Professional Documents
Culture Documents
Casts:
Alex Louwy Kadusale
Roxanne- Gloria Victoria Gianan
Nanay ni Alex- Jessa Amistoso
Kuya Mike- Joseph Arquiza
Lesther- Richard Enriquez
Daddy ni Roxanne- Alclem Curay
Mommy ni Roxanne- Mycah Delos Santos
Elisse Gianna Bautista
Shannon- Annaliza Dominice
Mrs. Rodriguez- Marynelle Sungahid
Ms. Clarisse- Justin Chua
Suitor- Kenneth Alalon
Tropa- Dave Moreno
Krystel Anflor Cano
Narrator: Ang buhay ay isang napakahabang paglalakbay. Dumaraan tayo sa napakaraming pagsubok at
suliranin na huhubog sa atin upang mas maging malakas at matatag. Gumagalaw tayo sa isang mundo kung
saan ang bawat isa ay may kwento. Mga kwentong maaaring hindi maiintindihan ng marami ngunit madaling
mauunawaan ng mga taong parehas ang pinagdaraanan.
Alex: Nasasakal na ko! Hindi ko magawa ang mga bagay na gusto ko. Pinapakilos ako sa pamamagitan ng mga
dikta ng aking mga magulang. Hindi na nga kami binigyan ng magandang buhay hindi ko pa maramdaman ang
tunay na pagmamahal na hinahanap ko sa kanila.
Roxanne: When I was young, I thought everything could be explain only by love, that all things can be spell
bound by love. I belong to a family that no one cares about me. How I act? How I speak? They all dont care
about my life. The only important thing for them is that I have finish my fine arts degree even if this is against
my will. Now I found out that the thing they called love in beautiful fairytale stories wherein the king and the
queen love their princess is just an illusion. Love is just a series of chemical reactions in the brain so everything
can be explain rationally.
Narrator: As you breathe today do you still remember what you have done yesterday? Do you still choose the
decision youve made? Or create a new world with your new personality? Would you still prefer to become
another person than yourself?
Two hearts with one desire: to fulfill their own dream.
Welcome to their world! Alex and Roxannes SWITCHED LIVES.
(Urduja theme song) (kakantahin ng mga bida)
Alex: ako si Alex.
Roxanne: and Im Jiezel Roxanne but I prefer to be called Roxanne.
Alex and Roxanne: at ito ang aming kwento
And this is our story.
SCENE 1: (bahay nila Alex)
Nanay: Alex! Gumising ka na! Tanghali na kaya hindi tayo binibiyayaan ng grasya eh, ang taas na ng araw
tulog ka pa rin. (pagalit)
Kuya Mike: hayaan mo na yan Nay. Batugan talaga yan. Wala na tayong mahihita dyan. Buti nga at sinuwerte
tayong nakagraduate pa yan ng high school eh. Naaawa siguro yung mga teacher niyan at pinasa.
Alex; (aantok-antok) Pasensya na Nay , tumulong pa kasi ako gawin yong Mural Project ng kapatid ni Billy,
pasahan na kasi. Binigyan nga ako ng P100 Nay eh. ( iaabot ang P100) Ay! Saglit Nay may maganda akong
balita.(tatakbo sa kwarto)
Kuya Mike: Ano na naman kaya yun? Baka Nay ayaw ng mag-aral kasi natatakot bumagsak. Napaka-Slow
talaga niyan.
(Bumalik si Alex, may dala-dalang sobre)
Alex: Nay! Pumasa po ako dun sa entrance exam ng gusto kong school tapos nakuha ko pa po yung gusto kong
kurso, Fine Arts Nay. Matagal ko na po talaga tong pangarap.(masaya)
Kuya Mike: Tapos pag graduate mo, ang magiging trabaho mo , pipinturahan mo yung pader sa kahabaan ng
EDSA (sarkastiko) Aba, Alex ang taas mo pala mangarap. (sarkastiko)
Alex: Hindi Kuya, pwede akong maging artist sa mga publications at animations company tapos pwede rin
akong maging sikat na pintor. Excited na ko kuya.
Nanay: Alex, wala kang mapapala sa kursong yan. Tingnan mo kami ng tatay mo, sinunod naming yang lintek
na pangarap na yan naming peron ano nagging ending naming ?! kulang na lang dumildil tayo ng asin sa
sobrang paghihikahos. Ang kunin mong kurso yung mag aahon sa atin sa hirap. Alam mo ba yung anak ni
Mareng Zeny, ang yaman na noon ngayon. Kita mob a dati mas mahirap pa sila sa atin pero ngayon donyang
donya na si Mare. Hindi na nga ako magawang lingunin eh parang may stiffneck.
Kuya Mike: Accountancy course nun Nay.
Nanay: Ayun ! Yun ang kunin mo ng makaluwag luwag naman tayo.
Alex: Pero Nay hindi naman ako magaling sa Math. Sumasakit ang ulo ko Nay kapag nakakakita ako ng ganun.
Kuya Mike: Lahat naman ng subjects sumasakit ang ulo mo. So, whats new ?
Nanay: Yun ang gusto kong kunin mo at wala ka ng magagawa. Swerte nga at pag aaralin pa kita eh. Kung
gusto mong kunin yang gusto mo, ngayon pa lang mag umpisa ka ng magbanat ng buto at ikaw ang
magsuntento ng pag aaral mo. Magpatulong ka sa kuya mo. Buti pa nga yang kuya mo eh hindi ako binibigyan
ng sakit ng ulo. Gayahin mo kaya yang kuya mo, simula nung nag aral yan lagi ko yang sinasabitan ng medalya.
Hayyysss. Kailan ka kaya matutulad sa kuya mo ?
Kuya Mike: Sige Nay. Tutal nursing naman an gang kinukuha ko at may alam ako sa mga gamot. Tutulungan ko
siya at baka makuha pa ng medications yang sakit ng utak niyan. Aalis na muna ako Nay (kukunin yung 100)
Akin na lang to Nay ah. Ingat.
Alex: Pero Nay (aalis yung nanay)
(darating si Billy)
Lesther: Bakit parang pang mahal na araw naman yang mukha mo pare ?
Alex: Wala to. Oh kumusta ka na ?
Lesther: Ayos lang naman ako. Bakit nga ganyan yang mukha mo ?
Alex: Si nanay kasi saka si kuya pinapakuha ako ng accountancy. Napakahirap kaya nun. Ngayon pa nga lang
kinakabahan na ako eh.
Lesther: Ano ? Eh di dapat siya na ang mag aral siya naman pala ang may gusto eh.
Alex: Para namang kaya ko yung sabihin kay Nanay kahit ganun yung mga yun mahal ko pa rin yun.
Lesther: What a coincidence bro ?! Pareho tayo ng kukunin na course. Magsabay na lang kaya tayo na magpa
enroll.
Mrs. Rodriguez: Good Morning class ! So this is our first day. And the first day of school is the most important
day of the year. Kung nandito kayo dahil trip niyo lang o gusto lang ng magulang niyo, mag isip isip muna
kayo. Hindi kayo matutulungan ng parents niyo kapag nahirapan kayo. Accountancy is not an easy program
kung kinuha niyo to dahil gusto niyong yumaman, well then mag isip isip kayo ten times or may be 100 times
kung kakayanin niyo ba. Understand ? I expect that atleast all of you have above average IQ dahil kung hindi
magiging kalbaryo ang pag aaral niyo. (seryoso)
Alex: Kinakabahan naman ako bro. Buti nandito ka para turuan ako.
Lesther: Oo naman bro. Tutal ito naman talaga ang gusto ko. Okay pa rin yan kasi magkasama naman tayo. Ano
ba naman kasi yang nanay mo, pinipilit yung gusto niya. Eh kung siya kaya ang mag aral baka firtst day pa lang
umayaw nay un.
Alex: Wala na talaga akong nagawa eh pinagtulungan na nila ako ni kuya.
Lesther: Sus! Yang kuya mo nakigatong pa, bida bida na naman. Akala mo kay galing galing
Alex: Hayaan na natin kasi ...(mahihinto)
Mrs. Rodriguez: Hey, two gentlemen. May discussion kami rito tapos kayo meron din dyan . Do you belong in
this class ?
Alex&Lesther: Yes Maam. Sorry Maam.
Mrs. Rodriguez: You ! (tinuturo si Alex)
Alex: Yes Maam ?
Mrs. Rodriguez: Dahil nagdadaldalan naman kayo diyan at hindi nakikinig I assume na alam mo na tong pinag
uusapan namin. As we are talking a while ago, assume that y= 24 solve the equation 4x-y=8
Alex: (nahihirapan) Maam, I dont know the answer.
Mrs. Rodriguez: What ?! This question is very easy. Honestly kahit first year high school student masasagot to.
Nag aaral ka ba ? Take your seat. Pay attention. Dont get me wrong na mahina talaga yang ulo mo ka. (galit)
Alex: Yes, Maam.
Mrs. Rodriguez: Well, you should. (galit)
(tapos na ang klase)
Classmates: (dadaan at magbubulungan) Sayang, maitsura pa naman mahina naman pala ang ulo.
Lesther: Hala ! Kung pwede lang patulan yung mga to. Bebengga na to sakin. Akala mo napakagagaling na
eh.
Alex: Hayaan mo na. Mukhang mahihirapan pala talaga ako noh.
Lesther: Hindi yan. Nandito ako para turuan ka. What friends are for diba? (hahawakan ang kamay ni Alex)
Alex: Baka two. (clueless)
Aba!
Alex: Hindi ko naman gusto to eh. Kahit sa hinagap hindi ko naisip na mapupunta ako sa kursong to. Pinilit
lang ako nila mama at kuya para raw makaahon kami sa hirap kahit papano. Kung ako siguro masusunod,
kukunin ko yung gusto kong kurso.
Roxanne: Ano bang gusto ?
Alex: Fine Arts.
Roxanne: (magugulat) Huh ? Emeged. What a coincidence. We are really the same.
Alex: Paano ?
Roxanne: My parents forced me to take fine arts as my program just to fit in their world because they are wellknown artists. What I really want is math-related course just like yours. Wala na akong pakialam sa pera gusto
ko lang masunod yung gusto. Aanhin ko naman ang pagiging mayaman naming kung hindi ko naman
maramdaman na mahal ako ng mga magulang ko. Ni wala nga silang paki alam sa nangyayari sa buhay ko. Ang
gusto lang nila maging kaytulad ako nila para may maipagyabang sila sa mga relatives at friends namin.
Alex: Ang galing naman pala. Parehong pareho tayo. Yung buhay ko buhay mo, tapos yung buhay mo,buhay ko.
Roxanne: Palit na nga lang tayo. (pabiro)
Alex: Sige ba. Hahahaha. Mauna na ako (aalis)
Narrator: Simula nung araw na iyon, nagbikis na ang buhay ng dalawang bida ngunit hindi nila alam ang mga
pangyayaring magpapabago sa tunay nilang pananaw sa pamilya at kalayaan. (naglalakad si Roxanne)
[COMMERCIAL 2]
Narrator: Hindi matatawaran ang mga pagsubok na dinanas ng bawat isa ngunit may mas malaki pang pagsubok
ang darating na tiyak ikagigimbal at ikagugulat ng bawat isa.
Scene 6 (sa school)
Suitor: Hi Miss! Sayo yata ito ?
Roxanne: Good morning towel? Ano tingin mo sakin driver ? Lumang style nayan. Stop following me. Please?
Youre giving me chills. (aalis)
Tropa: Mahirap daw lapitan yan bro. Mukhang kailangan ng effort. Ligawan mo kaya?
Suitor: Whats ligaw?
Tropa: Lugaw,lugaw kumuha ka ng bigas, pakuluan mo tapos lagyan mo ng pakpak ng manok. Siyempre
susuyuin mo tapos haranahin mo kaya? (pabalang)
Suitor: Whats harana?
Tropa: Pumunta kang bakery bumili ka. Ano ba yan? Babae yun. Ganun ang gusto nila.
Suitor: Whats babae?
Tropa: Bungol ? Pinipikon mo na ko ha. Napakarami mong tanong. Isa pa masasapak na kita.
Roxanne: Sana iba na lang ang naging pamilya ko. Hindi kayo. Kahit konting concern naman sa personal life ko
ipakita niyo. Pero hindi eh. Wala talaga. Nga nga tayo dito eh. (aalis si Roxanne)
Dad: Hey Roxanne ! Bumalik ka dito. Kinakausap ka pa naming.
Mom: Hayaan mo muna ang anak mo, kapag nag usap pa tayo ngayon magsasalubong ang galit natin sa isat
isa. Palamigin muna natin ang sitwasyon.
Dad: Pagsasabihan mo yang anak mo ha. Shes not respecting us already.
Scene 9 (lights off) (voice over) (magkausap sa phone)
Alex: Hello ? Roxanne ?
Roxanne: Bakit ?
Alex: Wala lang naghahanap lang ako ng makakausap, nagtalo kasi kami ni nanay eh. Nagiguilty ako kasi
nasagot ko sya.
Roxanne: Bakit ba kayo nagtalo ?
Alex: Sinabi ko kasi sa kanya na ayaw ko talaga yung kursong poinapakuha niya sa akin kaya ayun nagtalo
kami. Pati nga si itay nadamay sa away naming eh.
Roxanne: Emeged ! We are really the same. A while ago I and my parents had a conflict in the same issue as
yours. Kasi wala talaga silang concern sa akin. Sobrang luwag nila. Kaya nga minsan gumagawa na ako ng
kalokohan para lang mapansin nila eh pero ano wala talaga eh. Busy sila palagi. Hindi na nga nila ako
maasikaso.
Alex: Baligtad naman tayo, ako naman, sa buhay ko sila busy. Buhay ko talaga ang palaging topic nila. Wala
naman akong magawa eh. Magulang at kapatid ko pa rin yun. No choice talaga.
Roxanne: Si yaya na nga lang ang parang magulang ko ditto eh. Siya mas may concern pa sa akin. Hahahaha !
Magpalit na lang kaya tayo ng buhay, pwede kaya yun ?
Alex: Sige ba. Kung pwede lang eh. Kaso napaka imposible nun. Sa mga teleserye at pelikula lang natin yun
mapapanuod.
Roxanne: Bakit ka pala napatawag ?
Alex: Pwede ka ba ?
Roxanne: Emeged. Ligawan? Oo naman.
Alex: Hindi. May tree planting kasi kami sa org. naming ,aayain sana kita kung ayos lang. May gagawin ka ba
sa weekends? Maganda rin kasi yung makakatulong sa kalikasan. Sa Mt.Makiling tayo mag aactivity.
Roxanne: Mt. Makiling ? I read some stories regarding that place eh. Marami raw mysterious events and
happenings doon. Napakakakaiba raw kasi ng lugar nay un.
Alex: Hindi naman siguro. Marami naman tayong kasama eh. Saka lumang kwento na kasi yun eh.
Roxanne: Ah sige, ayos lang. Isasama ko na rin sila Elisse at Shannon para marami namang magawa. Saying
naman kung tetengga lang sila diba ?
Alex: Kasama ko rin yung besttfriend ko,si Lesther. Para makilala niyo naman siya .Salamat. Goodnight.
Hintayin na lang namin kayo sa school grounds sa Saturday.
Roxanne :Goodnight. (kinikilig deep inside)
Scene 10 (tapos na yung tree planting activity) (gabi na)
Roxanne: Nakakapagod pala talagang gawin yung mga bagay na ganito. This is my first time na sumali sa mga
ganitong activity. Saka para naman makaalis ako sa bahay naming. Wala rin naman akong gagawin dun. Wala
na naman kasi sila Mom at Dad. Pumunta na sila abroad para sa exhibit ng close friend nila.
Alex: Ako hindi naman.Nalulungkot rin ako kasi hindi man lang ako nakapag paaalm ng maayos kay nanay.
Galit pa kasi siya sa akin eh. Hindi ako pinapansin ilang araw na rin.Ayaw ko na talaga ng ganitong buhay.
Roxanne: Same here. Kung pwede lang magpalit ng pamilya ginawa ko na. Hayyy.
Alex: Pero kahit papaano masaya na rin ako kasi nakatulong ako kahit sa ganitong paraan. Ikaw, masaya ka ba?
Roxanne:Emeged ! Oo naman. Nandito ka eh! (My Love From The Star OST)
Alex: Huh?
Roxanne: Ah wala. Sabi ko nandito yung mga stars. Ang ganda talaga. It reminds me of how peaceful our world
is. Sana humaba pa yung gabi. Minsan lang kasi ako makakita ng ganito kagandang view.
Alex: (ngingiti) (may shooting star) Hala ! Tingnan mo oh, may shooting star. Tara, mag wish tayo.
(mag wiwish sila .Silently)
Alex & Roxanne: Pamilyang aking hinihiling,naway ibigay na sa akin (babagsak yung meteor malapit sa site
nila) (lights out)
[COMMERCIAL 3]
Narrator: Ang katawan koy napunta sayo at ang katawan moy napunta sa akin. Ang buhay koy sayo na at
ang buhay moy akin na. Mapanindigan ko kaya ito ?
Scene 11 (sa bundok)
Alex: Aray! Ang sakit ng ulo ko.What happened ba? Ano ba yun?
Roxanne: Ano nangyari? (magugulat)
Alex: Anong nangyayari? Bakit kaharap ko ang sarili ko? Am I dead?
Roxanne: (hahawakan ang mukha ni alex) Hala! Anong nangyayari? Sampalin mo nga ako. Baka nanaginip
lang ako. (sinampal ni Alex si Roxanne)
Roxanne: Hala! Anong nangyayari? Bakit ikaw nasa katawan ko tapos ako nasa katawan mo? Alex: Emeged !
Ano bang nangyayari ?
Alex: Emeged ! Stay away from me ! Bastos ka. Hindi kita type ha. Mom, theres a stranger in my room. Help!
Kuya Mike: Hoy! Batak ka noh. Nay si Alex, nagshashabu. Kung ano ano pinagsasabi. Bumangon ka na at sabi
mo last week chapter review and evaluation niyo ngayon sa trigonometry and advanced statistics na subject mo.
Goodluck na lang kung makapasa ka.
Alex: Ewan ko sayo. (galit)
(babangon si Alex at pupunta sa hapag-kainan)
Alex: What is that ? Ulam ba yan ? Wala na bang iba ?
Nanay: Bakit anak first time mo lang bang makakita ng tuyo? Anong kaartehan ba yan? Simula nung pag-uwi
mo galing sa activity ng org niyo, para ka ng ibang tao. Alam ko mapuno doon sa Mt. Makiling pero umamin ka
nasaniban ka ba?
Kuya Mike: Hahaha! Engot na nga, sinapian pa. Kawawa ka naman.
Alex: Excuse me. Hindi ako sinapian dahil lahat ng masamang espiritu nanawa na sa katawan mo. Pinamahayan
ka na nga diba? (sarcastic)
Kuya Mike: (nagalit) Aba! Bastos tong anak mo Nay ah.
Alex: Sige sapakin mo ko. Bakla ka. Pumapatol ka sa mga babae.
Kuya Mike: Hala ! Late bloomer pala to. Kung kelan tumanda saka nagladlad. Yaiks. Bakla.
Scene 13 (sa bahay nila Roxanne)
Roxanne: Ano ba tong nangyari sa katawan ko? (kakapain ang dibdib nya) Ano ba naman to? Buti magkikita
na kami ni Roxanne ngayon at malalaman ko na kung ano talaga ang nangyari.
(papasok nang school; magpapaalam sa parents)
Roxanne: Aalis na po ako. Ingat po kayo ditto.
(yayakap sa parents)
Mom: Anong nangyari sa anak mo? Bakit parang ang galang-galang naman at ang bait-bait nun?
Dad: Malay ko rin ba dun. Naging kakaiba na nga siya mula nung nanggaling siya sa tree planting activity. Sabi
ni Aling Mildred malaki raw ang ipinagbago ng ugali niyan. Madalang na lang raw magsalita at sumigaw.Hindi
na siya sumisinghal sa mga maids tapos madalas ko na rin siyang makita na gumagawa ng mga paintings at
napakagaganda nun ah. Mas okay na rin siguro yung ganyan siya.
Mom: Ano nga kayang nangyari? Pero mas gusto ko yung dating siya. Mas palagay pa ang loob ko na masungit
at madalas galit ang anak mo na yan. Tingin mo?
Dad: (hindi kikibo)
SCENE 14 (magkikita si Alex at Roxanne) (hahatakin ni Alex si Roxanne)
Alex: Hoy! Anong ginawa mo at nagkaganito tayo? Pinlano mo siguro to.
Roxanne: Hindi ah! Wala talaga kong alam. Hindi naman ako marunong sa mga magic magic na yan.
Alex: Dont act like an innocent man. I thought youre different from the other guys that I knew. Hindi pala
Roxanne: Hala! Hindi ako ganun.
Alex: Siguro, kung ano anong kabalbalan na ang pinaggagawa mo sa katawan ko? (paiyak) Bastos ka!
Roxanne: Wala akong ginagawa. Ang mahalaga ngayon ay wag malaman ng iba ang nangyari sa atin saka kung
bakit tayo nagkaganito.
Alex: Oo nga. Sa tingin ko yung shooting star to eh. Remember, we both wish sa star na yun. Ano bang
hiniling mo? Emeged ! Baka one factor rin yung nas Mt. Makiling tayo. Diba sabi ko sayo na napaka
mysterious nga ng bundok na yun. Emeged baka naengkanto tayo. Teka ano nga pala yung hiniling mo ?
Roxanne: Na sana napunta na lang ako sa pamilyang tatanggapin ang gusto ko at hilig ko. Ikaw ?
Alex: Were the same. Thats also my wish. I thought it was just a superstition to wish upon a star. But definitely
Im wrong. So, what is the solution to our problem?
Roxanne: Hindi ko alam eh. Mag-abang kaya tayo uli ng shooting star tapos magwish tayo na bumalik na tayo
sa dati.
Alex: That would be a bad idea. Puputi lang ang mata natin, hindi naman natin alam kung may babagsak ba.
Hello? Malay mo nung nakapikit tayo saka bumagsak. Eh di balewala. The best idea is to find out a concrete
and rational explanation for this.
Roxanne: Saglit ngayon yung chapter evaluation namin sa Trigonometry and Advanced Statistics. Nag-aral ka
ba? Naku baka bumagsak na talaga ko.
Alex: That would be easy. Trigonometry and Statistics ? Kahit nakapikit kaya ko yan.
Roxanne: Sigurado ka?
Alex: Oo naman basta gagalingan mo rin sa mga arts subjects ko. Yun ang kapalit ng paghihirap ko. Habang
wala pa tayong nahahanap na paraan, magtitiis muna ako sa katawan na to at ikaw, ingatan mo yang katawan
ko. Please take care my sexy and beautiful body.
Roxanne: Oo, sige. Pumunta ka na sa room namin. Magpalitan na lang tayo ng schedule para mas madali.
Alex: Deal! (shakehands)
x +6 x +12 x-3, We can now have the remainder 39. Thus, [f/n]
Roxanne: Iyan po yung tinatawag na Pieta na ginawa ni Michael Angelo noong 1500. Alam ko po na nasa
St.Peters Basilica sa Vatican City po yan nakalagay. Pinapakita po diyan ang wagas na pag-ibig ng ina sa
kanyang anak kahit na ano pa ang mga kakulangan ng anak sa kanyang magulang.
Ms. Clarisse: Very good. Nagkakaroon ka na ata ngayon ng taste sa real art. Youre improving. Sana hindi
ningas kugon yan ah. Keep on practicing and Im sure you can have a good future in this field.
Roxanne: Yes, Maam. Makakasa po kayo.
Scene 18 (natapos ang klase at nakasalubong ni Roxanne ang group nila Krystel)
Krystel: Ito pala yung babaeng nagpapakulo sa dugo ko. Nagkita na naman tayong dalawa. What a coincidence
talaga. Ano matapang ka ?
Roxanne: Pwede peace peace na lang tayo? Kung ano man yung nagawa ko dati pwede balewalain na natin
yun? Ayaw ko na kasi ng gulo eh. Kalimutan na natin yun. Sana nga maging magkakaibigan na lang tayo. Sige
ingat na lang kayo. Mauuna na ko ha.
Krystel: Anong nangyari dun? Bakit parang ang bait bait naman nun. Nung nakaraan lang napakatapang niyan
ah. Hayyy. Tao talaga.
(may tatawag sa cellphone ni Krystel)
Krystel: Una na kayo girls, sasagutin ko lang tong tatawag.
Mga kaibigan: Sige, kita na lang tayo sa cafeteria.
Krystel: Hello lola. Ayos lang po ako dito. Nag-aaral naman po ako ng mabuti. Pangako po na hindi sayang ang
pagtatrabaho niyo para sa akin. Kahit wala na po sila Mama at Papa, alam ko po na mahal na mahal niyo ko.
Kapag nakapagtrabaho na po ako, makakapagpahinga na po kayo. Hindi po ako nagpapaapi sa mga mayayaman
dito sa school. Ingat po kayo dyan ah. I love you po. Tandaan niyo po na mahal na mahal ko kayo.
Narrator: Ngunit dumating ang mga araw na ang pinangarap nilang buhay ay hindi rin nila nagugustuhan. Ang
kapalit ng kanilang mga pangarap at kagustuhan ay ang kanilang mga pinakamamahal na pamilya. Kahit na
hindi sila larawan ng perpektong pamilya, nauunawaan na rin nila ang tunay na kahulugan ng pagmamahal at
pangarap ngunit wari huli na ang lahat para magsisisi pa sila.
[COMMERCIAL 4]
Narrator: Ang kalayaan ay may kaakibat na responsibilidad. Ang bawat desisyon ay may kapalit na mga bagay.
At ang bawat kahilingan ay dapat pag isipan dahil maaring ito ay iyong pagsisihan.
Kuya Mike: Ang laki talaga ng pinagbago ni Alex nay. Parang tumalino bigla pero parang umarte Nay. Ang layo
na ng ugali niya sa dati. Mas gusto ko pa yung dating ugali niya kasi naasar ko pa siya pero ngayon nilalabanan
na ako.
Nanay: Ako nga rin nagtataka eh. Parang lumambot na rin kumilos yang kapatid mo. Sa tingin mo, bading ba
yang kapatid mo ?
Kuya Mike: May chance. Baka nay. Hahahaha.
(dadating si Alex)
Alex: Is this the paper work that I told you to bring ?
Kuya Mike: Wag mo nga kaming englishin ni Nanay. Ang arte mo na ah.
Nanay: Oo anak ito yun.
Alex: Okay. Thanks. Bye.
(biglang papasok si Roxanne )
Roxanne: Nay ! (naiiyak) Namimiss ko na po kayo. (yayakapin)
Nanay: Teka, nagkakamali ka yata. Hindi ako ang nanay mo. Dalawa lang ang anak ko. Saglit lang ne ah
nagkakamali ka talaga eh.
Kuya Mike: Miss, pasesnya ka na ha. Ako saka si Alex yung anak ng babaeng yakap mo ngayon.
Nanay: Teka bitiwan mo muna ako ha.
(iiyak si Roxanne)
Roxanne: Nay ako to. Si Alex. Miss na miss ko na kayo.
(biglang darating si Alex)
Alex: Oi ! ano bang ginagawa mo ?
Roxanne: Ayaw ko na. Namimiss ko na sila nanay eh. Ayaw ko na ng ganito.
Alex: Tumayo ka nga diyan. Nakakahiya ka na.
Nanay: Anak, kilala mo ba yan ?
Alex: Ah opo nay. May problema lang po siya.
(aalis sila Alex at Roxanne)
Scene 20 (magkasama sila Alex at Roxanne)
Roxanne: Ayaw ko na ! ayaw ko ng ganitong buhay. Mas gusto ko pa yung buhay ko dati. Yung merong
nagtatanong sa akin kung nag aral na ba ako o kung anong oras ako uuwi! Mas gusto ko yung pamilya ko na
kinalakhan ko.
Alex: Emeged ! Me too. Ayaw ko na rin naman ng ganito. Pero anong gusto mo, lakarin ko ang bawat altar ng
simbahan makahiling lang. Mahiling ko lang na bumalik na tayo sa dati. Pero ano, wala talaga eh. Hindi ko
alam kung ano ang mangyayari.
Roxanne: Ayaw ko na talaga ng ganito. Pagod na pagod na ako. Si nanay, yung pagbubunganga niya pati na rin
si kuya, yung madalas na pang aasar at pang aalaska niya sa akin. Mas okay na rin sakin yun kaysa naman
walang nangangamusta sa akin pag uwi ko sa bahay niyo.
Alex: Si mom ? Si dad ? Kahit na ganun sila ganun na talaga sila eh. Pero bakit ganun, deep inside sa puso ko
parang gustong gusto ko sila makita. Sa bawat oras na dumadaan nararamdaman ko yung pangungulila sa
kanila. Kung pwede lang bawiin yung naging hiling ko noon o kaya kung pwede lang hatakin yung oras pabalik
hindi na ako sasali sa tree planting activity mo ! Sana hindi na lang ako pumunta sa Mt. Makiling na yan at
hindi na rin sana ako humiling sa lintek na shooting star na yan.
Roxanne: Wala akong alam at kung alam ko lang hindi na rin sana ako pumunta sa activity na yan. Napakarami
na ng nagbago sa buhay ko. Oo nga, gumanda nga ang record ko sa school, naging mataas nga ang tingin sa
akin ng mga classmates at teachers ko dahil yun sa naging pagpapalit natin. Naging magaling tayo sa kanya
kanya nating course pero naging masaya ba tayo ? Hindi diba ? Kasi malaki ang nagkulang at nawala sa atin.
Yun ay ang pamilya natin.
Alex: Alam ko na wala talagang perpektong pamilya pero sila Mom at Dad kahit na napakalaki ng pagkukulang
nila sa akin, mahal na mahal ko pa rin sila. Sana nga mabigyan tayo ng pangalawang pagkakataon para
maipakita natin ang pagsisisi natin.
Roxanne: Yan din yung hinihiling ko madalas na sana paggising ko isang umaga bumalik na tayo sa dati. Ayaw
ko na ng ganito.
Alex: Lets not lose hope. God has a plan for everything kasama na tayo dun.
Scene 21 (nagdarasal)
Alex: Lord, I already knew my fault but please bring us back again to our family. Hindi na po mahalaga sa akin
ang mga kagustuhan ko. Mas gusto ko po na makasama ko sila Mom at Dad. Ibalik niyo lang po kami sa dati,
ipinapangako ko po na magpapakabuting tao nap o ako.
Roxanne: Panginoon, napakarami na po ang nangyari sa akin. Mga pangyayaring hindi ko alam na mangyayari
sa akin, alam ko po na may dahilan kung bakit Niyo iyon pinahintulutan na mangyari. Pinagsisisihan ko na po
ang naging magaspang kong ugali at makitid na pag iisip. Sana po pagmulat ko ng mata ko kasama ko na ulit
ang pamilya ko.
Narrator: Ang mahabaging Panginoon ay parating nakikinig sa mga panalangin. Hindi Siya nagbibingibingihan
sa kahit na anong mahina at taimtim na pighati. Lahat ng nangyayari ay para sa isang dahilan.
[COMMERCIAL 5]
Nararator: Ang araw at oras ay lumilipas, ang bawat galaw ay naayon sa mga layunin. Ang pinaka aasam asam
nilang araw ngayon ay darating na.
Scene 22 (sa bahay nila Roxanne)
Suitor: Ano ako tanga ? Pinahiya mo ko sa harap ni Roxanne tapos ngayon para kanga so na bahag ang buntot.
Oh ilabas mo ngayon yang tapang mo. Ang angas mo nung nakaraan.
Roxanne: Ano ba ? Tigilan mo nga kami ! Napakapampam naman nito. Nananahimik kami ditto eh.
Suitor: Eh di ikaw na lang ang guguluhin ko, mukhang type mo rin naman ako eh. (babastusin si Roxanne)
Alex: Ano ba pare ? Nakakabastos ka na ah.
Suitor: Ano lalaban ka na ? Ipakita mo naman na matapang ka kahit papaano.
Alex: Oo naman. (magsusuntukan sila) (masasaksak si Alex)
Suitor: (magugulat)
Roxanne: Anong ginawa mo ? Walang hiya ka !
Suitor: Hindi ko sinasadya ! Kasalanan naman niya eh. Buti nga sa kanya eh. (tatakas)
Roxanne: Alex, ayos ka lang ba ? Tara na. Dadalhin kita sa hospital. Wag kang matatakot ha. Nandito lang ako
ha.
Alex: Aalagaan mo ang sarili mo ha saka paki tingnan tingnan naman sila nanay at kuya.
Roxanne: Huwag ka ngang magsalita ng ganyan. Para namang namaalam ka na niyan eh (naiiyak iyak)
Narrator: Time of death, 12:47 pm. Ang buhay ay pansamantala lamang at ito ay pahiram lamang sa atin ng
Panginoon. Maging handa man tayo o hindi, wala na tayong magagawa. Kaya habang may oras at panahon pa,
magpakita na tayo ng pagmamahal at kabaitan sa mga tao sa paligid natin.
Scene 25 (sa bahay nila Roxanne)
Mom: Lets go anak. Para maaga tayo makapunta sa burol ng kaibigan mo.
Roxanne: Nanghihina pa ako mom. Parang hindi ko kayang tumayo, panaginip na lang sana to.
Mom: Huwag mo ng sisihin ang sarili mo anak, walang may gusto ng nangyari. Aksidente lang ang lahat. Saka
nahuli na rin naman yung sumaksak kay Alex eh.
Roxanne: Pero ako pa rin naman yung dahilan eh, kung hindi niya ako pinagtanggol at kung hindi ko inaway
away yung manliligaw ko na yun sana buhay pa si Alex. Sana buhay pa ang kaibigan ko. Kung pwede lang
ipalit ang buhay ko para kay Alex, gagawin ko eh. Napaka unfair naman kasi talaga ng buhay.
Dad: Tara na anak.
Roxanne: I feel so guilty because of Alexs death.
Dad: Teka, anong full name ni Alex ? Parang familiar kasi eh.
Roxanne: Alexander Dimagiba po. Doon po sila nakatira sa may Proper.
(magugulat si Dad)
Dad: Ano ?!
Mas lalo akong nagiguilty at nalulungkot dahil mas lalo akong makokonsensya na ako ang dahilan kung bakit
siya nawala.
Dad: Tama si Roxanne, dapat ipakita muna natin ngayon kahit ngayon lang na magkakasundo talaga tayo.
Nanay: Oo gagawin ko yun pero tatandaan mo to, hinding hindi ko makakalimutan ang ginawa mo sa amin.
Naghirap kami ng matagal na panahon at hindi yun maibabalik ng simpleng sorry mo lang.
Scene 27 (interpretative)
Alex: Roxanne, huwag kang malungkot at mas lalong wag mong sisisihin ang sarili mo sa pagkawala ko. Mas
magiging masaya ako kung magpapatuloy ka sa buhay mo. Tuparin mo ang mga pangarap kahit anong
pagsubok ang dumating magtiwala ka lang sa Diyos hinding hindi ka naman niya pababayaan. Masaya naman
ako kung nasaan ako ngayon. Mag iingat palagi at sa bawat sasabihin at gagawin mo ay pag isipan mo ng
maayos. Sana sa kabilang buhay magkita pa rin tayo at magkasama para naman maipadama ko sayo ang
pagmamahal ko kapatid ko.
-Ending-