You are on page 1of 2

Para sa kanya---kay Cathleen Benedectine San Diego na nag-iisang anak nina Presi

dent Dominico San Diego at First Lady Lucille Mejina San Diego---ang buhay na iy
on. Hindi para sa ibang tao.

Dapat bang maghanap pa siya ng ibang klase ng buhay? Tama bang tanggihan niya an
g mga iyon kapalit ng buhay na hindi naman ibinigay para sa kanya? Tama bang mag
nasang lumaya sa mga bagay na pakiramdam niya ay nagkukulong sa kanya, gayong na
pakasuwerte pa nga niya kung ikokompara sa mga taong malaya ngang matatawag, per
o nagugutom, naghahangad ng mga materyal na bagay na taglay niya?

Ano bang klase ng kalayaan ang hangad niya?

Isang alaala ang agad na nagbigay sa kanya ng eksaktong sagot sa tanong na iyon
. Sina Nikki at Sol---ang mga kaedad niyang nakilala niya sa San Jose. Malalaya
ang mga ito---nakakatakbo, nakakatawa ng malakas, nakapag-iisip nang anumang gus
tong isipin nang hindi napapahiya sa iba o sa sarili. They had freedom to believ
e in something even as foolish as true love...

Pinukaw ng tinig ng mama niya ang pagmumuni-muni niya.

"Cathleen? Let's go, sweetheart. Off to the Salon. Napansin ko kaninang umaga, m
edyo dry ang buhok mo. Look at you. Hindi mo inaalagaan ang sarili mo."

Tumingin siya rito. Her mother looked contented being politician's wife. Nag-e-e
ntertain ito, nagbibilad din sa araw kapag kampanya, nakikisalamuha sa mga kapus
-palad na halos araw-araw na ginagawa nito sa mga charity works nito, at ipinagl
alaban ang mga ideolohiyang pinaniniwalaan nito.

Her mother was a tough woman outside the house and she was a tough woman inside.
Noong ma-elect ang papa niya bilang Presidente ng bansa, walang nagduda na maka
kayang sabayan ng mama niya ang responsibilities ng isang First Lady. And her mo
ther did it splendidly.

Mula noong mayor pa lang ang kanyang papa hanggang ngayon ay wala siyang narinig
na reklamo sa panig ng mama niya. Maliban sa mga reklamo nito tungkol sa pangan
galaga niya sa kanyang sarili.

Pero siya na wala pa talagang napapatunayan sa buhay ay marami nang inirereklamo
. Her mother was a millionaire's daughter, too. Ipinakasal ito sa isang lalaking
sa palagay ng mga magulang nito ay karapat-dapat dito. There used to be times w
hen she would wonder if her mother truly loved her father despite their beginnin
gs.

Pero kapag naaalala nito ang papa niya sa mga oras na hindi nito ito kasama, nak
ikita niya kung paanong mag-alala ito para sa kanyang papa. At kapag narinig nit
o ang assigned ringing tone ng papa niya sa cellphone nito ay agad na ngumingiti
ito.

It could be because her father was an exceptional man or her grandparents didn't
make the mistake of finding the wrong man for her mother. She knew her mother h
ad found true love.

Kaya ba masyado siyang inaalagaan ng mga ito at pinoprotektahan dahil ang mga it
o rin ang nakatakdang pumili ng mapapangasawa niya?

Gusto agad niyang magprotesta sa ideyang iyon. Wala sa loob na hinila niya ang k
anyang kamay mula sa pagkakahawak ng mama niya.

Tila nagulat naman na tumingin ito sa kanya. Kapagkuwan ay dinama nito ang kanya
ng noo. "May sakit ka ba? Bakit para yatang matamlay ka?"
Nag-iwas siya ng tingin. "Nagpuyat ako kagabi because of reading. Don't worry ab
out me, 'Ma."

"Hmm," anito, sa tono ay hindi lubos na naniniwala. "Matulog ka agad pag-uwi nat
in. Can't have you looking like this at the party tomorrow. Darating pa naman an
g mga Alcaeses kasama ang kanilang unico hijo. I heard that he's very good-lookin
g, hija. We can't have you looking like this."

Napalunok siya. Parang totoo yata ang hinala niya.

Pag-akyat niya sa kwarto niya nang gabing iyon pagkatapos ng hapunan, nadatnan n
iya ang kuwintas na may pendant na dolphin sa ibabaw ng kanyang unan. Napabunton
g-hininga siya. Nagi-guilty na naisip niya ang kanyang mama.

Pero hindi siya nagtungo sa kwarto nito. Kung sakaling totoo ang hinala niya na
may balak ito para sa kanya at sa sinumang Alcaeses na iyon, alam niyang pagsisis
ihan niya ang paghingi niya ng tawad sa kagaspangan niya kanina.

You might also like