You are on page 1of 4

"Huwag kang mag-alala," ani Mang Ver, sabay tapik sa balikat niya.

"Siniguro ng
daddy mo na wala nang aalalahanin pa ang matanda. Bukod sa pensiyon niya, may pa
baong malaking halaga ang daddy mo para sa kanya nang makapagpundar naman siya r
oon kahit kaunting kabuhayan."
Nanghihinayang na bumuntong hininga siya. Gustong-gusto sana niyang makakuwentuh
an si Tito Noy nang gabing iyon.

Pero bigla siyang nagkaroon ng ideya. "Mang Ver, gusto mo ba akong samahan sa Ba
tangas? Dadalawin ko si Tito Noy."

Ngumisi ito. Sa madalas niyang pagsama kay Tito Noy sa pagbabakasyon nito sa pro
binsya, madalas si Mang Ver ang nagda-drive para sa kanya. Madalas din na dalawa
ng araw pa bago ito nakakabalik sa Maynila dahil para silang nakawalang mga pres
o kapag nasa San Jose na sila at magkakasama. Lalo na noong nagbinata na siya at
nakakaisip na rin ng kung anu-anong kalokohan.

"Aba, kailan tayo aalis? Sabihin mo lang, bata. Magpapaalam ako sa daddy mo, tut
al, matagal-tagal na rin akong hindi nakaka-leave."

"Ngayon?"

Kumunot ang noo nito. "Ipapahamak mo naman ako sa mommy mo, bata. Alam mong may
pinadadaluhan sa iyo si Ma'am bukas."

"She'd get over it the next day, habang nagpaplano kung saang lupalop na naman n
g mundo siya lilipad sa susunod na pag-alis niya sa bansa," aniya. "Ano, Mang Ve
r?"

"Ewan," anito. Pero nang magkatinginan sila, napuno na naman ng tawanan ang hard
in. "Puwede," sa wakas ay pagpayag nito. "Kung dala natin ang sasakyan, walang p
roblema sa biyahe. Makakabalik tayo rito sa Maynila sa Lunes."

Hindi na niya binanggit na maaaring hindi muna siya bumalik sa Lunes. Baka magta
gal siya sa Batangas.

"Paano kung tama ang mommy mo ngayon at magugustuhan mo ang anak ni President Sa
n Diego kung nakilala mo siya? Aba, botante ako ng ama n'on. Hanga ako roon. Bir
o mo, magiging biyenan mo 'yon? Baka anak na niya ang hinahanap mo, bata."

Umiling siya. "I don't remember Mom tying my shoelaces for me when I was a child
, Mang Ver. Aasahan mo bang mapupuwersa niya akong magpakasal sa isang babaeng s
iya ang may gusto?'

Hindi ito sumagot. Umiling na lang ito.
WHAT Cathleen wanted to do was to get out of the dress and stay inside her room
instead of talking to these people like they knew her so well. Naiinis na rin si
ya sa mga kalalakihang kanina pa niya nahuhuling nakatingin sa cleavage niya.

She was supposed to be presented to the younger crowd tonight. Iyon ang sabi ng
kanyang mama habang tinutulungan siya nito kanina na magbihis. Sa edad daw niya,
dapat ay mayroon na siyang maraming kakilala.

Sa wakas ay nag-aalala ito kung bakit sa edad na beinte-singko ay hindi pa siya
nagkakainteres na magkaroon ng boyfriend. Kailangan pa ba niyang sabihin dito na
sa mga ipinakilala nito sa kanya ay wala siyang magustuhan kahit isa?

Ipinagpasalamat niya nang malaki na hindi dumating ang anak ng mga Alcaeses. Nang
makilala niya ang mag-asawa, hindi niya masabi kung magugustuhan niya ang sinum
ang bunga ng pagsasama ng mga ito.

Mr. Alcaeses seemed to be a very serious businessman. Walang ibang lumalabas sa b
ibig nito kundi tungkol sa negosyo. Si Mrs. Alcaeses naman ay walang ibang bukamb
ibig kundi ang mga lugar at mga bansang napuntahan nito. It seemed that the lady
spent more time outside the home than inside. They probably had a very spoiled,
bratty, overweight child.

Kaya nakahinga siya ng maluwag nang matapos na ang party. Sa wakas ay makakapagp
ahinga na siya. Agad nang nagtungo siya sa kanyang kuwarto. Ngunit bago siya nak
atulog ay pumasok ang mama niya.

"You didn't like the party, hmm?"

"Okay lang, Mama."

"Wala ka bang nagustuhan kahit isa sa mga binatang nakilala mo?"

Hindi niya napigilang magtaas ng kilay. Dahil siguro sa pagod, o iritasyon, o te
nsiyon sa paghihinalang balak siyang ipakasal nito sa anak ng mga Alcaeses ay kin
uwestiyon niya ang sinabi nito gayong hindi niya iyon dating ginagawa.

"Could you honestly believe na may magugustuhan ako sa lahat ng mga binatang 'yo
n na nakilala ko ngayong gabi, Mama?"

Bumuntong-hininga ito. "Kung nakilala mo lang ang anak ni Portia. I like the boy
. I've seen him in this party and... Alam mo naman ako kapag nagkaroon ng impres
yon sa ibang tao. I instinctively knew you'd like him. Bagay na bagay kayo. Hind
i ko siya nakitaan ng kayabangan, despite his status in life. Although I'm telli
ng you, his status in life is more than significant. It would have been good kun
g nakilala mo man lang siya at nakausap para malaman natin kung magugustuhan mo
siya."

"Mama, tumatanda na ba ako at napipilitan ka nang ihanap na rin ako ng boyfriend
?"

Tumawa ito. "Anong boyfriend lang? I won't look for someone less. I'm looking fo
r someone you could love. Of course, kung hindi mo magugustuhan ang lalaking 'yo
n, I could find somebody else."

Natunaw ang kanyang puso sa isiping hindi naman pala siya nito pupuwersahin. "Yo
u believe in love?"

Ngumiti ito. "I fell in love with you father the first time I saw him. Of course
, I do believe in love."

"Pero hindi mo ba naisip na puwede kong hanapin ang true love nang mag-isa?"

Natigilan ito, pagkatapos ay tila hindi makapaniwalang tumawa. "How? When you're
so secluded and you're so shy and you're not going out? See? Kung wala nga ang
Yaya Ludy mo, kung wala ako, hindi mo alam kung anong matinong damit ang isusuot
mo sa araw-araw."

Napabuntong-hininga siya. "Mama, kasi---"

"You're still basically a child at the age of twenty-five! How can I leave you b
y yourself and not worry that you would not spill your milk?"

"Ma!" sambit niya. Gusto na niyang maiyak sa sinasabi nito.

You might also like