You are on page 1of 2

"Okay, okay, have your rest now. Goodnight, darling. Let's talk in the morning.

"
Hinalikan siya nito sa noo at lumabas na ng kanyang kuwarto.

Kahit pagod at gusto nang makatulog, hindi naging madali ang gabing iyon para sa
kanya.
NANONOOD ng movie sa kuwarto si Cathleen nang pumasok si Yaya Ludy niya roon. Sa
halip na istorbohin siya ay naupo lang ito sa isang silya at nanood din.

Nang matapos ang pelikula ay saka lang niya ito hinarap. Napangiti siya nang mak
itang nakatulog na ito sa kinauupuan nito.

"Hay, si Yaya talaga, o." Bumangon siya mula sa gilid ng kama at nilapitan ito.
Sa dantay lang ng kanyang kamay sa balikat nito ay naalimpungatan agad ito. "Nak
atulog ho kayo, Yaya. Magpahinga muna kaya kayo sa kuwarto?"

Umiling ito. "Wala ito."

Hindi siya sumagot ngunit nag-aalala na rin siya sa sinasabi ng ibang mga katulo
ng na kapansin-pansin kaya Yaya Ludy. Nang mga huling buwan daw kasi ay hindi na
kapagkakatulog ang matanda pero bigla na lang bumabagsak nang wala sa abiso kahi
t araw, iidlip kahit limang minuto, pagkatapos ay biglang magigising sa kauntin
g ingay o kilos. Kapansin-pansin na rin sa kanya iyon ngayon.

"Nagustuhan mo ba ang pinanood mo, hija?"

Ngumiti siya. "Oho."

"Tungkol ba saan? Naku, mabuti pa ay matulog ka na dahil maaga ka pang papasok b
ukas."

Nagtatakang kumunot ang kanyang noo. "Papasok ho saan?"

"Aba'y sa eskuwela, saan pa?"

Natawa siya bagaman kinakabahan. "Yaya, matagal na akong naka-graduate, ano ka b
a?"

Tumaas ang kilay nito. "Kailan pa?" tila nalilitong tanong nito.

Nabura ang ngiti sa labi niya. Lalo siyang nag-alala sa kalagayan nito. Sa edad
na setenta y dos, dapat ay matagal na itong nakapagretiro. Pero mas pinili niton
g manatili sa tabi niya kaysa umuwi sa mga kamag-anak nito sa probinsiya.

Noon namang nagpakita ito ng palatandaan na nahihirapan na itong magserbisyo pa
sa kanila, hindi naman ito pinaalis ng mama niya. Siguro ay hindi rin iyon kayan
g gawin ng mama niya lalo pa at halatang hindi pa handang umalis sa poder nila s
i Yaya Ludy.

Pero nang mga nakaraang araw ay may pakiramdam siya na malapit nang dumating ang
sandali na mawawala na sa kanya ang nag-iisang nilalang na nagbibigay sa kanya
ng kalayaang maging siya kapag magkasama sila.

Si Yaya Ludy lang ang nakakaunawa na kailangan niyang magkaroon ng kalayaan. Noo
ng bata pa siya, ito ang gumagawa ng paraan para kahit paano ay makatikim naman
siya ng lollipop at cotton candy paminsan-minsan. Noong teenager pa siya, ito an
g nagpuslit ng romace novel na nabasa niya. Noong dalaga na siya ay ito rin ang
nakulele ang tainga sa mga kuwento niya tungkol sa mga crushes niya sa school, k
inikilig kasabay niya sa mga love letters na natatanggap niya, at nakiiyak sa ka
nya noong nanligaw sa iba ang lihim niyang first love.

Hindi niya ma-imagine kung ano ang magiging buhay niya kung mawawala si Yaya Lud
y sa kanya.

Napalunok siya habang inihihilig ang ulo sa mga hita ng kanyang yaya gaya ng mad
alas niyang gawin kung may isusumbong siya rito. Awtomatikong umangat ang kamay
nito at hinagod ang kanyang buhok.

You might also like