You are on page 1of 34

*Aralin 1.

Huling taon ko na sa hayskul, waring napunding anghang sa aking pag-aaral

Nakayuko ang bulaklak sa bintana, nakadungaw sa bubuyog na may gitara

Ngayon niya naaalala, walang kasama, walang katabi, napaglipasan ng panahon

Magbigay ng inyong nalalamang talinhaga at gamitin ito sa isang makabuluhang pangungusap.

*
Panuto: Magbahagi ng inyong nalalaman tungkol sa elemento ng tula sa tulong ng TSART.

Sukat
Tugma

MGA ELEMENTO NG TULA

Kariktan

Talinhaga Aliw-iw / Indayog

*Pagmumungkahi ng

Mahahalagang Tanong para sa aralin sa paraang PATULA Pagkatapos, bigkasin ito sa klase.

Nakapagmumungkahi ang mga mag-aaral ng INAASAHANG PRODUKTO / PAGGANAP sa pagtatapos ng aralin

*
Pagsulat ng tula kaugnay ng isang napapanahong isyu o paksa.

Nakapagbibigay ng mga mungkahing KRAYTIRYA kung paano tatayain ang Inaasahang Produkto / Pagganap. (Isusulat sa manila
paper at ipapaskil sa dingding ang nabuong kraytirya)

*Kraytirya sa pagtataya ng isinulat


na tula: (2 puntos bawat isa)

A.Napapanahon B.May kaugnayan sa paksa C.Taglay ang mga elemento ng tula D.Hindi bababa sa limang saknong E.Wasto ang pagkakagamit ng
pang-uring pamilang

*Pagbuo ng hinuha sa

mahahalagang tanong:

EQ # 1. Paano naiiba ang tula sa ibang sangay ng panitikan?

EQ # 2. Bakit mahalagang magkaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa mga elemento sa pagsulat ng tula? Patunayan.

EQ # 3. Paano makatutulong ang mga pang-uring pamilang sa pagsulat o pagbigkas ng tula?

*Mag-ugnay ng mga salitang malapit


sa salitang GURYON

GURYON

tulang ANG GURYON ni Ildefonso Santos.

*PAGBASA sa

Tanggapin mo, anak, itong munting guryon na yari sa patpat at papel de Hapon;

magandang laruang pula, puti, asul,


na may pangalan mong sa gitna naroon.

Ang hiling ko lamang, bago paliparin


ang guryon mong ito ay pakatimbangin;

ang solo't paulo'y sukating magaling


nang hindi mag-ikit o kaya'y magkiling.

Saka pag sumimoy ang hangin , ilabas


at sa papawiri'y bayaang lumipad;

datapwa't ang pisi'y tibayan mo, anak,


at baka lagutin ng hanging malakas.

Ibigin mo't hindi, balang araw ikaw


ay mapapabuyong makipagdagitan;

makipaglaban ka, subali't tandaan


na ang nagwawagi'y ang pusong marangal.

At kung ang guryon mo'y sakaling madaig,


matangay ng iba o kaya'y mapatid;

kung saka-sakaling di na mapabalik,


maawaing kamay nawa ang magkamit!

Ang buhay ay guryon: marupok, malikot, dagiti't dumagit, saanman sumuot... O, paliparin mo't ihalik sa Diyos, bago pa tuluyang sa lupa'y sumubsob!

Pagbibigaykahulugan sa ilang malalalim na salita sa bawat saknong ng tula.

*guryon

*Mag-ikit

*mapapabuyong

marupok

*Sino ang

nagsasalita sa tula? Pangatwiranan ang sagot.

*Sa iyong

palagay, kanino kumakatawan ang guryon? Bakit? Ipaliwanag


.

*Ano ang

mensaheng hatid ng tula?

*Pansinin ang

sukat ng tula, mayroon ba itong sukat at tugma? Ilahad

*Matalinhaga
ba ang tula? Ipaliwanag ang sagot.

*Ilahad ang

iyong naramdaman matapos mabasa ang tula?

*PAGLALAGOM: Dugtungan ang mga


sumusunod na pahayag.

*SA TULA:
Ang sukat ay _________ Ang tugma ay _________ Ang aliw-iw o indayog ay _

Ang talinhaga ay _______


At ang kariktan ay ______

You might also like