You are on page 1of 9

MGA KAGAMITAN SA

PAGHAHALAMAN
1. PALA – Ito ay ginagamit sa
paghuhukay at pag-aayos ng lupa
sa kamang taniman. Ginagamit din
ito sa paghahalo ng lupa, dumi ng
hayop, at patabang organiko.
2. KALAYKAY – Ginagamit itong
pangpatag ng lupa at pang-alis ng
mgamalalaki at matitigas na tipak
ng lupa o bato sa lupang taniman.
Ginagamit din sa pagtitipon ng
mgakalat o dumi sa halamanan.
3. PALANG-TINIDOR– ito ay
kasangkapang ginagamit sa
paghuhukay at pagdurog ng
malalaking tipak na lupa.
4. PIKO – ginagamit din
itosapagdurognglupa at
paghuhukayngmgaugat at
batongmalalaki.
5. REGADERA – ito ang
kasangkapang angkop gamitin sa
pagdidilig ng mga pananim.
6. KARTILYA – ginagamit sa
paghahakot at paglilipat ng lupa sa
ibang lugar.

7. DULOS – mahusay itong


gamitin sa pagbubungkal ng lupa
sa paligidnghalaman at paglilipat
ng punla.

8. TULOS AT PISI– ito ay


ginagamit na gabay sa paggawa ng
mga hanay sa kamang taniman.
9. ASAROL – ginagamit sa
paghuhukay at pagdudurog ng
matigas na lupa.
10. PRUNING SCISSORS–
pamutol ng mga sanga ng halaman.

You might also like