Nakita niya ang pigil na ngiti ni Mang Ver habang na
kamasid sa kanilang mag-ina bago ito tumalikod at lumabas ng garahe. "And you wa nted me to meet their daughters?" "Correction, daughter." Nakakunot ang noo ng kaniyang ina. "Hindi ka ba nakapag babasa ng diyaryo, hijo? Hindi mo alam na nag-iisa lang ang anak ng Presidente n g bansa mo?" Hindi ito naghintay ng tugon mula sa kanya dahil nagpatuloy lang it o sa pagsasalita. "Anyway, Cathleen's just the girl for you, hijo. You'll like h er. Hindi lang siya maganda, she's so fresh. Sobrang mahiyain nga lang for my ta ste."
Mahiyain? Walang mahiyain sa alta-sosyedad. O mas tamang sabihin na walang tunay na mahiyain sa alta-sosyedad.
"Pero gusto namin siya ng ama mo para sa iyo," anito. "She's not like just anybo dy like the girls you date."
"Mom, just last month, pumayag akong i-date ang mukhang lesbian na anak ni Don F ernando Duran just for you," paalala niya rito.
She waved a hand. "Is she?"
"No." agad na tanggi niya. He started enjoying talking to the woman when she adm itted she was a lesbian. Nahalata raw nito na hindi naman talaga siya interesado rito. Pero naintriga siya sa katalinuhan nito. At hindi naman niya sisiraan ito sa kanyang ina. It was up to her to admit to the world her sexual preference. W ala siyang karapatan makialam doon.
"Well, ang babaeng ito, hindi lesbian. She's beautiful, in this subdued, simply expensive way. She could pull it off, really. That's why I like her."
Napabuntong-hininga siya. "I'll try to be here, Mom."
"Do not be late, or else, maiiwan ka namin at darating tayo roon nang magkakahiw alay."
"I'll try."
Tinitigan siya nito. Ngunit alam nito na maliban sa pangakong iyon ay wala nang makukuha ito mula sa kanya.
"Have dinner with us," anito sa tonong biglang naging malambing.
"I've already had dinner, Mom. May kukunin lang ako sa room ko."
"Okay. Then at least say hello to your father before you go. Noong isang buwan k a pa niya huling nakita."
And was that his fault? "Okay."
Hinalikan siya nito sa pisngi, pagkatapos ay pumasok na uli ito sa loob ng bahay . Naiwan sa pang-amoy niya ang pabango nito. He decided that he would take a sho wer before leaving.
Hinanap muna niya si Mang Ver sa hardin. Malamang na kasama nito si Tito Noy, an g kanilang hardinero.
"O? Ano?" nakangising tanong ni Mang Ver nang matagpuan na niya ito.
"Mang Ver, kailangan ko ng matinong kausap."
"Sino naman ang maysabi sa iyong bata ka na makakahanap ka ng matinong tao rito sa bahay n'yo?" tanong nito, sabay halakhak.
Napailing siya. "No, Mang Ver. Kung ikokompara sa barkada ko, matitino ang mga t ao rito."
Nagsalo sila sa isang masayang tawanan.
Unti-unti ay nakadama siya ng pagluluwag ng dibdib. "Nasaan si Tito Noy?"
"Hindi mo pa ba alam?" nakataas ang kilay na tanong nito. "Inatake siya sa puso noong isang linggo kaya pinagretiro na siya ng daddy mo at pinauwi sa mga kamag- anak niya sa probinsya nila. Mabuti na lang mild stroke lang. Pero mabuti na iyo n at nang makasagap siya ng sariwang hangin."
Agad na nabura ang ngisi sa mukha niya. Nakadama agad siya ng pag-aalala sa mata ndang nagsilbing tagapayo niya at buffer noong kabataan niya. "Kumusta na ho ang lagay niya? Bakit hindi man lang ako nasabihan ni Mommy?"
Ngunit alam niyang hindi na kailangang sagutin nito ang pangalawang tanong niya. Baka nga hanggang ngayon ay hindi pa alam ng mommy niya ang nangyari. Noong isa ng buwan ay nasa States ito, doing God knows what as always.