You are on page 1of 11

Mga Kagamitan

sa
Paghahalaman
1. Pala ito ay ginagamit sa paghuhukay
at pag-aayos ng lupa sa kamang taniman.
Ginagamit din sa paghahalo ng lupa, dumi
ng hayop at patabang organiko.
2. Kalaykay ginagamit itong pagpatag
ng lupa at pag-alis ng mga malalaki at
matitigas na tipak na lupa o bato sa
lupang taniman.
3. Palang tinidor ito ang kasangkapang
ginagamit sa paghuhukay at pagdurog ng
malalking tipak na lupa.
4. Piko mainam din itong gamitin sa
pagdurog ng matitigas at malalaking tipak
ng lupa at sa paghuhukay ng mga ugat at
batong malalaki.
5. Regadera ito ang kasangkapang
angkop gamitin sa pagdidilig ng mga
panamin.
6. Kartilya ito ay ginagamit sa
paghahakot at paglilipat ng lupa sa ibang
lugar.
7. Dulos mahusay itong gamitin sa
pagbubungkal ng lupa sa paligid ng
halaman at sa maglilipat ng mga punla.
8. Tulos at pisi ang mga ito ay
ginagamit na gabay sa paggawa ng mga
hanay sa kamang taniman.
9. Asarol ito ay ginagamit din sa
paghuhukay at pagdudurog ng matigas na
lupa.
10. Pruning Scissors Pamutol ng mga
sanga ng halaman.

You might also like