You are on page 1of 5

Book Report

Sa

Filipino
Isinumite ni:
Pangalan: Anthonette C. Macabuhay
Baitang at Pangkat: VI -16

Isinumite Kay:
Gng.. Minierva V. Taladhay

Pamagat:

Walang Panginoon

May-Akda: Deogracias A. Rosario


Tagpuan: Lupang Sakahan ng pamilya ni Marcos
Tauhan:
Marcos- binatang magsasaka na namatayan ng ama, tiyuhin, at kasintahan ; masama ang loob
kay Don Teong.
Ina ni Marcos- ang kaisa-isang natirang kasama ni Marcos at dahilan kung bakit nagtitiis siya
para lumigaya ang ina.
Don Teong-ang sakim na kumakamkam sa lupain nina Marcos at siya ring ama ni Anita.
Anita- siyang iniibig na kasintahan ni Marcos na namatay dahil sa kanyang ama.
Buod:
Nang makita ni Marcos sa kanilang lumang orasan na ang gabiy nasa dakong alas otso na,
hindi niya malaman kung saan siya magtutungo. Isiniksik niya ang kanyang ulo kahi't saan.
Saka ang dalawa niyang hintuturo ay ipinapasak sa mga butas ng kanyang tainga. Ayaw
niyang marinig ang animas. Ayaw niyang mapakinggan ang malungkot na palo ng bakal sa
malaking kampanang tanso sa kampanaryo ng simbahan sa kanilang bayan. Ngunit anuman
ang kanyang gawin, kahi't saan siya magtago, dinig na dinig niya pa rin ang tunog ng
batingaw.Itinanong ng kaniyang ina ang dahilan ng kaniyang iniaasal,ang kaniyang
pagkamuhi at pagkatakot sa tunog ng kampana.Hindi sumagot si Marcos ngunit sa kaniyang
sariliy alam niya ang sagot.Dahil ito kay Anita,ang kaniyang pinakamamahal na si Anita.
Lahat ng kaniyang pagsisikap ay para kay Anita.Ang kaniyang pag-iimpok,at
pagpupunyaging makapagbasa at makapagsulat.Ngunit sa kasamaang palad,itoy namatay
lamang.Ramdam ng ina ni Marcos ang kirot na kinikimkim ng anak sa dibdib. Inengganyo ng
ina si Marcos na tumungo sa kubo nina Bastian.Sinusubukan nitong bigyan ng kaligayahan
ang anak.Ngunit ayaw ni Marcos tumungo roon.Itinanong ni Marcos sa kanyang ina kung
matalim ang kaniyang itak.Nagulat ang ina at saka kumapit sa leeg ng anak.Sila na lamang na
dalawa ang magkasamat hindi na dapat pa ituloy ni Marcos ang binabalak.Dati,ang
ibinabayad lamang nina Marcos ay kakaunting salapi.Ngunit habang nagtatagal,unti-unti na
silang nababaon sa utang.
Isang araw,napansin ng ina na ang kalabaw ni Marcos ay wala sa bakuran.Tila may
balak si Marcos.Gamit ang latigo ay pinaulanan nito ng palo ang sariling kalabaw.Dinig ang
ungol nito sa buong bayan.Ang mata nitoy tila nag aapoy sa galit. Isang hapon,nalaman na
lamang sa bayan na si Don Teong ay namatay sa pagsuwag na kalabaw.Sinabi ng mga
nakakita na tila may sinisimpang galit ang kalabaw at biglang sinibad ng hayop ang
matanda.Wasak ang kalamnan nitot tumilapon saka sinalo sa kabilang sungay.Ang kalabaw
ay kay Marcos.Ngunit ang ipinagtataka ng lahat,ay kung paanong ang galit ni Marcos ay
nailipat sa kalabaw nito.
Si Marcos nang gabing iyon ay nakatingin sa orasan.Tila inaantay pa ang dati-ratiy
kinamumuhiang tunog.Tumunog ang kampanaryo.Naisip niya ang kaniyang kalabaw at
ibinulong ang mga katagang,Mapalad na hayop na walang panginoon
Aral:
Bigyan ng hustisya ang mahihirap na tao sa lipunan bigyan sila ng karapatan.Huwag gamitin
ang kapangyarihan upang tapakan ang maliliit at mahihirap na tao.
Huwag tayong tutulad kay Don Teong,na ubod ng sakim at nais kumamkam ng hindi
kanya.Maging kuntento sa kung ano ang iyo dahil darating ang panahon na maghihiganti ang
mga inaapi.

Pamagat:

Sa Pula,Sa Puti

May-Akda: Fransisco Soc Rodrigo


Tagpuan: Tahanan nina Kulas at Seling sa may sabungan
Tauhan: Kulas,Seling,Sioning,Castor,Teban
Buod
Ang mag-asawang sina Celing at Kulas ay nag-uusap isang araw.Nagpahiwatig si
Celing na siya ay nagseselos sa tinali ni Kulas sa dahilang pagkagising pa lamang ni Kulas ay
ito na ang kanyang inaasikaso.
Humantong ang usapan sa diskusyon ng mag-asawa tungkol sa pagsusultada ni Kulas
gayong ilang beses na itong dehado.Ngunit sa huli,napilit din ni Kulas si Celing na payagan
syang magsultada.Nakasalubong ni Kulas si Sioning,kumare ni Celing habang papasok ito sa
kanilang tahanan.
Ikinagulat ni Sioning ang sumunod na pangyayari.Inutusan ni Celing si Teban na
pumusta doon sa sabungan.Ipinaliwanag ni Celing sa kanyang kumara na tuwing
magsusultada si Kulas ay pinapupusta nya rin si Teban ngunit sa kalaban ito pumupusta.Sa
ganitong paraan,hindi sila mauubusan ng pera matalo man si Kulas.Dumating naman si Teban
at ibinalitang nanalo sila.
Mabilis na pinapunta ni Celing si Teban sa kusina para hindi sila mahalata ng
asawa.Pagkarating ni Kulas ay ipinangako nyang hindi na sya magsasabong
kailanman.Pagkaalis ng magkumare,dumating naman si Castor at may itinuro ito kay Kulas na
makakapagpapanalo umano dito.Dahil gusto namang mabawi ni Kulas ang mga natalo niyang
pusta,sumunod ito kay Castor at tinusok ang paa ng manok.
Pagkadating ni Celing ay humingi si Kulas ng dalawampung piso na itataya
niya.Binigyan naman ito ni Celing ngunit kapag siyay natalo pa,papatayin na ang lahat na
kanyang tinali.Agad na pinapunta uli ni Celing si Teban sa sabungan.
Paghupa ng sigawan sa kalapit na sabungan,walang siglang ibinalita ni Teban na sila
ay natalo.Hindi nagtagal at dumating na rin si Kulas na nagsabi ring natalo siya.Ang
ipinagtaka ni Celing ay kung bakit talo rin si Kulas samantalang ang sabi ni Teban ay natalo
sila sa pagtaya sa kalaban.Pinagbintangan pa ni Celing si Teban na kumupit ng perang
ibinigay niya para ipusta.
Naliwanagan lamang ang lahat nang umamin si Kulas na tumaya siya sa kalaban tulad
ng sabi ni Castor dahil ang sabi nito,tiyak na matatalo ang kanyang manok.Taliwas sa sabi ni
Castor,tumakbo agad ang kalaban kaya nanalo ang manok ni Kulas.Pinaanyayahan ni Celing
ang kanyang mga kaibigan sapagkat siyay maghahanda.Ihahanda niya ang anim pang tinali
ni Kulas.
Aral:
Ang pagsusugal ay walang kasiguraduhan at sa huliy pagsisisihan mo lamang. Makabubuti
kung itoy iiwasan.

Pamagat:

Ang Kalupi

May akda: Benjamin Pascual


MGA TAUHAN O KARAKTER SA AKDAAling marta- isang ginang na bumibili ng ulam sa palengke para sa kanyang pamilya.
Batang lalaki- Isang batang musmos na pinagkamalan ni aling marta na kumuha ng kanyang
pitaka.
Anak ni Aling Marta- Nagsabi kay aling marta kung nasaan ang kanyang pitaka.
Mga pulis- Nagdala sa kanila sa prisinto.
TAGPUAN O PANAHON- Sa palengke , sa prisinto at sa bahay.
BUOD:
Isang maaliwalas na araw ay naisipan ni aling marta na bumili ng ulam upang may
makain sila ng kanyang pamilya.Habang pumipili siya ng bilihin ay may nakabunggo siyang
batang lalaki. Mag-ingat ka naman sa dinadaanan mo ang sabi ni aling marta. pasensya na
po sabi ng bata. At pagkatapus nun ay pumunta na siya sa kanyang bilihan. Bumili siya ng
tuyong paninda at mantika ngunit nung kukunin nya na ang pitaka,wala na ito.nawawala ang
aking kalupi aniya. Bigla niya naalala ang bata at hinanap niya ito. Sa labas, sa harap ng
palengke na kinaroroonan ng ilang tindahang maliliit. Nakatayo ito sa harap ng isang bilao ng
kangkong at sa malas niya ay tumatawad. Maliksi siyang lumapit at binatak ang kanyang liig.
"Nakita ring kita!" ang sabi niyang humihingal. "Ikaw ang dumukot ng piataka ko, ano?
Huwag kang magkakaila!" "Ano hong pitaka?" ang sabi, "Wala ho akong knukuha sa inyong
pitaka"
May luha nang nakapamintana sa kanyang mga mata at ang uhog at laway ay sabay na
umaagos sa kanyang liig. Buhat sa likuran ng mga manonood ay lumapit ang isang pulis, na
tanod.
"Iho ano ang pangalan mo?" ang tanong niya sa bata.
"Andres Reyes po."
"Saan ka nakatira?" ang muling tanong ng pulis.
Sa bahay ng Tiyang Ines ko sa Blumentritt, kapatid ng nanay ko rito sa Tundo. Inuutusan lang
ho niya "kong bumili ng ulam, para mamayang tanghali."
Naalala ni Aling Marta ang kanyang dalagang magtatapos, ang kanyang asawa na kaipala ay
naiinip na sa pag hihintay.
"Tinamaan ka ng lintik na bata ka!" Sabi niyang pinanginginigan ng laman. Angbisig nito ay
halos napaabot ni Aling Marta sa kanyang balikat sa likod.
"Napahiyaw ang bata sa sakit."
Halos mabali ang kanyang siko at ang nais lamang niya ay makaalpas sa matigas na bisig ni
Aling Marta. Siya ay humanap ng malulusutan at nang makakita ay walang habas na tumakbo,
patungo sa ibayo ng maluwag na daan.
Bahagya nang umabot sa kanyang pandinig ang malakas na busina ng isang humahagibis na
sasakyan. Sa isang sandali ay nagdilim sa kanya ang buong paligid. Wala siyang makita kundi
ang madidilim na anino ng mga mukang nakatunghay sa kanyang lupaypay at duguang
katawan. Hindi siya makapag- angat ng paningin.
Pagdating ng pulis, ayaw pa muling nag mulat ito ng paningin at ang mga mata ay ipinako sa
maputlang muka ni Aling Marta.

"Maski kapkapan nyo ako, e wala kayong makukuha sa akin." sabing pagatul-gatol na
nilalabasan ng dugo sa ilong." Hindi ko kinuha ang iyong pitaka!"
Ilang pang sandali pa ay lumangayngay ang ulo nito at ng pulsuhan ng isang naroon ay
marahan itong napailing. "Patay na" Naisaloob ni Aling Marta sa kanyang Sarili." "Patay na ang
dumukot ng kuwarta ninyo, " Matabang na nagsabi ang pulis sa kanya.
"Makaka alis na po ako?" Tanong ni Aling Marta. "Maari na" sabi ng Pulis.
Naalala nya ang kanyang anak na ga-graduate, ang ulam na dapat na naiuwi nya sanay naiuwi na.
Tanghali na sya ay umuhi. Sang ka kumuha ng pinamili mo nyan, Nanay?
E. . . e, Hindi magkantuntong sagot ni Aling Marta. Nag ka tinginan ang mag-ama.
"Ngunit Marta" ang sabi ng kanyang asawa
"Ang pitaka mo, E naiwan mo" Kanina bago ka umalis ay kinuha ko iyon sa Bestido mo at
kumuha ako ng pambili ng Tabacco. Pero nakalimutan kong isauli. Saan ka kumuha ng
ipangbili mo nyan?"
Biglang-bigla anki'y kidlat na gumuhit sa karimlan, Nag balik sa gunita ni Aling Marta ang
isang batang payat, "Duguan ang katawan at natatakpan ng dyaryo. Umikot ang kanyang
paligid. At tuluyang nawalan ng malay."
Lumalabong salitang: Bakit Kaya? Bakit Kaya?
Aral:
Sinasabi nito na hindi natin maaring husgahan ang ibang tao sa panglabas na anyo at sa ating
mga pananaw na hindi naman makatao lalo na kung ang kabuuan ng isa ang pag-uusapan.
Maraming napapahamak sa maling akala at marami rin ang napapahamak sa ating mga
maling akala.

You might also like