You are on page 1of 35

"Kyla....

" lumingon ako sa kanya na kanina pa palang tawag nang tawag sa akin. "Mamimiss kita."

Agad akong namula nung sinabi nya yung mga katagang yun. Changing of seat plans na pala ngayon. Every grading kasi kaming nagpapalit ng pwesto sa upuan at sa araw na 'to, lilipat nanaman ng upuan para sa fourth grading. Ito na ang pinakahuling pwesto namin bago kami gagraduate.

Kinuha ko na ang bag ko at pumunta sa labas ng room. Sumunod na din ang mga classmates ko.

Isa-isang papasok ang mga estudyante sa classrom at ituturo ni ma'am ang uupuan namin.

Ako na ang susunod. Pumasok na ako at agad namang itinuro ni ma'am ang uupuan ko. Doon ako sa sulok ng room sa pinakalikod.

Sa kamalas-malasan nga naman, yun ang pinaka mainit na part ng classrom. Nasa center lang kasi ang ceiling fan.

Pero nung nakapasok na lahat ng classmates ko sa room, wala parin akong katabi.

"Gusto ko lang ipaalam sa inyo na absent si Mr. Lacson dahil may inaasikaso daw siyang kung ano-ano." agad namang napalingon ang mga kaklase ko kay ma'am pero patuloy parin ako sa pagrereklamo dahil ang init talaga sa pwesto ko.

"kung saka-sakaling present na siya bukas, pakisabi nalang na doon siya uupo sa tabi ni Miss Ferido."

Agad naman akong napalingon nang binanggit ni ma'am ang pangalan ko. Ano daw? Ang pinakagwapong nilalang dito sa buong campus ang makakatabi ko for the whole 4th grading?! Aha! Joketime ba to maam?? ipapatabi mo ako sa ultimate crush ko????

Lumipas na ang isang linggo pero absent parin si Mr. Daniel Lacson...

Naku. Baka alam na nyang ako ang makakatabi niya at ayaw niyang makatabi ako kaya siya nag absent.

"aaaaaa! Ang gwapo talaga!"

"hi Daniel! Welcome back mr. Pogi!"

"oy pare! Sana hindi ka nalang bumalik! Ako na sana ang pinakagwapo dito sa klase nung wala ka eh!"

"Daniel! Dun ka daw umupo sa tabi ni Kyla!"

Hindi ko pinansin yung tumawag sa pangalan ko dahil busyng busy ako sa pagbabasa ng libro. Nakakexcite eh! Adik na adik ako dito!

Naramdaman kong may pumatong na kamay sa balikat ko pero hinawi ko. Nakakirita lang!

"Kyla"

"oh?" sabi ko nang hindi talaga lumilingon. Istorbo lang ah?!

"dito ako uupo ha? Tabi daw kasi tayo sabi ni maam"

"OO! UMUPO KA NA DYAN AT WAG NANG MAKI-ALAM SA NAGBABASA!"

"a. ok"

*poook!*

"ay butiki!" >.<

"friend! Ginigising lang kita." pabulong na sinabi ni Celine.

"ha?! Anong ginigising?! Hindi naman ako tulog ah! Nagbabasa lang ako ng libro!"

"yun na nga eh! Nagdedaydream ka! Hindi mo na pinapansin yung naguusap sayo!"

Tumayo ako at nagsisisigaw "EH BAKIT?! Distorbo naman yung kumakausap sa akin ah! Kitang kita naman siguro niyang nagbabasa ako ng libro! Bakit?! Sino ba siya?! Ha?!" iritang irita kong sinabi.

Biglang tumahimik ang klase dulot ng pagsisisigaw ko.

"ah. Eh. S-sori." napahiya ako dun ah.

"friend" Humarap ako ky Celine. Yung kaibigan kong sinigawan ko kanina. "s-sino ba kasi yun?"

Natulala nalang ako nang biglang tumayo si Daniel mula doon sa chair na katabi ko at lumabas.

"Kyla, si Daniel yung sinasabi kong hindi mo pinapansin kanina."

*facepalm* =.="""

tapos yung mukha ko parang naging ganto --------> (O.O) -------> (>o<)\

bigla nalang akong napa-upo sa chair ko. "naku Celine. Anong gagawin ko? baka magagalit sa akin ang whole campus dahil sa ginawa ko."

"bat mo kasi ginawa yun. Di porket adik na adik ka dyan sa libro mo hindi mo na pinapansin yung kumakausap sa'yo. Yan tuloy, napahiya ka. ahihihi"

"friend naman eee. Wag mo nang balik-balikin yung nangyari na napahiya ako." Walangyang kaibigan to oh. Pinagtatawanan pa ako. "Gusto ko ng advice, hindi bad memories! pffft."

Kinaumagahan, absent si Daniel. Di kaya nagalit yun sa akin? -__-""

Naglalakad ako ngayon sa corridor ng building habang iniisip nanaman ang mga nangyari kahapon.

Kilala sa buong campus si Mr. Daniel Lacson. Isa kasi siya sa mga tinatawag na "campus crush". Isa din ako sa mga may paghanga sa kanya. Ang galing niya kasing kumanta, sumayaw, mag gitara, magluto at magpatawa. Halos lahat naman ng jokes niya ay may sense. Ang poging pogi pa niya. Oh diba? complete package. Matalino din siya at isa siyang math quizzer. Maraming nagpapaturo sa kanya na mga girls kung paano iso-solve ang isang heart problem este math problem. Ang iba na siguro dun ay nagpapapansin lang.

Sikat ka na kasi kapag katabi mo ay isang sikat. Pinaguusapan ka sa buong campus at pinagtsi-tsismisan na may relasyon kayo. Kaya ayun, ang daming dumidikit sa kanya. Pero para kay Daniel, parang wala lang. Ewan ko ba kung bakit parang hindi siya apektado. Focus na focus lang siguro talaga siya sa studies niya. Mga babae na nga ang nanliligaw sa kanya eh pero ni-isa, wala akong nakikilalang girlfriend niya dahil tsismis nga lang ang naririnig ko.

Hindi ko pa nakaka-usap si Daniel simula nung magkaklase na kami. Nagkakaroon lang ako ng pagkakataong makausap siya kapag may mga ipepresent na play. Yung nga lang, galing sa script yung mga pinagsasasabi namin.

Hindi na siguro ako mapapansin ng ultimate crush ko. Tanggap ko na na hanggang pagtingin nalang ako sa kanya. Ang dami kasing umaaligid sa gwapong yun. Kahit magkatabi na kami sa grading na 'to, hindi ko parin siya maabot. Busyng-busy parin siya sa studies niya.

Isang sikat na katulad niya at isang bookworm na katulad ko? parang ang layo naman.

Pero tungkol dun sa nangyari kahapon, wala na talaga akong pag-asa. Baka ako na rin ang kinasusuklaman ng buong campus dahil napahiya ko si Daniel. Tapos, baka sasabihin nila na absent siya kaninang umaga nang dahil sa akin. Sana papasok na siya ngayong hapon.

"Girl, yan ba yung Kylang sinasabi nila na pinahiya ang papa Daniel natin kahapon?" -echoserang girl #1

"oo nga girl. Siya nga yun" -echoserang girl #2

"naku girl. Ang lungkot niya oh. Siguro iniwan na siya ng kanyang mga kaibigan dahil dun sa ginawa niya kahapon." -echoserang girl #3

"hay nako girl. Ang hirap talagang maging forever alone" sabi nung echoserang girl #2 with matching cheverloo cheverness actions pa.

"uy pare! Si Kyla oh!" -echoserong pare #1

"oo nga pare! Sayang ang ganda pa naman niya" -echserong pare #2

"ang tanga-tanga lang. hindi niya alam kung sinong makakabangga niya pag pinahiya niya si pareng Daniel." -echoserong pare #1

Hindi ko nalang sila pinansin. Eto na nga sinasabi ko eh.

Ang layo na ng nilakad ko dito sa corridor pero ganun parin naririnig ko.

"girl, tara! Sugurin natin! Kawawa si papa Daniel natin eh!"

"sige girl! Baka mapansin pa tayo ni papa Daniel pag binangga natin siya"

"at sa atin pa papanig si papa Daniel sis! Oh my! Mako-close-up ko na talaga si papa Daniel ko!"

"oy! Hindi siya sa'yo noh! Akin siya!"

"wag na nga kayong mag-agawan diyan! Tara na! sugurin na natin siya! Tapos pag pinagtanggol tayo ni papa Daniel, share-share nalang tayo sa kanya! Oh diba girls?"

"let's make her life miserable. Let's go girls! MWAHAHA."

May naririnig akong nagtsi-tsismisan sa gilid pero hindi ko maintindihan. Hanggang nakarinig ako ng mga paang lumalakad papunta sa akin mula sa likod ko.

Lumingon ako pero pagtingin ko, may tatlong halimaw na naka pose sa harapan ko.

Kumunot nalang ang noo ko habang tinitignan sila. May sira ba ang mga 'to? Bigla nalang nagpo-pose sa harapan ko?

"hey girl. You're Kyla. Am I right?" englishera pala ang halimaw na 'to.

"yup. Bakit?"

"Bat mo pinahiya ang papa Daniel namin?"

"hindi ko sinsadya. Nagbabasa lang ako ng libro nang-----"

"ahhhh" tuma-tango-tango pa siya. Tch. Walangya. Hindi ako pinatapos. "Nagbabasa ka ng libro tapos nagwalk-out na si papa Daniel? May ganun ba? Hindi naman siguro abnormal ang papa Daniel namin diba?" oo nga. Hindi nga siya abnormal. Dahil kayo ang mga abnormal. =_= parang ang sarap sigawan ng mga 'to ah!

"hindi pa ako tapos!" sumigaw na talaga ako pero hindi naman masyadong malakas katulad nung kahapon.

"Girls, sinisigawan niya ako oh. Ahuhuhu. Ang sakit sakit. Napahiya ako. Ang sakit talaga. Ahuhuhu!" anak ng!

ang sarap sampalin nito ah! Nagdadrama pa!

"Wag mo-----!"

Sisigawan ko naman sana siya bero biglang niya nalang akong sinampal.

*paakk!*

"----aaaaa! Ang sakit!"

"ay! Sorry ha? Masakit pala? Gusto mo pa? Eh parang kulang pa kasi" Tinaas niya ang kamay niya at nagwhistle na parang traffic man sa gitna ng kalsada. Sana nga lang nasa kalsada tong isang 'to ah at bigla-bigla nalang masagasaan. Pagkatapos niyang magwhistle, biglang nagsilapitan yung mga tao sa paligid at pinagtapunan nila ako ng mga itlog, harina tubig at kung ano-ano pang bagay na napakadumi.

oo ..ang oa nila ah? may paganito pang effect pero-----

What the H***!!!

Nag-blur na lahat ng paningin ko.

at naramdaman ko nalang na may kumarga sa akin.

************************************

The next thing I knew, nasa isang white room na ako. Parang isang condo unit.

Tiningnan ko ang buong room at sa pagkabigla ko, muntik na akong mahulog sa kama nang nakita ko ang isang picture frame.

....Picture frame with the face of my ultimate crush in it.

Nasaan nga ba ako?

Nasa room ng isang stalker ni Daniel???

"Oh. Gising ka na pala"

Hindi. Hindi ako gising. Nananaginip lang ako. Impossible. Impossibleng nasa room ako ni Daniel. Lumingon ako sa likod ko kung saan doon nanggaling ang voice niya. Hindi pa ako nakakalingon nang may nagsalita.

"Ok ka na ba?"

Sheeeeeeez. I'm speechless.

Nasa likod ko nga ba siya?

Unti-unti na akong lumingon sa likod ko at..........

****************************************************

"Kyla!'

"Kyla! May bisita ka!'

"Kyla dali! Ang gwapo ng bisita mo!"

"Kyla bumangon ka na!"

Tama. Tama nga. Panaginip lang pala ang lahat ng yun.

"Kyla mag-ayos ka na. May naghihintay sayo sa baba. Isang napakagwapong nilalang!" sabi ni mama na napakaenergetic

Si mama naman oh! Simula nung naging byuda eh wala nang magawa kundi ang humanap ng gwapo. Kahit basagulero sa kanto eh gwapo na daw din para sa kanya!

"maaaaa. Shinow bahh yhhaaaan?" tanong ko habang nag-e-stretch tapos umikot naman sa kabilang side at niyakap ang isang unan.

"Hindi daw niya ipapasabi ang pangalan ee. Pero ang pogi talaga! Pramis! Ako pa sayo bumangon ka na at magready sa date nyong dalawa!"

Agad-agad naman akong napabangon.

"Maaa! Crush lang naman ang meron ako! Wala akong ka-date!"

"ay basta! Magligo ka na. Tapos sasamahan ka daw niyang pupunta sa school."

"Ay tama nga pala Kyla, ok ka na ba? wala ka kasing malay noong hinatid ka dito ng isang gwapong nilalang."

"S-sino?"

"ay basta! mas gwapo pa duon sa pumunta dito ngayon. Magligo kana! dali!"

Wala na akong nagawa. At dahil good girl ako (pero joke lang), pumunta na ako sa banyo at nagligo at nagbihis ng uniform. Pagkatapos ay bumaba na ako.

Tiningnan ko sa sala kung sino yung makikipagsabay sa akin papuntang school pero walang tao.

"Ma, sino yung gustong makisabay?"

"Nasa labas na anak. Umuna nalang daw siya sa kotse niya."

"ok ma. Byeeee! Mwah!"

Saktong pagkalabas ko ng gate nang may nakaparadang itim na kotse sa harap ko. Agad namang bumaba ang window niya at nakita ko yung driver.

Ito ba yung sinasabi ni mama na gwapo?

"Kayo po ba si miss Kyla Ferido?"

"ah. O-opo. Bakit po?"

"May nagpasundo po daw sa inyo dito. Ihahatid ko daw kayo sa school."

"ahh. okay po." Ayos! Libre ako sa pamasahe ko nito ah! Sumakay nalang ako tutal si mama naman may sabi na sumabay na ako.

Wala pang 10 minutes at nakarating na ako sa school.

Tahimik. Sobrang tahimik.

Teka, wala bang pasok ngayon? Eh bakit naka-open lahat ng classrooms?

Pumasok ako sa classroom. Nandoon ang mga bags ng classmates ko pero walang tao kundi ako lang.

Papunta na ako sa chair ko nang may napansin akong may nakapatong na teddy bear, chocolate at isang rose doon. May maliit na card na nakadikit sa may kamay ng teddy bear.

Binuksan ko ang card at nabigla ako nang may nakalagay na "Dear Kyla" sa top left part which means na para talaga 'to sa akin.

Binasa ko nalang nang malakas ang letter kasi ako lang naman mag-isa dito sa room.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Dear Kyla,

HI!

Alam kong nalilito ka kung bakit may nagsundo sa iyo kanina. Ang totoo nyan, ako ang nagpasundo sa'yo. Sorry ah? Hindi ako nagpapakilala sayo. Nahihiya kasi akong magpakilala.

Alam kong nalilito ka rin kung bakit may teddy bear, chocolate, rose at letter dito sa upuan mo. Peace offering ko yan. Alam kong nadamay ka sa pagkakamali ko. Dapat pala hindi nalang kita ginulo nun dahil nagbabasa ka ng libro. Ginulo ka na ng mga estudyante dito sa school natin dahil pinahiya mo daw ako. Sa totoo lang, parang ikaw talaga ang napahiya ko eh. Ang sama na ng mga titig nila sayo. Napapansin ko yun dahil lagi kitang binabantayan kahit hindi mo napapansin.

Kyla, may gusto sana akong sabihin sa'yo tungkol sa first love ko. Wag mong sabihin ito sa iba ha? Secret lang natin to.

First day of school. Yun na siguro ang pinakamasayang araw sa buhay ko dahil napag-alaman ko na kaklase ko pala siya. Ang saya saya ko talaga to the point na nagmumukha na akong tanga sa harap ng mga kaibigan ko dahil nakangiti lang ako whole day. Tinatanong nila ako kung bakit hindi daw nawawala ang napakalawak kong ngiti pero wala akong sinagot sa kanila kundi ang ngumiti padin. Nakakatawa namang maalaala yun! Hahaha!

Ang bilis ng panahon at natapos na ang 1st grading kaya changing of seat plans nanaman para sa 2nd grading.

Nalungkot ako nun dahil and layo niya. Bale nandoon siya sa opposite side ng pwesto ko kaya nakikita ko lang siya kapag tumatayo siya pag magrerecite. Napapangiti naman ako dahil ang galing niyang sumagot.

3rd grading na. Ang layo parin ng pwesto niya pero medyo ayos na dahil nakikita ko na siya.

Isang araw, nagkaroon kami ng konting 'chika time' ni maam. Bigla namang dumako ang topic namin sa lovelife ko kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataon na hingiin si ma'am ng isang favor. Ang pagtabihin kaming dalawa sa 4th grading kahit ito na ang pinaka last na quarter sa high school life namin. Ok naman daw kay ma'am at sinabi niya saakin kung kailan siya magch-change ng seat plan.

Kinabahan tuloy ako nung araw na yun kaya nagabsent nalang ako. Ang engot ko nga noh? makakatabi ko na sana ang first love ko pero pinili ko pang mag absent dahil sa kaba.

Lumipas ang isang linggo nang nagdesisyon na akong pumasok.

Ang daming nagwelcome sa akin pagpasok ko ng classroom pero parang nakalimutan ko lahat ng mga sinabi nila at lumakas ang tibok ng puso ko nang nakita ko siya na naka-upo doon sa sulok ng classroom na nagbabasa ng libro. Agad ko siyang nilapitan at kina-usap pero sa kasamaang palad, parang binaliktad ang mundo ko nang pinagsisigawan niya ako. Lumabas nalang ako ng room.

Kinaumagahan, absent ako pero pinlano kong maghalf day at papasok nalang pag lunch time.

Papasok na sana ako ng classroom nang napalingon ako sa isang grupo ng mga estudyanteng nagsisigawan sa may dulo ng hallway. Napahinto sila sa pagsisigaw nang lumapit ako at tinignan kung anong pinagsiksikan at pinagsisigawan nila doon.

Then I realize that it seems like a part of me was going to die.

Nakita ko siya doon sa sahig. Iyak nang iyak.

Parang automatic nang lumapit yung katawan ko sa kanya at kinarga papunta sa sasakyan ko. At hinatid ko siya sa bahay.

Yung time na yun, hindi ko alam kung sasaya ba ako dahil nakatabi ko siya sa sasakyan o malulungkot dahil nakita ko siyang pinagguguluhan ng mga estudyante at walang kalaban laban na umiiyak doon sa sahig ng

hallway.

Alam ko kung bakit siya pinagkaguluhan at yun ay dahil sa akin.

Ang sakit palang isipin na nasasaktan ang taong mahal mo nang dahil sa'yo.

Kyla, yung tungkol sa first love ko, puro 'siya' ang sinabi ko. Pero siguro ngayon, alam mo na kung sino 'siya'.

Na "siya" at ikaw ay iisa.

Kyla, sa lahat ng malas na lumalapit sa akin tuwing nandito ako sa school, sana itong araw na to ang pinakaiiba. I want to let this day very special.

Kyla, matagal na kitang pinagmamasdan. Habang tumatagal, palalim nang palalim ang nararamdaman ko sayo.

Kyla....

****************

bigla nalang naputol ang pagbabasa ko nang malakas sa letter at may pumasok sa classroom.

Laking bigla ko nang makita ko si Daniel na nakatayo sa may door at palapit nang palapit sa akin. Bigla niya akong niyakap.

"mahal na mahal kita"

speechless parin ako sa mga nangyayari.

Lumayo si Daniel sa akin at sinamahan ako papunta sa corridor sa labas ng room. Nasa 2nd floor kami at tanaw na tanaw ko ang quadrangle sa harap ng school namin.....

....na punong-puno ng mga estudyante.

At may mga estudyanteng naka linya sa baba na may hawak-hawak na illustration board. isa-isang letter kada illustration board.

At may nakalagay na..

SORRY KYLA

lumingon ako sa likod ko pero biglang nawala si Daniel.

"KYLAAAAAA!" nilingon ko naman ang kinaroroonan ng boses at shock na shock ako dahil nasa baba na si Daniel.

At hindi na 'SORRY' ang nakalagay sa mga illustration boards kundi....

'I LOVE YOU'

'WILL YOU BE MY GIRLFIREND?'

Isang panaginip nanaman ba 'to?

bakit parang kahapon lang, iyak ako nang iyak dahil pinagtulungan nila ako pero sa hindi ko nalalamang dahilan, si Daniel na ultimate crush ko pa ang naging 'knight in shining armor' ko.

Totoo ba tong nangyayari ngayon?

Kahapon, sinasabi ko pang wala na akong pag-asa sa lalaking ito pero ngayon, siya pa ang humihingi ng 'oo' ko.

Ano pa ba ang masasabi ko? Parang binaliktad ng tadhana ang posisyon namin eh.

Itong seatmate ko ngayon na halos hanggang pangarap ko nalang ang patagong may pagtingin pala sa akin.

Ngayon, humahagulgol na ako ng iyak. Bahala nang magmukha akong bruha dito sa taas. Mahal ko naman kasi itong lalakeng 'to eh!

"Hoy engot! Hindi na uso ang ganito ngayon! Kahit dito ka pa sa upuan mo magtanong ng ganyan pareho parin ang sagot ko!" sigaw ko habang umiiyak. Ngayon, hindi na ito ang luha na pareho kahapon kundi ang luha siguro na kung saan lumalabas lang sa pinakamasayang araw sa buhay ko. Tears of joy.

"OO! Sinasagot na kita!"

"I LOVE YOU SEATMATE KOOO!"

"I LOVE YOU TOO MR. SEATMAAAAATE!"

kumaripas ako ng takbo pababa at sinalubong naman niya ako ng mahigpit na yakap.

~THE END~

Thank you sa pagbabasa! ;) vote and comment if you want :')

And also, dalawa pa lang po yung one shots na nagawa ko. "I'm Inlove with a Broken-hearted Stranger" po yung isa. Feel free to read it!

lablab,

-stainless_pen

You might also like