You are on page 1of 1

Pokus ng Pandiwa

1.) Tagaganap o aktor - ang pandiwa ay nasa pokus sa tagaganap kapag ang paksa
ng pangungusap ang tagaganap ng kilos na isinasaad sa pandiwa.
Halimbawa:
Nanguna si Richard Gordon sa pagsulong ng turismo ng bansa.

2.) Layon o Gol - kapag ang tuwirang layon o ang gol ang siyang pokus ng
pangungusap.
Halimbawa:
Ginawa niya ang programang ito para sa ikauunlad ng ating turismo.

3.) Ganapan o Lokatib - ang pandiwa ay nasa pokus sa ganapan kung ang paksa ay
ang lugar o ganapan ng kilos.
Halimbawa:
Pinagdarausan ng buwang-buwang eksibit ang Intramuros, Manila.

4.) Tagatanggap o Benepaktib - kapag ang pinaglalaanan o di-tuwirang layon ang
nagiging simuno o pokus.
Halimbawa:
Ipinaghanda niya ng masarap na kakanin ang mga panauhin.

5.) Gamit o Instrumental - ito ay tumutukoy sa kasangkapan o bagay na nakikinabang
sa resulta ng kilos o pandiwa na siyang paksa ng pangungusap.
Halimbawa:
Ipinamili niya ang pera para sa eksibit.

6.) Sanhi o Kawsatib - ang pandiwa ay nakapokus sa sanhi kung ang paksa ay
nagpapahayag ng dahilan o sanhi ng kilos.
Halimbawa:
Ikinatuwa ng Pangulo ang katagumpayan ng programang WOW.

7.) Direksyunal - pinagtutuunan ng pandiwa ang direksyon o tinutungo ng kilos.
Halimbawa:
Pasyalan natin ang WOW sa Intramuros.

You might also like