You are on page 1of 1

Mga Kagamitan at Kasanayan

sa Paghahalaman
Mga Karaniwang Kagamitan at Kasangkapan
sa Paghahalaman

1. Asarol Pambungkal ng lupa.

2. Piko Panghukay ng matigas na lupa.

3. Kalaykay Ginagamit sa pagpapantay ng lupa
at paghihiwalay ng bato sa lupa.

4. Tinidor Pandurog ng malalaking kimpal ng
lupa.

5. Trowel Ginagamit sa paglilipat ng punla,
pagpapaluwag ng lupa at pagtatabon sa puno.

6. Itak Pamutol sa mga sanga at puno ng
malalaking halaman.

7. Bareta Ginagamit sa paghuhukay ng
malalaking bato at tuod ng kahoy.
8. Karet Pamputol ng mataas na damo.
9. Palakol Pamputol ng mlalaking kahoy.

10. Pala Ginagamit sa paglilipat ng lupa

11. Regadera Ginagamit na pandilig sa mga
halaman.

12. Timba Panghakot ng tubig na pandilig.

13. Kartilya Lalagyan at panghakot ng lupa at
kagamitan.

14. Kahong Kahoy Lalagyan at panghakot ng
lupa.

15. Dulos Pantanggal ng damo sa halamanan
at pampaluwag sa lupa.

Ibang Kagamitan sa Paghahalaman

You might also like