You are on page 1of 3

Napatingin na lang uli siya sa inumin niya.

Hindi pa iyon nauubos ay tumayo na r


in siya at saka umalis.
HINDI alam ni Justin kung bakit umuwi siya sa bahay ng mga magulang niya. Alam n
iyang wala siyang daratnan doon maliban sa mga katulong. Nakaramdam lang siya ng
kagustuhang makita muli ang dating kuwarto niya roon.

Kung uuwi kasi siya sa bachelor's pad niya ay wala siyang daratnan doong kahit s
ino. Kahit paano, sa bahay ng mga magulang, maririnig niya ang biruan ng mga kas
ambahay kapag nag-uumpukan ang mga ito sa hardin.

Ipinasok niya sa garahe ang kanyang BMW. Sinuklian niya ang maluwang na ngisi ng
driver na sumalubong sa kanya. Marahil ay namataan nito sa monitor ang pagbukas
ng electronic gate at nakita ang pagpasok niya.

Mang Ver had been with them since he was a baby. Binata pa ito noon. Ngayon ay b
iyudo na ito at pareho nang may asawa ang dalawang anak. Kapag napag-uusapan ang
mga supling nito, pakiramdam niya ay ancient na siya sa edad na beinte-nuwebe.

"Sir Justin, napauwi ka!"

"Oho, Mang Ver. Naghahanap ng matinong kainuman."

Humagalpak ito ng tawa habang tinatapik-tapik ang kanyang likod. "Hindi ngayon.
Napansin mo, maingay sa loob? Dumating na ang daddy at mommy mo. Oo nga pala, an
g alam ko pinako-contact ka sa cellphone mo. Kanina pa iritado si Ma'am. Kailang
an ka raw makausap."

Bumagsak ang balikat niya. Hindi niya gustong makausap ang ina dahil tiyak na ma
y hihilingin to sa kanya na hindi siya handang ibigay. At hindi rin naman laging
humihingi ito ng pabor sa kanya dahil pareho nilang alam na hindi rin naman nit
o naibibigay ang tunay na kailangan niya mula rito.

His mother was a jet-setter. Mas maraming panahong iniuukol ito sa pagbibiyahe k
aysa sa pananatili sa bahay para asikasuhin ang nag-iisang anak nito. Ang daddy
naman niya ay laging abala sa negosyo, dahilan kung bakit napakayaman ng Alcaeses
.

Basically, lumaki siya na wala ang mga magulang. But he had everything money cou
ld buy. Siniguro ng mga ito na wala siyang hahanapin pagdating sa materyal na mg
a bagay.

Kakasabwatin sana niya si Mang Ver na sabihin sa mga magulang na hindi siya naki
ta nito ngunit nakatunog yata ang mommy niya. Magsasalita pa lang siya nang luma
bas ito at makita siya.

"Justin! My goodnes! What happened to your phone? Sabi ko sa iyo, magpa-register
ka na pero ang tigas ng ulo mo. Pati kaming mga magulang mo pinagtataguan mo, w
ithout consideration whatsoever na ipaalam man lang sa amin kung nagpalit ka na
ng number. These prepaid phones and you!" Pumalatak ito. "Can't have balls enoug
h to face a female to tell her that you can't talk to her anymore, even your own
mother!"

Iyon ang ayaw niya rito. She was very good at talking a person down. Tiyak na ii
sipin ng ibang tao na makakakita sa kanila na ganoon kaepektibo ang mother-son r
elationship nila.

"Hello, Mom," aniya sa subdued na boses. Ang mahirap sa kanya ay hindi niya kaya
ng saktan ang damdamin nito. As bitter as he was, he had accepted long ago that
even if his mother was like that, she loved him in the only way she knew.

He had for a grandmother an authentic socialite. She died on a plane crash to Pa
ris at the age of seventy-six while drinking bourbon in her seat. Anong klaseng
anak ang ipo-produce nang ganoong klaseng ina?

"Hijo, come here ang give your mother a good peck on the cheek."

He obliged. He didn't like the new perfume she was wearing, though. Naamoy na ni
ya iyon kay Drew. And Drew could flaunt more perfumes in a day than a few words
of intellegence in a week.

God, he was so tired of his life!

"May party kaming dadaluhan ng daddy mo, darling. Guess what? Birthday party ni
President San Diego. Umuwi lang ako just for that party, hijo. Do you know that?
"

Naitirik niya ang mga mata. Nakita niya ang pigil na ngiti ni Mang Ver habang na
kamasid sa kanilang mag-ina bago ito tumalikod at lumabas ng garahe. "And you wa
nted me to meet their daughters?"
"Correction, daughter." Nakakunot ang noo ng kaniyang ina. "Hindi ka ba nakapag
babasa ng diyaryo, hijo? Hindi mo alam na nag-iisa lang ang anak ng Presidente n
g bansa mo?" Hindi ito naghintay ng tugon mula sa kanya dahil nagpatuloy lang it
o sa pagsasalita. "Anyway, Cathleen's just the girl for you, hijo. You'll like h
er. Hindi lang siya maganda, she's so fresh. Sobrang mahiyain nga lang for my ta
ste."

Mahiyain? Walang mahiyain sa alta-sosyedad. O mas tamang sabihin na walang tunay
na mahiyain sa alta-sosyedad.

"Pero gusto namin siya ng ama mo para sa iyo," anito. "She's not like just anybo
dy like the girls you date."

You might also like