda. Baka kung ano ang nangyari kay Andr ew. Binuksan niya ang shoulder bag at kinuha ang susi ng apartment sa side pocke t ng bag. Kinapa ni Merlinda ang switch ng ilaw sa tabi ng pinto. Lumiwanag ang buong sala. Andrew! tawag niya sa pangalan ng nobyo. Andrew! Natutok ang mata niya s a silid ng binata. Dumiretso siya roon. Marahan niyang binuksan ang pinto ng sar adong silid. Napasigaw siya nang biglang may humaltak sa kanya. Pero saglit lang ang sigaw na iyon dahil napalitan iyon ng isang impit na igik at pagbulusok ng malay niya sa kawalang malay, makaraang tumanggap siya ng malakas na suntok sa p anga.. Matagal na matagal ang karimlang kinaroonan ni Merlinda. Hindi niya alam kung gaano katagal bago siya nagising. Ang tanging alam niya ay nakatali siya sa gilid ng paa ng kama nang pagsaulian ng malay. May busal ang kanyang bibig. May takip rin ang kanyang mga mata. Natakot siyang umungol. Natakot siyang baka pag gumawa ng ingay ay lalo siyang mapasama. Nangangatog ang buo niyang kalamnan. P arang sasabog ang kanyang utak. Nasaan si Andrew? Sino ang lalaking nasa silid n i Andrew? Ito ba ang problemang sinasabi ni Andrew? NARAMDAMAN ni Merlinda na ma y tumabi sa kanya. Si Andrew! Im sorry, bulong ni Andrew. Gusto sana niyang iparamd am kay Andrew na may malay na siya pero naunahan siya ng takot. Paano kung katab i nito ang lalaking nagtali sa kanya? Kailangan muna niyang makiramdam. Im sorry! s abi uli ni Andrew at waring nayanig ang kama sa pagkakasandal nito dahil sa hind i mapigilang pag-iyak. May narinig siyang ungol. Sigurado siyang wala iyon sa lo ob ng silid pero nasa loob ng bahay. Ang ungol ay nagdulot sa kanya ng isang lib o at isang kilabot. Naramdaman niya ang pagtayo ni Andrew. Pagkatapos, tinanggal nito ang pagkakatali ng katawan niya sa kama pero hindi ang pagkakatali ng kany ang mga paa at kamay. Bigla siyang hinablot ni Andrew. Kinarga. Nakadama siya ng panganib. Umigtad siya. Nagwala siya. Nanlalaki ang ulo niya. Lumakad si Andrew palabas ng silid at palapit sa ungol na una niyang narinig. Wala siyang tigil n g pagwawala. Halos sumabog ang mga litid ng leeg niya sa pagtatangkang gumawa ng ingay mula sa bibig na may busal. Naramdaman ni Merlinda ang paghablot sa kataw an niya mula sa pagkakakarga ni Andrew. Mababalahibong mga kamay ang mga iyon na may matutulis na mga kuko. Agad tumusok sa magkabila niyang tagiliran ang tila kutsilyong mga kuko atnagpasiritsadugosakanyang katawan. Halos mapugto ang kanya ng hininga. Ang sumunod ay impiyernong walang pangalang sakit.

Naramdaman pa niya ang pagkabali ng kanyang mga braso, ang lagutok ng mga binti niyang nilingkis ng malansa at mahabang katawan ng nilalang na hindi niya alam k ung ano. MARAHANG lumagitik ang seradurang nabuksan. Pumasok ang isang babae. Ma y sarili siyang susi sa apartment dahil ibinigay iyon sa kanya ni Andrew, ang no byo niya na ilang buwan pa lang nakikilala. Ibinababa ng babae ang dalang pagkai n na binili sa isang restoran nang magulat siya. Tila may marinig siyang labusaw ng tubig mula sa comfort room. Parang may nanggaling sa ibabaw ng toilet bowl a t bumalik sa ilalim patungo sa septic tank. Walang ibang tao sa apartment. Nag-i isang nakatira roon si Andrew at kaya nga siya nagpunta roon ay dahil balak niya ng sorpresahin ang boyfriend. Kinabahan siya at nakiramdam. Sa comfort room, mul ing lumabusaw ang tubig mula sa toilet bowl. Isang mabalahibong nilalang na may matutulis na kuko, matutulis na pangil at anas na katawan ang unti-unting pumaso k sa loob noon. Ang nilalang, na isang halimaw, ay kakambal ni Andrew. Tao ang p agkain ng halimaw at iyon ang ibinibigay ni Andrew sa kapatid. Ang Tulay August 14th, 2010 Napasigaw siya nang makita sa hulihan ng kanyang sasakyan ang hindi n iya mabilang na kaluluwang nakaharang sa tulay. Matatalim ang mga mata ng mga it o habang nakatitig sa kanya. NABALITAAN ni Alex mula sa kanyang mga pinsan na ma y gaganaping street dance party sa kabilang bayan. Iyon daw ang unang pagkakatao ng magkakaroon ng ganoong event doon bilang bahagi ng pagdiriwang ng kapistahan sa taong iyon. Cool, guys, masiglang sabi niya sa apat na pinsan. Join tayo sa stre et party na yon. Tiyak na masaya yon. Maraming beses na akong naka-experience ng ganoong gimmick sa Manila at nag-enjoy talaga ako. Tikom ang mga labing nagtin ginan ang kanyang mga pinsan. Napakunot ang kanyang noo. Ramdam niyang walang ba lak ang apat na pumunta sa street dance party na iyon. Ni hindi man lang niya ki nabakasan ng excitement ang mga ito. Come on, guys. Dont tell me na wala kayong ba lak sumama sa akin sa pagpunta roon? Sabay-sabay na umiling ang mga ito. Kuya Alex , ani Karla, ang pinakabata sa kanila. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang baha gyang takot sa mukha nito. Gusto sana naming pumunta roon kaya lang ay natatakot kami. Kailangan kasi nating tumawid sa isang tulay para makapunta roon, dagdag ni F erdie at nagpakawala pa ng buntong-hininga. Wala naman kasing ibang daan para mak arating tayo sa street party kundi yong tulay. Ano naman kung dadaan tayo sa isang tulay? Maraming kababalaghang nangyayari sa tulay, Alex, sabi ni Dina na tila kinik ilabutang nayakap pa ang sarili. Walang tagarito ang hindi natatakot doon at tala gang umiiwas na tumawid doon kapag gabi. Maraming nangyaring aksidente sa tulay na yon, maagap namang dugtong ni Dindo. Karamihang sangkot ay mga dayo o motoristan g napapadaan doon kapag disoras ng gabi. At iisa ang kanilang sinasabing dahilan nakaranas daw sila ng kababalaghan sa tulay.

Tumawa siya. Hindi siya naniniwala sa mga sinabi ng kanyang mga pinsan. Tigilan ny o nga ako, sabi niyang tinapik pa ang mga balikat nina Ferdie at Dindo. Malayo na ang narating ng siyensiya at hindi na uso ang mga ganyang kuwento. Alam nyo, pagt atawanan at mapapahiya lang kayo sa mga barkada ko sa Manila kapag narinig ang p inagsasasabi ninyo. Hindi ka namin pipiliting maniwala, Kuya Alex, nakangusong sabi ni Karla. Pero nagsasabi kami ng totoo. Kung kami ang masusunod, hindi ka namin pa payagang pumunta sa party, seryoso pa ring sabi ni Dindo. Pero kung talagang gusto mo ay hindi ka naman namin mapipigilan. Ikaw ang may katawan, eh. Hindi kita masa samahan, pinsan, ani Ferdie. Isipin mo nang duwag ako pero wala akong pakialam. Ay okong makipagsapalaran at baka yon Pa ang maging mitsa ng buhay ko. Labas din ako riyan, segunda naman ni Dina. Hindi ako sasama sa iyo, Alex, kahit gustung-gusto kong mag-joyride sa wheels mo. Hindi ko type makakita ng lumulutang na kabaong s a gitna ng Kalawang Bridge. O kaya naman ay makakita ng mga marahas na multong n agbabarikada sa gitna ng tulay para lang huwag kang makadaan o makalampas doon. H umalakhak siya. Kung ayaw nyong sumama, kaya kong mag-isa. And I assure you, mamimiss nyo ang kalahati ng buhay nyo. AMINADO si Alex na nakadama siya ng kakaiba kan ina habang nagmamaneho ng kanyang kotse at dumaan sa tulay na kinatatakutan ng k anyang mga pinsan. Nang sandaling iyon ay wala naman sa isip niya ang tungkol sa naging paalala ng mga ito ngunit nakaranas talaga siya ng ganoong pakiramdam. H indi tuloy siya masyadong nakapag-enjoy sa dinaluhang street dance party dahil k ahit ano ang gawin niya ay hindi niya maiwaksi ang pangamba. Halos isang oras la mang siyang nakipagsayaw sa mga bagong kakilala at nagpasya na siyang umuwi. Nan g magpaalam siya sa mga ito ay lalong nadagdagan ang kaba sa kanyang dibdib dahi l seryosong nagbabala ang mga ito. Pati ba naman kayo? aniyang sinikap huwag mahal ata ng mga ito na natatakot na rin siya. Wala bang ibang nasa isip ang mga tagari to kundi ang mga kababalaghang nagaganap sa Kalawang Bridge? Guys, tinatakot nyo lang ang sarili ninyo. Tulad din ng mga pinsan niya ay seryoso ang mga ito at tot oong nagmamalasakit sa kanya. Kaya nilisan niya ang lugar na iyon na abut-abot a ng dasal na sana ay huwag siyang makaranas ng anumang kababalaghan sa tulay na k anyang daraanan. Oh, my God! naibulalas niya nang malapit na siya sa Kalawang Brid ge. Minsan pa kasing naghari sa kanya ang kakaibang pakiramdam. Pinagpawisan siy a nang malamig. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela ng kotse. Anong ibig sabihin ng pakiramdam na ito? Makikita ko na ba ang mga multo? Nang nasa bukana n a siya ng tulay ay nanlaki ang kanyang mga mata dahil nasinagan ng headlights ng kanyang kotse ang nakahilerang mga ataul na nasa gitna niyon. May tig-iisang ka ndila sa ibabaw niyon. Biglang natapakan niya ang preno sa tindi ng takot. Kumur ap-kurap siya at isiniksik niya sa kanyang isip na pinaglalaruan lang siya ng pa ningin niya. Subalit nabatid niyang totoo iyon nang manatili ang mga ataul sa ha rap niya. Napasigaw siya nang makitang unti-unting lumulutang ang mga iyon. Nang inig ang kanyang buong katawan. Tila ibig sumabog ng kanyang ulo. Nataranta siya at hindi niya malaman ang gagawin. Nang papalapit na sa kanyang kotse ang mga a taul na lumulutang sa hangin ay bigla siyang napalingon sa likuran upang umatras sana. At minsan pa siyang napasigaw nang makita sa hulihan ng kanyang sasakyan ang hindi niya mabilang na kaluluwang

nakaharang doon. Matatalim ang mga mata ng mga ito habang nakatitig sa kanya. Ha los mapugto na ang kanyang hininga sa labis na takot. Ginamit niya ang kanyang n alalabing lakas ng loob at pinaharurot ang sasakyan palayo ng lugar na iyon. Pik it-matang sinagasaan niya ang mga ataul na nakalutang katapat ng bumper ng kanya ng kotse. Nang wala siyang naramdamang impact ay napadilat siya. Kapagkuway tinap akan niya ang preno at humihingal na lumingon. Wala na ang mga ataul at mga mult ong naghatid sa kanya ng labis na takot. Lord, salamat at hindi ako napahamak. To too pala ang lahat DAHIL naniniwala na si Alex sa nagaganap na kababalaghan sa tul ay ay nag-usisa siya sa kanyang Lolo Tasyo tungkol sa bagay na iyon. Nalaman niy a mula rito na noong panahon ng digmaan ay doon pinatay ng mga Hapon ang maramin g Pilipinong ibig lisanin ang bayang iyon upang makalayo sa kalupitan ng mga ito . Kamatayan ang tinamo ng mga ito kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin matahimik ang mga kaluluwa ng mga ito. Ang Ulo September 12th, 2010 Pagbukas niyang refri gerator upang kumuha ng malamig na tubig ay napahiyaw siya. Parang mababaliw siy a sa takot pagkakita sa pugot na ulo ng tao. NAGTITILI si Audree nang mabuksan n iya ang refrigerator. Parang babaligtad ang kanyang sikmura sa nakita niya sa lo ob niyon. Agad naman siyang dinaluhan ng asawang si Marco. Napaano ka? ang nag-aal alang tanong nito. Hindi agad siya makasagot. Parang kinakapos siya ng hininga s a tindi ng pagkasindak na nadarama. M-may ulo ng tao sa sa ref. Namilog ang mga mat a nito. T-totoo. Tingnan mo. Humagulhol siya ng iyak para mailabas ang matinding t akot. Tiningnan nito ang loob ng refrigerator. Pagkatapos ay pumapalatak na buma ling ito sa kanya. Audree, walang ulo ng tao rito. Iniharap pa nito ang mukha niya sa loob ng refrigerator. Hayan, o. Tingnan mong mabuti. Nasaan ang ulo ng taong sinasabi mo? Napatitig siya rito. Pero kanina lang ay kitang-kita ko. Ulo ng lalak i, Marco. Dilat na dilat pa nga ang mga mata niya at nakanganga kaya kita ko ang dila. Nakakatakot talaga. Niyakap niya ang sarili. Imahinasyon mo lang iyon, Audr ee. Niyakap siya nito at hinalikan sa noo. Kalilipat lamang nila sa bahay na iyon na regalo ng mga magulang nito. Noong nakaraang buwan lang sila ikinasal at ang honeymoon nila ay ginawa nila sa Hong Kong. Kararating lang nila nang nagdaang araw. Pagod ka pa sa biyahe, Audree, kaya nagkaka-ganyan ka. Ang mabuti pay magpah inga ka muna. Inihatid siya nito sa kanilang silid, inihiga sa kama, at kinumutan pa hanggang dibdib. Dito ka lang. Huwag kang umalis sa tabi ko, hiling niya. Hind i makatkat sa kanyang isip ang ulo ng taong nakita niya sa loob ng refrigerator. Oo, hindi ako aalis, malumanay na wika nito. Sige, matulog ka na. Kinantahan pa siy a nito hanggang sa makatulog siya. Paggising niya ay tulog na tulog ito sa tabi niya. Nauhaw siya kaya lumabas siya ng silid at nagtungo sa kusina. Pagbukas niy a ng refrigerator upang kumuha ng malamig na tubig ay napahiyaw siya. Naroon na naman ang ulo ng tao dilat na dilat ang mga mata at nakabuka ang bibig kaya naki ta niya ang sugatang dila. Tumutulo pa ang sariwang dugo

mula roon. Bumagsak siya sa sahig sa tindi ng takot. Marahil ay narinig ni Marco ang malakas na sigaw niya kaya mabilis siyang dinaluhan nito. Umalis na tayo sa bahay na ito, humahagulhol na sabi niya. Andiyan na naman ang ulo ng tao. Nasa loob ng ref. Nangunyapit siya sa magkabilang braso nito. Tiningnan uli nito ang loob ng refrigerator. Walang ulo ng tao rito, Audree. Ano ka ba naman? Hindi ko mainti ndihan kung ano ang nangyayari sa iyo. May matinding pagaalala sa mukha nito. May multo rito, Marco. Umalis na tayo. Iyak siya nang iyak. Hindi ito nagsalita, niya kap lang siya nang mahigpit. Please, Marco, umalis na tayo rito. Ngayon na, paulit -ulit na pakiusap niya. Sige, sige, wika nito. Halatang napipilitan lamang itong p umayag sa gusto niya. Doon muna tayo sa amin. Kahit saan mo ako dalhin basta makaal is lang tayo rito. Nang mga sumunod na sandali ay nag-empake sila ng mga personal na gamit. Ang sabi nito ay pansamantala silang makikipisan sa mga magulang nito . Pabebendisyunan daw nito ang kanilang bahay at pagkatapos ay babalik din sila roon. Hindi siya tumutol pero hindi rin sumang-ayon. Walang ibang laman ang isip niya nang mga sandaling iyon kundi makaalis agad sa bahay na iyon. Huwag mong sa sabihin kina Mama at Papa ang tungkol sa nakita mo, okay? Sa atin lang iyon. Bak a kasi mag-isip sila ng kung anu-ano sa iyo. Tumango siya. Batid niyang hindi siy a paniniwalaan ng ibang tao kapag ikinuwento niya ang nakita niya. Kahit nga ang sariling asawa niya ay mukhang hindi naniniwala sa kanya. PAGKATAPOS mabendisyu nan ang bahay nina Audree at Marco ay bumalik sila roon. Subalit pagpasok pa lam ang sa front door ay nakadama na agad siya ng kakaiba. Nasilip agad niya ang ref rigerator sa dining area. Sariwang-sariwa pa rin sa balintataw niya ang hitsura ng pugot na ulo. Biglang nagtayuan ang mga balahibo niya. Napaatras siya sa dibd ib ng kanyang asawa. Napapaano ka? tanong nito sa kanya. Natatakot ako, pag-amin niy a. Iniiwas niya ang tingin sa direksiyon ng refrigerator. Ano pa ba ang dapat mon g ikatakot? Napabendisyunan na ang bahay na ito. Tara na sa kuwarto. Sabay silang nagtungo sa kuwarto. Ipinasok nito roon ang kanilang mga gamit at pagkatapos ay hinila siya nito pahiga sa kama. Nahirapan ako noong nasa poder tayo nina Mama a t Papa. Iba na talaga ang feeling ko magmula nang ikasal tayo. Ang gusto ko ay i yong tayong dalawa lang lagi ang magkasama. Hinagkan siya nito sa mga labi. Nang mga sumunod na sandali ay nagtalik sila at pagkatapos ay kapwa nahulog sa malali m na pagtulog. Hatinggabi nang magising siya. Nauuhaw siya ngunit natatakot siya ng bumangon upang kumuha ng tubig. Gusto sana niyang gisingin ang kanyang asawa ngunit mahimbing na mahimbing ang pagtulog nito. Nilakasan na lamang niya ang ka nyang loob. Bumaba siya sa dining room. Hindi pa rin niya magawang tingnan ang r efrigerator kaya sa gripo siya kumuha ng tubig na iinumin. Nakaharap siya sa lab abo nang maramdaman niyang may bumukas na pinto. Paglingon niya ay para siyang m ababaliw sa takot nang makitang nakabukas ang pinto ng refrigerator. Nakita na n aman niya ang pugot na ulo, ang dilat na mga mata at sugatang dila niyon. Marco! m alakas na tawag niya sa kanyang asawa. Pakiramdam niya ay hindi siya tumatapak s a sahig habang tumatakbo siya pabalik sa silid nilang mag-asawa. Bumagsak siya s a ibabaw ng katawan nito habang nanginginig sa takot. Napaano ka? tanong nito.

Nakita ko na naman Nyong ulo, Marco! Umiyak siya nang malakas na para bang sa pama magitan niyon ay magiging normal ang paggana ng bawat bahagi ng katawan niya. Hin di ko na ito kakayanin. Ibenta na natin itong bahay. Tumayo ito mula sa kama. Akm ang lalabas ng silid ito nang pigilan niya ito sa braso. Huwag mo akong iiwan. Di to ka lang sa tabi ko. Nangunyapit siya rito at hindi ito pinakawalan. Tatawag ako sa bahay, wika nito na tuliro na ang hitsura. Tahan na. Tatawagan ko sina Mama at Papa. Inalis nito ang kamay niyang nakahawak dito at saka ito lumapit sa telepon o. Pagkatapos makipag-usap sa nasa kabilang linya ay bumalik ito sa tabi niya. N agpasya silang maghintay sa sala. Wala pang treinta minutos ay dumating na ang m ga magulang nito. Napilitan silang ipagtapat sa mga ito ang tungkol sa nakikita niya. Mukhang hindi naniniwala ang mga biyenan niya. Nag-alala tuloy siya na bak a mapag-isipan siya ng mga ito na nasisiraan ng ulo. Totoo po talaga ang sinasabi ko, giit niya. Tingnan ko nga, wika ng biyenan niyang babae. Tiningnan nga nito an g refrigerator. Nakasimangol ito nang bumalik sa harap nila. Wala naman akong nak itang pugot na ulo roon. Wala ngang kalaman-laman ang ref nyo, eh. Imahinasyon mo l ang ang lahat, hija, wika naman ng biyenan niyang lalaki. Ang mabuti pa siguro ay magpa-check up ka bukas, suhestiyon pa nito at saka binigyan ng makahulugang suly ap ang kanyang asawa. Hindi ako nababaliw, mariing sabi niya. Sa tindi ng takot ay tumawag siya sa kanyang mga magulang at nagpasundo siya sa mga ito. Alam mo ba, hija, na ang refrigerator na iyan na iniregalo namin sa inyo ay galing sa kasama ko sa trabaho na pinaslang? Napanalunan niya sa raffle ang ref na iyan at ipina gbili sa akin. Ayon sa imbestigasyon, ang katawan lang niya ang natagpuan sa loo b ng basurahan at ang ulo ay hindi pa rin nakikita. Baka nga ang nakikita mong u lo ay ulo niya. Baka nagmumulto siya dahil hindi naibalik sa katawan niya ang ul o niya, wika ng itay niya nang dumating ito mag-isa. Sa telepono pa lang ay ikinu wento na niya rito ang kinatatakutan niyang pugot na ulo. Bakit sa akin siya nagp apakita, Tay? nanghihilakbot pa ring tanong niya. H-hindi ko alam, hija, sagot nito . Namumutla ito. Dadalhin ko na lang sa bahay ang ref na iyan kung papayag kayong mag-asawa. Baka naman may third eye ka at ngayon lang na-trigger kaya ikaw lang a ng nakakakita ng kababalaghang iyon, sapantaha ng kanyang biyenang babae. Itapon n a ninyo yon, Tay, suhestiyon niya. Oo, sabi nito. Dadalhin ko ang ref at umasa kang hindi ka na mumultuhin pa ng pugot na ulo. Huwag ka nang umalis dito. Tumango siy a. Kinabukasan ay nabasa niya sa diyaryo ang pagsuko ng isa sa mga pumaslang kay Alfredo Balwig na regular employee ng Handy Plastic Product, Incorporated. Si It ay ito, Marco, anas niya na kinakapos ng hininga. At itong biktima niya Si Alfredo ang siyang may-ari ng pugot na ulo na nakikita ko sa loob ng ref. May mga sinabi ang asawa niya pero hindi na iyon rumehistro sa kanyang isip. Nakatuon ang buong konsentrasyon niya sa napagtantong katotohanan sa pagpapakita sa kanya ng pugot na ulo. Nais ng taong pinatay ng kanyang ama na sa pamamagitan niya na anak nit o ay makonsiyensiya ito at sumuko sa kasalanang ginawa nito Babala

August 16th, 2009 Nang malaman ng isa kong dating co-teacher na nagsusulat ako n g mga ghost stories, naisipan niyang i-share sa akin ang ghost experience na rin g maituturin Noon niya inamin sa akin na ang asawa niya ay isang seer o nagtatagla y ng third eye. Saglit ko siyang hiningan ng kaunting interview tungkol sa kanya ng asawa. Nalaman ko na maraming future events na pangkaraniwan at mayroon ding s ignificant ang nakikita ng asawa niya. Bukod dito, totoo daw na nakakakita ng spir it ang kanyang asawa. Mga kaluluwang gala sa paligid na marahil daw ay hindi mata himik. May usapan na nga daw silang mag-asawa. Na sa sandaling may makitang naka katakot ang asawa ay makabubuting ilihim na lang iyon sa kanya.Likas kasi siyang matatakutin. Ngunit kung ang pangyayaring nakikita nito ay isang babala para ma gingat, iyon daw ang dapat nitong ipaalam sa kinauukulan. Iyon eksakto ang kuwen tong ibinahagi niya sa akin. Isang officemate daw ng kanyang asawa ang nakatakda ng ikasal.Excited to the max na ang officemate ng asawa niya sa pagdating ng ara w ng kasal nila. One time, sadyang kinorner ng asawa niya ang officemate. Malapit na no? Oo nga, Pare. Wag kayong mawawala ng asawa mo ha. Oo naman siyempre. Matanong ko langkailan mo ba planong mag-leave sa trabaho, Pare? Ang totoo walang plan na ma gli-leave ako. Ayos na naman ang lahat, e. Matagal na kasi namin itong pinaghand aan. Alam mo yon, Pare, di ba? E, si Cindy? A week before magli-leave na raw siya. Aya w nga ding mag-leave sana. Sabi ko nang makapag-beauty rest naman siya. Tama ko don, di ba? Natawa pa ito. Pare, payong kapatid lang to ha. Sabayan mo na si Cindy a w eek before magleave ka na rin. Pahinga ka na lang sa bahay. Napatitig ito sa kaib igan. Lantad sa ilang kasamahan nito ang kakaibang kapasidad na makakita ng mga bagay at pangyayari. 0 ang pagkakaroon nito ng third eye. Bakit, Paremay problema ba? Orshall I say may magiging problema ba? May nakikita ba ang iyongthird eye, ga non? Isa ito sa nakakaalam ng katangiang iyon ng kaopisina. Wala, Pare. Suggestion ko lang yon. Cmon, Tol. Aminin mo na.. .ano talaga ang totoo? Wala nga, e. Para lang d n maging relax ka sa araw ng kasal mo, ayaw mo ba ng ganon? Ngunit sadyang hindi b inili nito ang alibi ng kaibigan. Cmon tell me the truth. Anong nakikita talaga ng third eye mo? Sabihin mo na, Pare. Hindi ka naman naniniwala, di ba? Totoo iyon. Kah it alam nitong nagtataglay ng third eye ang kaibigan ay hindi ito bilib sa ganoo ng bagay. Nagkibit-balikat ito. Okay lang. Ano ba yon? Are you sure gusto mo talagan g malaman? Napangiti ito. See? Tama nga akomay nakikita ang sabi moy third eye mo. N ow tell me ano nga ba yun?. Pare, hindi mo magugustuhan ang maririnig mo. So be it. Hi ndi matutuloy ang kasal mo.

Mabilis tumaas ang isang kilay nito. Talaga? But why? Pare Tell me.. .gusto kong malam an. Dahil mamamatay ka. Saglit itong hindi nakaimik. Pagkuway tumawa ito. Hungkag na tawa. Dont get me wrong, Pare. Nirerespeto ko ang.. .pero sorry, hindi kasi ako n aniniwala sa third eye thing, e. Just the same.. .mag-ingat ka pa rin. Iyon ang una at huling babala na ibinigay nito sa kaibigang nakatakdang ikasal. Isang gabi a y nabanggit ito ng lalaki sa asawa. Pero bakit mo sinabi sa kanya ang totoong dah ilan? Alam mo namang hindi siya naniniwala don, di ba? Pinilit niya ko, e. Sana hindi ng totoo ang sinabi mo. Alam mo namang Parang balewala naman sa kanya, e. Kasi nga hindi siya naniniwala. Ang sa kin lang naman gusto ko siyang bigyan ng warning pa ra mag-ingat siya. Siyempre ang Diyos pa din ang makapangyarihan sa lahat. Ipagd asal na lang natin siya. Hon, sabihin mo nga sa akin.. .ano ang eksaktong nakikita mo? Paano siya Nagtatanong ka na naman ng ganyan tapos matatakot ka. Hindi. Paano ma ngyayari yon? I mean yung Car accident. Dead on the spot. Nangilabot ang asawa sa nari nig. Four days bago ang nakatakdang araw ng kasal ng officemate nito, sumabog an g balita sa opisina isang umaga. Naaksidente nga ang officemate nito. Dead on th e spot. Ayon sa police investigation, na lumabas a few hours pagkatapos ng aksid ente, sumalpok ang minamanehong kotse ng officemate niya sa isang van na may lam ang construction steel. Isang bakal ang tumusok sa gawing dibdib nito. Hindi na nadala pa sa hospital ang biktima at agad ding binawian ng buhay. Totoo man o hi ndi ang nakikita ng third eye, walang mawawala kung gagawin ang hinihinging pagiingat

You might also like