You are on page 1of 3

Ang sumunod na tawanan ay hindi na kasintunog tulad kanina.

Hindi sinasadyang ip
inaalala niya na malapit na silang magkalayu-layo. Dalawang araw na lang at baba
lik na sila ni Yaya Ludy sa Maynila. Tapos na ang eleksiyon. Bukas ay mag-o-oath
taking na ang papa niya. Sa susunod na buwan ay pasukan na. At hindi niya masasa
bi kung kailan siya muling makakabalik sa San Jose.

Ang kaalamang iyon ang tila naging dahilan kung bakit lalong naging malakas ang
loob nila na ipagpatuloy ang kapilyahang naisip. Parang isang taon na tumango si
la at saka pumihit patungo sa madawag na bahagi. Iyon ang tanging humaharang sa
kanilang kinalalagyan mula sa mga naliligo sa ilog.

"Aruuu! Parang lantang talong ang kay Ariel!" narinig niyang sabi ng isa sa mga
naliligo sa ilog.

"Gago! Ano'ng magagawa ko? Malamig ang tubig!" sabi naman ng tinawag na "Ariel."

Naghagalpakan ng tawa ang mga ito.

"Pustahan tayo. Kaya hindi pa makapaghubo si Bernard, hindi pa tuli!"

Habang naririnig ang pag-aasaran ng mga naliligo sa ilog ay hindi naman sila mag
kamayaw sa pagtawa. Nakikitawa lang siya kina Sol at Nikki. Wala pa siyang nakik
ita dahil hindi pa siya nakakabawi sa sobrang bilis na tibok ng kanyang puso. Pa
kiramdam niya ay naninikip ang dibdib niya. It was a terror for her to actually
try and peep!

"Justin, Justin, hari ng balbooon!" iyon naman ang paulit-ulit na sinasabi ng mg
a nasa ilog.

"Raymond, Raymond, reyna ng butete! Mas malaki pa ang tiyan sa titi!"

Sa puntong iyon ay namilipit na si Sol sa katatawa. Para na ring sasabog ang muk
ha nito sa sobrang pamumula. Ni hindi na makalabas mula sa bibig nito ang halakh
ak habang iling nang iling. Sa itsura pa lang nito, naiiyak na siya sa katatawa.
Pero si Nikki ay seryoso sa paninilip. Namalayan na lang niya na hinihila nito a
ng t-shirt niya.

"Tignan mo, Cathleen! Bilis!"

Agad na nawala ang tawa niya kasabay ng paninigas sa kinaluluhuran. Hindi talaga
niya kaya! Kandailing siya habang nanlalaban sa paghila nito. "Ayoko!"

"Tange, hindi 'yong bird!" paanas na sambit nito, natatawa. "'Yong Justin. Grabe
, sobra at over... Ang guwapooo!"

Si Sol ay medyo nakakabawi na rin sa kinalugmukan. "Sinong Justin?" tanong nito
sa pinsang si Nikki habang bumabangon.

"Ewan ko. Ngayon ko rin lang nakita. Pero tingnan n'yo, bilis! Tapos, pumulas na
tayo kasi baka mahuli nila tayo!"

Nagkatinginan sila ni Sol. Pareho nilang alam na makakantiyawan na duwag ang sin
uman sa kanila na hindi sisilip. At wala siyang intensyon na sirain ang kanyang
bakasyon dahil lang sa sandaling karuwagan.

Pareho silang napalunok ni Sol, pagkatapos ay magkasabay rin silang pumihit. Ila
ng sandali ang lumipas bago niya nakita kung sino ang tinutukoy ni Nikki. Kung t
utuusin ay hindi na nito kailangan pang ituro ang binatilyo.

Nag-iisa lang ang matatawag na namumukod-tangi ang kaguwapuhan sa pitong binatil
yong naliligo sa ilog. Pawang nakatayo sa malalaking bato ang mga ito na tila ip
inagmamalaki ang anumang dapat ipagmalaki ng mga ito. Isa lang sa pito ang hindi
nakahubad, malamang ay iyong tinawag na "Bernard."

Ang sa hula niya na si Justin ay nakatayo rin sa isang bato, walang anumang sapl
ot sa katawan maliban sa isang native string bracelet na nasa isang bisig nito.
Maputi ito, matangkad, at maganda na ang hubog ng katawan gayong lahat ng kakil
ala niyang kasing-edad niyang lalaki, kung hindi payat ay mataba. Hindi lang ito
guwapo, may kung ano pa sa pisikal na presensiya nito na agad na nagpatibok sa
puso niya,

"Para siyang artista, ano?" nababaghang sambit ni Nikki sa humahangang boses.

Marahil, lahat sila ay nakatingin kay Justin, dahilan kung bakit hindi agad nila
napansin na may isa na sa mga naliligo ang nakapansin sa malaking hawi ng damuh
an sa itaas. Basta narinig na lang nilang sumigaw ang isa sa mga binatilyo, pagk
atapos ay ang pagtalon nito sa tubig.

"May naninilip! Sa 'taas! May naninilip!"

Kanya-kanya na ng paglukso sa tubig ang mga ito. Silang tatlo naman ay ilang sag
lit na nagkatinginan. Alam niyang pare-parehong nawalan ng kulay ang kanilang mg
a mukha.

Sabay-sabay silang tumayo at matapos kunin ang mga dala-dala nila na inilapag ni
la kanina sa lupa ay kumaripas na sila ng takbo.

You might also like