You are on page 1of 2

"ALA, EH, una-unahan. Hubuan na!

"

Napatigil sa paglalakad pababa sa ilog sina Cathleen, Nikki, at Sol. Namimilog a
ng mga matang nagkatinginan sila. Si Nikki ang unang humagikgik. Si Sol ang naka
isip na takpan ng kamay ang bibig ni Nikki.

Si Cathleen man ay nabitawan ang dalang basket para takpan ang sariling bibig at
maitago ang hagikgik na hindi niya napigilang umalpas. Paano kasi, hindi pa man
sila nakakarating doon ay tawanan na sila nang tawanan dahil sa pagbibiruan sa
daan. Alam nilang may daratnan silang mga lalaki sa ilog.

Si Nikki ang nakarinig sa usapan ng mga kapit-bahay nang magtungo ito sa bayan n
ang nagdaang araw. At dahil malaking oportunidad daw iyon para makakilala naman
siya ng binatilyong taga San Jose---at para makita na rin nila ang crush nito na
matagal na ring ibinibida nito sa kanya---puwedeng "magkataong" maligo rin sila
sa ilog sa parehong oras.

Nagbabakasyon lang siya sa San Jose. Probinsiya iyon ng kanyang Yaya Ludy. Iyon
ang unang pagkakataon na nakarating siya roon. Sila Nikki at Sol ay mga pamangki
n ng kanyang yaya na agad niyang nakapalagayang-loob. Sabi nga ni Nikki, best fr
iends silang tatlo sa dati nilang buhay.

May kasama sila ni Yaya Ludy na bodyguard sa "bakasyong" iyon---for necessity's
sake. Pero hindi nila ito kasama sa bahay para walang makahalata na guwardiyado
siya at walang magduda kung sino siya.

Nakatulong na hindi niya nakikita ang bodyguard dahil sa unang pagkakataon sa bu
hay niya ay nagawa niyang makapag-ilusyon na malaya siya. Na puwede siyang umakt
ong tulad din ng ibang teenager na gaya nina Sol at Nikki.

Kaya humagikgik siya ngayon nang buong lugod. Isinantabi na muna niya ang tamang
pagkilos na turo ng kanyang mama at kinalakihan niya. Iyon din ang dahilan kaya
hindi siya tumakbo palayo nang marinig ang sigaw na iyon mula sa may ilog. Nana
natili siya sa kinatatayuan niya at naghihintay ng paghamon mula sa dalawang kas
ama.

"Tara, manilip tayo," yaya ni Nikki sa kanila. Sa kanilang tatlo, ito talaga ang
malakas ang loob.

Nag-atubili si Sol. "Kapag nahuli tayo, hindi na ako makakapasok sa susunod na p
asukan. Mamamatay muna ako!"

Napahagikgik siya. "Kapag nahuli tayo, okay lang sa akin. Hindi ko na sila makik
ita pagkatapos ng bakasyon ko!"

You might also like