You are on page 1of 9

PAGBABALIK-TANAW SA MGA PANANALIKSIK SA

PROSESO NG PAGBASA

BOTTOM-UP NA PAGDULOG

Ang pagdulog na ito ay ang tradisyunal na pagtingin sa pagbasa.


Ito ay bunga ng impluwensya ng Teoryang Behaviorism na binibigyang pokus ang
kapaligiran sa paglinang ng pag-unawa sa binabasa.
Inilarawan ng teorya na ito na ang pagbasa ay nasisimula sa mga input na grapiko o
istimulus.ang isang tao na umaayon sa pananaw ng bottom-up ay naniniwala na ang
pagbasa ay ang pagkilala ng mga salita at ang teksto ang pinakamahalagang salik sa
pagbasa.
Itinuturing na pasibong partisipant ang tagabasa,
Ang pagpapakahulugan sa binasa ay nasa huling yugto.
Tinawag ni Smith na outside-in o data driven dahil ang impormasyon sa pag-unawa ay
galing sa teksto.

isipan ng tagabasa
teksto

TOP-DOWN NA PAGDULOG

Bunga ng impluwensya ng sikolohiyang Gestalt na naniniwalang ang pagbasa ay


prosesong holistic.
Ayon sa mga proponent ng teoryang ito, ang tagabasa ay isang napakaaktibong
partisipant sa proseso ng pagbasa.
Ang tagabasa ay taglay na dating kaalaman at may sariling kakayahan sa wika na
kanyang ginagamit habang nakikipagtalastasan siya sa awtor sa pamamagitan ng
tekso.
Ang pagbasa ay nagsisimula sa isipan ng tagabasa dahil ang dating kaalaman niya
ang magpapasimula ng pagkilala niya sa tesksto.
Ayon kanila Smith at Goodman (ang pinakamasugid na tagapagtaguyod ng teoryang
ito), aang mahusay na pagbabasa ay iyong pagpapakahulugan sa teksto na gumagamit
ng kaunting oras sa pamamagitan ng mga makabuluhang hudyat at mga impormasyon
na makatutulong sa pagbuo ng kahulugan ng teksto. Upang lubos na maunawaan ang

pananaw na ito, mahalagang alamin na ang nakalimbag na teksto ay nagtataglay ng


tatlong impormasyon:
Impormasyong Semantika pagpapakahulugan
Impormasyong Sintaktik istruktura ng wika
Impormasyong Grapo-phonic ugnayan ng mga letra at mga tunog
Tinatawag din itong inside-out o conceptually-driven sa dahilang ang kahulugan o
impormasyon ay nagsisimula sa mambabasa.
isipan ng tagabasa
teksto

INTERACTIVE NA PAGDULOG

Pinagsamang bottom-up at top-down.


Ang teoryang ito ay naniniwala na ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng
awtor at sa pag-unawa nito.
Binigyang diin ng teoryang ito na ang pag-unawa ay proseso, hindi produkto.
Dito pumapasok ang larangan ng metakognisyon. Ang metakognisyon ay ang kamalayan
at kabatiran sa taglay na kaalaman. Ito ay tumutukoy sa kamalayan sa mga proseso sa
pag-iisip habang gumagawa ng pagpapakahulugan.

teksto

isipan ng tagabasa

Sanggunian:

Bernales, R et al (2009). Akademikong Filipino Tungo sa Epektibong Komunikasyon. pp: 233-234. Mutya
Publishing House, Inc. Malabon City
Badayos, P. (1999). Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika Simulain at Istratehiya. Makati City: Grandwater
Publications and Research Corporation

iniulat ni: Harlene Mae Moral

Mga Bagong Literasi na Pagdulog sa Pagbasa

Ano nga ba ang Literasi?

Kakayahan ng isang tao na makapagbasa at makapagsulat.

Nangangailangan ito kakayahang palawakin ang pang-unawa at paggamit ng isang


sistema kaakibat ng kultura.

Ano naman ang pagbasa?

Ang pagbabasa ay isang proseso ng pagtanggap at pag-interpreta ng mga


impormasyong nakakoda sa anyo ng wika sa pamamagitan ng limbag na
midyum(Urquhart at Weir 1998)

1. Iskima

Isang konseptwal na sistema sa pag-unawa ng kaalaman- kung papaano ibinahagi ang


kaalaman at kung papaano ito gagamitin.

Malinaw na nagpapaapekto sa pag-alaala ng dating kaalaman.

Nakakaapekto din ito upang makakuha pa ng ibang kaalaman.

1. Nakabubuo siya ng ng mga palagay at hinuha at ito ay iniuugnay niya sa mga ideya na
inilahad ng awtor sa teksto.
2. Nagaganap ang interaksyon sa pagitan ng mambabasa at teksto.
3. Nagkakaroon ng epektibong pag-unawa sa teksto kapag ginagamit ng isang mambabasa
ang kaalaman niya sa istruktura ng wika at sa talasalitaan kasabay ang paggamit ng
dating kaalaamn at mga pananaw.
Iskimata

Binubuo ng lahat ng mga impormasyon at lahat ng mga karanasan ng mambabasa na


naka-imbak sa kanyang memorya.

2. Metacognition

Kamalayan ng isang tao sa pag-unawa ng isang kaalaman.

Kamalayan at kaalamang kontrolin ang mga kasanayan.

Metakognisyon na proseso:
i.
ii.
iii.

Pagpaplano
Pagmomonitor
Pageebalweyt

3. Scaffolding

Tagubilin na sumusuporta sa mga mag-aaral upang sila ay maging mas mahusay na


mambabasa at mag-aaral.

Isang pansamantalang istruktura na itinayo upang makatulong sa isang tao na


makumpleto ang isang gawain sa pagtatayo ng bahay o pagpipintura sa mataas na lugar.
Sanggunian:

http://www.scribd.com/doc/36733772/pagbasa

http://www.slideshare.net/AbbieLaudato/reading-models-and-schema-theory

http://en.wikipedia.org/wiki/Literacy

http://www.slideshare.net/malinaokim/pagbasa

Strategies to Enhance Literacy and Learning in Middle School Content Area Classrooms,
p.23-27
iniulat ni: Ricardo P. Barretto III

MGA YUGTO SA PAGBASA


Ang mga bata ay pumapasok sa paaralan dahil umaasa sila na maraming matutuhan ditto
lalo na sa PAGBASA AT PAGSULAT.
Anupa't bawat kilos,galaw,tunog na mararamdaman nila sa paligid ay magiging bahagi
ng kanilang proseso sa pagkatuto.
Ang mga kasanayan at istratehiya sa pagbasa at pagsulat ay hindi natatamo sa isang iglap
lamang.
Ang pagkatuto nito ay isang PROSESONG DEBELOPMENTAL.
Ang mga kasanayan at istratehiya sa pagbasa ay gradwal na nalilinang sa loob ng apat na
panahon o yugto sa pagbasa:
A. Kahandaan sa pagbasa
B. Panimulang pagbasa
C. Pagbasang debelopmental
D. Malawakang pagbasa

YUGTO NG KAHANDAAN SA PAGBASA


Ang kahandaan sa pagbasa ay isang yugto sa debelopment ng bata.
May mga bata na maagang nalilinang ang kahandaan sa pagbasa mula 4 na taon
hanggang 6 1/2 taon.
Sa yugtong ito, kakikitaan nang unti-unting pagbabago ang bata mula sa hindi pa
marunong bumasa hanggang sa makakilala at makabasa na siya ng mga nakalimbag na
teksto.
Ang kahandaan sa pagbasa ay depende rin sa kapaligirang nilakhan ng bata, sa
pagkakalantad niya sa iba-ibang babasahin at sa mayamang karanasan niya sa arawaraw.
Sa yugtong ito ng pag-aaral ng pagbasa, maaaring magpakita ang isang bata ng kahinaan
sa gawaing pagbasa dahil ang pagiging handa ay nababatay sa kalikasan ng mag-aaral.
MGA SALIK NA MAAARING MAKAIMPLUWENSYA SA KAHANDAAN NG BATA SA
PAGBABASA SA YUGTONG ITO.
1. Kagulangang Pisikal (Physical Maturity)
Ito ang kahustuhan ng isip at ang pangkalahatang kalusugan ng bata. Pagbibigay tuon sa
kahalagahan ng paningin, pandinig at pagsasalita.
2. Kagulangang Mental (Mental Maturity)
Ito ay mahalaga sa pagkilala ng mga salita at mga pagpapakahulugan sa bawat simbolo.
Kailangan din ang talas ng pananda o memori.
3. Kagulangang Sosyal at Emosyunal (Social and Emotional Maturity)
Higit na malilinang ang kahandaan sa pagbasa kung ang mga mag-aaral ay hindi
nagkakaroon ng mga suliranin.

4. Personalidad at Karanasan (Personality and Experience Factors)


Tulad ng kasabihang "ang karanasan ang pinakamagaling na tagapagturo", ang isang
batang maagang nalantad sa kanyang mga karanasan sa tahanan at paaralan ay lubhang
nakaaapekto sa kanyang pagkatuto.
5.Wika (Language Factor)
Ang sapat na talasalitaan ng isang bata ay nakatutulong ng malaki sa mabilis na
paglinang ng kahandaan sa pagbasa.
PALATANDAAN NG KAHANDAAN SA PAGBASA
1. Nakikita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng hugis, anyo, at laki
2. Nahahawakan nang wasto at maayos ang isang aklat.
3. Nakikita at napapansin nang mabilis ang pagkukulang ng bahagi ng isang bagay o larawan.
4. Napapangkat-pangkat ang magkakatulad. Naibubukod ang naiiba sa pangkat.

5. Nauulit ang buong pangungusap o pahayag na narinig.


6. Naihahagod ang paningin sa larawan o limbag nang may wastong galaw/hagod ng mata mula
sa kaliwa pakanan/itaas-pababa.
7. Naisasaayos sa wastong pagkakasunod-sunod ang tatlo hanggang apat na larawan.
8. Nakapagsasalaysay ng payak na kuwento o payak na pangyayari.
9. Nakapag-uugnay ng larawan ng bahagi ng kabuuan, o ng isang bagay sa pinaggagamitan.
MUNGKAHING ISTRATEHIYA UPANG MATULUNGAN ANG MGA BATA SA
PAGKAKAROON NG KAHANDAAN SA PAGBASA.
1. Maglaan sa klasrum ng mga gawaing magbibigay ng pagkakataon sa mga bata para
makapagtamo ng mayaman at kawiliwiling mga karanasan.
2. Linangin ang matalas na paningin at pakikinig.
3. Linangin ang kasanayang pangwika.
4. Linangin ang mga kasanayang sosyal at emosyunal.
5. Linangin ang mga kakayahang motor o pagkilos.
YUGTO NG PANIMULANG PAGBASA(BEGINNING OR INITIAL READING)
Ito ang yugto kung saan nagsisimula ang bata sa pormal na pagbasa na kadalasay sa mga
aklat na pre-primer o primer.
Nagsisimula ang proseso sa pagkatuto ng pagkilala sa salita at mga simbolo, pag-alam sa
kahulugan ng salita o sa kahulugan ng parirala at pangungusap.
Nagaganap sa mga bata sa unang baitang edad 6 taon hanggang 7 taon.

MGA MAHALAGANG BAGAY NA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PANIMULANG


PAGBASA
1. Motibasyon
2. Paglinang ng mga kasanayan
3. Pag-alam sa mga Konbensyon ng mga nakalimbag na aklat o babasahin.
a) Kaalaman sa mga larawan
b) Kaalaman sa limbag
c) Kaalaman sa pahina ng aklat
d) Kaalaman sa kabuuan ng aklat
4. Mga kasanayan sa pagkilala ng salita(word recognition skills)
a) Kasanayan sa mga salitang pampaningin (sight word skills) mga kasanayan sa
pagkilala ng mga pamilyar na salita.
b) Kasanayan sa pag-alam ng mga salita (word attack skills) mga kasanayan sa
pagkilala ng mga hindi pamilyar na salita (hal. paggamit ng palatandaang
nagbibigay-kahulugan o context clues, picture clues at paggamit ng diksyunaryo)

YUGTO NG DEBELOPMENTAL NA PAGBASA


Nagpapatibay at nagpapalawak ng mga kanais-nais na mga kasanayan sa pagbasa at mga
pagpapahalagang natamo.
Pagdedebelop ng mga bagong kasanayan at pagpapahalaga na kakailanganin sa pagunawa at pagkalugod sa mga kompleks na nakasulat sa teksto.
Nalilinang ang kasanayan sa mabilis na pagbasa at pag-unawa sa binasa.
YUGTO NG MALAWAKANG PAGBASA
Panahon ng pagpapapino at pagpapaunlad ng mga kasanayan sa pagbasa.
Patuloy na nalilinang ang ibat-ibang kasanayan gaya ng komprehensyon, organisasyon,
bokabularyo, interpretasyon.

SANGGUNIAN:
Badayos, Paquito B. (1999) Metodolohiya sa Pagtuturo at Pagkatuto ng Wika: Mga Teorya ,
Simulain at Istratehiya. Makati City: Grandwater Publications and Research Corporation

Iniulat ni: Lim, Shaira Camille

TEORYANG ISKEMA at ISKEMATANG PANGNILALAMAN

TEORYANG ISKEMA

- Dating kaalaman
- Ang teksto ay walang kahulugang taglay sa kanyang sarili.Ito ay nagbibigay lamang ng
direksyon sa mambabasa.
- Dating kaalaman- Sanligang kaalaman ng mambabasa(background knowledge)
- Iskemata- Pangmaramihan na iskema
- Ang lahat ng ating natututuhan at nararanasan ay nakalagak sa isipan at maayos na nakalahad
ayon sa kategorya.
- Ang mga iskemang ito ay patuloy na nadaragdagan, nalilinang, napauunlad, at
nababago(Pearson at Spiro,1982)
- Ang mga iskema ay maaaring buuin ng ibat ibang balangkas ng kaalaman.

Ang teoryang iskema ay nahahati sa dalawa

1. Iskematang Pangnilalaman (Content Schema)


2. Iskematang Pormal (Formal Scheme)
Iskematang Pangnilalaman
-

Kaalaman ng mambabasa hinggil sa paksa at nilalaman ng teksto.

Hal.

Kung babasahin niya ang tekstong ang pamagat ay Tahanan, mayroon


na siyang background knowledge na ito ay maaaring tumutukoy sa isang
lugar na may pagmamahalan o kaya buhay ng isang pamilya.

Sanggunian:
Metodolohiya sa Pagtuturo at Pagkatuto ng/sa Filipino
Mga Teorya, Simulain at Istratehiya, Paquito B. Badayos Ph.D.
Iniulat ni: Ranny G. Fernandez

You might also like