You are on page 1of 2

Reviewer in TEPP

Kabutihan at Kahalagahang naidudulot ng pagtanim ng halamang ornamental:

1. Nagiging dahilan para magkaroon ng isang kapaki-pakinabang na libangan.


2. Nagbibigay ng magaganda, makukulay at mababangong bulaklak.
3. Nagbibigay ng dagdag na kita sa pamilya na maaaring ipagbili sa pamilihan.
4. Maaari ring mapagkunan ng gamut para sa iba’t ibang sakit.
5. Makakatulong sa pagpigil ng pagguho ng lupa.
6. Upang mahubog ang magandang pag-uugali ang mga bata ngayon at mailayo sa
masasamang bisyo.
7. Nakakatulong upang gawing pangbakod (fence) sa hardin.

Iba’t ibang Uri ng Halamang Ornamental

1. Halamang Gumagapang o baging (Vine Plants)


Halimbawa: bougainvillea at alugbati
2. Halamang Palumpong (Shrub Plants)
Halimbawa: sampaguita, gumamela, at santan
3. Halamang gamut (Herbal o Medicinal Plants)
Halimbawa: Oregano at Parsley
4. Halamang nakabitin (Aerial Plants)
Halimbawa:
5. Damo (Grass)
Halimbawa: Bermuda grass
6. Punong Kahoy (Tree)
Halimbawa: Narra at akasya

Mga Kagamitan at kasangkapan sa Paghahalaman

1. Pala (shovel)
2. Kalaykay (rake)
3. Dulos (Trowel)
4. Asarol (Hoe)
5. Itak (axe)
6. Palang Tinidor (Spading Fork)
7. Regadera (Watering Can)
8. Kartilya (Wheel Barrow)
9. Piko (Pick-Mattock)
10. Lilik ( Grass Hook/Sickle)

Kahalaghan ng Pag-aalaga ng mga Hayop

1. Nakakatulong upang madagdagan ang kita ng maraming tao dahil ginagawa itong
hanap buhay.
2. Nagbibigay ang mga hayop ng pagkain tulad ng gats mula sa baka at karne mula sa
baboy.
3. Nagagamit din ang balat ng ibang hayop tulad ng ahas at tupa upang gawing
produkto tulad ng bag, sinturon at sapatos.
Sample questions:

_____ 1. Ito ay ginagamit sa panghakot ng mga lupa, mga pataba at maging kagamitan
sa pagtatanim?

a. pala b. kalaykay c. piko d. palang tinidor

_____ 2. Ginagamit ito na pandilig sa mga halaman

a. dulos b. kalaykay c. Regadera d. palang tinidor

_____ 3. Ito ay ginagamit ito napampantay at pampatag ngmga lupang taniman.

a. palang tinidor b. dulos c. piko d. kalaykay

_____ 4. Ginagamit ito na pambasag ng matitigas na lupa ang mutulis na bahagi nito.

a. pala b. regadera c. piko d. dulos

_____ 5. Ginagamit na paglilipat ng punla at maliliit na halaman.

a. regadera b. kalaykay c. pala d. dulos

Isulat sa patlang ang T kung tama ang isinasaad na pangungusap at M kung mali.

_____ 1. Ang mga sirang kasangkapan ay maaari nang itapon.

_____ 2. Ang kalaykay ay maaaring ipansalok ng mga tuyong dahon.

_____ 3. Iniaangkop ang mga gawain sa mga kagamitan sa paghahalaman.

_____ 4. Gumagamit ng sa pagdidilig ng halaman,

_____ 5. Maaaring gumamit ng lumang kutsara para ipalit sa dulos na pangbungkal sa


paligid ng lupang taniman.

You might also like