You are on page 1of 2

2

BLANGKO ang mukha ni Ross habang nakamata ito kay Justin. Napabuntong-hininga tu
loy siya. Alam niyang kahit medyo malakas ang tugtog sa bar na kinaroroonan nila
nang mga sandaling iyon ay malinaw nitong narinig ang sinabi niya.

"Huwag mo nga akong tingnan ng ganyan. Bakit? Have you ever wondered kung ano an
g naging buhay natin if we were not born rich?"

Blangko pa rin ang ekspresyon nito. "No."

Napabuntong-hininga na naman siya. Naramdaman niya ang pagtapik sa balikat niya
kaya napapihit siya. Nalingunan niya ang isa pa nilang kaibigan na si Cliff. Uma
asa siyang makahanap ng kakampi rito.

Pero tanging pagkadismaya lang ang nasa nakangiwing ekspresyon nito. "Don't even
go there, brod. Baka mabaliw ka. Sa palagay mo ba, papansinin ka man lang ni Dr
ew if you're poor and mabaho?"

Umangat ang kilay niya sa pagdududa sa sinabi nito. "Hindi lahat ng mahirap, mab
aho. Hindi paghihirap 'yon. Katamaran."

"Pare, hindi katamaran 'yon," kontra naman ni Ross. "Kung lahat ng oras mo nauub
os sa pagbabanat ng buto, 'tapos ang kinikita mo ay kulang pa para makabili ng d
isenteng sabon, shampoo, at pabango, hindi ka magiging kasimpresko mo ngayon." I
namoy pa siya nito at saka humagalpak ng tawa habang umiiwas sa nakaambang kamao
niya.

"Hindi n'yo ko sineseryoso," aniya. Itinuon niya ang pansin sa inumin niya. "Sin
asabi ko na, sana hindi ko na lang sinabi pa sa inyo ito. Pinagtatawanan n'yo la
ng ako."

Nagtawanan na naman ang mga ito. Ngunit tumigil naman ang mga ito nang tingnan n
iya nang masama.

Umiling-iling si Cliff. "Alam mo, brod, panibagong trip mo na naman ito, eh. May
bug na naman siguro diyan sa utak mo. You're just bored. Kung gusto mo, mag-out
of the country tayo sa weekend."

"We're always out of the country on weekends," reklamo niya. "At usually, hindi
tayo nakakabalik on working days."

Amused na tumawa si Ross. "Who's working? Pandekorasyon lang tayo sa mga desks n
a ini-assign sa atin ng mga magulang natin para masabing responsible ang kanilan
g mga anak. It has its advantages, though. Marami rin palang magaganda at may se
nse kausap sa mga common employees sa company ni Mommy."

"'Yon na, pare! You've hit it. Walang significant sa buhay natin para masabi tal
agang we're living. Hindi tayo---"

"Oh, I'm living," kontra agad ni Ross. Hindi ito sa kanya nakatingin kundi sa ib
ang direksiyon. Nang sundan niya ang tinitingnan nito, nakita niya ang isang bab
ae na kapapasok lang at tila nang-aakit sa paraan ng paglakad nito.

Sumipol si Ross. "Look at that butt," anito sa boses na eksaheradong pinangatal
habang nakasunod pa rin ang tingin sa babae hanggang sa umupo iyon sa stool sa h
arap ng bar. "I'm out'ta here." Dala ang mug nito ng beer ay walang lingon-likod
na iniwan sila at nilapitan ang babae.

Napailing na lang siya. Hindi na siya nagkomento dahil tiyak na kokontrahin siya
ni Cliff. Baka iwan din siya nito roon.

Kaso, wala sa kanya ang kontrol sa sitwasyon. Maya-maya lang ay may grupong duma
ting. Kasama sa mga iyon ang babaeng ilang araw na ring iniiwasan ni Cliff.

Nilagok nito ang iniinom na beer. "Brod, I'm out'ta here, too. Tara, barhopping
tayo."

Umiling siya. "Hindi muna, brod. Uubusin ko muna ito, then I'm gone."

Kumunot ang noo nito. "Gone where?"

"Bahala na. Maybe home."

Nagkibit-balikat ito. "Okay." Tumayo na ito , dumukot sa bulsa at nag-iwan ng il
ang bills sa mesa. "The drinks are on me. Ciao!" Mabilis nang nawala ito.

You might also like