You are on page 1of 295

My Strict Teacher Is My Husband (Tagalog)

Miss_Ahyenxii

Source: https://www.wattpad.com/story/6305381?
utm_source=android&utm_medium=link&utm_content=story_info&wp_page=story_details_but
ton&wp_uname=lagracia08&wp_originator=%2BceHXFex6DSOkVUCG5qYVDIh76xUJusabm
%2BAyEETtBqdOGDoKZYAbNuaL
%2BBTerhMwbnwBpLEAnVXWwgcjFKYY4azeKmDhKfSJ2CNEGgEKn8TznToLfP6PkM72ovfcTXC

Generated by Lightnovel Crawler

My Strict Teacher Is My Husband (Tagalog) c1-61

Volume 1 Chapter 01. Assignment

Chapter 02. Towel Drop

Chapter 03. Jealous Teacher

Chapter 04. Allergy

Chapter 05. Indirect Kiss

Chapter 06. The Visitors

Chapter 07. The Kissed

Chapter 8. Another Kissed

Chapter 9. His Real Mom

Chapter 10. Keycee's Another Secret

Chapter 11. Getting Closer

Chapter 12. Bad Deal

Chapter 13. Exam Day

Chapter 14. Passed or Failed

Chapter 15. Break-up

Chapter 16. Story Telling

Chapter 17. Photo

Chapter 18. Keycee Passed Out


Chapter 19. She Found The Kid

Chapter 20. Hesitation

Chapter 21. Kiss and the Bra

Chapter 22. Moment of Truth

Chapter 23. You Can Kill Me Now

Chapter 24. Gone

Chapter 25. One Year Later

Chapter 26. Jian Perez

Chapter 27. Business Math Prof

Chapter 28. His Voice

Chapter 29. Face To Face

Chapter 30. Another Cousin

Chapter 31. Coming To His Office

Chapter 32. Secret Duty

Chapter 33. Hug & Kiss

Chapter 34. The Picture

Chapter 35. Meet Your Grandma

Chapter 36. Living Under The Same Roof

Chapter 37 - Come Back To Me

Chapter 38 - Old Friend

Chapter 39 - The Meeting

Chapter 40 - I Missed You, Too!

Chapter 41 - Zen

Chapter 42 - Spy

Chapter 43 - You Are My Life

Chapter 44 - Choices

Chapter 45 - Future Husband

Chapter 46 - Decision

Chapter 47 - Left & Escape

Chapter 48 - Talking
Chapter 49 - Zen's Buddy

Chapter 50 - Parted

Chapter 51 - I Will Find You

Chapter 52 - Gunshot

Chapter 53 - Gunshot Pt. 2

Chapter 54 - Leaving the Mansion

Chapter 55 - Tempted

Chapter 56 - I'm Sure

Chapter 57 - The Night

Chapter 58 - Alamat ng Saging ft. Scammer

Chapter 59 - Ace Scammer Lee

Chapter 60. Question & Answer

Chapter 61. The Ring

Chapter 01. Assignment

ACE LEE

KEYCEE DELA VEGA

RYAN DELA CRUZ

☆゚.*・。゚

KEYCEE'S POV

Nakadukdok ako sa study table. Gusto ko na talagang umiyak. Bakit ba kasi ang hina-
hina ko sa math?
I really hate math and I really, really hate my teacher for giving me such a hard
time. Kung magbigay ng assignment akala mo wala ng bukas sa sobrang dami at sobrang
hirap. Tapos ang masaklap pa, sobrang strict niya dahil hindi siya nagpapapasok ng
mga walang assignment. Saan naman ako lulugar no'n? Bobo pa naman ako sa math.

I really hate him. I really hate my husband.

Yes, MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND and it really kills me! Parang ayoko ng
mabuhay kapag naiisip ko na kasal ako sa kaniya.

I raised my head and stared at the book in front of me. "Hoy, math? Ano ba'ng
kasalanan ko sa'yo? Ano ba'ng ginawa ko at pinapahirapan mo 'ko nang ganito?" hindi
ko alam kung bakit kinakausap ko ang libro na hindi naman marunong magsalita. Kung
nagsasalita siguro 'to, baka sinumbatan na rin niya ako na hindi ko naman siya
inaano.

Kinuha ko na lang 'yong bag ko sa kama at inilabas ang notebook ng kaklase ko, slam
book pala—na usong-uso sa panahon namin to get to know someone. Daw.

Nagsimula na akong magsagot sa slam book instead na sa assignment ko. Gilas, 'di
ba?

My name is: Keycee Dela Vega

I was born on: August 5, 1999

Age: 17

Status: SINGLE!

Hobbies: Reading and sleeping.

FAVORITES

Favorite Sports: Badminton

Favorite Food: Spaghetti and beef steak.

Favorite Color: Light blue and purple

Favorite Flower: Red rose

Favorite Fruits: Apple and strawberry

Favorite Movie/s: A Walk To Remember

Favorite Subject:

Teka? Favorite subject? Ano nga ba? Math? Hey, of course not!

Saksakin niyo na lang ako kung math ang ipapalagay niyo sa favorite subject ko.
Dahil kahit sobrang g'wapo ng asawa ko, I mean ng teacher ko, hindi ko pa rin
favorite ang math. So, for my favorite subject. It should be, RECESS.

Math is life, but food is lifer.

ALL ABOUT LOVE

For me, love is: To me, true love is when you can completely be yourself around
another person in good times and bad. It's loving each other's differences and
appreciating them exactly as they are. Love is the feeling that something is
missing when you are apart and the realization that everything seems so much better
when you are together

For me, Crush is: Crush is the person who will never be yours.

My crush is/are: Ryan Dela Cruz

My love is/are: My mom

My best friend is/are: Ryza and Christia

My mortal enemy: The one only...MATH SUBJECT!

The person I hate the most: Mr. L

My dream date is: Mr. L

The date setting I want: Kahit saan...BASTA sa tabing-dagat.

Hindi pa 'ko natatapos sa pagsagot sa slam note nang makaramdam ako ng antok.
Tiningnan ko ang orasan na nasa bedside table ko. It's already twelve midnight.
Gano'n na ba ako katagal gising? Kaya pala inaantok na 'ko.

ACE'S POV

I went down to the kitchen to get a beer. I couldn't sleep because I have too much
unfinished work. When I was about to enter my room, napansin ko na nakaawang ang
pinto sa kwarto ni Keycee at may sinag ng ilaw pa na nanggagaling sa loob.

Hindi pa ba siya natutulog?

I walked towards her room at saka ko pinihit ang doorknob. Nang silipin ko ang loob
ng kwarto niya, nakita ko siyang natutulog habang naka-rest ang ulo sa study table.
I shook my head.

Bakit hindi siya sa kama nahiga?

Pumasok ako sa loob at lumapit sa kaniya para tingnan kung anong pinagkaabalahan
niya kanina at inabot siya ng pagtulog sa study table niya. Then I saw her math
notebook with her assignment.

I scanned the whole page at nakita ko na wala pa siyang nasasagutan kahit isa sa
mga problem na ibinigay ko. Alam 'kong mahina siya sa Math. Kinasusuklaman at
kinamumuhian niya ang subject ko. Pero gano'n talaga. Kasama sa buhay ng estudyante
'yon.

Hinayaan ko na lang siyang matulog. Gusto ko sana siyang buhatin para ilipat sa
kama pero ayoko na isipin niyang concern ako sa kaniya. We're not that close yet.

Bago ako tuluyang makalabas sa kwarto niya, naisipan ko ulit siyang sulyapan pati
na rin ang hindi pa niya nagagawang assignment.

Paano siya papasok bukas sa klase ko kung hindi niya 'yon gagawin?

KEYCEE'S POV

"G-good morning," bati ko kay Ace pagkakita ko sa kaniya sa dining area. Pero hindi
niya 'ko pinansin. 'Wag na kayong magtaka, gan'yan siya kabait.

Nagbe-breakfast na siya kaya kumain na rin ako. Magkaharap kami pero walang
nagsasalita sa amin. Daig pa namin ang magkaaway.

"Ito na ang gatas mo," inabot sa akin ni Yaya 'yong tinimpla niyang gatas para sa
'kin.

"Salamat, ya. Good morning po pala," bati ko sa kaniya bago ko pa makalimutan.

Susubo na sana ako nang biglang tumayo si Ace sa upuan niya. Tapos na kaagad siya?
Ang bilis naman niyang kumain? Teka, anong oras na ba? Tiningnan ko 'yong suot kong
relo at gano'n na lang ang gulat ko nang makita kong 8:33am na.

Lagot!

8:45am ang math class namin at siya ang teacher namin do'n.

Sa sobrang taranta ko, dali-dali kong ininom ang gatas ko para mahabol ko si Ace.

"Bye, ya. Papasok na po ako!" paalam ko kay Yaya Miranda nang maubos ko ang laman
ng baso. Sa sobrang bilis nang takbo ko palabas, nabunggo ako sa likod ni Ace kaya
napahinto rin siya. "Aray..." reklamo ko habang hawak ang forehead ko. Ang tigas ng
likod niya.

"May twelve minutes ka pa kaya 'wag kang magmadali," sabi niya sa 'kin at naglakad
na ulit. Pumunta siya sa garahe at pumasok sa loob ng kotse niya. Obviously, hindi
niya ako isasabay. Hindi naman talaga kami nagsasabay dahil baka may makakita sa
amin. Mahirap na. Wala kasing nakakaalam ng tungkol sa 'min. Sa pagiging mag-asawa
namin. Kahit ang mga kaibigan ko ay hindi 'yon alam.

Nakatanaw lang ako sa kotse niya habang papalabas 'yon ng gate. Pero bigla siyang
huminto. Binaba niya 'yong bintana ng kotse at sumilip do'n. Sinenyasan niya 'ko na
lumapit sa kaniya. "Get in," sabi niya paglapit ko.

"Ha?" napaawang nang bahagya ang bibig ko. Tama ba 'yong narinig ko? Pinapasakay
niya 'ko? Oh, dahil baka hindi lang ako kumain kaya kung anu-ano ang naririnig ko?

"Sabi ko sakay!" tiningnan ko lang siya. I still can't believe na pinasasakay niya
'ko sa sasakyan niya. Totoo ba 'to? "Ano? Sasakay ka ba o tatakbo ka na lang para
makaabot sa klase ko? We're late!" iritable niyang sabi. Ayan na naman sumusumpong
na naman ang attitude niya.

Sumakay na agad ako dahil baka magbago pa ang isip niya at maglakad pa ako nang 'di
oras. Once in a blue moon lang siya maging mabait kaya dapat sulitin ko na.

Math kasi ang first subject namin. Oh 'di ba, napakagandang subject para simulan
ang bagong umaga. Tipong masama na nga ang gising mo, mas sasama pa dahil sa first
subject mo.

Tahimik lang ako habang siya naman ay nagda-drive. Nakatingin ako sa labas ng
bintana nang bigla akong may naalala.

PATAY KANG BATA KA!

Hindi ko nagawa ang assignment ko sa math! Tapos wala na akong time para mangopya
mamaya kila Ryza dahil late na. Hay! Sobrang kaswertehan ko yata kaya nangyayari
'to sa 'kin. Napabuntong hininga na lang ako. Bahala na mamaya.
"Why are you sighing?" tanong ni Ace.

"Wala," walang gana kong sagot. Pero nagulat din ako sa sagot ko. Mali kasi 'yon,
"I mean...wala po, Sir Lee," pagtatama ko sa sinabi ko. Hindi na lang siya kumibo
kaya tumahimik na rin ako.

Noong malapit na kami sa school bigla niyang inihinto ang kotse. "Baba na," he
commanded. Oo, alam ko na ang dahilan kung bakit niya ako pinapababa. Dahil baka
may makakita sa 'min.

"Okay." Bumaba na agad ako. Siya naman pinaandar na ulit ang sasakyan niya at
umalis. Tiningnan ko ang relo ko.

Siomai mami! 8:41 na!

Tumakbo na agad ako. Wala na 'kong pakialam kung magmukha akong haggard mamaya
basta ang importante makaabot ako.

Pero teka?

Wala naman akong assignment, 'di ba? Bakit pa 'ko nag-aasam na umabot? Kahit naman
umabot ako kung wala akong maipapakitang assignment hindi rin ako makakapasok. So,
what's the point of running?

Pero paano naman kapag hindi ako nakapasok? Panibagong discussion kami ngayon. Baka
kapag hindi ako nakapasok wala akong maisagot kapag nag-quiz sa topic na 'yon. Hay.
Noong umulan siguro ng kamalasan, nag-swimming pa 'ko kaya ganito.

Naglakad na ako nang mabilis papunta sa school. Natanaw ko na 'yong mga classmates
ko na nakapila. Gan'yan talaga, pinapipila niya muna lahat bago magpapasok ang
magaling kong asawa, I mean si Sir.

Lumapit ako kila Ryza at Christia. "Bakit ang tagal mo?" tanong nila sa 'kin.

"Tinanghali ako ng gising. Oo nga pala, hindi ako papasok sa Math, ituro niyo na
lang sa 'kin kung anong mga gagawin niyo," sabi ko sa kanila.

"Ha? Bakit naman?" takang tanong ni Ryza.

"Wala akong assign—"

"Bring out your books!" Napatingin agad kami sa tapat ng pinto ng room. Nakatayo na
ro'n si Ace, I mean sir. "And your assignment," dagdag niya habang blangko ang
mukha. Gan'yan naman talaga siya lagi. Laging walang emosyon.

"Mag line ka na!" hinila na 'ko ni Ryza at ipinwesto sa harap niya dahil mas maliit
ako ng kaunti sa kaniya.

"Teka lang, wala akong assignment!" bulong ko sa kanila.

"Magpalusot ka na lang. Sabihin mo nakalimutan mo kung ano'ng page," seryosong sabi


ni Christia. Tama. P'wede kong sabihin 'yon.

No. No. No! Hindi pala, baka sabihin pa no'n, 'magkatabi lang tayo ng kwarto bakit
hindi mo itinanong sa 'kin?' O kaya naman, 'kay bata-bata mo pa may memory gap ka
na?'

Posibleng gano'n ang sabihin niya sa 'kin kapag nagdahilan ako.


"Boys," tawag ni Ace sa mga kaklase namin na lalaki. Isa-isa na silang nagpasukan.
At tama kayo, laging nauuna ang mga lalaki. Hindi uso kay Ace ang ladies first.

Bago sila tuluyang makapasok ng room, ipapakita muna dapat ang book at 'yong
assignment para sure.

"Ayoko talaga. Sige, d'yan na kayo. Hindi na lang ako papasok." Papaalis na sana
'ko pero...

"Girls, get in." Nagsimula nang maglakad 'yong mga classmate ko, samantalang ako
natataranta na sa kinatatayuan ko.

Nakapasok na silang lahat ako na lang ang naiwan na nakatayo mag-isa sa labas.

"Miss Dela Vega?" tawag sa 'kin ni Ace.

"Yes sir," mahina kong sagot. Buo na ang desisyon ko. Hindi ako papasok sa klase
niya dahil ayokong mapahiya kapag hinanap niya ang assignment ko at wala akong
maipakita.

Magdadahilan na lang ako na masakit ang tiyan ko, or ulo, or paa, or likod, or
daliri. Bahala na kung ano'ng una kong maisip mamaya.

"Wala ka bang balak pumasok?" blangko pa rin ang mukha niya. Paano naman akong
makakapasok? Wala naman akong assignment. "Papasok ka ba o hindi?" he asked again.
Pero sa halip na magdahilan ay wala sa sariling lumakad ako palapit sa kaniya.

"Ito na nga po, e." Kinuha ko sa bag ko 'yong notebook at libro ko. Bahala na
siyang mag decide kung papapasukin niya ba ako o hindi.

Binuklat ko na 'yong notebook ko kung saan dapat isusulat 'yong assignment. Pero
nagulat ako dahil may sagot 'yon.

Nakatitig ako sa notebook ko. Gumawa ba ako ng assignment kagabi? 'Di ba hindi
naman?

Nag-angat ako ng tingin kay Ace. Limang hakbang ang layo niya sa 'kin. Muli kong
ibinalik ang tingin ko sa notebook ko. Obvious na obvious na sulat niya 'to!

"Miss Dela Vega, what are you waiting for?" sabi niya sa 'kin. Hindi na 'ko
nagdalawang-isip na lumapit.

Pinakita ko na sa kaniya 'yong notebook ko na may assignment. Tumango naman siya at


pinapasok na 'ko.

Napangiti na lang ako habang taas noong naglalakad papunta sa upuan ko.

Thanks hubby!

***

VOTE - COMMENT - FOLLOW

Chapter 02. Towel Drop


ACE'S POV

I sat quietly in the front, at my desk, while watching my students. Their eyes
fixated on their paper while answering. No noise, no speaking and not even a crack
could be heard in my classroom. They are used to this dahil alam nila na ayoko
talaga ng maingay sa klase ko.

My eyes diverted to my wife, Keycee, who's still scanning the book. Hindi pa rin
siguro niya na gets ang diniscuss ko kaya hanggang ngayon ay binabasa pa rin ang
nasa libro. Halata sa mukha niya ang pressure at pagkainis. Naalala ko tuloy ang
ginawa kong pagsagot sa assignment niya kagabi.

Yes, I did her assignment.

Papalabas na sana ako sa kwarto niya nang maisip kong gawin ang assignment niya.
Kung hindi kasi ito gagawa ay wala akong choice kun'di ang hindi siya tanggapin sa
klase ko. Kaya bumalik ako sa loob at dahan-dahan kong kinuha ang notebook niyang
nadadaganan nang mukha niya. I took a deep breath before starting to work with her
assignment.

"Sir? P'wede po ba magtanong?" One of my students snapped me out of my thought.

"Go ahead," I said as I nodded my head. Lumapit siya sa 'kin at ipinakita ang
notebook niya kung saan mayroon siyang hindi maintindihan.

KEYCEE'S POV

Buong discussion naka nganga lang ako at walang naintindihan kahit isa. Feeling ko
kapag binabanggit ni Ace ang f(x)=2x-3 karenas boom eklabu chenes ay parang alien
language ang dating sa akin. Wala akong maintindihan. Kaya naman ngayong may
seatwork, nganga rin ako. Kinuha ko ang libro at pinag-aralang mabuti kung paano
naging gano'n at kung paano naging ganito ang mga bagay-bagay sa mundo.

Inaamin ko naman na wala akong talent sa math, pero bakit kailangan pang ipamukha
sa 'kin ng buong libro? Sighed.

"Sir? P'wede po ba magtanong?" sabi no'ng isa namin kaklase, si Myra. Siya 'yong
mahilig magpa-cute kay Ace. Tipong, kunwari hindi niya naintindihan para may chance
siyang magtanong at lumapit kay Ace.

"Go ahead," sabi naman ni Ace.

Lumapit si Myra sa kaniya at may itinanong na hindi ko naman din naintindihan,


tamang narinig ko lang pero...basta, bobo kasi ako. Pagpasensyahan niyo na, wala
talaga akong naiintindihan kapag math na ang pinag-uusapan.

Sumagot naman si Ace ng...blah, blah, blah! Hindi ko rin maintindihan 'yong mga
sinasabi niya. Gusto ko nang sabunutan 'yong sarili ko.

Ibabalik ko na sana ang tingin ko sa papel ko pero napansin ko na iba na naman ang
tingin ni Myra kay Ace habang patuloy si Ace sa pagpapaliwanag sa kaniya. Bigla
akong nainis. Ang sakit nila sa mata. I turned my gaze back to my paper dahil baka
masuntok ko pa ngala-ngala ni Myra.

Hindi na lang ako magpapasa ng papel mamaya tutal wala naman akong maisagot. Okay
lang na hindi ako mag pass at ma-zero, kasi gano'n din naman kapag nag pass ako ng
papel na walang sagot, zero rin. At kahit sagutan ko pa, zero pa rin. Ewan ko ba.
May sagot at wala ang papel ko, zero pa rin.
Dumukdok na lang ako sa desk ko. Ang sarap ng klase kapag ganito. 'Yong tipong wala
kang naririnig kahit isang ingay. Ganito kasi talaga sa math class namin. Maraming
bawal.

Syempre, sino pa nga bang may gusto no'n kundi si Sir Ace. Ang nag-iisang Ace Lee.
Kapag ibang teacher ang kaharap namin para kaming mga nakawala sa kural. Pero kapag
siya na, speechless na kaming lahat. Wala kang maririnig kahit isang magsasalita,
ni pagpilas ng papel dinadahan-dahan namin 'wag lang niyang marinig. Sobrang
tahimik talaga. P'wera na lang kapag lumabas siya, doon na kami magdadaldalan,
'yong mga lalaki naman magbabardagulan tipong ngayon lang ulit nagkita-kita. Pero
pagbalik niya tatahimik ulit kami na parang hindi kami magkakakilala.

Kapag nasa klase niya, bawal rin manghingi ng papel. Kailangan always kang may
extra paper dahil kapag nahuli kang nanghingi, minus ten ka at minus twenty naman
ang hiningan mo. Oh, 'di ba, saklap! Mas malaki ang minus nang nagbigay, kaysa do'n
sa parasite.

Bawal din ang walang dalang libro. Dapat always nasa bag ang book mo para hindi mo
makalimutan. At dapat may assignment ka na ipapakita bago pumasok ng room. Kung
wala, wala ka rin attendance. Sa ayaw at sa gusto mo, absent ka.

At kapag examination day naman, nahahati ang section namin sa dalawang batch, first
at second. Instead kasi na one seat apart, ginagawa niyang two seats apart para
wala talagang makapangopya. At dahil hindi nagkakasya sa room kaya nagiging
dalawang batch.

Kapag naman may exam, quiz o seatwork bawal ang erasure. Kahit konting bura, bawal.
Bawal din mangopya, kapag nahuli kang nangongopya dalawa lang ang p'wede mong
pagpilian, 'babagsak o babagsak?'

Gan'yan kalupit si Ace, I mean...si sir. Kahit ako natatakot sa pagiging istrikto
niya.

Sa bahay nga hindi kami masyadong nag-uusap, eh. Madalang lang kami magkaroon ng
conversation. Kung magkaroon man kami ng convo ay tipong 'kumain ka na?' o 'papasok
ka na?' lang ang sinasabi namin at kung minsan pa nga ay dumadaan ang araw na never
talaga kaming nag-uusap. Ewan, may time kasi na natatakot ako sa kaniya.

At kung itatanong niyo kung bakit kami kinasal gayong hindi naman pala kami nag-
uusap. Dahil kagustuhan 'yon ng lolo niya. Matalik kasing magkaibigan ang lolo niya
at lolo ko, sa side ni papa. At 'yon nga, nireto na agad sa 'kin si Ace. Pero
binigyan nila kami ng chance na makilala ang isa't-isa. Nag-date muna kami for
about a month para daw magkakilala. Pero...

Hindi naman talaga kami nag-date. Ayaw niyang makipag-date sa akin noon. Ang sabi
niya busy daw siya kaya tinuruan niya 'kong magsinungaling like, kapag tinanong daw
kami ng lolo niya kung nag-date kami, sabihin ko raw na, oo. Gano'n lang ang set up
namin lagi hanggang sa sinabi ng lolo niya na magpakasal na raw kami, but we are
both against the idea. Kaso lang, nagdrama ang lolo niya na kung hindi raw kami
magpapakasal, ikamamatay niya raw 'yon nang maaga. Pero hindi pa rin do'n nadala si
Ace. Sinabi niya na ayaw niya pa rin. At syempre, ako naman sobrang saya ko dahil
hindi rin ako payag.

Ang akala ko after no'n ay okay na—na wala ng kasalan na magaganap. Pero isang araw
nagulat na lang ako nang ibalita sa 'kin ni mama na pumayag na raw si Ace sa hindi
ko malamang dahilan. And then, BOOM na agad ang kasal. Rush wedding pa nga ang
nangyari dahil kinabukasan pagkatapos ng kasal ay may pasok na agad kami sa school.
Kailan lang din naman kami ikinasal, wala pa nga kaming one-year na nagsasama. Kaya
masasabi ko na hindi ko pa siya masyadong kilala bilang Ace Lee na asawa ko. Pero
bilang isang math teacher, kilala ko na siya.

Nagsasama na rin kami sa iisang bahay dahil 'yon ang gusto ng lolo niya. Pero hindi
kami magkasama sa kwarto, like duh! I'm only seventeen pa lang at siya naman ay
twenty-two.

'Yong school na pinapasukan namin dalawa ay pag-aari ng lolo niya. Yes, lolo niya
ang director ng school na 'to. Pero walang nakakaalam ng tungkol sa amin ni Ace.
'Yon din kasi ang ipinakiusap ko sa lolo niya. Hangga't maaari ayoko na may
makaalam na kasal kami at sa iisang bahay lang nakatira.

ACE'S POV

Nakatingin ako kay Keycee habang natutulog siya. Wala ng tao sa classroom ko kun'di
kami na lang dalawa. May next subject pa sana siya pero nagkaroon ng emergency
meeting kaya wala ng klase. Nakauwi na rin ang ibang mga estudyante.

Lumapit ako para tapikin siya sa braso. "Keycee?" I called her. Hindi pa rin siya
sumasagot at tulog na tulog. "Miss Dela Vega?" I called her again.

"Hmmm?" Mahina ang pagsagot niya, halatang inaantok pa.

"Gigising ka ba o ilolock kita rito sa loob?" I asked but almost sound like a
warned. Para siyang biglang natauhan nang marinig ang boses ko.

She looked up at me. "S-Sir? Sorry po..." bigla siyang tumayo at inayos ang gamit
niya. Ngayon niya lang na-realized na nakatulog siya. Kinuha na niya ang bag niya
at mga libro.

"Umuwi ka na. Wala ng klase," I informed her. Tumango lang siya at lumabas sa room.
Hindi na rin siya nagpasa ng papel niya, which made me shook my head.

KEYCEE'S POV

Grabe! Nakakahiya talaga! Bakit ba kasi ako nakatulog nang gano'n katagal? Ako na
lang pala ang natitira sa room kanina? At ang mababait kong kaibigan ay hindi man
lang ako ginising. Mga taksil!

Naglalakad na ako pauwi sa bahay. Tinitisod ko pa 'yong maliliit na bato nang


biglang may kotse na bumusina sa 'kin sa likod.

Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad at hindi pinansin kung sino man 'yon. Nasa gilid
naman ako kaya bakit niya 'ko bubusinahan? Bulag pa siya?

Pumantay sa 'kin 'yong kotse at sumilip sa bintana si Ace. Oh, siya pala 'yon.

"Sakay na," sabi niya at inihinto ang sasakyan.

"Ako ba, sir?" tanong ko sabay lingon sa kaliwa't-kanan.

"Mayro'n nakikita ka ba na hindi ko nakikita?" masungit niyang tanong.

Hindi na lang ako kumibo at pumasok na sa loob ng sasakyan niya dahil baka magalit
pa siya. Pagpasok ko ay tahimik lang kami pareho. Hindi kami nag-uusap. Ayoko naman
na ako ang mag-start ng conversation, natatakot kasi ako sa mga sagot n'ya. Obvious
naman dahil sa boses niya pa lang ay kinikilabutan na 'ko.
Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa bahay. Pagdating sa bahay
umakyat agad ako sa kwarto ko.

Nagbihis ako at bumaba ulit. Pinuntahan ko si yaya na kasalukuyang nasa kitchen,


nagluluto.

"Ya, ano po 'yan?" tanong ko habang nakatingin sa niluluto niya.

"Menudo. Paborito ni Ace," sagot ni Yaya Miranda habang nakangiti. Menudo pala ang
favorite niya? Ngayon ko lang nalaman 'yon, ah.

"Oh, s'ya sige, pakitawag mo na ang asawa mo sa taas. Sabihin mo handa na ang
tanghalian." Sinunod ko na agad si Yaya.

Umakyat ako at tumapat sa kwarto niya. Nakatayo lang ako ro'n at pinag-iisipan kung
kakatok ba ako o papasok na lang. Pangit naman tingnan kung papasok na lang ako
bigla, 'di ba?

Kumatok na 'ko sa pinto pero walang sumasagot kaya naman pinihit ko 'yong doorknob
at saka ako dahan-dahang pumasok sa loob.

Nasaan kaya siya? Bakit wala siya sa kwarto niya?

Humakbang ako at lumapit sa study table niya dahil nakabukas 'yong laptop niya
ro'n.

"Busy na naman s'ya?" bulong ko. May mga tina-type na naman kasi siya. Sabagay,
malapit na ang second quarter exam kaya nagsisimula na naman siyang gumawa ng exam
paper.

"Anong ginagawa mo rito?" Nagulat ako sa boses na nanggaling sa likuran ko kaya


napaharap agad ako sa kaniya. Siomai siopao suman! Ang katawan! Omg! Nakatingin
lang ako sa kaniya, unable to blink because of his nakedness. Half-naked. I mean,
there's still a towel wrapped on his waist but...those abs. "May kailangan ka?"
tanong niya. Hindi pa rin ako nakasagot.

Para 'kong kakapusin ng hininga ngayon. Wala akong asthma pero bakit parang
kailangan ko ng nebulizer?

Biglang nalaglag ang towel na nakatakip sa kaniya at doon na 'ko napasigaw sabay
takip sa mata ko.

"AAAAHHCCKK!" I screamed from the top of my lungs.

Lumapit naman siya bigla sa 'kin at tinakpan ang bibig ko.

Chapter 03. Jealous Teacher

KEYCEE'S POV

Nang sumigaw ako ay agad na lumapit sa akin si Ace at tinakpan ang bibig ko. "Wag
ka ngang sumigaw baka kung ano'ng isipin ni Yaya Miranda!" saway niya sa 'kin.
Pilit kong tinanggal 'yong kamay niya at nagtatakbo ako palabas ng kwarto niya.
Bakit ba kasi pumasok pa 'ko sa loob?
"Oh, Keycee? Anong nangyayari sa'yo?" nagtatakang tanong ni Yaya nang makita niya
ako na hinihingal.

"Eh, k-kasi po..." I stuttered.

Paano ko ba sasabihin? Nakakahiya naman kung sasabihin ko na nakita kong nakahubad


sa harap ko si Ace. Magsasalita na nasa 'ko pero nakita ko si Ace na pababa sa
hagdan. Nakabihis na siya. He was wearing a plain white shirt and a khaki cargo
short with a pair of flip flop slippers. Nag-iwas agad ako ng tingin sa kaniya.

"Nand'yan ka na pala, Ace. Handa na ang pagkain," sabi ni yaya sa kaniya. Dumiretso
na agad siya sa dining area. Ako naman naiwan na hinihingal sa couch. Napagod kasi
ako sa pagtakbo. "Keycee, halika na," aya sa akin ni yaya pero dahil nilalamon ng
hiya ang buo kong sistema ay nagpalusot na lamang ako.

"Ayoko pa po kumain. Busog pa po ako," I lied. Umakyat na muna ako sa kwarto ko at


doon nagkulong. Ayokong makaharap si Sir Ace ngayon. Grabe ang tibok ng puso ko
kanina. Sobrang bilis sa kaba. First time ko siyang makita nang gano'n. I mean, ng
walang pang itaas at...'yong towel dropped. My gosh! My eyes!

Pagdating ko sa kwarto ko, agad akong nahiga sa kama at tumitig sa kisame.


Hinawakan ko 'yong puson ko at huminga nang malalim. Wala akong nakita. Wala. Wala.
Wala!

Akala mo lang wala. Pero meron! Meron! Meron! My mind shouted.

Tinakpan ko agad ang tainga ko dahil ayokong marinig ang sinasabi ng sarili kong
isip.

***

Alas onse ng gabi nang magising ako. Hindi ko inexpect na gano'n kahaba ang naging
tulog ko simula nang pumasok ako sa kwarto. Kung hindi pa kumalam ang sikmura ko,
hindi ko pa maiisipan bumangon.

Lumabas ako ng kwarto para pumunta sa kusina. Hindi ko na sinindihan ang ilaw dahil
kaya ko naman bumaba ng hagdan kahit walang ilaw. Nasa kalahati na 'ko ng pagbaba
no'ng mapansin ko na maliwanag pa rin sa kusina.

Gising pa ba si yaya?

Usually kasi, kapag ganitong oras ay wala na dapat maraming ilaw na nakasindi sa
dining area. Isang pinlight na lang dapat. Oh, baka naman nakalimutan lang patayin
ni yaya bago siya matulog?

"Ba't gising ka pa?"

Agad akong napalingon sa taong nagsalita sa likuran ko. Si Ace. Hindi ko siya
masyadong maaninag dahil tanging sinag na lang mula sa kusina ang tumatanglaw sa
amin. At kahit hindi ko siya nakikita nang maayos, umatake ang hiya ko nang maalala
ko 'yong pagpasok ko sa kwarto niya at pagkalaglag ng towel sa baywang niya.

Sa sobrang hiya ko ay nagmadali akong bumaba para iwasan siya. Pero nagkamali ako
nang tapak sa baitang kaya nadulas ako at gumulong-gulong pababa.

"Aray," reklamo ko habang nakahawak sa parte ng paa ko kung saan parang may naipit
na ugat. Narinig ko naman ang footsteps ni Ace, pero hindi para lapitan at tulungan
ako.
Ilang sandali pa, biglang lumiwanag ang paligid dahil sinindihan niya pala 'yong
ilaw. Tiningnan niya 'ko. 'Yong mukha niya na laging walang emosyon biglang
nagkaroon. Nakangisi siya habang nakatingin sa 'kin.

'Anong tinatawa-tawa mo jan?' sabi ko sa isip ko. Bumaba siya at inoffer ang kamay
niya para tulungan akong tumayo.

"Kaya ko sir," I said as I rolled my eyes. Pinilit kong tumayo pero hindi ko kaya.

"Sabi mo kaya mo?" Natawa pa siya nang bahagya.

"Kaya ko nga talaga...po," pinilit ko ulit tumayo. Pero gaya noong una, hindi ko pa
rin nagawa.

"Kaya pa?" nanunukso niyang tanong. Tumango na lang ako. Hindi ako hihingi ng
tulong sa kaniya. Hindi ako kakapit sa kamay niya kahit anong mangyari, kaya kong
tumayo. Promise 'yan.

Bumilang ako ng tatlo sa isip ko at saka ako tumayo. Pero napangiwi ako nang
bahagya dahil masakit talaga.

"Oh, 'di ba? Kaya ko, sir!" I said and gave him a smile, a forced one.

"Okay. Kung gano'n, umakyat ka na. Gabi na," he said while staring at me intently.
Hindi ako kumibo. Alam kong susubukan niya 'ko kung talagang kaya kong humakbang.

"Mauna ka na. Sunod na lang ako." Ngumiti ako nang bahagya sa kaniya.

"Sabay na tayo," bigla niyang inangat 'yong kamay niya, like parang inaabot niya
'yong kamay ko para akayin.

Tiningnan ko 'yong hagdan at binilang kung ilang baitang 'yon.

One.

Two.

Three.

Four.

Five.

Six.

Seven.

Eight.

Nine.

Ten.

Eleven.

Twelve.

Thirteen.
Fourteen.

Fifteen.

Sixteen.

My eyes widened.

Sixteen steps?! Seriously?

"Alam ko na mahina ka sa math. Pero bakit ngayon mo lang nalaman kung ilang baitang
ang hagdan na 'yan?" Lumingon ako kay Ace dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam na
narinig pala niya ang pagbulong ko. "Tara na, umakyat na tayo," aya niya ulit sa
'kin.

Gusto ko sanang humakbang pero hindi ko kaya. Pinilit ko lang tumayo pero sa totoo
lang gusto ko ng umiyak sa sobrang sakit nang paa ko.

"Mauna kana," sabi ko kasabay nang bahagya kong pagyuko para sulyapan ang paa ko.

"No. Sabay na tayo," sagot niya na para bang wala na 'kong ibang choice kun'di ang
sundin siya. Tiningnan ko ulit 'yong hagdan.

"Bakit ba kasi wala tayong elevator o escalator dito sa bahay?" I mumbled before I
turned and face him. Tiningnan ko muna siya bago ako humakbang. Pero dahil nga
masakit talaga, bigla akong napaupo. "Binabawi ko na 'yong sinabi ko kanina. Hindi
ko talaga kaya," mahina 'kong sabi habang nakahawak sa ankle ko.

He clicked his tongue and said, "Ang kulit mo kasi," and the next thing he did made
me shocked. Binuhat niya ako. Bridal style. Nakatitig lang ako sa kaniya habang
paakyat kami sa taas. Sinipa niya nang kaunti 'yong pinto ng kwarto ko para
mabuksan 'yon. Hindi ko kasi isinara 'yon kanina. "Dito ka lang may kukuhanin lang
ako," sabi niya nang maibaba ako sa bed ko at saka na siya lumabas sa kwarto. Pag
alis niya, do'n pa lang ako naiyak. Hindi ko talaga mapigilan sa sobrang sakit.
Ikaw ba naman malaglag nang pagulong-gulong sa hagdan, ewan ko lang kung hindi ka
mabalian. Pagbalik ni Ace sa kwarto ko ay may dala na siyang maliit na bote.
Pinagmasdan niya 'ko habang umiiyak. "Masakit ba talaga?" parang naasar pa 'ko sa
tanong niya. 'Di pa ba obvious?

Umupo siya sa kama at kinuha 'yong paa ko. Ipinatong niya 'yon sa lap niya.

"Aray! Dahan-dahan naman!" Medyo napalakas ang boses ko. Binuksan niya 'yong bote
na dala niya at pinahidan niya 'yong paa ko na masakit. Nang mapahiran niya 'yon ay
bahagya niyang minasahe. "Ouch! Wag mo naman diinan, masakit!" reklamo ko. "A-
aray...dahan-dahan naman!" hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob ko
para sigawan siya samantalang pag nasa school ay takot ako sa kaniya.

"Wag ka ngang maingay," saway niya sa 'kin pero mahina lang ang boses niya.
"Masakit pa ba?" tanong niya habang mina-massage pa rin ang part na parang naipitan
ng ugat.

"Oo. I mean, opo...sir," bigla akong nahiya kasi naalala ko na teacher ko nga pala
siya.

"Kapag nasa bahay tayo okay na 'ko sa Ace. Sa school na lang ang sir," he said in a
soft tone, still massaging my injured feet.

"Okay. Ace," I said shyly. Luh, 'di ako sanay.


"Ano? Masakit pa ba?" tanong ulit niya.

"Hindi na masyado. Kaunti na lang," sagot ko. Nakatingin lang ako sa kaniya habang
mina-massage 'yong paa ko. Hindi ko alam kung siya ba talaga 'tong nasa harap ko o
baka ibang tao. Parang hindi kasi ako makapaniwala na ang teacher na kinatatakutan
ng lahat sa school namin ay narito sa tabi ko at hinihilot ang paa ko. Siya ba
talaga 'to o sinapian lang ng masamang espiritu? Napangiti ako nang bahagya. "Bukod
pala sa pagiging teacher, manghihilot ka rin," sabi ko habang nagpipigil nang tawa.
He then raised his head and gave me a warning look. 'Yon ang tingin na binibigay
niya sa mga estudyante niya bilang warning kapag hindi siya natutuwa kaya tumahimik
na lang ako.

"Mawawala na 'yan bukas," he reassured. "Sige na matulog ka na." Tumayo na siya at


dahan-dahang inilapag ang paa ko sa kama.

"Paano kapag hindi nawala 'yong sakit? P'wede ba 'kong umabsent?" mahina kong
tanong. Pumayag ka, please.

"Kapag hindi nawala, magpapa-xray tayo," he said, and I sighed. Akala ko pa naman
makakalusot na ako. "Sige na, matulog ka na." Naglakad na siya papunta sa pinto
pero bago siya tuluyang lumabas, nilingon niya pa ulit ako. "Good night," he said
before he closed the door.

Good night?

Bakit parang kakaiba 'yong good night na 'yon? Ang sarap pakinggan. Tipong parang
ayoko na yatang gumising sa kinabukasan.

***

Dahan-dahan akong bumaba sa kama. Nakakalakad na 'ko pero medyo masakit pa rin ang
paa ko. Pumasok ako sa bathroom at nag-shower.

Pagkatapos kong maligo, nagbihis na agad ako ng uniform. Binobotones ko pa lang


'yong blouse ko nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Ace. Tumalikod agad
ako, as well as him.

"Bumaba ka na. Ready na 'yong breakfast." 'Yon lang ang sinabi niya at saka na siya
umalis. Nang matapos kong ayusin ang sarili ko ay lumabas na rin agad ako sa
kwarto. Wala naman siguro siyang nakita dahil nakasuot na sa 'kin 'yong blouse ko
kanina, 'di ba?

Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan at pumunta sa dining area. Umupo ako sa harap ni
Ace.

"Good morning, Keycee," bati sa 'kin ni yaya.

"Good morning po," I greeted back. Nagsimula na rin akong kumain. Maaga pa naman,
makakakain pa 'ko nang maayos kahit papaano. Minsan kasi lagi akong hindi nakakapag
breakfast lalo na kapag nale-late ako ng gising.

Nakakadalawang subo pa lang ako nang biglang tumayo si Ace. Kinuha na niya ang mga
gamit niya na nakapatong sa dining table tapos lumabas na. Tiningnan ko ulit 'yong
relo ko at- 8:40 AM!

Bakit ba lagi akong nale-late ng gising? Kainis naman. Tumayo na rin ako para
lumabas na. Gustuhin ko man magmadali ay hindi ko magawa dahil medyo masakit pa rin
ang paa ko. Naabutan ko na naman si Ace na nakahinto sa tapat ng gate. Lumapit ako
dahil parang ako yata ang hinihintay niya. Assuming na kung assuming!

"Get in," utos niya nang makalapit ako. Medyo mabagal 'yong kilos ko dahil medyo
masakit pa rin ang paa ko. "Are your legs still hurts?" tanong niya noong nasa loob
na 'ko ng sasakyan niya. Kahit papaano ay mukha naman siyang nag-aalala. Istrikto
lang siya pero mayroon pa rin pala siyang puso.

"Medyo," sagot ko naman. Hindi na ulit siya nagsalita, nag-drive na lang siya.

Pagdating namin sa school, of course bumaba na naman ako dahil baka may makakita sa
amin.

Nang tuluyan na makapasok ang sasakyan ni Ace sa loob ng gate ng school, humakbang
na 'ko para makapasok. Pero dahan-dahan pa rin ako sa paglalakad dahil sa paa ko na
medyo masakit pa rin.

"Okay ka lang?" someone behind my back, asked.

"Oo. Okay la—" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang bigla siyang pumwesto sa
harap ko at tiningnan ako. Anaknang siomai mami!

"You're not looking okay," sabi niya at napailing pa nang bahagya. Hindi ako
nagsalita. Nakatingin lang ako sa kaniya. Hindi ko alam kung dahil ba sa good night
ni Ace kagabi kaya hanggang ngayon ay parang nananaginip pa rin ako. Hindi ako
makapaniwala na nasa harapan ko ngayon si Ryan. "May dumi ba sa mukha ko?" Bigla
akong natauhan dahil sa sinabi niya.

"W-wala," mahina kong sagot. Isang word na nga lang ang sinabi ko, nautal pa 'ko. I
sighed. Ryan's effect.

"Halika, hatid na kita sa room mo." Hinawakan niya ang isang balikat ko at
inalalayan akong maglakad. Lahat tuloy ng madadaanan namin ay nakatingin sa amin.
Mga marites talaga. Ilang sandali pa, napahinto kami pareho sa paglalakad nang
biglang may tumunog. "Tiyan mo ba 'yon?" natatawa niyang tanong. At mahinang tawa
lang ang naisagot ko. "Sa cafeteria muna tayo. Mukhang hindi ka pa yata nag-
almusal."

"Hindi na!" apila ko agad. "Hindi p'wede. Kailangan ko kasing pumasok sa math
ngayon. Kilala mo naman siguro si Ac- I mean, si Sir Lee, 'di ba?"

"Sige. Mamaya na lang after ng math niyo, sabay na lang tayo mag-lunch." Tumango
ako kaya naman napangiti siya. Grabe. Ang gwapo niya talaga lalo na kapag
ngumingiti. His white teeth and his dimples are perfectly match. And yes, siya
'yong crush ko na inilagay ko sa slam book ng kaklase ko. Fourth year din siya pero
magkaiba kami ng section. Section A siya, section B naman kami.

Pagdating namin sa room ni Ace nakapasok na lahat ng mga classmates ko.

"Late ka na yata," sabi ni Ryan. Nasa tabing pinto kami ng room ni Ace. Nabaling sa
'kin ang tingin ni Ryza na nasa loob ng room at sinenyasan niya ako na pumasok pero
hindi ko ginawa.

"Miss Pangilinan?" Narinig ko si Ace na tinawag si Ryza. "Bakit ka nakatingin sa


labas? Gusto mo nang umuwi?"

"Hindi, sir. Si Keycee po kasi-" Hindi naituloy ni Ryza ang sasabihin nang biglang
tumayo si Ace at lumakad papunta sa pinto, sa amin.

"Good morning, sir," bati ni Ryan kay Ace nang lumabas siya sa pinto.
"Miss Dela Vega, why are you late?" Nag-angat agad ako nang tingin sa kaniya. Para
namang hindi niya alam!

"She couldn't walk properly, sir," si Ryan ang sumagot para sa 'kin.

"Pumasok ka na Miss Dela Vega. You can go, Mr. Dela Cruz," sabi ni Ace sa 'min ni
Ryan. Pero bago ako pumasok sa loob, bumaling pa 'ko kay Ryan at nginitian siya. At
noong nasa loob na 'ko, lahat ng classmates ko ay sa akin nakatingin. Bakit? May
ginawa ba 'kong mali o masama?

Ah, alam ko na! First time in the history kasi na may pinapasok siyang late.

***

Nakatayo si Sir Lee sa harap habang nakatingin sa aming lahat. Nagqu-quiz kasi
kami. Hindi nga namin inexpect na may quiz kami ngayon. Basta noong pagkatapos niya
'kong papasukin at noong pumasok na rin siya, bigla na lang niyang sinabing, 'get
one whole sheet of paper!' At syempre nganga kaming lahat dahil ang ipina-quiz pa
niya ay 'yong idi-discuss pa lang dapat niya sa amin ngayon.

'Yong iba kong kaklase ay nagsasagot na. Ako naman nagsusulat pa lang ng pangalan
ko. Hindi ako makapag concentrate dahil sa tiyan ko na kanina pa nag-aalarm.

"Take your time, 'wag niyong madaliin ang pagsasagot," sabi ni Ace na ngayon ay
lumalakad paikot sa aming lahat. Napansin ko nga na nagmamadali 'yong iba. "Ang
pagsasagot sa math problem, parang pagbaba sa hagdan." Nagulat agad ako sa sinabi
niya kaya nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Kung magmamadali kayo pwede kayong
magkamali at bumagsak," he continued. Nasa bandang likuran ko na siya. Sa lahat ba
naman ng p'wedeng gawing example, 'yong pagkahulog pa sa hagdan. Nang-aasar ba
siya?

"Pero 'di ba sir, mas madaling bumaba sa hagdan kaysa sagutan 'tong math problem?"
tanong ko habang nakatingin sa papel ko. Lumakad si Ace at huminto sa tapat ko.

"Exactly!" he started. "Mas madali ngang bumaba sa hagdan kaysa i-solve ang math
problem. Pero bakit may nahuhulog pa rin?" Inangat ko 'yong ulo ko para tingnan
siya. "Katulad ng ginagawa ng iba sa inyo ngayon, na nagmamadali sa pagsasagot. I'm
sure mayroong mga mali sa sinusulat n'yo ngayon," he continued. "Naiintindihan mo
na ba ang ibig kong sabihin? Ms Dela Vega?" nang-aasar niyang tanong.

"Yes, sir. Maliwanag pa sa sikat ng araw ang pagkaintindi ko sa mga sinabi mo. Kaya
sa susunod hindi na rin ako magmamadaling bumaba sa hagdan para hindi ako bumagsak
at masaktan," dire-diretso kong sabi. "At about sa pagsasagot, hindi rin ako
magmamadali para sure ang maging sagot ko."

"Alam kong hindi ka talaga nagmamadali, dahil wala ka pa naman nasasagutan kahit
isa sa mga problem na ibinigay ko." Biglang nagtawanan ang mga kaklase ko dahil sa
sinabi niya.

"Quiet!" inis kong sigaw sa kanila.

Bumalik na ulit si Sir sa harap at umupo sa chair niya. Tahimik na ulit ang buong
room.

Nakatingin lang ako sa kaniya habang nanggigigil. Gutom pa naman ako ngayon tapos
ginano'n niya 'ko! Huh! Humanda ka mamaya sa bahay!

Isasantabi ko muna 'yong pagkatakot ko sa'yo dahil sa pagiging istrikto mo!


Chapter 04. Allergy

KEYCEE'S POV

After ng math class, nagklase pa kami sa Physics. Pagkatapos ng Physics, break time
na. Kasama ko si Ryza at Christia. Lumabas kami sa room pero may tumawag sa
pangalan ko.

"Si Ryan, oh," sabi ni Ryza habang nakatanaw sa papalapit na si Ryan.

"Ayiiiieeee!" pang-aasar naman sa 'kin ni Christia sabay sundot sa tagliran ko.

"Excuse me, p'wede ko bang hiramin muna si Keycee?" tanong ni Ryan paglapit niya sa
amin. He still has those charismatic smiles on his face.

"Ano ka ba! Syempre naman! Kung gusto mo sa'yo na lang siya, kahit 'wag mo ng
ibalik," sabi ni Ryza at nagtawanan pa sila.

"Hoy, ano ba kayo?!" saway ko sa kanila. Natawa naman din si Ryan.

"Sige. Una na kami sa cafeteria. Maiwan na namin kayo." Nagpaalam na sila sa amin
ni Ryan.

"Ano nga pa lang kailangan mo?" tanong ko no'ng kami na lang dalawa ang magkasama.

"Ikaw," he said without hesitation.

"Ha?" kumunot naman ang noo ko.

"Wala, halika na nga. Samahan mo na lang ako." Hinila na niya ako kung saan. Wala
na 'kong nagawa kun'di ang sumunod sa paglakad niya.

"Sa'n ba tayo pupunta?" tanong ko. Huminto siya sa paglalakad at humarap sa 'kin.

"Wag kang magagalit, ah. Pero...p'wede bang mag audition ka? Please...?"

"Audition saan?"

"Malapit na kasi ang intrams. Searching for muse na sila. 'Yong muse na mapipili,
siya ang magiging kasama namin kapag lumaban kami sa ibang school," he elaborated.

"Pero bakit ako?" I asked, confused.

"Ikaw lang kasi ang nakikita kong maganda sa buong school." Speechless mode muna
'ko. Ang sarap sa pakiramdam na marinig 'yon galing sa kaniya. But I don't know if
he's being serious or what. "Ano payag ka na?"

"Ah, eh...p'wedeng pag-isipan ko muna?"

"Kapag pinag-isipan mo pa baka tumanggi ka lang. Kung pipilitin kita ngayon wala ka
ng choice," he said and smiled again.

Sh*t. Ang g'wapo!


Pero papayag ba 'ko? Paano kapag nalaman 'to ni Ace? Teka. Bakit ko nga ba siya
iniisip? Wala naman pakialam sa akin 'yon. Hindi niya rin naman pinapakialaman
'yong mga ginagawa ko.

"Pag-iisipan ko muna," I told Ryan and that made him sigh.

"Akala ko pa naman mapipilit kita. Pero okay lang. Tara kain na lang tayo." Hinila
niya ulit ako papunta sa cafeteria.

Pagdating namin doon inaasar na naman kami ni Ryza at Christia.

"Bro, bago mo?" tanong ng isang lalaki kay Ryan pero hindi niya 'yon sinagot at
nag-smile lang siya.

Nakaupo kami sa table ni Christia at Ryza, magkatabi kami ni Ryan. "Aminin niyo
nga," tumingin kami pareho ni Ryan kay Christia. "Ano'ng mayro'n sa inyong dalawa?"
tanong niya.

"Wala," sagot ko. Si Ryan naman tahimik lang.

"Ikaw lang ang sumagot Keycee. Gusto rin namin malaman ang sagot ni Ryan, at saka,
'di ba matagal mo na s'yang crush?" Nagulat si Ryan sa sinabi ni Ryza, kahit ako
nagulat rin.

Tiningnan ko nang masama si Ryza at sinenyasan ko siya na bawiin ang sinabi niya.
Hindi talaga mapagkakatiwalaan sa sikreto 'tong si Ryza. Kapag nangati ang bibig,
ilalaglag ka na. Ang hirap nang may kaibigang kampon ni satanas.

"Totoo?" tanong ni Ryan nang humarap siya sa akin. Hindi ako nakasagot. Hay!
Pahamak talaga 'tong dalawang to! Kainis! "Matagal mo na ba talaga 'kong gusto?"
Hindi pa rin makapaniwala si Ryan.

Kinuha ko 'yong inumin ni Christia at mabilis na tinungga 'yon. Pagkatapos kong


magpakabusog sa tubig, tiningnan ko siya. "Magagalit ka ba kung malaman mong oo?"
nahihiya kong tanong.

"Hindi," he smiled.

"Tama sila. Gusto nga kita," I confessed.

"It's an honour for me. I like you too." Ako naman ang natulala. Hindi nga? Biglang
nag-ingay si Ryza at Christia. Inaasar nila kami kaya naman pati ibang mga
estudyante ay sa amin na nakatingin. "I said I like you too. Will you be my girl?"

Oh no! Am I dreaming? Is this real?

Bigla akong nakarinig ng sigawan sa paligid namin.

"SAY YES! SAY YES! SAY YES! SAY YES!" sigaw nilang lahat.

Teka? Paano na? Ano'ng gagawin ko? Bakit parang ang bilis naman yata? Matagal ko na
nga siyang crush pero kanina lang kami nagkausap sa personal, noong tinulungan niya
ako papunta sa room. Tapos ngayon tinatanong na niya 'ko nang ganitong bagay?

"SAY YES! SAY YES! SAY YES! SAY YES!!!" Hindi pa rin sila tumitigil sa sigawan.

Kung hindi ako sasagot magiging kahiya-hiya si Ryan sa lahat. Kung sasagot naman
ako...paano si Ace?
"Will you?" tanong ulit ni Ryan tapos hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa
mesa.

Mahilig naman ako sa bahala kaya...

BAHALA NA.

"Y-yes," nahihiya kong sabi sabay yuko.

Lalo pang nagsigawan ang mga estudyante sa paligid namin. Si Ryza at Christia naman
halos himatayin sa kilig. Pero nahihiya ako sa sarili ko, ni hindi man lang ako
nagpaligaw, oo agad? Ang kinatatakot ko pa, paano kapag nalaman nila na may asawa
na 'ko?

***

Nakangiti akong pumasok sa bahay habang napapa-humming pa.

"Mukhang masaya ka, hija. Mayroon bang magandang nangyari?" tanong sa 'kin ni yaya
kaya huminto ako.

"Wala naman po," sagot ko sa kaniya habang nakangiti pa rin.

Kung p'wede ko lang sanang sabihin, baka kanina ko pa ginawa. Pero inaalala ko pa
rin si Ace. Paano kaya kapag nalaman niya 'to? Pero kung ako ang tatanungin
niyo...masaya 'ko. It's Ryan Dela Cruz, hello!

Papasok na ako ng kwarto nang biglang bumukas ang pinto ng room ni Ace. Pareho
kaming natigilan at napatingin sa isa't-isa. Magkatabi lang kasi ang kwarto namin.
Actually nga dapat one room lang kaming dalawa dahil 'yon ang gusto ng lolo niya.
Kaya lang ayaw namin pareho na magsama kaya nag-decide kami na separate rooms na
lang. At dito sa katabi ng room niya ako pinag-stay para mabilis akong makalipat sa
kwarto niya tuwing pupunta rito ang lolo niya.

Gusto ko sana siyang batiin man lang, hi or hello, pero di 'ko magawa kasi nahihiya
ako sa kaniya, and since hindi niya rin naman ako binati kaya dimiretso na lang ako
sa kwarto ko. Sa tingin ko naman wala pa siyang alam sa nangyari kanina. Sana lang
'wag niyang malaman. Ayoko naman siyang lokohin pero wala akong choice kanina.
Mayroon man akong choice but, it's only yes or yes. Kaya naman YES ang lumabas sa
bibig ko dahil ayoko rin mapahiya si Ryan. Besides, 'yon naman talaga ang gusto
kong mangyari dati pa.

Nakadukdok na naman ako sa study table pero hindi ako nag-iisip ng kung anu-ano
dahil kinikilig ako. Hindi talaga ako makapaniwala.

Iniangat ko na lang ang ulo ko at humarap sa loptop ko. Nag-open ako ng social
media account at nag-post ako ng selfie ko with a caption; Good evening.

At laking gulat ko nang sunud-sunod ang nag-react sa post ko at bahain 'yon ng


comment. Isa-isa kong binasa 'yong mga comment nila.

"Totoo ba na kayo na ni Ryan?"

"Congratulations to the new girlfriend!"

"Swerte mo girl."

"Kaya pala blooming, may inspiration."


"Totoo ba ang balita na kayo na?"

"Kakabreak lang namin, kayo na agad? Such a player."

"Ryan is mine. Just so you know."

"Congrats, girl!"

Hindi ko na kinaya pa na basahin ang ibang comment dahil bigla akong nataranta nang
maisip kong maaaring makita ni Ace ang mga 'yon.

Nagsunud-sunod pa ang notifications ko na lalong naging dahilan para mataranta ako.

Ano kayang ginagawa ni Ace? Nabasa na niya kaya 'yong mga comment?

Dali-dali akong lumabas ng kwarto at tumapat sa pinto ng room niya. Wala akong
naririnig na kahit ano sa loob. Tulog na kaya siya?

Pinihit ko 'yong doorknob at sumilip sa loob. Nasaan kaya siya?

Bigla kong narinig ang tunog ng tubig sa bathroom niya. He's showering. Ibig
sabihin ba hindi pa niya nakikita? Iginala ko 'yong tingin ko sa loob ng room niya
at natanaw ko 'yong phone niya sa kama. Kung hindi niya pa nababasa 'yong mga
comment, kailangan ko ng gumawa ng paraan.

Kailangan mahawakan ko ang phone niya at i-unfriend ang sarili ko sa account niya,
or maybe i-block? I shook my head in disagreement. No. Masyadong obvious kapag
blocked ang ginawa ko. I will unfriend myself na lang using his account para hindi
niya makita 'yong mga comment or post ko in the future.

Dahan-dahan akong pumasok sa kwarto niya at lumapit sa kama. Kinuha ko agad 'yong
phone niya para gawin ang misyon ko.

And shocks! May code! Paano ko 'to mabubuksan ngayon? Hindi ko alam ang password
niya.

Think, Keycee. Think!

Ano ba'ng p'wede niyang maging password? Naririnig ko pa rin and lagaslas ng tubig
sa bathroom kaya sure ako na hindi pa siya tapos. Birthday niya kaya? P'wede naman
'yon diba? Pero kailan ba 'yong birthday niya? Ang malas ko! Ni birthday ng sarili
kong asawa, hindi ko alam. Eh, kung birthday ko kaya? Tsk. Masyado naman yata akong
assuming? Pero try ko rin baka p'wede.

Tinype ko na ang numerong 0805. Meaning August 05. At nagulat ako nang bumukas
'yon. Birthday ko nga 'yong code niya. Pero bakit? Who am I to deserve this?

Hindi ko muna inintindi 'yon at inasikaso ko muna ang talagang misyon ko kung bakit
ako narito. Nang ma-open ko na ang social media account niya ay agad kong sinearch
ang sarili ko para i-unfriend.

"Mission accomplished," bulong ko.

Lumabas na agad ako sa kwarto niya at bumalik sa kwarto ko. Pabagsak akong humiga
sa kama. Kinabahan ako do'n. Buti na lang hindi niya ako nahuli. Pero...0805? Bakit
niya ginawang code ang birthday ko? Feeling ko tuloy napakawalang kwenta kong tao
dahil hindi ko man lang alam kung kailan ang birthday niya. Samantalang 'yong sa
akin, ginawa pa niyang code sa phone niya.
Nakahiga pa rin ako sa kama nang marinig ko ang pagkatok ni yaya sa kwarto ko.

"Keycee dinner na." Agad naman akong lumabas at bumaba sa dining area. Hindi pa
bumababa si Ace kaya kami pa lang ni Yaya Miranda ang magkasama.

Nakita kong may inaalis si yaya sa ulam. "Bakit niyo po inaalis 'yan?" tanong ko.

"Hindi kasi kumakain si Ace ng carrots," sagot ni yaya. Menudo na naman kasi ang
ulam. Magkasunod na araw na kaming nag-ulam ng menudo at mukhang hindi nagsasaawa
si Ace. Pero bakit kaya hindi siya kumakain ng carrots? Samantalang ako kinakain ko
pa 'yon nang hilaw minsan. Nang umalis si yaya para kumuha ng tubig sa
refrigerator, may naisip agad akong kapilyahan. Tiningnan ko ang paligid ko. Wala
pa si Ace. Si yaya naman ay nakatalikod pa rin sa 'kin. Tumayo agad ako sa upuan ko
at pumunta sa pwesto ni Ace. May kanin na sa plate niya kaya kumuha ako ng ilang
pirasong carrots. Tinabunan ko 'yon sa ilalim ng kanin ni Ace. Ito na ang magiging
ganti ko dahil sa ginawa mo sa 'kin kanina na pagpapahiya sa room. Bumalik agad ako
sa upuan ko at nagkunwaring kumakain. Naramdaman ko na si Ace na papalapit dahil sa
footsteps niya. Agad siyang pumunta sa pwesto niya. Si yaya naman ay laging hindi
sumasabay sa amin kaya kami lang dalawa ang magkaharap. Nakita kong sumubo na si
Ace mula sa plato niya. Tumingin siya sa 'kin bigla kaya agad akong yumuko para
ituon ang atensyon ko sa sarili kong pagkain. "Kumakain ka na pala Ace," sabi ni
yaya nang makalapit siya sa amin. Sinalinan niya kami ng juice ni Ace sa baso.
Nakita ko 'yong sumunod na sinubo ni Ace at nasama ro'n 'yong carrots na nilagay ko
sa plato niya. "Okay na 'yang pagkain mo, natanggal ko na ang carrots. Alam ko
naman na allergy ka ro'n."

Susubo na sana 'ko nang mabitawan ko ang hawak ko na kutsara dahil sa sinabi ni
Yaya Miranda.

Allergy siya?

Tumayo agad ako sa upuan ko at mabilis na pumunta sa pwesto ni Ace. "Iluwa mo!"
utos ko sa kaniya habang nakahawak ang isa kong kamay sa chin niya at 'yong isa
naman nakahawak sa labi niya para mabuksan ko ang bibig niya.

"What are you doing?!" inis niyang tinabig ang kamay ko. Pati si yaya ay labis ang
pagtataka habang nakatingin sa 'min.

"Basta iluwa mo!" pinalo-palo ko pa siya sa likod. "May carrots kasi d'yan!"

"Narinig mo si yaya, 'di ba? Tinanggal na niya," sagot niya. Tinuloy na niya ulit
ang pagkain. Habang pabalik ako sa pwesto ko, nakatingin pa rin ako sa kaniya.
Hindi ko naman alam na allergy pala siya do'n. Akala ko maarte lang talaga siya sa
pagkain.

***

Kahit na gaano kasarap ang tulog ko nagising pa rin ako dahil sa ingay na naririnig
ko mula sa kwarto ni Ace. Kanina pa kasi siya ubo nang ubo. Tiningnan ko ang oras
sa cell phone ko and it's past eleven. Kailan pa siya nagkaroon ng ubo?

Bumangon ako sa kama at lumabas ng kwarto. Paglabas ko sa pinto sakto rin ang
paglabas niya kaya nagkatapat kami. At nagulat ako sa itsura niya. Pawis na pawis
siya tapos parang nanghihina. Ubo pa rin siya nang ubo.

Lumapit agad ako sa kaniya at pumwesto sa harapan niya. Hahawakan ko pa lang sana
siya sa forehead para i-check kung mayroon ba siyang lagnat, nang bigla siyang
bumagsak sa 'kin. Pati tuloy ako bumagsak rin sa floor dahil sa bigat niya.
"Ace, ano ba'ng nangyayari sa'yo? Tumayo ka," utos ko sa kaniya dahil alam ko na
kahit papaano ay may malay pa siya dahil sa pag-ubo niya. Itinulak ko siya para
makaalis sa ibabaw ko. Umupo ako at hinawakan siya sa noo. Wala naman siyang
lagnat. "Ace? Ace? Sir Lee? ACE LEE!" sunud-sunod kong tawag sa kaniya pero hindi
siya sumasagot. Bumaba agad ako para tawagin si Yaya Miranda sa kwarto niya. "Ya,
si Ace po!" Nagulat pa si yaya sa pag sigaw ko.

"Bakit? Ano'ng nangyari?"

"Hindi ko po alam," bumangon agad si yaya at sinamahan akong umakyat sa taas.

At habang paakyat kami, hindi ko maiwasang makunsensya dahil parang alam ko na kung
ano'ng dahilan.

'Yong nilagay kong carrots.

***

VOTE - COMMENT - FOLLOW

Chapter 05. Indirect Kiss

KEYCEE'S POV

Nasa classroom kami at may exercises kaming sinasagutan sa book. Si Ace naman
nakaupo sa upuan niya. Naka-cover ng panyo 'yong bibig niya dahil paminsan-minsan
ay umuubo pa rin siya. Pumasok pa rin kasi siya kahit na ganito ang sitwasyon niya.
Hindi ko naman kasi alam na allergy pala siya sa carrots at gano'n ang nagiging
effect sa kaniya. Buti na lang natawagan agad ni yaya ang doctor niya.

Hindi ako mapakali sa upuan ko dahil narinig ko na naman siyang umubo, pero medyo
mahina na lang at hindi na kasing dalas katulad kagabi.

Tiningnan ko 'yong papel ko at wala pa akong nasasagutan kahit isa dahil nag-aalala
pa rin ako sa kaniya.

Noong marinig ko na naman siyang umubo ay agad kong kinuha ang phone ko sa bag at
patagong nag-type ng message sa kaniya.

"Ayos ka lang ba?" I was about to send it nang maalala ko 'yong sinabi niya sa amin
noong first day of school regarding sa paggamit ng phone sa klase.

Bawal kayong gumamit ng cell phone sa klase ko unless makita niyo 'kong nagce-cell
phone. 'Yon ang sinabi niya dati, at kapag may nahuli siyang gumagamit ng phone
during class, pinapatayo niya sa likod at lalagyan niya ng tig-dalawang
encyclopedia sa magkabilang kamay habang nakadipa.

Napailing na lang ako nang ma-imagine ko ang sarili ko sa gaanong sitwasyon.


Nakadipa with encyclopedia sa kamay.
Pero paano 'yon? Hindi ako makapag-concentrate nang dahil sa kaniya. Tulad ngayon,
narinig ko na naman siyang umubo. Napailing na lang ako sabay bulong ng bahala na
at saka ko sinend ang message ko sa kaniya.

Pinagmasdam ko siya habang nakatingin siya sa labas ng room. Hindi niya alam na
nag-text ako. Paano na? Hindi niya rin 'yon mababasa. Hihintayin ko na lang siyang
tumingin sa 'kin.

Maya-maya pa, umikot ulit ang tingin niya sa 'min. Nang sa akin na siya nakatingin,
bahagya 'kong itinaas ang kamay ko at ipinakita ang cell phone ko. Sumenyas ako na
nagtext ako sa kaniya. Pagbaba ko ng kamay ko, nakita kong kinuha niya 'yong phone
niya sa bulsa ng pants niya at binasa ang text ko.

"Just mind your own thing!" He replied quickly.

I texted him again saying, "Gusto ko lang malaman kung okay ka ba?"

"Sagutan mo na lang ang pinapagawa ko!" He replied again. Kahit sa text ay para
bang naririnig ko pa rin ang boses niyang nagagalit.

"Paano naman ako makakapag sagot? Nag-aalala 'ko sa'yo. Hindi ako makapag-
concentrate." Matagal siyang hindi nag-reply pero alam kong nabasa niya ang text ko
dahil nakatingin siya sa screen ng phone niya.

"Miss Dela Vega, turn off your phone," sabi niya sa akin na naging dahilan para
magtinginan na naman sa 'kin ang lahat ng classmates ko.

"Just give me a seconds, sir. Emergency lang po," sabi ko at nagtext ulit sa
kaniya. Narinig ko na naman siyang umubo habang nagta-type ako ng message.

"Kapag sinabi mo na okay ka na, saka pa lang ako matatahimik." I sent it.

"I'm okay. Just finish your work," reply niya.

Tinabi ko na 'yong cell phone ko at tiningnan ko ulit siya. Kahit sinabi niyang
okay na siya, parang hindi pa rin. Magsasagot na sana ako pero narinig ko na naman
siyang umubo kaya tumayo na ako at lumapit sa kaniya.

"Sir, may I go out?" tiningnan niya 'ko nang may paagtataka. "I'll be back in..."
tumingin ako sa relo ko, "in twenty minutes," I continued. Nagtinginan ulit ang mga
kaklase ko sa akin. Oo nga naman, sino ba naman ang teacher na papayag na lumabas
ang estudyante niya at bumalik after twenty minutes? "Fifteen minutes, sir?"
Sinubukan kong tumawad ng five minutes pero mukhang hindi pa rin siya payag. "Sige
na po, sir," I begged. Umiling siya at pinabalik ako sa upuan ko. Pero dahil
worried talaga 'ko sa kaniya kaya naman mabilis akong tumakbo palabas. "Promise
sir, I'll be back in fifteen minutes!" sigaw ko noong nasa labas na ako.

Mabilis akong tumakbo papunta sa gate. Wala akong choice kung hindi ang sumakay ng
tricycle kahit ayaw ko. Pinabilisan ko ang pagda-drive ni manong para makauwi agad
ako sa amin. "Yaya! Yaya! Yaya Miranda?!" sigaw ko pagdating sa bahay.

"Oh, hija, bakit napasugod ka agad nang ganito kaaga?" nagtatakang tanong ni yaya
nang lapitan niya 'ko.

"Mayroon po bang gamot si Ace sa allergy niya? 'Yong makakawala po ng ubo niya?"
natataranta kong tanong.

"Bakit may nangyari na naman ba?" Bakas rin sa mukha niya ang pag-aalala.
"Wala po, pero sa tingin ko kailangan niya ulit uminom ng gamot."

"Ang alam ko nasa kwarto niya 'yon."

Hindi raw alam ni yaya kung saan ang eksaktong pinaglalagyan no'n kaya umakyat na
lang ako para hanapin. Mag e-explain na lang ako sa kaniya mamaya kapag nagtanong
siya kung bakit parang ginyera ang kwarto niya.

Noong mahanap ko na ang gamot ni Ace ay nagmadali na akong bumaba. Hindi na 'ko
nakapagpaalam kay yaya dahil sa pagmamadali ko. Kailangan ko pa rin tuparin 'yong
pangako ko na fifteen minutes.

ACE'S POV

"Paano naman ako makakapagsagot? Nag-aalala 'ko sa'yo. Hindi ako makapag
concentrate."

Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko sa kaniya kaya hindi ko na lang siya
nireplyan. Alam kong nag-aalala talaga siya sa 'kin dahil kagabi pa lang hindi na
niya alam ang gagawin nang makita niya ang nangyari sa 'kin.

Hindi rin sana ako papasok ngayon pero narinig ko ang pag-uusap nila ni Yaya
Miranda kaninang umaga. Nakikiusap siya kay yaya na pilitin ako na huwag na lang
pumasok at hindi rin daw siya papasok para bantayan at alagaan ako since siya naman
ang may kasalanan sa nangyari sa 'kin.

I don't want her to missed her class just because of me, especially their exam is
coming up. Kaya kahit hindi maganda ang pakiramdam ko, pinilit kong pumasok para
hindi na rin siya umabsent.

"Miss Dela Vega, turn off your phone," I said, giving her a warning look.

"Just give me a seconds, sir. Emergency lang po," giit niya.

Ilang sandali pa, muling nag-vibrate ang cell phone ko at binasa ang text niya.
"Kapag sinabi mo na okay ka na saka pa lang ako matatahimik."

"I'm okay. Just finish your work." I replied.

Ayaw ko rin siyang makitang nag-aalala dahil lalo itong nawawala sa focus kaya
sinabi ko na lang na okay ako. Pero ilang sandali pa, bigla siyang tumayo at
lumapit sa 'kin.

"Sir, may I go out?" tiningnan ko lang siya. "I'll be back in..." she turned to her
wristwatch. "in twenty minutes," I furrowed my eyebrows. No. "Fifteen minutes,
sir?" pangungulit niya. Hindi ko alam kung saan siya pupunta at gano'n katagal ang
hinihingi niyang oras. At dahil hirap akong magsalita, umiling na lang ako bilang
pagtugon sa kaniya at sinenyasahan siya na bumalik sa sarili niyang upuan. Akala ko
susundin niya ako pero nagulat ako nang bigla siyang tumakbo palabas sa classroom.
"Promise sir, I'll be back in fifteen minutes!"

KEYCEE'S POV

Pagkatapos kong bayaran ang tricycle na sinakyan ko, mabilis na akong tumakbo
pabalik sa room.

Pagpasok ko sa room ni sir Ace, wala na 'yong mga kaklase ko. Oo nga pala, Physics
na!
Lumapit agad ako kay Sir Ace. "Sir...'yong gamot...mo!" I said in between my heavy
breathings. Daig ko pa ang kabayong nakipagkarera sa Edsa kung hingalin.

"Bakit ka pa umuwi?" tanong niya sa 'kin.

"Ayaw kasing huminto nang ubo mo," I replied as I walked towards my seat. Kinuha ko
ang bag ko at inilabas ko 'yong tumbler na may tubig at saka ulit ako lumapit para
iabot 'yon sa kaniya.

"Tungkol sa pag-alis mo nang walang permission ko-"

"I know sir, I know," I cut him off. Sa tono niya kasi alam ko na agad na kailangan
kong tumanggap ng parusa. "Sa bahay mo na lang ako parusahan. Sa ngayon kailangan
mo munang inumin ang gamot mo," I said. Medyo hinihingal pa rin ako dahil sa
pagtakbo.

Inilagay na niya 'yong gamot sa bibig niya at uminom ng tubig. Pagkatapos ay agad
niyang ibinalik sa 'kin ang tumbler ko. "Alam mo sir, ginamit ko 'tong tumbler
kanina. Kaya para na rin tayong nag-kiss. Indirect kiss," sabi ko kay Sir Ace
habang natatawa. Tiningnan niya lang ako nang walang ka-emo-emosyon.

"Go to your next class," utos niya sa 'kin.

"Sige po," I responded, smiling. Masaya 'ko dahil nakainom na siya ng gamot at
least hindi na ako masyadong mag-aalala sa kaniya.

"Wait," tawag niya sa 'kin no'ng malapit na 'ko sa pintuan para lumabas. Nang
humarap ako sa kaniya, agad niyang hinagis sa akin 'yong panyo niya. "Pawis mo."

"Thank you, sir." I smiled again bago ako tuluyang lumabas sa room niya.

Umakyat na ako ng second floor para sa Physics namin. Buti na lang before dismissal
nagche-check ng attendance ang teacher namin do'n kaya hindi ako maa-absent.

Pagkatapos no'ng huling klase namin naisipan ko na itext si Sir Ace. "Okay ka na?
Nasa bahay ka na ba?"

Hinintay ko siyang mag-reply pero wala akong natanggap kaya pinuntahan ko 'yong
room niya.

Wala din siya ro'n. Nasa'n kaya siya? I texted him again. "Sir, bakit wala ka sa
room mo? Nasaan ka ba?"

Still no response kaya hinanap ko siya kahit saan. Sa library, sa cafeteria, sa


faculty room, sa admin building, etc. Tinext ko ulit siya pero hindi na naman siya
nag-reply.

Nasaan na ba siya? Hindi kaya namatay na siya kakaubo? Baka may dugo na lumabas sa
bibig niya, hindi kaya? Pero imposible naman 'yon dahil napainom ko na siya ng
gamot.

Ace, nasaan ka na ba? Hindi mo ba alam na nag aalala ko? Bulong ko sa isip ko.

Tinawagan ko si Yaya Miranda at tinanong kung nasa bahay na si Ace, pero wala pa
raw.

Naisipan kong magtanong sa student assistant na nakita ko sa faculty room at sinabi


nila sa akin na nakita raw nila na pumasok sa sariling office si Sir Ace.
'Di ba nga lolo niya ang owner ng school kaya naman mayroon siyang special office
dito. Pero hindi pa ako nakakapasok do'n kahit minsan. Wala kasi akong lakas ng
loob. Pumunta agad ako sa office niya. Sa third floor pa 'yon kaya sumakit ang
binti ko lalo na at tumakbo pa ako kanina.

Pagdating ko sa office ni Sir Ace, hinarang agad ako ng guard na naka-duty at


binawalan akong pumasok. Hindi raw p'wedeng pumasok ang mga estudyante sa office na
'to dahil mahigpit daw na bilin 'yon ni Ace sa kaniya.

Nag-isip ako nang magandang palusot at sinabi ko na may importanteng ibinilin sa


'kin si Ace. Nang tanungin niya ako kung ano ang bilin ni Ace, hindi ako nakasagot.
Pero agad kong dinukot ang bulsa ko para kuhanin ang panyo ni Ace na hinagis niya
sa 'kin kanina.

"Dalhin ko raw po sa kan'ya 'tong panyo niya," sagot ko sa guard. "Ako raw po ang
magdala at tuloy ipapadala niya raw sa 'kin 'yong mga quiz namin kanina para
ipamigay sa mga kaklase ko," I lied. Mukhang napaniwala ko naman siya kaya agad
niyang binuksan ang pinto para makapasok ako. "Sir Lee," tawag ko sa kaniya noong
nasa loob na 'ko nang maluwang niyang office. "Sir Ace?" I called again. Wala pa
rin sumasagot. "Ace?"

Iginala ko ang paningin ko. Wala siya sa desk niya, wala rin sa couch. Akala ko ba
nandito siya sabi ng student assistant at saka no'ng guard?

Dahil sa sobrang luwang at sobrang laki nang office niya, kailangan ko pang gumala-
gala sa loob para matunton kung saan siya nagtatago.

May isang pinto pa akong nakita sa loob ng office niya kaya lumapit ako ro'n para
buksan. At pagsilip ko sa loob nagulat ako sa nakita ko.

O_______O

***

VOTE - COMMENT - FOLLOW

Chapter 06. The Visitors

KEYCEE'S POV

Almost one week ko nang hindi pinapansin si Ace simula nang magpunta ako sa office
niya. Hindi rin naman niya ako kinakausap kaya quits lang kaming dalawa. Isa pa,
malapit na ang examination week kaya pareho kaming busy.

Sa math lang ako bobo pero sa ibang subject pumapasa naman ako lalo na kapag
nagrereview. Tulad ngayon, nakaharap ako sa laptop ko habang binabasa 'yong mga
ipinadala ni Ryza at Christia na reviewer sa email ko.

Bigla akong nakaramdam ng uhaw kaya naisipan ko munang lumabas para kumuha ng
tubig. Pagbukas ko sa pinto, nakita ko si Ace, palabas din. Nagkasabay na naman
kami. I put my arms under my chest and rolled my eyes as I walked past him.
Nakakainis talaga siya!
Naramdaman ko rin ang pagbaba ni Ace. Pareho kami ng direksyon at nagkasabay pa
kaming pumunta sa harap ng refrigerator, pero walang gustong magbukas no'n sa amin.
Hinihintay ko siya na mauna na lang pero mukhang gano'n rin ang plano niya.

Nang hindi pa rin siya kumikilos ay ako na ang nauna, pero bigla rin siyang kumilos
kaya nagkasabay kami at nahawakan niya 'yong kamay ko. Agad ko 'yon binawi at inis
akong nagmartsa pabalik sa kwarto ko. Hindi na lang ako iinom. Hihintayin ko na
lang na ma-dehydrate ako hanggang sa mamatay ako.

Pabagsak akong nahiga sa kama at nagtago sa loob ng kumot at pumikit. Unti-unti na


akong nakakaramdam ng antok nang biglang may kumatok sa pinto. Narinig ko 'yon na
bumukas.

"Are you asleep?" boses ni Ace ang narinig ko. "Keycee, what happened?" he asked
again. Pero mataas ang pride ko kaya hindi ako umalis sa ilalim ng kumot. Alam kong
nakatayo siya sa gilid ng bed ko kaya nagpanggap pa rin akong tulog. "Keycee, may
problema ba? Why are you avoiding me?" Dahil feeling ako ay wala siyang balak
tantanan ako kaya napilitan na 'kong sumagot, pero tipid lang.

"Wala."

"I know you. You wouldn't act like that for no reason. Something must have
happened. Tell me." Napabuntong-hininga ako dahil sa sinabi niya. This time
tinanggal ko na ang kumot na nakatakip sa mukha ko at bumangon para harapin siya.

"P'wede bang kahit ngayon lang ako naman ang maging masungit?" inis kong sabi.
"Noong time na may allergy ka, alam ko na ako ang may kasalanan no'n! Inaamin ko!
But do you know how much I think of you? Hindi ako mapakali dahil akala ko
mamamatay ka na! Pero—" I let out a deep sigh para pigilan ang inis ko. Kalma,
Keycee. Kalma.

"Pero...what?" curious niyang tanong sa 'kin. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya


bago ituloy ang sasabihin ko.

"No'ng pumunta ako sa office mo," I started.

"Office ko?" kumunot ang noo niya. Oo, hindi niya alam na nagpunta 'ko dahil umalis
rin agad ako no'ng time na 'yon. "You went to my office?"

"Yes. I did. I was so worried about you that I couldn't calmed myself down, so I
went to your office that time to check on you if you're okay but you were sleeping
like a prince!" Binato ko siya ng unan dahil sa inis ko nang maalala ko ang time na
'yon. Imagine, nilibot ko na yata ang buong campus para lang hanapin siya. Tumakbo
pa ako nang tumakbo sa sobrang pag-aalala na baka namatay na siya sa kakaubo niya,
pero payapang-payapa lang pala siya sa office niya. "Your sleeping position was
like an alien position! Alam mo ba 'yon?!" Binato ko ulit sa kaniya 'yong isang
unan. "Alalang-alala 'ko sa'yo! Hinanap pa kita kung saan-saan tapos nasa office ka
lang pala at nagpapahinga na! Hindi mo man lang ako tinext at sinabing okay ka na.
Samantalang ako, kunsensyang-kusensya dahil sa nagawa ko. Napakasalbahe mo!"
mahabang litanya ko. Pakiramdam ko pulang-pula na ang mukha ko sa inis.

"That's it?" tanong niya habang nagpipigil ng tawa. At nakuha niya pa 'kong tawanan
ngayon?

"Get out, sir!" I said when I calmed down a bit. Nahiga na ulit ako at nagtalukbong
ng kumot at saka pumikit.

"Okay. Good night...Mrs Lee."


Good nightin mo mukha mo!

Napabalikwas bigla ako ng bangon no'ng ma-realized ko ang huli niyang sinabi. Mrs.
Lee? Parang may mali sa sinabi niya. Ano ba'ng tawag niya sa 'kin sa school? Miss
Dela Vega, 'di ba?

Dahan-dahan akong lumingon para tingnan siya pero nagulat ako dahil hindi pa pala
siya nakakalabas sa kwarto ko.

"Ano pa'ng ginagawa mo d'yan? 'Di ba sabi ko lumabas ka na?" Nakatayo pa rin siya
at nakatingin sa 'kin.

"Paano ba 'ko makakabawi sa'yo?" Natahimik ako napalunok sa sinabi niya. Babawi
siya? Paano nga ba? Teka. 'Di ba malapit na ang exam namin? Ah, alam ko na.
Magpapa-tutor na lang ako sa kaniya.

"'Di ba malapit na ang exam? Kung gusto mong makabawi, itu—"

"No. Not that," he said, cutting me off. "Anything you want except tutoring."

Agad naman akong sumimangot. "Sabi mo babawi ka? Paano kung 'yon lang ang way para
makabawi ka?"

"Hindi na lang ako babawi." Umirap ako dahil sa sinabi niya.

"Akala ko pa naman mabait ka na, hindi pa rin pala. Sige na, umalis ka na. No
thanks na lang sa sinasabi mong pagbawi!" Nahiga na ulit ako at tumalikod sa
kaniya. Naramdaman ko na rin ang paghakbang niya palabas pati ang pagbukas at sara
ng pinto.

Kainis lang! As in talagang ayaw niya 'kong i-tutor? HUH! Edi 'wag! As if naman
gusto ko talagang magpatutor sa kaniya!

***

Pagkatapos ng huli naming klase, nagpunta kami nila Ryza sa library, kasama rin
namin si Christia. Kung itatanong niyo kung ano ang nangyari sa math class ko? Edi
hayun, still strict pa rin si Sir Ace. Asa naman kayo na maging mabait pa 'yon.
'Yong pagiging mabait niya once in a blue moon lang. Tulad kagabi 'di ba, medyo
naging mabait siya. Pero nakakairita pa rin dahil ayaw niya 'kong itutor!

"Keycee, nag-review ka na ba sa math?" tanong sa 'kin ni Ryza. Nagbubuklat siya ng


libro.

"Hindi pa nga, e. Pero okay lang. Manghuhula na lang ako ng sagot," sabi ko habang
nakapangalumbaba.

"Gaga ka talaga! Hindi p'wedeng manghula do'n! Kailan ba nagbigay si Sir Ace ng
exam na multiple choices? Puro problem solving ang pinapa-exam niya, hello!"
litanya naman ni Christia habang nagre-retouch.

"At baka nakakalimutan mo, two seats apart tayo kaya wala tayong choice kun'di ang
mag-review talaga. Gustuhin man kasi natin mangopya, 'di natin abot ang langit
dahil malayo," sabi naman ni Ryza. Napabuntong-hininga na lang ako.

"Bahala na," sagot ko na lang sa kanilang dalawa. Kapag bumagsak ako sa math,
isusumbong ko na lang si Ace sa lolo niya at sasabihin ko na pinag-iinitan niya ako
kaya niya ako ibinagsak.
"'Yan naman ang lagi mong sinasabi, puro ka bahala na. Kapag bumagsak ka, bahala ka
rin! Basta kami magre-review!" si Ryza ulit.

Hindi na 'ko kumibo habang ipinagpatuloy naman nila ang pag-aaral. Akala mo naman
talaga mga seryoso sa buhay. Pero kapag exam na, lahat ng nireview nila
nakakalimutan rin nila.

Napabuntong-hininga na lang ako habang nakaupo at nag-iisip. Namimiss ko na si


Ryan. Hindi kami masyadong nagkikita dahil busy siya sa practice nila. Malapit na
kasi ang laban nila sa ibang school. 'Yong about sa searching ng muse nila, hindi
ako pumayag. Okay lang naman daw dahil mayro'n ng ilan na nag-audition.

Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko kaya kinuha ko 'yon sa bulsa ng palda ko.

"Come over to my office." Text ni Ace sa 'kin. Pero ano naman ang gagawin ko ro'n?
Hindi kaya nakunsensya na siya at naisipan na niya akong itutor? Napangiti ako nang
bahagya sa naisip ko.

Nagpaalam agad ako sa dalawa. Sinabi ko na bibili lang ako sa cafeteria. At dahil
napaniwala ko ang dalawang bruha, nagbilin pa sila at nagpapabili ng fries. Tumango
na lang ako para hindi nila ako pagdudahan.

Pagdating ko sa office ni Ace, hinarang ulit ako ng guard. Pero hindi para sitahin
like before. "Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa hinihintay ni sir."

"Galing pa po ako sa library," sagot ko na lang.

"Sige na, pumasok ka na."

Kumatok ako sa pinto pero walang sumasagot. Pinihit ko 'yong doorknob at sumilip.

"Come in," sabi niya nang maramdaman niya 'kong nakasilip. Pumasok ako at nakita ko
siyang may tinatype sa loptop niya. "Take a seat," he motioned the couch beside his
desk kaya naupo ako ro'n. Ano kaya'ng gagawin ko rito? Papanoorin ko lang siya?

"Sir, ano'ng ginagawa mo?" tanong ko sa kaniya. Mukha kasi siyang seryoso sa
ginagawa. Pero bakit naman niya 'ko papupuntahin dito kung may importante pala
siyang ginagawa?

"Exam nyo," he replied, his eyes still on his laptop screen.

"Talaga?" Tumayo agad ako at humakbang palapit sa kaniya. Pero bago pa ako tuluyang
makalapit ay agad na niyang ibinaling sa ibang direksyon 'yong laptop niya para
hindi ko 'yon makita. Pilit ko pa rin sinisilip 'yong ginagawa niya but he gave me
a warning look.

"Bakit mo ba 'ko tinawag, sir?" Bumalik na 'ko sa couch para maupo na lang ulit
dahil wala naman akong pag-asa na masilayan man lang 'yong exam na ginagawa niya.
Sayang.

"Si mommy, si dad at si lolo," he started.

"Ano?" tanong ko.

"Pupunta sila sa bahay mamaya." Nagulat ako sa sinabi niya.

"As in mamaya na talaga?!"

"Can you keep your voice down?" naiinis niyang sabi.


"Okay. Pero...pupunta talaga sila?" tanong ko ulit para masiguro na hindi siya
nagbibiro, at sinagot niya naman ako sa pamamagitan ng pagtango.

***

Sabay kaming umuwi ni Ace sa bahay. Baka kasi kung ano'ng isipin ng lolo niya kapag
hindi kami magkasama. Kilala ko 'yong lolo niya, sobrang bait sa 'kin no'n, pero
may times na masungit din. Depende sa hormones niya 'yong mood niya.

"Good evening, lolo." Lumapit ako sa lolo ni Ace at nagmano. Nakipagbeso naman sa
'kin ang mommy niya pati 'yong dad niya.

"Buti naman nakauwi na kayo. Akala ko magche-check in kayo sa hotel dahil ayaw niyo
kaming kasama rito," sabi ng lolo niya habang natatawa. Tiningnan ko si Ace pero
hindi siya nakatingin sa 'kin.

"Gabi na kasi kaya akala ni papa hindi na kayo makakauwi," sabi naman ng mommy ni
Ace.

Ginabi kami nang uwi dahil marami pang ginawa si Ace sa office niya. Gustuhin ko
man na umuwi mag-isa, hindi niya 'ko pinayagan dahil magagalit ang lolo niya kapag
nakitang hindi kami magkasabay.

Lumapit sa 'kin ang lolo ni Ace. "Kumusta ka na, iha? Hindi ka ba pinapahirapan ng
apo ko?" tanong niya habang inaakay ako papuntang kusina. Nilingon ko si Ace and
gave him a 'tulungan-mo-ako-please' look. Alam ko kasing hanggang mamaya na naman
ako dadaldalin ng lolo niya. Ang mga sinasabi lang naman ay gusto na raw niyang
magkaroon ng apo.

Waah! Kaya ayokong nagpupunta rito ang lolo ni Ace, e!

"Ayos lang naman po ako. S'ya nga pala, gabi na po," sumulyap ako sa relo ko, "baka
maabutan po kayo ng traffic." Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Ako na ang
gumagawa ng paraan para paalisin sila.

"Don't worry, iha, bukas pa naman kami uuwi."

"PO?!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Bakit? Ayaw mo ba na mag-stay dito ang lolo?"

"H-hindi naman po." I faked a laugh.

Dito sila magpapalipas ng gabi? So, paano 'yon? Kailangan namin magsama ni Ace sa
iisang kwarto?

***

VOTE - COMMENT - FOLLOW

Chapter 07. The Kissed

KEYCEE'S POV
"I knew this was gonna happen," bulong ko habang nakaupo sa kama ni Ace. Ano pa nga
ba? Edi pinagsama na naman kami ng lolo niya. Tiningnan ko si Ace at nakita ko na
busy pa rin siya sa pagta-type sa loptop. "Anong oras ka matatapos d'yan?" tanong
ko sa kaniya. Hindi siya sumagot at tinuloy lang ang ginagawa. "Matutulog na
'ko...sa kama mo, p'wede?" mahina kong tanong.

"Matulog ka kahit saan, 'wag lang sa kama ko," sagot niya bigla. I sighed. Kinuha
ko ang isang unan at lumipat ako sa couch na nasa loob lang din ng kwarto niya.
Ayoko naman makipagtalo dahil baka marinig kami ng lolo niya. Inayos ko ang unan sa
couch at doon ako nahiga. Wala man lang siyang pakialam sa 'kin at tuloy pa rin
siya sa ginagawa sa loptop niya.

Hindi ako sanay matulog sa ganito kaya pabiling-biling ako. Kinuha ko 'yong cell
phone ko at naglaro na lang ng games. Hindi kasi ako makatulog. Sino ba naman kasi
ang makakatulog nang matino kung sa couch ka lang nakahiga?

Pagkatapos kong maglaro hindi pa rin ako nakaramdam ng antok kaya bumangon ako at
kinuha ang math book sa bag ko para mag-review na lang.

Bumalik ulit ako sa couch at tinitigan ang libro. Teka? Itinuro ba 'to sa 'min?
Paano naging ganito ang sagot? Tiningnan ko si Ace, gusto kong magtanong sa kaniya
pero busy pa rin siya.

Maya-maya, shinutdown na niya 'yong loptop. Tapos na siguro siya. Inayos na niya
ang mga gamit niya at tumayo. "Matutulog ka na?" tanong ko.

"Oo."

"Teka, may itatanong lang ako." Umupo siya sa gilid ng kama at sinet ang alarm
clock kaya lumapit ako. "Hindi ko kasi alam kung paano i-solve 'to. P'wede mo ba
ituro sa 'kin, please?" Tiningnan niya 'ko bigla.

"Hindi oras ng klase ngayon."

"Ituturo mo lang naman sa 'kin. Oh, kaya bigyan mo 'ko ng example tapos bahala na
akong pag-aralan 'yon."

"No. I'm sleepy." Tiningnan ko siya nang masama at saka ako sumimangot.

"Bukod sa ugali mo sir, ano pa'ng masama sa'yo?" naiirita kong tanong.

"Huh! Wala ka ng takot sa 'kin ngayon, sinasagot mo pa 'ko?" sabi niya. Dapat lang
naman dahil sa ugali niya.

"Nagtatanong lang naman kasi ako. Ang sabi mo babawi ka sa 'kin. Ito na nga lang
ang hinihiling ko, ang turuan ako, hindi mo pa magawa!" Naiinis akong tumalikod sa
kaniya. Bumalik ako sa couch at kinuha ang notebook at ballpen ko. Pumunta 'ko sa
study table niya para doon mag-aral. Bahala siya kung ayaw niya akong turuan. Kaya
kong mag-aral mag-isa nang wala siya! Porque matalino siya ang sama ng ugali niya.
Nakakainis!

"Ano ba'ng hindi mo maintindihan sa tinuturo ko?" Bigla siyang nagsalita sa likuran
ko. Nakatayo na pala siya ro'n.

"Lahat!" inis kong sabi. Umalis siya at lumabas ng kwarto. Pagbalik niya may dala
siyang mga libro. Kumuha rin siya ng isang upuan at tumabi sa 'kin.

"Kung hindi mo naintindihan lahat ng tinuro ko, umpisahan mo ulit pag-aralan 'to."
Ibinagsak niya ang tatlong books sa harap ko. 'Yon ang mga books ng 1st year, 2nd
year, at 3rd year. "Lahat ng itinuturo ko ngayon, napag-aralan niyo na simula first
year kaya bakit mo nasasabing hindi mo maintindihan lahat?" sermon niya sa 'kin.
Kinuha niya 'yong isang libro at binuklat. Kinuha niya rin 'yong libro na hawak ko
at may binuklat rin na page. "Look at this. It's the same and it's really easy!"
Tiningnan ko 'yong tinuturo niya. Oo nga. 'Yong nasa libro na isa ay 'yon din ang
topic na nasa libro ko. Napag-aralan na nga namin 'yon dati pero kasalanan ko ba
kung hindi ko 'yon maalala? Kasalanan 'yon ng utak kong patapon!

He takes my pencil and starts working out the problem on the side of the paper. He
goes into great detail about how it's done, but somehow, I just can't bring myself
to concentrate. I noticed how beautiful his eyes are, how cute his hair looks when
it falls into his face...how long and elegant his fingers are. Everything about him
is so attractive to me that I can't even pay attention to the boring math that he
is talking about.

"Do you understand now?" he finally asked, snapping me out of my reverie.

"Huh?" I said looking down to my paper. I didn't hear a single word he said, so I
have no idea how to do the work that he just told me to do. Tumingin ulit ako sa
kaniya na may pagtataka.

"You didn't hear a word I said, did you?" sabi niya na parang hinahamon ako. I
clear my throat, looking down at the work that he just did. It was like he had just
written something in some obscure dead language. Ugh! Bakit ba kasi kailangan pa na
pag-aralan ang math? Pagtanda ko gusto ko lang naman maging butihing asawa niya.
Hindi ko naman na siguro kakailanganin ang math kapag ipaghahain siya ng pagkain o
ipaglalaba ng damit, right? "I'm angry and I want to die! Ano pa ba'ng hindi mo
maintindihan?!" naiinis niyang tanong sabay sabunot sa buhok niya.

"Ang hirap kasi..." mahina kong sagot habang nakayuko.

"Ano pa ba'ng dapat kong gawin para madalian ka? Ano pa'ng dapat kong i-expalin
para maintindihan mo?" Halata sa boses niya ang pagkairita. I looked up at him
again. Suddenly, my eyes stuck on his lips. I was looking at his reddish lips.
"What?" he said. I didn't say anything and looked down to my paper. Bakit ganito?
Bakit ako kinakabahan? He places his right hand on my shoulder. "You really should
study, though," he said reassuringly, "I don't want you to fail out to the exam,"
as soon as I heard it, my heart ached a little bit. I feel bad for not listening to
him when he was trying to explain what to do, but I really just can't bring myself
to pay attention to the math aspect of his explanation. But the amount he cares
about me, makes me smile brightly. Sa totoo lang ngayon ko lang siya narinig
magsalita nang gano'n. 'Yong tipong concern talaga siya, at ang sarap sa
pakiramdam. "You can do it, right?" Tinapik niya ang balikat ko at saka siya
tumayo, bumalik sa kama.

"Pero...I have no desire to do it..." bulong ko, at hindi ko alam na narinig niya
'yon kaya lumingon ulit siya sa 'kin.

"How about...?" he pauses for a moment, seeming to be thinking. Naglakad ulit siya
palapit at umupo sa tabi ko. "How about...for every question you get right...I give
you a kiss?"

My eyes widened and my heart skips a beat. I can't tell if he's being serious or
not. He still has that playful grin on his lips. What if he's just kidding?

Eh, ano naman kung nagbibiro siya? Para naman gusto ko ng kiss mula sa kaniya?
Pssh!
"Y-you mean that?" I asked nervously. At hindi ko alam kung bakit gano'n ang naging
sagot ko. Parang hindi ako 'to. Parang may sanib ako.

"If it helps you to study," he said emotionless. "Come on, get one right," he said
and I nodded unconsciously. I really wanted to get a question right so that I can
get a kiss from him. Omg. Bakit nga ba gusto ko?!

As I go over the math question, I can't help but wonder if he's being serious. What
if he was just playing with me and he didn't really mean it? That would be a cruel
joke, I think as I write out the work for the question that I'm on.

Tiningnan ko muna 'yong pinaggagawa ko sa papel bago ipakita sa kaniya.

"Hindi ko alam kung tama 'yan." Inabot ko sa kaniya 'yong papel at kinuha naman
niya 'yon.

He looks down at it, studying if for a minute. That minute seems to drag on for
hours and I watch him intently, hoping and praying that he says I got it right.

Finally, he looks up and laughs. "You got it right. Amazing! What that kind of
incentive will do, hmm?" he teases me.

I laughed nervously, my eyes fixing on his lips. I hope that they will eventually
be pressed on mine. He leans forward and presses his lips to mine, cupping my chin
in one hand. He lets the kiss linger for a little while, and I placed a hand at the
back of his neck. I can't help but smiled. I want this moment to last forever.

Mr. L.

Chapter 8. Another Kissed

KEYCEE'S POV

Nakahiga ako sa kama, nakatagilid at nakadantay sa isang unan. Nakabalot ako ng


kumot pero nakalabas ang mukha ko. Hinawakan ko 'yong labi ko. Tuwing iisipin ko
'yong nangyari kagabi kinikilig ako. Nagtalukbong ako bigla at nagwala sa ilalim ng
kumot.

Ilang minuto pa bago ko tinanggal ang kumot sa mukha ko. Pero pagtanggal ko, nakita
ko si Ace na nakatayo sa harap ko.

"Can't get over?" nanunukso niyang tanong. Inayos ko agad ang sarili ko at mabilis
na bumangon. Hindi ko na siya pinansin at nagtatakbo na ako sa banyo para maligo.
Nakakahiya tuloy.

Pero ang nakakatuwa, nangako siya sa 'kin na itu-tutor na niya ako, but only with
his free time lang. Naaawa raw kasi siya sa 'kin kung babagsak ako sa exam lalo na
sa subject niya.

Nang pareho na kaming makagayak, bumaba na kami sa kusina para mag-almusal.


Naabutan namin si Yaya Miranda at ang mommy ni Ace na nagpe-prepare ng pagkain. Si
lolo at ang daddy naman ni Ace ay nasa living room at nanonood ng balita habang may
pinag-uusapan about sa business.
Maya-maya pa ay tinawag na sila ni Mommy Marga para kumain. Nasa head table si
lolo, magkatabi naman kami ni Ace at magkatabi rin ang mommy at daddy niya.

Tahimik kaming kumakain nang bigla akong tanungin ng lolo niya kung hindi pa raw ba
'ko buntis. Dahil doon nasamid ako at agad namang inabot sa 'kin ni Ace ang tubig
at hinaplos ang likod ko na hindi naman niya dating ginagawa. Plastik talaga siya
kapag narito ang lolo niya.

"Nag-aaral pa po si Keycee," si Ace ang sumagot na naging dahilan para mag-angat


ako ng tingin sa kaniya. Nag-aaral pa? PA?

So, ibig sabihin kapag nakatapos na 'ko, may balak na siya? Hell no!

"Oo nga pala..." Nalungkot nang bahagya ang mukha ni lolo. Itinuon ko na ulit ang
atensyon ko sa pagkain pero bago ako sumubo ay sinipa ko ang paa ni Ace na nasa
ilalim ng mesa. Alam kong nasaktan siya dahil narinig ko 'yong mahina niyang
pagdaing. Tiningnan niya ako kaya tiningnan ko rin siya at saka ko siya nginitian.

Naningkit ang mga mata niya at maya-maya pa, bigla niyang ipinatong sa balikat ko
'yong isang kamay niya. "You're graduating this year, right? Let's have a baby
then," seryoso niyang sabi at saka ngumiti sa 'kin. Siguro kung mayroon lang laman
ang bibig ko ay baka nasamid na naman ako. Ganti niya ba 'to sa pagsipa ko sa
kaniya?

"That's what I am telling you, Ace. You should do it sooner. I'm too old to wait,"
sagot ng lolo niya at biglang bumalik ang sigla nito. Ang mommy at daddy ni Ace ay
nakangiti lang rin sa 'min.

"Don't worry Lo—aah!" hindi niya naituloy ang sasabihin dahil sinipa ko ulit ang
paa niya sa ilalim ng mesa.

"Late na tayo," sabi ko at saka na ako tumayo. "Pasok na po kami," paalam ko sa


kanila. Kahit hindi ko sabihing sumunod si Ace ay kusa na rin siyang tumayo at
sumunod sa akin sa labas, at mula sa likuran ko, rinig ko ang pagtawa ng loko.

***

Nakatayo ako sa harap ng board at hawak ang marker. Akala ko okay na lahat,
pero...WAAAAAH! What should I do? Pinapasagutan sa 'kin ni Ace ang problem sa
board. Hindi ko alam kung ano'ng isasagot ko, hindi kasi ako nakinig sa diniscuss
niya. Buong discussion nakatitig lang ako sa kaniya. Wala tuloy akong maisagot
ngayon! Paano na?

Nakatayo si Ace sa tabi ko at hinihintay akong magsagot. Nakatingin lang din sa


'kin lahat ng classmates ko. Lumapit pa lalo sa 'kin si Ace, nasa likod ko siya,
pero dahil mas matangkad at mas malaki siya sa 'kin kaya natatakpan niya 'ko.

"Kapag wala ng kiss hindi ka na makasagot?" he teased. Kami lang dalawa ang
nakarinig no'n at gusto kong magwala sa kahihiyan. Baka gano'n nga 'yong isipin
niya kapag hindi ako nakasagot ngayon. Tiningnan ko nang mabuti 'yong problem sa
whiteboard. Iniscan mabuti ng mata ko, pumikit ako at inisip lahat ng tinuro sa
'kin ni Ace kagabi pero...'yong kiss lang ang naalala ko! "Kapag nasagutan mo 'yan
nang tama, I'll give you a kiss later." Nagulat ako sa binulong niya. Umalis na
siya sa likod ko at bumalik sa pwesto niya. Wala akong pakialam kung tama man o
mali ang sagot ko, ang mahalaga subukan ko. Nagsulat na 'ko sa board at kahit ako,
hindi sigurado sa ginawa ko. Bahala na. Pagkatapos ko, inabot ko na sa kaniya 'yong
marker. Bumalik ako sa upuan ko at pinagmasdan ang board. Tama kaya 'yon? Tiningnan
muna ako ni Ace bago siya bumaling sa ginawa ko. "Anyone willing to correct it?"
sabi ni Ace sa mga classmates ko. Napabuntong-hininga ako. Tama ang hula ko...mali
nga ang sagot ko.

May nagtaas ng kamay at pumunta sa harap. Kinuha niya 'yong marker na inabot ni
Ace. Nilagyan niya ng underline ang final answer ko tapos umupo na siya.

WAIT. WHAT? 'Yon lang ang mali ko?

Oo nga pala, kahit tama ang pagkaka-solve mo kung wala naman underline 'yong final
answer, mali pa rin. Pero...tama pa rin ang sagot ko kahit pagbali-baligtarin ang
white board! I looked at him and he just smirked.

Pagkatapos ng klase agad nag-aya si Ryza sa cafeteria. Naglalakad kaming tatlo


habang pinagtatawanan nila 'ko. Okay na raw sana pero bakit kinalimutan ko raw
'yong underline. Hindi ko sila sinagot dahil badtrip ako. Bwisit na underline 'yan!

Naramdaman kong nag-vibrate ang cell phone ko at agad ko 'yon kinuha para basahin
ang text.

Huminto ako sa paglalakad nang mabasa ko ang text ni Ace. "Eat with me."

"Bakit?" tanong sa 'kin no'ng dalawa. Si Ryza at Christia.

"Mauna na kayong mag-lunch. May gagawin lang ako." Tumakbo na agad ako palayo sa
kanila. Umakyat ulit ako sa 3rd floor at nakita kong busy na kumakain 'yong gwardya
kaya sinenyasan niya na lang ako na pumasok sa loob. Siguro ay nagbilin na si Ace
na pupunta ako kaya hindi na niya ako tinanong pa.

Nang makapasok na 'ko sa loob, bigla akong tumalikod noong nakita ko siyang
naghuhubad ng polo. "Don't you know how to knock?" tanong niya sa 'kin.

"Minsan kasi kapag kumakatok ako hindi ka sumasagot," sabi ko habang nakatalikod pa
rin. "Tapos ka na?" tanong ko.

"Yes." Humarap na ulit ako. Naka white t-shirt na lang siya ngayon at 'yong slacks
niya. May nakita 'kong madaming pagkain sa desk niya na naka-styro.

"Saan galing 'to?" I asked.

Lumapit siya sa desk niya at tinanggal ang mga kalat do'n na mga papel at kung anu-
ano pa. "Pinadala ni mommy," he replied.

Inayos niya ang mga pagkain at binigyan ako ng upuan at saka ako pinaupo.

"Ikaw ba talaga si Sir Lee?" seryoso kong tanong sa kaniya. Tiningnan niya lang
ako. "Para kasing hindi, e. Hindi ka naman gan'yan kabait dati," natatawa kong sabi
at saka ako naupo.

"Istrikto lang ako, pero mabait ako," sagot niya habang nilalagyan ako ng pagkain
sa disposable plate.

Habang kumakain kami bigla kong naalala 'yong pinasagutan niya sa 'kin sa board.
"Napakadugas mo talagang nilalang!" baling ko sa kaniya.

"Bakit?"

"Tama naman pala 'yong sagot ko kanina!"

Tiningnan niya 'ko bigla. "So? You want me to kiss you?"


"H-hindi, ah! Sinasabi ko lang na tama pala 'yong sagot ko!" I retort.

"But policy is policy. You forgot to insert the underline," sabi niya habang
kumakain.

"Pero tama pa rin."

"What do you want then?"

"Allowance," I smiled sheepishly.

"Nasa'yo ang isang card ko, 'di ba? Why do you need money? Just use that card."

He's right. Pagkatapos namin maikasal noon ipinahiram niya sa 'kin ang isang card
niya. Take note, it's not just a card. It's a black card and no limit.

"Matalino ka lang pala sa math, pero sa gano'ng bagay hindi," bulong ko habang
napapailing. Nag-angat naman siya ng tingin sa 'kin.

"Bakit?" he asked. Nag-angat rin ako ng tingin sa kaniya.

"Lahat ba ng pinupuntahan ko tumatanggap ng card? Like sa cafeteria? 'Yong


tricycle? Baka isampal pa sa 'kin ng driver 'yong card mo kapag ginamit ko 'yon
pambayad sa kaniya. At saka hello, Ace! May pangalan mo 'yong card. Hindi ko nga
mailabas 'yon sa wallet ko dahil baka makita ng ibang tao 'yon sa 'kin,
mapagkamalan pa 'kong magnanakaw!"

Natigilan siya sa pagkain at biglang humagalpak ng tawa. Nakahawak na siya sa tiyan


niya na siguro masakit na sa kakatawa. Pinagmasdan ko siya at hindi ko alam kung
bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Sorry." Pinahid niya 'yong mata niya na medyo nagluha dahil sa kakatawa.

"Bakit ka ba kasi natatawa?" Binalik niya ang tingin sa 'kin.

"Wala. Natawa lang ako sa'yo. So, saan ka pala kumukuha ng pera kapag kailangan mo
ng allowance?"

"Kay mama," sagot ko sabay tinuloy ko ulit ang pagkain ko.

"Okay. Starting today, if you need money, you should ask me first, not your mother.
Understand?" Napangiti ako dahil sa sinabi niya.

"Yes sir," I replied happily. Itinuloy na rin niya ang pagkain.

"You know Ryan Dela Cruz?" he asked all of a sudden.

Nasamid ako bigla. Alam na niya na kaya? "B-Bakit mo naitanong?" I said,


stuttering.

"Nabalitaan ko lang." Plain lang ang boses niya. Walang halong galit o inis.

"Ang alin?"

"Ang tungkol sa inyo." Hindi ako nakasagot. Nakayuko lang ako habang nakatingin sa
pagkain ko.

"Alam mo na pala?" I said shyly.


"Bakit? Dapat ba hindi ko alam?" Bigla ulit siyang naging seryoso.

"Hindi naman sa gano'n." Tinigil niya muna 'yong pagkain niya at tumingin sa 'kin.

"Alam mo ba na playboy siya? Marami s'yang babaeng pinaglalaruan lang at


pinapaiyak." Walang halong galit o selos sa boses niya— pag-aalala mayro'n.

"Playboy?" Kumunot ang noo ko, tumango naman siya. "Sa tingin ko naman hindi,
mabait naman siya," sagot ko. Wala naman kasi akong nababalitaan bukod do'n sa mga
nag-comment do'n sa post ko na sa kanila raw kuno si Ryan.

"Okay. Kung 'yan ang pinaniniwalaan mo, hahayaan kita," sabi niya tapos kumain na
ulit.

"Hindi ka galit?" tanong ko habang nakatingin sa kaniya. Nakakapagtaka kasi na


hindi man lang niya 'ko pinagalitan o sinumbatan na kasal kami.

"Dahil alam kong gusto mo siya, hindi ako magagalit. Isa pa," nag-angat siya ng
tingin sa 'kin, "ayaw kitang ikulong dahil bata ka pa naman. Mag-enjoy ka lang
muna. Mag-explore ka. You can date him or someone you like. 'Wag mong isipin na
porque kasal ka na sa 'kin, hindi mo na magagawa ang mga 'yon. I won't stop you
kasi alam kong hindi mo pa naman nararanasan ang magpaligaw. Gusto ko na ma-
experience mo muna 'yon hanggat walang nakakaalam na kasal tayo. Sulitin mo muna
'yong pagiging single mo sa mata ng ibang tao."

Natulala ako dahil sa mahabang sinabi niya. Ngayon ko napatunayan na, oo istrikto
siya pero may puso naman pala. Kahit na kung tutuusin unfair sa kaniya na
magpaligaw ako dahil kasal na kami, payag pa rin siya dahil ako pa rin 'yong
sinasaalang-alang niya. Gusto niyang kahit papaano ay maging masaya ako at mag-
enjoy muna sa buhay ko. Bigla tuloy akong nakunsensiya.

"You mean...okay lang sa'yo kahit malaman mong nakikipag-date ako sa iba?"

Tumango siya. "Yes, but just date. DATE lang," inemphasize niya pa ang salitang
date. "You can't do anything with them except date. And when I say just date, it's
mean you can't kiss—" hindi niya naituloy ang sasabihin dahil tumayo ako sa upuan
ko at dumukwang para maabot ang labi niya.

Yes, I kissed him.

***

P'wede pong maglambing? P'wede pa VOTE every chapter? Pampakilig n'yo sa 'kin tutal
napapakilig ko rin kayo. Haha! Pa-comment and follow na rin para sulit. At sa mga
hindi pa naka-folllow sa fb page ko, follow na rin kayo "Miss Ahyenxii Stories" ove
you all! :)

-Miss_Ahyenxii

Chapter 9. His Real Mom


KEYCEE'S POV

Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa utak ko at naisipan ko siyang i-kiss. Nang
matauhan ako sa ginawa ko, agad akong lumayo, pero hindi pa 'ko nakakaupo nang
bigla niyang hinawakan ang braso ko at hinila niya 'ko palapit ulit sa mukha niya.
Then he kissed me, too. It's not just a normal kiss, but a longer one.

Halos maghabol kami ng hininga nang bumitaw kami sa isa't-isa. At doon ko napansin
na puro sauce na pala 'yong blouse ko. Dahil kasi sa pagdukwang ko sa kaniya, hindi
ko namalayan na dumikit ang blouse ko sa pagkain naming nasa mesa.

Nang tingnan ko si Ace, ngumiti siya. Ako naman ay nahiya kaya dali-dali akong
tumakbo palabas ng office niya without saying goodbye to him.

Patakbo akong bumababa sa hagdan nang biglang may humarang sa harapan ko. Si Ryan.

"Sa'n ka pupunta? Bakit parang nagmamadali ka?" tanong niya sa 'kin at saka bumaba
ang tingin niya sa blouse ko na may bahid ng sauce ng creamy garlic pork na kinain
namin ni Ace. "Bakit marumi 'yang uniform mo?" he added.

Hindi ko alam kung ano'ng isasagot ko dahil na blangko ang utak ko nang maalala ko
ang ginawa kong paghalik kay Ace.

Bakit ko ba kasi 'yon ginawa? Masyado ba 'kong natuwa sa kabaitan niya sa 'kin na
hindi ko naman alam kung kailan ang expiration?

"Ah, ano kasi..." Lalo kong hindi naituloy ang sasabihin ko nang biglang magdaan sa
gilid namin si Ace. Pababa na rin siya at nakasuot na 'yong uniform niya.
"Nag...kakaladyaan kasi sila Ryza kanina kaya natapon sa blouse ko 'yong pagkain
ko," I lied.

Binaling ko ang tingin ko kay Ace na medyo nakalagpas na sa amin. Alam kong narinig
niya 'ko. Bumaling siya sa 'kin at bahagyang ngumisi. Ako lang ang nakakita no'n
dahil nakatalikod sa kaniya si Ryan.

"Gano'n ba? Gusto mo samahan kitang magpa-dry clean sa labas?"

Binalik ko na ulit ang tingin ko sa kaniya. "Hindi na. Malapit na rin naman ang
uwian," sagot ko.

"Sige. Ikaw bahala. Nga pala, baka gusto mong manood ng practice game namin mamaya
sa gym, 4pm," nakangiti niyang sabi.

I hummed as a response. "Sige, ayain ko sila Ryza at Christia."

***

Pasado alas siete na akong nakauwi sa bahay. Hindi kami nagsabay ni Ace dahil after
class ay nagtext ako sa kaniya na manonood muna kami nila Ryza ng practice nila
Ryan. Pumayag siya kaya nauna na siyang umuwi.

Naabutan ko rin ang lolo, mom at dad ni Ace sa bahay. Hindi pa sila umaalis kaya no
choice ako kung hindi sa kwarto ni Ace dimiretso para hindi sila magduda na
separate rooms talaga kami.

Naabutan ko si Ace sa bed niya, may hawak na libro habang nakasandal sa headboard.
Lumingon siya sa 'kin saglit pero hindi niya 'ko binati o nginitian man lang.
Strict mode on yata siya ngayon.
Nang maibaba ko na 'yong bag ko ay agad akong lumabas ng kwarto para pumuslit sa
sarili kong room. Kumuha ako ng sleepwear at bumalik rin agad sa kwarto ni Ace.

"Pa-shower," baling ko sa kaniya. Hindi ko na siya hinintay makasagot at agad na


'kong pumasok sa banyo niya.

Nang matapos ako at makapag bihis na, lumabas ako agad. "Let's go eat," baling sa
'kin ni Ace.

"Akala ko ba kumain na kayo kanina?" sagot ko habang tinutuyo ko ng towel ang buhok
ko. Bandang 6:30pm kasi nang mag-text siya sa 'kin na mauuna na silang mag-dinner
since wala pa 'ko sa bahay.

"Hindi ako kumain. Sila lang."

Natigilan ako sa ginagawa ko at hinarap siya. "You waited for me?"

Tumango naman siya. "Ayaw ni lolo na kumain ako nang wala ka. Sabi niya hintayin na
lang daw kita para may kasabay kang kumain pag-uwi mo." Kikiligin na sana 'ko kung
hindi lang siya nagpaliwanag. Pagkatapos kong magsuklay ay sabay na kaming lumabas
sa kwarto. Pero habang pababa sa hagdan, bigla akong may naramdaman na kakaiba sa
tapat ng dibdib ko, dahilan para mapahinto ako. "Okay ka lang?" nilingon ako ni
Ace.

"Hmm," I nodded my head kahit na pakiramdam ko ay hindi naman talaga ako okay.
Umiinom naman ako ng gamot, pero bakit ganito?

***

Hindi ako makatulog, pabiling-biling lang ang ginagawa ko sa couch. Hindi kasi ako
sanay na matulog dito. Bumangon ako at lumapit kay Ace. Balak ko sana siyang
gisingin para maki-share na lang sa kama niya pero bigla siyang nagsalita habang
natutulog.

"Mommy...mommy..."

Mommy? Nananaginip kaya siya? Tinatawag niya ang mommy niya? Eh, kung puntahan ko
kaya sa kabilang kwarto at sabihin ko na hinahanap siya ni Ace?

Napailing ako. Huwag na nga. Matutulog na lang din ako. Tatabi na lang ako sa
kaniya, pero kailangan kong magdahan-dahan para hindi siya magising.

Humiga na ako at sa kaniya ako humarap para pagmasdan ang mukha niya. Ngayon ko
lang napansin na mahaba pala ang pilikmata niya, matangos ang ilong at ang jawline,
perfect.

Habang nakatitig ako sa kaniya, biglang kumunot ang noo ko. Hindi ko alam kung
bakit parang may naalala 'kong ibang bagay nang makita ko siya nang malapitan.
Parang may isang tao ako na biglang naalala.

Napailing ako. Masyado lang sigurong magulo ang isip ko ngayon.

***

Kinabukasan, maaga akong bumaba sa kusina at naabutan ko ro'n si Yaya Miranda na


nagpe-prepare ng breakfast.

"Ya, si Ace po?" tanong ko. Hindi ko kasi siya inabutan sa kwarto at parang wala
rin siya sa buong bahay.

"Maaga siyang umalis, may pinuntahan lang," sagot ni Yaya Miranda.

"Saan naman po siya pupunta nang ganito kaaga? Saturday ngayon kaya imposibleng sa
school ang punta niya," mahina kong sabi pero sa tingin ko narinig ako ni yaya kaya
sumagot siya.

"Kung hindi mo naitatanong, iha...importante sa buhay niya ang tao na pinuntahan


niya ngayon kaya maaga siyang umalis." Medyo na curious ako sa sinabi ni yaya. Tao?
Person? Human being? Ibig sabihin may ka-meet siya nang ganito kaaga at importante
sa kaniya ang taong 'yon?

Huh! Kaya ba sinabi niya sa 'kin na p'wede akong makipag-date para malaya rin
siyang makipag-date sa iba?

"Sino po ba 'yon at gaano siya kaimportante kay Ace?" curious na tanong ko.

Naupo si yaya sa tabi ko at tumingin sa 'kin. "'Yon ang taong nagbigay ng buhay kay
Ace, ang babaeng nagsilang sa kaniya. Ngayon ang ika-walong taon ng kamatayan
niya."

"Po? Ano po'ng ibig niyong sabihin? Anong taon ng kamatayan? Eh, 'di ba po buhay pa
naman ang mommy niya? Nandito pa nga po sila kagabi, 'di ba?" taka kong sabi kay
yaya.

"Keycee, ang sinasabi mo ay si Margarette, step mother 'yon ng asawa mo. Ang tunay
n'yang ina ay matagal ng wala, 14 years old pa lang s'ya noong mawala ang mommy
niya."

Hindi ako nakakibo. Bakit ganon? Bakit hindi ko alam ang tungkol sa bagay na 'yon?
Alam ko na hindi ko tinanong si Ace about dito pero sana binanggit niya sa 'kin na
wala na pala ang totoong mommy niya. Kaya pala pansin ko na hindi sila masyadong
close ni Mommy Marga dahil hindi naman pala talaga sila tunay na mag-ina. Siguro
'yong narinig ko rin na mommy na binabanggit niya sa panaginip niya kagabi ay ang
mommy niya na tunay.

"Saan po ba ang exact location ni Ace ngayon? Gusto ko kasi s'yang puntahan. Okay
lang po ba?"

"'Wag na Keycee, at saka wala kang kasama."

"Pero yaya..."

"Kung may gusto ka pang malaman mas mabuting hintayin mo na lang siya at sa kan'ya
ka magtanong." Tumayo na si yaya at iniwan ako sa mesa. Wala na rin akong nagawa.

Kumain na lang ako mag-isa. After no'n nag-stay ako sa kwarto ni Ace at nanood ng
movies. Pero nainip din ako agad kaya bumaba ako sa sala. Paupo na sana 'ko nang
may marinig ko ang tunog ng doorbell kaya ako na ang lumabas para tingnan kung sino
'yon.

'Yong lolo nga pala ni Ace at si Mommy Marga ay umalis na raw kanina five minutes
ago bago raw umalis si Ace kaya imposibleng sila ulit 'to.

Pagbukas ko sa gate, isang magandang babae ang bumungad sa 'kin. Teka, sino naman
ang babaeng 'to? Bakit siya nandito? Ano siya ni Ace?

"Hi. You're Keycee, right?" Dahan-dahan lang akong tumango. "I'm Pinky, cousin ko
si Ace kaya 'wag mo 'kong tingnan na parang I'm her mistress or hidden girlfriend,"
pabiro niyang sabi. Teka, pa'no n'ya nalaman na 'yon nga ang iniisip ko? "Hindi mo
ba 'ko papapasukin sa loob?"

"Ah...p-pasok ka."

"Thanks." Naglakad siya papasok kaya sumunod ako sa kaniya. "Bakit parang ang
tahimik mo yata? Hindi naman gan'yan ang pagkakakwento sa 'kin ni Ace na ugali mo.
Ang sabi niya magulo ka raw at madaldal," bigla pa siyang natawa.

"Kinu-kwento ako ni Ace sa'yo?" taka kong tanong.

"Oo naman. Kapag tinatawagan n'ya 'ko ikaw ang topic namin, at napapansin ko sa
boses niya na happy siya. Kaya naman naisip ko na bumisita rito para ma-meet kita.
At hindi nga ako nagkamali, dahil pagkakita ko pa lang sa'yo naramdaman ko na agad
na magkakasundo tayo," litanya niya. "Anyway, 'wag mo 'kong tatawagin na Ate Pinky
kahit matanda ako sa'yo ng three years, ah! Ang chaka kasing pakinggan. Call me
Pinky or Pinks kung keri mo, mas okay pa 'yon."

"Ah, sige. Sandali lang, ha? Magpapahanda lang ako kay yaya ng meryenda mo." Umalis
na agad ako at pumunta kay yaya.

***

Nasa sala kami ni Pinky. Feeling ko nga magkakasundo talaga kami. Kung anu-ano na
kasi 'yong kinukwento niya sa 'kin kahit ngayon pa lang kami nagkakilala.

"Siya nga pala, nasa'n ang asawa mo? Bakit kanina ko pa siya hindi nakikita?" Sa
haba ng pag-uusap namin ay ngayon niya lang napansin na wala si Ace sa bahay.

"Ang sabi ni yaya pinuntahan n'ya raw 'yong mommy niya, death anniversary raw kasi
ngayon kaya maaga s'yang umalis."

"Ah! Oo nga pala! Bakit ko ba nakalimutan 'yon. Ngayon nga pala ang death anniv ni
tita." Bigla siyang luminga-linga. "Tita sorry, 'wag mo 'kong mumultuhin, ha? 'Di
ko sinasadyang kalimutaan."

"Alam mo ba 'yong tungkol don?" tanong ko sa kaniya. Bumaling naman siya sa 'kin.

"Oo naman. Ace's mom passed away when he was 14. Ang alam ko car accident ang
nangyari. Pero alam mo ba ang chika? Na galit na galit si Ace sa isang tao. Guess
who?"

"Sino?" mahina kong tanong.

"Sa taong may kasalanan kung bakit nabangga ng kotse ang mommy niya. Ang sabi ni
Ace dati noong bata pa s'ya...hindi s'ya titigil sa paghahanap sa taong 'yon. Pero
ewan ko lang kung hinahanap n'ya pa rin ang taong 'yon until now. Tapos ito pa kamo
ang matindi, pagkatapos ilibing ng mommy ni Ace after a year nag-asawa ulit ang dad
n'ya. Kaya nga 'yon pa ang isang ikinagalit ni Ace," she added.

"Si Mommy Marga 'yon, 'di ba?"

"Yup. But he doesn't even call her mom. Ewan ko lang ngayon. Parang ayaw n'ya kasi
kay Tita Margarette, dahil nga almost one year pa lang noong namatay 'yong real mom
n'ya tapos nag-asawa na agad 'yong dad n'ya."

"Pero mabait naman si Mommy Magra, 'di ba?"


"Korek ka d'yan! Sinisikap talaga ni Tita Marga na tanggapin siya ni Ace."

"Parang bigla tuloy akong naawa kay Ace ngayon. Ang bata pa pala n'ya no'ng nawala
sa kaniya 'yong mommy niya." Tumango naman si Pinky. "Pero sa tingin ko mas
nakakaawa pa rin ang naging buhay ko noong bata ako." Napayuko ako dahil bigla
akong nalungkot.

"Why, sis? Bakit naman nakakaawa?" Umusog siya nang bahagya para mas lalo kaming
magkalapit. Para bang naghihintay siya ng susunod kong sasabihin.

"Hindi ko pa 'to kinukwento kahit kanino kaya parang naiilang akong magsabi."

"Ano ka ba naman! Kainis ka, nagkwento ako sa'yo tapos ikaw ayaw mong magsabi sa
'kin? Ang unfair mo, ha? Hindi naman ako madaldal kaya mapagkakatiwalaan mo 'ko.
Kung gusto mo secret lang natin." Tiningnan ko siya at nababasa ko sa mukha niya na
sincere siya sa sinabi niya, na mapagkakatiwalaan ko siya.

"Sige na nga," I said and started talking about something I'm afraid to share with
anyone.\

***

P'wede pong maglambing? P'wede pa VOTE every chapter? Pampakilig n'yo sa 'kin tutal
napapakilig ko rin kayo. Haha! Pa-comment and follow na rin para sulit. At sa mga
hindi pa naka-folllow sa fb page ko, follow na rin kayo "Miss Ahyenxii Stories" ove
you all! :)

-Miss_Ahyenxii

Chapter 10. Keycee's Another Secret

KEYCEE'S POV

Hindi naging maganda ang buhay ko noong bata ako. Nine years old pa lang ako no'n,
magkasama kami ni papa na naglilibot sa park. Ang sabi niya 'dito ka lang anak,
ibibili kita ng ice cream'.

Umalis si papa at ibinili niya ako ng ice cream. Tuwang-tuwa ako noon, pero bigla
na lang nagkaroon ng gulo sa park.

May mga putok ng baril akong narinig, at hindi ko namalayan na nabaril pala ang
papa ko. Wala akong ginawa kung hindi ang umiyak nang umiyak noong nakita ko na si
papa na nakahandusay at walang malay.

Dahil bata pa ako no'n, hindi ko alam kung ano'ng dapat kong gawin kaya umalis ako
sa tabi ni papa. Tumakbo ako pauwi sa bahay habang umiiyak. Ang plano ko, tatawagin
ko si mama para sabihin ang nangyari kay papa, pero hindi na 'ko nakaabot sa amin
dahil may isang sasakyan na huminto sa harap ko at bigla na lang akong isinakay.
Mas lalo pa 'kong naiyak noong naisip ko na na-kidnapped ako.

Dinala ako ng mga tao na kumidnap sa 'kin sa isang lugar na hindi pamilyar sa 'kin.
Pagdating namin sa parang bodega, nagulat ako dahil hindi lang pala ako ang batang
na-kidnapped nila kun'di marami pa. Pinagsama-sama nila kami at inuutusannna
magnakaw.
'Walang magtatangkang tumakas sa inyo kung ayaw n'yong paputukin ko sa mga ulo n'yo
ang baril na hawak ko.' 'Yon ang sabi ng isang lalaki sa amin, sa tingin ko siya
ang pinaka-leader. Wala rin akong ibang magawa noong oras na 'yon. Dahil sa sobrang
takot ko kaya iyak na lang ako nang iyak.

Araw-araw nila kaming pinapagala sa lansangan at pinipilit magnakaw pero hindi ko


sinusunod 'yon kaya lagi nila 'kong sinasaktan. Halos isang linggo kong naranasan
'yong pananakit nila sa 'kin. Hindi nila 'ko pinapakain, kahit tubig hindi nila 'ko
binibigyan. Galit kasi sila dahil hindi ko sinusunod ang gusto nila na pagnanakaw.

Pero isang araw pinagbantaan nila ako na papatayin kapag hindi ko pa sila sinunod.
Natakot ako kaya kahit ayokong magnakaw naisip ko na kailangan ko 'yon gawin para
manatiling buhay.

Habang naglalakad ako sa lansangan napilitan akong hablutin 'yong bag ng isang
babae, at mabilis na tumakbo.

Natuwa sa 'kin 'yong mga masasamang tao na kumidnap sa 'kin dahil maraming laman na
pera 'yong bag at may mga alahas rin at cards. Pagkatapos nilang kuhanin lahat ng
laman ng bag, inihagis nila sa 'kin 'yon at sinabing itapon ko na.

Noong oras din na 'yon nakaisip ako ng paraan para tumakas. Ang alam nila itatapon
ko lang 'yong bag pero hindi na nila namalayan na tumakas ako dahil busy sila sa
pera at alahas sa harapan nila.

"'Yon ang dahilan kaya wala akong pinagsasabihan tungkol sa bagay na 'to. Nahihiya
kasi akong malaman ng mga tao na naging masamang bata ako." Tiningnan ko si Pinky
at kaagad siyang nagpunas ng luha. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala siya.

"Naiintindihan kita Keycee, alam kong napilitan ka lang na gawin 'yon. Kung ako ang
nasa posisyon mo noon wala rin akong choice kung hindi ang sundin sila kahit alam
kong masama ang gagawin ko." Hinaplos niya ang buhok ko at tinapik niya rin ako sa
balikat. "So, hindi mo pa pala 'to nai-kwento kay Ace at ako pa lang ang
nakakaalam?" tanong niya.

Tumango naman ako. "Kahit isa wala pa 'kong pinagsasabihan. Kahit ang sarili kong
mama hindi niya rin alam."

"Omg! Hindi mo rin sinabi sa mama mo?!" 'di makapaniwala niyang tanong.

"Gano'n na nga," I nodded. "Ikaw pa lang talaga ang pinagsabihan ko."

"Ang tibay mo pala, Keycee. Pa'no ka umuwi sa inyo pagkatapos mong ma-kidnapped at
paano mo inexplain ang araw na nawala ka?"

"Sinabi ko na lang kay mama na naligaw ako tapos may kumupkop sa 'kin."

"Aww...ang sad naman. 'Wag kang mag-alala, kung ayaw mong ipaalam kahit kanino ang
tungkol d'yan, hindi ko ipagsasabi, promise!"

***

"Bye, Keycee! Next time kapag may time ako dadalaw na lang ulit ako dito para
makipagchikahan sa'yo. Sa ngayon kasi busy pa 'ko, alam mo na...graduating," sabi
niya pagpasok niya sa loob ng sasakyan niya.

"Sige, ingat ka. Sabihin ko na lang kay Ace na nagpunta ka rito."


"Okay. Sige bye." She waved a hand so I waved back, smiling at her. Inistart na
niya ang sasakyan niya at tuluyan nang umalis.

Pumasok na agad ako sa loob ng bahay pagkaalis ni Pinky. Totoo lahat ng sinabi ko
sa kaniya kanina, 'yon talaga ang naging experienced ko noong nine years old ako.
At hanggang ngayon hindi ko pa rin 'yon nakakalimutan. May mga pagkakataon pa nga
na napapaginipan ko pa rin 'yon at magigising na lang ako na umiiyak.

Nasa kwarto na ako nang mag-ring ang cell phone ko. Si mama, tumatawag. "Yes ma?"
bungad ko sa kaniya.

"Kumusta ka na d'yan, anak? Hindi mo ba dadalawin si mama? Namimiss na kasi kita


nang sobra. Puntahan mo naman ako rito para makasama kita."

"Mama, nagdadrama ka na naman d'yan."

"Bigla ka kasing naisip ni mama, hindi mo naman ako masisisi dahil anak kita.
'Tsaka 'yong tungkol sa..." napahinto si mama sa pagsasalita, ang tanging naririnig
ko lang ay ang paghikbi niya.

"Mama, 'wag kang mag-alala, nandito pa 'ko. Buhay pa 'ko kaya 'wag kang umiyak.
Sige ka, kapag ako namatay wala ka ng iluluha n'yan." Hindi pa rin tumitigil si
mama sa pag-iyak, kaya naisip ko na lang siyang puntahan sa bahay namin. Nagpaalam
muna ako kay yaya at sinabi ko na dadalawin ko lang si mama kaya pumayag naman
siya.

Pagdating ko sa bahay naabutan ko si mama na tahimik at nakaupo sa kama, halatang


kagagaling niya lang sa pag-iyak.

"Mama." Lumapit ako sa kaniya. Alam kong pinipilit niya lang ngumiti.

"Nanggaling nga pala rito ang mga kaibigan mo kanina, hinahanap ka. Sinabi ko na
lang na may pinuntahan ka at matatagalan ka sa pag-uwi kaya umalis na sila." Umupo
ako at tumabi kay mama sa bed niya at saka ako yumakap.

"Gano'n po ba? Hayaan n'yo, sasabihin ko na sa kanila ang totoo. Na sa bahay na 'ko
ni Ace nakatira para hindi na nila kayo iniistorbo rito."

"Eh, kay Ace anak, hindi mo ba sasabihin ang totoo? Hindi mo ba sasabihin sa kaniya
ang tungkol sa sakit mo?" seryosong sabi ni mama sa 'kin. Matagal akong hindi
nakakibo.

"Ma, p'wedeng pagamit muna ng cr? Bigla kasing sumakit ang tiyan ko." Agad akong
tumayo. "Wait lang, ma." Nakahawak ako sa tiyan ko at nagmadaling pumasok sa banyo.
Ayokong umiyak sa harap ni mama kaya nagdahilan na lang ako. Nangako kasi ako sa
kaniya na hindi ako iiyak at magiging matapang ako.

Tama si mama, may sakit ako at hindi alam ni Ace ang tungkol do'n. Kami lang ni
mama ang may alam. Hindi rin alam ni Ryza at Christia, at lalong wala akong balak
na ipaalam sa kanilang lahat dahil ayokong mag-alala sila sa 'kin. 'Tsaka ni minsan
hindi ko inisip na mamatay na ako, lagi akong positive...na gagaling pa ako.

Hindi ako nagtagal sa banyo para hindi akalain ni mama na umiyak ako, bawal din
kasi sa 'kin ang masyadong nalulungkot kaya kailangan kong tulungan ko ang sarili
ko na pigilan ang emosyon ko.

"Ma, gutom na 'ko, hindi mo ba 'ko papakainin?" sabi ko paglabas ko sa banyo na


parang walang nangyari. Nag-smile naman sa 'kin si mama.
"Halika, kumain na tayo." Lumabas si mama sa kwarto kaya sumunod ako sa kaniya.

***

Pagkatapos namin kumain ni mama, nagkwentuhan lang kami. Pero lagi n'yang
sinisingit sa usapan namin 'yong tungkol sa gamot ko. Lagi n'yang nire-remind sa
'kin ang pag inom ko no'n. 'Wag ko raw kalilimutan.

Tinatanong niya rin ako tungkol sa pagsasama namin ni Ace, kung hindi ako
nahihirapan o naiilang, since alam niya na kinasal kami na wala namang pagmamahal
sa isa't-isa.

"Nahihirapan po. Hindi ko kasi maintindihan ang nararamdaman ko. Dati wala naman
akong pakialam sa kaniya, pero ngayon..." natigilan ako nang maalala ko 'yong araw
na sumumpong ang allergy niya dahil sa 'kin, "natuto akong mag-alala sa kaniya."
Lumingon ako kay mama at bahagyang ngumiti. "Nitong mga nakakaraang araw, mas
magaan ang pakiramdam ko dahil okay kami ni Ace. Masaya po ako, ma..."

"Mahal mo na s'ya?" mahinang tanong ni mama. Nagbaba naman ako ng tingin sa palad
ko at saglit napaisip.

"Hindi ko po alam. Hindi ko pa masabi na mahal ko s'ya...pero hindi ko rin naman


kayang sabihin na hindi ko s'ya mahal."

Pagkatapos namin mag-usap at magbonding ni mama, pinauwi na rin niya ako kaagad
para raw hindi mag-alala si Ace.

***

Pagdating ko sa bahay ni Ace dumiretso agad ako sa kwarto ko. Tinanggal ko muna
'yong dalawang unang botones ng blouse ko bago ko itinali pataas ang mahaba kong
buhok.

Binuksan ko 'yong maliit na hanging cabinet na naka-lock malapit sa wardrobe at


itinabi ro'n ang gamot na ibinigay sa 'kin ni mama. In case raw na maubos 'yong
nasa akin.

"Keycee?"

Pabagsak kong naisara 'yon dahil nagulat ako sa pagpasok ni Ace sa kwarto ko
without knocking.

"Don't you know how to knock, sir?" inis kong sabi pero kinabahan ako at the same
time, kasi baka nakita niya 'yong nasa loob no'n.

"I'm sorry. May itatanong lang sana 'ko. Teka, ano'ng laman n'yan?" His eyes
diverted to my hanging cabinet.

"W-wala. Girls stuff lang," kabado kong sagot. "Ano nga pala 'yong gusto mong
itanong, sir? Itanong mo na para makalabas ka na agad." Halos ipagtabuyan ko na
siya sa tono ko.

He huffed. "Tinawag mo pa 'kong sir, kung gan'yan ka lang din pala magsalita sa
'kin," reklamo niya.

"Kasi bigla-bigla ka na lang pumapasok sa kwarto nang may kwarto!" I exclaimed.

"Bakit? Am I not allowed? Bahay ko 'to, remember?"


"Oo, bahay mo 'to, alam ko naman 'yon. Pero kwarto ko 'to. And what are you doing
in a young lady's bedroom? What a strange man..." I mumbled as I looked away,
walking towards my wardrobe to get myself a clothes to change.

"Bakit? Masama ba na pumasok ako sa kwarto mo? Let me remind you, mag-asawa tayo."
Nakatayo pa rin siya sa pintuan ng kwarto ko.

"Hindi ko nakakalimutan 'yan kaya 'wag mo na 'kong i-remind," I said not looking at
him. "At saka p'wede ba na sabihin mo na lang kung ano talagang kailangan mo para
naman makaalis ka na. May gagawin pa kasi ako," I turned to him and emphasized the
word, "...sir."

"Aba, mukhang hindi ka na natatakot sa 'kin ngayon, ah? Sumasagot ka na at marunong


ka pang mangatwiran."

"Hindi ako nangangatwiran, freedom of speech ang tawag do'n," sagot ko.

"Ang daldal mo masyado, sana gan'yan ka rin kapag recitation na."

Pumanewang ako habang nakatingin pa rin sa kaniya. "Bakit? Sinasabi mo ba na hindi


ako nakakasagot kapag oras ng recitation?" inis kong sabi.

"Yeah, gano'n na nga. Ikaw madalas ang laman ng tsismis kapag recitation week na,
aren't you aware of that? Madalas 'ko pa ngang naririnig na sinasabi nilang wala ka
raw utak," pang-aasar pa niya.

"Hindi sa wala akong utak. Kasalanan 'yon ng teacher dahil ang tinatanong niya sa
'kin ay 'yong part ng lesson na hindi ko ni-review!" inis kong sabi. "Now tell me
sir, sino'ng walang utak sa aming dalawa ng teacher ko?" I was referring to him na
palaging nagtatanong sa 'kin ng mga hindi ko naman na-review at talagang pipiliin
niya pa 'yong mahihiraap.

"Ikaw," he replied immediately.

"So, there's absolutely no second thought? Ako agad?"

"Yup."

"Alam mo Ace, mas mabuti pa kaya lumabas ka muna sa kwarto ko bago ko pa


makalimutang math teacher kita. Sige na, alis na." I shooed him away.

"Lalabas talaga 'ko sa kwarto na 'to bago ko pa makalimutang bukod sa asawa ay


estudyante kita." Tiningnan niya pa 'ko mula ulo hanggang paa at saka siya ngumisi.

Bukod pala sa pagiging istrikto may pagkamanyak din s'yang tumingin. Bulong ko sa
sarili ko noong nakalabas na siya.

Bumaling na ulit ako sa wardrobe ko at gano'n na lang ang gulat ko nang makita ko
ang sarili kong repleksyon sa salamin.

Tanggal nga pala ang botones ko sa bandang dibdib. Teka, nakita n'ya ba? Kaya n'ya
ba 'ko tinitigan nang gano'n kanina?

Pinagkrus ko ang mga kamay ko sa dibdib ko sabay sigaw, "No waaaay!"

Bigla naman akong may narinig na tawa sa tapat ng pinto at alam kong si Ace 'yon,
hindi pa rin pala siya umaalis. Lokong 'yon!

***
P'wede pong maglambing? P'wede pa VOTE every chapter? Pampakilig n'yo sa 'kin tutal
napapakilig ko rin kayo. Haha! Pa-comment and follow na rin para sulit. At sa mga
hindi pa naka-folllow sa fb page ko, follow na rin kayo "Miss Ahyenxii Stories" ove
you all! :)

-Miss_Ahyenxii

Chapter 11. Getting Closer

KEYCEE's POV

Lunes ngayon at magkakasama kami nila Ryza at Christia sa library, nagrereview


sila, ako naman ay busy sa cell phone ko.

"Alam mo, ibang klase talaga si Sir Lee. Walang pinipiling estudyante. Pati ba
naman babae pinarusahan. Hanep!" sabi ni Ryza with feelings.

"Sino naman ang pinarusahan at bakit pinarusahan?" tanong naman ni Christia. Isa
rin 'tong dakilang marites. Nakikinig lang ako at hindi sumasabat sa usapan nila.

"May nahuli kasi s'yang tatlong babae na nagpapalitan ng sagot during seat work, so
hayun, pinunit n'ya 'yong papel nila sa harap ng klase at pinatayo buong math hour
habang may malalaking libro na nakapatong sa magkabilang palad," sagot ni Ryza.

"Grabe 'no? Siguro napakamalas ng mapapangasawa ni Sir Lee. Imagine, super istricto
n'ya!" Christia exclaimed. This time binitawan ko na 'yong cell phone ko at nag-
angat ng tingin sa kanila.

"Alam n'yo guys, sa tingin ko tama kayo. Malas nga ang asawa ni Sir Lee,"
napatingin naman sila sa'kin, "s'ya 'yong tipo ng teacher na istrikto sa school
pero siraulo at masarap upakan pagdating sa bahay!" Pinanggigilan ko pa ang hawak
kong cell phone. Naisip ko kasi 'yong nangyari noong sabado, 'yong time na bigla
s'yang pumasok sa kwarto ko at nawala sa isip ko na bukas pala ang botones ng
blouse ko.

"Teka nga Keycee, pa'no mo nasabing malas nga 'yong asawa ni sir? Single pa naman
siya hanggang ngayon, 'di ba?" takang tanong ni Ryza.

"At p'ano mo nalaman na siraulo at masarap s'yang upakan kapag nasa bahay?"
Christia added.

"Pano'ng hindi ko malalaman, e, kami ang magkasama sa bahay."Tiningnan nila 'ko


nang nakadiretso ang mga kilay. Halatang hindi sila naniniwala sa sinabi ko.

"Grabe. Nag-almusal ka ba sa inyo kanina? Mukhang madalas ka yatang nalilipasan ng


gutom. Kung anu-ano kasi 'yang sinasabi mo na kaimposiblehan," sita sa 'kin ni
Christia habang napapailing.

"Hindi ako nalipasan ng gutom. Kumain ako ng breakfast kanina, ang totoo nga n'yan
sabay pa kaming nag-almusal ni Sir Lee," sabi ko sabay flipped hair.

"May sakit ka ba o nabinat ka lang? Baka naman baliw ka na? Sandali, dito ka lang
ibibili kita ng gamot." Tumayo si Ryza sa upuan niya pero hinila ko siya pabalik.
"Wag ka ngang OA d'yan! Maupo ka at ipapaliwanag ko sa inyo ang lahat, nasisiguro
ko na kayo ang mababaliw sa malalaman n'yo." Pareho silang nakatingin sa 'kin nang
seryoso at nakaabang sa sasabihin ko. 'Yong itsura ng mga marites sa kanto, gano'n
ang itsura nila. "Ganito kasi 'yan...ako at si Ace Lee ay nakatira sa iisang bahay.
Bakit? Kasi mag-asawa kami. Bakit kami mag-asawa? Kasi kinasal kami. At bakit kami
kinasal? Kasi gusto ng lolo n'ya? At bakit gusto ng lolo n'ya? Kasi nag-promise
sila ng lolo ko dati na ipapakasal nila ang mga apo nila, si Ace at ako ang apo na
tinutukoy nila. At bakit nila gustong ipakasal kami? 'Yan ang hindi ko pa alam."

"Grabe, Keycee, ang tino ng pagkaka-explain mo, ha!" pang-aasar ni Ryza.

"Dahil sa sinabi mo parang mas kapani-paniwala pa 'yong 4+5=56, e!" komento naman
ni Christia.

"4+5=56? Imposible yata 'yon. Nine lang dapat!" reklamo ko.

"No, no, no! D'yan ka nagkakamali. Try mo kayang i-solve, four plus five equals
fifty six. Kapag nalaman mo kung paano naging fifty six ang sagot, maniniwala na
kami na mag-asawa nga kayo ni Sir Lee," Christia challenged me.

"Tama si Christia. Kapag nahulaan mo kung bakit 56 ang sagot, saka pa lang kami
maniniwala sa kahibangan mo. Sige na, d'yan ka na. Mag-cell phone ka na lang d'yan,
basta kami papasok na sa English."

Tumayo na sila at naglakad palabas ng library habang ako pilit na iniisip kung
paano naging 56 ang sagot sa 4+5. Noong napansin ko na wala na sila sa harap ko,
tumayo na rin ako at sinundan sila.

"Wait, hintayin n'yo 'ko!" sigaw ko pero sinigawan din ako ng bantay sa loob ng
library.

"Silence!" Nakalimutan ko nga pala na nasa library ako.

***

4+5=56? That's really impossible. Gumamit na 'ko ng calculator pero nine talaga ang
sagot. Nagbilang na rin ako sa daliri ko, nine pa rin. Ginamit ko na lahat ng uri
ng calculator pero nine talaga ang lumalabas. At kahit saang anggulo mong tingnan,
ang 4+5 ay 9 ang sagot. Grabe, mababaliw ako sa dalawang 'yon. Mukhang mas mahirap
pa 'to compare sa problem solving na binibigay ni Ace, e! Wait. Speaking of the
devil. Si Ace.

TAMA! S'YA NGA!

Siguro naman matutulungan n'ya 'ko sa 4+5=56 na problem na 'to. Kaya lang baka
tulog na s'ya. Tiningnan ko 'yong wrist watch ko, 10:18pm na, gising pa kaya 'yon?

Lumabas ako ng kwarto ko at pumunta sa tapat ng kwarto n'ya. Kumatok ako pero
walang sumasagot kaya pinihit ko na lang ang doorknob at sumilip.

Nakita ko siyang nakahiga na pero hindi ako sure kung tulog na ba s'ya o hindi pa.
Nakalikod kasi s'ya sa 'kin kaya hindi ko nakikita ang mukha n'ya.

Dahan-dahan akong pumasok sa loob at lumapit sa study table n'ya. Binuklat ko 'yong
libro na nakapatong do'n, baka kasi swertihin pa 'ko at may maligaw na page na may
explanation kung paano naging 56 ang sagot sa 4+5.

Pero gaya ng iniisip ko...biguan na, sawi pa. Dahil wala akong nakita.
Tiningnan ko si Ace at nakita ko ngang natutulog na siya. May libro s'yang hawak,
math book. Siguro naroon ang sagot sa tanong ni Christia at Ryza.

Lumapit ako nang bahagya kay Ace, dumukwang ako at dahan-dahang kinuha ang libro.
Malapit ko na 'yon makuha sa kamay n'ya pero nagulat ako nang bigla niya 'kong
hinila pahiga.

Hindi ako nakapagsalita dahil sobrang lapit ng mukha n'ya sa 'kin. Punyemas! Alam
kong nagkiss na kami pero kakaiba 'yong nafe-feel ko kapag ganito s'ya kalapit sa
'kin. Naiilang ako, sobra. Parang lagi akong kinakabahan.

He placed his hand on my waist and pulled me closer, then he hugged me, tightly.
Napalunok ako at parang may bumabara sa lalamunan ko.

"T-teka sir..." Hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko dahil naiilang ako sa kaniya.

Nakapikit siya pero alam kong gising siya. Nakatingin lang ako sa mukha niya habang
siya parang prinsipe pa rin na natutulog at ayaw akong pakawalan.

"What a strange young lady coming to a man's room like that in the middle of the
night," he whispered. Ginaya niya 'yong sinabi ko sa kaniya noong pumasok siya sa
kwarto ko.

"B-Bakit? Masama ba? Mag-asawa naman tayo," kinakabahan kong sabi. Pero parang
wrong move yata dahil napangisi siya nang marinig 'yon sa 'kin.

"Alam ko, kaya nga okay lang kung dito ka matutulog ngayong gabi. Okay na okay rin
kung magkatabi tayo." Bigla s'yang dumilat at tumingin sa 'kin. Nailang ako kaya
medyo yumuko ako para hindi n'ya 'ko matingnan sa mata. Pero gaya pa rin kanina,
mahigpit pa rin ang yakap niya sa 'kin.

"S-sir, hindi ako makahinga p'wede bang pakawalan mo 'ko?" Medyo niluwagan niya ang
pagkakayakap sa 'kin pero hindi niya pa rin ako pinakawalan. "Why are you hugging
me as if there's no another day in your life, sir?"

"Simula pa kasi no'ng ikinasal tayo, parang ngayon ko lang 'to nagawa." Mahina lang
ang boses niya pero rinig ko pa rin dahil sobrang lapit namin sa isa't-isa. Ang
bango pa ng hininga niya, pusang gala!

"Ang OA mo ngayon, sir. Hindi bagay sa'yo," pang-aasar ko.

"Huwag kang mag-alala, hindi na kita susungitan. Lagi na kitang papansinin para
maging okay na tayo bilang mag-asawa," he whispered again. Parang gusto ko naman
maiyak dahil do'n.

"Talaga? Hindi mo na 'ko susungitan kahit kailan?" He hummed as a response.


"Promise?" I looked up at him so I can finally see his face if he's being serious
or not. But instead of answering me, he gave me a kissed.

And I can't help but kissed him back.

***

P'wede pong maglambing? P'wede pa VOTE every chapter? Pampakilig n'yo sa 'kin tutal
napapakilig ko rin kayo. Haha! Pa-comment and follow na rin para sulit. At sa mga
hindi pa naka-folllow sa fb page ko, follow na rin kayo "Miss Ahyenxii Stories" ove
you all! :)
-Miss_Ahyenxii

Chapter 12. Bad Deal

KEYCEE's POV

Sabay kaming nagising ni Ace—no, medyo nauna pala siya. Ang sabi niya tinitigan
niya lang daw ako habang natutulog ako. Oh, 'di ba parang hindi kapani-paniwala.

Sabay din kaming nag-almusal, medyo gulat pa nga si Yaya Miranda dahil kakaiba raw
ang kilos ni Ace ngayon. Hindi raw katulad dati na pati siya ay ramdam ang pagiging
cold sa 'kin ni Ace, at syempre, natutuwa naman si yaya.

Sinabay na rin niya ako papasok sa school. Sana nga totoo na 'to at hindi
panaginip. Sana maging ganito na lagi siya araw-araw at hindi na siya maging
istrikto katulad dat—

"Baba na," he snapped me out of my thought.

Lumingon ako sa kaniya nang nagtataka. "Ha?"

"Sabi ko, baba na."

Wait? Pinapababa niya ba talaga 'ko? Pero akala ko ba okay na kami?

"Where are we anyway?" tanong niya sa 'kin. Napansin niya siguro ang pagsimangot
ko.

"Malapit sa school," mahina kong sagot.

"Yeah, that's why I told you to get out, unless you want them to see us getting out
of my car together," he replied, not leaving my gaze.

"Ibig sabihin dito sa school back to dati ulit tayo?"

"Gano'n nga, Miss Dela Vega," seryoso niyang sagot.

I huffed. "Fine! Sir Lee!" I said and immediately got out, closing the door hardly.
"Kung 'di ka lang g'wapo, hmf!" Inangat ko pa ang kamao o para ambangan ng suntok
si Ace kahit malayo na 'yong kotse niya.

***

After break time, tumambay muna kami nila Ryza at Christia sa tapat ng gym. Malapit
na kasi ang P.E time namin. Ang problema hindi ko pa dala ang P.E uniform ko kaya
hindi ko alam kung makakapasok ba ako mamaya. Sobrang sungit pa naman ng bakla
naming teacher sa P.E.

"Omg!" sigaw ni Ryza after kong haplusin ang mukha ko. May tubig kasi na bigla na
lang tumapon sa 'kin. Tiningnan ko 'yong mga bata sa likod ko at sa tingin ko sila
ang may gawa no'n. Mga elementary sila.

"Sorry po ate, hindi po namin sinasadya," sabi ng isang bata. E, ano pa nga ba ang
magagawa ko? Mukhang hindi naman nga nila sinadya. Pero bakit sa 'kin pa tumapon
'yong tubig na nakalagay sa timba nila? Bakit hindi na lang kay Ryza o Christia?
Pambihira naman! Wala na nga akong pamalit na P.E tapos nabasa pa 'yong uniform ko?

"Okay lang, sige na bumalik na kayo sa klase n'yo," sagot ko sa kanila at saka ako
ngumiti. Umalis na sila agad, 'yong dalawang kaibigan ko naman nakatingin lang sa
'kin.

"Para kang basing sisiw, bes! Sige na magpalit ka na sa cr, bilis!" Halos
ipagtulakan pa 'ko ni Ryza. Hindi ba nila naisip na wala akong dalang P.E uniform?
Paano naman kaya ako makakapagpalit? Nakakahiya pa tuloy ang itsura ko.

Sino kaya ang p'wede kong utusan para kumuha ng P.E uniform ko sa bahay? Hindi ko
naman p'wedeng utusan si Yaya Miranda na pumunta rito dahil busy siya. Hindi rin
p'wede si Ace dahil may klase pa siya nang ganitong oras. Ano na'ng gagawin ko?
Pinagtitinginan pa 'ko ng ibang estudyante dahil sa itsura ko.

Teka. E, kung doon kaya muna 'ko sa office ni Ace? Wala naman ibang tao ro'n dahil
nagkaklase pa siya.

Tama! Do'n na lang muna 'ko.

***

'Wag na kayong magtaka kung bakit ako nakapasok. HAH! Malakas yata ako kay manong
guard. Wala pa naman si Ace kaya p'wede muna 'kong magtanggal ng damit, papatuyuin
ko muna 'yong uniform ko.

Pumunta 'ko sa secret room ni Ace at kumuha ng hanger. Ini-hanger ko 'yong blouse
ko, tumapat ako ro'n at hinipan para mas mabilis matuyo. Kaso mukha lang akong
tanga sa ginagawa ko kaya kumuha na lang ako ng folder na mukhang hindi ginagamit
para gawing pamaypay.

"Matuyo ka na, please."

Baka kasi biglang dumating si Ace, magtaka pa 'yon kung bakit narito ako. At isa
pa, ganito ang itsura ko. Kainis naman kasi, buti na lang hindi masyadong nabasa
'yong palda ko. Blouse ko lang talaga ang napuruhan.

Patuloy lang ako sa pagpaypay sa uniform ko nang bigla kong narinig ang boses ni
Ace mula sa labas. Sh*t!

Narinig ko rin na binati siya ng guard at alam kong papasok na siya sa loob.
Kyaaaah! What should I do?

Nataranta na 'ko at nagsimulang maghanap ng pagtataguan. Lumabas ako sa secret room


niya at nagtago sa ilalim ng desk pero umalis din ako agad, baka kasi pumunta siya
ro'n at makita niya 'ko.

Bumalik ulit ako sa secret room at humiga sa kama niya at nagtalukbong ng kumot,
pero bumangon din ako dahil paniguradong mahahalata niya ako ro'n.

Lalabas na sana ko sa secret room nang marinig ko na siyang pumasok sa loob kaya
tumakbo agad ako sa loob ng cr. No choice, ito na lang talaga ang mapagtataguan ko.

Oh my gosh! 'Yong blouse ko naiwan!

Naka hanger 'yon malapit sa desk niya. WAAAAAHH! Lagot na! I'm dead! I'm dead!

ACE's POV
"Sir, nasa loob po si Miss Keycee," sabi ng guard na naka duty sa office ko bago
ako tuluyang pumasok sa loob, "may kailangan lang daw po s'yang papirmahan sa inyo
kaya nauna na sa loob. Ayaw ko nga po sanang papasukin pero nagpumilit, sir."
Napakamot siya sa ulo at yumuko nang bahagya.

"It's okay. Just keep it a secret." I tapped his shoulder before I went inside.

Alam na niya kasi ang tungkol sa amin. Noong napapadalas ang pagtawag ko kay Keycee
rito sa office, alam kong nagtataka na siya, lalo na kapag nagtatagal si Keycee sa
loob. Kaya kinausap ko siya one time and I told him that we're married. Of course,
he was shock but I also told him not to tell anyone.

Nakita ko 'yong uniform ni Keycee, naka-hang malapit sa desk ko. Lumapit ako para
i-check kung bakit 'yon nandito.

It's wet. I looked around to find her pero hindi ko siya nakita. Naligo ba siya at
basa ang blouse niya?

Kinuha ko ang uniform niya at dinala sa kwarto. I have a secret room here so I
could sleep when I have free time.

Kumatok muna 'ko sa pinto bago pumasok. Nang hindi siya sumagot, napilitan na 'kong
pumasok sa loob. Pero wala siya ro'n.

Dumako ang tingin ko sa cr. Naisip ko na agad na naroon siya dahil wala naman na
siyang iba pang p'wedeng pagtaguan.

Lumapit ako at kumatok. "Keycee?" I called. She didn't response so I knocked again.
"Keycee, are you there?" Still no response kaya umalis na lang muna 'ko at lumabas
sa kwarto. Maybe she was shy because she wasn't wearing her uniform.

I went to my desk and started to check my students paper. Nagpa-quiz ako kanina, at
hindi ko alam kung nakasagot ba nang maayos si Keycee. Sa tingin ko hindi, lagi
naman, kaya hindi na bago sa 'kin kung lagi siyang zero.

KEYCEE's POV

Matagal din akong nagkulong sa cr simula no'ng narinig ko na kumatok si Ace. Buti
na lang hindi ako lumabas agad, kung hindi baka nahuli na ko no'n.

Ilang minuto pa ang pinalipas ko bago ako nagdesisyong lumabas. Nakita ko agad
'yong blouse ko sa kama kaya kinuha ko 'yon at nagmadali na akong magbihis kahit
hindi pa 'yon masyadong tuyo.

Lumabas na 'ko sa kwarto sa pag-aakalang wala na siya sa office niya pero nagkamali
ako. Naabutan ko siyang nagche-check ng papers sa desk kaya napaatras agad ako sa
kwarto, pero bigla siyang nagsalita.

"Magtatago ka na naman? Alam kong kanina ka pa nand'yan kaya lumabas ka na."


Napayuko ako habang dahan-dahang lumalabas sa secret room niya. "Kumusta ang quiz?"
tanong niya sabay baling sa 'kin.

"Okay naman, sir." I smiled awkwardly.

"Talaga? Okay lang? Sa tingin mo ilan kaya ang score na nakuha mo?" Bumaling siya
sa mga papers na nasa harapan niya at parang may hinahanap.

"Up to twenty 'yon sir, sa tingin ko five ang tama ko or four, p'wede rin namang
three." Bigla siyang napatingin sa 'kin at ngumiti na parang nang-aasar.

"Five points? Four? Three? Ang taas naman ng expectations mo samantalang wala ka
ngang tama kahit isa," natatawa niyang sabi.

"Kahit isa wala?" Sumimangot ako at tumango naman siya. "Hindi bale, babawi na lang
ako sa exam! Promise 'yan! Mauubos ang tinta ng ballpen mo sa kakalagay ng check sa
bawat number ng papel ko. Itaga mo 'yan sa bato, sir!" hamon ko sa kaniya.

"Oh, really?" Tumayo siya at dahan-dahang humakbang palapit sa 'kin. Habang


papalapit siya, parang nagsisi ako bigla sa sinabi ko. Bakit ba kasi hinamon ko pa
siya? "Sige. Hanito na lang...kapag na perfect mo ang exam..." he took a pause,
"no, it's impossible. Let's say you got at least eighty percent right..." he paused
again, "okay, let's say you got seventy percent— no, fifty. Let's say you got fifty
percent—"

"Gano'n ba ako kabopis sa paningin mo?" I glared at him.

"Yes. No, I mean..." he paused again, couldn't find the right words to explain.

Kung sa tingin niya hindi ko kaya na maka-perfect sa exam sa math, p'wes! Ako rin!
Sa tingin ko ay hindi ko rin 'yon kaya! Pero 'yong eighty percent at seventy
percent, hello! Hindi ko pa rin 'yon kaya! Sige, oo na, tama na siya! Kahit 'yong
fifty percent nga hindi pa 'ko sigurado kung kaya kong abutin, e!

"Huwag ka nang mahiyang isagad sa twenty percent, 'di ako magagalit, promise!" I
said sarcastically and rolled my eyes.

"Listen to me first, what I want to happen is, when you get at least sixty percent
of the correct answer...I'll grant you a wish." He said, giving me small polite
smile.

Ako naman ang natigilan this time. Tama ba 'ko nang dinig? Wish? Wish daw?

I stared at him, examining his face, trying to find a hint if he's being dead
serious or just playing with me.

"Look Keycee, I'm trying to give you motivation to study, so that you can pass—"

"Ilang wish?" I asked, cutting him off. Mukhang seryoso naman siya at interesado
ako sa sinabi niyang wish. Pero kailangan kong malaman kung hanggang ilan ang wish
na p'wede kong hingin bago ako magsunog-kilay.

"Three. I think it's enough," he replied.

"Tatlong kahilingan? Wow, genie is that you?" I joked.

Hindi na niya ako sinagot at humakbang na siya pabalik sa desk niya para simula na
ulit mag-check ng papel.

"Up to ilan po ba ang exam, sir?" tanong ko, medyo lumapit ako sa kaniya.

"Eighty points."

"Eighty points?!" my eyes widened.

He turned to me and smiled. "Yes, you heard it right. Eighty points. If you passed
the exam, I'll grant you three wishes, but if you failed, you'll give me a baby.
And that's a deal.
***

P'wede pong maglambing? P'wede pa VOTE every chapter? Pampakilig n'yo sa 'kin tutal
napapakilig ko rin kayo. Haha! Pa-comment and follow na rin para sulit. At sa mga
hindi pa naka-folllow sa fb page ko, follow na rin kayo "Miss Ahyenxii Stories" ove
you all! :)

-Miss_Ahyenxii

Chapter 13. Exam Day

KEYCEE's POV

Solve. Lukot. Hagis. Sa gan'yan lang umiikot ang buhay ko ngayon. Wala akong
pakialam kahit sobrang kalat na sa kwarto ko dahil sa mga papel na nilulukot at
hinahagis ko sa tuwing mali ang ginagawa ko.

Wala pa kasi akong naso-solve na tama kahit isa. Ilang oras na akong nakakulong sa
kwarto at nagre-review. Sa isang araw na ang exam namin sa math. Paano na? Hindi pa
naman ako p'wedeng bumagsak dahil sa deal namin ni Ace.

"Yes, you heard it right. Eighty points. If you passed the exam, I'll grant you
three wishes, but if you failed, you'll give me a baby. And that's a deal."

Binagsak ko 'yong ballpen sa study table ko at saka ko sinabunutan ang sarili ko.
Baby? Hell no!

Natigilan ako nang may narinig akong katok sa pinto. Pagharap ko, nakasilip na ro'n
si Ace.

"Let's eat dinner, baka magutom ka n'yan. May magandang movie ngayon, baka gusto
mong manood tayo?" he teased.

"P'wede ba! Nag-aaral 'yong tao! Hindi mo ba nakikita!" pasigaw kong sabi habang
naglalakad siya palapit sa 'kin.

Hindi lang kasi ito ang unang beses na sumilip siya. Kanina pa siya pabalik-balik
dito sa kwarto ko at inaalok ako ng mga bagay na masarap gawin like, malling,
computer games, kakain daw kami sa labas, mamamasyal daw kami, at kung anu-ano pa.
E, halata naman na dini-distract niya lang ako sa pagre-review para hindi ako
makapasa.

Noong una, halatang gusto niya akong makapasa. Nagbigay pa nga siya ng
consideration na hanggang fifty percent, 'di ba? Pero simula noong banggitin niya
'yong tungkol sa consequences kapag hindi ako pumasa, parang baligtad na ang gusto
niyang mangyari.

Aba, sinuswerte s'ya! Kahit na masunog pa ang kilay ko mag -aaral pa rin ako para
pumasa! Ayoko pang magkaanak! D'yosmiyo!

"Alam mo Ace, mas okay pa na sinusungitan mo 'ko kaysa ganito. P'wede bang maging
istrikto ka ulit sa 'kin ngayon kahit nasa bahay tayo? 'Yong tipong sasabihan mo
'ko na mag-review na lang ako kaysa kung anu-ano ang ginagawa ko. Baka matulungan
mo pa 'kong mag-focus kapag gano'n," inis kong sabi, nakatayo na siya sa tabi ko.

Napangiti naman siya bigla. He cleared his throat bago magsalita, "Ano'ng ginagawa
mo? Nag-aaral ka? Okay 'yan, para naman tumaas ang grades mo, hindi 'yong kung anu-
ano ang walang kwentang bagay ang pinagkakaabalahan mo!" sermon niya sab'kin.
Sinunod niya talaga 'ko in fairness.

"Gan'yan nga, sir. Sungitan mo pa 'ko..." nakangiti kong sabi. Mas gusto ko 'yong
strict version niya kapag nagre-review ako.

"Pero bago ka mag-review...kumain ka muna baka malipasan ka ng gutom. Kapag na


bored ka d'yan, you can watch Netfli—"

"Get out, would you?" Tinuro ko sa kaniya sa pinto, natatawa naman siyang lumabas.

Grabe, gusto kong mag-aral nang maayos pero tinutukso niya ako sa pagkain at
panonood. Ang hirap! Ang masaklap pa, ayaw niya akong pahiramin ng mga books niya.
Gusto kong magpaturo sa kaniya kaso ayaw rin niya. Kanino naman kaya ako
magpapatulong? Kainis!

Nag-vibrate ang phone ko kaya binasa ko muna 'yong text. "Hi. This is Pinky. How
are you?"

Aha! Mukhang alam ko na kung sino ang pwedeng magturo sa 'kin. Sa tingin ko naman
matalino siya kaya alam kong matutulungan niya 'ko.

Nireplyan ko na si Pinky at sinabi kong hindi ako okay dahil kailangan ko ng magtu-
tutor sa;'kin. I asked her kung matutulungan niya ba 'ko and she said yes so wala
na akong problema. Kaya lang ako ang pupunta kila Pinky since busy rin siya. Pero
okay lang, ang mahalaga makapasa ako.

***

Buong weekend akong mag-aral kila Pinky at sa tingin ko naman ay mayroon akong
natutunan dahil mas maliwanag siyang mag-explain kaysa kay Ace.

"Hoy, ano'ng ginagawa mo?" tumabi sa 'kin ni Christia. Nasa library kami dahil free
time namin.

"Nagre-review ako 'wag kang magulo," sagot ko sa kan'ya pero sa scratched paper ko
pa rin ako nakatitig. Alam kong pareho sila ni Ryza na nakatingin sa 'kin ngayon.

"Nagre-review? First time yata 'yan. Ano namang nakain mo at naisipan mong mag-
review? Oh, baka naman nilalagnat ka lang?" natatawang sabi ni Ryza.

"P'wede ba 'wag n'yo muna akong guluhin ngayon? Nag-aaral 'yong tao, istorbo kayo!
At saka anong lagnat? Tanga ba you? May flu vaccine ako!" inis kong sabi sa kanila.

"Bakit naman kasi nagre-review ka pa? 'Di ba sabi mo mag-asawa kayo ni Sir Lee?
Kung talagang mag-asawa kayo, hindi mo na kailangan mag-review, bulungan mo na lang
s'ya na ipasa ka n'ya," litanya ni Christia. Hanggang ngayon kasi ayaw pa rin
nilang maniwala sa;'kin na mag-asawa kami ni Ace. Akala nila pinaprank ko sila.
Pero okay na rin 'yon para wala akong maging problema. Marites pa naman 'tong
dalawang 'to.

"Syempre kapag binulungan mo s'ya dapat may kasama 'yon na haplos sabay kindat at
kagat labi," dagdag naman ni Ryza. Tiningnan ko sila nang masama dahil sa mga
sinasabi nila.
"Joke lang naman nagbibiro lang kami," depensa naman ni Christia.

***

Magkaharap kaming nag-aalmusal ni Ace pero parang wala ako sa sarili ko. Nakatulala
lang ako at inaayos sa utak ko 'yong mga pinag-aralan ko lalo na 'yong mga formula
na pinakabisa sa 'kin ni Pinky.

"Keycee iha, nakakatulog ka ba nitong mga nakakaraang gabi? Sa itsura mo kasi


parang hindi," nag-aalalang sabi ni Yaya Miranda habang nakatingin sa 'kin.

Hindi ko nagawang sagutin si yaya dahil patuloy ako sa pagre-recite ng mga formula,
pero mahina lang.

"Talagang nag-aral ka, ha? Well, malalaman natin mamaya," pabulong na sabi ni Ace
pero hindi ko siya pinansin. Tumayo na siya at lumabas ng bahay.

Agad na rin akong nagpaalam kay yaya para makasabay na kay Ace papasok sa school.

Okay, this is it! Moment of truth!

***

Gaya ng ginagawa ni sir kapag exam, lagi kaming two seats apart.

"Say present if you are here." Nag check muna si Ace ng attendance bago magpa-exam.
Hawak ko na 'yong test paper ko habang nanginginig ang kamay ko nang bigla niya
'kong tinawag.

"Miss Dela Vega?"

"Yes sir?" I looked up at him.

"Come here." Tinuro niya 'yong isang bakanteng upuan sa harap ng desk niya.

Wait. Doon niya ba 'ko balak paupuin?!

Lumapit agad ako at pasimple siyang tiningnan nang masama.

"Bakit?!" pabulong na reklamo ko sa kaniya, alam ko namang hindi ako narinig ng mga
classmates ko pero alam kong alam ni Ace na naiinis ako.

"Maupo ka na, Miss Dela Vega."

Aba't! Talagang dito n'ya 'ko papaupuin sa harap n'ya mismo? How can I concentrate
then kung mukha niya ang makikita ko kapag iaangat ko ang ulo ko, like seriously!

"Why me?" pabulong ko ulit na sabi sa kaniya. Tiningnan ko pa siya nang masama pero
ugaling devil na naman siya ngayon. Hindi niya ako pinapansin.

Kainis!

"Did you say something, Miss Dela Vega?" puna niya sa 'kin.

Binalik ko ulit ang tingin sa kaniya. "Wala po, sir," sagot ko at saka ako ngumiti
nang pilit. Napangiti naman rin siya nang bahagya pero agad niya rin 'yon binawi.

Ilang sandali pa, nagsimula na kaming magsagot sa exam. Habang nagsasagot ako,
nakaupo naman si Ace sa upuan niya, at syempre nakaharap siya sa 'kin. Alam ko rin
na tinititigan niya 'ko kaya tiningnan ko siya. After niya akong tingnan nilipat
niya naman ang tingin niya sa test paper ko kaya bigla ko 'yon tinakpan.

Nagsagot na ulit ako. Hindi ko na siya inintindi at tinapos ko na lahat ng problem.

***

"Sana naman pumasa ko sa math kahit pasang-awa lang," malungkot na sabi ni Ryza
habang nakatingin sa spaghetti niya. Nandito na kami sa cafeteria dahil tapos na
ang exam.

"Huwag kang mag-alala, papasa tayo kahit pasang-awa, tiwala lang!" sagot naman sa
kaniya ni Christia para palakasin ang loob niya.

"Ayoko ng pasang-awa! Kalag ako bumagsak, saksakin n'yo na lang ako on the spot!" I
exclaimed.

"Ang arte mo naman, para namang hindi ka rin nanalangin dati kahit pasang-awa? At
saka sure ka na bang makakapasa ka, ha? Kung makatanggi ka sa pasang-awa akala mo
naman papasa ka," natatawang sabi ni Ryza.

Sasagot pa sana 'ko nang bigla akong kinalabit ni Christia.

"Si Ryan 'yon, 'di ba?" Ngumuso siya sa direksyon kung nasaan si Ryan. Nasa bandang
dulo siya. Pareho kaming napatingin do'n ni Ryza.

"Who's that girl?" Ryza asked. Hindi ako nakakibo dahil nakatitig lang ako sa
napakagandang babae na katabi niya.

Sino 'yon? 'Di ba ako ang girlfriend n'ya? Bakit s'ya may kasamang iba?

***

P'wede pong maglambing? P'wede pa VOTE every chapter? Pampakilig n'yo sa 'kin tutal
napapakilig ko rin kayo. Haha! Pa-comment and follow na rin para sulit. At sa mga
hindi pa naka-folllow sa fb page ko, follow na rin kayo "Miss Ahyenxii Stories" ove
you all! :)

-Miss_Ahyenxii

Chapter 14. Passed or Failed

KEYCEE's POV

Pagkatapos namin mag-dinner pumasok agad si Ace sa room niya. Sa narinig ko kanina
sa pag-uusap nila ni Yaya Miranda, mukhang magche-check siya ngayon ng test paper.
Kailangan ko nang makita 'yong result ng exam ko as soon as possible bago pa 'ko
mabaliw kakaisip kung nakapasa ba 'ko o hindi.

Kakatok pa lang sana 'ko sa kwarto niya nang bigla niyang binuksan 'yong pinto.

"Kung ano man 'yang binabalak mo, 'wag mo nang ituloy. Alam kong alam mo na magche-
check ako ng papers ngayon, at kung iniisip mong masisilip mo 'yong
sa'yo...nagkakamali ka." Bigla niyang isinara ang pinto at narinig ko rin 'yong
pag-lock niya sa loob.

Wala na akong nagawa kung hindi ang bumalik na lang sa kwarto ko. Kailangan ko
talagang hintayin na lang ang kinabukasan para malaman kung ano'ng score ko.

Ang damot naman kasi no'n, para titingnan lang ba naman, e!

***

KINABUKASAN, sabay kaming nag-breakfast ni Ace. Tinatanong ko siya about sa resulta


ng exam ko pero hindi niya ako pinapansin.

"Sir naman, sige na, sabihin mo na sa 'kin kung naka-ilan ako. Mamamatay na yata
ako kaiisip. Hindi ka ba naaawa sa 'kin? Tingnan mo 'yong mata ko, hindi ako
nakatulog magdamag!" Patuloy ko pa rin siyang kinukulit, tipong patapos na siyang
kumain pero ako hindi ko pa nagagalaw ang pagkain ko dahil sa pagmamakaawa na
malaman ang score ko.

"Kapag hindi ka pa kumain, 'wag ka nang sumabay sa 'kin," sagot niya habang patuloy
pa rin sa pag-ubos ng pagkain niya. Hindi man lang siya lumingon sa 'kin.

"Sir naman kasi—" Hindi ko naituloy ang sasabihin nang biglang mag-ring 'yong cell
phone ko. It's Ryan. Sumulyap ako kay Ace bago ko 'yon pasimpleng sagutin. "Hello,
Ryan?" Natigilan si Ace sa pagkain, although hindi suya direktang nakatingin sa
'kin, alam kong nakikinig siya. "Mamaya? Sure." Binaba ko na agad ang phone ko at
tiningnan si Ace. "Sabihin mo na sa 'kin ang score—"

"What did he say?" he interrupted me. This time nag-angat na siya ng tingin sa 'kin
at tinitigan ako. 'Yong mukha niya kaninang seryoso ay mas lalo pang naging
seryoso.

Agad naman akong may naisip. "Secret," I smiled at him. "Sabihin mo muna sa 'kin
kung ilan ako tapos sasabihin ko sa'yo kung ano'ng sabi n'ya. Deal?"

"No, thanks." Agad na siyang tumayo sa upuan niya at nagpaalam kay yaya bago
tuluyang lumabas. Nataranda naman ako dahil hindi pa 'ko nakakapagsimulang kumain
man lang.

"Ace, sandali!" Hindi ko na nagawang kumain dahil napilitan na rin akong tumayo
para sundan siya. "Hindi pa 'ko kumakain," reklamo ko nang makasakay na 'ko sa loob
ng sasakyan niya.

"It's your fault," he said as he start the engine, "sa halip na kumain ka,
kinukulit mo 'ko sa score mo."

Bumaling naman ako sa kaniya. "Pa'nong hindi kita kukulitin, e, 'yong kaba sa
dibdib ko isang kilo!" I exclaimed.

"Malalaman mo rin naman mamaya ang score mo, hintayin mo na lang."

Hindi na ulit s'ya nagsalita at gano'n rin ako. Parang nawalan ako ng ganang
makipagtalo sa kanuya dahil nanlalambot ako sa gutom. Tumahimik na lang ako habang
nakahawak sa tiyan ko na kasalukuyang nag-aalarm.

Ilang sandali pa, biglang nag-iba ang direksyon namin.

"Sa'n tayo pupunta?" taka kong tanong, pero hindi niya 'ko sinagot. Hanggang sa
namalayan ko na lang na nasa McDo na kami, drive thru. He ordered a cheeseburger,
large fries and coffee, then he gave it to me.
"Para may lakas ka mamaya kapag nag-announce na 'ko ng result ng exam."

***

"Mary Ann Agustin, 42."

"Sarah Bulanadi, 37."

"Joyce Candido, 48."

Kahit hindi nawala na ang gutom ko dahil sa biniling McDo ni Ace, pakiramdam ko
hindi pa rin nawala ang panlalambot ko. Kinakabahan akong malaman 'yong score ko.
Lalo na at malapit na 'kong tawagin.

"Zaila Dizon, 29."

Kapag ako bumagsak iuuntog ko na lang ang sarili ko sa pader.

"Keycee Dela Vega..." biglang tumingin sa 'kin si Ace, kinakabahan ako sa tingin
niya. Saksakin mo na lang ako kaysa sabihin mong bagsak ako! "Got 63 points out of
80."

Nakatulala ako at nakatingin kay Ace habang ang mga classmates ko nagsimula nang
magbulungan.

"Wow, naka sixty-three sy'a? Ang galing naman..."

"Pa'no n'ya kaya nagawa 'yon? First time 'to. Baka nandaya."

Sabagay, hindi ko sila masisisi. Sino ba naman ako para makakuha ng sixty-three, e,
sobrang boplakers ko sa math.

"Keycee Dela Vega got 63 points on the exam, it's a miracle so please give her a
big hand," Ace continued. Nagpalakpakan naman ang mga kaklase ko. Si Ryza at
Christia naman ay tumingin sa 'kin na para bang hindi makapaniwala. Sila lang ang
hindi pumapalakpak. Oh, 'di ba, supportive! "Dahil marami ang bumagsak sa inyo sa
exam, magbibigay ako ng chance. May isang simpleng tanong na kailangan n'yong
sagutin, kung masagot n'yo 'yon nang tama, I'll give you plus 10," sabi ni Ace.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong napangiti nang sabihin n'ya 'yon. Feeling ko
kasi parang gusto ko pa ng plus ten. Parang hindi ako kuntento sa sixty-three
points kahit na alam ko naman na pasado na 'ko. Gusto kong ipamukha kay Ace na
hindi ako bopis katulad nang iniisip niya!

***

Nasa desk si Ace at may papel sa harap niya. Doon niya isinulat ang tanong na
sasagutin namin. Pero isang studyante lang ang p'wedeng lumapit, kapag hindi niya
nasagot, 'yong kasunod naman niya sa upuan ang pupunta sa harap. At ang policy pa,
bawal mong itanong sa naunang tumayo kung ano ang nakasulat sa papel.

Halos kalahati na ng section namin ang pumunta sa harap pero wala pang nakakasagot.
Ako kaya? Masasagot ko kaya 'yon?

"Hoy Keycee, ikaw na!" sabi sa 'kin ng katabi ko. Kinakabahan naman akong tumayo at
pumunta sa tabi ni Ace. Tiningnan ko muna siya bago ko binasa 'yong tanong sa papel
na nasa harap niya.
It comes once in a year, twice in a week but never in a month.

"What is the answer?" tanong ni Ace sa 'kin habang nakatitig ako sa maliit na
papel. Tiningnan ko naman siya na parang nagtataka. It comes one in a year, twice
in a week but never in a month? Ano 'yon? Christmas? New year? Valentines Day?
Birthday? Halloween? No, no, no! Uhmm...anniversary? Monthssary? "If you don't know
the answer go back to your seat para mabigyan ng chance ang iba," he snapped me out
of my thought.

"Wait lang sir, nag-iisip pa po ako ng sagot." Once in a year? Twice in a week? But
never in a month? Haaaay! Bakit ba kasi ganito ang tanong niya? Akala ko pa naman
related sa math na mga inaral ko. Nakakaloka!

Nang matantiya ko na walang pag-asang masagot ko 'yon, tumalikod na 'ko kay Ace
para bumalik sa upuan ko. Pero nasa kalahati pa lang ako nang bigla akong
mapahinto. Lumingon ako at tiningnan ko si Ace.

"Yes, Miss Dela Vega? May nakalimutan ka ba?" tanong ni Ace sa 'kin pagharap ko sa
kaniya.

It comes once in a YEAR, twice in a WEEK but never in a MONTH?

Agad akong humakbang pabalik sa kaniya at ngumiti nang malapad dahil parang gets ko
'yong tanong niya.

"Sir, alam ko na ang sagot."

***

Don't forget to click the STAR, comment and follow. :)

Chapter 15. Break-up

KEYCEE's POV

Nagsimula nang magbulungan ang mga kaklase ko. Parang hindi sila makapaniwala na
alam ko na ang sagot. Ang iba naman sinasabi na kapag daw tama ako, magkakaroon daw
ulit ako ng plus ten kahit na hindi ko naman na raw kailangan 'yon.

"Hoy Keycee," tawag sa 'kin ni Christia, "dati kahit pasang-awa masaya ka na. Aba,
ngayon pati plus ten gusto mong kamkamin? Sumobra ka naman yata sa pagkagahaman!"
pang-aasar niya sa 'kin.

"Oo nga! Ipaubaya mo na samin 'yan! Naka sixty-three ka na nga, e!" Ryza agreed.

Kita niyo? Mga kaibigan ko 'yan, na sa halip na suportahan ako, sila pa ang unang
nang-uusig sa 'kin.

"Kasalanan ko bang alam ko ang sagot?" natatawa kong ganti sa dalawa.

Nang magsimula na ring magbulungan ang ilan ko pang mga kaklase ay sinaway agad
sila ni Ace, kaya wala silang nagawa kung hindi ang tumahimik ulit.

"What is it, Miss Dela Vega?" Ace finally turned to me. Binalik ko rin ang tingin
ko sa kaniya at saka ako ngumiti nang napakatamis, 'yong tipong kikiligin pati apdo
niya

"Letter 'E' sir," proud kong sabi, "It comes once in a YEAR, twice in a WEEK but
never in a MONTH." Saglit na katahimikan ang bumalot sa loob ng classroom bago nag-
ingay ang mga kaklase ko.

"Ahhhhh~" sabay-sabay nilang sabi nang magets rin ang sagot.

"Taba ng utak mo, Keycee!" natatawang sabi ni Mike.

"Lods! Pa-picture!" Justine.

"Letter E lang pala 'yong sagot kung anu-ano pang okasyon ang iniisip ko, bopis!"
Eman.

"Ako rin boy," sang-ayon naman ni Kerwin kay Eman at pareho pa silang natawa.

Hindi muna sumagot si Ace, nakatingin lang siya sa 'kin at naniningkit ang mga
mata. Siguro nagtataka siya kung bakit sa bobo kong 'to, nahulaan ko agad ang
sagot.

Huh! Kala mo, ha! Don't just the cover by its boo—the book by its cover pala!

"Ang swerte naman ni Keycee, 63 na nga s'ya sa exam tapos sa kan'ya pa mapupunta
'yong plus ten," pahabol pa ni Maymay.

"Your total score now is 73. Later in your break time, you can order whatever you
want to eat, just tell the cafeteria staff that I'm the one paying."

Wait. What? Meal? Meal lang? Nasa'n na 'yong three wishes ko?

Kumunot ang noo sa sinabi ni Ace, kahit na ang mga kaklase ko ay sobrang tuwa at
sinasabi pa na umorder daw ako nang marami at sasabay sila sa 'kin kumain. Duh! PG
kayo all?

Bahagya akong lumapit sa desk niya para hindi marinig ng mga kaklase kong unggoy
ang sasabihin ko.

"Three wishes, remember?" I whispered through clenched teeth.

"Go back to your seat, Miss 73," pang-aasar niya pa sa 'kin.

***

Kumakanta ako ng money by Lisa habang naglalakad kami sa hallway. Ito na yata ang
pinakamaligayang araw sa buhay ko. 'Yong pumasa 'ko sa math exam nang hindi ko ine-
expect. I mean, yes, I did expect pala, a bit, kasi naman talagang sunog-kilay ang
ginawa ko. Kaya ngayon hindi lang ako basta pasado, highest ako sa aming
magkakaklase. I'm so proud of my buong pagkatao na yata!

At kaya money ang kinakanta ko dahil napag-isipan ko na isa sa mga hihilingin ko


kay Ace ay pera. Napa-evil laughed tuloy ako nang bahagya.

Tuloy pa rin ako sa pagkanta nang biglang mab'wisit si Ryza. "Please Keycee, 'wag
ka ng kumanta, hindi pa nakakapagsilong ng sinampay 'yong mama ko tapos magpapaulan
ka na!" pang-aasar niya sa 'kin.

"Takte, Keycee! Kung alam ko lang na seryoso ka sa pagre-review, sana pala naki-
review na rin ako sa'yo," natatawa naman si Christia.

"Hindi ako naniniwalang self review lang 'yan, Christia. I'm sure may tumulong
d'yan. Si Keycee pa ba? Dakilang bopis 'yan sa math!" Humagalpak din ng tawa si
Ryza.

"Naka-ilang kandila ka ba sa pag-oorasyon mo? At sinu-sinong santo ba ang dinasalan


mo bukod sa pink na naz*reno?" dagdag ulit ni Christia.

"Siguro habang nag-eexam tayo may ibang nilalang na bumubulong sa'yo?" Tumawa ulit
si Ryza.

Huminto ako sa paglalakad at hinarap silang dalawa. "Ang hirap kasi sa inyo, hindi
kayo naniniwala sa kakayahan ko. Lagi n'yo akong pinagtatawanan kapag sinasabi kong
nagre-review ako. Bakit? Wala ba 'kong karapatang makapasa sa math? Ano'ng akala
n'yo sa 'kin? Forever boplaks?" I rolled my eyes. "Matalino naman talaga 'ko,
sadyang tamad lang akong mag-aral, pero kapag nag-aral naman ako kaya kong maging
top 1! At saka, hindi ba kayo masaya na nakakuha 'ko nang highest score sa exam?
Minsan na nga lang 'to, parang kabiguan pa sa inyo ang makapasa 'ko," pagmamaktol
ko sa kanila.

"Masaya kami of course, pero ang masaklap hindi naman gano'n ang score na nakuha
namin ngayon kaya paano kami magiging masaya katulad mo?" Biglang sumimangot si
Ryza.

"Huwag na kayong malungkot, may next time pa naman. Pagbutihin n'yo na lang sa
susunod."

"Wow! Coming from you Keycee? Na ngayon lang nakapasa sa math exam?" panunukso ni
Christia. Gusto ko sanang magsalita pa para sumagot sa kaniya kaso natigilan ako
nang makaramdam ako nang paninikip ng dibdib.

"Keycee, okay ka lang?" Ryza

"Bakit namumutla ka?" Christia.

Sinapo ko ang dibdib ko at hinaplos 'yon nang bahagya sabay hinga nang malalim.
Kung kanina halos pagtawanan nila ako, ngayon naman bakas sa mukha nila ang pag-
aalala.

"Wala. Okay lang ako. Tara na sa cafeteria para makakain na tayo." Sumasakit na
naman s'ya. Naninikip na naman at parang hindi ako makahinga.

Pinilit ko na lang na ayusin ang sarili ko para hindi ako mahalata nila Ryza.
Pagdating namin sa cafeteria, kumain agad kami. Habang kumakain si Ryza at Christia
palihim akong kumuha ng gamot sa bag ko at palihim 'yon ininom. Busy sila sa
pagkain kaya alam kong hindi nila 'ko napansin.

"Hi, Keycee." Tiningnan ko 'yong taong nagsalita mula sa likuran ko. Nakangiti siya
habang nakatingin sa 'kin.

Ryza cleared her throat and looked up at me as if kinakausap niya 'ko eye to eye na
'wag kong pansinin si Ryan.

"P'wede ba 'kong maupo sa tabi mo?" tanong ni Ryan. Tumango naman ako kahit na sa
tingin ko ay ayaw no'ng dalawa, ni Ryza at Christia.

"Excuse me, Ryan. Kakausapin ko lang saglit si Keycee." Hinila agad ako ni Christia
patayo. Medyo lumayo kami para hindi marinig ni Ryan ang sasabihin niya. "Baka
naman nakalimutan mo na 'yong nangyari noong isang araw?" she reminded me. 'Yong
nakita namin siya sa library na may kasamang babae pero hindi namin siya pinansin o
sinita kasi ayaw namin mag-eskandalo. Isa pa, hindi naman alam ni Ryan na nakita
namin siya that time.

"Hindi ko pa nakakalimutan 'yon," mahina kong sagot.

"E, bakit mo pa s'ya pinapansin? Bakit ka pa pumayag na maupo s'ya sa tabi mo?
Dapat nga makipag-break ka na sa kan'ya!" sermon niya sa 'kin.

"Gusto ko na ngang makipag-break, pero hindi ko alam kung paano."

"Hindi mo alam kung pa'no makipag-break? Duh!" Tiningnan muna 'ko ni Christia bago
siya ulit magsalita. "So, pa'no 'yan? Hahayaan mo na lang si Ryan na lokohin ka?
Wala ka bang gagawin lalo na ngayong alam mo na may iba s'yang girlfriend bukod
sa'yo?" Hindi ako nakasagot. "Alam mo Keycee, kung noong umpisa pa lang nalaman na
namin na gan'yan pala ang ugali ni Ryan, hindi na sana kami pumayag ni Ryza na
maging kayo. Kaso, pare-pareho tayong naisahan. Hindi natin agad nalaman na playboy
pala 'yang unggoy na 'yan!" inis n'yang sabi.

"Hayaan mo, makikipag-break na 'ko sa kaniya. At saka 'wag n'yo nang isipin 'yong
nangyari, wala naman akong pakialam kahit niloko n'ya 'ko."

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "Wala kang pakialam? Okay lang sa'yo?"

"Crush ko lang naman s'ya, hindi ko naman sinabi na mahal ko s'ya at hindi ako
mabubuhay nang wala s'ya. Crush is paghanga, you know?"

"Alam mo Keycee, kahit sabihin mo 'yan, hindi pa rin ako naniniwala na hindi ka
nasasaktan. Sige, sabihin na natin na hindi ka nga nasasaktan, pero sigurado ako na
nalulungkot ka rin."

"Tara na. Bumalik na tayo sa kanila, baka makahalata si Ryan." Hindi na 'ko kumibo.
Inaya ko na lang siya pabalik sa mesa namin para hindi na humaba pa ang usapan.
Tama siya. Hindi nga ako masyadong nasaktan pero sobrang nalulungkot ako.
Pakiramdam ko tuloy mas lalo pang nanikip ang dibdib ko. "Nga pala, 'di ba gusto
mong mag-usap tayo?" baling ko kay Ryan nang makaupo na ulit ako sa tabi n'ya. 'Yon
ang sinabi niya sa 'kin noong tumawag siya habang kumakain kami ng almusal ni Ace,
kaya ang naging sagot ko sa kaniya ay sure.

"Ah, oo. Magpapasama kasi sana ako sa'yo," he replied.

"Saan naman?" I asked, confused.

"May kukuhanin lang akong gamit sa mga barkada ko, ipapakilala tuloy kita sa
kanila." Hindi lang ako ang nagulat sa sinabi ni Ryan, pati si Ryza at Christia,
obvious na nagulat din.

"Ipapakilala mo s'ya sa barkada mo?" tanong ni Christia kay Ryan. Tumango naman
siya. Ang mga barkadang sinasabi niya ay 'yong mga sikat na varsity player sa
school namin.

"As in sasabihin mo sa kanila na girlfriend mo si Keycee?" si Ryza naman ang


nagtanong at tumango ulit si Ryan.

"Matanong ko lang Ryan...seryoso ka ba kay Keycee?" tanong ulit ni Christia.

"Oo," he turned to me, "mahal kita Keycee."


Hindi ako nakakibo dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko.
Pero bakit gano'n? Bakit parang kinilig ako nang bahagya? Ikaw ba naman sabihan ng
crush mo na mahal ka niya!

"We? Talaga bang mahal mo ang kaibigan namin?" usisa ni Christia.

"Oo," Ryan replied.

***

Magkasama kaming naglalakad ni Ryan sa hallway ng school. Pumayag kasi ako na


samahan siya sa mga barkada niya. May kukuhanin lang daw siyang gamit kaya hindi
rin daw kami magtatagal. Si Ryza at Christia naman umuwi na dahil wala naman na
kaming klase.

Narinig kong tumunog 'yong cell phone ni Ryan, huminto siya at binasa 'yong message
kaya huminto rin ako.

Bigla s'yang tumingin sa 'kin pagkatapos niyang basahin 'yon. Napansin ko rin na
nag-iba ang expression niya. Para siyang galit na medyo kinakabahan.

"Keycee..." nanginginig ang boses niya.

"Bakit?"

"Uh...umuwi ka na sa inyo. 'Wag ka nang sumama sa 'kin."

Kumunot ang noo ko sa pagtataka. "Ha? Bakit?"

"Basta."

"Pero—"

"Wala nang pero-pero! Bilisan mo, umuwi ka na!" Nagulat ako sa pagsigaw niya sa
'kin kaya hindi ako nakakibo. Tinalikuran na rin niya ako at naglakad na siya
palayo.

Hindi ko alam kung ano'ng nangyari. Kung ano ang nabasa niya at bigla na lang
siyang nagkagano'n. Sino kaya 'yong nagtext sa kaniya?

Dahil alam kong sa parking lot s'ya pumunta kaya naisip ko siyang sundan.

"Ryan, wait!" Papasakay na siya sa kotse kaya tumakbo ako para maabutan ko siya, at
lalong nag-init ang ulo niya nang makita niya 'ko.

"Ano ba'ng ginagawa mo rito?!" he yelled at me.

"Gusto ko lang itanong kung ano'ng nangyari kanina? Sa tingin ko kasi dahil do'n sa
text kaya nagbago ang mood mo," mahinahon kong sabi.

"Keycee, hindi mo pa ba naiintindihan? Ayoko na sa'yo. Break na tayo kaya umalis ka


na! Iwan mo na 'ko!"

"Break?" mahina kong tanong kasabay nang pagkunot-noo ko.

"Oo. Break na tayo."

"Pero 'di ba sabi mo kanina mahal mo 'ko?"


"'Yan ang hirap sa inyong mga babae, naniniwala agad kayo sa mga sinasabi namin!"

"Ibig sabihin hindi totoo na mahal mo 'ko?"

"Kung totoo 'yon sa tingin mo ba makikipaghiwalay ako sa'yo? Hindi mo pa ba


nahalata na pinaglalaruan lang kita? Hindi mo ba naisip noong una na baka
pinagtitripan lang kita? Keycee, hindi kita mahal. Trip ko lang na tulungan ka
no'ng nahihirapan kang maglakad. Walang ibang ibig sabihin 'yon!" Nakatayo lang ako
at nakatingin sa kaniya habang unti-unti kong nararamdaman ang pag-iinit ng mga
mata ko. "Huwag ka ngang umiyak d'yan! Umalis ka na...asdjkl zxcvbnm asfg fgjh."
Hindi ko na narinig 'yong huli niyang sinabi dahil tumakbo na 'ko palayo habang
umiiyak.

***

VOTE - COMMENT - FOLLOW :)

Chapter 16. Story Telling

RYAN's POV

Habang naglalakad kami ni Keycee sa hallway, iniisip ko na kung ano'ng p'wedeng


mangyari kapag sumama siya sa' kin ngayon.

Huminto agad ako nang tumunog ang cell phone ko. Huminto rin si Keycee at alam kong
pinagmamasdan niya ako.

"Brad, kasama mo na ba s'ya? Pakibilisan, ha? Naiinip na kami."

Tiningnan ko agad si Keycee nang mabasa ko ang text message na 'yon. Bakit ba kasi
si Keycee pa ang napili nila? Napaka-inosente niya. Parang hindi ko tuloy kayang
gawin 'to.

"Keycee..." I nervously called her.

"Bakit?" Even her expression was innocent. Damn it!

"Uh...umuwi ka na sa inyo. Huwag ka nang sumama sa 'kin," I told her, holding my


phone tightly, as if it was about to break.

"Ha? Bakit?"

Because I don't want you to put in danger.

"Basta."

"Wala nang pero-pero! Bilisan mo umuwi ka na!" Alam kong nagulat siya sa pagtaas ng
boses ko. Naglakad na 'ko palayo at iniwan siya nang walang lingon-lingon.

Pumunta na 'ko sa parking lot, kakausapin ko na lang sila pagdating ko ro'n. Alam
kong may mangyayaring hindi maganda sa 'kin kapag nalaman nila na hindi ko kasama
si Keycee, pero ayoko rin naman siyang idamay dito, kaya wala na akong pakialam
kung ano man ang gawin nila sa 'kin.
"Ryan, wait!" Narinig ko si Keycee, nang lingunin ko siya, tumatakbo siya palapit
sa 'kin. Bakit ba ang kulit niya? Hindi ba niya alam na p'wede siyang mapahamak sa
paglapit sa 'kin?

"Ano ba'ng ginagawa mo rito?!"

"Gusto ko lang itanong kung ano'ng nangyari kanina? Sa tingin ko kasi dahil do'n sa
text kaya nagbago ang mood mo."

Yes, that's right! You're right! Kaya nga pinapaalis na kita!

"Keycee, hindi mo pa ba naiintindihan? Ayoko na sa'yo. Break na tayo kaya umalis


kana! Iwan mo na 'ko!"

"Break?" mahina niyang tanong. Her eyes started to get teary.

Damn!

"Oo. Break na tayo." Sorry, Keycee, ayoko sanang sabihin 'to pero kailangan.

"Pero 'di ba sabi mo kanina mahal mo 'ko?"

"'Yan ang hirap sa inyong mga babae, naniniwala agad kayo sa mga sinasabi namin."

"Ibig sabihin hindi totoo na mahal mo 'ko?" I can't say that I love you, but I
can't say that I don't love you either.

"Kung totoo 'yon sa tingin mo ba makikipag-break ako sa'yo? Hindi mo pa ba nahalata


na pinaglalaruan lang kita? Hindi mo ba naisip noong una na baka pinagtitripan lang
kita? Keycee, hindi kita mahal. Trip ko lang na tulungan ka no'ng nahihirapan kang
maglakad. Walang ibang ibig sabihin 'yon." Her tears started to fall. If she only
knew how much I wanted to hug her. "Huwag ka ngang umiyak d'yan! Umalis ka na..."
bigla siyang tumalikod sa 'kin at patakbong umalis, "dahil ayaw kitang mapahamak."
Parang hindi ko siya matiis lalo na noong nakita ko na siyang umiyak.

I was about to follow her nang biglang dumating si Max, kasama 'yong ibang player.

"Oh brad, nasa'n na 'yong chix?" Max asked, looking around trying to find her.

"Wala na," sagot ko sa kanila. Tiningnan agad nila 'ko. "Mga brad, marami namang
iba d'yan. 'Wag si Keycee."

"E, tarantado ka pala, e! Hindi ka marunong sumunod sa usapan!" Sinuntok agad ako
ni Max at hindi na 'ko nagulat do'n. Alam kong ganito ang mangyayari. Patuloy siya
sa pananakit sa 'kin habang ang iba nakatingin lang, suportado sa ginagawang
pambubugbog sa 'kin ni Max.

KEYCEE's POV

Alas sais ng hapon noong makauwi ako sa bahay. Ayoko pa nga sanang umuwi dahil
mugto ang mata ko, kaso papadilim na.

Si yaya agad ang sumalubong sa 'kin pagpasok ko sa loob. "Oh Keycee, buti naman
nakauwi ka na. Kanina ka pa hinahanap ni Ace. Sa'n ka ba nagpunta? Isasabay ka raw
sana n'ya pauwi pero hindi ka n'ya nakita. Hindi ka rin daw nagsabi o nag text man
lang na hindi ka sasabay," sunod-sunod niyang sabi sa 'kin.

"Yaya..." Ang sakit po ng dibdib ko.


"Teka, bakit ka umiiyak?" Gumuhit na sa mukha niya ang pagkataranta.

"Yaya..." Lumapit agad ako sa kaniya at yumakap. Wala si mommy kaya kay yaya na
lang ako yumakap para lang maramdaman ko na hindi ako nag-iisa.

"Bakit, iha? Ano'ng nangyari?" Niyakap na rin niya ako habang hinahaplos ang likod
ko.

"Yaya...nagugutom po ako..." I lied, patuloy pa rin akong umiiyak. Hindi ko naman


p'wedeng sabihin na si Ryan ang dahilan ng pag-iyak ko dahil nasaktan ako sa mga
sinabi niya.

"Gano'n ba? Sige, halika sa kusina, ipaghahain kita." Inakay ako ni Yaya papunta sa
kusina at ipinaghanda ako ng pagkain. Pero habang kumakain ako, hindi ko pa rin
mapigilan ang luha ko.

"Ya, dumating na ba si Key-" Papasok si Ace sa dining area at hindi niya naituloy
ang sasabihin nang makita niya ako. "What happened?" tanong nuya sa 'kin pero hindi
ako kumibo. I wiped my tears at saka ko binilisan kumain para makaakyat agad sa
kwarto ko. "Ya, what happened?" Bumaling siya kay Yaya Miranda nang hindi ako
sumagot.

"Hindi ko rin alam, Ace. Umiiyak na s'ya kanina pagdating."

"Ano'ng nangyari sa'yo?" He turned his gaze to me again. Tumayo naman agad ako at
hianarap siya.

"Kasalanan mo 'to! Bakit kasi hindi mo agad sinabi sa 'kin na letter E lang pala
'yong sagot sa tanong mo!" Umiyak na naman ako. Lahat na ginawa kong dahilan sa
pag-iyak ko. Noong una, 'yong gutom ko, at ngayon 'yong b'wisit na letter E naman.

"That's it? 'Yon lang ang iniiyak mo? You're so childish, Keycee," sagot n'ya sa
'kin. "Pag-aalalahin mo pa 'ko dahil lang do'n?"

Hindi ko na siya pinansin, umalis na agad ako sa harap nila ni yaya at umakyat sa
kwarto ko.

***

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako dahil sa kakaiyak. Nagising lang ako dahil
nakaramdam ako ng uhaw. Bumangon ako sa kama at itinapak ang paa ko sa malamig na
tiles. Kasing lamig nang huling pakikipag-usap sa 'kin ni Ryan.

At dahil naisip ko siya. Bigla ko na naman naalala 'yong mga sinabi niya sa 'kin.

"Pero 'di ba sabi mo kanina mahal mo 'ko?"

"Yan ang hirap sa inyong mga babae, naniniwala agad kayo sa mga sinasabi namin."

"Ibig sabihin hindi totoo na mahal mo 'ko?"

"Kung totoo 'yon sa tingin mo ba makikipag-break ako sa'yo? Hindi mo pa ba nahalata


na pinaglalaruan lang kita? Hindi mo ba naisip no'ng una na baka pinagtitripan lang
kita? Keycee, hindi kita mahal, kaya umalis ka na."

"Ang sakit n'yang magsalita. Bakit? Sino ba s'ya? Crush ko lang naman s'ya, ah!"
Pinunasan ko ulit ang luha ko pagkatapos kong maalala 'yon. "Ang lakas ng loob
n'yang saktan ako nang walang paalam. 'Di bale sana kung nagpaalam s'ya baka
napaghandaan ko pa!" Nakaharap ako sa salamin at tinitingnan ang sarili ko.
"...Hindi mo pa ba nahalata na pinaglalaruan lang kita?" Muling nag-echo 'yon sa
pandinig ko kaya nakaramdam ulit ako ng inis.

"Huh! Pinaglaruan? Grabe, nakakatawa 'yon!" Biglang bumukas 'yong pinto ng kwarto
ko at pumasok si Ace.

"Sino'ng kausap mo? Bakit parang naririnig kitang nagsasalita mag-isa?" tanong
niya, humakbang siya papunta sa kama ko at naupo sa gilid.

"Ang tanong dapat, 'anong ginagawa mo? Bakit gising ka pa?' at saka bakit ka
pumasok agad nang hindi man lang kumakatok? Pa'no pala kung nagbibihis ako? Edi
nasilipan mo na 'ko! Sana man lang alam mo 'yong salitang knock before you open."
Inirapan ko s'ya. Lakas din ng loob ko na sabihin 'yon samantalang ako rin minsan
hindi naman kumakatok.

"Oo na. Tama ka na. Huwag ka ng magsalita. Ang dami mong sinasabi."

"Ano ba kasing kailangan mo?" Medyo naging malumanay na 'yong boses ko dahil
mukhang hindi naman siya pumunta rito para sungitan ako.

"Kung may gusto kang ikuwento, ikuwento mo lang makikinig ako." Nag-crossed arms
siya habang nakatingin pa rin sa 'kin. Kumunot naman ang noo ko. Kuwento?

"Ako, may ikukuwento? Tungkol saan?"

"Tungkol sa 'The Crying Princess.' Hindi ko kasi alam ang istorya n'ya at kung
bakit s'ya umiyak kaya ik'wento mo sa 'kin para malaman ko."

The Crying Princess?

Hindi ako nakapagsalita agad. Ako ba ang tinutukoy n'ya?

"Uhm, sige. Ikukuwento ko sa'yo." Humakbang ako palapit sa kama at naupo sa tabi
niya. "'Yong Prinsesa mayroon s'yang lalaking gusto, I mean crush n'ya. Tapos
naging sila agad, 'yong tipong wala man lang ligaw-ligaw na naganap tapos one click
lang sila na. Hindi s'ya makapaniwala noong una na sila na no'ng crush n'ya, super
saya n'ya pa nga. Pero isang araw nakita na lang ng Prinsesa at no'ng dalawa nitong
kaibigan na may kasamang iba 'yong lalaki—I mean 'yong crush n'ya. Doon din nila
nalaman na playboy pala 'yong lalaki. Tapos one day, sinabi ng lalaki na mahal n'ya
'yong Prinsesa at ipapakilala pa raw n'ya sa mga kaibigan n'ya..."

"Bakit sa kaibigan?" biglang tanong ni Ace kaya hindi ko naituloy ang sasabihin ko.
"Ang girlfriend dapat unang ipinapakilala sa magulang, hindi sa barkada o
kaibigan."

"Ha? E...ewan ko. Basta 'yon ang sabi n'ya."

"And then?" he asked, his arms still crossed.

"Tapos sinabi n'ya pa na mahal n'ya 'yong Prinsesa. Tapos 'yong Prinsesa naniwala
naman agad."

"What a stupid Princess," napapailing niyang sabi habang nakatitig sa 'kin. Gusto
ko sanang magalit pero baka magduda siya na sarili ko ang kinukwento ko.

"Noong time na paalis na sila, biglang nagbago 'yong lalaki. Ang sabi n'ya sa
Prinsesa, 'huwag ka nang sumama sa 'kin, umuwi ka na sa inyo.'" Ginaya ko pa kung
paano 'yon sinabi ni Ryan. "Nagtaka ngayon ang Prinsesa tapos tinanong n'ya kung
bakit. Pero hindi sinabi ng lalaki ang dahilan kaya naman sinundan na lang n'ya
'yon sa parking lot. Tapos do'n na nagsalita 'yong lalaki nang masasakit na salita.
Ang mga salita rin na 'yon ang dahilan kung bakit umiyak ang Prinsesa." Nakatingin
lang sa 'kin habang napapailing.

"Hindi kasi marunong makinig kaya nangyari sa kan'ya 'yon."

"Ha?" I furrowed my eyebrows.

"Oo. Hindi s'ya marunong makinig. Sa pagkakaalala ko may nag-warning na sa kan'ya


na playboy 'yong lalaking 'yon, pero hindi s'ya naniwala."

"Nag-warning? Sino? Sa pagkakaalala ko wala namang nagsabi sa 'kin na playboy si Ry


—" Natutop ko agad ang bibig ko habang gulat na nakatingin sa kaniya.

Oo, naalala ko na. Sinabi niya sa 'kin 'yon noong sabay kaming kumain sa office
niya. And wait, alam na niyang sarili ko ang tinutukoy ko?

"So, you cried just because of that? You wasted your tears on worthless people?"
Hindi ako nakakibo dahil sa sinabi niya. Kumpara sa 'kin mas matalino si Ace.
Simula pa lang siguro alam na niyang sarili ko ang kinukuwento ko. "Come here, I'll
give the princess a hug." She straightened his arms and opened it, waiting for me
to come closer so he could wrap it on me. "Come, before I changed my mind."

Umusog na agad ako at yumakap sa kaniya. "Can you give the Princess a kiss, too?"

Chapter 17. Photo

KEYCEE's POV

"Can you give the Princess a kiss, too?" I said, still in his embrace. We stayed
like that for a few moments before he finally unwrapped his arms around me.

"What a Princess wants, a princess gets." After he said that, he leaned forward and
pressed his lips to mine.

Bakit gano'n? Parang kanina lang iyak ako nang iyak, tapos ngayon parang walang
nangyari? Dahil kay Ace nakalimutan ko 'yong dahilan kung bakit ako umiyak. Dahil
din sa kaniya, nawala 'yong disappointment na nararamdaman ko kay Ryan.

"Thank you," sabi ko nang maglayo na ang mga mukha namin.

"For the kissed?" he teased.

"No." I shook my head. "Thank you for taking away the pain I felt earlier." Ngumiti
ako nang bahagya at saka ko ulit siya niyakap. "Thank you, Ace—my strict husband."

***

"Ayoko nga! Ayoko sabi! Huwag na lang!" Pilit akong hinihila ni Ryza at Christia sa
tapat ng pinto ng room nila Ryan.

Kinuwento ko kasi sa kanila ang nangyari kaya nagalit sila. Kailangan daw namin
komprontahin si Ryan at turuan ng leksyon. Akala mo naman ang tapang-talang nila
samantalang nagtatago pa sa likod ko kapag may aso kaming nadadaanan minsan.

"Huwag ka ngang gan'yan, Keycee! Sinaktan ka no'ng tao tapos tutunganga ka lang?
Wala ka man lang bang gagawin?" inis na sabi ni Ryza.

"Kahit naman may gawin ako, wala na rin mangyayari, tapos na 'yon!" I exclaimed.

"'Yon na nga, tinapos n'ya lang nang gano'n. Kaya kailangan gantihan mo s'ya. 'Yong
ganti na mas masasaktan s'ya!" Isa pa 'tong si Christia. "Kaya halika na. Huwag ka
lang basta tumayo d'yan." Hinila na nila 'ko kaya wala na 'kong nagawa. Dalawang
puwersa sila kaya hindi ko kaya.

Isa-isa nang naglalabasan 'yong mga estudyante sa room nila Ryan pero hindi pa rin
namin s'ya nakikita.

"Umalis na lang kaya tayo? Huwag na natin s'yang hanapin, tara na." Tumalikod na
'ko and was about to leave when I heard Ryan's voice.

"Keycee," tawag niya sa 'kin. Nakatalikod ako, hindi ko alam kung paano ako haharap
sa kaniya. "P'wede ba tayong mag-usap?" Naramdaman kong lumapit siya sa 'kin dahil
narinig ko 'yong footsteps niya. Keycee, kaya mo 'yan! Harapin mo s'ya. 'Wag kang
kabahan!

"Saan mo gusto? Dito na lang ba?" tanong ko sabay harap sa kaniya. Pero natigilan
ako nang makita ko 'yong itsura niya, may mga pasa at sugat siya sa mukha.

'Yon din ang dahilan kaya speechless si Ryza at Christia. Nang ibaling ko kasi sa
kanila ang tingin ko— nakatitig lang sila kay Ryan na para bang hindi makapaniwala
sa itsura nito ngayon.

Gusto niyang mag-usap kami sa walang masyadong tao kaya ipinagpaalam niya 'ko sa
mga kaibigan ko at inaya niya qko sa back gate ng school.

***

"Keycee, 'yong nangyari kapahon..." pagsisimula niya, "gusto kong mag-sorry dahil—"

"Dahil pinaglaruan mo lang ako?" I interrupted him. "Kung ginirlfriend mo lang ko


para paglaruan...'wag kang mag-alala dahil pinatulan lang din naman kita para may
kalaro ka." Magsasalita sana siya pero hindi ko suya hinayaan na makapangatwiran
pa. "At sorry ka, dahil sa game nating dalawa, player ka lang, ako coach na."
Feeling ko ang yabang ko. Siguro kasi, nasaktan ako sa mga sinabi niya sa 'kin kaya
kailangan kong magtapang-tapangan at ipamukha sa kaniya na hindi ako apektado.

"Keycee, hindi naman gano'n ang—"

"Simula ngayon 'wag mo na akong kakausapin. Aarte ako na hindi kita kilala at sana
gano'n ka rin." Naiinis ako kapag naaalala ko 'yong nangyari sa parking lot, para
akong kawawa na halos ipagtabuyan niya kaya dapat lang sa kaniya 'to!

Tumalikod na 'ko at nagsimulang maglakad, pero nakakailang hakbang pa lang ako


noong nagsalita siya.

"Sorry kung nasaktan kita, pero ginawa ko lang 'yon para protektahan ka." Inayos ko
ang sarili ko at humarap sa kaniya nang minsan pa.

"Sino ka nga ulit? At excuse me...naging tayo ba?" Hindi na siya nakapagsalita.
'Yong sinabi ko na aarte akong hindi ko siya kilala, gagawin ko talaga 'yon. Bitter
na kung bitter! Nasaktan ako, e, alangan naman tumawa ako at makipagkaibigan pa sa
kaniya. At wala akong pakialam kung nakipag-away pa siya, buti nga sa kaniya 'yon!

***

"Oh, ano? Kumusta? Ano'ng napag-usapan n'yo? Ano'ng sinabi mo sa kan'ya?" sunud-
sunod na tanong ni Ryza sa 'kin.

"Hindi lahat ng nangyayari sa 'kin dapat inaalam n'yo, kaya nga may salitang
privacy, 'di ba?" Hindi ko na sila pinansin at umupo na ako sa upuan ko. Sumunod
naman sila sa 'kin.

"Teka, bakit pati sa 'min bitter ka na?" reklamo ni Christia.

"P'wede bang 'wag n'yo muna akong kausapin? Nakakasakit kayo ng dibdib." Nirest ko
'yong ulo ko sa desk at saka ako pumikit. Pati sa kanila tuloy nag-iinit ang ulo
ko.

RYZA's POV

Magkasama kami ni Christia, naglalakad kami palabas ng school. Si Keycee naman


umuwi na sa kanila, hindi namin siya masyadong nakausap ngayong araw dahil
nakakatakot ang mood niya. Si Ryan ang may kasalanan nito, kung hindi niya sinaktan
ang kaibigan namin hindi mangyayari 'to.

Kapag lang nakita ko ang lalaking 'yon, naku! Ako mismo ang sasabunot sa kaniya,
baka kalbuhin ko pa siya 'pag nagkataon!

"Girl, alam mo na ba?"

"Ang alin?"

"'Yong tungkol kay Ryan Dela Cruz...hindi naman pala s'ya totoong playboy.
Inuutusan lang daw pala s'ya ng mga kaibigan n'ya na gawin...sdfgh xcvm dfgk ghkj
gfgjsf."

Lumingon agad kami ni Christia sa mga estudyanteng nagbubulungan, na parang hindi


bulong dahil narinig namin 'yon sa sobrang lakas. Naglalakad sila sa bandang
likuran namin.

Nagkatinginan agad kami ni Christia at sabay na lumapit sa mga estudyanteng


nakamarites mode on.

"Ano'ng chika mga mars?" tanong ko sa kanila kahit na hindi ko naman sila kilala.
Mars, short for marites.

KEYCEE's POV

Nakahiga ako sa kama at nakatingin sa kisame. Bakit nga ba ako nagmumukmok? Hindi
naman siya ang talagang crush ko. FYI, may iba pa akong crush bukod sa kaniya.
Nagfe-feeling naman siya masyado!

Bago ko siya maging crush, may crush pa 'kong iba na mas gusto ko. Kaya bakit
masyado ko yatang dinidibdib ang nangyari? Hindi makakabuti 'to sa sitwasyon ko
lalo na at napapadalas ang paninikip ng dibdib ko. Pero nakakainis lang! Bakit ba
kasi pumayag ako noon na maging kami agad?

Sino ba'ng may kasalanan? Ako ba? Oo, siguro nga dahil hindi ko muna siya kinilala.

Bumangon ako at tumayo. Kinuha ko 'yong box sa ilalim ng kama ko at binuksan 'yon.
'Yong lumang wallet agad ang bumungad sa 'kin, na sa sobrang katagalan ay mukha ng
antique.

Kinuha ko 'yong wallet at binuksan, inilabas ko ang picture ng isang batang lalaki
na nakatago ro'n.

Ito 'yong crush ko talaga noon pa. Ang g'wapo niya, ang cute ng smile niya. Parang
gusto ko tuloy siyang makita. Nasaan na kaya ang batang 'to ngayon?

Nangako kasi ako sa sarili ko na kapag nakita ko siya, magso-sorry at babawi ako sa
kaniya dahil sa nagawa ko.

Binaligtad ko 'yong picture at binasa ang nakasulat sa likod.

You are the best son in the world. I love you, Kyung Jae-ah.

-Mommy.

Hindi man ako makahingi ng sorry sa babaeng nagawan ko ng kasalanan...at least


makahingi man lang ako ng tawad sa anak niya.

May mga pagkakataon pa rin kasi na napapaginipan ko nang paulit-ulit 'yong


paghablot ko sa bag nang babaeng 'yon. Kinukunsensya niya siguro ako sa panaginip
ko.

Binasa ko ulit ang nakasulat na pangalan sa likod ng lumang litrato.

Kyung Jae? Korean name 'yon, 'di ba?

Kung tanungin ko kaya si Ace? Tutal may lahi naman siyang koreano. Baka sakaling
matulungan niya ako.

Kaso, baka naman isipin niya na after ni Ryan ay itong Kyung Jae naman ang jowa ko?
Huwag na nga lang. Baka kung ano pa ang isipin no'n.

ACE's POV

"Anak, ang g'wapo mo rito sa picture, oh. Tingnan mo, ang ganda ng smile mo."

Pareho kaming nakatingin ni mommy sa bagong kuha naming litrato.

"Oo nga mommy, at dahil dalawa 'tong picture ibibigay ko sa'yo ang isa." Nakangiti
kong iniabot sa kaniya ang isang kopya.

"Thank you, Ace." Kumuha si mommy ng ballpen at sinulatan 'yong likod ng picture na
binigay ko sa kaniya.

"You are the best son in the world. I love you, Kyung Jae-ah."

-Mommy.

"Sulatan mo rin 'tong sa 'kin mommy." Inabot ko sa kanya 'yong hawak ko para
sulatan din. At ginawa naman ni mommy. "Itatabi ko po ito." Ngumiti kami sa isa't-
isa, kasabay nang bahagya niyang paggulo sa buhok ko dahil sa tuwa.

Itabi ni Mommy 'yong picture ko sa loob nang wallet niya at ginaya ko rin siya—
inilagay ko rin sa loob ng wallet ko 'yong picture ko na sinulata niya rin sa
likod.
"Tapos ka na bang kumain?" malambing niyang tanong sa 'kin. Tumango naman ako.
"Halika na sa labas, punta na tayo sa sasakyan." Inakay na ako ni mommy palabas ng
restaurant.

Habang naglalakad kami sa side walk, may nakita 'kong magandang paru-paro.

"Mom, nabi!" tinuro ko kay mommy 'yong paru-paro. Nabi means butterfly. Naisip kong
sundan 'yon kaya medyo nauna akong maglakad sa kaniya. Tuwang-tuwa ako sa paru-paro
kaya hindi ko nalamayan na medyo napalayo na ako kay mommy.

Napansin ko lang 'yon nang marinig ko na s'yang sumigaw. "Ang bag ko! Bumalik ka
rito!"

Nang lingunin ko si mommy, nakita ko siyang tumatakbo na parang may hinahabol.

Nanghina ang tuhod ko nang makita kong may mabilis na sasakyang papalapit sa
direksyon niya.

"Mommyyyyyyy!"

Isang malakas na busina ang nangyari bago tuluyang sumalpok kay mommy ang sasakyan.
Nanlambot ang mga tuhod ko nang makita kong tumilapon si mommy mula sa malayo.

Tumakbo agad ako para lapitan siya. Iyak ako nang iyak nang makita ko siyang
nakahandusay sa gitna ng kalsada, puro dugo at sugat ang katawan.

Lumuhod ako para lalo kaming magkalapit. Pilit niyang idinilat ang mga mata at
buong lakas niyang inagat ang kamay niya para haplusin ang pisngi ko habang
parehong may tumutulong luha sa mata naming dalawa.

"Kyung Jae-ah...Ace...anak, mahal...ka ni mommy..."

"Mommy!" I woke up, the car crashed ringing through through my head.

Sweat beaded my brow, my heart continuing to patter heavily in my chest as I sat


up, clutching it as if it would be the thing to save me.

I let out a sigh of relief as my eyes met the familiar cream walls, my breathing
slowly returning to a normal pace as I ran my hands through my hair, tugging hard,
as if I was trying to bring my being back to reality.

And maybe I was.

I walked towards my desk and took my wallet out from the drawer. Binuksan ko 'yon
at inilabas ang isang lumang litrato ko noong bata pa ako.

Binaligtad ko 'yong picture para basahin ulit ang nakasaulat sa likod no'n.

"You are the best son in the world. I love you, Kyung Jae-ah."

-Mommy

***

Feedback, please! Pa-vote na rin at follow. Love you all! :)


Chapter 18. Keycee Passed Out

KEYCEE's POV

Sabay kaming nag-aalmusal ni Ace pero pareho kaming tahimik. At dahil nabibingi na
'ko sa katahimikan kaya ako na ang nagsalita.

"Uhm, Ace?" I started, "lumaki ka ba sa Korea?" binaba niya 'yong binabasa niyang
book at tumingin sa 'kin. Uminom muna siya ng tea bago sumagot.

He hummed first. "I was born there at nag-stay kami ro'n until I turned twelve. Why
did you ask that so suddenly?" tanong niya sabay tingin ulit sa libro niya.

Gusto ko kasing malaman kung may kilala ba siyang Kyung Jae. Itatanong ko kaya?

"Uhm, may kilala ka bang...?" Napaisip muna ako. Malaki ang Korea kaya imposibleng
kilala niya 'yon. Huwag na nga lang. "Ah wala," sabi ko na lang at ipinagpatuloy
ulit ang pagkain.

"Sige na, itanong mo na. Baka hindi ka na magkaroon ng pagkakataong magtanong sa


'kin mamaya kapag nasa school na tayo," he said as he looked up at me again.

"Wala. Huwag mo ng intindihin 'yon, may iniisip lang ako."

"Okay, ikaw ang bahala."

***

Bigla akong nanibago sa dalawa, kay Ryza at Christia. Bigla kasi silang naging
tahimik ngayon samantalang kahapon kinukulit lang nila ako

"Kung may problema kayo, isa lang ang solusyon d'yan...laslas na friend!" sabi ko
sa kanila habang naglalakad kami papunta sa classroom.

"Keycee...?" sabay nilang tawag sa 'kin, sabay rin silang tumingin. "May kailangan
kang malaman." Again, sabay ulit sila.

"Kung about 'yan kay Ryan, no thanks na lang." Umupo agad ako sa upuan ko nang
makapasok na kami sa loob. Pumwesto naman sila sa harap ko.

"Hindi namin alam kung pa'no 'to sasabihin sa'yo, pero kailangan mong malaman na
'yong ginawa sa'yo ni Ryan...hindi naman pala niya intensyon. I mean, hindi niya
gustong saktan ka," Ryza explained, as if hindi niya binashed si Ryan sa harap ko
pagkatapos ko sa kanilang ikwento 'yong ginawa nito sa 'kin.

"Hindi n'ya gusto? How did you know? Sinabi n'ya ba sa'yo?"

"Hindi s'ya ang nagsabi sa 'min," sagot ni Ryza.

"Oo, nababalitaan natin na marami s'yang babae, pero hindi n'ya girlfriend ang mga
'yon at lalong wala s'yang relasyon sa mga babaeng 'yon," dumipensa na rin si
Christia. "Dahil s'ya ang pinakasikat at pinakamalakas ang appeal sa kanilang
magbabarkada...s'ya ang inuutusan nang mga kaibigan n'ya para humanap ng babaeng
p'wede nilang pagtripan," she added.

"Ang sabi pa nila, kapag naligawan na raw ni Ryan 'yong isang babae at sila na.
Uutusan na raw si Ryan ng mga siraulong ungggoy n'yang tropa na dalhin sa kanila
'yong babae," Ryza stated and I was speechless.

Meaning, noong sinabi n'ya na ipapakilala n'ya 'ko sa mga kaibigan n'ya...

"At noong time na sinabi ni Ryan na ipapakilala ka n'ya sa tropa n'ya...mas pinili
n'yang makipaghiwalay para hindi ka mapahamak. Dahil kapag hindi n'ya ginawa 'yon,
sa ayaw at sa gusto ni Ryan may mangyayaring hindi maganda sa'yo," pagtutuloy ni
Christia.

"At ang dahilan kung bakit puro pasa at sugat s'ya sa mukha noong nakita natin
s'ya...dahil pala 'yon sa'yo." Dahil sa'kin? Bakit? Ako ba ang nambugbog sa kaniya?
"Kaya kung ako sa'yo, punasan mo na 'yang luha mo at puntahan mo na si Ryan," she
continued.

"Ayoko," tipid kong sagot sabay punas sa luha ko. Hindi ko namalayang naiyak pala
ko sa mga narinig ko sa kanila. Sapat na sa 'kin 'yong mga sinabi nila, pero hindi
ibig sabihin no'n magiging okay na 'ko at kakalimutan ko na lahat.

Tatayo sana ko para lumabas muna sa room pero biglang sumakit ang dibdib ko kaya
napaupo ulit ako.

"Bakit Keycee?" Ryza.

"Okay ka lang?" Christia.

Gumuhit muli sa mukha nila ang pag-aalala.

"O-Okay lang ako." Bakit gano'n? Mas napapadalas na ngayon ang pagsikip ng dibdib
ko.

"Sure ka bang okay ka lang?" tanong ni Christia habang inaalalayan nila ako. At
dahil hindi ako makapagsalita kaya tumango na lang ako.

***

Naglalakad akong mag-isa sa daan, sinadya ko kasing hindi muna sumabay kay Ace
kahit na tinext niya ako at sinabing hintayin ko siya sa parking lot ng school.
Gusto ko munang mag-isa, ayoko nang may kasama para naman kahit papa'no makapag-
isip ako nang maayos.

Habang naglalakad, tinatalisod ko 'yong mga bato na nakikita ko sa daan. Hindi ko


inaasahan 'yong mga sinabi sa 'kin nila Ryza at Christia kanina.

Kaya ba halos ipagtabuyan ako ni Ryan noong time na 'yon? Kaya ba siya nagbitaw
nang masasakit na salita para ako na mismo ang lumayo sa kaniya?

Natigilan ako sa pag-iisip at paglakad nang may maramdaman akong magagaan na


paghakbang mula sa likuran ko.

Lumingon ako dahil pakiramdam ko may sumusunod sa 'kin. Pero wala naman akong
nakitang tao. Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad habang nakikiramdam sa likuran ko.

Mayro'n talaga.

Hinawakan ko 'yong bag ko at saka ako biglang humarap no'ng maramdaman ko na


malapit na siya sa 'kin.

"Walang hiya ka—!" Ihahampas ko sana sa kaniya ang bag ko pero kusang tumigil ang
kamay ko sa ere noong makita ko kung sino 'yong kanina pa sumusunod sa 'kin.
"Ryan?" Ibinaba niya ang mga braso niyang gagawin niya sanang dipensa. "Bakit mo
'ko sinusundan?"

Tumayo siya nang diretso at bahagyang napayuko. Halatang ayaw niyang ipakita sa
'kin ang mukha niyang puro pasa at galos.

"May gusto lang sana 'kong sabihin sa'yo..." Sa tono ng boses niya parang alam ko
na kung ano ang gusto niyang sabihin. 'Yon rin siguro 'yong sinabi sa 'kin ni Ryza
at Christia kanina. "Please give me a chance to explain. I promise, after this I
won't disturb you anymore, if that's what you want me to do." He said seriously
without looking up at me. "Please, Keycee?" he said convincing me.

At nang maalala ko 'yong kuwento nila Ryza na para sa kabutihan ko rin 'yong ginawa
niya, parang biglang lumambot ang puso ko.

"Wala na sa 'kin 'yon," mahina kong sabi. "Sa tingin ko wala akong karapatang
magalit sa'yo, dahil sa umpisa pa lang nagsinungaling na rin ako." He looked up at
me this time, studying my face if he heard me right, and I lowered my head dahil
ako naman ang nakaramdam ng hiya ngayon. "I'm married, Ryan." I said, still looking
down at my feet.

"Ha?" he asked, confused. Nag-angat na ako ng tingin sa kaniya bago sumagot.

"And I think kailangan ko rin mag-sorry sa'yo dahil nagsinungaling ako. I'm sorry,
Ryan...pero may asawa na 'ko noong naging tayo." Nakatitig lang siya sa 'kin at
hindi nagsasalita. Nakakunot ang noo niya at bakas sa mukha ang pagkagulat.

"Why didn't you tell me that before?" he finally asked pero mahinahon ang boses
niya. Wala akong nakikitang galit sa expression niya dahil sa pagsisinungaling ko.

"Hindi na kasi ako nakapag-isip nang mabuti no'ng tinanong mo 'ko kung p'wede ba na
maging girlfriend mo. Basta ang nasa isip ko lang no'n—crush kita kaya ako napa-oo.
At ngayon ko naisip na ang selfish ko pala," I stated.

"Who is he?" kunot noong tanong niya sa 'kin. "I mean your husband, the lucky guy."
Lucky guy? Si Ace, lucky?

"No. Ang totoo, hindi s'ya swerte sa 'kin...dahil ako 'yong swerte sa kan'ya," I
said and smiled.

"Seems that you don't want to tell me, it's okay, Keycee. Naiintindihan ko naman."
He gave me a polite smile. "I'm just worried about something, let me just ask you.
Can we... still be friends?"

Tiningnan ko muna siya bago nag-isip ng isasagot ko. Nakangiti siya sa 'kin nang
bahagya at nakataas ang kilay na parang nagtatanong ng 'ano na?'

***

Pagpasok ko sa bahay, si Ace agad ang naabutan ko, nakatayo siya sa malapit sa main
door at nakatingin sa 'kin. Hinintay niya ba 'ko?

"Sino'ng naghatid sa'yo?" walang emosyon niyang tanong.

"Huh? Ah...S-si Ryan," I said, stuttering. Ayaw kong magsinungaling kaya sinabi ko
na ang totoo tutal naman wala na rin kami ni Ryan at magkaibigan na lang kami. Oo,
pumayag akong maging magkaibigan kami. Ang sama naman ng ugali ko kung hindi ako
papayag, 'di ba?
"Your boyfriend? I see." Gusto ko sanang sabihin sa kan'ya 'yong tungkol sa 'min ni
Ryan—na break na kami. Pero bigla na lang niya 'kong tinalikuran at naglakad
paakyat ng hagdan, papunta sa kwarto niya. Galit ba siya?

"Oh Keycee, nakauwi ka na pala, kanina ka pa hinihintay ni Ace," sabi ni yaya


habang hawak ang vacuum.

"Bakit daw po n'ya ako hinihintay?" taka kong tanong.

"Ikaw talaga, iha." Medyo natawa pa si yaya. "Syempre asawa ka n'ya at nag-aalala
s'ya kapag wala ka pa."

"Po? Nag-aalala? Wow yaya, malabo po 'yon. Kailan ba nag-alala sa 'kin 'yon?" Ako
naman ang bahagyang natawa.

"Bata ka pa talaga," naiiling na sabi ni yaya habang nakatingin sab'kin. Nagpaalam


na rin ako sa kaniya para umakyat sa kwarto ko.

Nakaharap ako sa salamin habang pinagmamasdan ang sarili ko.

Nag-aalala s'ya sa 'kin? Nakakatawa naman yata 'yon. I whispered to myself and
giggled a little.

Muntik na 'kong mapalundag sa gulat nang biglang bumukas ang pinto—si Ace,
nakatingin sa 'kin. Para bang gusto niya akong sungitan, pagalitan, at awayin
ngayon.

"B-bakit?" I stuttered.

"Let's talk."

"Talk about what?"

"Follow me and you'll find out." Lumabas na agad siya sa kwarto ko. Alam kong sa
kwarto niya siya pumunta kaya sinundan ko siya.

"Ano ba kasing pag-uusapan natin?" tanong ko pagpasok ko sa room niya. Naupo siya
sa couch na naroon sa loob at tumingin sa 'kin bago sumagot.

"About your three wishes. Sabihin mo na kung ano 'yon para maibigay ko na...kung
kaya ko."

Oh my! I forgot. May three wishes nga pala 'ko dahil nakapasa 'ko sa exam niyang
ibinigay. Pero ano namang hihilingin ko?

Pera? Oo, pera 'yong isa sa naisip ko noon, pero ayoko na 'yon ngayon dahil nasa
akin pa 'yong black card niyang walang limit kaya baka magtaka pa siya kapag
humiling ako ng pera.

Bigla kong naalala 'yong tanong sa 'kin ni Ryan kung kanino raw ba ako kasal.

What if hilingin ko sa kan'ya na ipaalam na sa lahat 'yong tungkol sa 'min? Papayag


kaya s'ya? Nahihirapan na kasi ako, lalo na ngayon na alam na ni Ryan na kasal na
'ko. Kay Ryza at Christia naman sinabi ko nga pero hindi naman sila naniwala.

ACE's POV

"About your three wishes. Sabihin mo na kung ano 'yon para maibigay ko na...kung
kaya ko."
Halatang nagulat siya, para bang nakalimutan na niya ang tungkol do'n.

Bigla s'yang tumingin sa ibang direksyon at parang nag-iisip.

Keycee...kung hihilingin mo na sabihin na natin sa lahat ang tungkol sa


'tin...papayag ako, basta gusto mo.

"Huwag na nga lang!" she said loudly, snapping me out of my thought.

"Ano'ng 'wag na lang?" She turned to me. "Huwag na lang kitang bigyan ng wish?"
tanong ko sa kan'ya.

"Huh? No, I mean...'wag na lang muna, wala pa kasi akong maisip na p'wedeng
hilingin ngayon, next time na lang."

KEYCEE's POV

Lumabas na agad ako sa kwarto ni Ace. Naisip kong mapapahiya lang ako kapag 'yon
ang hiniling ko sa kaniya, ang sabihin sa lahat ang tungkol sa 'min, knowing na
hindi naman siya papayag.

Haay! Bahala na. Siguro naman darating din ang perfect moment na ipapaalam din
namin ang tungkol sa pagiging mag-asawa namin. 'Yon na lang ang hihintayin ko para
hindi na rin masayang 'yong isang wish ko.

Pagkatapos kong magpalit ng damit, bumaba ako sa kitchen at uminom ng warm water,
pero kaunti lang at dahan-dahan, dahil nararamdaman ko na naman na parang may
nakabarang bagay sa dibdib ko, dahilan para mahirapan akong huminga.

***

Ryan texted me, ini-invite niya ako na mamasyal ngayon dahil maganda raw ang
panahon. Sounds good to me kaya pumayag ako, pasyal lang naman, e. Tutal alas
kwarto pa lang ng hapon, kaysa maburyong ako sa bahay, sasama na lang ako kay Ryan.

"Yaya, kung sakaling hanapin po ako ni Ace, pakisabi na lang po na lalabas ako
saglit. Mamamasyal lang po ako kasama ang kaibigan ko. Bye, ya."

Nagmadali na 'kong lumabas ng bahay at naglakad. May meeting place na kami ni Ryan
kaya papunta na ako ro'n. Ewan ko pero parang sobrang excited akong mamasyal
ngayon, lalo na noong sinabi ni Ryan na pupuntahan namin 'yong bagong tayong
amusement park na malapit lang dito.

Habang nakaupo ako sa loob ng isang convenience store, tanaw ko na si Ryan na


papalapit sa 'kin habang kumakaway at nakangiti.

"Hi, Miss. May kasama ka?" pagbibiro niya sa 'kin paglapit niya.

"Ah, oo. Na traffic lang siguro," pagsakay ko naman sa joke niya at pareho kaming
napangiti. 'Yong bagong amusement park ang una sa to do list namin.

"Tara," aya niya sa 'kin. Agad naman akong tumayo.

Palabas na sana kami sa convenience store nang biglang nanikip nang matindi ang
dibdib ko kaya hindi ako nakasunod sa kaniya.

Sapo nang kanang kamay ko ang tapat ng puso ko noong humarap siya sa 'kin kaya agad
siyang lumapit nang makita 'ko sa ganoong sitwasyon.
"What's wrong? Ano'ng nangyayari sa'yo? May masakit ba? Saan?" sunud-sunod n'yang
tanong habang bakas sa mukha ang pag-aalala at pagkataranta.

Oh God, please 'wag pa po...'wag muna ngayon. Let me live.

Nakatingin ako kay Ryan habang madiin kong sapo ang tapat ng puso ko. Gusto kong
magsalita. I wanted to ask for help, I wanted to say how much it hurts, but before
I could even do that...everything went dark.

***

Guys, malapit na tayo sa exhausting part, mag-ready na kayo ng panyo. Hehez.


Pacomment, vote and follow na rin!! :)

Chapter 19. She Found The Kid

KEYCEE'S POV

Pagkatapos ng ilang oras na pamamahinga ko, nilapitan ako ni Ryan. Nasa bahay nila
kami dahil noong nawalan ako ng malay, I mean, hindi ako totally nawalan ng malay,
alam ko 'yong nangyayari sa paligid ko at nagawa ko pa na dumilat nang bahagya para
hingin sa kaniya ang gamot ko. At nang makainom ako ng gamot, kahit papa'no ay
unti-unting naging okay ang pakiramdam ko.

Nang makalapit na si Ryan, nagpaalam naman sa 'kin ang mommy niya para ipaghanda
kami ng snack.

"Keycee, may sakit ka ba?" diretsong tanong ni Ryan nang makaalis na ang mommy niya
sa harap namin.

"Huh? W-wala...normal lang sa 'kin 'yon, huwag kang mag-alala."

"Normal?" kunot-noo niyang tanong. Alam kong hindi siya naniniwala base sa mukha
niya. "Hindi normal sa isang tao ang sumakit ang dibdib at mahirapang huminga!" He
continue, in a high pitched voice.

"Ryan..."

"Tell me honestly...may sakit ka ba?" Nakayuko ako at dahan-dahang tumango kasabay


ng buntong-hininga niya. "Alam ba 'to ni Ace?"

"Hindi. At wala akong balak na sabihin sa kan—" I suddenly stopped as my eyes


widened. Alam na niya na si Ace ang asawa ko? "Teka, p-paano mo nalaman na...?"

"Noong araw na inihatid kita sa inyo, nakita ko si Ace na nakatingin sa 'tin mula
sa bintana kaya ko nalaman." Ah, oo. Kaya pala pagpasok ko sa bahay no'n iba ang
awra ni Ace. Kaya naman pala. "Wala ka bang balak sabihin sa kan'ya?" tanong ulit
ni Ryan, and I shook my head no.

ACE'S POV

"Yaya, sa'n nagpunta si Keycee? Bakit wala s'ya sa kwarto n'ya?"


"Mamamasyal lang daw kasama ang kaibigan n'ya." Kaibigan? Si Ryza at Christia?

"Bakit ang aga naman yata?"

"Ewan ko ba sa batang 'yon. Pero hayaan mo na, para naman maging masaya s'ya.
Saturday naman ngayon, para malibang s'ya."

Umakyat na lang ulit ako sa taas. Papasok sana 'ko sa kwarto ko, pero sa kwarto ni
Keycee ako dumiretso.

Napakagulo sa kwarto niya. Maraming kalat. Imbes kasi na maglinis at mag-ayos dito,
inuuna pa ang gumala.

Napansin ko 'yong maliit na hanging cabinet katabi ng closet niya kaya nilapitan ko
'yon. Pero naka-lock.

Sabi niya girls stuff lang daw pero bakit kailangan pang i-lock? Nasaan kaya ang
susi nito? Sinubukan kong hanapin ang susi no'n pero hindi ko nakita.

Lumapit ako sa kama niya at naupo. Pinagmasdan ko 'yong picture niya na nakalagay
sa frame, sa bedside table niya.

Bakit hindi na lang ang wedding picture namin ang ilagay niya ro'n?

KEYCEE'S POV

"Ano ba'ng course ang kukuhanin mo sa college?" tanong sa 'kin ni Ryan habang
naglalakad kami, hinatid niya kasi ako pauwi. Malapit lang naman 'yong kinainan
namin mula sa bahay kaya naglakad na lang kami, mas mabuti raw 'yon para mas mahaba
pa ang pagkukwentuhan namin.

"Hindi ko pa alam. Hindi ko pa iniisip 'yon dahil hindi ko naman alam kung
mabibigyan pa 'ko ng pagkakataon para—"

"Change topic," he cut me off. Napatingin lang ako sa kaniya. He gave me a small,
polite smile. "Sorry, ah. Ayoko lang kasing marinig." Hindi ko na rin itinuloy ang
sasabihin ko. Naiintindihan ko siya, ayaw niyang marinig na baka hindi na 'ko
magkaroon ng chance na makapag college dahil sa sakit ko.

"E, ikaw? Ano'ng gusto mo?" Ako naman ang nagtanong.

"Gusto kong maging doctor...para sa'yo."

"H-Huh? Akala ko ba ayaw mong pag-usapan natin ang tungkol d'yan?" Nag-iwas ako ng
tingin sa kaniya.

"Sige na, pumasok ka na sa loob. Gabi na." Nasa tapat na kami ng bahay namin kaya
lumapit na 'ko sa gate at kumaway sa kaniya bilang paalam.

"Ingat ka sa pag-uwi." Ngumiti lang din siya sa 'kin bago tuluyang umalis.

Pagpasok ko sa loob, naabutan ko naman si yaya sa kusina na nagpupunas ng mga


utensils.

"Oh Keycee, nakauwi ka na pala. Si Ace kasama mo?" Tumigil siya sa ginagawa at
hinarap ako.

"Kasama? Hindi po. Bakit?"


"Umalis kasi s'ya ng bahay, ang sabi n'ya susunduin ka raw n'ya."

"Po? Susunduin?"

"Oo. Gabi na raw kasi wala ka pa kaya naisip n'yang lumabas para hanapin ka."

"Gano'n po ba? Ititext ko na lang po s'ya para sabihing nakauwi na 'ko sa bahay."
Tumango lang si yaya at itinuloy na ang ginagawa. Umakyat na rin ako sa kwarto ko
at naupo sa kama. Kinuha ko 'yong cellphone sa bag ko pero nakapatay 'yon. Oo nga
pala, nalowbat kanina.

Hinanap ko muna 'yong charger ko para makapag-charge sana pero hindi ko 'yon
makita. Kahit saan ko hanapin at tingnan, wala.

Paano ko nga ba naman kasing makikita, e, sobrang gulo ng kwarto ko. Hindi katulad
nang kay Ace na sobrang linis. Teka, speaking of Ace, kailangan ko nga pala siyang
itext. Ano ba kasing naisipan niya at kailangan niya pa akong sunduin. Hindi naman
siya gano'n dati. Wala nga siyang pakialam noon kahit anong oras akong umuwi.

Lumabas ako ng kwarto ko at pumasok sa kwarto niya. Same model naman kami ng cell
phone kaya p'wede kong hiramin ang charger niya.

Nakita ko agad 'yong charger niya sa tabi lang ng laptop niya sa study table kaya
nakapag-charge agad ako.

Pag-open ko sa phone ko, tinext ko na agad siya, ipinaalam kong nasa bahay na ako.
Iniwan ko muna 'yong phone ko sa kwarto niya habang nagcha-charge, para
makapagpalit muna ako.

I was about to exit when something caught my eyes. 'Yong wedding picture namin
nakalagay na sa frame at nasa bedside table niya.

Dahan-dahan akong humakbang palapit sa kama niya para tingnan 'yon. Inangat ko 'yon
at pinagmasdan habang nakangiti.

Kailan n'ya pa 'to nilagay rito?

Ibinaba ko na 'yon para sana lumabas na, pero nabaling ang tingin ko sa isa pang
maliit na frame na nasa bedside table rin niya.

Napalunok ako nang mapansin ko 'yong batang nasa litrato. I can feel my heart
pounding, my hands were shaking habang dahan-dahan kong inaangat ang frame para
tingnan.

Naalala ko 'yong picture na nasa wallet na luma sa kwarto ko. Hindi ako p'wedeng
magkamali, siya ang batang 'to.

Pinagmasdan kong mabuti 'yong picture at nakilala ko sila isa-isa. 'Yong lalaki sa
picture, siya 'yong daddy ni Ace. 'Yong babae naman ay 'yong inagawan ko ng bag
noong bata pa ako. At 'yong batang lalaki sa picture...I can clearly tell who it
was.

It was him. The little boy—Kyung Jae.

Agad kong binitawan 'yong frame at natulala lang ako habang nakatayo.

Si Ace...ang anak ng babaeng namatay dahil sa 'kin?

Biglang bumalik sa alaala ko ang pangyayari noong inagaw ko ang bag ng babae.
Tumatakbo siya para habulin ako pero bigla siyang nasagasaan.

"Mommyyyyyyy!" Lumingon ako nang marinig ko ang isang matinis na sigaw ng batang
lalaki.

Kumubli ako sa isang truck habang nanginginig sa takot dahil may dugong umaagos sa
daan mula sa katawan ng babae.

Tumakbo 'yong batang lalaki para lapitan 'yong babae na tinawag niyang mommy. Iyak
siya nang iyak.

Bumalik ako sa ulirat nang maramdaman kong nag-iinit ang mga mata ko. Kasabay rin
no'n ay naalala ko ang sinabi sa 'kin ni Pinky, pinsan ni Ace.

"Oo naman. Ace's mom passed away when he was 14. Ang alam ko car accident ang
nangyari. Pero alam mo ba ang chika? Na galit na galit si Ace sa isang tao. Guess
who?"

"Sino?"

"Sa taong may kasalanan kung bakit nabangga ng kotse ang mommy niya. Ang sabi ni
Ace dati noong bata pa s'ya...hindi s'ya titigil sa paghahanap sa taong 'yon."

"Sino?"

"Sa taong may kasalanan kung bakit nabangga nang kotse ang mommy n'ya. Ang sabi ni
Ace dati noong bata pa s'ya, hindi s'ya titigil sa paghahanap sa taong 'yon. Pero
ewan ko lang kung hinahanap n'ya pa rin ang taong 'yon until now."

Kung gano'n...ako? Ako ang hinahanap ni Ace.

Nakaramdam ako ng panginginig nang tuhod dahil sa mga impormasyong napagtagpi-tagpi


ko.

Galit sa 'kin si Ace. Galit siya sa 'kin dahil ako ang may kasalanan kung bakit
naaksidente ang mommy niya at namatay. Kung hindi ko lang sana kinuha 'yong bag
hindi ako hahabulin ng mommy niya at hindi sana siya naaksidente. Kasalanan ko
lahat.

Nangako ako sa sarili ko na kapag nahanap ko na ang bata na nasa picture sa wallet,
hihingi ako ng sorry. Pero paano ko gagawin 'yon ngayon? Paano ako hihingi ng sorry
sa kaniya? Paano ko sasabihin na ako ang dahilan kung bakit namatay ang mommy niya?
Paano?

Muli akong bumalik sa reyalidad nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Ace.
Mas lalo akong kinabahan dahil kilala ko ang footsteps niya. It's him.

Pinunasan ko agad ang luha ko at inayos ang sarili ko, pero hindi pa rin nawawala
ang panginginig ng mga kamay ko at tuhod.

"Keycee?" Pagkarinig ko pa lang sa boses niya, natakot na 'ko. Para akong sinasakal
dahil sa guilt at galit sa sarili ko. "Bakit hindi mo sinabi agad na pauwi ka na
pala para hindi na 'ko lumabas?" Medyo galit ang boses niya. Nakatalikod pa rin ako
sa kaniya at hindi ko magawang humarap. "Bakit mo ba ginagawa 'to? Hobby mo ba
talaga na pag-alalahanin ako?"

I did my best to fight my tears but it's useless. Tumutulo 'yong luha ko habang
nakayuko at nakatalikod sa kaniya. Ayoko siyang tingnan. Hindi ko kaya. Hindi ko
kayang tingnan ang taong nawalan ng ina nang dahil sa 'kin.

"Pasensya na kung hindi ako nakauwi agad...nag-alala ka pa tuloy," I said in


between my sobs. Pagkatapos nang sinabi ko, humakbang siya palapit sa 'kin at
niyakap ako bigla mula sa likuran.

"Ssssh. Stop crying. Hindi naman ako talaga galit, nag-alala lang ako sa'yo,"
malambing niyang sabi habang ang luha ko patuloy pa rin sa pag-agos.

"Hindi ko sinasadya...hindi ko sinasadya..." Umiiling ako habang sinasabi 'yon.


Hindi ko naman sinasadya 'yong nangyari sa mommy niya. Hindi ko gusto 'yon.

"I know. So, stop crying." Bumitaw siya sa pagkakayakap sa 'kin at pinihit ang
katawan ko nang dahan-dahan para iharap sa kaniya. "Basta sa susunod magsasabi ka
sa 'kin kapag gagabihin ka sa pag-uwi para hindi ako mag-alala, hmm?" I looked up
at him.

Kung ngayon ko gagamitin ang three wishes ko, p'wede ko bang hilingin na
sana...sana mali ako.

Sana mali na lang ako. Sana hindi na lang siya 'yon. Sana hindi na lang siya 'yong
bata sa picture. Ayokong maging siya 'yon. Hindi p'wede...

***

ANO'NG MASASABi N'YO? VOTE, COMMENT, FOLLOW.

Chapter 20. Hesitation

KEYCEE'S POV

As I opened my eyes, si Ace agad ang nakita ko sa tabi ko. "Good morning, sir..."
mahinang bati ko kahit alam kong tulog pa siya. Dito na pala siya nakatulog sa
kwarto ko. Bumangon ako at inayos ang kumot sa katawan niya.

Kumuha na rin ako ng mga damit ko sa closet at pumasok sa bathroom to freshen up.
Pagkatapos kong mag-shower, tulog pa rin si Ace kaya naman nagdesisyon akong
lumabas para bisitahin kung ano'ng makakain sa kusina dahil kanina pa kumakalam ang
tiyan ko sa gutom. Sakto namang naabutan ko si yaya na naghahanda na rin ng
breakfast.

"Tulog pa si Ace?" tanong niya sa 'kin paglapit ko sa kaniya.

"Opo," tipid kong sagot at saka ako pumunta sa coffee station para magtimpla ng
gatas ko. Isinabay ko na rin mag-brew ng kape para kay Ace mamaya.

"Gisingin mo na si Ace para makapag-almusal na kayo," baling ni yaya sa 'kin.

"Sige po." Iniwan ko muna 'yong ginagawa ko at umakyat ulit sa taas, sa kwarto ko
para gisingin na si Ace. Pagpasok ko sa loob nakita ko si Ace na palinga-linga.
"Sino'ng hinahanap mo?" tanong ko sa kaniya, at nang makita niya 'ko bigla siyang
napangiti.

"Akala ko umalis ka ulit," mahina niyang sabi. Lumapit naman ako sa kaniya.
"Saan naman ako pupunta?" Umupo ako sa gilid ng kama, siya naman nakahiga pa rin.

"Wala. Akala ko lang aalis ka ulit ngayon." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila
'ko pahiga. "Kapag aalis ka, magpaalam ka sa 'kin para 'di ako nag-aalala," bulong
niya sa 'kin. Naalala ko na naman bigla 'yong picture na nakita ko sa kwarto niya.
Pati 'yong babae na naaksidente nang dahil sa 'kin, eight years ago.

"Ay, D'yos ko po!" nagulat si yaya nang buksan niya ang pinto at makita kami ni
Ace, kaya agad niya rin 'yon isinara. Hindi ko na rin kasi namalayan na nakayakap
pala sa 'kin si Ace at nakasubsob sa leeg ko. Mula sa labas narinig pa namin si
yaya na nagsalita. "Sa susunod maglo-lock kayo ng pinto, ha?"

Bigla namang bumangon si Ace. "Sa'n ka pupunta?" tanong ko sa kaniya.

"I'm going to lock the door."

"Ace!" saway ko sa kaniya.

"'Yon ang sabi ni yaya, 'di ba?" he said and laughed a little.

Bumangon na rin ako at lumabas sa kwarto, sumilip ako sa pinto at tiningnan siya.
"Oh, 'yan, nakalabas na 'ko, ilock mo na." Ako naman ang natawa.

***

Habang kumakain kami nakatingin lang ako kay Ace. Paano kapag nalaman mo na?
Magagalit ka ba sa 'kin? Papalayasin mo ba 'ko?

"Ayaw mo bang kumain? Want me to feed you?" Inilapit niya 'yong kutsara sa bibig
ko. Napansin niya kasing nakatitig lang ako sa kaniya. "Nangangawit na 'ko."
Ngumiti na lang ako nang bahagya 'tsaka ko ibinuka ang bibig ko para kainin 'yong
pagkain na nasa kutsara niya. He also smiled when I did that.

"Ace...?" mahinang tawag ko sa kaniya.

"Hmm?"

"Sorry," I said quietly.

"Para saan?" takang tanong niya. Sa lahat. Lalo na sa nangyari sa mommy mo. Nag-
angat siya ng tingin sa 'kin nang hindi agad ako kumibo. "Sorry for what?" ulit
niya.

"Wala," sagot ko sabay punas ng luha. Tumayo agad ako at umalis sa harap ni Ace
dahil ayokong makita niya na umiiyak ako. Tuwing nakikita ko kasi siya hindi ko
mapigilang isipin 'yong nangyari sa mommy niya noon, at dahil do'n nasasaktan ako
para sa kaniya. Natatakot din ako dahil hindi ko alam kung ano'ng mangyayari kapag
nalaman na niyang ako ang may kasalanan kung bakit namatay ang mommy niya.

Nakaupo ako sa couch habang nanonood ng TV. Sa panonood ko na lang itinuon ang
atensyon ko para kahit papa'no malibang ako. Lumapit naman si Ace at tumabi sa
'kin.

"May problema ba?" tanong niya. I shook my head no as a response. "You sure? E,
bakit ka umiiyak?"

"Naiiyak lang ako sa palabas?" I lied, my eyes fixated on the TV screen.


"Ano'ng nakakaiyak d'yan sa balita?" puna niya sa 'kin nang ibaling niya sa TV
screen ang paningin. "Isa pa, bago ka pa pumunta rito umiiyak ka na. Ni hindi mo
nga tinapos ang pagkain mo." Kinuha niya 'yong remote ng TV at pinatay 'yon. Tumayo
siya at pumwesto sa harap ko. Lumuhod siya para maging masilayan ang mukha kong
nakayuko, which made me feel like crying again. Ako 'yong dapat lumuhod sa harap
niya para humingi ng tawad. "Don't be like this Keycee. If you have a problem, tell
me." Tiningnan niya 'ko sa mga mata. Paano kung ang problema ko ay 'yong nangyari
eight years ago? Paano ko sasabihin sa kaniya na ako ang taong matagal na niyang
hinahanap dahil sa nangyari sa mommy niya? Nang hindi ko nagawang kumibo, bigla
niya 'kong niyakap. "Tahan na. Sige na, hindi na kita pipilitin na magsalita."
Niyakap ko rin siya 'tsaka ako umiyak nang umiyak. Hindi ko alam kung ano'ng
gagawin ko. Bakit kasi naging siya pa 'yong bata na 'yon? Bakit kung kailan
nagiging okay na kami, 'tsaka pa mangyayari 'to? Bakit?

***

Tahimik lang ako sa klase habang nagdidiscuss si Ace. Paminsan-minsan tinitingnan


ko siya, minsan tumitingin ako sa labas habang nag-iisip.

Dahil sobrang dami ko ng iniisip, at naguguluhan na rin ako. Hindi ko na napigilang


magkuwento kay Ryza at Christia. Sinabi ko lahat. Lahat-lahat nang nangyari, simula
noong bata ako. Kung paano namatay ang mommy ni Ace at paano ko nalaman na si Ace
ang anak ng babaeng inagawan ko ng bag. Sinabi ko rin sa kanila na hindi pa alam ni
Ace ang tungkol do'n at hindi ko alam kung paano sasabihin.

Naniniwala na rin sila na mag-asawa kami dahil nabanggit din daw sa kanila ni Ryan.
Nagulat pa nga raw sila noong sinabi ni Ryan 'yon, ang akala raw kasi ni Ryan ay
alam nila ang tungkol do'n since kaibigan ko sila.

"Paano 'yan? Kailan mo sasabihin sa kan'ya ang totoo?" malungkot na tanong ni Ryza.

"Hindi ko alam. Hindi na siguro. Hangga't kaya kong ilihim, itatago ko muna para
hindi magkaroon ng problema," mahina kong sagot.

"Pero alam mo, Keycee...mas mabuti siguro kung sasabihin mo na sa kaniya. Alam mo
ba 'yong kasabihang, 'walang usok na hindi sumisingaw?' Malalaman at malalaman din
'yan ni Sir Ace sa ayaw at sa gusto mo," litanya ni Christia na lalong naging
dahilan para kabahan ako. Sa tuwing sumasagi kasi sa isip ko na malalaman 'yon ni
Ace, kinakabahan na agad ako. Para akong mamamatay sa takot.

"Tama si Christia, Keycee," pagsang-ayon naman ni Ryza. "I think the sooner na
malaman ni Ace ang tungkol do'n, the better. Para kahit papaano mapag-usapan n'yo
agad," she added.

Napatingin lang ako sa kanilang dalawa. Dahil sa sinabi nila mas gumulo pa ang isip
ko. I rested my head on the table at nag-isip. Hindi ko na rin nagalaw 'yong
pagkain na binili nila para sa 'kin dahil sa sobrang pag-iisip sa bagay na 'to.
Paano ko sasabihin sa kaniya?

Ace, ako 'yong bata na umagaw sa bag ng mommy mo noon kaya namatay siya. Gano'n ba?

Hindi gano'n kadali ang bagay na 'yon. Napakahirap. Hindi ko alam kung saan ako
magsisimula, pero alam ko na agad kung saan matatapos. Kamumuhian ako ni Ace.

"Miss Marcos, pinapatawag po kayo sa room 104 may meeting daw po kayo." May narinig
akong babaeng nagsalita. Officer kasi si Christia kaya kailangan siya sa meeting.

"Sige. Susunod na 'ko," sagot ni Christia. "Ryza, samahan mo muna si Keycee habang
wala ako, ha?" Naramdaman ko na ang pagtayo at pag-alis ni Christia. Naiwan naman
si Ryza sa tabi ko.

"Gusto mo bang tulungan kitang magsabi kay Sir Lee?" Inangat ko agad ang mukha ko
para tingnan si Ryza.

"Hindi na. I can handle this," mahina kong sagot. Kung mayro'n man dapat magsabi
nito kay Ace, walang iba kun'di ako. Kailangan kong harapin ang isang bagay na
kahit natatakot ako...kailangan ko pa rin gawin.

"Nga pala, kumusta si Ryan? Nagkikita pa ba kayo?" Ryza changed the topic kaya
kahit papa'no ay nawala sa isip ko si Ace.

"Oo. Magkasama kami no'ng Saturday, inaya niya 'kong mamasyal." Tamihik namang
napatango si Ryza.

***

Almost one week na ang lumipas at sa tingin ko ay nakapag-ipon na 'ko ng tapang at


lakas ng loob na sabihin kay Ace ang lahat. Tama si Christia at Ryza, malalaman at
malalaman niya rin ang totoo kaya mas mabuti kung ako na ang magsasabi sa kaniya
ngayon.

Lumabas ako ng kwarto ko at pinuntahan si Ace sa room niya, hindi pa naman siya
tulog kaya nilapitan ko siya. Hindi ko nga alam kung bakit naging ganito na kami.
'Yong tipong nakakapasok na 'ko sa kwarto niya nang hindi siya nagagalit at
nakakausap ko na rin siya nang matino. Siguro gano'n talaga dahil matagal na rin
naman kaming magkasama kaya nagkakasundo na kami.

"Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong niya sa 'kin paglapit ko sa kaniya, pero sa


screen ng laptop pa rin siya nakatingin. May ginagawa siya na related sa school.

"Hindi ako makatulog," pagdadahilan ko. "Siya nga pala, p'wede na ba 'kong mag-wish
sa'yo?"

Bigla naman siyang bumaling sa 'kin sabay alis ng salamin niya, na sinusuot niya
lang naman tuwing haharap siya sa laptop. "Ngayon na?" kunot noo niyang tanong at
tumango naman ako. "Okay, what is it?"

"I want to sleep with you...kahit ngayong gabi lang." Gumuhit sa mukha niya ang
pagkagulat na may halo ring pagtataka pagkatapos ng sinabi ko.

"You want...to sleep with me? You sure?" He asked, with his eyebrows furrowed.
Tumango naman ako. Isinara niya 'yong loptop niya at lumapit sa 'kin. Halatang nag-
aalala siya. "Bakit? May problema ka na naman ba? May sakit ka ba?" He placed his
hand on my forehead para tingnan kung may lagnat ba 'ko.

"Oo, masama ang pakiramdam ko. May sakit ako," seryoso kong sabi pero para sa
kaniya ay biro lang 'yon kaya naman ngumiti pa siya at tumayo para yakapin ako.

"Okay. Let's go to bed and take a rest." Inalalayan niya ko papunta sa bed niya.
"You can sleep first, sasamahan na lang muna kita. I just have to finish some
important things."

"More important than me?" I questioned noong nasa tapat na kami ng kama niya.

"Of course not," sagot niya agad.

"Lay down with me then," I begged, looking at his light brown eyes.
ACE'S POV

"Lay down with me then," pakiusap niya. Ang totoo wala naman akong importanteng
gagawin, sinabi ko lang 'yon para iwas...damn. Hindi pa siya graduate. Hindi
p'wede.

"Uh..." I started, not knowing what to say.

"Please?" I stared at her. Hindi ko alam kung bakit biglang naging masyadong
malambing si Keycee nitong mga nakakaraang araw.

"Okay," I said and got in the bed with her.

"Thank you," she said quietly. I wrapped my arms around her waist and pulled her
into my arms.

"You're cold," and I'm sweating. I thought to myself. "Want me to get another
blanket?" I asked. She shook her head no and I sighed. "Good night," I said and
kissed her forehead.

She wrapped a leg around my waist and said, "Good night..."

KEYCEE'S POV

"Good night..." I said and closed my eyes wishing that when I woke up tomorrow
everything would be back to normal.

Ito lang ang gusto ko ngayon...ang makasama ka. Dahil baka dumating ang araw na
ayaw mo na 'kong makita.

Habang nakayakap at nakadantay ako kay Ace, nakaramdam ulit ako nang kaunting
pagsikip ng dibdib kaya niyakap ko siya nang mahigpit.

"Keycee?" mahinang niyang tawag sa 'kin. "Huwag mo naman akong yakapin nang
mahigpit, hindi ako makahinga. May bukas pa naman," biro niya pero hindi ako kumibo
dahil nagi-guilty ako at wala pa siyang alam tungkol sa sakit ko. "Mahaba pa naman
ang panahon, p'wede mo pa 'kong yakapin bukas, sa isang bukas, sa susunod na araw
at kahit kailan mo gusto."

"Para sa'yo mahaba pa ang panahon, pero sa 'kin...kulang na kulang na," I whispered
and I knew he heard me.

"Kulang? Bakit aalis ka ba?" he said, confused.

"Lahat naman ng tao umaalis." Hindi ko nakikita 'yong mukha niya kaya komportable
akong magsalita. Nakaunan ako sa braso niya habang nakayakap, nakasandal naman ang
mukha ko sa chest niya habang pinaglalaruan niya ang ilang hibla ng buhok ko.

"Ibig sabihin, aalis ka? Saan ka pupunta? Iiwan mo 'ko?"

"Kung sakaling umalis man ako, hindi pa rin kita iiwan. Basta lagi mo lang iisipin
na nasa tabi mo ako, kahit wala." Biglang tumulo 'yong luha ko at mas sumikip ang
dibdib ko kaya niyakap ko siya nang mas mahigpit pa, but wasn't hurting him.

"Hindi ako papayag na umalis ka." Niyakap niya rin ako nang mahigpit which was
something I needed.

"May sasabihin ako sa'yo..." I said quietly.


"What? Is it special? I don't want to hear it if it's not."

"Bukas, gusto kitang makasama maghapon...mamasyal tayo tapos manood ng movie, after
no'n sasabihin ko na sa'yo. Hindi ko alam kung maituturing ba 'yon na special
pero..." I trailed off. "Basta bukas, sasabihin ko na sa'yo," I looked up at him to
see his face, "lahat. Lahat-lahat."

***

ANY FEEDBACK? READY NA BA KAYONG MASAKTAN? PA VOTE, COMMENT AND FOLLOW :)

Chapter 21. Kiss and the Bra

KEYCEE'S POV

Hindi pa man ako dumidilat ay alam kong nasa tabi ko pa rin si Ace dahil sa
mabangong amoy niya. I took the chance to pray habang nakapikit ako at yakap siya.
Nagpasalamat ako sa nasa itaas dahil hanggang ngayon kasama ko pa rin si Ace at
hindi pa niya 'ko iniiwan.

Idinilat ko na ang mga mata ko at nag-angat ng tingin sa kaniya na masarap pa rin


ang tulog habang nakayakap sa 'kin.

Bigla kong naalala 'yong sakit na nararamdaman ko kagabi bago kami matulog. Akala
ko katapusan ko na 'yon dahil sa sobrang sikip ng dibdib ko. Buti na lang at kasama
ko siya. Waking up after hurting, it's a relief to have him next to me. I almost
said out loud.

Ngayong mas dumadalas ang pagsikip ng dibdib ko, mas natatakot na 'ko. Pa'no kung—

"Good morning, baby," Ace said softly, snapping me out of my thought. Hindi ko
namalayan na gising na pala siya.

"Good morning," bati ko rin sa kaniya.

"Did you sleep well?"

"Uh...oo," nahihiya kong sagot. Nakayakap pa rin kasi siya sa 'kin at kaunting
distansya lang ang pagitan ng mga mukha namin kaya naiilang ako. "Ace, saglit
lang." Tinanggal ko 'yong pagkakayakap niya. "Punta muna 'ko sa kwarto ko," paalam
ko sa kaniya.

"Why?" Kumunot agad ang noo niya, parang disappointed siya na aalis na 'ko sa tabi
niya.

"To shower," tipid kong sagot. Napabuntong-hininga siya bago tumango.

After namin mag-almusal, pumunta ako sa sala at naupo. Sumunod naman agad siya at
tumabi sa 'kin. Hindi ko alam kung bakit may time na gustong-gusto ko siyang
titigan at may time rin naman na ayoko siyang tingnan.

Bakit kaya? Siguro dahil nagu-guilty ako. Katulad ngayon, alam kong nakatingin siya
sa 'kin pero ginagawa ko ang lahat para iwasan ang tingin niya.
"Keycee?" mahina niyang tawag sa 'kin.

"Mmm?" I hummed as a response without looking at him.

"Any problem?"

"Wala." Hindi pa rin ako tumitingin sa kaniya. Naka-focus lang ang tingin ko sa
screen ng TV.

"What's wrong?" tanong niya ulit.

Akala ko ba sasabihin mo na sa kan'ya ang totoo? 'Kala ko ba nakaipon ka na ng


tapang at lakas ng loob? I asked myself. Pero parang akala ko lang pala ang lahat.
Pakiramdam ko kasi hindi pa ako ready.

"There's nothing wrong," mahina kong sagot, hindi pa rin siya nililingon.

"There is. Now look at me and tell me—"

"Wala nga." Humarap na 'ko sa kaniya at pinutol ko na agad 'yong sasabihin niya.

"You're lying. I can see that just by looking at your eyes." Agad akong bumaling sa
kaniya.

Lying?

Siguro kung nagsinungaling man ako, 'yong tungkol lang sa sakit ko. Pero ang
tungkol sa mommy niya...hindi ako nagsinungaling. Hindi ko lang talaga alam na siya
'yong batang 'yon. At ang hindi ko pagsasabi sa kaniya ng tungkol sa bagay na 'yon,
hindi 'yon pagsisinungaling. Hindi ko lang talaga alam kung paano sasabihin sa
kan'ya, but it's not that I wanted to lie.

"Talaga? You can see?" mahina kong sabi sabay ngiti nang bahagya.

"Keycee, I'm your teacher and also a husband. Kung may problema ka p'wede mo namang
sabihin sa 'kin."

"Wala nga—"

"No. There is," he interrupted me. Bumuntong-hininga na lang ako. Ayoko ng


makipagtalo.

Oo, Ace. Mayro'n nga akong problema. Pero gaya nang napag-isipan ko, gusto ko muna
siyang makasama sa buong araw 'tsaka ko sasabihin sa kaniya ang lahat.

"P'wede ba ulit akong mag-wish?" tanong ko sa kaniya sabay ngiti ulit. He nodded.
"Labas tayo mamaya, gusto kasi kitang makasama. P'wede?" Ngumiti rin siya sa 'kin
at niyakap ako nang mahigpit.

"Sure, baby." Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. "Bakit ang lambing-lambing mo
yata?" tanong niya nang kumalas na siya sa pagkakayakap sa 'kin.

"Wala," tipid kong sagot. "Nga pala, pupunta muna 'ko ngayon kay mama, tapos
ititext na lang kita kung sa'n tayo magkikita."

"No. Susunduin na lang kita ro'n para hindi ka na umalis mag-isa. Okay?" He patted
my head softly at nag-smile siya sa 'kin kaya ngumiti rin ako sa kaniya at tumango
para sumang-ayon sa idea niya.
"Akyat lang ako sa taas." Nagpaalam na 'ko sa kaniya para magbihis muna.

Mamayang hapon ko na sasabihin sa kaniya ang lahat, pagkatapos namin mag-date.


Hindi ako papayag na lilipas ang maghapon na hindi ko pa masasabi sa kaniya ang
totoo. Dahil habang tumatagal na hindi ko nasasabi sa kaniya, mas nagiging mabigat
'yon sa dibdib ko. Ang hirap.

***

Hinatid ako ni Ace papunta kila mama at habang nasa sasakyan kami, nag-vibrate ang
cell phone ko.

"Anak, usap tayo. Importante." Kinabahan agad ako sa text ni mama, pero hindi ko
'yon pinahalata kay Ace.

"Hatid na rin kita sa loob para makapag-hi man lang ako kay mama kahit saglit,"
baling sa 'kin ni Ace. "Pero hindi na 'ko magtatagal para maasikaso pa ang dapat
kong gawin bago tayo mag-date," dagdag niya.

"Okay lang kahit hindi ka na pumasok sa loob, sasabihin ko na lang kay mama na
nagmamadali ka dahil may aasikasuhin ka pa. Ako na lang din ang mag-hi sa kan'ya
para sa'yo," sabi ko.

"You sure?" tanong niya. Tumango naman ako. "Sige. Next time pasyal na lang ulit
tayo, kahit doon tayo mag-overnight." He smiled.

Sana nga. Sana hindi mo 'ko kamuhian para magawa pa natin 'yan.

Noong nasa tapat na kami ng bahay ni mama, agad na 'kong nagpaalam sa kaniya.

"Pasok na 'ko sa loob. Ingat ka sa pagda-drive." Hinawakan ko na 'yong pinto para


buksan 'yon, pero pinigil ni Ace ang braso ko kaya napalingon ulit ako sa kaniya.

"May nakalimutan ka." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Nakalimutan? Iginala ko
ang tingin ko sa loob ng sasakyan pero wala naman akong bagay na nakalimutan.

"Wala naman akong nakalimutan," baling ko sa kaniya.

"Nope. Mayro'n. Isipin mong mabuti," seryoso niyang sabi habang nakatitig sa 'kin.
Nang mapansin kong bumama ang tingin niya sa labi ko, do'n ko pa lang na-gets ang
ibig niyang sabihin na nakalimutan ko raw kuno.

"Close your eyes, sir." Agad niya naman akong sinunod kaya napangiti ako. I leaned
forward para maabot ko ang mukha niya. Mabilis ko lang siyang hinalikan at lumayo
rin ako agad. Pero paglayo ko hinila niya ulit ang kamay ko para mapalapit ako sa
kaniya so he could continue kissing me.

Nagulat ako at hindi agad nakakilos. Hawak na niya ang magkabilang pisngi ko habang
patuloy siya sa paghalik sa 'kin. Kusa na rin dumako ang kamay ko para humawak sa
braso niya...and I kissed him back.

Ibinaba niya ang mga kamay niya at pumulupot 'yon sa baywang ko and I didn't know
kung paano niya nagawang ilipat ako sa kandungan niya nang walang kahirap-hirap.

Kumalas ako sa halik niya dahil naiilang ako sa ayos ko. Paharap kasi akong
nakakandong sa kaniya. Kung patagilid sana ay okay pa. Pero naka-spread ang legs ko
tapos medyo maikling dress pa ang suot ko. Bakit kasi ako nag-dress?

"Sandali na lang," pabulong niyang sabi at saka ulit ako hinalikan. 'Yong kamay
niyang nakapulupot sa baywang ko ay bumaba na sa legs ko habang hinahaplos 'yon.

Ace, stop it!

At hindi pa siya nasiyahan dahil lumipat naman 'yong kamay niya sa dibdib ko,
hanggang sa napunta ulit 'yon sa likod ko para maibaba ang zipper ng dress ko.

Nang maibaba niya 'yon, sunod naman niyang tinaggal ang kawit ng bra ko at lalo
akong nailang dahil ibinaba niya 'yon.

Bumitaw ulit ako sa paghalik niya at saka ko pinag-krus ang kamay ko sa dibdib ko
para takpan 'yon.

"Ace!" mahinang sita ko sa kaniya. Bahagya naman niya 'kong tinawanan. "Isuot mo,"
utos ko sa kaniya.

"Ang alin?" nang-aasar niyang tanong.

"Itaas mo para masuot ko!" 'Yong bra ko ang tinutukoy ko. Hindi ko kasi 'yon
magawang damputin dahil tatambad sa kaniya 'yong dibdib ko. "Isuot mo sa 'kin 'yong
bra ko! Bakit mo ba inalis? Gusto mo ba 'yan? Bibilhan na lang kita ng iba basta
isuot mo sa 'kin 'yan!" mahina kong sermon sa kaniya. Buti na lang talaga ay tinted
ang sasakyan niya.

Natatawa niyang dinampot 'yon at inayos sa harap ko para maisuot ko. Pero hindi ko
rin 'yon maisuot dahil naka-krus pa rin sa dibdib ko ang dalawang kamay ko.

"Suot mo na," natatawa niyang sabi sa 'kin.

"Pumikit ka," utos ko sa kaniya. Agad naman niya 'kong sinunod, pero nakangiti pa
rin siya. "Huwag kang didilat," sabi ko nang tanggalin ko na 'yong kamay ko na
nakatakip sa dibdib para kuhanin 'yong bra ko.

Nang maisuot ko na 'yon ay dumilat ulit siya at tiningnan ako habang nakangiti.
Pinagkrus ko ulit sa dibdib ko 'yong kamay ko dahil hindi ko pa naman naitataas ang
dress ko.

"Let's go home," nakangiting sabi ni Ace sa 'kin. "Next time ka na lang pumunta kay
mama, umuwi na lang muna tayo."

"Bakit?"

"Magda-date na tayo."

"Saan?"

"Sa kwarto ko. P'wede rin sa kwarto mo." Gumuhit ang isang pilyong ngiti sa labi
niya.

Bumuntong-hininga naman ako. "Ace, this isn't the time for this." Hindi ko pa
deserved 'to dahil hindi ko pa nasasabi sa kaniya ang totoo.

"Okay, sige," he replied and let out a sigh. "But let me kiss you one last time,"
sabi niya at hindi na niya 'ko hinintay makasagot dahil hinalikan niya ulit ako.
Sinamantala ko naman ang pagkakataon na nakapikit siya at nag-eenjoy para maitaas
ang dress ko.

Nang maglayo ang mukha namin ay agad kong inutos sa kaniya na itaas ang zipper ko
sa likod. Napangiti naman siya habang ginagawa 'yon.
"Pasok na 'ko sa loob," paalam ko sa kaniya pero nakakandong pa rin ako sa lap niya
dahil ayaw niya 'kong pakawalan. "Ace, sabi ko papasok—"

"I love you." Natulala ako sa sinabi niya. "I love you, Mrs. Keycee Dela Vega—Lee."
He whispered and kiss my forehead. "Sige na. Pasok ka na sa loob bago pa kita
iuwi." Natawa siya nang bahagya habang ako nakatulala pa rin sa sinabi niyang mahal
niya 'ko.

"You love me?" wala sa sarili kong tanong. At agad naman siyang tumango.

Masabi mo pa kayang mahal mo 'ko kapag nalaman mo na ang totoo?'

"I have to go. I'll get you later." Inalalayan niya 'kong makababa sa lap niya at
saka na rin ako nagpaalam.

Pag-alis ng kotse niya pumasok na agad ako sa bahay.

Pero pagdating ko ro'n hindi lang si mama ang inabutan ko kun'di pati ang doctor
ko.

***

Dahan-dahan akong naglalakad palabas ng bahay. Kanina pa nagtext sa 'kin si Ace na


nasa labas na siya ng gate pero dahil sa mga sinabi ng doctor kaya nagtagal ako sa
loob.

Lumapit ako sa kotse ni Ace at sumakay pero naabutan ko siyang natutulog habang
nakasandal sa upuan ng kotse. Nakatulog na siya sa paghihintay sa 'kin.

Pinagmasdan ko muna siya habang iniisip ko ang mga pinag-usapan namin ni mama sa
loob.

"Anak, kailangan mo ng magpa-opera sa lalong madaling panahon. Pumayag ka na, para


sa'yo rin naman 'to. Dahil habang tumatagal na hindi ka naooperahan, mas malalagay
ka sa alanganin," mangiyak-ngiyak na sabi ni mama.

"Pa'no kapag hindi naging successful ang operasyon? Mamamatay ba 'ko?"

"Anak..."

"Ma...pa'no si Ace? Pa'no si Ace kapag gano'n nga ang nangyari?"

"Anak, 'wag mo munang isipin ang ibang tao, isipin mo muna ang sarili mo."

"Pero ma, mahal ko po si Ace." Tuluyan na rin tumulo ang luha ko. "Pa'no kapag
nalaman n'ya ang tungkol dito?"

"Kailangan mo ng heart transplant, anak...at naniniwala ako na kakayanin mo 'yon.


Pagkatapos ng operasyon 'tsaka mo na lang balikan si Ace."

Biglang tumulo ang luha ko habang nakatitig kay Ace.

Isang wish na lang ang natitira. P'wede ko na bang gamitin? Tulog pa rin s'ya at
nakakrus ang mga kamay niya sa chest niya.

Even if I disappear, can you remember me? Don't forget me...and not erase me away.
Please, remember me.
Noong kumislot siya ay agad kong pinahid ang luha ko at inayos ang sarili ko.

"Kanina ka pa?" tanong niya sa 'kin.

"Uh...hindi. Kapapasok ko lang. Let's go?" Tumango na siya at pinaandar na ang


sasakyan.

***

Pumunta kami sa lugar na hindi pa namin napupuntahan nang magkasama. After no'n,
pumunta kami sa isang fine dining restaurant kung saan siya nagpa-booked. After
namin kumain, sa mall naman kami nagpunta dahil nag-shopping kami pareho at sobrang
gulat ko dahil umabot nang two hundred seventy thousand ang bill namin. Sobra kasi
s'yang mitikoloso pagdating sa mga gamit. Ayaw ng hindi signature. Pati ang sa 'kin
ay siya rin ang namili. Sabagay, barya lang naman sa kaniya ang halagang 'yon.

Marami pa kaming pinuntahan like karaoke room. At na shocked din ako dahil may
talent pala siya sa pagkanta. Nagpunta rin kami sa arcades at naglaro ng kung anu-
ano.

Habang masayang nakangiti si Ace sa pagsho-shoot ng bola, nakatingin naman ako sa


kaniya. Ang saya niya...parang hindi ko tuloy kayang sabihin sa kaniya ngayon. Baka
kasi masira ang araw namin.

Napahawak agad ako sa dibdib ko nang bigla 'yon nanikip. Tiningnan ko si Ace, busy
pa rin siya sa paglalaro. "Ace?" Lumingon agad siya sa 'kin noong tinawag ko siya.
"Tara na sa kotse, pagod na 'ko."

"Okay. Let's go."

***

Nakaupo ako sa kotse, mag-isa. Nasa labas kasi si Ace at kausap ang lolo niya sa
phone. Paalis na kasi dapat kami noong mag-ring ang phone niya.

Sumandal muna ako at pumikit, iniisip ko kung paano ko sasabihin kay Ace ang lahat.
Kung saan at paano ako magsisimula.

Ano ba talagang dapat kong gawin? Naguguluhan ako. Nakapagdesisyon na 'ko na


sabihin sa kan'ya ang totoo pero bakit nagdadalawang-isip na naman ako ngayon?

Narinig kong bumukas at sumara na ang pinto ng kotse kaya alam kong nasa loob na si
Ace. Pero nanatili pa rin akong nakapikit at hindi kumikilos. Hindi ko siya
naririnig na nagsasalita kaya hindi na lang din ako kumibo.

Naramdaman ko ang paggalaw ni Ace, alam kong nag-leaned forward siya sa 'kin dahil
naramdaman ko ang mabango at mainit niyang hininga sa mukha ko. Alam ko na rin kung
anong balak niyang gawin kaya hinayaan ko na siya na halikan ulit ako.

Gusto ko muna siyang pasayahin dahil alam kong bukas...magagalit na siya sa 'kin.

ACE'S POV

I know she was awake so I leaned forward and made our lips met. I missed her lips
so much, her soft lips moved gently against mine. I started kissing her more
hungrily, was like we hadn't kissed in years. She moved her hands and wrapped them
to my neck and started kissing back. My hands moved to her hips. I wanted her so
bad and I really didn't feel like stopping.
"Ace..." he said between our kisses.

"Hmm?" I responded. We pulled away breathless and I stared at her. "Why?"

"I have something to tell you important, since you said you're my teacher and also
a husband to speak up." Kahit hindi n'ya pa nasasabi nang tuluyan, nakaramdam na
'ko ng kaba at hindi ko alam kung bakit.

"What?" I said calmly. Hindi ko pinahalata sa kaniya na kinakabahan ako.

"The thing you were curious about..." before she could finished her sentence my
phone rung.

"Wait, I'll be back." Lumabas ako ng kotse para sagutin kung sino man ang
tumatawag. Hindi ko kilala dahil unregistered number 'yon.

"Hello, sir. P'wede po ba tayong mag-usap?" Pamilyar 'yong boses pero hindi ko
matandaan.

"Who's this?"

"Ryza Lopez po, Keycee's friend."

"Oh, what do you want to talk about, Ryza?"

"Can we see each other, sir? It's difficult to explain everything on the phone.
It's about Keycee's secret and no one else I can talk about this except you."

***

KINILIG BA KAYO SA CHAPTER NA 'TO? PAMPALUBAG LOOB LANG 'TO, MALAPIT NA KASI KAYONG
MASAKTAN :) PA VOTE, COMMENT AND FOLLOW. LOVE YOU ALL :)

Chapter 22. Moment of Truth

KEYCEE'S POV

Noong makabalik si Ace sa loob ng sasakyan ay agad niya 'kong tinitigan.

"Uh..." Parang may gusto s'yang sabihin.

"Mmm?" I hummed as I furrowed my eyebrows, giving him a 'what-is-it' look.

"Puwede bang dito ka muna? I just have to go somewhere, saglit lang ako. Babalikan
din agad kita." Kumunot 'yong noo ko sa sinabi niya. Saan naman siya pupunta? Iiwan
niya 'ko rito mag-isa?

"Sa'n ka pupunta?" lakas loob kong tanong sa kaniya. Pero hindi agad siya nakakibo.
Yumuko siya at bumuntong-hininga bago ulit ako tingnan. "I...just wait here, okay?"

Hindi ko alam kung bakit iba 'yong pakiramdam ko. Para bang ayoko siyang paalisin.
Ayokong iwan niya 'ko rito dahil baka hindi na niya 'ko balikan. Gano'n ang iniisip
ko.
"Puwede bang 'wag ka na lang umalis? Oh, kaya...sama na lang ako?"

"You can't, Keycee. May importante lang akong pupuntahan. Saglit lang 'yon, okay?"
Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil 'yon ng bahagya.

Ayoko man sana siyang payagan pero parang wala na rin akong magagawa. Bumaba na
agad siya ng sasakyan at naglakad palayo.

Yes, hindi niya ginamit ang kotse dahil dito niya 'ko iniwan sa loob. Tanaw ko siya
habang naglalakad pero sa screen ng cellphone niya naka-focus ang tingin niya.

Saan kaya siya pupunta? Ano 'yong importante n'yang pupuntahan at hindi niya 'ko
p'wedeng isama?

***

Bumaba ako ng sasakyan para maglakad-lakad dahil nangangawit na 'ko sa halos


dalawang oras kong pag-upo sa loob ng kotse ni Ace. Oo, dalawang oras na ang
lumipas pero hindi pa rin siya bumabalik.

"Keycee!" May tumawag sa pangalan ko at hinanap ko kung sino 'yon. "Dito sa tapat!"
sigaw niya ulit. Nakita ko si Ryan sa kabilang sidewalk at kumaway siya sa 'kin.
Tumakbo siya at nilapitan ako.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kaniya.

"Naglilibot lang, tapos nakita kita," sagot niya habang nakangiti sa 'kin. "Kasama
mo si, sir? I mean 'yong asawa mo?" Napatingin kasi siya sa kotse sa tabi ko.

"Oo, pero umalis s'ya saglit, may pupuntahan lang daw."

"Umalis? Gaano katagal na s'yang wala?"

"Uhm...almost two hours na," mahina kong sabi sabay napayuko ako dahil sa hiya.
Nakakahiyang sabihin na dalawang oras na 'kong hindi binabalikan ng sarili kong
asawa.

"Gano'n ba? Gutom ka na ba? Gusto mong kumain muna?"

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Pa'no 'pag biglang dumating si Ace tapos hindi
n'ya 'ko naabutan dito?"

"Itext mo na lang siya, sabihin mo na kumain lang tayo saglit. Oh kaya naman,
sabihin mo sa kan'ya na inform ka kapag pabalik na s'ya para maihatid kita agad
dito."

Okay ang idea ni Ryan kaya pumayag na rin ako. Tinext ko agad si Ace at sinabi ko
na mag-text o tumawag na lang siya sa 'kin kapag pabalik na siya.

"Kumusta ka na nga pala?" tanong ni Ryan pagpasok namin sa isang food chain na
malapit lang rin naman sa pinag-iwanan ng sasakyan ni Ace.

"Okay naman," mahina kong sagot. "Ikaw?"

"Kapag okay ka, okay lang din ako." Nag smile pa siya kaya napangiti na lang din
ako. "Uy, nagbu-blush s'ya...gusto mo pa rin ba 'ko?" natatawa n'yang sabi.
Hinampas ko s'ya sa braso at inirapan.

"Tigilan mo nga ako Ryan, may asawa na ko, 'no!" natatawa kong sagot sa kan'ya.
"Edi mayro'n lang! Basta 'pag ayaw mo na sa kan'ya, wag mong kalimutan na nandito
lang ako, ha?" pagbibiro pa niya kaya pinatikim ko naman s'ya ng kurot sa
tagiliran. "Ouch!" reklamo n'ya sabay tawa.

RYZA'S POV

Noong first year high school pa lang kami, nagkagusto ako sa isang lalaki, si Rob.
At siya ang kusang lumapit sa 'kin para kaibiganin ako. Ang saya ko na sana kaso
nalaman ko na kaya pala siya nakipag-close sa 'kin ay dahil kay Keycee. Si Keycee
ang nakaagaw ng atensyon niya. At dahil nainis ako, siniraan ko na lang s'ya kay
Keycee para tanggihan s'ya nito.

Noong second year naman kami, gano'n din ang nangyari. May nagustuhan ulit ako,
pero kay Keycee naman lagi nakatingin. May pagka-torpe lang siya kaya hindi siya
nagkaroon ng lakas nang loob na ligawan si Keycee.

At noong sinabi ni Keycee na gusto niya si Ryan Dela Cruz, hindi ako kumibo. Hindi
ko sinabi sa kaniya na gusto ko rin si Ryan. Nanahimik lang ako at pahilim na
nagseselos lalo na noong inapproach na siya ni Ryan at naging sila na.

Nakikitukso lang din ako kay Christia kapag inaasar niya 'yong dalawa, pero ang
totoo, p*ta mamamatay na yata ako sa selos. Lalo na noong nakipag-break si Ryan sa
kaniya na ang dahilan pala ay para 'wag siyang mapahamak, doon ko naisip na may
tama na rin si Ryan sa kaniya dahil hindi naman n'ya ilalayo si Keycee sa
kapahamakan kung wala s'yang nararamdaman.

"Uy, nagbu-blush s'ya...gusto mo pa rin ba 'ko?" Napakalapad nang ngiti ni Ryan


habang kaharap si Keycee.

"Tigilan mo nga ako Ryan, may asawa na ko, 'no!" Pati si Keycee ay halatang masaya
rin.

"Edi mayro'n lang! Basta 'pag ayaw mo na sa kan'ya, 'wag mong kalimutan na nandito
lang ako, ha?"

Nasa ika-apat na table ako at palihim na nakatanaw sa kanila.

Sa totoo lang, ang sakit ng mga nakikita ko ngayon. Bakit lagi na lang si Keycee?
Bakit laging nasa kan'ya ang atensyon na gusto ko rin maranasan?

Ang sakit lang dahil kaibigan ko pa. Kaibigan ko ang nagiging dahilan kung bakit
ako nalulungkot at nasasaktan.

Dahil tuloy do'n, nakagawa ako ng bagay na hindi ko alam kung ano ang magiging
resulta.

Sinabi ko na kay Ace kanina ang totoo. 'Yong tungkol sa mommy n'ya, kung sino ang
dahilan kung bakit ito nawala.

Sa itsura ni Ace kanina talagang hindi s'ya makapaniwala. Agad s'yang umalis pero
hindi ko rin naman alam kung saan siya nagpunta. After namin mag usap umalis na rin
ako. At nagkatoon lang na nakita ko si Ryan kaya sinundan ko s'ya. At ito
nga...dahil sa pagsunod ko sa kan'ya nasasaktan na naman ako.

KEYCEE'S POV

Nagkatinginan kaming dalawa ni Ryan nang hindi namin abutan ang sasakyan ni Ace sa
lugar kung saan niya ito iniwan.
Iniwan niya 'ko?

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Para 'kong napahiya na ewan dahil
sinabi ko pa kay Ryan kanina na tinext ko na si Ace para inform ako bago siya
bumalik, tapos ngayon umalis siya nang hindi ako kasama? Samantalang hindi ko naman
sinabi sa kaniya na kasama ko si Ryan. So, bakit siya umalis at iniwan akong mag-
isa?

"Hatid na lang kita." Hinawakan ni Ryan ang braso ko para ayakin ako dahil halos
wala akong ganang maglakad. Huminto kami sa isang bus stop. "Pasensya na, 'di ko
kasi dala kotse ko kaya magbu-bus na lang tayo."

"Okay lang, first time ko ngang sumakay ng bus, eh," nakangiti kong baling sa
kaniya. Pilit kong tinatago 'yong disappointment ko dahil sa pag-iwan ni Ace sa
'kin.

Ilang sandali pa, may bus nang huminto sa tapat namin kaya inalalayan ako ni Ryan
para ako ang unang makasakay. Sa bandang likuran kami naupo dahil doon may space.

"So, ako pala ang lalaking una mong nakasama sa pagsakay ng bus. Wow, ang swerte ko
naman," nakangiti niyang sabi sa 'kin nang magsimula nang umandar ang bus. Nag-
smile lang ako sa sinabi niya.

Ramdam ni Ryan na wala ako sa mood at malungkot ako kaya hindi siya tumigil sa
pagku-kwento para libangin ako.

Noong huminto ang bus ay tumigil na rin siya sa pagku-kwento at inalalayan akong
bumaba. Ten minutes na lang ang lalakarin namin para maihatid niya 'ko sa bahay. At
kahit bawal akong mapagod ay pinili ko na lang rin maglakad dahil naaaliw ako sa
mga kwento niya about sa pagkabata niya.

Nang huminto kami sa tapat ng bahay namin, humarap sa 'kin si Ryan. "Sige pasok ka
na sa loob," utos n'ya sa 'kin pero umiling ako.

"Mamaya na lang ako papasok pag naka alis ka na," I said and smiled a little.

"Aray. Talagang gusto mo 'kong makitang lumalayo, ah," natatawa n'yang sabi.

"Hindi naman sa gano'n." Natawa rin ako nang bahagya.

"Sige, alis na 'ko. Bye." He waved a hand so I waved back.

"Bye, ingat ka," pahabol ko pa. Humarap naman sya sa 'kin at naglakad kahit naka
patalikod.

"Pasok ka na!" pasigaw niyang sabi dahil medyo malayo na s'ya sa 'kin. Tumango
naman ako at humakbang na papasok sa gate.

Pagpasok ko sa loob nagulat ako sa nadatnan ko. Maraming basag na gamit sa living
room, pati 'yong mga malalaking base, ang center table, 'yong full length mirror na
malapit sa TV at pati na rin 'yong flat screen TV na dapat ay naka-hang sa wall,
ngayon ay nasa sahig na at basag-basag ang screen. Kahit saan ko ibaling ang tingin
ko ay may basag na mga gamit.

"Keycee..."

Napahinto ako sa pag-akyat sa hagdan noong narinig ko ang mahinang pagtawag sa 'kin
ni yaya. Mahina lang ang boses niya na para bang nag-iingat siyang magsalita dahil
baka may makarinig sa kaniya. At Nagulat ako sa itsura niya dahil parang takot na
takot siya.

Anong nangyari? May mga akyat-bahay gang ba na pumasok dito sa loob?

"Ya, bakit po?" tanong ko nang makalapit na 'ko sa kaniya. Pero imbes na sagutin
ako, hinawakan ni yaya ang kamay ko at isinama 'ko papunta sa kwarto niya. Hindi ko
alam kung anong nangyayari. "Ya, a-ano po bang nangyari? Sabihin n'yo sa 'kin."
Kinakabahan na rin ako dahil bakas din ang takot sa mukha ni yaya.

"Si Ace...pag uwi n'ya kanina bigla na lang s'yang nagalit kaya pinagba-basag n'ya
lahat ng makita n'ya o madaanan." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi ni
yaya. "Hindi ko alam kung anong nangyari sa kan'ya, 'di ba magkasama kayo? Wala ka
bang alam?"

"W-wala po akong alam," nanginginig kong sabi. Hindi ko alam kung bakit bigla akong
natakot kay Ace. Sa itsura ng bahay ay halatang galit talaga siya kaya paano ko pa
sasabihin sa kaniya ngayon ang tungkol sa mommy niya? Pa'no kung mas madagdagan ang
galit niya at pati ako masaktan niya? "Iniwan n'ya po ako kanina dahil may
kakausapin lang daw s'ya pero hindi ko alam kung sino. Nasa'n na po ba si Ace
ngayon?" dagdag ko.

Pero bago pa makasagot si yaya ay nakarinig na kami ng bagay na parang nabasag mula
sa itaas.

Dali-dali kaming umakyat ni yaya kahit pareho kaming kinakabahan. Nakatayo kami sa
tapat ng kwarto ni Ace. Nanlalamig at nanginginig ang mga kamay ko kahit na si yaya
ang humawak sa doorknob para pihitin 'yon. Siya lang din ang pumasok sa loob dahil
hindi ko magawang humakbang para puntahan si Ace. Iniwan ni yaya na bahagyang
nakaawang ang pinto at nakakubli naman ako sa gilid.

"D'yos ko po, Ace!" Kumabog lalo ang dibdib ko sa sigaw ni yaya mula sa loob. Nag-
awtomatikong humakbang ang paa ko nang dalawa beses paatras dahil sa nerbyos na
nararamdaman ko, idagdag pa ang bahagyang paninikip ng dibdib ko. "Ano bang
ginagawa mo?! Anong nangyayari sayo?!"

Hindi ko alam kung anong mayro'n sa loob at gano'n ang reaksyon ni yaya.
Nakakatakot.

"Si Keycee?" matigas na tanong ni Ace. Dahil sa paraan ng pagbanggit niya sa


pangalan ko ay lalong kumabog ang dibdib ko sa takot. Nakaramdam din ako nang
panlalamig ng palad kahit pa namamawis 'yon dahil sa kaba. Gusto kong tumakbo
pababa sa hagdan para makalabas na lang sa bahay pero...

Napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko no'ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto
ni Ace at hinarap ako.

Nakakatakot ang itsura niya. Namumula 'yong mukha niya at dahil 'yon sa galit. Pero
bakit? 'Yong mga mata niya nakakatakot rin. Ramdam na ramdam ko 'yong coldness na
para bang p'wedeng magpayelo sa buo kong pagkatao hanggang sa mamatay ako.

Hindi ako nagsasalita, hindi rin sya nagsasalita at nakatingin lang sa 'kin pero
bakas sa mukha n'ya ang matinding galit na hindi ko alam kung saan nanggagaling o
maaaring alam ko na pero ayaw ko lang tanggapin na baka tama ako ng iniisip.

"A-Ace..." tawag ko sa kaniya at hindi ko inaasahang manginginig nang ganito ang


boses ko. Hindi ko na magawang ituloy ang sasabihin ko dahil parang may bumabara sa
lalamunan ko idagdag pa 'yong kakaibang pakiramdam sa tapat ng dibdib ko. Naninikip
'yon at para bang gusto ko munang tumakbo papunta sa kwarto ko para kuhanin ang
gamot ko. Pero hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko dahil nanghihina ako.

"Keycee..." mahina niyang tawag sa 'kin. "Keycee..." Inulit niya 'yon nang medyo
malakas, na para bang hindi ko narinig ang una. "KEYCEEEEEE!!!" Napakibit-balikat
at napapikit ako sa pagsigaw niya sa 'kin. Kasabay na rin no'n ang pag-agos ng luha
ko habang nakayuko dahil sa takot. Halos umecho sa buong bahay ang pagsigaw niya
sa'kin. Ngayon niya lang ako sinigawan nang ganito. "Bakit?" pagalit niyang tanong.
"BAKIT?!!!!!" Nakapikit ako habang tuloy-tuloy sa pag-agos ang luha ko.

"Ano bang nangyayari?" nag-aalalang tanong ni yaya na nasa likod lang ni Ace, hindi
niya magawang lumapit sa 'kin dahil nakaharang si Ace sa pinto.

"Ya, iwan n'yo muna po kami," pakiusap ko kay yaya.

"Pero Keycee-"

"Ya, please?" I begged. Ayokong makita niya na ganito kami ni Ace. Medyo may edad
na si Yaya Miranda at kung sa bata kong 'to ay natatakot ako nang sobra, paano pa
kaya siya?

Tumango na lang si yaya kahit alam kong ayaw n'yang umalis. Pinilit n'yang
makasingit sa likod ni Ace para makalabas. Nagdadalawang-isip siyang iwanan ako
pero tinanguan ko siya na parang sinasabi ko na okay lang ako. Magiging okay ako.
Pipilitin ko. Pag alis ni yaya, hinawakan agad ni Ace ang braso ko at halos
kaladkarin ako papasok sa kwarto n'ya. Nasasaktan ako higpit nang hawak niya pero
hindi ko 'yon ininda. Sa halip, sinamantala ko na hindi siya nakaharap sa 'kin para
makalanghap ako nang maraming hangin dahil parang kakapusin na 'ko sa hininga.
Halos pabalibag niyang binitawan ang braso ko at tumingin sa 'kin nang matalim.
"Ace...a-ano bang nangyayari sa'yo?"

"Hindi mo alam? Gusto mong sabihin ko sa'yo?" Hindi ako sumagot, nakatingin lang
ako sa kaniya. Sabihin ang alin? Alam na ba niya 'yong tungkol sa mommy niya?
"Bakit, Keycee? Bakit mo 'yon nagawa sa mommy ko?" Nagulat ako sa sinabi n'ya at
dahil do'n lalong nanghina ang mga tuhod ko, dahilan para mapaupo ako sa malamig na
sahig habang nakatukod do'n ang mga kamay ko. Paano niya nalaman? Hindi ko pa naman
sinasabi sa kaniya.

"A-Alam mo na...?" mahina kong tanong habang nakaupo sa tapat niya. Kanina ko pa
iniisip na baka nga alam na niya pero mas nakakatakot pala noong nanggaling na sa
kaniya na alam na nga niya.

"Bakit? Dapat ba hindi ko nalaman? Hanggang kailan mo balak itago 'yon sakin?!"
sigaw niya ulit sa 'kin at umecho 'yon sa kwarto. Kaya pala siya ganito.

"H-Hindi ko 'yon gustong itago...sasabihin ko na dapat sa'yo pero...natakot ako.


Patawarin mo 'ko." Hindi ko magawang mag-angat ng tingin sa kaniya, sa sahig ako
nakatingin.

"Patawarin?" natawa s'ya nang bahagya. "PAANO KITA PATATAWARIN?!" tuloy-tuloy na sa


pagluha ang mga mata ko at 'yong tahimik kong pag-iyak kanina, naging hagulgol na,
nasabayan pa nang sunud-sunod at malalakas na paghikbi at parang mauubusan na 'ko
ng hininga. "WAG MO 'KONG DAANIN SA IYAK, KEYCEEE! GUSTO KONG MALAMAN KUNG ANONG
TOTOO!!!" Hinawakan niya 'ko sa magkabilang braso at pinilit itayo kahit na
nanghihina ako. Mahigpit rin ang pagkakahawak n'ya sa 'kin kaya nasasaktan ako.

Umiiling ako habang nakaharap sa kan'ya at umiiyak. "Hindi


ko...sinasadya...maniwala....ka sa 'kin." Hindi ko magawang magsalita nang diretso
dahil kusa 'yon pinuputol ng bawak paghikbi ko. Habang umaagos ang luha ko ay
nanlilisik naman ang mga mata niya sa 'kin.
"Bakit ang mommy ko pa?" tanong niya habang mas lalong humihigpit ang hawak niya sa
braso ko. Oo, masakit, dahil pakiramdam ko ay bumabaon ang kuko niya sa balat ko
pero alam kong wala akong karapatang magreklamo dahil kung paano akong hindi
makahinga sa pag-iyak at paghikbi ngayon, ganito rin siya noong yakap n'ya ang
mommy niyang wala ng buhay na naka handusay sa daan dahil sa 'kin. "BAKIT?!!"
Naramdaman ko 'yong panginginig ng kamay niyang nakahawak sa 'kin, at alam kong
dahil 'yon sa galit. "BAKIT MO 'YON GINAWA KAY MOMMY?! BAKIT?! NAMATAY SIYA NANG
DAHIL SA'YO!!!" Halos mapasubsob ako sa tiles dahil sa pagbitaw n'ya sa 'kin na
hindi ko alam kung may kasama bang pagtulak o baka sadyang nanghihina lang ang
tuhod ko.

Pinagmasdan ko 'yong mga kamay ko na nakapatong sa mga basag na bubog na naka kalat
sa harap ko.

Ngayon ko na realized na hindi lang pala talaga niya 'ko binitawan kun'di itinulak.
Dahil kanina noong napaupo ako sa harap niya ay wala naman bubog, pero ngayon ay
nasa side na 'ko na may mga basag na salamin.

Nakaramdan ako ng kirot sa palad ko at parang may mainit na likido akong nahawakan.
Nanginginig kong iniangat ang kamay ko at lalo akong nanlambot nang makita kong
puro dugo na 'yon dahil sa mga nakabaon na bubog sa palad ko.

"Sorry...Ace...patawarin mo 'ko..." ginawa ko ang lahat para pakalmahin ang sarili


ko. Gusto kong ipaliwanag sa kan'ya ang lahat pero parang wala na ring silbi dahil
sobra na ang galit niya. Isa pa, hindi gano'n kadali para sa 'kin na balikan ang
nangyari. Dahil kapag inaalala ko 'yon...naaalala ko rin kung paano ako saktan at
pagbantaan ng mga taong kumidnap sa akin noon. Naranasan ko pang tutukan ng baril
sa ulo sa murang edad ko. Ni hindi ko 'yon nagawang sabihin kay mama dahil sa
trauma ko, kay Pinky lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para ikwento 'yon. At kung
uulitin ko pa at idi-detalye, parang hindi ko na kaya. Parang mababaliw ako dahil
noong mga panahon rin na 'yon nawala sa 'kin si papa. Binaril s'ya ng mga taong
hindi ko kilala pagkatapos ay kinidnap naman ako.

"Kung p'wede lang ibalik ang panahon...sana ikaw na lang ang nawala," nagulat ako
sa sinabi ni Ace. Parang may kung anong kumurot sa puso ko dahil do'n. "Ikaw na
lang sana 'yong nasagasaan at namatay para kasama ko pa si mommy ngayon."

Paulit-ulit na nag-echo sa pandinig ko ang mga sinabi niyang 'yon. Sobrang sakit.
Mas masakit pa 'yon kaysa sa paninikip ng dibdib ko at mga bubog na nakabaon sa
palad ko.

"Gano'n ba ang gusto mo?" tanong ko habang isa-isang tinatanggal ang bubog na
nakabaon sa palad ko. Umiiyak ako pero hindi dahil sa kirot no'n, kun'di dahil sa
sakit ng binitawan niyang salita. Nang maalis ko na ang mga bubog ay dahan-dahan
akong tumayo pero palihim akong dumampot ng isang basag na piraso ng salamin at
itinago 'yon sa palad ko. Tumayo ako at humarap kay Ace. "Kapag ba namatay ako
mapapatawad mo na ba 'ko?" Pinipilit kong pigilan ang luha ko pero hindi ko talaga
kaya. "Kapag nawala ba 'ko p'wede mo na 'kong patawarin? Mawawala na ba 'yong galit
mo sa 'kin?" Nanginginig ang boses ko sa takot, sa bagay na tumatakbo sa isip ko.

Hindi s'ya nagsasalita at bakas pa rin sa mukha n'ya ang galit kaya tumalikod na
'ko sa kan'ya at dahan-dahang naglakad papunta sa banyo habang ramdam ko ang pag-
agos ng dugo sa kamay ko dahil mahigpit kong hinawakan 'yong basag na piraso ng
salamin. Pakiramdan ko ay manhid ang buo kong katawan dahil mas ramdam ko pa rin
ang sakit ng sinabi niya kaysa sa kirot na dulot ng salaming hawak ko.

Ni-lock ko ang pinto sa banyo at nagkulong ako doon. Bigla kong naalala 'yong
sinabi ni Ace.
"Kung p'wede lang ibalik ang panahon...sana ikaw na lang ang nawala."

"Ikaw na lang sana 'yong nasagasaan at namatay para kasama ko pa si mommy ngayon."

Pinagmasdan ko 'yong basag na piraso ng salamin na nasa palad ko, puno ng dugo.

Patawarin mo 'ko Ace.

Patawarin mo rin ako, ma. Pero hindi ko na po yata kaya. Sorry.

***

ETO NA! MAG-READY NG PANYO! PA COMMENT, VOTE AND FOLLOW! :)

Chapter 23. You Can Kill Me Now

THIRD PERSON'S POV

Noong pumasok si Keycee sa banyo ay agad namang lumabas si Ace sa kwarto.


Nanginginig ang kaniyang laman sa galit kaya't dimiretso siya sa kusina upang
kumuha ng inumin. Pakiramdam din kasi niya ay natuyo at nagasgas ang kaniyang
lalamunan sa pagsigaw.

Nanginginig naman ang mga kamay ni Yaya Miranda habang nag-aabang sa paglabas ng
dalawa sa kwarto. Hindi niya alam kung ano'ng nangyayari at kung ano ang dahilan
kung bakit nagkagano'n ang alaga niyang si Ace. Ngayon niya lamang kasi ito
nakitang nagalit nang husto.

Nang makita niyang pababa si Ace ay agad niya itong nilapitan. Hindi kasi nito
kasama ang asawa.

"Ace, anak. Nasaan na si Keycee?" bakas sa boses nito ang pag-aalala. Ngunit hindi
kumibo si Ace dahil lumabas agad ito pagkatapos niyang uminom ng tubig.

Dali-dali namang umakyat sa taas si Yaya Miranda upang tingnan na lang si Keycee.
Iba kasi ang pakiramdam niya sa batang 'yon. Kanina noong sinisigawan siya ng asawa
ay para bang may nararamdaman ito na masakit sa kaniya. Napansin niya rin na
pasimple itong sumisingsap ng hangin at hindi niya alam kung dahil ba 'yon sa pag-
iyak o talagang nahihirapan itong huminga.

Awang-awa siya rito at ayaw niya sana itong iwan kanina pero alam niyang kailangan
niyang bigyan ng oras ang mag-asawa para makapag-usap at maayos kung ano man ang
dahilan ng pagtatalo nila.

Pagpasok ni Yaya Miranda sa kwarto ni Ace ay mga basag na kagamitan pa rin ang
bumungad sa kaniya. Ultimo laptop, lampshade, salamin at iba pang mga gamit ay
nagkalat sa loob. Pero wala na roon si Keycee.

Agad niyang napansin ang ilang piraso ng bubog na may bahid ng dugo. Nabaling rin
ang tingin niya sa sahig dahil may mga kulay pulang patak patungo sa banyo, na mas
lalong bumuhay sa kaniyang kaba lalo na noong makitang niyang pati ang doorknob ay
may bahid rin ng dugo.
D'yos ko po! Ano'ng nangyari?

Agad siyang nagtungo roon para buksan ang pinto kahit na mayroon pa 'yong dugo.
Pero mas nakaramdam siya nang matinding nerbyos dahil hindi niya napihit ang
doorknob, naka-lock ito.

"Keycee, anak! Iha! Buksan mo ang pinto!"

Walang sumasagot sa loob kaya't nataranta siya at agad na lumabas upang tawagin si
Ace para pabuksan ang pinto. Pero pagbaba niya ay hindi niya nakita si Ace. Umalis
siguro ito ng bahay dahil pati ang sasakyan nito ay wala rin sa garahe.

Hindi niya alam kung saan ito nagpunta kaya dali-dali siyang lumabas sa gate para
humingi ng saklolo na mapabuksan ang pintuan ng banyo ni Ace dahil hindi maganda
ang kutob niya.

Paglabas ni Yaya Miranda sa gate ay agad niyang natanaw ang binatang nakatira sa
katapat rin na malaking bahay kaya agad niya itong tinawag.

Pagdating nila sa kwarto ay parang nataranta rin ang binata nang makita ang ilang
pirasong bubog na may dugo, pati na rin ang dugong nakapatak sa sahig patungo sa
banyo.

Sinabi niya ritong naka-lock ang pinto ng banyo kaya kumuha ang binata ng p'wedeng
ipukpok ro'n. At noong nabuksan na niya 'yon ay pareho silang nagulat sa nakita.

"D'YOS KO PO, KEYCEEEEEE!!!" Walang malay na nakahandusay si Keycee sa malamig na


sahig ng banyo, may hiwa ang pulso nito at umaagos ang dugo sa kulay puting tiles.
Katabi ng kamay niya ay ang basag na piraso ng salamin na sa tingin nila ay 'yon
ang ginamit nito para saktan ang sarili. "Buhatin mo siya, dalhin natin sa
ospital!" Agad na kumilos ang binata kahit na nanginginig rin siya sa takot.

May sasakyan naman ang binatang bumuhat kay Kaycee kaya agad nila itong itinakbo sa
pinakamalapit na ospital.

***

Pagbalik ni Ace sa bahay ay mga patak ng dugo sa pinto ang bumungad sa kaniya.
Sinundan niya ang direksyon kung saan ito nanggaling at para siyang nanlambot nang
matunton na sa kwarto niya ito nagmula.

Tila may mga tigreng nakawala sa kaniyang dibdib noong matanaw niya ang itsura ng
banyo. Puro dugo ang sahig at mayroong piraso ng salamin.

Napalunok siya nang maisip ang posibleng ginawa ni Keycee sa sarili. At hindi niya
alam kung bakit may nabuhay na takot sa kaniyang dibdib samantalang ito naman ang
gusto niya, hindi ba?

KEYCEE'S POV

Nagising ako sa isang kwarto na kulay puti ang pintura. Iginala ko ang paningin ko
at nakita ko na may mga aparato sa gilid ko. Tiningnan ko ang katawan ko at
nakasuot ako ng hospital gown. May bandage rin ang tapat ng pulso ko at mayro'n din
nakakabit sa 'kin na dextrose.

Nitong nakakaraang araw kapag gumigising ako, si Ace agad ang nakikita ko pero
ngayon hindi na.

"Anak," tawag sa 'kin ni mama pagbukas niya ng pinto. Pumasok siya sa kwarto at may
dalang mga pagkain at prutas. Inilapag niya 'yon sa side table at agad akong
niyakap habang umiiyak. "Mabuti at gising ka na...nag-alala ako sa'yo, anak.
Dalawang araw kang hindi gumising, sobra mong pinag-alala si mama. Akala ko kung
ano na'ng nangyari sa'yo. Bakit mo ba kasi 'yon ginawa sa sarili mo?" Bumitaw sa
'kin si mama at tiningnan ako."

"Dahil 'yon po ang gusto ni Ace..." mahina kong sagot. "Pero hindi rin naman ako
namatay kaya alam kong galit pa rin siya sa 'kin."

"Anak, ano ba'ng nangyayari sa'yo? Sa inyo ni Ace?" naguguluhang tanong ni mama.
Hanggang ngayon ay wala pa siyang alam. "Kumain ka na muna, ipagbabalat kita ng
prutas."

***

Pagkatapos akong pakainin ni mama, nagpaalam siya na uuwi saglit para kuhanan ako
ng gamit sa bahay.

"Papunta rito si Christia ngayon, nakisuyo ako sa kaniya na bantayan ka muna habang
wala ako," sabi ni mama habang inililigpat ang mga pinagbalatan ng prutas. "Hindi
ko matawagan si Ryza kaya si Christia na lang ang pinapunta ko," dagdag niya.

"Ma, sana hindi mo na s'ya pinapunta. Kaya ko naman ang sarili ko."

"Hindi mo kaya, Keycee. Tingnan mo nga 'yang ginawa mo sa sarili mo," sabi niya
sabay baling sa pulso kong nakabalot ng puting gasa. "Kung kaya mo ang sarili mo,
hindi mo 'yan gagawin." Natahimik ako sa sinabi niya. Maybe she was right. Hindi ko
nga kaya. Mahina ako.

Ilang sandali pa ay may kumatok na sa pinto, si Christia ang pumasok. May dala rin
siyang prutas para sa 'kin.

"Hello po, tita," bati niya kay mama pagkatapos ay dumako sa 'kin ang tingin niya.
Agad na gumuhit do'n ang lungkot at alam kong may kasama 'yong awa.

"Pasensya ka na sa abala, Christia. Sasaglit lang ako sa bahay para kuhanan ng


gamit si Keycee, babalik din ako agad."

"Okay lang po, tita."

***

Pag-alis ni mama, agad na umupo si Christia sa tabi ko at kinwestyon niya ako kung
ano'ng nangyari at sinaktan ko ang sarili ko.

"Hindi ko rin alam. Basta pakiramdam ko, parang gusto ko na lang mawala," tanging
sagot ko sa kaniya.

"Hindi p'wedeng walang dahilan 'yon, Keycee. May dahilan kaya mo 'yon naramdaman.
At 'yon ang gusto kong malaman. Bakit mo sinaktan ang sarili mo?" Hindi ako kumibo,
tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana—iniisip si Ace. Sorry, Ace. Hindi
natupad 'yong gusto mo. "Buti na lang mababaw lang daw ang sugat, kung hindi..."

"Bakit hindi pa 'ko namatay?" Biglang tumulo ang luha ko nang maalala ko 'yong
sinabi ni Ace na sana ako na lang ang nawala at hindi ang mommy niya.

"Keycee, 'wag ka ngang magsalita nang gan'yan!" saway niya sa 'kin. Bumaling ako sa
kaniya habang umiiyak.
"Gusto ni Ace na mawala na 'ko. Ang sabi niya...sana ako na lang daw ang nawala at
hindi ang mommy niya." Sunud-sunod na ulit ang naging paghikbi ko at halatang
nagulat siya sa sinabi ko. Hindi siya agad nakakibo at nagsimula na rin magtubig
ang mga mata niya.

"So, dahil do'n?" Tumulo na rin ang luha niya. "Dahil lang do'n magpapakamatay ka?"
sermon niya sa 'kin. "Bakit? Ginusto mo ba 'yong nangyari sa mommy niya? Alam mo ba
na mangyayari 'yon? Hindi naman, 'di ba? Walang may gusto no'n!"

"Pero kasalanan ko. Ako ang dahilan kaya nasagasaan ang mommy niya. Ako ang may
kasalanan no'n." Patuloy pa rin ang paghikbi ko. "Bakit kasi hindi na lang ako ang
nasagasaan?!" Inalis ko 'yong kumot na nakatakip sa 'kin at inihagis 'yon. "Bakit
kasi ang tagal dumating no'ng sasakyan?! Bakit kung kailan nakadaan na 'ko tsaka
'yon dumating?! Bakit hindi na lang ako 'yong sinagasaan n'ya?!" Niyakap ako ni
Christia para pigilan ako sa pagwawala.

"Tama na, Keycee. Tahan na. Tumigil ka na." Ume-echo na sa kwarto ang paghagulgol
ko.

Biglang bumalik sa alaala ko ang pananakit sa 'kin ng mga taong dumukot sa 'kin
noon. Kung paano humagupit sa mura kong katawan ang dos-por-pos. Kung paano nila
ako isilid sa isang sako at saktan na parang isang hayop. Kung paano nila ko
tutukan ng baril sa ulo at pagbantaang papatayin kapag hindi ko sila sinunod.

"Bakit kasi hindi na lang nila 'ko pinatay! Bakit pinilit pa nila 'kong magnakaw!
Sana pinatay na lang nila 'ko no'ng hindi ako sumunod sa kanila!!!"

Dahil sa pagwawala at pag-iyak ko ay natanggal sa kamay ko ang nakakabit na


dextrose, nabuwal din ang stand no'n.

CHRISTIA'S POV

"Keycee, tama na, please!" Hindi ko na rin napigilan ang luha ko. Yakap-yakap ko si
Keycee para kahit papa'no ay mapigil siya sa ginagawa niyang pagwawala sa kama.

"Dapat pinatay na lang nila 'ko para hindi na nadamay ang mommy ni Ace!" Awang-
awang ako sa kaniya, lalo na 'yong paghikbi niya. 'Yon ang hikbi na masakit sa
dibdib, na para kang kinakapos ng hininga.

"Keycee, please..." pagmamakaawa ko sa kaniya. Ilang sandali pa siyang umiyak nang


umiyak habang nakayakap na rin sa 'kin. Tumigil na siya sa pagwawala kaya ini-
adjust ko ang bed niya para makasandal siya. Umupo ako sa gilid niya at nagpunas ng
luha. Mabuti na lang at umalis saglit si tita. Dahil kung ako na kaibigan niya
masyadong nasasaktan sa mga sinasabi niya na gusto na niyang mawala, what more pa
kaya ang mama niya? Mas masasaktan si tita kapag nakita niya si Keycee sa ganitong
sitwasyon. "Sa tingin mo ba kapag narinig ni tita 'yang sinasabi mo—matutuwa siya?
At sa tingin mo ba kapag nawala ka, doon na matatapos ang sakit na nararamdaman mo?
Hindi, Keycee. Para mo lang inilipat sa mama 'yong sakit at dadalin n'ya 'yon
habang buhay." Patuloy sa pag-agos ang luha naming dalawa dahil naalala ko naman
ang ate kong nag-suicide noon dahil iniwan ng boyfriend niya. At 'yong sakit nang
pagkawala niya, kaming pamilya niya ang nagdala. Kaya hangga't maaari ayokong gawin
'yon ni Keycee dahil kawawa si tita, ang mama niya. "Hindi pagpapakamatay ang sagot
sa problema. Kapag nawala ka, paano ang mga mahal mo sa buhay?" baling ko sa
kaniya.

"Pero ayaw na ni Ace sa 'kin. Galit s'ya sa 'kin. Ayaw na n'ya 'kong makita, gusto
na n'ya 'kong mawala."

"Bakit? Si Sir Ace lang ba ang tao sa mundo? S'ya lang ba ang nagmamahal sa'yo? May
magulang ka pa, Keycee. Nand'yan ang mama mo. Nandito kami na kaibigan mo. Kami,
gusto ka pa namin makita. Ayaw ka namin mawala. Kung gugustuhin mong mawala dahil
lang kay Sir Ace...para mo na rin sinabing hindi kami mahalaga sa'yo lalo na ang
mama mo. Isipin mong mabuti 'yan."

Bigla siyang pumikit habang umaagos pa rin ang luha kaya kumuha ako ng tissue para
dampian ang pisngi niya.

"Gusto kong matulog," mahina niyang sabi. Halatang nanlambot siya sa pagwawala.

"Sige, magpahinga ka muna. 'Wag mo na munang isipin si Sir Ace. Magpalakas ka muna.
Magiging maayos din ang lahat." Inayos ko ulit ang bed niya, ini-adjust ko ulit
'yon at binabaan para makahiga siya nang maayos.

Naupo ako ulit ako sa tabi niya at dumukdok sa kama, sa gilid niya.

***

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog at nagulat ako dahil pagdilat ng mga
mata ko, wala na si Keycee sa kama niya.

KEYCEE'S POV

Ginawa ko ang lahat ng magagawa ko para makapuslit sa guard na nagbabantay sa


ospital. Sumakay ako ng taxi pauwi sa bahay dahil gusto kong makausap si Ace.

Pagbaba ko sa taxi sinabi ko sa driver na hintayin ako dahil hindi naman ako
magtatagal at babalik rin ako sa ospital. Kahit na ang totoo ay hindi ko alam kung
makakabalik pa ako nang buhay. Pumayag naman 'yong driver kaya nagmadali na 'kong
pumasok sa loob ng bahay. Alam kong narito si Ace dahil nakita ko sa garahe ang
kotse niya.

Pagpasok ko sa loob parang nagulat pa si yaya nang makita niya ako.

"Keycee? A-anong ginagawa mo rito? Dapat nasa ospital ka." Tiningnan pa niya 'ko
mula ulo hanggang paa. Nakasuot kasi ako ng hospital gown.

"Si Ace po?" tanong ko. Para namang wala sa sarili si yaya na itinuro ang kwarto ni
Ace. Umakyat agad ako sa taas at kumatok sa kwarto niya.

Walang nagbubukas sa pinto kaya pumasok na 'ko. Malinis na rin ang kwarto niya pero
wala siya rito. Inilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto at biglang bumukas ang
pinto sa banyo at lumabas siya ro'n.

Nakatingin siya sa 'kin nang diretso sa mata. Kung paano niya ako tingnan noong
araw na galit na galit siya sa 'kin, gano'n pa rin ang tingin niya ngayon—sobrang
lamig. Nakaramdam ulit ako ng panginginig ng tuhod habang pinipilit kong ihakbang
ang mga paa ko palapit sa kaniya.

Hindi ako makatingin sa kaniya ng diretso dahil nahihiya ako at natatakot. Nang
makalapit ako nang tuluyan, inabot ko 'yong magkabilang kamay niya para humingi ng
tawad pero agad niya 'yon tinabig.

"What do you want?" Again, his voice is as cold as ice that can freeze me to death.

Gusto ko siyang yakapin. Namimiss ko na siya. Gusto ko ulit maranasan kung paano
siya naging malambing sa 'kin pero parang hindi na p'wede.

Dahan-dahan kong ibinaba ang tuhod ko at lumuhod sa harapan niya habang patuloy na
naman ang luha ko sa pagpatak.

"Hindi na 'ko mangangatwiran. Hindi ako magsasabi ng kahit anong excuses dahil alam
ko...na buhay ang nawala sa mommy mo at hindi ko 'yon kayang palitan o bayaran.
Alam ko rin na hindi kayang tumbasan ng salitang 'patawad' ang ginawa ko na naging
dahilan nang pagkawala—"

"TAMA NAAAA!" Napakibit-balikat ulit ako dahil sa pagsigaw niya. "Para mo na rin
inamin ngayon na kasalanan mo nga!" Humakbang siya palayo sa 'kin at lumapit sa
kama niya. "Get out of here. I don't want to see you. Ever again."

Lalong bumagsak ang mga luha ko dahil sa sinabi niya. Those words was like a knife,
cutting my heart into pieces.

Ayaw na n'ya talaga 'kong makita.

"Sorry...kung nasa harapan mo pa 'ko ngayon. Sinubukan ko naman gawin ang gusto mo
na sana ako na lang ang nawala, pero hindi ako nagtagumpay. Kung gusto mo..."
tumayo ako at dahan-dahang naglakad palapit sa kaniya, "ikaw na lang ang gumawa
no'n sa 'kin para makasiguro ka." Pagkatapos ng sinabi ko, inilabas ko sa bulsa ng
suot kong hospital gown ang ipinuslit ko na kutsilyo sa kwarto kanina bago ako
tumakas, 'yong kutsilyo na ipinambalat ni mama sa mansanas. Inilagay ko 'yon sa
kamay niya. "Tapusin na natin dito, Ace. Pagod na rin kasi ako..." Pagod na 'kong
sisihin ang sarili ko sa nangyari sa mommy mo. Tumalikod ako para pahirin ang luha
ko 'tsaka ulit ako humarap sa kaniya. Hawak niya ang kutsilyo at nakatitig siya
ro'n. 'Wag kang iiyak, Keycee! "Pa'no ba? Dapat ba nakaharap ako? Nakatalikod?
Lalapit pa ba 'ko nang kaunti o lalayo?" Pilit kong pinipigil ang luha ko habang
hindi ako mapakali kung paano pupwesto sa harap niya. "Hindi mo 'ko maaabot kapag
lumayo ako kaya lalapit na lang ako." Lumapit ako nang bahagya sa kaniya para
umabot sa 'kin ang kutsilyo kapag isasaksak na niya 'yon. "Pipikit na 'ko, ha? Ikaw
na ang bahala." Kasabay ng pagpikit ko ay may butil ng luha ulit na pumatak mula sa
mga mata ko. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ko sabihing,
"Handa na 'ko, Ace. Patayin mo na 'ko..."

***

GAGI NAIIYAK AKO KAHIT AKO ANG NAGSULAT. TAGOS SA HEART! PA VOTE NAMAN, COMMENT AT
FOLLOW :(

Chapter 24. Gone

KEYCEE'S POV

Pagbalik ko sa ospital, imbes na pagalitan ako ni mama ay niyakap niya 'ko at


iniyakan nang sobra. Dahil sinabi na pala ni Christia sa kaniya ang lahat. Ang
tungkol sa mommy ni Ace, ang naging pagdukot sa 'kin at pagmamaltrato. Pati
pagkakabaril kay papa noong araw mismo na dinukot ako ng mga masasamang tao. Lahat-
lahat na ay sinabi ni Christia. Kaya sa halip na magalit ay sobra ang yakap at awa
sa 'kin ni mama habang nakatayo siya at nakaupo naman ako sa gilid ng hospital bed.

"Ma..." mahina lang ang boses ko dahil pakiramdam ko ay wala na 'kong lakas. Kahit
gustuhin ko rin na umiyak ay wala ng luhang pumapatak sa mata ko. Pakiramdan ko
naubusan na 'ko ng tubig sa katawan. "Hindi ba sabi mo kailangan ko ng heart
transplant? Kapag ba pumayag na 'ko...mawawala na ba 'yong sakit na nararamdaman
ko? Mawawala na ba lahat? Pati ba si Ace mawawala na rin sa puso ko?" Hindi sumagot
si mama. Nakayakap pa rin siya sa 'kin. "Kasi kung oo, papayag na 'ko." Alam namin
na wala pa rin kasiguraduhan 'yon. Pero wala naman na akong dahilan ngayon para
matakot sa operasyon. Kaya lang naman ako natatakot dati ay dahil takot akong
mamatay at iwanan si Ace. Pero ngayon hindi na. Pakiramdam ko wala ng dahilan para
tumanggi pa 'ko. Dahil magtagumpay man 'yon o hindi, gano'n din naman. Para na rin
akong pinatay.

Ang sakit ma, ang sakit-sakit na. Hindi ko na kaya.

Kasabay nang pagpikit ng mga mata ko ay ang panghihina lalo ng katawan ko.
Pakiramdam ko pagod na pagod ako kahit wala naman akong ginawa. Bigla kong
naramdaman na para akong nakalutang at bahagyang umaalon ang paningin ko.
Nakaramdam ako nang paninikip ng dibdib at hindi normal ang pagtibok ng puso ko.

Hindi ako makahinga. Ang hirap. Ang sakit.

"Anak! Anak, ano'ng nangyayari?! Masakit ba? Sabihin mo sa 'kin! Naririnig mo ba


ko?! Keycee?!!"

THIRD PERSON'S POV

Ilang gabi nang hindi makatulog si Ace simula noong araw na pumunta si Keycee sa
kwarto niya at sinabing siya na lang mismo ang pumatay rito. Hindi niya alam kung
bakit sobra siyang nag-aalala ngayon. Apat na araw na ang lumipas at sa mga araw na
'yon pakiramdam niya ay pinapatay rin ang buo niyang pagkatao. Parang sasabog ang
dibdib niya noong binitawan ni Keycee ang mga salitang, 'Patayin mo na 'ko.'

Hindi siya nakakilos noong oras na 'yon, nanginginig ang mga kamay niya. Mabuti na
lang ay agad na pumasok si Yaya Miranda sa kwarto upang sunduin si Keycee dahil
tumakas lang pala ito sa ospital. Doon siya nagkaroon ng pagkakataon na bitawan ang
kutsilyo at sipain papunta sa ilalim ng kama. Sumama si Keycee palabas ng kwarto
habang umiiyak at napansin n'yang parang hirap itong huminga.

Ngayon ay hindi niya magawang itanong kung ano ang lagay ng asawa, at 'yon din ang
isang ipinagtataka niya sa sarili. Hindi niya magawang tanungin si Yaya Miranda o
ang ina ni Keycee kung ano ang balita rito. Basta ang alam niya lang ay nasa
ospital ito kasama ang ina, 'yon lang at wala na siyang iba pang balita bukod do'n.
Hindi niya na rin nagagawang pumasok sa eskwelahan para magturo dahil si Keycee pa
rin ang inaalala niya.

Natigilan siya sa pag-iisip noong kumatok si Yaya Miranda sa pintuan niya at


sinabihan siya nito na kumain na. Agad naman siyang lumabas, pero hindi para
kumain, kun'di para kumuha lang ng maiinom. Wala siyang ganang kumain lalo na at
hindi maalis ang pag-aalala niya kay Keycee.

"Hindi p'wedeng hindi ka na naman kakain, Ace," ani Yaya Miranda sa kaniya nang
mapansin nitong wala na naman siyang balak galawin ang inihanda nitong pagkain.
"Mag-iisang linggo ka nang gan'yan," dagdag pa nito.

Tama si Yaya Miranda, mag-iisang linggo na siyang walang gana dahil sa pagkabalisa.

Oo, galit siya rito. Galit na galit siya kay Keycee. Pero hindi niya maintindihan
kung bakit parang siya ang nasasaktan ngayon.

Paakyat na sana siya sa hagdan noong biglang tumunog ang doorbell. Natigilan siya
sa pag-akyat, si Yaya Miranda naman ay agad na lumabas para tingnan kung sino ang
dumating.
Keycee...bulong ni Ace sa sarili.

Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nasabik habang ipinapanalangin na sana ay
si Keycee na lang ang dumating.

Umikot siya paharap sa main door para tingnan kung sino ang kasama ni Yaya Miranda.

Si Stephanie, ang mama ni Keycee. Nakasuot ito ng kulay itim na dress, itim na
sapatos na hindi gaanong mataas ang takong at nakasuot ng salamin na kulay itim
din.

"Ace," tawag nito sa kaniya noong magkaharap na sila. "Pasensya ka na sa abala,


pero p'wede ko na bang kuhanin ang mga gamit ng anak ko?" bahagyang naningkit ang
mga mata ni Ace. Nagtaka rin siya sa tono ng boses ng kaniyang Mama Steph dahil
kaunti na lang ay mababasag na ito.

"Bakit? Nasaan si Keycee?" Si Yaya Miranda ang nagtanong, may pag-aalala na rin
dito.

Matagal na katahimikan ang bumalot sa kanilang tatlo bago alisin ni Stephanie ang
suot na salamin. Bumungad naman sa kanila ang mugto nitong mata at pigil ang
paghikbi niyang sinabing, "Wala na siya. Wala na ang anak ko."

Hindi napigilan ni Stephanie ang pagtulo nang luha lalo na noong humagulgol na rin
si Yaya Miranda habang binabanggit ang pangalan ni Keycee.

Si Ace naman ay nakatulala, tila hindi alam kung tama ba ang kaniyang narinig o
guni-guni niya lamang.

"Ano'ng nangyari kay Keycee?" patuloy ang pag-iyak ni Yaya Miranda.

Lumuluhang ipinaliwanag ni Stephanie ang tungkol sa itinagong sakit ng anak.

May sakit s'ya? Hindi makapaniwala si Ace sa nalaman.

"Hindi niya kinaya ang operasyon. Ang sabi ng doktor, nagsisimula pa lang sila sa
operasyon noong huminto na ang heartbeat ni Keycee," dagdag niya kasabay ng sunud-
sunod na pagtulo ng luha. Nanghina naman ang mga tuhod ni Ace sa narinig kaya't
naupo siya sa baitang ng hagdan, nakayuko siya habang ang kamay niya ay nakasabunot
sa kaniyang buhok. Pakiramdam niya ay gumuho ang kaniyang mundo at sa kaniya rin
dumagan. "Bago siya operahan, binigyan kami ng permission consent letter ng doktor
na dapat ikaw ang pipirma dahil ikaw ang asawa. Katunayan 'yon na pumapayag kang
isagawa ang operasyon ano man ang mangyari sa kan'ya." Nag-angat ng tingin si Ace
rito. "Pero ang sabi ni Keycee, wala na raw s'yang asawa kaya ako na lang ang
pinapirma n'ya." Lalong hindi nakakibo si Ace. Walang asawa?

Naalala niya bigla ang mga salitang binitiwan niya rito. Kung p'wede lang ibalik
ang panahon...sana ikaw na lang ang nawala.

Bigla siyang nakaramdam nang matinding pagsisisi dahil sa sinabi niyang 'yon.
Ngayon ay gustuhin man niyang ibalik ang panahon para bawiin 'yon, hindi na niya
magagawa.

ACE'S POV

Pumasok ako sa kwarto ni Keycee para kausapin ang mama niya. Hanggang ngayon hindi
pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Kung p'wede lang hilingin na sana panaginip
lang ang lahat, sana ay ginawa ko na.
Naabutan ko si mama sa loob, tumutulo pa rin ang luha niya habang inililigpit ang
mga gamit ni Keycee.

Gusto 'kong makiusap na kung maaari sana ay huwag na niya 'yon kunin. Ayokong
mawala ang gamit niya rito dahil lalo ko lang mararamdaman ang pagkawala niya kapag
naging bakante at malinis na ang kwarto.

"Ma..." lumapit ako sa kaniya, "baka p'wedeng 'wag mo na lang kunin ang mga gamit
n'ya?" I tried to hold back my tears but f*ck, I'm getting weak. Humarap sa 'kin si
mama at tiningnan ako nang ilang sandali bago tumango habang umiiyak pa rin.

"Kaunting gamit lang ang kukuhanin ko para kahit papaano ay maaalala ko pa rin
siya," she continued. Naupo siya sa gilid ng kama ni Keycee habang ako naman ay
nakatayo sa gilid. "Alam mo, Ace, noong unang beses kong sinabi kay Keycee na
kailangan n'yang operahan, agad siyang tumanggi. Alam mo kung bakit?" She looked up
at me. "Ang dahilan niya, kapag daw hindi naging successful ang operasyon...hindi
ka na n'ya makakasama." Parang may pumiga lalo sa puso ko dahil sa sinabi ni mama.
"Ikaw ang inaalala niya kahit na nag-aalanganin na ang buhay n'ya. Gusto ka pa raw
n'yang makasama nang matagal kaya natatakot siyang magpa-opera." Hindi ako
makakibo. Parang kutsilyong sumasaksak sa dibdib ko 'yong mga sinasabi ni mama.
"Nagtagal nang nagtagal ang operasyon kaya mas lalong lumala ang sakit n'ya."

"Why didn't she tell me...that she was sick?" Pinipilit kong tatagan ang boses ko
kahit na parang may bumabara na sa lalamunan at dibdib ko.

"Dahil ayaw ka n'yang mag-alala." Yumuko ako para hindi makita ni mama na namumula
na rin ang mata ko. May sakit na siya, pero ako pa rin ang iniisip niya? Alam kong
mahina siya sa math pero bakit pagdating sa gano'n kaselang bagay, bakit pinairal
niya pa rin ang kahinaan niya? Bakit hindi niya na lang sinabi sa 'kin? "Alam kong
galit ka sa anak ko, Ace. Ako rin gusto kong humingi ng tawad dahil sa nagawa n'ya
sa mommy mo. Pero sana..." tumigil si mama sandali para pahirin ang luha niya,
"sana inintindi mo rin ang anak ko. Napakabait na bata ni Keycee. Kung hindi lang
s'ya minaltrato noon ng mga dumukot sa kan'ya..." Kumunot ang noo ko. Dumukot?
Minaltrato? "Kung hindi s'ya sinaktan at pinagbantaan ng mga 'yon, hindi n'ya sana
'yon gagawin sa mommy mo."

"W-what...what do you mean, ma?" Natigilan si mama sa pag-iyak, tumingin siya sa


'kin dahil sa naging tanong ko.

"H-hindi mo alam?" She was as confused as me.

"Ang alin po?" I asked, nervous. Hindi ko alam kung ano ang tinatanong niya na
hindi ko alam. Tumayo si mama at humakbang para makalapit sa 'kin nang bahagya.

"She was kidnapped, Ace. Noong araw na nabaril ang papa niya...magkasama sila no'n.
Dahil sa bata pa siya at hindi alam ang gagawin, iniwanan niya saglit ang papa niya
na wala ng buhay para umuwi sa 'kin at humingi ng tulong...but even before she
could go home...she was kidnapped. 'Yong mga taong 'yon ang dahilan kung bakit
napilitan si Keycee na gumawa ng bagay na ayaw n'yang gawin." She cried continously
and I felt like I'm going to die this instant. "Na-trauma siya, Ace. Kaya kahit sa
'kin ay hindi niya sinabi ang bagay na 'yon. Ilang taon na ang lumipas pero ngayon
ko lang nalaman. Napakasakit para sa isang inang tulad ko na malaman na dumaan sa
gano'ng klaseng pagmamaltrato ang anak ko. Sobrang sakit isipin na sinarili niya
'yon nang ilang taon. Mas lalo akong nasasaktan kapag naiisip ko na baka may mga
pagkakataon noon na umiiyak siya kapag naaalala niya 'yon pero wala siyang
mapagsabihan, wala siyang karamay, walang yumayakap sa kaniya kapag natatakot siya,
dahil wala ako sa tabi niya. Ang sakit, Ace. Sobrang sakit. Hindi n'ya nagawang
sabihin sa 'kin ang tungkol sa bagay na 'yon dahil ayaw n'ya rin akong mag-alala."
Nagpatuloy pa si mama sa pagkukwento at pagdedetalye ng mga nangyari kay Keycee
noon at parang pinipiga 'yong puso ko. Ayoko ng makinig. Gusto kong takpan ang
tainga ko dahil parang ako ang sinasaktan lalo na noong idinetalye na sa 'kin ni
mama kung paano pinapahirapan si Keycee noon. Kasabay ng paghagulgol ni mama,
bumagsak na rin ang luha ko. Dahan-dahan siyang humakbang palapit sa 'kin at
mahinang pinagsusuntok ang dibdib ko. "Bakit, Ace? Bakit?" Gustuhin man siguro
niyang lakasan ang pananakit sa 'kin ay hindi niya magawa dahil sa panghihina sa
pag-iyak. "Bakit hindi mo pinakinggan ang anak ko? Bakit hindi mo man lang siya
binigyan ng pagkakataong magpaliwanag? Bakit?" Nagtuluy-tuloy na rin sa pag-agos
ang luha ko.

Sobra-sobra pala ang pinagdaanan niya kumpara sa pinagdaanan ko. Ako, nawalan lang
ng ina. Siya, nawalan ng ama, dinukot, sinaktan, minaltrato at pinagbantaan.
Sinarili niya pa lahat dahil ayaw niyang may ibang tao na mag-aalala dahil sa
kaniya. Tiniis niyang mag-isa ang sakit at hirap. Pero dahil sa kakitiran ng utak
ko, dahil sa katangahan ko...nawala si Keycee. Dahil sa pagpapairal ko nang galit
ko at hindi pagbibigay sa kaniya ng pagkakataong magpaliwanag...nauwi sa wala ang
lahat.

Pinigil ko ang kamay ni mama at niyakap na lang siya dahil sa matinding pag-iyak.

***

Nakaupo ako sa gilid ng kama ni Keycee at hawak ang sulat na iniabot sa 'kin ni
Mama Steph bago siya umalis. Bago raw operahan si Keycee, nag-request siya ng
ballpen at papel at pinilit magsulat kahit na binawalan na siya ng doktor lalo na
at masama sa kaniya ang maging emosyonal.

Binaling ko rin ang tingin ko sa black card na nasa tabi ko. 'Yon ang card na
ibinigay ko kay Keycee, na akala niya ay ipinahiram ko lang sa kaniya. Ibinilin
niya raw na ibalik sa 'kin kaya dinala ni mama.

Tiningnan ko ulit ang sulat at dahan-dahan ko 'yon binuksan para basahin.

DEAR SIR ACE,

Ang totoo, nahihiya akong sumulat sa'yo dahil alam kong kinamumuhian mo pa rin ako.
Alam kong hindi mo na 'ko mapapatawad. Pero gusto kong humingi ulit sa'yo ng tawad.
Kahit ayaw mong tanggapin, gusto ko pa rin mag-sorry. Patawarin mo 'ko sa lahat,
sir. Alam kong nasasaktan ka rin kahit hindi mo sabihin. Kaya bago pa tayo
magkasakitan nang husto...ilalayo ko na ang sarili ko.

D'yan ka lang. Ituloy mo kung ano ang ginagawa mo sa araw-araw. Babangon, papasok
sa school at magtuturo.

At ako, nakapagdesisyon na 'ko. Lalayo na 'ko sa'yo para kahit papaano ay unti-unti
nang mawala ang galit mo. So, when I don't answer you or you don't hear from me
anymore, know that this is the end of us. I know it's one of the hardest things to
do...'yong pakawalan, iwan o palayain ang taong ayaw mo sanang mawala sa'yo at
gusto mong makasama habang buhay. Pero ito 'yong kailangan kong gawin para kahit
papaano ay maging masaya na ulit tayo pareho. Alam kong mahirap nang ibalik ang
nakaraan pero huwag na 'yon ang isipin mo dahil kahit ano pa ang gawin natin hindi
na rin naman natin 'yon mababago.

Isa lang ang pakiusap ko, sana alisin mo na ang galit sa puso mo. Hindi para sa
'kin 'yon kun'di para sa'yo. Ayokong matutulog ka sa gabi na may mabigat kang dala
at gigising ka sa umaga na mabigat pa rin ang pakiramdam mo. Gusto kong magkaroon
ka ng kapanatagan, walang galit o bigat na nararamdaman. 'Wag kang mag-alala kasi
kahit patawarin mo 'ko, nangako naman ako na hindi ko patatawarin ang sarili ko.
Habang buhay kong dadalhin ang nagawa ko sa mommy mo. Kaya sana patawarin mo na 'ko
para maging magaan na ang pakiramdam mo at wala ka ng iniisip. Ayaw kasi kitang
nakikitang nagagalit o nasasaktan. Ayaw rin kitang nakikitang nalulungkot. Hindi ko
alam kung bakit, pero siguro...baka...baka mahal na kita. Hindi pala. Mahal na
mahal na, sir.

Nakakalungkot lang kasi ito ang unang beses na sinabi kong mahal kita, tapos sa
sulat pa. P'wede bang ulitin, sir? Isa pa. Gusto ko pa ulit sabihin sa'yo na mahal
kita kahit dito lang sa papel.

MAHAL KITA, SIR ACE. MAHAL NA MAHAL NA YATA KITA. MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL.
SOBRA.

Bigla tuloy akong napangiti habang umiiyak. Napangiti ako kasi ang sarap pa lang
sabihin 'yong nararamdaman ko. Ang sarap sabihing mahal kita kahit sa sulat lang.
Bakit kasi hindi ko 'yon sinubukang sabihin noon? Bakit ngayon ko pa naisipan kung
kailan wala na 'kong pagkakataon? Isa pa ulit...MAHAL KITA, ACE. MAHAL NA MAHAL
KITA pero kailangan ko ng magpaalam. Hindi ko pa alam kung saan ako pupunta, hindi
ko alam ang eksaktong lugar, basta ang alam ko lang, gusto kong lumayo. Gusto kong
mapunta sa lugar na hindi na 'ko masasaktan at malulungkot.

Pero natatakot ako na baka kapag naro'n na 'ko...baka hindi na kita maalala.
Natatakot ako na baka mabura na sa isip ko 'yong itsura mo at makalimutan na kita.
Sana hindi. Pero kung sakali man na makalimutan nga kita, sana alalahanin mo pa rin
ako. Huwag mo 'kong kalilimutan. At kung sa mga susunod na panahon, kung sakaling
magkita ulit tayo at hindi na kita kilala, p'wede bang yakapin mo 'ko nang mahigpit
at ibulong mo sa 'kin kung sino ka? Promise, kahit hindi kita kilala, yayakapin
kita.

Madami pa sana akong gustong sabihin pero hindi ko na kayang magsulat. Napapagod na
'ko. Gusto ko ng magpahinga. 'Wag kang mag-alala, okay na 'ko. Magiging okay na 'ko
kasi mawawala na 'yong sakit. Salamat sa pagbabasa mo sa una at huling sulat ko
sa'yo. Mahal kita, sir.

-Bobo mong estudyante sa math, Keycee Dela Vega at asawa mong mahal na mahal ka,
Keycee Dela Vega-Lee

***

ANY FEEDBACK? VOTE AND FOLLOW NA RIN :)

Chapter 25. One Year Later

PINKY'S POV

Nang sabihin sa 'kin ni Yaya Miranda ang tungkol sa pagkawala ni Keycee, napasugod
agad ako sa bahay ni Ace. Sinabi sa 'kin ni yaya na narinig niya ang pag-uusap ni
Ace at ng mama ni Keycee sa kwarto noong nagpunta siya ro'n sa bahay nila Ace para
kuhanin ang gamit ni Keycee.

Hindi pala binigyan ni Ace ng pagkakataon na magpaliwanag si Keycee tungkol sa


nangyari noon kaya humantong sa ganito ang lahat.

"Ace! Ace!" umecho sa loob ng bahay ang boses ko habang paakyat ako sa kwarto niya.
Pagpasok ko sa kwarto niya, naabutan ko siyang nakahilata sa kama niya at puro bote
ng alak naman sa sahig. Amoy alak sa kwarto niya, ang baho. "Ace, bumangon ka
d'yan, mag-usap tayo!" Hinila ko 'yong kumot na nakatakip sa kaniya at may papel na
nalaglag sa sahig kaya dinampot ko 'yon.

Sulat ni Keycee?

Binasa ko 'yong sulat at habang binabasa ko 'yon hindi ko napigil ang luha ko.

"What are you doing here?" Pupungas-pungas na bumangon si Ace at tiningnan ako.
Noong nakita niyang binabasa ko 'yong sulat, agad niya 'yon inagaw sa 'kin.

"Nabasa mo ba 'yang sulat ni Keycee?" baling ko sa kaniya. "Kung tutuusin siya ang
totoong biktima pero siya pa ang humihingi ng tawad. At humihingi siya ng tawad
hindi para sa sarili niya kun'di para sa'yo...dahil ayaw n'yang may dinadala ka sa
dibdib mo." I wiped my tears habang si Ace naman ay nakayuko. "Keycee is such a
good girl, Ace. Pero paano mo nagawa sa kaniya 'yon? Ni hindi mo siya binigyan ng
chance na magpaliwanag. Napakawalang kwenta mong asawa. Hindi deserved ni Keycee
ang nangyari sa kan'ya, pero ikaw deserved mo 'yon. You deserved to be alone."

Inirapan ko siya 'tsaka na 'ko lumabas ng kwarto niya habang umiiyak. Kahit saglit
pa lang kami nagkakilala ni Keycee, alam ko at ramdam ko na mabuti siyang tao. At
kahit pinsan ko si Ace, hindi ko siya kakampihan sa maling ginawa niya.

Pinuntahan ko si Yaya Miranda para itanong sa kaniya ang address ng mama ni Keycee.
Kahit papaano gusto kong makiramay. Nang ibigay 'yon sa 'kin ni Yaya Miranda, agad
akong nag-drive papunta sa kanila.

***

Magdo-doorbell pa lang sana 'ko nang biglang bumukas ang gate at lumabas ang mama
ni Keycee.

"Hello po, tita." Ngumiti siya sa 'kin nang bahagya dahil kilala naman niya 'ko.
Nagkita na kami noon sa kasal ni Keycee at Ace. "Nakikiramay po ako sa nangyari kay
Keycee." Yumuko ako nang bahagya.

"Pupuntahan ko siya. Gusto mo bang sumama?" Nag-angat ako nang tingin kay Tita
Steph dahil sa sinabi niya, at wala sa sarili akong tumango.

Sasakyan ko na ang ginamit namin para puntahan si Keycee. Itinuro sa 'kin ni tita
ang daan hanggang sa makarating kami sa isang memorial park.

Pagpasok namin sa gate nagsimula na siyang maglakad habang may dalang bulaklak. Ako
naman ay tahimik na nakasunod sa kaniya.

Huminto si tita kaya huminto na rin ako. Inilapag niya 'yong bulaklak na hawak niya
sa harap ng puntod ni Keycee. At hindi ko maiwasang masaktan noong makita ko ang
pangalan niya sa lapida.

Keycee Dela Vega.

ONE YEAR LATER...

THIRD PERSON'S POV


Nasa tabing dagat si Ace at nakaupo sa buhanginan. Nakatanaw siya sa malayo habang
dinadama ang hangin. Kung kasama niya lang sana ngayon si Keycee siguro mas masaya
siya.

Pumunta siya rito sa dagat dahil naalala niya ang sagot ni Keycee sa dream date
setting niya na sinulat nito sa slam note. Gusto niya sa tabing-dagat, at mukhang
siya rin ang dream date nito na tinutukoy. Si Mr. L.

"Keycee, nasa'n ka na ba? Bakit iniwan mo 'ko agad?" Ace mumbled. Dumampot siya ng
bato sa tabi at ibinato sa tubig. Maya-maya tumayo na rin siya para bumalik sa
kotse. Ilang oras na rin naman siyang nakatambay sa tabing-dagat kaya naisipan na
niyang umuwi.

Halos isang oras din ang naging b'yahe niya dahil medyo traffic pa. Pagdating ni
Ace sa bahay umakyat agad ito sa kwarto at nag-shower. Pagkatapos nitong maligo at
magbihis bumaba na rin siya agad. Kinuha niya ang kanyang cell phone sa bulsa ng
pantalon at tinawagan si Julian, ang kaibigan niya.

"May gagawin ka?" bungad ni Ace habang naglalakad papunta sa garahe. "Kita tayo sa
dati." Ibinaba na niya cell phone at nag-drive na ulit. Pinuntahan niya 'yong lugar
na lagi nilang pinupuntahan ni Julian para maglibang.

Pagdating ni Ace ay naroon na agad ang kaibigang si Julian. Hawak na niya 'yong
stick at nagsisimula ng maglaro ng billiard.

"Alam mo ba na busy ako ngayon? Mayro'n pa kong iinterbyuhin na mga applicant, pero
kinansel ko 'yon dahil sa'yo. Tsk." Sinisipat pa rin nito ang bola. "Pero dahil
wala na 'kong choice, kaya ito, sumunod pa rin ako sa sinabi mo." Tinira na niya
ang bola at may isa namang pumasok. Lumapit si Ace dito at inagaw ang stick para
siya naman ang maglaro.

"Ako naman." Gumilid naman si Julian para makapwesto nang maayos si Ace.

"Hoy Ace, hindi ka na ba talaga babalik sa pagtuturo? Aaksayahin mo na lang ba ang


oras mo sa mga walang kwentang bagay tulad nito? Sa tingin mo ba kung nabubuhay si
Keycee magugustuhan niya 'yang ginagawa mo?" Hindi ito nagsasalita at patuloy lang
sa paglalaro. "Madalas kang uminom, lagi ka rito para maglaro, ni hindi mo na rin
makuhang pagupitan 'yang buhok mo. Hindi ko na maintindihan 'yang nangyayari
sa'yo." Napailing na lang ang kaibigan ni Ace dahil sa nakikita nitong sitwasyon
niya. Daig pa nito ang miserable.

"P'wede bang tumahimik ka d'yan? Hindi ako makapag-concentrate." 'Yon lang ang
nasabi ni Ace. Alam niya kasing tama ang mga sinabi ni Julian. Simula noong nawala
si Keycee gano'n na ang naging routine niya. Hindi na rin niya namamalayan ang
paglago ng buhok niya. Pero g'wapo pa rin naman ito.

"Kalimutan mo na si Keycee, Ace. Wala na s'ya. Mag move-on ka na, para naman maayos
mo na rin 'yang buhay mo. Alam mo, siguro dapat ka ng bumalik sa pagtuturo para
tumino ka naman. I-grab mo na 'yong opportunity na sinabi sa'yo ng lolo mo na
magturo sa college kung ayaw mo na sa High School."

"Huwag kang mag-alala, darating din tayo d'yan," sagot lang ni Ace. Ang totoo
n'yan, hindi pa siya nakakapag-isip nang mabuti tungkol sa sinabi ng lolo niya na
magturo sa college. Alam kasi ng lolo niya na ayaw na niyang bumalik sa sarili
nilang eskwelahan dahil maaalala niya lang palagi si Keycee at mawawala siya sa
focus. Kaya naman kinausap ng lolo niya ang kaibigan nitong nagmamay-ari rin ng
isang sikat na university upang irekomenda ang apo. At desisyon na lang ni Ace ang
kulang dahil siya na lamang ang hinihintay ng paraalan. Ngunit hanggang ngayon ay
hindi pa rin siya nakakapag-isip kung itutuloy niya pa ba ang pagtuturo o hindi na.
"Puro ka naman darating din tayo d'yan, pero hindi mo naman ginagawa." Patuloy pa
rin siya sa paglalaro. "Last na 'to Ace, ah. Hindi na kita kukunsintihin sa mga
ginagawa mo. Hindi na ulit ako pupunta kapag tumawag ka sa 'kin."

RYAN'S POV

"Hi Ryan," umupo si Maica sa tabi ko. "May gagawin ka ba mamaya? May ticket kasi
ako, dalawa. Sayang naman kung hindi magagamit. Gusto mo bang sumama sa 'kin manood
ng movie?"

"Busy kasi ako. Sorry, ah." Itinuloy ko lang ang pagbabasa ng libro.

"Gano'n ba? Edi sabay na lang tayong magmeryenda mamayang break. Gusto mo?"

"Hindi rin p'wede, eh. May pupuntahan pa 'ko."

"Saan? P'wede ba akong sumama?" Humarap ako sa kaniya. Medyo inis na kasi ako. Lagi
na lang niya 'kong kinukulit.

"Saan ako pupunta? Sa girlfriend ko. Gusto mong sumama? Ayoko. Kaya p'wede ba
tigilan mo na 'ko. Nakukulitan na kasi ako sa'yo. Maganda ka naman at mabait, pero
hindi kita type. Kaya sa iba ka na lang mag-aksaya ng panahon dahil wala kang
mapapala sa 'kin." Mahinahon lang ang pagkakasabi ko, 'yong tipong kami lang dalawa
ang nakarinig dahil ayoko rin naman siyang mapahiya sa mga estudyanteng nakapaligid
sa 'min. Pero nanggilid pa rin ang luha niya. Pero wala naman talaga kong
girlfriend, sinabi ko lang 'yon para tumigil na siya.

"Gano'n ba? Nakukulitan ka na ba sa 'kin? Pasensya na, hindi ko sinasadya. Hindi na


mauulit." Tumayo na siya at nagtatakbo palayo. Napansin ko naman 'yong dalawang
ticket sa tabi ko. Naiwan niya. Kinuha ko na lang at inipit sa notebook ko 'tsaka
na rin ako umalis.

Pagkatapos ng klase ko umalis na agad ako sa school. Pumunta ko sa parking lot at


sumakay sa kotse ko. Sakto namang nag-ring ang cell phone ko kaya sinagot ko
kaagad.

"Hi babe," I joked. Nakangiti ako habang kausap siya.

"Babe ka d'yan!" she laughed.

"Bakit ka napatawag? Namiss mo na ba 'ko agad? Ang bilis mo naman. Mamimiss pa lang
sana kita, kaso naunahan mo na 'kong makamiss sa'yo." Natawa ulit siya.

"Ikaw talaga puro ka biro. Nga pala, 'di ba sabi mo pupunta ka ngayon dito?
Namimiss ko na kasi ulit lumabas, eh."

"Akala ko naman sasabihin mo namimiss mo na kasi ako." Natawa 'ko kaya natawa rin
siya.

"Oo na. Namiss naman kita. Pero kaunti lang."

"Sige, dahil namiss mo 'ko kaya pupunta 'ko ngayon d'yan. Hintayin mo 'ko, ha?"

"Talaga?" she said excitedly. "Sige hihintayin kita. Bilisan mo, magpapaluto na
tuloy ako ng lunch kay mama para dito ka na kumain. Ah wait, bilhan mo nga pala 'ko
ng ice cream, strawberry flavor. P'wede?"

"Sure, my loves!"
***

"Hi Ryan," bati sa 'kin ni tita pagdating ko sa kanila. Nagmano ako sa kaniya.
"Alam mo bang kanina ka pa hinihintay ng anak ko? 'Yong ice cream daw na pinabili
niya nabili mo raw ba?" Natatawang sabi ni tita.

"Opo tita." Inabot ko 'yong plastic at inaya na rin n'ya ako sa loob ng bahay.

"Anak! Anak! Nandito na si Ryan bumaba ka na!" sigaw ni tita.

"Yes ma, nand'yan na poooo!" sigaw naman niya pabalik. Maya-maya lang nakita ko na
siyang pababa sa hagdan. Nakatitig lang ako sa kan'ya at hindi inaalis ang paningin
ko.

"Hoy, para ka namang naging estatwa d'yan." Natatawa n'yang sabi noong nasa harap
ko na siya.

"Ang ganda mo kasi," I smiled.

"Yiiie! Kaya sa'yo ko, eh." Tumabi siya sa 'kin at nilantakan na ang binili kong
ice cream.

"Sa 'kin ka ba?" Natahimik siya bigla. "Joke lang. Tara na nga sa kusina, nagugutom
na 'ko. 'Di ba sabi mo dito 'ko maglu-lunch? Tara na, kain na tayo." Naglakad na
'ko papuntang kusina pero naramdaman kong hindi siya sumusunod sa 'kin kaya huminto
ako at lumingon sa kan'ya. "Jian, halika na!" Hindi pa rin siya kumikilos at
nakatahimik lang habang nakayuko kaya tinawag ko ulit siya. "Hoy Keycee! Sabi ko
tara na. Bingi ka ba?"

"Ha? Ah oo, nand'yan na."

***

SALAMAT SA PATULOY NA NAGBABASA KAHIT NASAKTAN KAYO SA ILANG PART. PALAMBING ULIT,
PA VOTE, COMMENT AND FOLLOW :)

Chapter 26. Jian Perez

RYAN'S POV

"Hoy, Keycee! Sabi ko, tara na. Bingi ka ba?"

"Ha? Ah oo, nand'yan na." Sumunod na agad siya sa 'kin pero halatang nawala na
naman sa sarili. Tsk.

"Wow, mukhang masarap, ah!" Sabi ko habang nakatingin sa mga pagkaing nasa mesa.
Umupo na kami ni Keycee, napangiti naman si tita habang nakatingin sa 'min.

"Sige, kain na kayo. Magtitimpla lang ako ng juice."


Nakaupo kami ni Keycee at nagsimula ng kumaun, si tita naman ay nakatalikod sa
'min.

"Kailan ka papasok, Keycee?" tanong ko.

"Pumapasok naman ako, ah," tipid niyang sagot habang kumakain, sa plato siya
nakatingin.

"I mean, sa school na pinapasukan ko. 'Di ba sabi mo magta-transfer ka para maging
magkasama tayo?" Si tita naman ang biglang sumagot.

"Baka sa second sem na siya lumipat, Ryan. Alanganin na kasi dahil matatapos na ang
midterm. Kaya ang sabi ko sa kaniya, second sem na lang mag-transfer sa university
na pinapasukan mo."

"Ah, gano'n po ba? Sabagay."

"Ah, Ryan?" Humarap sa 'min si tita at nagsalin ng juice sa baso namin ni Keycee.
"Kumusta naman si Ace?"

"Ma?" pigil ni Keycee sabay bitaw sa kutsarang hawak niya.

"Sorry, anak."

Natahimik ulit si Keycee at parang biglang nawalan ng gana kaya naman tumayo siya
at umalis. Umakyat siya sa taas. Dinig rin namin ni tita ang malakas na pagsara ng
pinto.

"Hanggang ngayon po pala ayaw niya pa rin napag-uusapan si Ace?" Tumango si tita.

"Oo. Kahit ako rin naman kung maaari ayoko na rin s'yang pag-usapan. Kaso minsan
hindi talaga maiwasan. Dahil kahit na sinaktan niya si Keycee noon, kasal pa rin
sila ng anak ko. At kahit na galit ako kay Ace, minsan nagu-guilty pa rin ako dahil
sa pagsisinungaling ko sa kaniya. Dahil sinabi ko na wala na si Keycee kahit hindi
naman totoo para lang maitago at mailayo sa kaniya."

"Bakit n'yo nga po ba kasi ginawa 'yon? Bakit n'yo sinabi kay Ace na wala na si
Keycee pagkatapos ng operasyon n'ya? Bakit kayo nagsinungaling kay Ace na hindi
naging successful 'yong operasyon?"

"Natakot kasi ako noon. Dahil kitang-kita at ramdam na ramdam ko ang sakit na
nararamdaman n'ya dahil kay Ace. Tinanong n'ya pa ako dati na kung sakaling
magpapa-heart transplant daw ba s'ya, makakalimutan n'ya si Ace? Ramdam ko no'n na
gusto n'yang makalimutan ang asawa n'ya at mawala sa puso n'ya kaya pumayag s'ya
biglang magpa-opera. At pagkatapos maging successful ng operasyon n'ya kinausap ako
ni Keycee. Sinabi n'yang ayaw na n'yang makita o marinig man lang ang boses ni Ace
dahil natatakot s'yang masaktan ulit. Kaya gumawa ako ng paraan para hindi na sila
magkita ng anak ko. Pinalitan namin ang pangalan niya, Jian Perez. 'Yong Perez,
middle name ko 'yon noong dalaga pa 'ko. 'Yon ang gusto niyang gamitin kaya pumayag
ako."

"Kaya pala sinabihan n'ya rin ako noon na 'wag ipaalam kay Ace na buhay s'ya."

KEYCEE'S POV

Nasa kwarto ako at nakahiga sa kama. Nakatingin ako sa kisame habang binabalikan
ang mga nangyari dati pagkatapos ng operasyon ko.
*FLASHBACK*

Naglalakad ako sa isang park na walang katao-tao. Nakasuot ako ng school uniform at
may sukbit akong bag. Hindi ko alam kung bakit narito ko sa park gayong dapat ay
nasa eskwelahan ako.

Kanina pa 'ko lakad nang lakad pero hindi ko naman alam kung saan ako pupunta. Wala
akong eksaktong direksyon. Pakiramdam ko ay naliligaw ako. Gustuhin ko man
magtanong, wala akong mapagtanungan.

Sinikap ko ulit maglakad-lakad para matunton ko ang pabalik sa eskwelahan. Late na


kasi ako sa pagpasok.

"Anak," may lalaking tumawag sa 'kin na sobrang pamilyar ang boses. Boses na ilang
taon ko nang hindi naririnig. "Saan ka pupunta?" Hindi ako nakakibo nang lumingon
ako at makita ko si papa. Nakatingin lang ako sa kaniya habang nagsisimula nang
uminit ang paligid ng mata ko. Hindi ako makapaniwala na narito si papa ngayon sa
harap ko.

Pero bakit gano'n? Malinaw sa isip ko na wala na siya. Matagal na siyang patay,
bata pa lang ako.

"Papa..."

Wala na 'kong pakialam kung patay man siya o hindi, pero sobra ko siyang namiss
kaya naman agad akong tumakbo palapit sa kaniya at niyakap siya habang umiiyak.

"Bakit ka umiiyak?" Naramdaman ko rin ang pagyakap sa 'kin ni papa. Parang totoong-
totoo. 'Yong yakap na sobrang tagal kong hinangad at ngayon naramdaman ko na.

"Masaya lang po ako na makita ulit kayo at mayakap," sagot ko at saka naman siya
biglang bumitaw sa 'kin at tiningnan ako nang kunot-noo, bakas ang pagtataka sa
mukha niya.

"Nagkita lang tayo kahapon, ah? Namiss mo agad ako?" Hindi ako kumibo sa sinabi ni
papa. Hindi ko alam kung bakit niya nasabing nagkita kami kahapon samantalang
ngayon ko lang naman siya nakita. "Gusto mo bang sumama sa 'kin mamasyal?"
Nginitian niya 'ko kaya ngumiti rin ako at tumango habang tumutulo ang luha.

Hinawakan ni papa ang kamay ko at nagsimula na kaming maglakad. Sobrang layo nang
nilakad namin pero ni hindi ako nakaramdam ng pagod o hingal, pareho kami ni papa.

"Nagugutom ka na ba, anak?" huminto siya at nilingon ako. "Gusto mo kumain muna
tayo?"

Kahit hindi ako nakakaramdam ng gutom ay tumango na lang ako. "Sige, papa."

Naglakad ulit kami hanggang sa makarating kami sa isang maliit pero magandang
bahay-kubo. May nakahain na pagkain sa loob no'n at may mga bulaklak na magaganda
sa paligid.

Pumasok kami sa loob ng kubo at umupo nang magkaharap.

"Kumusta ka na pala, Keycee? Hindi ka ba nahihirapan sa pag-aaral mo?" tanong ni


papa habang nagsisimula na siyang maglagay ng pagkain sa plato ko.

"Nahihirapan po ako. Parang ayoko na ngang mag-aral, eh."

"Bakit naman? Wala ka bang mga kaibigan?" Nagsimula na rin si papa na maglagay ng
pagkain sa plato niya.

"Mayro'n po. Si Ryza, si Christia at si Ryan. Mababait po sila, lalo na si Christia


at Ryza. Si Ryan naman mabait din po sa 'kin kahit kailan lang kami nagkakilala."
Nagsimula ng kumain si papa habang nakikinig sa 'kin. "Mabait din po sa 'kin si
Yaya Miranda, pero si..." natigilan ako sa pagsasalita dahil hindi ko masabi ang
pangalan ng isang lalaking hindi ko maalala ang mukha. Nakasuot siya ng uniform na
pang teacher pero nakatalikod siya habang pilit ko siyang inaalala kaya hindi ko
masabi kung sino siya at hindi ko rin maalala ang pangalan niya.

"Sino?" baling sa 'kin ni papa.

Ngumiti naman ako sa kaniya at sinabing, "Wala po."

Pagkatapos namin kumain ni papa, nagsimula na ulit kaming maglakad kahit na hindi
ko naman alam kung saan kami papunta.

"Pa, saan po tayo pupunta?" Papadilim na kasi pero naglalakad pa rin kami.

"Malapit na tayo, anak." Hindi na ulit ako kumibo at sumunod na lang sa kan'ya.

Ilang sandali pa nakarating na kami sa isang napakahabang tulay. Puro usok na kulay
puti ang paligid no'n pati na rin ang dulo.

Dire-diretso sa paglalakad si papa at ako naman ay biglang huminto. Hindi ako


tumapak sa tulay, sa mga damo pa rin nakatapak ang mga paa ko.

"Bakit, anak?" Nilingon ako ni papa noong maramdaman niyang hindi ako sumunod sa
kaniya.

"Saan po ba tayo pupunta?" Tiningnan lang ako ni papa, hindi siya sumagot. "Anong
lugar po 'yong pupuntahan natin?"

Ilang saglit na katahimikan pa ang bumalot sa 'min bago tuluyang sumagot si papa.

"'Hindi ba sabi mo gusto mong pumunta sa lugar na hindi ka na masasaktan? Doon tayo
pupunta." Ngumiti siya nang bahagya. "Malapit na tayo, halika na."

Malinaw sa isip ko na wala na si papa. Matagal na siyang patay. Alam ko na kapag


sumama 'ko sa kaniya, baka hindi na 'ko makabalik.

"Pa..."

"Bakit, anak?"

"P'wede ko po ba kayong mayakap?" Hindi siya kumibo pero halatang nagtataka siya.
Humakbang at tumapak ako sa tulay. Tatlong hakbang ang ginawa ko para makalapit sa
kaniya nang husto 'tsaka ko siya niyakap. "Pa, mahal na mahal po kita. Pero
hinihintay po ako ni mama. Hindi ko pa siya p'wedeng iwan. Wala siyang kasama."
Bumitaw ako at ngumiti kay papa. "Mag-iingat po kayo, hindi po muna ako sasama."

"Pero ang sabi mo gusto mo ng magpahinga?"

"Opo, pa. Magpapahinga po ako pero sa piling po ni mama. Patawarin niyo po ako.
Sana maintindihan mo 'ko, pa."

***

Noong magising ako at magkaroon ng malay, iyak ako nang iyak dahil sa panaginip na
kasama ko si papa. Hindi ko alam kung panaginip ba 'yon o totoo.

Nakahiga ako hospital bed, si mama naman ay sa tabi ko nakaupo. Dahan-dahan kong
hinawakan 'yong kamay niya.

"Ma, please...'wag mong ipaalam kay Ace 'to. Gusto kong maisip n'ya na wala na
'ko...ma please, sabihin mo sa kan'ya na wala na 'ko..."

"Anak..." Umiiyak na rin si mama.

"Ayoko na s'yang makita, ayoko ng marinig ang boses n'ya. Ayoko ng masaktan ulit.
Natatakot ako."

*PRESENT*

'Yon ang sinabi ko noon kay mama kaya naman sinunod n'ya ang gusto ko at sinabi kay
Ace na wala na 'ko. Gumawa ng paraan si mama noon para hindi ako makita ni Ace at
para hindi niya malaman na buhay ako. Sukdulang nakiusap ako kay mama na pagawan
ako ng sariling puntod para maniwala ang lahat na wala na 'ko.

May biglang nagbukas sa pinto kaya napatingin ako ro'n. Si Ryan.

"Ayaw mo na bang kumain?" Lumapit siya at naupo sa paanan ng kama.

"Ayoko na."

"Nawalan ka ba ng gana dahil nabanggit ng mama mo si Sir Ace?" Tiningnan ko siya


'tsaka ako umupo mula sa pagkakahiga.

"Nakalimutan ko na si Ace, kaya p'wede ba!" inis kong sabi sa kaniya, "Hindi na 'ko
nasasaktan. Wala na 'yong sakit kaya kung p'wede lang wag n'yo na s'yang
banggitin."

"Bakit? Kapag ba naririnig mong binabanggit s'ya bumabalik 'yong sakit?"

"Umuwi ka na nga lang, Ryan!" inis akong bumaba sa kama at lumabas ng kwarto. Pero
sumunod siya sa 'kin.

"Oy, Keycee! Sorry na, naiinis ka ba sa 'kin?" Huminto ako sa pagbaba sa hagdan at
humarap sa kaniya.

"Teka nga, ba't ka nga ba Keycee nang Keycee sa 'kin?"

"Hindi kasi ako sanay sa bago mong pangalan, eh. Jian Perez. Ang pangit, 'di bagay
sa'yo. Mas okay ang Keycee Dela Vega, 'wag lang gagawing Keycee Dela Vega—Lee."

"Kahit na pangit at hindi bagay sa 'kin, gusto ko na 'yon ang itatawag mo sa 'kin.
Kapag hindi mo 'ko tinawag na Jian, 'wag mo na kong kakausapin kahit kailan.
Maliwanag?"

"...pa sa sikat ng araw!" dugtong niya naman agad.

Bumaba na kami at nagpaalam na rin siya kay mama para umalis. Hindi na tuloy kami
nakapamasyal dahil sa pagka-badtrip ko. Ako naman pumunta sa sala at nanood ng tv
habang kinakain 'yong ice cream na pinabili ko sa kan'ya kanina bago s'ya pumunta
rito.

FEW MONTHS LATER...


"Lilipat ka na ba talaga ng school?" tanong sa 'kin ni Marian.

"Kaya nga, ang daya-daya mo naman, iiwan mo kami agad?" Si Jezza. Kaibigan ko sila
pareho. Nakilala ko sila noong bagong lipat pa lang kami ni mama sa bago naming
bahay. Tapos sabay-sabay din kaming kumuha ng entrance exam at pumasa naman kaming
tatlo. Pare-pareho din kami ng course. HRM, at magkakaklase pa.

"Oo. 'Tsaka gusto rin naman ni mama na lumipat ako."

"Nakakainis ka naman, eh! Edi wala ng maingay sa klase, magiging bored na kami
n'yan!" Sumimangot si Jezza habang nakacrossed arms.

"Tapos wala na rin kaming kasama na matutulog sa library. Hay nako, Jian. Hindi ka
na talaga namin bati!" Inirapan pa 'ko ni Marian pero alam ko namang echos niya
lang 'yon dahil ayaw talaga nila 'kong lumipat.

"Huwag na nga kayong mag-emote d'yan! Hindi bagay sa inyo, ang sagwa! 'Tsaka ano
bang ine-emote n'yo d'yan? Eh, p'wede pa rin naman tayong magkita-kita. Puntahan
n'yo 'ko sa bahay o kaya naman 'pag may time kayo puntahan n'yo 'ko sa school na
paglilipatan ko."

"Huwag ka ng umasa, 'no! Hindi ka na namin kikitain kahit kailan!" Inirapan ako ni
Jezza. "Ikaw ang mang-iiwan tapos kami ang gagawa ng way para makita ka? Gold ka
ba? Hmm, d'yan ka na nga!" Tumayo na sila at naglakad palayo. Halata na nagtatampo
talaga sila dahil sa paglipat ko.

"Bye, Jian." Tumayo na rin si Marian at sumunod kay Jezza.

Grabe rin talaga ang dalawang 'yon, kapag nagtampo sagad-sagaran. Nakaka-stress!
Tumayo na lang din ako at binitbit 'yong mga credentials ko at sumunod sa kanila.

"Hintayin n'yo 'ko!"

***

Nakalipat na 'ko ng school. Sa school na pinapasukan ni Ryan. Okay naman. Maganda


at maayos ang university.

Magkasama kaming kumakain sa food court dahil wala kaming 3rd subject. Grabe, first
day of second sem tapos hindi pumasok 'yong prof namin sa Business Math, but it's
okay, pabor ako ro'n. At least nagkaroon ako ng time para makipagdaldalan kay Ryan.

Nga pala, magkaiba kami ng course. HRM ako, si Ryan naman Business Administration.
Hindi na raw siya nag-doctor kasi magaling naman na ako. Oh, 'di ba, plastik!

"Ano'ng next mong klase?" tanong ni Ryan habang pinapaikot sa tinidor niya 'yong
carbonara.

"C.E."

"After no'n?"

"Wala na, uwian ko na."

"Hanggang anong oras lang ba ang klase mo?"

"Pag MWF 1:00PM-5:00PM. Pag TTH 12:30PM-6:00PM."

"Ah, parehas pala tayo 'pag MWF. Kaso 'yong TTH ko pang-umaga ako, kaya hindi tayo
magkikita pag Tuesday at Thursday."

"Okay lang 'yon. Sawa na rin kasi ako sa mukha mo. Umay na umay na 'ko." I joked.
Natawa lang kami pareho.

THIRD PERSON'S POV

"Mabuti naman at pinakinggan mo na 'ko. Kung hindi ka nakinig, plano ko na sanang


isumbong ka sa lolo mo." Magkasama si Ace at Julian sa bar at umiinom.

"Syempre, gusto ko na rin ayusin ang buhay ko," sagot naman ni Ace sa kaibigan
sabay inom ng beer.

"Mabuti na rin at naisipan mo nang ipaayos 'yang buhok mo. Nagmukha ka na ulit
tao."

"Bakit mukha ba 'kong hayop before?"

"Slight. Pero teka, saang school ka na ba magtuturo? Sa dati pa rin?"

"Nope. College na ang hawak ko ngayon," sagot n'ya kay Julian.

Tama, college na ang hawak niya ngayon. Panibagong takbo na naman ng buhay niya.
Mas okay na rin naman ito sa kaniya kaysa sa patuloy na magmukmok sa bahay habang
iniisip ang namayapang asawa.

"Kita mo na? College na pala ang hawak mo ngayon tapos hindi ka pa pumasok sa unang
araw ng klase mo!"

Unang araw kasi dapat niya ngayon pero tinamad s'yang pumasok. Hindi n'ya alam kung
bakit.

"Gusto ko lang munang magpahinga."

"Pahinga? Mahigit isang taon ka na ngang nakapahinga. Hindi pa ba enough 'yon?"


natatawang sabi ni Julian bago ito muling tumungga ng beer. "Ano'ng subject nga
pala ang ituturo mo?"

"Business Math."

"So, magsisimula ka na bukas?"

"Oo."

"Goodluck, brad."

***

NAIISIP N'YO NA BA ANG NAIISIP KO? BWAHAHAHA! HI, JIAN! PA VOTE, COMMENT AND FOLLOW
NA RI PALA :) LOVE YOU ALL!

Chapter 27. Business Math Prof

KEYCEE'S POV
Pagpasok ko sa classroom naroon na lahat ng classmate ko at pati na rin ang prof
namin sa Psychology.

"Good afternoon, ma'am. Sorry, I'm late." Yumuko ako nang bahagya bilang paggalang
bago ako tuluyang humakbang papunta sa upuan ko.

"Bakit ka late?" tanong ng prof namin pag-upo ko.

"Traffic po kasi," I lied. Kanina kasi pagpasok ko sa main gate, hinarang ako ng
guard dahil wala akong suot na school ID. Sinabi niyang hindi raw ako p'wedeng
pumasok. E, wala pa naman talaga akong ID dahil bagong transfer lang ako. Kapapa-ID
ko lang noong isang linggo, ang sabi sa 'kin ay next week ko pa raw p'wedeng
kuhanin. Kaso noong sinabi ko 'yon sa guard, hinanapan naman ako ng gate pass.
Tapos ako naman si tanga na, ulyanin pa, naiwan ko ang gate pass sa bahay kaya
nakipagtalo pa ako sa guard para lang payagan akong pumasok.

"Okay class, since ngayon ko lang hahawakan ang block na 'to gusto kong makilala
kayong lahat. Magpakilala kayo isa-isa, dito sa harapan." Tiningnan ni ma'am ang
kaklase kong nakaupo sa pinakaunahan at sinenyasan na tumayo, kaya naman nagsunud-
sunod na hanggang sa makarating sa 'kin.

Tumayo na rin ako para magpakilala.

"My name is Key—" napahinto ako saglit bago ko pa mabanggit ang dati kong pangalan.
"My name is Jian Perez, 18 years old." 'Yon lang ang sinabi ko at umupo na rin ako
agad. Sobrang nilimitahan ko lang ang pagpapakilala ko.

Pagkatapos ng 'introduce yourself session' pinaglabas naman kami ng prof namin ng


papel at gumawa raw kami ng sarili naming explanation sa tanong na, 'As an HRM, why
do we need to study psychology?' So ayun, sumunod na lang ako. Hindi ko na
sasabihin sa inyo ang mga sinulat ko, sa 'kin na lang 'yon, baka kasi pagtawanan
niyo pa ako.

After ng Psychology subject namin, English+ naman ang kasunod. After ng English+
vacant ko na, 1 and ½ hours ang vacant ko dahil 4:30 pa ulit ng hapon ang last
subject ko.

Dahil Tuesday ngayon, wala si Ryan. Wala akong makakausap. Umaga kasi ang klase
niya kapag TTH, so pupunta na lang muna ako sa library para magpalipas ng oras.

Pagdating ko sa library pumirma muna ako sa log book. Wala pa kasi akong ID kaya
hindi ako makapag-log in sa computer. Kailangan kasing i-enter doon ang ID number.

Naglakad na ako papunta sa pinakadulong mesa. Paborito kong lugar ang dulo ng
library para kahit matulog ako ay walang makakapansin sa 'kin.

Kaso mayro'n naman akong katapat na lalaki. Nasa kabilang table siya, mukhang
professor. Natutulog din yata. Nakadukdok kasi siya sa table.

Umupo na lang ako at dumukdok na lang din para makapagpahinga.

THIRD PERSON'S POV

Nagising si Ace dahil sa pag-vibrate ng cell phone niya. Nag-alarm kasi ito pero
vibrate mode lang para hindi siya makaabala sa mga estudyanteng nag-aaral sa
library.

Agad niyang inayos ang mga gamit at saka tumayo dahil oras na ng kaniyang klase.
Paalis na sana siya nang biglang malaglag ang susi ng kotse niya sa katapat na mesa
kung saan may babaeng estudyante na nakadukdok at mukhang natutulog din. Buti na
lang ay hindi ito nagising sa ingay na likha ng susi niyang bumagsak sa mesa nito.

"Good afternoon, sir," bungad ng mga estudyante sa kaniya pagpasok niya pa lang ng
room. Naririnig niya na rin na may mga babaeng nagbubulungan at sinasabing ang
gwapo niya raw at parang kinikilig pa ang mga ito habang nakatingin sa kaniya.

KEYCEE'S POV

Patulog pa lang ako nang may bumagsak na bagay sa mesa kung saan ako nakadukdok.
Pero hindi ako nag-angat ng ulo dahil sa sobrang antok ko. Pumikit ako hanggang sa
hindi ko na namalayan ang oras dahil nakaidlip na ako.

4:25pm noong magising ako. Sakto dahil five minutes na lang ay magsisimula na ang
klase namin. Tumayo na agad ako at pumunta sa room namin.

As expected, introduce yourself na naman ang nangyari sa Humanities. After no'n


hindi na siya nag-discuss, nagkwento lang ang prof namin ng kung anu-ano hanggang
sa maikwento niya ang tungkol sa buhay niya.

Pagkatapos ng Humanities namin, uwian na. Lumabas na ako sa room at naglakad


hanggang sa makababa sa hagdan. Dumaan muna ako sa food court at bumili ng drinks.
Tapos naglakad na ako papuntang main gate.

Naglakad din ako hanggang sa sakayan. Magco-commute lang kasi ako dahil wala si
Ryan. Siya kasi ang sumusundo sa 'kin sa bahay kapag papasok at siya rin ang
kasabay kong umuuwi. Gamit namin 'yong kotse niya. Pero dahil baligtad kami ng
sched ngayon kaya sasakay ako sa jeep pauwi.

***

"Ma, wala pa po ba si Ryan?" tanong ko kay mama. Miyerkules kasi ngayon at pareho
kami ng schedule.

"Wala pa. Itext mo kaya para malaman mo kung nasa'n na siya."

"Hindi nga po nagre-reply, e. Late na tuloy ako sa first subject ko, major pa naman
'yon." Kinuha ko ang bag ko sa couch at nagpaalam na 'ko kay mama. "Aalis na 'ko,
ma. Magco-commute na lang po ulit ako, baka hindi po papasok si Ryan kaya hanggang
ngayon wala pa."

"Sige, anak. Mag-iingat ka."

***

As expected late ako dahil 1:45PM na akong dumating sa school kaya hindi na lang
ako pumasok sa first period. Wala pa naman sigurong gagawin dahil second day pa
lang naman ng klase. Nagpunta na lang muna ako sa garden ng university at doon
naghintay sa oras ng second subject ko.

***

Second period na noong bumalik ako sa taas ng building para pumunta sa room namin.

"Hi," bati sa 'kin ng isang classmate ko na babae.

"Hello." Ngumiti ako nang bahagya at saka na ako naupo. Sa dulo ako umupo, sa tapat
mismo ng exit door. Dalawa kasi ang pinto ng room. Entrance at exit, magkabilang
dulo.

Napansin ko na halos lahat ng mga classmates ko ay parang magkakakilala na. Parang


ako na lang yata ang walang kausap. Bigla namang may lumapit sa 'kin na babae,
maganda siya at mukhang mabait.

"Hi. Ano'ng pangalan mo?"

"Jian."

"Ako naman si Dianne." Ngumiti siya sa 'kin kaya ngumiti rin ako sa kaniya. Naupo
siya sa tabi ko dahil bakante naman doon.

"Magkakakilala na ba kayong lahat?" tanong ko sa kaniya.

"Oo. Dati na rin kasi kaming magkakaklase, noong first sem pa. Pero 'yong iba 'di
pa namin masyadong close, ibang block sila dati. Re-shuffle kasi ang nangyari
ngayon," she responded. Napatango na lang ako habang isa-isang tinitingnan ang mga
kaklase ko.

"Gusto mo, sa 'min ka na lang sumama?" baling niya sa 'kin.

"Class! Class!" Naputol ang pag-uusap namin ni Dianne noong biglang pumasok ang
prof namin. "Keep quiet," saway ng prof namin sa mga kaklase kong maingay. Hindi na
umalis si Dianne sa tabi ko kaya magkatabi kami hanggang sa matapos ang pagdi-
discuss ni ma'am. "Good bye, class. See you around."

"Bye ma'am," sagot naming lahat. Business Math ang pangatlong subject ko at susunod
na 'yon.

"Bili muna ko sa food court, gusto mong sumama?" Tumayo si Dianne at tiningnan ako.

"Sige." Hindi pa 'ko nakakatayo nang biglang mag-ring ang cell phone ko kaya kinuha
ko 'yon sa bag ko. "Wait lang, ha?" baling ko kay Dianne 'tsaka ko sinagot ang
tawag ni Ryan. "Hello. Ryan?"

"Keycee..." Malungkot ang boses niya at hindi ko alam kung bakit. Hinintay ko
siyang magsalita pero hindi siya kumikibo kaya ako na ang nagtanong.

"Bakit? May problema ba?"

"Aalis na 'ko."

"Anong aalis? Sa'n ka pupunta?" Kumunot ang noo ko.

"May emergency na nangyari kay mommy sa America, may sakit siya. Kailangan ko
s'yang puntahan." Hindi agad ako nakakibo. Kaya pala malungkot ang boses siya. Pati
ako tuloy ngayon nalungkot. Kung kailan nakalipat na 'ko sa school na pinapasukan
niya 'tsaka naman siya mawawala. "Kaya hindi kita nasundo sa inyo kanina dahil busy
ako sa pag-aayos ng mga kailangan ko sa flight."

"Okay lang 'yon. Nasa'n ka ngayon?"

"Sa airport." Nagulat ako sa sinabi niya.

"Ano?! Bakit? Ngayon ka na ba aalis?" I turned to Dianne and gave her a 'sandali-
lang-look', alam ko kasing hinihintay niya 'ko.
"Oo. Hindi ko na nga sana sasabihin sa'yo kaso ayoko rin naman umalis nang hindi
nagpapaalam."

"Grabe, Ryan. Mababaliw yata ako sa'yo! Bakit kasi ngayon mo lang sinabi?!" sermon
ko sa kaniya. "Pa'no na 'yan ngayon? Hindi man lang kita makikita bago ka umalis?
Anong oras ba ang flight mo?"

"4:00pm." Tiningnan ko agad ang suot kong relo.

"3:05pm pa lang naman. Siguro makakaabot pa 'ko."

"Teka, 'wag mong sabihing pupunta ka rito sa airport?" Hindi ko na siya sinagot at
tumayo na agad ako.

"Dianne, alis muna 'ko. Bahala ka na sa attendance ko, ha? Thank you so much!"
Dahil nasa tapat lang kami ng exit kaya doon na ako agad tumakbo palabas. Hindi ko
na rin hinintay pang makasagot si Dianne dahil sa pagmamadali ko.

DIANNE'S POV

"Dianne, alis muna 'ko. Bahala ka na sa attendance ko, ha? Thank you so much!"

Hindi ko alam kung sino'ng kausap ni Jian at sobra siyang nagmamadali. Ryan ang
narinig kong pangalan, pero hindi ko rin naman kilala 'yon. Sakto naman paglabas
niya sa pinto, sa exit, 'tsaka naman pumasok sa kabilang pinto 'yong prof namin sa
Business Math.

At halos lahat kaming mga babae ay napatulala noong makita namin ang teacher namin
na mukhang hindi teacher dahil ang bata ng itsura niya at sobrang g'wapo pa. 'Yong
iba naming kaklase ay sobra ang titig sa kaniya at parang mga asong naglalaway at
nauulol.

Inilapag niya sa table ang hawak niyang libro at saka tumingin sa 'min.

"Hello, class. My name is Ace Lee, your Business Math professor."

Chapter 28. His Voice

KEYCEE'S POV

Pababa ako sa hagdan noong mapaisip ako. Pupuntahan ko ba siya o hindi na lang at
babalik sa room?

Tiningnan ko ang suot kong relo ko. Kung pupuntahan ko siya .01 percent lang ang
chance na maabutan ko siya. Malayo kasi ang biyahe.

Pero ang alam ni Ryan papunta na ako. Nagpatuloy pa rin akong bumaba sa hagdan at
naglakad papuntang main gate.

3:15pm na. Kung babalik ako sa room baka hindi na rin ako papasukin ng prof namin
kaya mas mabuti pa siguro kung puntahan ko na lang si Ryan.

Pero, teka? Saan ako sasakay? Magco-commute ako? Mas lalo akong mapapatagal. Hay,
grabe ang hirap magdesisyon.
Naupo na lang ako sa upuan sa gilid ng hallway at kinuha ang cell phone ko. Tinext
ko si Ryan.

"Ryan, baka hindi na 'ko makapunta. Malayo kasi tapos delikado pa kung magco-
commute ako mag-isa. Basta ingat ka na lang sa flight mo, ha? Pagdating mo sa
America kontakin mo agad ako, at 'pag uwi mo rito, 'wag mo 'kong kalimutan
pasalubungan ng fafa, 'yong yummy, okay? I will miss you, bye."

Nagreply naman siya agad. "Mas okay kung hindi ka na makakarating, baka kasi
magbago pa ang isip ko na umalis 'pag nakita kita." Napangiti nang bahagya nang
mabasa ang reply niya.

Tumayo na 'ko at lumabas ng gate. Uuwi na lang ako. Bigla akong tinamad pumasok
noong nalaman kong wala na rin si Ryan.

***

Kumakain kami ng dinner ni mama. Naikwento ko na rin sa kaniya ang tungkol sa pag-
alis ni Ryan.

"Dapat pala, ma, hindi na lang ako nag-transfer. Wala na rin naman si Ryan sa
school, wala akong makakasama."

"Oh, ano'ng balak mo?" baling sa 'kin ni mama.

"Iniisip ko kung babalik na lang ako sa dati kong school o itatry ko muna 'yong
school ko ngayon."

"Kung alam ko nga lang din sana na aalis si Ryan, edi sana hindi na lang kita
pinayagan mag-transfer. Kaso anak, naka-enroll ka na. Kung lilipat ka pa ulit baka
mahirapan na tayong mag-refund ng tuition mo kaya magtyaga ka na lang muna." Yumuko
si mama at nagsimula na ulit kumain.

"Mukhang gano'n na nga ang mangyayari, ma. At saka compare sa dati kong school, mas
malapit-lapit ang school ko ngayon sa bahay natin kaya baka hindi na rin ako
lumipat."

Pagkatapos namin kumain ni mama tinulungan ko na siyang maglipit ng pinagkainan.


Ako na ang naghugas ng plato at pagkatapos umakyat na 'ko sa kwarto ko para maligo.

Pagkatapos kong magbihis ng pantulog, tumunog ang cell phone ko dahil sa text na
pumasok doon. Binasa ko agad ang text na galing kay Marian.

"Beshywaps!" text niya sa 'kin.

Nagreply naman ako. "Ano?"

"Kita tayo bukas nila Jezza." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Kita? Bakit? Wala
ba silang balak pumasok?

"May pasok ako bukas, hindi p'wede."

"No problem. Sa school naman tayo magkikita." She replied immediately.

"Pupuntahan n'yo 'ko?" I asked.

"Yup! Kasama ko si Jezza. See you tom, good night!"


"HOY! Panghapon ako! Pa'no kayong pupunta? 'Di ba hapon din ang pasok n'yo?"

Hindi na nagreply si Marian kaya medyo nag-isip ako. Grabe talaga ang dalawang
'yon. Huwag nilang sabihin na aabsent sila para lang gumala sa school ko?

***

KINABUKASAN, agad akong nagpaalam kay mama pagkatapos kong kumain ng almusal.

"Bye, ma. Alis na po ako." Humalik ako sa pisngi ni mama bago umalis.

"Sige, anak. Ingat ka."

Lumabas na ako sa bahay at naglakad hanggang sa kanto. Sumakay ako sa tricycle para
magpahatid sa sakayan ng jeep. Oo, commuter ako. Wala na si Ryan kaya wala ng
susundo sa 'kin. Wala naman kaming sasakyan para magamit ko. Hindi nakabili si mama
ng sasakyan dahil 'yong pinagbentahan ng dati naming bahay, 'yon ang ipinangpagawa
ng bagong bahay namin ngayon.

Nakahinto ang jeep at naghihintay pa ng pasahero kaya medyo naiinip ako.

"Beshywaps!" May narinig akong sumigaw. Nakita ko si Marian at Jezza na naglalakad


palapit sa jeep na sinasakyan ko. Teka, ano'ng ginagawa nila rito? Nagulat pa 'ko
nang bigla silang sumakay.

"Sa'n kayo pupunta?" tanong ko sa kanila. Hindi kasi sila nakasuot ng uniform, pero
may dala silang backpack.

"Papasok," sagot ni Jezza habang malapad ang ngiti.

"Ha? Ba't dito kayo sumakay? Dapat do'n kayo sa kabilang sakayan, 'di ba?" Tinuro
ko sa kanila 'yong kabilang sakayan ng jeep na sinasakyan namin dati kapag papasok
kami.

"Huwag ka na ngang matanong d'yan!" baling sa 'kin ni Marian. "Hindi ka pa ba


masaya na makita kami? Sabi ko kagabi 'di ba sa school tayo magkikita? Pero buti
naabutan ka namin dito sa jeep."

Bigla kong napansin ang ID lace nilang dalawa at nagulat ako, kamukha kasi ng ID
lace ko.

"Wait. Lumipat kayo?" Tumingin sila sa 'kin pareho.

"Hay, naku! Ang slow mo naman. Kung 'di mo pa nakita ang lace namin hindi mo pa
malalaman?" pang-aasar sa 'kin ni Jezza.

"Hindi nga? Totoo ba?!" gulat kong tanong. Kung p'wede lang magtatalon sa jeep ay
baka ginawa ko na, kaso mauuntog ako.

"Oo nga!" sagot ni Marian habang hindi rin mapigil ang ngiti.

"Grabe!" Napangiti ako. "Buti naman at naisipan n'yong lumipat. May kasama na 'ko,
sa wakas!" Napangiti rin sila. Maya-maya umandar na ang jeep dahil napuno na 'yon.
Kaharap ko si Jezza at Marian kaya nakakapag-usap pa rin kami. "Buti na lang pala
talaga lumipat kayo, si Ryan kasi umalis. Pumunta ng America."

"Alam namin. Nakwento sa 'min ng mama mo. Textmate kaya kami," Marian laughed a
little.
"Bayad na tayo," sabi ni Jezza 'tsaka siya yumuko para kumuha ng pera sa wallet
niya.

"Libre mo na lang muna kami ni Jian," ngumisi si Marian sa kaniya.

"Grabe kayong dalawa, ha! Bukas si Marian naman manlilibre ng pamasahe, tapos the
next day ikaw naman Jian," sabi ni Jezza sa 'min. "Kuya makikiabot na nga po ng
bayad."

"San 'to?" tanong ng driver.

"Sa West Sky University lang po. Tatlong estudyante, nag-aaral nang mabuti at hindi
nagbubulakbol. Walang jowa, study first!" Medyo natawa kami ni Marian sa sinabi ni
Jezza.

"Nagsasabi ba kayo ng totoo? Kapag hindi, walang discount," pabiro namang sabi ng
driver.

"Opo naman kuya!" si Marian ang sumagot.

***

Kalalabas lang namin sa faculty room, nagpalipat kasi si Jezza at Marian ng block.
At syempre, saan pa ba sila lilipat? Kung nasaan ako gusto nila ay naroon din sila.
Hindi na raw kasi sila mabubuhay nang wala ako.

"Ang saya naman, same block tayong tatlo," masayang sabi ni Jezza. Papunta na kami
ngayon sa room. Thursday ngayon kaya Psychology ang first subject namin.

At dahil maagang nag-dismiss ang prof namin, lumabas muna kami nila Marian at Jezza
para pumunta sa food court. Gutom na kasi kami.

"Magra-rice ba kayo?" tanong ko sa dalawa.

"Ako, oo. Gutom ako, e!" Marian said.

"Lagi ka namang gutom, e!" pang-aasar naman ni Jezza. Pagkatapos namin umorder,
pumwesto agad kami sa bakanteng table at doon nagharap-harap.

"Buti nga nag re-shuffle na ngayon ng block. Masyado kasing pasaway ang mga
estudyante." Narinig kong sabi ng professor na nasa likuran namin. Kilala ko ang
boses na 'yon, siya ang prof namin sa Humanities. "Since you're a new professor
here, alam kong mahihirapan ka, pero nasa sa'yo na rin kung paano mo sila
kokontrolin."

"'Yan nga rin ang iniisip ko, sir. Parang nasanay kasi ako na high school ang
tinuturuan. Baka medyo mahirapan ako ngayon mag-adjust."

Nabitawan ko ang kutsara at tinidor na hawak ko at para akong binuhusan nang


malamig na tubig sa boses na narinig ko. Kilala ko ang boses na 'yon, at hindi ako
p'wedeng magkamali...or baka nga nagkakamali lang ako? Sana.

"Bakit?" Marian asked. Hindi ko sila pinansin ni Jezza at unti-unti akong lumingon
sa likuran namin para makita kung sino 'yong nagsalita.

S-si Ace.

Parang nanghina ang buo kong katawan noong makita ko siya. Nakatagilid siya kaya
nakita ko ang kalahati ng mukha niya.
Binalik ko agad ang tingin ko sa dalawa. "We should go now," bulong ko sa kanila.

"Bakit, Jian?" si Jezza ang unang nagtanong.

"Ano'ng problema?" si Marian naman ang nang-usisa sa 'kin. Tumayo na 'ko at


naglakad palayo, ni hindi ko sila pinansin. Naramdaman ko naman ang pagsunod nila.

"Hoy! Hintayin mo nga kami! Ano ba'ng problema?!" sigaw ni Jezza. Nasa bandang
likuran ko sila pero hindi ko ulit sila pinansin. Halos patakbo akong bumalik sa
building namin at umakyat sa second floor. Dumiretso ako sa student assistant na
nasa loob ng conference room.

"Excuse me, p'wede bang makahingi ng assessment form? 'Yong updated sana."
Nanginginig ang boses ko pati na rin ang kamay ko. Kumuha siya ng papel at ballpen
at inabot sa 'kin sa glass window.

"Pakisulat na lang po ang name n'yo, course and block."

Pagkatapos kong isulat ang sinabi ng student assistant ay agad ko 'yon inabot
pabalik sa kaniya mula sa salaming bintana.

"Aanhin mo ba 'yang assessment na hinihingi mo? 'Di ba meron ka na n'yan?" takang


tanong ni Jezza na nasa gilid ko, kararating lang nila ni Marian.

"May gusto lang akong malaman," I said without looking at them. Sa glass window pa
rin ako nakatingin at nakaabang sa assessment form na hiningi ko.

Ilang sandali pa, lumapit na 'yong student assistant sa glass window para iabot sa
'kin 'yong papel. Kinuha ko 'yon at agad na tiningnan lahat ng subjects at kung
sino ang mga professors namin.

Habang ini-scan ng mata ko 'yong form, kasabay no'n ang pananalangin ko na


sana...huwag naman. Huwag namang mangyari na maging teacher ko ulit siya.

Pero bigo ako dahil natunton ng mata ko ang pangalang ayaw ko sanang makita.

Subject: Business Math

Time: 2:00pm – 3:00pm

Professor: ACE LEE.

Ace Lee?

Mahina kong binasa ang pangalan niya sa assessment na hawak ko. Tiningnan ko 'yong
student assistant na nag-abot no'n sa akin.

"Ate, sure ka ba na updated 'to? Baka naman may sira 'yong computer or baka sa
ibang block 'tong na print mo? P'wede pakiprint ulit ako ng isa pa?"

"Updated po 'yan." Para naman akong biglang nanghina sa sinabi niya. Hindi p'wede
'to.

Bumaling ako sa dalawa, kay Marian at Jezza. Nakatingin lang sila sa 'kin at alam
kong naguguluhan sila sa ikinikilos ko.

"Uuwi na ko." Dahan-dahan akong naglakad paalis, palayo sa kanila kasabay no'n
nilukot ko ang assessment form na hawak ko.
"May klase pa tayo, sira ka talaga!" Hinabol ako ni Marian at pinigilan ako sa
braso. "Mamaya ka na umuwi."

"Masama ang pakiramdam ko, gusto kong magpahinga." Binawi ko 'yong braso ko at
walang ganang naglakad palayo sa kanila. Ayokong makita si Ace. Hindi pa 'ko handa,
at nangako ako sa sarili ko na ayaw ko na siyang makaharap dahil bumabalik lang sa
'kin lahat ng sakit na naramdaman ko noon. Tulad kanina no'ng narinig ko ang boses
niya, aamin kong namiss ko 'yon. Namiss kong marinig, pero at the same time noong
narinig ko 'yon kumabog nang matindi ang dibdib ko sa takot. Parang nanlamig ang
buo kong katawan.

Pababa na sana 'ko sa hagdan nang bigla kong marinig ang boses ni Ace at 'yong prof
namin sa Humanities, pati ang yabag ng paa nila paakyat ay dinig ko rin kaya naman
dali-dali akong bumalik.

"Akala ko ba uuwi ka na?" tanong ni Jezza. Hindi ko na siya sinagot dahil patakbo
akong pumunta sa cr ng mga babae na malapit lang sa faculty room kung saan namin
kinuha 'yong assessment.

Pumasok ako sa loob ng cubicle at doon nagtago.

Bakit ba ganito? Pinaglalaruan ba 'ko ng tadhana? Ayoko siyang makita. Kaya nga ako
lumayo, 'di ba? Para makalimutan siya. Pero bakit naman ganito? Bakit kung kailan
nagiging okay na 'ko 'tsaka naman ulit kami pagtatagpuin ng mundo?

"Ang weird mo ngayon, Jian." Narinig ko ang boses ni Jezza na kapapasok lang din sa
cr, kasama niya si Marian.

"Ano ba'ng nangyayari sa'yo at nagkakagan'yan ka?" usisa ni Marian.

"Anyway, ang g'wapo ng prof na nagdaan kanina. Nakita mo ba?" Bigla akong kinabahan
sa sinabi ni Jezza. Alam kong si Ace ang tinutukoy niya. Si Ace lang naman kasi ang
g'wapong prof dito, base on my opinion.

"H-hindi..." palusot ko na lang.

"Pa'no mo nga kasing makikita, e, nagmamadali kang tumakbo papunta dito! Gano'n ba
kasakit ang tiyan mo?" tinawanan pa 'ko nang bahagya ng dalawa.

"Oo. Ang sakit ng tiyan ko, nag-e-LBM ako," palusot ko. "Kaya nga sabi ko kanina
mauuna na 'ko, 'di ba?"

"Badtrip naman Jian, ba't ngayon ka pa kasi nag-LBM? Kadiri ka naman!" Pang-aasar
sa 'kin ni Marian. Maya-maya lang lumabas na rin ako kahit wala naman talaga akong
ginawa sa loob ng cubicle.

"Oops, did you wash your hands?" tanong sa 'kin ni Jezza. God! Hindi ba nila alam
na palusot ko lang 'yon?

"Maghugas ka muna ng kamay bago ka lumapit sa 'min," dagdag pa ni Marian.

"I don't get you guys, we're best friends, right? But, why are you acting like
that? Sarap suntukin ng ngala-ngala n'yo!" Inirapan ko sila 'tsaka ako dimiretso sa
sink para maghugas ng kamay alang-alang sa ikaliligaya ng kaluluwa nilang kulay
dark na, kulay itim pa.

"Best friends nga tayo, but we're still a lady. So, wash your hands and let's get
outta here," nag-iinarteng ikinumpas pa ni Marian ang kamay niya sa hangin.
Pagkahugas ko ng kamay lumabas na kami sa cr. Buti na lang wala na si Ace.

"Hatid ka na namin sa gate," sabi ni Marian. Nakasunod sila sa 'kin ni Jezza.

"Hindi na. Pumunta na kayo sa room, kaya ko naman maglakad mag-isa, hindi naman ako
mawawala, e."

"You sure?" paninigurado pa ni Jezza.

"Sure." Humarap ako sa kanila para magpaalam at mag-waved ng kamay. Sinabi ko sa


kanila na gawan muna 'ko ng excuse sa subject na hindi ko mapapasukan ngayon.
Nawalan kasi talaga ako ng ganang pumasok noong makita ko si Ace. Hindi ko kasi
alam ang gagawin ko. Kailangan ko muna 'tong ipaalam kay mama para matulungan niya
ako sa sitwasyon ko ngayon.

Pagkatapos nilang kumaway sa 'kin, naglakad na ulit ako palayo.

Lilipat ba 'ko ng school para makalayo ulit kay Ace o mananatili na lang at
haharapin siya bilang Jian Perez?

Chapter 29. Face To Face

KEYCEE'S POV

Tapos na ang first class namin at ngayon naman patapos na rin ang second period.
Ibig sabihin Business Math na ang susunod. Napalunok ako at para along
pinagpapawisan nang malamig sa tuwing maiisip ko na magkikita na ulit kami.

Si Ace.

Hindi niya ko p'wedeng makita, at isa pa ayoko na siyang makita. 'Yon na ang
itinatak ko sa isip ko simula noong naging ako na si Jian Perez. Pero paano?

Kung huwag na lang kaya akong pumasok? Napailing ako. Hindi naman p'wede dahil baka
ma-dropped ako sa subject niya kapag hindi ko 'yon laging pinasukan para lang
makapagtago sa kaniya.

Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko ngayon dahil hindi ko naman binanggit kay mama
ang sitwasyon ko kahapon pag-uwi ko. Baka mamroblema pa si mama kaya hindi ko muna
sinabi sa kaniya na magiging professor ko si Ace ngayon sa college.

Pero, teka? Bakit nga pala ako namomroblema sa pagkikita namin? Hindi naman na ako
si Keycee, 'di ba? Iba na 'yong pangalan ko. Jian Perez. Tama. Ako na ngayon si
Jian Perez at wala na siyang magagawa ro'n.

"Balita ko g'wapo raw 'yong prof natin sa business math," narinig kong bulong ni
Jezza kay Marian. Magkakatabi kaming tatlo, nasa gitna namin ni Marian si Jezza.

"Oo nga raw. Excited na tuloy akong makita s'ya," bulong naman ni Marian, tila
kinikilig pa ang babaita.

Hindi ako nakisali sa usapan nila, naka-focus lang ang tingin ko sa harap, sa
teacher naming nagsasalita.
"Next meeting ang first quiz natin. So, walang aabsent kung ayaw n'yong mawalan ng
first quiz. Goodbye, class." Binitbit na niya 'yong gamit niya pati libro at saka
lumabas sa room. Nagsimula na rin sa pagtambol ang dibdib ko knowing na maya-maya
lang ay magkakaharap na kami ni Ace.

Nagsisimula na akong kabahan. Pati ang mga kamay ko ay namamawis nang malamig, daig
pa ang may waterfalls. 'Yong tuhod ko rin nanginginig, parang hindi ko yata kayang
tumayo para tumakbo palabas kahit na gustuhin ko pa.

"Jian, are you okay?" baling sa 'kin ni Jezza, pati si Marian ay tiningnan na rin
ako.

"Mmm," I hummed as a response at saka ako tumango. Ni magsalita ay hindi ko magawa


dahil sa sobrang nerbyos.

"Parang hindi ka okay, e. Gusto mo samahan ka namin sa clinic?" suhestyon ni


Marian. Hindi ko alam na sobrang halata pala ang pagkabalisa ko.

Pero napaisip din ako sa sinabi ni Marian. Paano kung magkunwari na lang ako na
masama ang pakiramdam at magpahatid na lang ako sa clinic? Kahit ngayon lang. Mag-
iipon muna ako ng lakas ng loob para maging handa na akong harapin si Ace bukas.

"Punta muna 'ko sa cli–"

"Good afternoon, class!" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang biglang


pumasok si Ace sa isang pinto, sa harap kung nasaan banda ang white board. Umecho
sa pandinig ko ang boses niya at para bang ayaw tumigil no'n.

Natahimik lahat ng kaklase ko sa room na kanina ay parang mga nasa fiesta. Pati si
Marian at Jezza ay nakatulala sa harap habang nakatingin kay Ace. Bakas ang
paghanga sa mukha nilang lahat dahil sa kag'wapuhan ng asawa– ng teacher namin.

Agad akong yumuko para hindi niya ako mapansin. Sigurado naman na hindi niya agad
ako makikilala dahil malaki ang pagkakaiba ni Keycee kay Jian sa physical
appearance. Si Keycee noon, long hair. Si Jian, short hair. Si Keycee noon, simple
lang manamit. Si Jian ngayon, may fashion na. Si Keycee noon, hindi conscious sa
katawan, tipong kahit kumain nang marami ay okay lang. Si Jian ngayon, may figure
na mine-maintain. Kaya siguro naman ay hindi niya 'ko mapagkakamalan na si Keycee.
Mas mukha na kasi akong tao ngayon, hindi katulad noon na parang nagpapanggap lang
na tao.

"Good afternoon, sir," sabay-sabay nilang bati kay Ace, including Marian and Jezza.
Ako naman ay nakayuko pa rin habang nakakuyom ang kamay ko para pigilin ang
panginginig no'n.

"I will introduce myself first and then kayo naman mamaya, isa-isa." Sh*t. 'Yong
kaba na nararamdaman ko kanina mas lalo pang nadagdagan dahil sa sinabi niyang
magpapakilala kami, isa-isa. "I'm Professor Ace Lee, twenty-three years old."
Biglang nagbulungan 'yong mga kaklase ko noong sinabi niya ang edad niya.

"Ang bata pa pala niya."

"May asawa na kaya s'ya o girlfriend?"

"I am your Business Math teacher, but I don't want to be called sir, instead call
me Professor Lee," he added. "Okay. Start with you, Miss," baling ni Ace sa kaklase
naming nakaupo sa harapan na malapit lang sa kaniya. Umupo na si Ace sa upuan niya
at nakatingin do'n sa estudyanteng nagpapakilala.
Simula kaninang pagpasok niya hindi pa siya lumingon sa 'kin, which something na
ipinagpasalamat ko.

Hanggang sa umusad na ang pagpapakilala at nakarating na kay Jezza. Nakayuko ako


kaya alam kong kahit tumingin sa 'kin si Ace hindi niya ako makikilala. Pero
useless din ang pagyuko ko ngayon dahil mamaya after ni Jezza ay mapipilitan na
akong tumayo at iharap ang mukha ko sa kaniya.

"Ikaw na beshywap." Tinabig ni Marian ang braso ko para ipaalala sa 'kin na turn ko
na. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ako tumayo at mag-
angat ng tingin kay Ace.

Bakas sa mukha niya ang pagkabigla noong makita niya ako. Tipong para siyang
nakakita ng multo.

"Keycee?" mahina niyang tawag sa 'kin pero umiling ako at bahagyang ngumiti.

"No, sir. I'm Jian Perez, eighteen years old and was born on January 1, 1996." Yes,
pati ang birthday ko ay binago namin ni mama.

Tumayo si Ace sa upuan niya at dahan-dahang naglakad palapit sa 'kin, at habang


palapit siya, hindi ko namalayan na humakbang ako paatras, pero nasaktan lang ako
dahil tumama ang paa ko sa upuan ko. Naalala ko na wala nga pala akong aatrasan
dahil may upuan sa likuran ko. Nakatingin pa rin siya at 'yong mga classmates ko
nagtataka na sa ikinikilos niya. 'Yong pagkabigla at gulat kasi sa mukha niya ay
hindi pa rin nawawala.

"W-what's...your name again?" Nakalapit na siya nang tuluyan sa 'kin at kahit na


magaling na ako sa sakit ko, feeling ko hindi na naman ako makahinga. Parang ang
sikip-sikip ng mundo naming dalawa. Pero pinilit kong kalmahin ang sarili ko para
kahit papaano ay hindi siya makahalata sa pagkabalisa ko.

"I'm Jian Perez," ulit ko. Hindi siya nagsasalita at hanggang ngayon tahimik lang
siyang nakatingin sa 'kin. Tila inaaral niya bawat anggulo ng mukha ko.
Nakipaglabanan ako ng tingin sa kaniya. Pero pakiramdam ko ay tutulo ang luha ko
anytime kaya binawi ko na lang 'yon agad.

"Jian Perez?" mahina niyang tanong sa 'kin. Nag-angat naman ulit ako ng tingin sa
kaniya. Pero ginawa kong inosente ang mukha ko. Ayokong makahalata siya.

"Yes, I'm Jian Perez. Is there any problem...Professor Lee?" Matagal bago siya
makasagot.

"N-no...n-nothing..." nauutal niyang sagot. Binawi na niya ag tingin niya sa 'kin


at saka na siya naglakad papunta sa harap. Sumunod na rin magpakilala si Marian at
ang ibang hindi pa nakakapagpakilala pero si Ace ay sa 'kin pa rin nakatingin kahit
iba na ang nagsasalita. Hindi ko na lang siya pinansin. Kinuha ko 'yong ballpen sa
ibabaw ng desk ko at nagsulat na lang kunwari sa notebook ko para hindi halatang
kinakabahan din ako.

ACE'S POV

"Dude, mayro'n ba'ng taong magkamukha?"

"Of course, 'yong kambal. Magkamukha 'yon," sagot sa 'kin ni Julian mula sa
kabilang linya. I called him because of the student who looked like my wife. At sa
tingin ko wala akong makukuhang matinong sagot sa kaniya kaya binabaan ko na lang
siya. Nasa opisina ko ako ngayon at hindi makapag-concentrate dahil iniisip ko pa
rin 'yong estudyanteng nagpakilala kanina bilang Jian Perez.

Kamukhang-kamukha niya si Keycee.

FLASHBACK...

"Ikaw na beshywap," narinig kong sabi ng isa kong estudyante na nasa dulo. Tumayo
naman 'yong katabi niya, at laking gulat ko noong makita ko ang mukha niya.

"Keycee?" Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba 'ko o totoo ang nakikita ko.
Nasa harap ko siya ngayon. Si Keycee. Tinitigan ko siya nang mabuti at hindi ako
p'wedeng magkamali. Si Keycee ang nakikita ko ngayon. Kahit na maikli ang buhok ay
Keyceeng-keycee pa rin ang itsura niya.

"No, sir. I'm Jian Perez, eighteen years old and was born on January 1, 1996." I
wasn't aware na naglakad na pala 'ko palapit sa kaniya and was looking at her the
whole time.

"W-what's...your name again?" I asked when I finally got to see her face up close
just to make sure kung siya nga ba talaga si Keycee o hindi.

"I'm Jian Perez," she said confidently. At mukha ngang hindi siya nagsisinungaling.
Wala akong makitang hint ng pagsisinungaling sa mukha niya. She was confident noong
sabihin niya ang pangalan niyang Jian Perez. Maging kanina, sa simula pa lang noong
tumayo siya, kalmado lang siya. Hindi tulad ko na kinakabahan, naguguluhan at
nalilito.

PRESENT...

If she was telling the truth, ibig sabihin sadyang kamukha niya lang si Keycee?
Pero bakit kailangan niya pang maging kamukha? At bakit kailangan ko pang maging
estudyante ang kamukha ng asawa ko? Minumulto ba 'ko ni Keycee? Gusto niya ba na
kunsensyahin ako?

Pero bakit gano'n? Hindi ako mapakali.

I want to know more about this girl named Jian. I want to know her better, not
because she looked like my wife, but...ugh!

Pakiramdam ko may mali sa kaniya. May mali sa nangyayari ngayon. Kahit na hindi nga
siya si Keycee, pakiramdam ko kailangan ko

siyang makilala nang husto.

Ibinaba ko ang paa ko na nakaunat at nakapatong sa table ko. Lumabas ako sa office
at bumaba sa hagdan paalis sa building. I went to university food court.

I know I can find her there dahil break time na.

I looked around, trying to find her, and I wasn't disappointed because I saw her
with her friends. They're still eating.

Umorder ako ng pagkain ko kahit hindi pa ako nagugutom. Sinadya ko na maupo malapit
sa kanila nang hindi nila alam. I'm not a prone of stalking but...basta pakiramdam
ko kailangan kong bantayan lahat ng kilos ng babaeng kamukha ni Keycee.

Pero dahil sa mga naririnig ko sa kanila ngayon, hindi ko mapigilang hindi matawa
nang mahina.
KEYCEE'S POV

"Ang g'wapo ni Professor Lee. Mahal ko na yata s'ya!" Magkahawak ang kamay ni
Marian at nakatapat sa dibdib, tipong parang nagdadasal habang kinikiliti nang
sampong anghel.

"Excuse me! He's mine, so, back off!" Inirapan naman siya ni Jezza.

"Ako ang naunang nagsabing crush ko s'ya kaya 'wag kang epal, Jezza! Maninirador ka
na naman ng crush nang kaibigan mo!" Hayan na at nagtatalo na sila.

"Ano'ng tingin mo sa mga lalaki? Bulate? The early bird catches the worm?" At
bumanat naman si Marian nang mala-Anne na linyahan.

"Bakit hindi mo s'ya maiwan? Is it the money?" Nag-John Lloyd line naman si Jezza.
Gusto kong matawa sa kanilang dalawa pero hanggang sa ngiti lang ang nagagawa ko
dahil ayoko silang istorbohin. Natutuwa kasi ako sa ginagawa nila. Parang mga tanga
lang.

Kinuha ni Marian 'yong bote ng mineral water, naglagay siya nang kaunti sa takip
no'n, tumingala siya at ipinatak sa magkabilang mata para lang magkaroon siya ng
instant luha bago sabihin ang line na, "Mukha ba'ng pera ang habol ko sa kan'ya?!"

"Kung hindi pera, ano? Grades? Gusto mong makaflat one kaya mo s'ya hindi maiwan-
iwan?" Jezza.

"Kung oo? Titigilan mo na ba 'ko?" ganti ni Marian.

Hindi ko na hinayaan na makasagot si Jezza at baka magsabunutan pa silang dalawa.


Pinalakpakan ko sila 'tsaka ako tumawa nang tumawa. Hindi na rin sila nakapagpigil
at natawa na rin. Na-realized siguro nila 'yong pinagsasabi nila.

"Pero seryoso ako na crush ko si Professor Lee. Ang g'wapo niya kaya," baling ni
Jezza sa aming dalawa.

"Me, too. Crush ko rin s'ya." Nagtaas pa ng kanang kamay si Marian.

"Ligawan n'yo, hati kayo." Tinuloy ko ang pagkain ko habang natatawa pa rin sa
kanila.

"Why? Hindi mo s'ya type?" Umiling ako sa tanong ni Marian. "Hindi ka nagag'wapuhan
sa kan'ya?" Umiling ulit ako. "Hindi ka man lang na love at first sight noong
makita mo s'ya?" Iling ulit. "Tomjones ka ba? Leslie? Beki?"

"Of course not!" Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "It's just...I didn't find him
attractive. He's not even my type and..."

"And...?" sabay nilang tanong habang hinihintay ang susunod kong sasabihin.

"And...it's time for our C.E class. So, we better go." Kinuha ko ang bag ko at
naglakad na palayo sa kanila. Sumunod naman sila agad sa 'kin habang
pinagbubulungan nila na tomboy raw siguro ako or bi.

Napailing na lang ako habang bahagyang nakangiti.

ACE'S POV

Ilang sandali akong nakatulala at nakakunot ang noo lalo na noong marinig ko ang
tawa ni Jian. Walang pinagkaiba sa tawa ni Keycee. Oh, baka feeling ko lang 'yon
dahil namimiss ko na siya? Napailing na lang ako.

Ilang minuto lang nang makaalis sila ay umalis na rin ako para bumalik sa office
ko. Kinuha ko ang gamit ko at pumunta na sa susunod kong klase. Last class ko na
'to at uuwi na 'ko. Hindi pa naman regular class so hindi pa 'ko magtuturo, next
week na lang.

Pagkatapos ng huling klase ko. Naglakad na 'ko paakyat sa faculty.

"Hi, Professor Lee," bati sa 'kin ng isang professor din na babae, so I just smiled
at her.

"Hi Prof Lee." Binati ako nang isa pa. Lahat ng co-professor na makakasalubong ko,
binabati ako. Nakakapanibago yata.

"Prof Lee!" I turned to my back para tingnan kung sino ang tumawag sa 'kin. Isang
professor din na medyo may edad na. "Your lolo is here. Why didn't you tell us na
apo ka pala ni Director Lee? Ikaw, ha? Malihim kang bata. Sige na, go to your
office, he's waiting for you." I smiled at her at naglakad na ulit papunta sa
office ko. Kaya siguro nag-iba ang treatment nila sa 'kin dahil sa pagpunta rito ni
lolo.

"Kumusta, apo? Okay ba ang pagtuturo mo rito?" Nakangiti siya pagpasok ko sa


office. "Akala ko magmumukmok ka na lang habang-buhay. Masaya 'ko at naisipan mo na
ulit magturo. Sana tuluy-tuloy na 'yan. Mas okay kung gan'yan ka kaysa nasa bahay
ka lang at bar. Ngayon kahit papa'no malilibang ka na."

Oo. Alam ni lolo na medyo napariwara ang buhay ko noong mawala si Keycee. Kaya nga
hindi nila alam ang gagawin noon. Inakala pa nila na magpapakamatay na 'ko. Well,
binalak ko naman talaga 'yon. Na-realized ko kasing hindi ko kayang mawala s'ya
kaya naisip ko na mas mabuti kung mawawala na lang din ako. Pero naisip ko rin na
baka kapag nawala ako, mas maging mahirap sa 'kin na tuntunin kung nasaan siya.

"Lo, sinabi mo ba sa mga staff dito na apo mo 'ko?" Naupo ako sa desk ko at
tiningnan siya. Nakaupo rin siya sa couch na nasa tapat ko lang.

"Kahit naman hindi ko sabihin malalaman din nila 'yon dahil sa apelyido mo. Anyway,
I came here because I have something to tell you."

"About what?" I furrowed my eyebrows.

"It's important matters, and I want you to listen carefully." Parang bigla akong
kinabahan.

"Okay, lo. Go ahead."

Chapter 30. Another Cousin

ACE'S POV

"Okay, lo. Go ahead."

Saglit na katahimikan ang bumalot sa opisina bago tuluyang magsalita si lolo.


"I want you to meet your cousin." Medyo napaisip ako sa sinabi niya, kasabay nang
pagkunot-noo ko.

"Pinky? Why? Did something happen to her?" I took my phone out para sana tawagan si
Pinky at alamin kung ano'ng problema, but lolo interrupted me.

"No, not her." I looked up at him, confused. Not her? Wala naman akong ibang pinsan
bukod kay Pinky. Hindi ako kumibo dahil pakiramdam ko ay may gusto pa siyang
sabihin kaya hinayaan ko na lang siyang ituloy 'yon. "I really love my wife—your
lola. Kahit na hindi ko na s'ya kasama ngayon, kahit iniwan na n'ya ako, I do still
love her. Pero nakagawa ako ng isang pagkakamali noon. Isang malaking kasalanan.
Hindi ko 'yon nasabi sa kan'ya, hanggang sa mawala s'ya ay hindi ako nagkaroon ng
lakas ng loob na aminin ang pagkakamaling nagawa ko."

"I don't understand you, lolo. Can't you say it directly?"

"I had a mistress."

"Mistress?" I was a bit shocked. "Is this some kind of prank, lo?"

"And I got her pregnant," he continue. Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa sinabi
niya. "This isn't a prank, Ace. I'm telling you the truth because your cousin needs
us." Nagpatuloy pa siya sa pagkukwento habang ako, tahimik na nakikinig. Noong
isang linggo raw ay may tumawag sa kaniyang Arianne Dela Cruz from states.
Nagpakilala raw na anak ni Erlinda, which is 'yong mistress na sinasabi niya. "Ang
sabi n'ya hindi na raw siya magtatagal at wala s'yang ibang p'wedeng pagbilinan sa
anak n'ya kun'di ako." At 'yong anak no'ng Arianne ang sinasabi ni lolo na apo
niya. Napansin ko na biglang nalungkot ang mukha ni lolo and his eyes were getting
teary.

"A-alam ba 'to ni Dad?" I asked. Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi ni lolo pero
mukha naman siyang nagsasabi ng totoo. Sa edad niyang 'to, hindi naman siguro niya
'ko ipaprank. That's so childish.

"Ipinagtapat ko na sa kan'ya kahapon." Natahimik ako. Ibig sabihin may pinsan pa


'ko bukod kay Pinky? "Ipapakilala ko kayo sa isa't-isa. Pero hindi pa ngayon dahil
wala pa s'ya." Tumayo na si lolo kaya tumayo na rin ako. "Kailangan ko ng umalis,
marami pa 'kong kailangan asikasuhin."

"Sige, lo. Ingat po."

Paglabas ni lolo sa office ko, napaupo na lang ulit ako. Medyo hindi pa rin kasi
ako makapaniwala sa mga narinig ko.

Itinigil ko na ang pag-iisip at inayos na lang ang mga gamit ko. Uuwi na lang muna
'ko para makapagpahinga. Kailangan kong maabsorb nang mabuti ang mga sinabi ni
lolo.

Lumabas na ako ng office at inilock 'yon. Bumaba ako sa building at pumunta sa


parking lot. Pasakay na sana ako sa sasakyan ko nang matanaw ko si Key—Jian, kasama
ang dalawa niyang kaibigan. Naglalakad sila at mukhang pauwi na rin.

Kailangan kong malaman kung saan s'ya nakatira.

Sumakay ako sa sasakyan ko at agad nagdrive, at saka ko sila hinintuan. Ibinaba ko


ang bintana at agad naman ngumiti sa 'kin ang dalawa, except Jian.

"Hi, Professor Lee." Sa pagkakatanda ko, siya 'yong Marian.


"Going home? May sundo ba kayo? Gusto n'yong sumabay sa 'kin?" Agad na natuwa si
Marian at 'yong isa pa, si Jezza. Pero nang bumaling ako kay Jian, mukhang hindi
niya gusto ang ideya ko.

"P'wede po ba? Hindi po ba nakakahiya?" nangingiting sabi ni Jezza.

"Sure, why not?" I smiled at them. "Get in."

KEYCEE'S POV

"Sure, why not?" Ace smiled but I didn't. "Get in."

Agad namang sumunod ang dalawa. Binuksan nila 'yong passenger seat at doon
pumwesto. "Jian, sakay na!" baling sa 'kin ni Jezza.

Umiling ako habang nakatingin kay Ace. "May dadaanan pa 'ko," then I turned to
them. "Mauna na kayong umuwi." 'Yong mukha nila parang biglang nakunsensya kaya
nagpaalam sila kay Ace na hindi na sasabay 'tsaka sila bumaba ulit.

"Pasensya na Prof Lee, KJ kasi talaga 'yang si Jian nagpapanggap lang na hindi,"
baling ni Jezza kay Ace. "Anyway, Prof Lee, ingat po kayo. Salamat po sa offer na
pagsabay sa 'min."

"Oo nga po, kun'di lang dahil dito kay Jian sasabay po talaga kami," dagdag pa ni
Marian habang si Ace ay nakatingin pa rin sa 'kin.

Alam ko galawan niya. Kaya siguro siya nag-offer na ihatid kami ay para malaman
kung saan ako nakatira. At hindi niya p'wedeng malaman 'yon dahil makikita niya si
mama.

Binaling ni Ace ang tingin sa dalawa para magpaalam, pero hindi ko inalis ang
tingin ko sa kaniya, and when he finally turned his gaze back to me before leaving,
he smirked.

Wait. Did he just smirked at me? Bakit?

Inakay na 'ko ni Marian at Jezza at nagsimula na kaming maglakad habang walang


tigil ang panunumbat nila dahil KJ daw ako. Sayang daw ang pagkakataon na makasabay
nila si Ace.

***

Pagdating ko sa bahay, naabutan ko si mama sa kusina, nagluluto. Pero mukha siyang


problemado.

"Ma," lumapit ako at humalik sa pisngi niya.

"Nand'yan ka na pala, anak."

"Ba't parang malungkot ka? May nangyari po ba?" Ipinatong ko 'yong bag ko sa mesa
'tsaka ako naupo.

"Wala naman." Sumagot si mama nang hindi nakatingin sa 'kin pero ramdam ko talaga
na may problema siya.

"Mama kita. Alam ko kung may problema ka o wala." Tiningnan lang ako ni mama nang
ilang segundo bago magsalita.

"Anak, kasi..." Halata ang pag-aalinlangan sa kaniya.


"Kasi?"

"Mukhang kailangan kong maghanap ng trabaho. Mauubos na kasi ang savings natin,
lalo na't college ka na. Mas malaki ang gastos."

"'Yon lang ba, ma? Akala ko naman po kung ano'ng nangyari sa'yo. 'Tsaka ma, 'wag
mong intindihin 'yon. Nag-apply po ako ng full scholar sa university at madali
naman akong natanggap kaya 'wag ka nang mag-alala kasi wala naman na tayong
pagkakagastusan. Sagot na rin nila ang monthly aallowance ko. Kaya hindi mo na
kailangan magtrabaho, dito ka na lang sa bahay."

"Totoo ba 'yang sinabi mo, anak?" Biglang nabuhayan ng loob si mama. Nakangiti na
ulit siya.

"Opo, ma." Niyakap niya 'ko bigla dahil sa sobrang tuwa. "Ma, 'yong niluluto mo
nasusunog na." Napabitaw agad sa 'kin si mama kaya natawa na lang ako. "Sige ma,
akyat na po ako sa taas."

"Sige, bilisan mong magbihis para makakain na tayo."

"Opo." Nagmadali na akong umakyat sa kwarto ko. Pagkasara ko sa pinto, napaiyak na


lang ako.

Oo, nagsinungaling ako kay mama. Hindi totoong nag-apply ako bilang scholar. Ayoko
kasing mahirapan siyang magtrabaho nang dahil lang sa gastusin sa pag-aaral ko kaya
ko nasabi ang bagay na 'yon.

Hindi naman kasi kami gano'n kayaman tulad nila Ace. Sakto lang. Saktong nakakaraos
sa araw-araw. Pero naubos ang savings namin noong inoperahan ako dahil milyon ang
ibinayad ni mama. Kaya nga naisipan niyang ibenta ang bahay namin dati. Noong
naibenta niya 'yon, lumayo na kami sa lugar na 'yon at dito sa lugar kung nasaan
kami ngayon, dito naisipan ni mama na magpatayo ng bahay namin. Hindi naman
masyadong malaki, sakto lang para sa aming dalawa.

At ngayong nabanggit ni mama na nauubos na ang savings namin na natira sa


ipinangpagawa ng bahay, isa lang ang naiisip ko na paraan para hindi ako mahinto sa
pag-aaral. Kailangan kong maghanap ng trabaho para maituloy ko ang pag-aaral ko.

***

Tapos na kaming mag-dinner ni mama, nasa sala kami ngayon at nanonood ng movie. Ang
istorya ay arranged marriage 'yong babae at lalaki, pero 'yong lalaki ay may mahal
na iba kaya hindi niya pinapahalagahan 'yong babaeng pinakasalan niya dahil
napilitan lang naman siya. At dahil do'n nagsu-suffer 'yong babae.

"'Yan ang hirap sa mga ikinakasal na hindi naman mahal ang isa't-isa." Napatingin
ako kay mama dahil sa sinabi niya. Nakalimutan na ba niya na arranged marriage rin
ang anak niya? "Kaya anak," she turned to me, "sorry kung naipasok kita sa
sitwasyong hindi mo ginusto. Sorry kung pumayag akong ipakasal ka sa taong hindi mo
naman mahal."

"Ma, naiintindihan ko naman po kayo. 'Tsaka hindi naman po kayo ang may gusto no'n,
'di ba? Sabi n'yo nga po noon, si lolo ang nagdecide no'n at ang lolo ni Ace, nasa
tiyan n'yo pa lang po ako pinlano na nila 'yon kaya 'wag po kayong mag-sorry. Isa
pa, okay naman na po ako ngayon, eh. 'Di ba nga po wala na si Keycee? Si Keycee po
ang ikinasal at hindi si Jian. Ako na ngayon si Jian, ma." Nginitian ako ni mama at
nanood na ulit kami. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ko.
***

"Good morning, ma," bati ko kay mama pagdating ko sa kusina. Nagluluto kasi siya.

"Teka, bakit ang aga mo namang gumayak? 'Di ba 1:30pm pa ang klase mo ngayon?" Tama
si mama. 'Pag MWF 12:00PM start ng klase ko, 'pag naman TTH 1:30PM.

"May group study po kami, ma." I lied. Ang totoo niyan maaga akong papasok dahil
maghahanap ako ng p'wede kong maging part time job.

"Kung gano'n, kumain ka muna bago ka pumasok." Nag-breakfast na agad ako 'tsaka na
'ko nagpaalam kay mama pagkatapos.

Mag-isa akong naglalakad ngayon at nagbabakasakaling makakita ng pwede kong pasukan


bilang part time. Mas mapapadali sana 'ko sa paghahanap kung kasama ko si Jezza at
Marian kaso hindi ko na binanggit sa kanila ang problema ko. Ayoko namang
problemahin din ako ng mga kaibigan ko.

May mga pinuntahan akong grocery market pero umalis din ako agad. Hindi dahil sa
hindi ako natanggap. Hindi kasi kaya ng schedule ko. Whole day kasi ro'n at umaga
lang ako available dahil tanghali may pasok na 'ko.

Hindi ko alam na ganito pala kahirap maghanap ng trabaho lalo na at estudyante pa.

Bakit ba kasi pinabalik ko pa kay mama 'yong black card ni Ace na walang limit? Edi
sana wala akong problema ngayon.

JEZZA'S POV

Kanina pa namin hinihintay si Jian pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Hindi
namin siya nakasabay pumasok dahil hindi namin sya makontak. Naka off ang phone
niya kaya kahit ano'ng gawin naming pagtawag at text, no response siya.

"Papasok kaya s'ya?" tanong ni Marian habang nakaupo kami sa bandang dulo, sa
pwesto namin.

"Ewan ko nga ba!" Hindi ko alam kung ano'ng nangyari kay Jian. Hindi naman kasi
siya ganito. Kung sakali na hindi siya papasok o kaya ay male-late siya, magsasabi
'yon agad thru text or call. Pero bakit ngayon wala?

Susubukan ko ulit sana siyang tawagan nang biglang magsalita si Marian.

"Ayan na pala siya!" Pati ako ay napatingin sa pintuan, sa harap, kung saan siya
pumasok. "Saan ka naman nagsuot at mukhang haggard na haggard ka?" usisa ni Marian
sa kaniya.

Itinaas ko 'yong bottled juice na nasa harap ko para inumin pero bigla 'yon kinuha
ni Jian noong makalapit siya at inunahan pa 'kong makainom. Mukha siyang uhaw na
uhaw kaya naubos niya 'yong juice ko.

"Saang lupalop ka ba galing at gan'yan ang itsura mo?" tanong ko sa kaniya. Mukha
kasi siyang pagod na pagod.

"Wala. May pinuntahan lang." Naupo na siya sa upuan niya at sumandal kasabay ng
isang malalim na buntong-hininga.

"Nanlalaki ka siguro, hano? Bakit hindi mo kami sinama?" biro ko sa kaniya sabay
tawa pa nang bahagya.
"Kaya pala nakapatay ang phone, aru!" dagdag na ni Marian.

"Wala na 'kong cell phone," seryoso niyang sagot na ikinatahimik namin.

"Bakit?" ako naman ang nagtanong. Pareho kaming nakatingin ni Marian sa kaniya.

"Ano...kasi...n-naholdap ako kanina lang."

Chapter 31. Coming To His Office

KEYCEE'S POV

"Naholdap ka?!" sabay na tanong nila sa 'kin.

"Oo. Kanina habang naglalakad ako papunta rito sa school." Isa na namang
kasinungalingan ang sinabi ko. Ang totoo n'yan, binenta ko 'yong cell phone ko,
tutal naman hindi ko masyadong kailangan. Mas kailangan ko ng pera para hindi na
'ko hihingi kay mama.

"Ang burara mo kasi!" sermon sa 'kin ni Jezza sabay iling.

***

Kahit na daldal nang daldal sa pagtuturo 'yong prof namin hindi ako makapag-
concentrate. Iniisip ko pa rin kasi ang paghahanap ng part time job. Ang totoo
n'yan meron na akong nakita kanina at magsisimula na ako bukas. Kaso mukhang hindi
pa rin sapat ang magiging sweldo ko ro'n kaya pinag-iisipan ko pa kung hahanap pa
ako ng part time job na panggabi.

"Hoy," tinabig ako ni Marian. "Day dreaming ang peg mo d'yan. May problema ba?" Ang
galing n'ya talaga. Alam n'yang may iniisip akong problema.

"Wala," sagot ko na lang sa kaniya habang diretso pa rin ang tingin sa teacher
namin na nasa harapan.

"Wala raw, e, bakit parang stress ka?"

"Hindi lang ako masyadong nakatulog kagabi."

"Bakit hindi ka nakatulog?"

"P'wede ba Marian, makinig muna tayo kay ma'am? Baka mamaya mag-quiz, pareho tayong
nganga," baling ko sa kaniya. Sinunod niya naman ako kaya tumahimik siya kahit
parang nagdududa. Nakinig na ulit kami sa prof namin, tulad ni Jezza.

***

"Mauna na kayong umuwi ni Jezza." Napatingin sa 'kin 'yong dalawa dahil sa sinabi
ko. Naglalakad kasi kami palabas sa gate dahil tapos na ang klase.

"Hindi ka sasabay sa 'min?" kumunot ang noo ni Marian.

"May pupuntahan lang ako saglit."


"Sama na lang kami, para sabay-sabay pa rin tayong umuwi," hirit ni Jezza. Tumango
naman si Marian na parang sumasang-ayon sa sinabi niya.

"Hindi p'wede. Mauna na lang kayo."

"Bakit hindi p'wede?" ulit ni Jezza. Makulit talaga lahi nito.

"Basta hindi p'wede. May inutos kasi sa 'kin si mama, baka matagalan ako. 'Di ba
magre-review pa kayo dahil may quiz tayo bukas?" paalala ko sa kanila.

Para namang biglang natauhan si Marian. "Oo nga pala, buti pinaalala mo."

"Oh sige, kung ayaw mo talagang sumabay sa 'min, mauna na kami," napilitan na ring
sabi ni Jezza.

"Bye. Ingat," pahabol ko sa kanila. Pareho silang kumaway sa 'kin kaya kinawayan ko
rin sila habang nakangiti nang mabahagya.

"Ikaw rin," sigaw naman nila pareho habang naglalakad na palayo. Noong nakalayo na
sila nang tuluyan, 'tsaka pa lang ako umalis sa kinatatayuan ko.

Naglakad-lakad ako at naghahanap ng p'wede kong maging part time job tuwing
matatapos ang klase ko sa hapon. At dahil maswerte ako, nakakita agad ako. Isang
café. May nakapaskil na hiring sa pintuang salamin kaya agad akong pumasok sa loob
para mag-inquire.

Sabi sa 'kin ng lalaki na manager sa café, magpasa na lang daw ako ng resume as
soon as possible kaya naman lumabas agad ako at naghanap ng malapit na computer
shop. Gumawa ako ng resume at pinaprint 'yon. Medyo natagalan ako pero sulit naman
kasi p'wede na raw akong magsimula bukas. Ang swerte ko talaga.

Simula bukas dalawa ang magiging trabaho ko. Sa umaga kailangan 6:00am nasa canteen
na ako, sa una kong inaplayan at 11:00am naman ang out ko ro'n. After no'n may
klase na ako ng 12:00pm to 4:00pm. Then trabaho ulit ako sa café ng 5pm-10pm.

***

Sinalubong ako ni mama pagpasok ko pa lang ng main door. "Oh, anak, bakit late ka
umuwi ngayon?" Alas siete na kasi ng gabi.

"Ma, masanay ka na, kasi simula bukas 10:00pm na 'ko uuwi."

"Bakit naman masyadong gabi?" Bakas ang pagtataka sa mukha ni mama, pati ang pag-
aalala.

"'Di ba nga po scholar ako? Kapalit po no'n ay ang pagiging student assistant ko sa
school. Magdu-duty po ako sa library simula 5pm hanggang 10pm. Sa umaga naman po
kailangan saktong 6:00am nasa faculty room na 'ko." Okay, ako na ang dakilang
sinungaling. Ayoko sanang magsinungaling kay mama pero kailangan.

"Anak naman, baka naman masobrahan ka sa pagod dahil sa gagawin mo?"

"Okay lang po ako ma, kaya ko to, 'no! Ako pa!" Ngumiti ako nang malapad sabay
yakap sa kaniya. "Okay lang po na ako ang mahirapan, 'wag lang kayo. Mahal na mahal
kita, ma."

"Ang baby ko nagdadrama." Yumakap din sa 'kin si mama at para siyang maiiyak.
"Kapag hindi mo na kaya sabihin mo sa 'kin at gagawa ako ng paraan. Okay?" Inayos
niya 'yong buhok ko habang pinagmamasdan ang mukha ko nang nakangiti. Kahit na
responsibilidad ni mama na pag-aralin ako, ayoko pa rin na mahirapan siya kaya
kakayanin ko 'to. "Sige na. Magbihis ka na at maghahain na 'ko. Bumaba ka na lang
agad."

Ngumiti at tumango ako kay mama bago pumunta sa kwarto ko. Nagbihis agad ako at
nagreview nang kaunti. Kailangan kong mag-aral nang mabuti lalo na sa sitwasyon ko
ngayon para hindi masayang ang pagod ko sa pagtatrabaho para lang may pang-
tuition.. Kailangan kong magsikap para pumasa.

Pagkatapos kong mag-review, bumaba na ako dahil nakaramdam na ako ng gutom. Sakto
namang naghahanda na si mama ng pagkain namin.

"Ang bango naman ng niluto mo, ma." Naupo ako at natahimik nang makita ko ang
pagkaing nakahain sa mesa. Menudo, paborito ni Ace. Bigla tuloy bumalik sa isip ko
'yong oras na palihim kong nilagyan ng carrots ang pagkain niya without knowing na
may allergy siya ro'n.

"Anak, may problema ba?" baling sa 'kin ni mama, nakaupo na siya sa tapat ko. "Ayaw
mo ba ang niluto ko?"

"Hindi ma, may naalala lang ako." Nakatingin sa 'kin si mama na parang binabasa
'yong nasa isip ko kaya inaya ko na agad siyang kumain para maiba ang atmosphere.
"Kain na tayo ma, baka lumamig pa 'yong pagkain."

***

Maaga akong gumising at gumayak. Inilagay ko sa isang paper bag ang school uniform
ko dahil kailangan kong pumasok nang nakasuot ng uniform after ng trabaho ko sa
canteen.

"Good morning," nakangiti kong bati sa babaeng nagluluto sa kusina ng canteen.

"Hi. Good morning din. Ikaw 'yong bago?" Tumango ako. "Ang ganda mo naman."

"Thank you." I smiled at her. Hindi naman siya matanda kaya hindi ko na siya pino-
po. Mukhang mas matanda lang siya sa 'kin nang kaunti. Oo nga pala, server ako sa
canteen na 'to, at sa café naman, cashier.

"Jian, paki-serve naman 'to," sabi sa 'kin ni Ate Elena. 'Yong kausap ko kanina na
nagluluto.

"Okay." Kinuha ko na 'yong tray at dinala sa umorder. Gano'n lang ang ginagawa ko
the whole time, ang mag-serve ng pagkain sa mga taong kumakain sa canteen.

"Hindi ka pa ba magbibihis? Malapit na ang oras ng klase mo, 'di ba?" Napatingin
naman ako sa wristwatch ko. Alam kasi ni Ate Elena na estudyante ako. Wednesday
ngayon kaya alas dose ang oras ng klase ko. "Sige na, magbihis ka na para hindi ka
ma-late."

Ngumiti ako sa kaniya at pumasok na sa loob ng maliit na office para kuhanin ang
paper bag na may uniform ko. Pagkatapos kong magpalit nagpaalam na ako kay Ate
Elena at sa iba pang nagtatrabaho ro'n. Pero syempre hindi ko dinala 'yong damit na
sinuot ko kanina. Iniwan ko 'yon sa canteen at sinabi kong dadaanan ko na lang
mamayang gabi pag-uuwi na ako. Baka kasi magtaka pa sila Marian at Jezza kapag
nakita nilang may dala akong damit.

Pagdating ko sa school bigla akong kinabahan. Alam ko kasing makikita ko na naman


si Ace mamaya kapag oras ng klase niya sa 'min. Hindi lang 'yon, anytime ay p'wede
ko rin siyang makasalubong sa department na 'to. Bakit ba kasi kinakabahan pa rin
ako kapag nakikita ko siya? 'Di ba ako na si Jian? Hindi na ako si Keycee.

"Besh!" Narinig kong sumigaw si Marian. Lumingon ako at nakita kong palapit sila sa
'kin ni Jezza.

"Bakit ang aga mo yata? Hinihintay ka namin sa sakayan ng jeep kanina tapos nauna
ka pa pala sa 'min!" sermon ni Jezza.

"Kayo nga ang hinihintay ko kanina, kaso ang tagal niyo naman dumating kaya nauna
na lang akong sumakay," pagdadahilan ko. Hindi ko p'wedeng sabihin sa kanila na
maaga akong umalis sa amin para magtrabaho. Mukha namang napaniwala ko sila kaya
sabay-sabay na kaming pumunta sa room.

Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na rin ang prof namin sa first subject.
Nag-check muna siya ng attendance and after that bigla siyang nag-utos.

"Pakikuha nga 'yong projector at laptop sa faculty room, sa taas. Para makapag-
discuss na tayo." Walang kumikilos kahit isa man sa 'min dahil 'yong iba ay busy sa
pakikipagbulungan. Ang iba naman ay mukhang inaantok at 'yong iba sadyang ayaw
talagang kumilos.

Yumuko ako bago pa magtama ang mata namin ni ma'am pero, "Miss Perez, ikaw na nga
lang ang umakyat sa taas." Huli na dahil nakita na niya ako.

"Yes, ma'am." Tumayo na 'ko sa upuan ko at agad na lumabas sa room. Umakyat ako sa
second floor at kumatok sa faculty room. Hindi ko na hinintay na may sumagot at
binuksan ko na agad 'yong pinto. Basta ang importante kumatok ako.

"Yes?" sabi ng babaeng professor na nadatnan ko sa loob.

"Pinapakuha po ni ma'am 'yong laptop at projector." Tumayo naman siya at hinanap


'yong pakay ko pero mukhang hindi niya makita.

"Wala rito," baling niya sa 'kin. "Punta ka na lang kay Professor Lee, baka nasa
office niya," sabi niya habang nakangiti. Hindi ito ang oras para ngumiti, ma'am.
Tumango na lang ako at isinara ko na ang pinto paglabas ko. Kung minamalas ka nga
naman, oo! Bakit kasi kailangan ako pa 'yong utusan? At bakit nasa office ni Ace
'yong laptop at projector?

Teka, saan ba ang office niya? Pati ba sa university na 'to may sarili siyang
opisina? Ay oo nga pala, maimpluwensya nga pala ang lolo niya. Hindi p'wedeng wala
siyang privacy. Sa pagkakaalam ko kasi, ang ibang professor dito share sa office.
Dalawang professor yata sa isang office, pero siya solo niya. Edi, wow!

"Excuse me," hinarang ko 'yong isang student assistant na nakasalubong ko, "p'wede
bang malaman kung saan ang office ni Professor Lee?"

"Diretso ka lang dito, tapos sa dulo makikita mo na."

"Sige, thank you." Nagsimula na akong maglakad papunta sa direksyon na itinuro niya
sa 'kin. Pagdating ko sa dulo nakita ko agad 'yong office niya dahil nakapaskil sa
harap ng pintuan 'yong pangalan niyang Prof. Ace Lee.

Tumayo ako sa gilid, sa tabi ng pinto at mahina kong inuntog-untog ang noo ko sa
pader sa sobrang inis. Bakit ako pa 'yong nautusan dito sa office niya? Ayoko
siyang makaharap nang malapitan at ayoko rin siyang makausap.

Natigilan ako sa ginagawa ko dahil bigla kong naisip ang oras. Baka maubos ang oras
at hindi makapag-discuss si ma'am dahil lang sa pag-iinarte ko. Inayos ko ang
sarili ko 'tsaka ako bumuntong-hininga bago kumatok.

"Come in." Nanginig 'yong kamay ko habang pinipihit ang doorknob dahil sa boses
niya. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sumilip. Mukhang nagulat pa siya noong
makita niya 'ko.

ACE'S POV

Nasa office ako at nire-review ang topic na ituturo ko mamaya sa klase kung saan
estudyante ko ang babaeng kamukha ni Keycee. Kung ko alam kung bakit sa lahat nang
hawak ko na block, 'yong block na 'yon ang kinasasabikan kong pasukan. O baka naman
dahil namimiss ko lang si Keycee na sa tuwing makikita ko si Jian ay mas lalo ko pa
siyang naaalala.

Napalingon ako sa pinto nang may kumatok ro'n.

"Come in." My eyes fixated on my phone.

"Sir?" Para kong kinilabutan nang marinig ko 'yong boses ni Keycee. Napatingin ako
sa taong sumilip sa pinto at nagulat ako nang makita ko siya. Si Jian. 'Yong
kamukha ni Keycee. "I mean, Professor Lee," pagtatama niya. Natandaan niya siguro
'yong sinabi ko na ayokong sir ang itawag sa 'kin dahil naaalala ko lang si Keycee
sa t'wing may tumatawag sa 'kin na sir.

"Pasok ka," I command. Ayaw niya kasing pumasok, nakasilip lang siya sa pinto,
parang takot na makaharap ako, hindi naman sana ako nangangagat.

Maingat siyang pumasok sa loob pero hindi niya sinara ang pinto, iniwan niya 'yong
nakabukas.

"Pinapahiram po kasi ni ma'am 'yong laptop at projector, nasa inyo raw po."

Tiningnan ko 'yong ilalim ng desk ko at nakita ko ro'n ang bagay na pakay niya.
Pero bigla akong may naisip.

"Wala sa 'kin. Pakisabi sa ma'am mo wala dito sa office ko. Baka may ibang
gumamit."

"Sige po." Nainis ako dahil ang tipid niyang sumagot. Gusto ko pang marinig ang
boses niya dahil parang boses din ni Keycee ang naririnig ko. Lumabas na agad siya
sa pinto at umalis. Napangiti naman ako bigla. Alam ko kasing babalik siya rito.

Kinuha ko agad ang cell phone ko at tinext ang teacher na nag-utos sa kaniya.

"Ma'am Reyes, I found the laptop and projector. Tell your student to come back."

KEYCEE'S POV

"Ma'am wala raw po 'yong projector at laptop," bungad ko pagpasok ko sa room.

"Pa'no ako magdidiscuss kung wala tayong laptop at projector?" tanong ni ma'am sa
'kin. Hindi ko po alam ma'am, 'wag niyo na po ipaproblema sa 'kin ang pagdi-discuss
niyo. Masyado na po akong maraming iniisip sa buhay. Trabaho ko at si Ace. Pati ba
naman projector ako pa ang mamomroblena? Pabalik na sana 'ko sa upuan ko nang
biglang tumunog ang cell phone ni ma'am. "Punta ka kay Prof Lee, kunin mo sa
kan'ya."

"Pero ma'am do'n na nga po ako galing. Sabi n'ya wala raw po," baling ko sa babaeng
professor.
"Nagtext siya. Nakita na raw n'ya."

Ilang segundo pa akong nag-isip kung susunod ba 'ko o susunod? Malamang susunod
dahil inutusan ako at wala naman akong magagawa.

Kainis naman kasi ang lalaking 'yon! Nananadya ba siya? No choice naman ako kaya
lumabas na lang ako ulit at paakyat na nagmartsa papunta sa office niya. At dahil
sa inis ko, hindi na ako kumatok. Pinihit ko na lang 'yong doorknob 'tsaka ako
pumasok. Pero naabutan ko s'yang may kausap sa phone kaya natahimik ako.

"Yes honey, I will. Okay, don't worry uuwi ako nang maaga. Namimiss mo na ba 'ko
agad?" My hand suddenly formed into a fist. "Miss na rin kita. I love you, too. See
you later." Nang ibaba niya 'yong phone niya, bumaling siya sa 'kin habang malapad
pa rin ang ngiti. "Yes, Miss Perez?"

"Projector at laptop daw po." Syempre pangiti-ngiti lang din ako pero ang totoo
gusto ko nang manapak. Pero ang ipinagtataka ko ay 'yong sinabi niyang honey. May
girlfriend na ba siya or asawa? Halos isang taon pa lang akong namamatay tapos may
kapalit na agad ako? Aba, malupit!

Kinuha niya 'yong bag ng laptop sa ilalim ng desk niya pati na rin ang projector
'tsaka siya tumayo at humakbang palapit sa 'kin. Sobrang lapit, as in. P'wede naman
niyang i-stretch 'yong kamay niya para iabot 'yon pero hindi niya ginawa. Lumapit
siya nang husto, na ang tanging pumapagitan lang sa 'min ay 'yong hawak niya.

Sh*t.

Alam na alam niya talaga kung paano 'ko panerbyusin.

Napalunok ako dahil hindi niya inaalis ang tingin niya sa 'kin. Kaya ako na ang
gumawa ng paraan para makalayo agad. Kinuha ko na 'yong hawak niyang bag kung saan
nakalagay ang bagay na kailangan ko 'tsaka ako mabilis na lumabas sa office niya.
Ramdam ko 'yong bilis nang tibok ng puso ko hanggang sa makabalik ako sa room.

B'wisit na laptop at projector 'yan, pahamak!

Habang nagdi-discuss si ma'am hindi ako makapag-focus sa mga sinasabi niya. Iniisip
ko pa rin kasi ang mga pinagsasabi ni Ace kanina sa kausap n'ya sa phone.

Sino kaya 'yon? Nag-I love you too pa ang loko tapos kung makangiti sagad-sagaran.
Walang'ya talaga! Huwag niyang sabihing may iba na kaagad s'yang nakita? Kamamatay
ko lang last year! Nakamoved-on na agad siya?

Wait. E, ano naman sa puso ko kung may iba na siya? 'Di ba nga patay na si Keycee?

"Class is over. Be ready for the long quiz, next meeting." Hindi ko namalayan na
natapos na ang klase namin dahil sa masyado kong pag-iisip. At ang susunod naman
naming klase ay Business Math. Syempre, sino pa nga ba ang prof namin do'n?
Malamang si Ace na babaero! Babaero agad Jian? Napailing ako. Daig ko pa ang baliw
na kinakausap ang sarili ko gamit ang isip ko. "Miss Perez, pakibalik sa taas 'tong
laptop at projector. Sa office ulit ni Professor Lee, gagamitin n'ya raw," pahabol
ni Ma'am bago siya tuluyang lumabas sa room.

Na naman?
Chapter 32. Secret Duty

KEYCEE'S POV

Dala ko 'yong projector at laptop paakyat sa office ni Ace. Ayaw kasi akong samahan
ni Marian at Jezza dahil busy sila sa kanilang marites session.

Pagtapat ko sa pintuan, kumatok ako. Hinintay ko munang papasukin niya ako dahil
baka mamaya ay maabutan ko na naman siyang may kausap at mabwisit lang ako.

"Come in." Nang marinig ko na ang signal niyang 'yon ay tumuloy na 'ko sa loob.

Nakatingin siya sa 'kin pagpasok ko pa lang. Naiilang ako kaya ko nag-iwas ako ng
tingin at dumiretso sa table niya.

"Ito na po." Ipinatong ko ro'n ang dala kong bag ng laptop at projector.

"You know what, Miss Perez?" Sumandal siya sa swivel chair niya at nagdekwatro nang
binti habang nakatitig sa 'kin. Tiningnan ko naman din siya—sa mata rin. "May
kamukha ka talaga," dagdag niya.

Bigla akong kinabahan lalo na at magkalapit lang kami. Nasa harap lang kasi ako ng
table niya.

"Sino naman po?" I asked nervously. Umalis siya sa pagkakasandal at inabot 'yong
phone niya na nakapatong sa table. He tapped the screen several times na parang may
hinahanap. Oh, Gosh! Baka magpakita s'ya ng picture ko noon!

Biglang napangiti si Ace habang nakatitig sa phone n'ya. Nag-angat siya ng tingin
sa 'kin at sinabing, "Come here, I'll show you." Nagdalawang-isip naman ako kung
lalapit ba ako para tingnan ang sinasabi niya. Napalunok ako bago magdesisyong
humakbang at umikot sa gilid para makalapit sa kaniya nang husto, sa tabi ng upuan
niya. "She really looked like you," sabi niya habang nakatingin sa screen.

Biglang nag-init ang ulo, ilong at tainga ko nang makita ko ang picture ng isang
aso sa screen niya. Isang Shih Tzu.

"Are you kidding me, Professor Lee?" Tiningnan ko siya nang masama.

Tumingala siya sa 'kin para tingnan ako habang nakangiti. "No. For me, you really
looked like her. Her name is Keycee. She's so cute, don't you think?"

Hindi nakakibo. Keycee 'yong pangalan ng aso niya?

"Hindi po s'ya cute. Kapangit n'ya," I said, looking at his screen. Nawala naman
'yong ngiti niya dahil sa sinabi ko. "Masyadong malago 'yong buhok. Mukha pang
hindi naliligo. Siguro hindi rin naliligo 'yong amo n'yan?" biro ko pero seryoso
ang mukha ko.

"May nakita ka na bang Shih Tzu na kalbo, Miss Perez?" Halatang nainis siya sa
sinabi ko.

"Hindi pa po. Pero kung kakalbuhin n'yo po 'yan,...baka sakali." Ngumiti ako sabay
talikod sa kaniya 'tsaka na 'ko lumabas.

"Miss Perez!" sigaw niya sa 'kin pero hindi ko na siya pinansin at dumiretso na 'ko
papunta sa room.
Ipangalan ba 'yong pangalan ko sa aso, duh!

Pagbalik ko sa room ay agad napansin ni Jezza at Marian ang pagkainis ko. "Ano'ng
nangyari sa'yo, Jian?" tanong ni Marian pag-upo ko sa tabi nila.

"Wala," tipid kong sagot.

Maya-maya pa ay dumating na rin si Ace at sa 'kin siya agad unang tumingin pagpasok
pa lang niya sa pinto.

"Good afternoon, class!" bati niya sa 'min pero mga kaklase ko lang ang bumati
pabalik sa kaniya at napansin 'yon ni Ace. "Good afternoon, Miss Perez."
Naglingunan sa 'kin 'yong mga kaklase ko dahil sa pag-mention niya sa 'kin. "Sa
susunod na hindi ka bumati, minus five. Understand?"

"Y-yes, professor." Yumuko ako agad dahil nahihiya ako. B'wisit talaga siya kahit
kailan! Pati ba naman pagbati gagawin niyang big deal? Minus agad?

***

Isang linggo pa lang ang lumipas simula noong magtrabaho ako pero pakiramdam ko ay
bibigay na ang katawan ko sa hirap. Hindi kasi ako sanay sa ganito, hindi ako sanay
mapagod nang husto.

Tapos minsan nararanasan ko pa na halos wala akong nagiging tulog dahil 10:00pm ang
out ko sa café tapos pagdating sa bahay ay magre-review pa 'ko. Then, gigising
naman ako ulit nang alas singko ng umaga para pumasok sa pang-umaga kong part time.
Sobrang pagod na pagod na 'ko pero kailangan kong kayanin.

"Nandito na po ako." Dire-diretso ako papunta sa sala. Naupo ako sa couch at


nagtanggal ng sapatos. Sumandal ako at pumikit kahit hindi ko pa natatanggal ang
bag ko. Nakakapagod ang araw na 'to. I mean ang buong isang linggo ko.

"Anak, halika kumain ka muna bago matulog," narinig kong sabi ni mama pero hindi ko
na kinaya dahil sa sobrang antok kaya nakatulog na 'ko.

STEPHANIE's POV (KEYCEE'S MOTHER)

Nakatingin lang ako kay Keycee habang natutulog siya sa couch. Parang may mali yata
sa nangyayari sa kaniya. Medyo pumayat siya nang kaunti simula noong sinabi niyang
naging student assistant daw siya.

Umupo ako sa tabi niya at hinaplos ang malambot niyang buhok. Naisip ko tuloy bigla
si mama. Siguro kung hindi ko siya sinuway noon, maganda sana ang buhay ko ngayon.
Kaya ko sanang ibigay ang lahat ng kailangan ni Keycee.

Pero naisip ko, kung hindi ako sumuway noon, baka wala rin si Keycee sa 'kin
ngayon.

Ayaw kasi talaga ni mama sa asawa ko, sa papa ni Keycee. Halos ipinagtatabuyan niya
ang ang asawa ko noon kapag dinadalaw ako sa mansyon. Ang gusto kasi ni mama, mag-
asawa ako nang ka level namin, 'yong kapantay namin sa buhay at nagkataon naman
kasing mahirap lang ang papa ni Keycee. Pero hindi ko 'yon tiningnan, hindi ko
pinagbasehan ang katayuan niya sa buhay, basta ang alam ko mahal ko siya.

Kaya naman noong malaman ni mama na matagal na kaming magkarelasyon ay nagalit siya
sa 'kin. Sinabi niya sa 'kin na kung hindi ko hihiwalayan ang asawa ko ay lumayas
na lang ako sa mansyon, sa bahay namin. At noong mga panahon na 'yon
nakapagdesisyon ako na sumama sa taong mahal ko.

At sa matagal na pagsasama namin ay nabuo si Keycee, ang nag-iisa naming anak.


Tumira kami sa biyanan kong lalaki na matalik pa lang kaibigan ng lolo ni Ace.

Simula noon, hindi na kami nagkita ni mama. Hindi ko alam kung tuluyan na ba niya
akong itinakwil dahil sa ginawa ko. Hindi niya nga alam na nagkaanak na ako. At
hindi niya rin alam na kasal na ang nag-iisa niyang apo, at arranged marriage pa.
Sigurado akong magagalit si mama sa 'kin kung nandito lang siya. Baka sukdulang
kuhanin niya si Keycee dahil si Keycee lang ang nag-iisa niyang apo. At dahil ako
lang ang anak ni mama, lumalabas na si Keycee ang nag-iisa niyang tagapagmana—kung
hindi pa niya talaga ako itinatakwil bilang anak.

Kinuha ko ang backpack ni Keycee na nakasuot pa rin sa kaniya habang natutulog.


Inayos ko ang pagkakahiga niya sa couch para hindi siya mahirapan. Umupo ulit ako
sa tabi niya at tinitigan lang siya.

"I received one thousand ma'am..." Napakunot-noo ako sa sinabi niya. Nananaginip ba
s'ya? "Ito na po ang order n'yo..." Nagsalita ulit siya, na siyang ipinagtaka ko.

Kinuha ko ang bag niya at naisipan kong buksan. Inilabas ko ang isa niyang notebook
at binuklat 'yon, kasabay nang pagkahulog ng isang puting papel na nakatiklop sa
gitna.

Assessment form.

Naisip ko 'yon tingnan dahil doon nakalagay lahat ng fees niya sa school. Pati na
rin ang mga subject, kung ilang units, kung ano'ng room number at kung sino ang mga
professor. I scanned the whole paper at nagulat ako noong mahagip ng mata ko ang
pangalan ni Ace, ang asawa ng anak ko.

Tiningnan ko si Keycee at tulog na tulog pa rin siya.

Ibig sabihin ang university na pinapasukan niya ay ang university rin kung saan
nagtuturo ngayon si Ace? At professor niya pa sa isang subject? Bakit kaya hindi
niya sinabi sa 'kin ang tungkol sa bagay na 'to? Bakit hindi niya sinabing nagkita
na pala ulit sila ni Ace?

KEYCEE/JIAN'S POV

Pagkatapos ng trabaho ko na pang-umaga nagbihis na agad ako ng uniform at pumasok


sa school. Naabutan ko si Marian at Jezza na nasa loob na ng room.

"Kanina pa kayo?" Tumabi ako sa kanila pero parang hindi nila ko narinig,
nagkukuwentuhan pa rin sila. At dahil pagod ako kaya hindi na lang ulit ako
nagsalita. Ni-rest ko na lang ang ulo ko sa mesa ko para matulog habang wala pa ang
professor namin.

Naglalakad ako habang dala 'yong tray ng pagkain para dalhin sa taong umorder, kaso
may nakabunggo sa 'kin kaya naman nadapa ako. At ang masaklap pa naitapon ko sa
babaeng customer 'yong pagkain na nasa tray at sobrang nagalit s'ya sa nangyari.

"My gosh! Are you blind?! Tingnan mo ang ginawa mo sa 'kin!" Inis niyang pinapagpag
ang damit niyang natapunan ng pagkain.

"Sorry po. Hindi ko sinasadya." Tumayo ako at kumuha ng tissue. "Sorry po talaga."
Pupunasan ko sana 'yong damit niyang narumihan kaso tinabig na niya ang kamay ko.

"Don't touch me!" Umecho 'yong pagsigaw niya sa 'kin sa loob ng café. Pakiramdam ko
maiiyak ako dahil sa pagkapahiya. "Nasa'n ba ang manager mo at sasabihin kong
sisantihin ka na lang dahil sa katangahan mo!"

"Huwag naman po. Nag-sorry naman po ako sa inyo at hindi ko naman po talaga
sinasadya." Hindi na niya ako pinakinggan kahit ano pa'ng paliwanag ang ginawa ko.

Isinumbong niya pa rin ako sa manager namin kaya ipinatawag agad ako sa office. At
dahil nga ro'n—goodbye café.

"Jian? Jian?" Nagising ako sa dahan-dahang pagtabig ni Jezza sa braso ko, at laking
pasalamat ko na panaginip ko lang pala ang pagkaalis ko sa trabaho. Kinusot ko ang
mata ko sabay taas ng kamay para mag-inat. Pero natigilan ako nang makita kong
nakatayo pala si Ace sa harap ko. Kaya pala ako ginising ni Jezza dahil sa kaniya.

"Good morning, Perez," Ace said in a cold voice. Dahan-dahan kong ibinaba 'yong mga
kamay ko na iniunat ko kanina. Si Ace naman ay naglakad na papunta sa harap. "Isa
sa mga ayaw ko ay ang mga estudyanteng natutulog sa klase ko." Akala ko pa naman
okay na, hindi pala. Paparinggan pa pala niya ako. Bumaling siya sa 'min noong nasa
harapan na ulit siya 'tsaka niya kami tiningnan isa-isa. "Kung matutulog lang kayo
rito sa school, mabuti pa na 'wag na kayong pumasok. Sa bahay n'yo na lang kayo
matulog!" His gaze turned to me. "Pero sa bahay n'yo rin kayo manghingi ng grades!"
he added. Grabe, wala pa pala s'yang ipinagbago. Istrikto pa rin siya katulad dati.
Inirapan ko siya bigla dahil sa inis ko, pero malas kasi noong umirap ako ay agad
niya 'yon nakita. "Perez, did you just roll your eyes?"

"Hindi po. Kumurap lang po ako."

"Minus five ka sa quiz natin next meeting." Nagulat ako sa sinabi niya. Nang dahil
lang do'n minus five agad ako? Dahil sa inis ko, hindi ko namalayang nairapan ko
ulit siya. "Another minus five."

"Professor Lee!" Napatayo na ako sa upuan dahil sa inis.

"Your attitude—another minus five." Tiningnan ko siya nang masama at hindi niya rin
inalis ang tingin niya sa 'kin. So, minus fifteen na 'ko? "Stop looking at me like
that or you'll get another minus five."

"Umupo ka na nga, Jian!" mahinang saway sa 'kin ni Marian at hinila na nila ako
paupo.

Napayuko na lang ako habang nakasimangot. Ayoko na lang siyang tingnan baka kasi
mairapan ko ulit siya at maging minus twenty na 'ko. Paano na lang kung maka-zero
ako sa quiz next meeting? Edi magkakautang pa ko sa kaniya ng fifteen points?
Galing n'ya!

***

Pagkatapos ng last subject namin, lumabas na kami sa room. "Uwi na tayo," aya ni
Marian.

"Mauna na lang ulit kayo." Huminto sila sa paglalakad at lumingon sa 'kin dahil sa
sinabi ko.

"Alam mo Jian, nakakahalata na kami ni Jezza sa'yo. Bakit ba hindi ka na sumasabay


sa 'min umuwi? Siguro may katagpo ka lagi, hano?"

"Kaya nga. Kahit sa pagpasok hindi ka na rin sumasabay," Jezza agreed. "May sugar
daddy ka ba na tinatago sa 'min?"
"Wala, 'no!" Lumapit ako sa kanila at kumapit sa tig-isa nilang braso. "Huwag na
kayong magtampo. May importante lang akong ginagawa."

"Hindi naman kami nagtatampo. Nagtataka lang kami kung saan ka nagpupunta
pagkatapos ng klase. Hindi ka rin sumasabay sa 'min kapag papasok. Ano ba'ng
pinagkakaabalahan mo?" usisa ni Marian.

"At saka medyo pumayat ka pa. Nagdi-diet ka ba? Ang laki na rin ng eyebags mo,"
puna naman ni Jezza. "Mukha ka ng taong panda."

"Oo, nagdidiet ako," sagot ko na lang sa kanila sabay ngisi. Pero halatang hindi
sila naniniwala.

"Alam mo Jian, hindi mo naman kailangan itago sa 'min kung may problema ka.
Makikinig naman kami sa'yo. Para saan pa at naging kaibigan mo kami?" Medyo
naluluha ako dahil sa sinabi ni Marian. Grabe, balak ba nila akong paiyakin ngayon?

"Punasan mo nga 'yang luha mo! Ang pangit mo kapag umiiyak." Inabutan ako ni Jezza
ng panyo dahil hindi ko namalayang naiyak na pala ako. Na-touch kasi ako sa kanila.

"So, ano? Magkukwento ka na ba?" tanong ni Marian.

Umiling naman ako. "Hindi ako magkukuwento, pero kung gusto n'yo talagang malaman
ang nangyayari sa 'kin, sumama na lang kayo."

"Sumama saan?" sabay nilang tanong habang nakakunot ang noo.

MARIAN'S POV

Pumunta kami sa isang café. Naunang pumasok si Jian kaya naman sumunod kami.
Actually, wala kaming idea kung bakit kami narito. Pero magta-thank you na lang ako
kung sakaling ililibre niya kami ni Jezza. Mukhang mahal pa naman sa lugar na 'to.

"Sa'n ka pupunta?" tanong ko kay Jian. Hindi niya ako sinagot, nag-smile lang siya
tapos naglakad na at pumasok sa isang pinto. Naupo naman kami ni Jezza at hinintay
siyang lumabas.

Paglabas niya, nakita namin na iba na ang suot niya. Naka-uniform siya na katulad
ng suot no'ng ibang nagtatrabaho sa café at dumiretso agad siya sa cashier section
at umupo sa medyo mataas na stool. Nagkatinginan kami ni Jezza bigla.

"Nagtatrabaho s'ya rito?" tanong namin sa isa't-isa. Binalik namin ang tingin kay
Jian at nakangiti naman siya sa 'min.

Kaya naman pala hindi na siya sumasabay sa 'min pag-uwi sa hapon kasi dito pala
siya dumidiretso. Pero bakit naman siya nagtatrabaho? Kailangan niya ba ng pera?
'Yan ang aalamin namin mamaya.

KEYCEE'S POV

"Gising na," tinapik ko si Marian at Jezza sa braso at mabilis naman silang


nagising.

Lumingon sila sa paligid bago nila ako tingnan. "Ano'ng oras na?" tanong ni Marian.

"10pm," sagot ko naman.

"Ha? E, bakit ngayon mo lang kami ginising?" bahagya pang nataranta si Jezza. Agad
na silang tumayo at inayos ang bag nila.
"Ganitong oras kasi ang out ko." Lumabas na kami ng café at sabay-sabay naglakad.

"Ganitong oras ang tapos ng trabaho mo? And then, pagdating mo sa inyo ano'ng
ginagawa mo?" tanong ni Jezza.

"Nagre-review."

"Tapos anong oras ka natutulog?" usisa naman ni Marian.

"Minsan ala-una, minsan alas dos."

"Walang duda! Kaya ka siguro laging late pumasok sa tanghali kasi tanghali ka na
rin nagigising!" sabi ni Jezza.

"Mali kayo. Maaga akong gumigising. Ang totoo n'yan, alas singko pa lang ng umaga,
gising na 'ko."

"E, bakit late ka pa rin lagi sa first period natin?" Marian.

"Kung gusto n'yong malaman, gumising kayo ng alas singko bukas. Abangan n'yo 'ko sa
sakayan, sabay-sabay tayong pupunta sa katotohanan." Nagtinginan sila saglit bago
ibalik ang tingin sa 'kin.

***

Nakauwi na 'ko sa bahay namin at gano'n din sila Jezza at Marian.

"Dito na 'ko, ma," sabi ko habang papasok sa loob. Nakita ko si mama na nakahiga sa
couch at natutulog. Mukhang nakatulog na naman siya sa kahihintay sa 'kin. Lumapit
ako at humalik sa noo niya. Nagising naman siya dahil sa ginawa ko.

"Oh anak, kararating mo lang?"

"Opo, ma."

"Kumain ka na ba?"

"Hindi pa nga po, e."

"Halika na sa kusina kumain ka muna, ipaghahanda kita." Tumayo si mama at pumunta


sa kusina kaya sinundan ko siya.

"Ma, kapag wala pa 'ko at inaantok ka na, matulog ka na sa kwarto mo kaysa dito ka
natutulog. Hindi mo naman ako kailangan hintayin hanggang ganitong oras."

"Okay lang anak, 'tsaka ngayon lang naman ako nakatulog sa paghihintay sa'yo."
Inilapag na niya 'yong pagkain sa harap ko. "Kumain ka nang marami para magkalaman
ka ulit nang kaunti, ang payat mo na." Umupo si mama sa tabi ko at siya ang
naglagay ng kanin sa plato ko. Sinabayan na rin niya akong kumain para raw ganahan
ako.

Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na 'ko kay mama at pumunta sa kwarto ko. Nag-
shower ako saglit at nagbihis para naman mag-review.

Pero sobrang antok na antok na 'ko. Pakiramdam ko babagsak na 'yong mga mata ko.

"Hindi Jian, hindi ka p'wedeng matulog! Mag-review ka muna!"


Umiling-iling ako para mawala 'yong antok ko tapos sinimulan ko na ulit ang pagso-
solve. Business Math kasi ang nire-review ko. Kailangan may maisagot ako sa quiz
namin next meeting dahil minus fifteen ako. B'wisit kasi si Ace!

***

Kinabukasan maaga na naman akong gumising. Tulad nang dati nag-aalmusal muna ako
bago umalis para hindi ako magutom sa trabaho ko na pang-umaga.

Pagkatapos kong kumain nagpaalam na agad ako kay mama at naglakad papunta sa
sakayan.

Medyo malayo pa lang ako ay tanaw ko na si Jezza at Marian.

"Tara na," sabi ko sa kanila paglapit ko. Sumakay na kami sa jeep. Si Jezza ang
nagbayad ng pamasahe naming tatlo. Noong malapit na kami, pinahinto ko na 'yong
jeep at bumaba na 'ko. Sumunod naman sila sa 'kin.

"Ba't tayo narito?" tanong nila. Gaya kahapon hindi ko muna sila sinagot. Hinayaan
ko lang silang sumunod sa 'kin para makita nila ang ginagawa ko.

JEZZA'S POV

Narito kami ngayon sa isang kainan. Para siyang canteen pero mas sosyal nang kaunti
kumapara sa mga canteen na nasa tabi-tabi lang. At ngayon nakaupo kami ni Marian
habang pinapanood si Jian sa pagse-serve ng mga pagkain sa customer.

"Grabe, ang sipag ng friend natin. I'm so proud..." bulong ni Marian sa 'kin.
Napatango na lang ako.

"Pero bakit naman n'ya 'to ginagawa? Naghihirap na ba sila?" tanong ko pero kay
Jian pa rin kami nakatingin.

"Hindi ako sanay na makita s'yang nagtatrabaho. Kung iisipin parang napaka-
imposibleng magtrabaho ang isang tulad n'yang tamad," litanya ni Marian.

"Hindi na s'ya tamad. Nagbago na s'ya. Kita mo, oh, trabaho sa umaga, pasok sa
tanghali tapos trabaho ulit sa gabi."

STEPHANIE'S POV

Sinasabi ko na nga ba at may mali talaga kay Keycee. I mean kay Jian. Sobra na
akong nacurious kaya naman sinundan ko siya ngayong umaga sa pag-alis niya. At
hindi sa school ang punta niya kun'di sa isang canteen. Nagtatrabaho siya nang
hindi niya sinasabi sa 'kin.

Tanghali na noong lumabas sila ng mga kaibigan niya sa canteen kaya naman palihim
ko ulit na sinundan kung saan sila susunod na pupunta. Pero nakasuot na sila ng
uniform kaya alam kong sa school na sila didiretso.

Pero kailangan ko pa rin bantayan si Jian para alam ko kung totoong 10pm ang out
niya sa library.

Saktong 4pm noong matanaw kong lumabas si Jian sa main gate ng school nila kasama
ang dalawa niyang kaibigan na si Marian at Jezza.

"Una na kami, ingat ka sa pag-uwi mamaya," paalam ni Keycee sa dalawa. Nagsalubong


ang kilay ko nang umalis ang dalawa nang hindi siya kasama dahil iba ang direksyon
niya.
Sinundan ko ulit siya kung saan man siya pupunta. At nakita kong pumasok siya sa
isang café. Kahit nasa labas ako nakikita ko pa rin siya sa loob dahil malinaw na
salamin ang harap ng café. At nakikita ko kung ano'ng ginagawa niya ro'n sa loob.
Ngayon, alam ko ng nagsisinungaling siya sa 'kin.

Awang-awa ako sa anak ko habang pinapanood ko siya. Hindi p'wedeng ganito. Bugbog
ang katawan niya sa trabaho tapos nag-aaral pa siya.

Hawak ko ang cell phone ko at agad kong naisip si Ace.

Alam kong siya lang ang makakatulong sa 'kin. Pero paano?

Chapter 33. Hug & Kiss

KEYCEE'S POV

"Good evening, sir. Ano po'ng order n'yo?" narinig kong sabi ni Mae, kasama ko sa
café. Siya ang in charge sa pagkuha ng mga order ng customer at sa akin naman
magbabayad ang mga ito.

Noong nagsalita na 'yong lalaki, napalingon agad ako.

Si Ace.

"Sa counter na lang po," sabi ni Mae sa kaniya. Lumapit naman siya sa 'kin at
mukhang hindi rin makapaniwalang nagtagpo na naman kami.

"Perez?"

"Yes po?" Ngumiti ako nang bahagya dahil sa ngayon ay kailangan ko s'yang itrato
bilang customer.

"What are you doing here?"

"Part time po."

"Oh, I see." Tumango siya at iniabot na sa 'kin ang card niya. Nang kuhanin ko
'yon, saglit akong natigilan dahil napansin ko na iyon ang black card na pinahiram
niya sa 'kin dati. "Is there any problem?" Natauhan ako sa tanong niya kaya agad na
ulit akong kumilos.

"Thank you for coming, sir. Please come again..." sabi ko nang maiabot ko na ulit
'yong card niya.

"Sure," binigyan niya 'ko nang isang malapad na ngiti bago tuluyang umalis.

Hindi ko naman talaga gustong pabalikin siya. Kailangan lang kasi naming sabihin
ang salitang 'yon sa lahat ng customer namin.

STEPHANIE'S POV

Dumating na si Jian, dumiretso siya sa 'kin at humalik sa pisngi ko. Hindi ko alam
kung magagalit ba 'ko sa kaniya dahil sa pagsisinungaling niya sa 'kin o maaawa
dahil alam kong nahihirapan siya.

"Kumain ka na, ma?"

"Jian, anak?"

"Yes, ma?" Umupo siya sa tabi ko at hinubad ang suot niyang sapatos.

"Kumusta ka sa school? Hindi ka ba nahihirapan?" Kapag sinabi niyang nahihiarapan


siya, mapipilitan akong gawin ang bagay na alam kong hindi niya magugustuhan. Pero
wala akong pakialam, ang mahalaga maging normal ulit ang buhay niya.

"Medyo po. Ang hirap kasi 'pag inaabot nang gabi sa library. Nakakaantok pero hindi
p'wedeng matulog."

Tiningnan ko siya. Kahit naman kasi hindi ko tanungin bakas naman sa itsura niya na
hirap siya.

KEYCEE'S POV

Niyakap bigla ako ni mama. "Anak..."

"Ma?"

"Sorry, ha?"

"Para saan naman po?"

"Alam kong nahihirapan ka na. 'Wag kang mag-alala, babalik ka na sa dati. Hindi mo
na kailangan magtrabaho sa school mo kapalit ng scholarship. Simula bukas hindi ka
na papasok nang maaga at hindi ka na rin uuwi nang sobrang gabi." Bumitaw ako kay
mama at tiningnan siya.

"Talaga po, ma?" Hindi ko maitago ang saya ko dahil sa sinabi niya. Tumango naman
siya sa 'kin kaya agad akong yumakap sa kaniya.

Pagkatapos kong kumain ay umakyat agad ako sa kwarto ko. Naligo ako at nagbihis ng
pantulog. Pagkatapos kong i-blow dry ang buhok ko, nahiga na agad ako sa kama.
Babawi ako ng tulog ngayon dahil sa sinabi ni mama na hindi ko na kailangan
gumising nang maaga bukas para magtrabaho.

***

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Akalain mong sinikatan
ako ng araw sa higaan. Samantalang noong mga nakaraang linggo, wala pa'ng araw ay
umaalis na 'ko sa bahay.

Bumangon na agad ako at dumiretso sa banyo. Naligo muna 'ko at nagbihis bago
lumabas sa kwarto ko.

Pagbaba ko, pumunta agad ako sa kusina.

"Mama?" tawag ko pero walang sumasagot. "Ma?" I called again. "Ma?" and again.

"Oh anak, bakit? May kausap lang ako sa landline kanina. Kumain ka na ba?"

"Hindi pa ma, kagigising ko lang po. Sino naman po 'yong kausap niyo kanina?"

"Wala 'yon anak. Halika na, kumain na tayo. Hinintay talaga kitang magising para
sabay tayong makakain."

***

Bago ako pumasok sa school, dumaan muna ako sa canteen na pinagtrabahuhan ko para
magpaalam nang maayos. Ibinigay na rin nila ang sweldo ko sa mahigit isang linggo.
At mamaya magpapaalam na rin ako sa café. Ang saya naman.

Pero teka? Hindi ko nga pala natanong si mama kung bakit hindi ko na kailangan
'yong scholarship, kahit na wala naman talaga akong scholarship.

Saan naman kaya siya kukuha ng pera para sa pag-aaral ko? 'Di bale na nga, mamaya
ko na lang itatanong 'yon sa kaniya pag-uwi ko.

ACE'S POV

"Prof Lee," tawag sa 'kin ni Ma'am Salvador, co-teacher ko. Nilingon ko siya at
agad naman siyang lumapit sa 'kin. "May babaeng naghahanap sa'yo kanina pa, nasa
office mo siya hinihintay ka."

"Sige ma'am, thank you." Nagmadali na agad akong pumunta sa office ko. Sino naman
kaya ang naghahanap sa 'kin?

Binuksan ko 'yong pinto ng office ko at saktong pagbukas ko 'tsaka naman humarap sa


'kin ang isang magandang babae na kamukha ng asawa ko.

"M-mama?"

"Ace." Tumayo siya at lumapit sa 'kin. Niyakap niya 'ko pero agad din siyang
bumitaw. "Kumusta ka na?" Oo, siya ang mama ni Keycee. Pero ano'ng ginagawa niya
rito? Ang tagal ko siyang hindi nakita.

"Upo po kayo," I said as I closed the door para may privacy kami kung ano man ang
dahilan ng pagpunta niya rito. Umupo ulit siya at gano'n din ang ginawa ko.
Magkaharap kami ngayon at tahimik lang.

"Kumusta ka na?" tanong niya ulit sa 'kin pagkatapos nang mahabang katahimikan.

"So far, okay naman po. Kayo, kumusta na?" She sighed and looked down on her
finger. Mukhang may problema siya.

"Sorry, Ace," she said quietly.

"Sorry for what, ma?" I asked but she didn't say a word. Instead, she cried. "Bakit
po kayo umiiyak?"

"Nagsinungaling ako Ace, and I'm so sorry for that." Patuloy pa rin siya sa pag-
iyak habang nakayuko. Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Kung bakit siya biglang
pumunta rito at ngayon umiiyak na siya sa harap ko. "I'm sorry for being selfish,
Ace." Hinawakan niya 'yong kamay ko at patuloy siya sa paghingi ng tawad.

"Hindi ko po kayo maintindihan," I told her. Binitawan niya ang kamay ko at


binuksan ang bag niya. May kinuha siyang papel at iniabot sa 'kin. Binuklat ko
'yong puting papel na nakatiklop at tiningnan.

Assessment form.

"Para saan po—" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang mabasa ko ang pangalan ng
may-ari ng assessment form na ibinigay niya.
Perez, Jian.

Tiningnan ko si mama at mukhang may clue na 'ko sa pagpunta niya rito.

"Nakita ko 'yan noong tiningnan ko 'yong bag ni Jian. Nakita ko 'yong pangalan mo.
Nagulat ako kasi isa ka pala sa mga professor n'ya." Pinunasan ni mama 'yong luha
niya. "Sorry kung nagsinungaling ako sa'yo, Ace. Sorry kung sinabi ko na wala na
ang anak ko noon. Sorry kung inilayo ko siya sa'yo. Sorry kung inilayo ko ang asawa
mo sa'yo."

A tear fell from my eyes. Alam ko na ang nangyayari. At alam ko na rin kung nasaan
si Keycee. Narito siya sa department ngayon at makikita ko siya mamaya.

"Bakit n'yo po 'yon nagawa?" Yumuko ako dahil ayokong makita ni mama na umiiyak na
rin ako. Hindi maganda na lumuluha ang isang lalaking tulad ko, pero hindi ko
mapigilan. Tears of joy ba 'to dahil nakita ko na si Keycee?

"Si Keycee ang may gusto ng bagay na 'yon, Ace. Siya ang may gusto na lumayo.
Sinuportahan ko lang s'ya dahil alam kong 'yon ang gusto niya at dahil natakot din
ako na baka masaktan mo ulit s'ya." Masaktan?

Oo nga pala, nasaktan ko siya noon. Hindi man physical pero emotional. Alam kong
masasakit ang sinabi kong salita noon sa kanya noong nalaman kong siya ang dahilan
kung bakit namatay ang mommy ko. Dumating pa sa point na nasabi ko sa kaniya na
dapat ay siya na lang ang nawala. Pero pinagsisihan ko rin naman 'yon.

"Kung s'ya po ang may gusto na iwan ako, bakit n'yo po ito ginagawa ngayon?"
Nakayuko pa rin ako dahil may luha pa rin sa mata ko.

"Dahil nahihirapan na 'ko, Ace. At alam kong nahihirapan na rin si Keycee. Hindi
s'ya 'yong tipo ng tao na gigising nang maaga para lang magtrabaho at matutulog
nang madaling araw dahil sa pagre-review. Hindi s'ya 'yon Ace, alam mo 'yan dahil
matagal mo rin s'yang nakasama noon. Pero nagagawa n'ya na ang bagay na 'yon
ngayon. At natatakot ako dahil baka magkasakit siya sa ginagawa n'ya. Last year
lang s'ya inoperahan. Kung tutuusin bawal pa sa kaniya ang mapagod nang husto. Alam
mo naman kung ano ang naging sitwasyon n'ya dati."

Naalala ko tuloy noong makita ko s'ya sa isang café at sinabi n'yang part time job
n'ya 'yon.

"Ano po'ng gusto n'yong mangyari, mama?" I wiped my tears and looked up at her.

"Alam kong nakakahiya ang gagawin ko Ace, pero ikaw lang ang malalapitan ko. Hindi
na kasi kaya ng savings naming mag-ina ang pag-aaral n'ya kaya...gusto ko sanang
humingi ng tulong sa'yo. Alam kong nakakahiya itong ginagawa ko, pagkatapos ko
s'yang ilayo sa'yo, ngayon narito ako para humingi ng tulong. Pero wala na 'kong
ibang p'wedeng lapitan. Ikaw lang...Ace."

"No, ma. It's okay. She's still my wife after all. I'm willing to do anything for
her."

KEYCEE'S POV

Masaya kaming nagkukwentuhan nila Marian at Jezza sa loob ng room. Sinabi ko na rin
sa kanila na hindi na 'ko magtatrabaho kaya makakauwi at makakapasok na kami nang
sabay-sabay. Makakagala na rin kami kapag gusto namin.

Mabilis lang natapos ang pagdi-discuss ni ma'am at dahil mabilis din ang oras kaya
next subject na.

"Jian, pakibalik ulit sa taas itong projector at laptop," utos sa 'kin ni ma'am
bago siya tuluyang lumabas.

"Favorite kang utusan ni ma'am, 'no?" natatawang sabi ni Marian.

"Maganda kasi ako kaya ako lang ang napapansin n'ya." Natawa naman silang dalawa ni
Jezza. Lumabas na 'ko sa room dala 'yong projector at laptop para dalhin sa faculty
room.

Noong naroon na 'ko sa taas, biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Jian!" Lumingon ako at nakita kong palapit si Ace. Kalalabas n'ya lang sa comfort
room ng faculty at basa ang mukha niya, halatang kahihilamos. "Do'n mo 'yan dalhin
sa office ko," sumenyas siya sa bagay na dala ko kaya tumango agad ako.

Naglakad ako papunta sa office n'ya at ipinatong sa desk niya ang mga dala ko.

Paalis na sana ko nang may makita akong papel sa mesa niya at nagtaka ako bigla.

Perez, Jian.

"Bakit narito ang assessment form ko?" tanong ko sabay kuha sa papel na 'yon.

Sa 'kin nga 'tong assessment form. Pero bakit naman napunta rito? Ang alam ko
nakaipit 'to sa notebook ko. Hindi kaya nailaglag ko at napulot ni Ace?

Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto kaya napalingon ako agad, at nagtaka
ako dahil bigla niya 'yon ni-lock.

Bakit n'ya ni-lock, e, narito pa 'ko?

Tiningnan ko siya at mata niya agad ang napansin ko. Bahagya 'yon namumula. Umiyak
ba siya?

Lalo akong kinabahan dahil sa tingin na ibinibigay niya sa 'kin ngayon.

Kinuha niya 'yong phone niya at parang may hinahanap. Ilang sandali pa, humakbang
siya palapit sa 'kin at iniharap sa 'kin ang screen. Nakita ko 'yong picture ko
dati.

"She's my wife and you really looked like her," nanginginig 'yong boses niya sa
hindi ko malamang dahilan.

"Prof Lee...m-may klase pa po ak—" he didn't let me finish my sentence at bigla na


lang niya akong niyakap. Hindi lang basta yakap, kun'di isang mahigpit na yakap na
sobra kong kinasabikan at palagi kong gustong maramdaman.

Hindi ako nakakilos dahil feeling ko maiiyak na rin ako. At kahit gustuhin ko man
na itulak siya—parang nagtataksil ang katawan ko dahil hindi ko 'yon magawa.

"I'm your husband, Ace Lee," bulong niya sa 'kin na naging dahilan para muli kong
maalala 'yong nilagay ko sa sulat ko noong bago ako operahan.

At kung sa mga susunod na panahon, kung sakaling magkita ulit tayo at hindi na kita
kilala, p'wede bang yakapin mo 'ko nang mahigpit at ibulong mo sa 'kin kung sino
ka? Promise, kahit hindi kita kilala, yayakapin kita.
Gusto ko siyang yakapin pabalik. God knows how much I wanted to hug him right now,
right here, pero natatakot ako.

"P'wede bang kahit ngayon lang isipin ko na ikaw s'ya? Miss na miss ko na kasi
s'ya," bulong niya ulit. 'Wag kang gan'yan Ace! Ayokong umiyak sa harap mo ngayon!
Ayoko! Hindi p'wede! Bigla siyang bumitaw sa pagkakayakap sa 'kin at tiningnan ulit
ako sa mata. At parang kinukurot ang puso ko noong makita kong medyo basa na ang
mata niya. "Sa tingin ko mababaliw ako kapag hindi ko pa 'to ginawa ngayon. I'm
sorry, Jian." Pagkasabi niya no'n, hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko, yumuko
siya at saka ako biglang hinalikan.

Chapter 34. The Picture

KEYCEE'S POV

Hindi ako makakilos. My body got frozen. Hindi ko man lang siya magawang itulak at
'yon ang ikinaiinis ko sa sarili ko. He's kissing me while I do nothing. Pakiramdam
ko rin ay biglang sumanib sa 'kin si Keycee dahil parang gusto ko rin siyang
halikan pabalik— pero hindi p'wede. Pagiging marupok in this kind of situation is a
BIG NO!

After so many years ay nagawa ko na rin siyang itulak. 'Yong mata niya medyo
namumula at parang gusto niyang maiyak.

"P-Professor Lee," nauutal kong sabi. Pero bigla ulit niya akong kinabig palapit
para yakapin.

"Pumikit ka. Isipin mo na lang na nababaliw ako dahil sa mga sasabihin ko. Pero
hindi ko na kasi talaga kayang sarilinin na lang 'yong nararamdaman ko." Hindi ko
alam kung bakit hindi ako makapagsalita ngayon, at gaya nang sinabi niya pumikit
ako, at sa pagpikit ko alam kong may pumatak na luha sa mata ko. "Keycee..." he
said softly. Mas lalo rin humigpit ang yakap niya, tipong takot na siyang bitawan
ako.

Ace.

"Keycee..."

Ace.

"I missed you so much."

Miss na rin kita.

"Sorry sa lahat ng nagawa ko sa'yo noon. Hindi ako nag-isip, nagpadala ako sa galit
ko. Hindi ko naisip na nasaktan na pala kita nang sobra...patawarin mo 'ko."
Pakiramdam ko ako ulit si Keycee ngayon dahil sa mga sinasabi niya. "Keycee...mahal
na mahal kita. Higit pa sa buhay ko, higit pa sa mga bagay na mayro'n ako." Tinulak
ko siya bigla 'tsaka ako dali-daling tumakbo palabas. Ayokong makita niyang umiiyak
ako kasi baka makahalata siya na ako nga si Keycee.

Dumiretso agad ako sa classroom at kinuha 'yong bag ko. Tinanong pa 'ko ni Marian
at Jezza kung saan ako pupunta pero nagmadali na akong tumakbo paalis. Hindi na ako
pumasok sa mga susunod na klase.
Nagpunta ako sa isang park, at sakto namang walang tao sa pwesto ko kaya doon ako
umiyak nang umiyak.

Miss na miss ko na rin siya. Gusto ko rin siyang yakapin nang mahigpit kanina. I
also wanted to kiss him back pero hindi p'wede.

Ayoko pa. Hindi pa 'ko handa na maging si Keycee ulit. Lalo na ngayong pakiramdam
ko ay nakabangon na 'ko mula sa pagkakadapa, ayoko ng mangyari ulit 'yon dahil baka
sa susunod na madapa ako ay hindi na 'ko makabangon pa.

ACE'S POV

Sinundan ko agad si Keycee noong makita ko na tumatakbo siya palabas ng building.


Hindi na 'ko gumamit ng kotse at naglakad na lang din. Wala akong pakialam kung
hindi ko mapasukan ang time ng klase ko mamaya. Mas importante si Keycee.

Huminto siya sa isang park. Walang tao sa paligid niya kaya nagawa niyang umiyak
nang umiyak. Medyo malayo naman ako at nakatanaw lang sa kaniya. Mas lalo kong
napatunayan ngayon na siya talaga ang asawa ko. Hindi naman kasi siya iiyak nang
gan'yan kung hindi nga siya si Keycee. Idagdag pa ang pag-amin ng mama niya.

Nalulungkot akong makita siyang umiiyak pero at the same time hindi ko maitago ang
saya na malamang buhay siya. Ang akala ko talaga wala na siya. Hindi ako
makapaniwala na may chance pa pala na makasama ko ulit siya.

At ngayong nakita ko na siya...hindi na 'ko papayag na magkahiwalay pa ulit kami.


Kahit na maging stalker niya pa 'ko ay okay lang sa 'kin basta lagi ko siyang
makikita kahit saan man siya pumunta.

Noong natapos siyang umiyak ay agad na rin siyang tumayo at umalis. Sinundan ko
siya nang palihim hanggang sa makauwi siya sa kanila. Sinabi na rin kasi sa 'kin ni
Mama Steph ang address nila.

Nakatanaw lang ako sa kaniya habang papasok s'ya sa gate. Noong makapasok na siya,
doon pa lang ako umalis para bumalik sa school.

KEYCEE'S POV

Dumiretso agad ako sa kwarto ko at ini-lock ang pinto. Humiga ako sa kama at
niyakap ang unan ko.

Naalala ko 'yong pagyakap sa 'kin ni Ace kanina. Noong niyakap niya 'ko, pakiramdam
ko safe na 'ko at hindi na ulit masasaktan pa. Pakiramdam ko ayoko nang humiwalay
ulit sa kan'ya, at pakiramdam ko kulang na 'ko kapag bumitaw s'ya sa 'kin.

Pati 'yong mga sinabi niya ay bumalik rin sa isip ko.

"Pumikit ka, isipin mo na lang na nababaliw ako dahil sa mga sasabihin ko. Pero
hindi ko na kasi talaga kayang sarilinin na lang 'yong nararamdaman ko."

"Keycee..."

"I missed you so much."

"Sorry sa lahat ng nagawa ko sa'yo noon. Hindi ako nag-isip. Nagpadala ako sa galit
ko. Hindi ko naisip na nasaktan na pala kita nang sobra...patawarin mo 'ko."

"Keycee...mahal na mahal kita. Higit pa sa buhay ko. Higit pa sa mga bagay na


mayro'n ako."

Pakiramdam ko tuloy parang gusto kong maging si Keycee ulit.

Kaso...tuwing maaalala ko naman kung paano ako nasaktan noon, nakakaramdam ulit ako
ng takot. Tuwing babalik sa 'kin ang sakit na naramdaman ko noon parang ayoko na
ulit siyang makita.

Hindi ko namalayang bumagsak na ulit ang luha ko. Bakit ba kasi ganito ang
nararamdaman ko?

Ang hirap ng ganito, dahil pakiramdam ko 'yong gustong gawin ng puso ko—ayaw naman
ng isip ko.

Pero alam kong ito ang tama. Ang hindi na lang ulit kami maging katulad nang dati.
Sapat na sa akin na marinig ang paghingi niya ng tawad kanina dahil nasaktan niya
ako noon. Pero gaya ng sabi ko rin sa kaniya noon, kahit na patawarin niya ako—
hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa nagawa ko sa mommy niya.

STEPHANIE'S POV

Nasa tapat ako ng kwarto ni Keycee, balak ko sanang kumatok pero natigilan ako nang
marinig ko siyang umiiyak. Dahil kay Ace siguro.

Naisipan ko na hindi muna siya istorbohin kaya umalis na lang ako.

Ayoko naman kasi talaga sanang lumapit kay Ace para sabihin ang totoo at humingi ng
tulong. Pero ako naman ang nahihirapan sa sitwasyon niya. Hindi naman p'wedeng
umuwi ako sa amin para kay mama humingi ng saklolo. Hindi naman kasi niya alam na
may apo na siya.

Papunta ako sa kusina para sana kumuha ng tubig noong marinig ko na tumunog ang
landline namin na nasa salas kaya bumalik ako para sagutin 'yon.

"Hello?" bungad ko sa taong tumawag, at gano'n na lang ang gulat ko nang marinig ko
ang boses niya.

"It's nice to hear your voice after so many years...my daughter."

"M-mama?"

"I'm glad, you still know the word mama, iha."

Goodness! I missed my mom! How I wish I can hug her right now. Kahit na naging
masungit siya sa 'kin noon, namiss ko pa rin siya.

"Paano n'yo 'ko nakontak?" ang tanging lumabas sa bibig ko.

"I missed you too, iha." Medyo naging sarkastika siya. "Hindi mo man lang ba
kukumustahin ang mama mo na matagal mong hindi nakita at nakausap?"

Sasagot pa ulit sana 'ko nang biglang sumulpot si Keycee sa likuran ko kasabay nang
pagtawag niya sa 'kin.

"Mama." Kinabahan ako at hindi nakakibo. "Ma, sino po 'yang kausap n'yo?"

"Sino 'yong nagsalita? Anak mo? May anak ka na? May apo na 'ko?" sunod-sunod na
tanong ni mama sa kabilang linya. "Answer me, Stephanie!"
Natakot ako sa tono ni mama kaya agad kong ibinaba ang telepono.

"Wala, anak. Halika na sa kusina, ipaghahain na kita." Agad akong naglakad papunta
sa kusina habang si Keycee ay nakasunod naman sa 'kin.

"Kung wala po kayong kausap, bakit parang nagulat ka no'ng lumapit ako?"

"Wala 'yon, Jian. 'Wag mo nang intindihin 'yon. Hindi ko naman din kilala kung sino
ang tumawag, baka wrong dial lang." Nagsinungaling na lang ako para hindi na ulit
siya magtanong. Isa pa, walang alam ang anak ko sa pagkatao ko, kung sino ang mga
magulang ko at kung ano'ng buhay ang mayro'n ako noon.

Pero natandaan ko na tinanong niya 'ko dati kung buhay pa raw ba ang lola at lolo
niya, she was referring to my mother and father, and I just told her na hindi ko
alam. Ang nakilala niya lang na lolo at lola ay 'yong magulang ng ama n'ya. And now
that my mother is back, hindi ko alam kung paano 'to sasabihin sa anak ko.

KEYCEE'S POV

Mabilis lumipas ang mga araw. Mga araw na hindi ko pinapansin si Ace sa school.
Hangga't kaya ko siyang iwasan, ginagawa ko. Kapag alam kong uutusan na 'ko ni
ma'am para ibalik sa taas 'yong laptop at projector magdadahilan na agad ako at
kunwaring pupunta sa cr para hindi ako ang mautusan.

"Hi," bati sa 'kin ni Dianne paglapit niya sa 'min. Siya 'yong unang kumausap sa
'kin noong unang araw ko pa lang dito. "P'wede bang maupo?"

"Sure," sabi ko tapos umupo naman siya sa harap namin nila Jezza at Marian.

"Magkakilala ba kayo ni Professor Lee?" tanong niya bigla na naging dahilan para
titigan ako nang dalawa.

"Hindi, bakit?" confident kong sagot.

"Hindi kayo magkamag-anak or something?" she asked again.

"Hindi. Bakit mo naman naitanong?"

Napaisip naman siya bigla. "Ah, wala naman. Parang iba kasi 'yong tingin n'ya sa'yo
minsan sa room tapos ikaw rin gano'n sa kaniya. Parang may something sa inyo na
hindi ko ma-gets." Natawa 'ko sa sinabi niya. Pati si Jezza at Marian napatawa rin.

"Ano ka ba naman Dianne! Kung anu-ano'ng pinagsasabi mo d'yan! Nakakaloka ka!"


natatawang sabi ni Jezza.

"Oo, nakakaloka talaga." Kinuha ni Dianne 'yong phone niya sa bulsa ng skirt niya.
"Tingnan nyo 'to para mas maloka kayo." Iniharap niya sa 'min 'yong cell phone niya
at nagulat ako sa nakita ko.

Picture namin ni Ace kung saan nakayakap siya sa 'kin. 'Yon 'yong time na nasa
office niya kami, noong niyakap at hinalikan niya 'ko.

"What's this?" tanong ni Marian habang nakatingin pa rin sa picture.

"Ano'ng ibig sabihin nito, Jian?" baling naman ni Jezza sa 'kin.

Ibinalik na ni Dianne sa bulsa 'yong phone niya 'tsaka siya tumingin sa 'kin.
"Nakakaloka, 'di ba? At hindi lang 'yan. Alam mo bang nakapost na sa group page ng
school ang picture n'yong dalawa ni Professor Lee?"
Hindi lang ako ang nagulat, pati na rin si Marian at Jezza.

"Sino'ng nagpost?" tanong ko habang kinakabahan.

"Hindi ko alam. Doon ko nga lang din 'to kinuha. Sinave ko lang para ipakita
sa'yo."

"Explain this, Jian," sabi Marian sa 'kin. Pero nakatulala lang ako sa kanila at
hindi alam ang sasabihin. Hindi kasi ang pag e-explain ang nasa isip ko kun'di kung
paano ako ngayon lalapit kay Ace. Paano ko sasabihin sa kaniya ang tungkol sa
picture? O baka alam na niya 'to? Nakakahiya! Kaya naman pala kaninang pagpasok ko
medyo nanibago ako sa atmosphere sa room, dahil pakiramdam ko lahat ng mata ng mga
classmates ko, sa 'kin nakatitig.

"Jian, bakit kayo magkayakap ni Professor Lee?" tanong ni Jezza.

"Kayo ba?" dagdag pa ni Marian. Magsasalita na sana ko pero biglang may tumapon sa
'kin na juice.

"Sorry, hindi ko sinasadya. Tinulak kasi nila 'ko. Sorry, ha?" natatawang sabi ng
kaklase kong babae na hindi ko matandaan kung ano'ng pangalan. Nagso-sorry siya
habang tumatawa, tingin niya ba maniniwala ako sa kaniya? Halata naman na sinadya
niya 'yon itapon sa 'kin pagdaan nila sa gilid ko.

"Huwag kang mag-sorry dahil hindi mo sinasadya, mag-sorry ka kasi tanga ka!"
pagtataray sa kaniya ni Jezza. "Halata namang sinadya mo, kami pa ba ang lolokohin
mo? Bobo ka ba?"

"Kaya nga, duh!" Nagsalita na rin si Marian.

"Ano'ng sabi mo? Bobo ako?" inis naman niyang baling kay Jezza, 'yong nagtapon sa
'kin ng juice.

Nagsimula na rin mainis si Jezza kaya tumayo siya at hinarap 'yong kaklase namin na
'yon. Pero agad din s'yang hinila ni Marian. "Huwag mo ng patulan 'yan, 'di niya
deserved ng atensyon."

Sobrang nainis 'yong kaklase naming nagtapon sa 'kin ng juice kaya bigla siyang
nag,-walked out sa room.

Napabaling naman ako sa dalawa, kay Marian at Jezza. Kaya minsan masarap din ang
may kaibigan na palaban, 'yong tipong kapag may umapi sa'yo, sila 'yong
magtatanggol. Namiss ko tuloy bigla si Ryza at Christia.

"Okay ka lang?" baling sa 'kin ni Dianne 'tsaka niya 'ko inabutan ng panyo.

"Ayos lang ako." Tinanggap ko ang panyo niya at idinampi sa juice na tumapon sa
'kin.

"Miss Perez," sabay-sabay kaming napalingon sa pinto noong may tumawag sa 'kin,
isang student assistant. "Pinapatawag ka ni Dean."

Chapter 35. Meet Your Grandma


KEYCEE'S POV

"Pinapatawag ka ni dean."

Saglit akong natulala sa sinabi sa 'kin ng student assistant. Nang makaalis siya ay
agad kaming nagkatinginan nila Marian at Jezza.

"May kutob ako na dahil sa picture kaya ka pinapatawag," sabi ni Marian sa 'kin at
tumango naman si Jezza bilang pagsang-ayon.

"Guys!" Hinihingal na pumasok sa room namin 'yong isang kaklase kong lalaki. May
dala siyang bondpaper na medyo lukot. "Tingnan n'yo 'to!" Iniladlad niya 'yong
papel sa harap ng mga kaklase ko at nagulat kaming lahat, lalo na ako dahil
nakaprint doon ang picture namin ni Ace. 'Yon din ang pinakita sa 'kin ni Dianne na
picture.

Ibig sabihin hindi lang sa social media nakapost ang picture namin kun'di pati sa
campus?

Tumayo agad ako sa kinauupuan ko at lumabas sa room.

"Sa'n ka pupunta?" narinig kong tanong ni Dianne. Si Jezza naman ang sumagot para
sa 'kin.

"Punta s'ya kay dean."

Palabas na sana 'ko sa department namin para gumala sa campus at tingnan kung may
mga picture kami ni Ace na nakakalat, pero natigilan na agad ako sa tapat pa lang
ng sliding door palabas sa building namin, dahil may nakapaskil do'n na papel
katulad ng pinakita ng kaklase ko kanina.

Kinuha ko agad 'yon at nilukot, pero hindi ko itinapon. Bitbit ko lang hanggang sa
pag-akyat ko sa second floor.

Hindi ako sa office ni dean dumiretso kun'di sa office ni Ace. Kailangan kong
ipaalam sa kaniya ang tungkol dito.

Pagtapat ko sa pinto ng office n'ya kumatok muna ako, pero walang sumasagot kaya
naisipan ko na rin pumasok.

At pagpasok ko nakita ko siyang nakaupo sa swivel chair niya habang nakatitig sa


hindi lang isa, dalawa, kun'di maraming papel kung saan naroon ang picture na
nakayakap siya sa 'kin.

Bigla naman siyang nag-angat ng tingin sa 'kin pati na rin sa lukot na papel na
hawak ko.

"Tawag ako ni dean. Sama ka ba?" tanong niya. Ibig sabihin dalawa kaming
pinapatawag ni dean? "Nakuha ko 'yang mga poster na 'yan sa bawat madaanan ko
kanina. Sobrang dami nga kaya hindi ko nakuha 'yong iba."

"Kasalanan mo 'to Professor Lee," mahina kong sabi. Kailangan kong magpa-inosente
para hindi niya isipin na ako si Keycee.

"I know." Tumayo na siya at lumapit sa harap ko. Kinuha niya sa kamay ko 'yong
nilukot kong papel at shinoot niya sa basurahan. "Sige na, you can go. Ako na lang
ang magpapaliwanag kay dean sa ginawa ko. Mahirap na kapag nadamay ka pa rito."
Lumabas na siya ng office niya at ako naman ay naiwang nakatayo. Lumapit ako sa
desk niya at tiningnan 'yong mga papel na may picture namin.

Sino naman kaya ang kumuha sa 'min ng litrato na 'to?

Nilukot ko lahat ang papel na nasa desk niya at itinapon din sa basurahan,
pagkatapos ay lumabas na rin ako sa office ni Ace.

Natanaw ko naman si Jezza at Marian na papalapit sa 'kin "Nakausap mo na si dean?"


tanong ni Jezza.

Umiling ako. "Si Professor Lee na raw ang kakausap," sagot ko lang sa kanila 'tsaka
kami sabay-sabay na lumabas ng building.

Habang naglalakad kami ramdam na ramdam ko ang mga matang nakatutok sa 'kin. May
mga estudyante rin na biglang magbubulungan kapag nakita ako. Si Jezza at Marian
naman ay todo interview na rin sa 'kin tungkol sa nangyari, kung bakit daw ako
yakap ni Ace.

"Sabi n'ya kasi kamukha ko raw 'yong nawawala n'yang kapatid," I lied. "Kaya
niyakap n'ya 'ko kasi akala n'ya ako 'yong kapatid niya."

"Kapatid? May nawawalang kapatid si Professor Lee?" hindi makapaniwalang tanong ni


Jezza. Tumango naman ako. Bahala na si Ace na magpaliwanag kay dean at ako naman
ang bahala rito sa dalawa.

Mukha namang naniwala sila sa 'kin kaya hindi na ulit sila nagtanong pa.

"Malapit na nga pala 'yong prelim natin," sabi ni Marian habang naglalakad kami
papuntang main gate. Wala naman na kaming klase kaya uuwi na kami. Pero habang
naglalakad ay may biglang tumalisod sa paa ko kaya nadapa ako. Tumakbo 'yong
babaeng estudyante na tumalisod sa 'kin at agad naman 'yon hinabol ni Marian at
Jezza kaya naiwan akong mag-isa.

Tatayo pa lang sana 'ko nang biglang sumulpot sa harap ko si Ace. Bakit siya
narito? 'Di ba dapat kausap niya si dean?

He offered his hand para tulungan ako pero hindi ko 'yon kinuha. Tumayo akong mag-
isa at tiningnan siya.

"Gusto n'yo po bang pag-usapan tayo lalo rito sa school?" Hindi ko na siya hinintay
makasagot. Inirapan ko siya 'tsaka na 'ko naglakad mag-isa palayo.

At habang naglalakad ako parang gusto kong maiyak. Bakit ganito? Bumabalik lahat sa
'kin kapag nakikita ko siya lalo na kapag lumalapit siya sa 'kin at nagiging
mabait. 'Di ba sinabi niya sa 'kin dati na sana ako na lang ang nawala at hindi ang
mommy niya? Pero bakit ngayong wala na si Keycee sa buhay niya...bakit...bakit
pakiramdam ko 'yong ginagawa niyang paglapit sa 'kin parang gusto niya ulit na
bumalik ako sa buhay niya? Ramdam ko 'yon sa higpit nang yakap niya noong oras na
niyakap niya 'ko. At ramdam ko rin na nagsasabi siya ng totoo noong mga panahon na
'yon lalo na noong sinabi niyang mahal na mahal niya 'ko.

Natigilan naman ako sa pag-iisip nang may bumusinang sasakyan at huminto sa tapat
ko. Hindi lang basta ordinaryong sasakyan kun'di mukhang mamahalin pa. Bumukas ang
bintana no'n at bumungad sa 'kin ang isang lalaking g'wapo na sa tingin ko ay nasa
mid-fourties ang edad.

"Hello, Miss Dela Vega," nakangiti niyang bati sa 'kin na siyang ikinagulat ko.
Bakit niya 'ko kilala? Tumingin muna 'ko sa paligid ko at noong makita kong wala si
Ace sa tabi-tabi pati na rin 'yong dalawa kong kaibigan ay 'tsaka pa lang ako
humarap sa lalaking bumati sa 'kin.

"K-kilala n'yo 'ko?" taka kong tanong sa kaniya. Nagulat kasi ako dahil Miss Perez
na ang nakasanayan ko na tawag sa 'kin tapos ngayon biglang may tatawag sa 'kin na
Miss Dela Vega?

"Pinapasundo po kayo ni Madam Marlette, gusto niya raw po kayong makita." Teka,
bakit siya namumupo sa 'kin samantalang mas bata ako sa kaniya? At sino 'yong Madam
Marlette na sinasabi niya? "Kilala ko po ang ina n'yo. Si Stephanie Perez Tan—Dela
Vega, kaya 'wag na po kayong magduda. Naghihintay po sa atin si Madam Marlette."

Bakit niya kilala si mama? Pati ang apelyido ni mama sa pagkadalaga ay binanggit
niya pa. Sino ba siya? "Sakay na po." Hindi ko namalayang nakababa at nakaikot na
pala siya sa kabilang side at binuksan 'yong pinto para makapasok ako.

Nagdadalawang-isip ako kung sasama ba 'ko o hindi. Pero dahil kilala niya ang mama
ko, sumama na rin 'ko.

Halos isang oras na kaming bumabiyahe pero hindi pa rin kami nakakarating sa kung
saan man kami pupunta.

"Matagal pa po ba?" hindi ko napigilang magtanong.

"Malapit na po."

Maya-maya lang lumiko na 'yong kotse para pumasok sa isang napakalaki at napakataas
na gate ng isang bahay ala mansyon. Nagtaka pa 'ko dahil kusang bumukas 'yong gate
kahit wala namang nagbukas na tao. May kapangyarihan ba si kuya at nabuksan 'yon
bago kami pumasok?

Lalo pa 'kong namangha noong madaanan namin ang isang napakalaking water fountain
na may kulay gintong ilaw sa ilalim ng tubig. Dumako rin ang mata ko sa garden na
halos punung-puno ng mga makukulay na bulaklak na parang ngayon ko lang nakita sa
buong buhay ko.

Halos mabali ang leeg ko kakalingon sa paligid dahil sobrang ganda ng lugar,
idagdag pa 'yong malaki at malawak na swimming pool na kulay ocean green dahil sa
marmol tile na nagre-reflect sa tubig.

"Nasa langit na ba 'ko?" tanong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan pa rin ang


paligid.

"Nandito na po tayo." Lumabas na siya ng sasakyan at umikot sa kabilang side para


pagbuksan ako ng pinto.

Pagbaba ko sa sasakyan ay may dalawang maid agad na lumapit sa 'kin. Kinuha no'ng
isa ang bag ko para bitbitin.

"Pasok na po tayo sa loob," sabi sa 'kin noong lalaking sumundo sa 'kin kaya naman
sinundan ko siya kahit naguguluhan ako.

At pagpasok ko sa loob ng mansyon, mas lalo pa 'kong napahanga. Sobrang ganda.


Mansyon na mansyon ang itsura. Sobrang liwanag sa loob dahil sa mga malalaking
chandelier na nasa itaas at halos lahat ay kulay ginto. Parang hindi totoo. At
lahat ng bagay ay parang nakakatakot hawakan dahil mga babasagin at mukhang
mamahalin. Idagdag pa 'yong napakahabang hagdan na pa-spiral at kulay ginto rin ang
railings. Kakaiba rin ang ambiance sa loob. Para akong pumasok sa mansyon ng isang
royal family.
"Hello, iha."

Napalingon ako sa taong bumati sa 'kin. She has a wide smile on her face at para
bang sabik na sabik siyang makita ako. Lumapit siya sa 'kin at niyakap ako bigla.

"S-sino po kayo?" tanong ko habang nakayakap pa rin siya sa 'kin. Nang bumitaw siya
ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.

"Ang laki-laki mo na," nakangiti niyang sabi. Sino kaya ang matandang 'to? Kilala
niya ba 'ko? "At ang ganda-ganda mo pa, manang-mana ka sa mama mo."

"Kilala n'yo po ang mama ko?" Hindi siya sumagot. Nakangiti lang siya sa 'kin.

"Halika, sabayan mo 'kong kumain para naman makapagkwentuhan din tayo." Inakay niya
'ko hanggang sa dining area. Pagdating namin doon ay napanganga 'ko sa sobrang haba
ng lamesa. Siguro hindi lang milyonaryo ang matandang 'to.

Umupo na kami habang may tatlong maids na nagsisilbi sa 'min.

"Magkwento ka," sabi sa 'kin ng matandang babae.

"Tungkol saan po?"

"Tungkol sa sarili mo, sa mama mo, kung ano'ng buhay mayro'n kayo ngayon, kung
masaya ba kayo kahit kayo lang ang magkasama."

Teka, bakit parang may alam siya sa 'min ni mama? Sino ba kasi siya?

"Sandali lang po. Hindi ko po kasi kayo kilala. Sino po ba kayo?" magalang kong
tanong sa kaniya.

Bigla naman siyang ngumiti sa 'kin. "You'll find out soon, iha."

***

Masaya akong umuwi sa bahay. Bukod sa nabusog ako sa masasarap na pagkain sa


mansyon ay binilhan pa 'ko ng cell phone ng lalaking sumundo sa 'kin, si Dexter.
Sabi kasi ng matandang babae sa 'kin kanina, si Madam Marlette, itext ko raw siya
lagi o tawagan. Pero sinabi ko na wala akong phone kaya naman inutusan niya 'yong
Dexter na 'yon para bilhan ako ng bago.

"Anak, bakit ngayon ka lang?" Sinalubong ako ni mama at humalik naman ako sa pisngi
niya. May hawak s'yang baso ng tubig.

"May pinuntahan lang po ako."

"Saan naman? Bakit nagpagabi ka masyado?"

Tiningnan ko 'yong suot kong relo ko at nagulat ako nang makita kong mag-aalas dose
na pala ng gabi. Buti na lang ihinatid ako ni Kuya Dexter.

"Napasarap lang po sa pagkukwentuhan, ma."

"Kwentuhan? Nang ganitong oras? Saan ka ba galing?" Kumunot ang noo ni mama.

"Kay Madam Marlette po."

Biglang nabitawan ni mama 'yong hawak niyang baso na pareho naming ikinagulat.
"S-sino?" Lalong sumeryoso ang mukha niya ngunit bakas din ang pagkagulat.

"Si Madam Marlette po. Ang sabi n'ya kilala n'ya raw kayo. Binilan pa nga n'ya 'ko
ng bagong cell—"

"Sino'ng nagsabi sa'yo na makipagkita ka sa kan'ya?!" Natigilan ako sa pagsigaw sa


'kin ni mama.

"Ma..."

"Keycee naman! Hindi ka dapat nakikipag-usap kung kani-kanino!"

"Pero ma, mabait s'ya, at kilala n'ya kayo. Ang totoo nga n'yan kinukumusta ka n'ya
sa 'kin."

"Kahit na, Keycee! Hindi mo kilala ang taong 'yon! Hindi porque mabait s'ya sa'yo,
pagkakatiwalaan mo na s'ya!"

STEPHANIE'S POV

Nakaupo ako sa sala at nanonood sa tv. Hanggang ngayon kasi ay wala pa si Jian.
Kanina ko pa s'ya hinihintay, sobrang gabi na. Saan kaya s'ya nagpunta?

Tumunog ang cell phone ko pero hindi ko kilala 'yong number na nag-appear sa
screen.

"Hello?" I greeted first.

"Hi, Stephanie, my dear. It's me, your mom."

"M-mama?"

"Hindi na ako makapaghintay na makasama ang apo ko. Kailan mo ba 'ko balak
ipakilala sa kan'ya?"

"Paano n'yo nalaman na..." hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil napaisip ako.
Hindi naman kasi niya alam na may anak na ako. Pero hindi na rin ako magtataka
dahil alam ko naman na maimpluwensya siyang tao. Marami siyang pwedeng utusan para
alamin ang mga gusto niyang malaman. "Mama, kung iniisip mo na ipapakilala kita kay
Keycee, nagkakamali ka. Hindi ko hahayaang masira ang buhay ng anak ko."

"Don't be so harsh, Stephanie. You need to remember na si Keycee lang ang


tagapagmana ko."

"Oo ma, alam ko. Kaya nga hindi ko hahayaan na makilala ka n'ya."

"Sa ayaw at sa gusto mo Stephanie, kailangan akong makilala ng anak mo. At dahil
sinuway mo ang utos ko noon, ang anak mo ang magtutuloy nito ngayon."

Napalunok ako sa sinabi ni mama. Hindi p'wede 'to. Binaba ko na agad 'yong cell
phone at pumunta sa kusina para uminom ng tubig.

Bigla kong naalala 'yong sinabi ni mama na utos niyang sinuway ko. Kagustuhan niya
kasi dati na magpakasal ako kay Carlo, anak ng isang mayaman na kaibigan at kasosyo
ni mama sa business. Pero hindi ko gusto ang ideyang 'yon dahil hindi ko naman
mahal ang taong ipapakasal nila sa 'kin, idagdag pa na noong panahon na 'yon ay
kasintahan ko na si Vince, ang papa ni Keycee.
At ngayon natatakot ako para sa anak ko. Natakot ako sa sinabi ni mama na si Keycee
ang magtutuloy sa kagustuhan niya dati. Pero hindi p'wede. Kasal na ang anak ko.
Kasal na siya kay Ace.

Narinig kong bumukas ang pinto kaya naman tiningnan ko kung sino.

Si Keycee.

"Anak, bakit ngayon ka lang?" Lumapit ako sa kaniya and she gave me a quick kiss on
my cheek.

"May pinuntahan lang po ako."

"Saan naman? Bakit nagpagabi ka masyado?"

"Napasarap lang po sa pagkukwentuhan, ma."

"Kwentuhan? Nang ganitong oras? Saan ka ba galing?" Hindi ko alam kung si Jezza at
Marian ang kasama niya dahil usually hindi naman siya ginagabi nang ganito kapag
'yong dalawa ang kasama niya.

"Kay Madam Marlette po." Nanghina 'yong mga kamay ko kaya nabitawan ko ang hawak
kong baso.

Marlette? Si mama? Gusto kong makasiguro kaya tinanong ko siya. "S-sino?"

"Si Madam Marlette po. Ang sabi n'ya kilala n'ya raw kayo. Binilan pa nga n'ya 'ko
ng bagong cell—"

"Sino'ng nagsabi sa'yo na makipagkita ka sa kan'ya?!" Hindi ko na napigilan magtaas


ng boses.

"Ma..."

"Keycee naman! Hindi ka dapat nakikipag-usap kung kani-kanino!" Alam ko na may


karapatan si mama kay Keycee dahil kahit papaano ay apo niya ito. Pero natatakot
ako.

"Pero ma, mabait s'ya, at kilala n'ya kayo. Ang totoo nga n'yan kinukumusta ka n'ya
sa 'kin."

"Kahit na, Keycee! Hindi mo kilala ang taong 'yon! Hindi porque mabait s'ya sa'yo,
pagkakatiwalaan mo na s'ya!" Natatakot ako sa sinabi ni mama na si Keycee ang
magtutuloy sa pagsuway ko noon sa kaniya.

At ito na ang ikinatatakot ko. Nagsisimula na si mama.

Siguro kailangan ko munang ilayo ang anak ko. Alam kong natunton na ni mama kung
saan kami nakatira. Kailangan ko munang ilayo si Keycee sa poder ko. Pero paano? At
kanino ko s'ya ipagkakatiwala?

Nag-isip ako pero isang tao lang ang naalala ko.

Si Ace.
Chapter 36. Living Under The Same Roof

KEYCEE'S POV

Tahimik kaming kumakain ng almusal ni mama. Simula kanina hindi ko pa siya


kinakausap dahil sa nangyaring pagsigaw niya sa 'kin kagabi na hanggang ngayon ay
malabo pa rin sa akin. Hindi ko siya maintindihan kung bakit bigla na lang siyang
nagalit sa 'kin noong narinig niya ang pangalan ni Madam Marlette. Tinanong ko
naman siya kung kilala niya 'yon, hindi naman niya ako sinagot.

"Anak," tiningnan ako ni mama. Hindi na rin niya siguro kinaya ang katahimikan sa
pagitan namin. "Sorry kung nasigawan kita kagabi."

"Okay lang po, ma," sagot ko habang nakatingin sa pagkain ko. "Pero ma, hindi mo pa
sinasagot ang tanong ko," this time tiningnan ko na siya, "sino si Madam Marlette?
Kilala mo ba s'ya?"

Natahimik na naman siya. Bakit ba parang iniiwasan niya 'yong tanong na 'to? Bakit
ayaw niyang sabihin sa 'kin kung sino si Madam Marlette? Medyo naguguluhan na rin
ako.

"S'ya nga pala anak, aalis muna 'ko. May kailangan lang akong asikasuhin kaya medyo
matagal kitang maiiwan." Napakunot noo ko sa sinabi ni mama.

"Aalis? Saan naman po kayo pupunta?"

"Basta anak, hindi na importante kung saan. May mga bagay lang akong dapat ayusin,
'tsaka kita babalikan kapag okay na."

"Mama, iiwan mo 'ko mag-isa?"

"Kailangan, anak."

"Pero sino'ng magiging kasama ko? Hindi ko kaya'ng mag-isa, ma." Binitawan ko 'yong
kutsara't-tinidor at tinitigan si mama.

"Ikinuha kita ng apartment na malapit sa school mo. Doon ka muna habang wala ako."

"Pero ma...saan ka ba kasi pupunta? Importante ba 'yong aasikasuhin mo na 'yan at


kailangan mo pa 'kong iwan? Hindi ba 'ko p'wedeng sumama na lang?"

"Kung sasama ka, pa'no ang pag-aaral mo?" Natahimik ako. "Para sa'yo rin naman
'tong gagawin ko, 'nak."

ACE'S POV

Kinausap ako kagabi ni mama. Mama ni Keycee. Inutusan niya 'ko na humanap ng
apartment na malapit lang sa school. Sinabi niyang doon daw muna si Keycee tutuloy
kapag umalis siya. May pupuntahan daw kasi siya at baka matagalan ang pagbalik
niya. At gusto nuyang mag-apartment din muna 'ko para mabantayan ko si Keycee.

Sa isang apartment lang kami pansamantalang titira pero magkaiba ng kwarto. Binilin
din ni Mama Steph na huwag ko na lang daw ipahalata kay Keycee na binabantayan ko
siya dahil hanggang ngayon ay hindi pa niya alam na sinabi na sa 'kin ni mama ang
totoo. It's going to be fun and exciting dahil magiging magkasama ulit kami sa
iisang bubong.

"Wala ka na bang nakalimutan sa mga gamit mo?" Tanaw ko sa bintana ng kotse ko si


mama at Keycee. Nasa tapat na sila ng apartment ngayon at dala ang mga gamit niya.

"Wala na po, ma."

"Mag-iingat ka anak habang wala ako, ha? Huwag kang gagala kapag gabi na. Huwag
kang sasama sa mga taong hindi mo naman kilala at huwag ka basta magtitiwala kung
kani-kanino." Tango lang ang isinasagot ni Keycee sa mama niya. "Kapag okay na ang
lahat babalik na 'ko at babalik na tayo sa bahay natin, okay?"

"Opo ma, basta bilisan mo lang, ha? Huwag kang masyadong magtatagal sa pupuntahan
mo. Bumalik ka agad." Tumango naman si Mama Steph habang nakangiti sa kaniya.

"Sige na, pumasok ka na sa loob. Binayaran ko na ang apartment 'tsaka ibinilin


naman kita sa may-ari. Sige anak, aalis na 'ko. Pakabait ka, ha?"

"Bye ma, mag-iingat ka."

KEYCEE'S POV

Pumasok na ako sa loob ng apartment. Okay naman, maganda at mukhang bagong gawa
lang. Malinis na rin sa loob at kumpleto ng gamit. Kulay cream white ang pintura sa
loob at mint green naman sa labas. Maayos ang mga gamit at halatang bago rin lahat.

"Hi," bati sa 'kin ng isang babae. "Ikaw ba si Jian?"

"Opo."

"Ako 'yong may-ari ng apartment." Ngumiti siya sa 'kin, sa tingin ko ka-edad lang
siya ni mama.

Nag-smile ako sa kaniya. "Sa'n po ba ang magiging kwarto ko?" tanong ko. Gusto ko
kasing magpahinga dahil napagod akong mag-impake kanina.

"Dito ka sa baba. May gagamit kasi ng kwarto sa itaas."

"May kasama po ako rito?" Kumunot ang noo ko.

"Oo. Pang-dalawahan kasi talaga 'tong apartment. Kaya nga may kwarto rito sa baba
at mayro'n din sa second floor. Kaso 'yong kitchen, share kayo, pati na rin sa
bathroom at sa salas." Napatango na lang ako. Buti naman at may makakasama ako.
Nakakatakot naman kung mag-isa lang ako rito. Medyo malaki pa naman 'yong
apartment. Paano na lang kung may multo pala rito? "Sige na, ipasok mo na 'yong
gamit mo sa kwarto at magpahinga ka na, mukhang pagod ka. S'ya nga pala, 'yong
magiging kasama mo, darating na rin mamayang hapon. Ikaw na lang ang magpapasok sa
kaniya. Uuwi kasi ako sa 'min ngayon. Once or twice a month lang ako makakapunta
dito."

Nang makapagpaalam na siya ay agad kong isinara ang gate 'tsaka ako bumalik sa loob
para asikasuhin ang mga gamit ko.

Isinama ko papasok sa kwarto ang mga gamit ko. Malinis ang kwarto pati ang kama
kaya natukso akong mahiga muna at matulog. Mamaya na lang ako mag-aayos pagkagising
ko.

***

Alas singko ng hapon nang magising ako. Nagulat pa 'ko sa oras, akala ko kasi
nananaginip ako, 'yon pala ay totoong 5pm na. Ibig sabihin hindi ako nakapasok
ngayong araw. Sabagay, friday naman na, 'tsaka kapag friday ay wala naman na kaming
masyadong ginagawa at wala rin naman masyadong pumapasok sa mga classmate namin
kapag friday. Ewan ko ba kung bakit gano'n lagi kapag friday.

Narinig kong tumunog ang doorbell at naisip ko agad na baka siya na 'yong
makakasama ko rito.

Dali-dali akong lumabas sa kwarto at pumunta sa gate. Pero nagulat ako nang makita
ko si Ace. Ano'ng kailangan niya? Sinundan niya ba 'ko rito? Stalker ba siya?

"Professor Lee, ano po'ng kailangan n'yo?" tanong ko. Hindi ko muna binuksan 'yong
gate. Ano siya, sinuswerte? Hindi siya nagsalita, nakatingin lang siya sa 'kin kaya
tinanong ko ulit siya. "May kailangan po ba kayo sa 'kin?"

"P'wede bang buksan mo 'yong gate, Miss Perez? Nangangawit na 'ko!" reklamo niya.
Napakunot-noo naman ako 'tsaka ko binuksan 'yong gate, at nagulat ako nang makitang
may bitbit siyang malaking bag at may maleta pa sa tabi niya.

"Teka lang, Prof Lee! Sa'n po kayo pupunta?" tawag ko sa kaniya nang bigla na lang
siyang pumasok sa loob. Napahinto siya sa paglalakad at humarap sa 'kin.

"Sa loob. Sa magiging kwarto ko." Tumalikod na ulit siya sa 'kin at diretsong
naglakad papasok sa loob.

Naiwan naman akong nakatayo at naguguluhan.

Ano raw? Sa magiging kwarto n'ya? Wait. Did I hear it right?

Ilang minuto akong napatulala sa tapat ng gate noong mag-sink in sa 'kin ang
nangyayari.

Siya 'yong magiging kasama ko rito? Hindi p'wede! No! I'm dead! I'm dead!

Agad akong tumakbo para sundan siya sa loob. "Professor Lee, sandali lang!" Hindi
siya tumitigil sa paglalakad. Umakyat siya sa hagdan at dumiretso sa magiging
kwarto niya. "Sandali nga po sabi!" Hinila ko 'yong manggas ng long sleeves niya
kaya siya napaharap sa 'kin. "I-ikaw po ba 'yong makakasama ko rito sa apartment?"

"Bakit? Ikaw ba 'yong titira sa ibaba?" tanong niya rin sa 'kin. Pero hindi pa 'ko
nakakasagot ay nagsalita na agad siya. "What a coincidence."

Natigilan ako at napaisip. Feeling ko hindi coincidence 'to. Feel na feel ko na


hindi talaga. Feeling ko mangkukulam siya kaya alam niya ang bawat ganap sa buhay
ko.

"Huwag mo 'kong patawanin, Professor Lee. I don't believe in coincidence," sabi ko


sabay tawa pa nang bahagya at saka ko pinagkrus ang aking kamay sa dibdib.

"Kung hindi 'to coincidence, ano'ng tawag mo rito? Fate? Destiny?" kumurba ang
gilid ng labi niya paitaas habang nakatitig sa 'kin.

"Coincidence has nothing to do with destiny or fate, Professor Lee. 'Yong mga tao
na hindi naniniwala sa Diyos ay p'wedeng gamitin ang salitang coincidence para
ipaliwanag ang isang bagay na nangyari nang hindi inaasahan. While the word 'fate'
or 'destiny' cannot be explained with the help of science. Even subjects like math
and statistics use the term 'coincidence' to explain a particular event or outcome.
Now, explain your coincidence, kung bakit ka narito. Alam kong magagawa mong mag-
explain dahil teacher ka, matalino ka!" mahabang litanya ko. Pero sa halip na
sagutin ay tinawanan niya lang ako.
"Mukhang hindi nga ikaw si Keycee. Matalino ka—bobo siya." Bigla namang nag-init
ang ulo ko sa sinabi ko. Parang umakyat lahat ng dugo ko papunta sa ulo. Bobo?
"Hindi ko kailangan mag-explain sa'yo, Miss Perez. At kung magpapaliwanag man ako,
baka sumuko lang ang utak mo. Now, kung wala ka ng itatanong, makakaalis ka na.
Mag-aayos pa kasi ako ng kwarto." Sinara na niya 'yong pinto kaya naman naiwan
akong nakatulala sa labas.

No. Hindi p'wede 'to.

Naglakad na 'ko pababa sa hagdan at pumunta sa sarili kong kwarto. Nahiga ako sa
kama at nag-isip. Anong gagawin ko ngayon? Ayoko s'yang makasama. Hindi ko pa kaya
at hindi ko kakayanin. Dahil sa bawat sandaling makikita ko ang mukha n'ya nagfa-
flashback sa 'kin lahat ng sakit. Paano pa ngayon kung magsasama kami sa iisang
bubong?

Hindi ko namalayang tumulo na pala 'yong luha ko. Bumangon ako at inayos ang sarili
ko. Anong gagawin ko ngayon? Hindi naman ako pwedeng umalis dito sa apartment na
'to dahil magagalit sa 'kin si mama. Mas lalong hindi ako p'wedeng bumalik sa bahay
namin hanggat wala s'ya. Paano na?

RYAN'S POV

"Gusto mo ba talaga rito? P'wede ka naman sa bahay kung gusto mo."

"Okay na po ako rito, kaya ko naman pong mag-isa," sagot ko sa matandang kaharap ko
ngayon. Siya 'yong sinasabi ni mommy na lolo ko raw. At ngayong wala na si mommy,
ibinilin niya 'ko dito sa matandang kaharap ko.

Hindi ko pa rin tanggap 'yong nangyari sa mommy ko, pero wala naman akong magagawa.
Lahat ng tao ay doon din naman papunta, napaaga nga lang ang ina ko. Nasa Pilipinas
na nga pala 'ko ngayon, actually, almost one week na simula noong dumating ako pero
hindi muna 'ko nagpakita kay Jian dahil gusto ko munang magpahinga.

Isa pa, pinalipas ko muna 'yong pagkamugto ng mata ko dahil sa kaiiyak noong
nilibing si mommy. Ayoko kasing makita ako ni Jian sa gano'ng sitwasyon.

"Sige, kung okay ka na dito, aalis na 'ko. Tumawag ka na lang kung may kailangan
ka, ha?" Tumango na lang ako. Papalabas na sa pinto ng condo unit si lolo noong
lumingon ulit s'ya sa 'kin. "Wag mo nga pa lang kakalimutan 'yong sinabi ko sa'yo.
Pumunta ka, ha?"

"Opo, pupunta 'ko." At tuluyan na s'yang lumabas. Sinabi niya kasi sa 'kin na
ipapakilala niya raw ako sa dalawa niyang apo. Ibig sabihin pinsan ko ang
ipapakilala n'ya sa 'kin. Dito muna 'ko titira sa condo na ibinigay niya. Noong una
nga ay doon sa bahay niya ako gustong patirahin, pero nahihiya pa ako dahil hindi
pa naman kami masyadong magkakilala.

Kinuha ko ang cell phone ko sa bulsa ng pantalon ko at dinial ang number ni Jian,
pero cannot be reach na.

Ano kaya'ng nangyari sa kaniya? Nagpalit na kaya siya ng number?

KEYCEE'S POV

Bumangon ako sa kama at susuray-suray na lumabas sa kwarto ko papunta sa kusina.


Inaantok pa 'ko. Hindi ako pumasok ngayong araw at natulog lang maghapon sa
apartment.

Kumuha ako ng baso at nagsalin ng tubig. Pagkatapos kong uminom, narinig ko na may
pumasok sa pinto. Nakita ko si Ace, mukhang kagagaling niya lang sa school dahil
nakasuot pa siya ng teacher's uniform na lalong nagpapalakas sa dating niya.

Ano kaya'ng ginawa ngayon sa math? Nagdiscuss kaya siya or nagpa-quiz? Seatwork?
May assignment kaya?

Nginitian niya 'ko bigla noong makita niyang nakatingin ako sa kaniya.

Ang g'wapo n'ya—no! Inaakit ka lang niya, 'wag kang ngingiti, Jian!

"Hi," bati niya sa 'kin.

"He-Hello, Professor Lee," I stuttered.

Lumapit siya sa 'kin tapos tumingin sa baso na hawak ko.

"Nauuhaw rin ako." Bigla niyang kinuha 'yong baso ko at tinungga 'yong tubig na
natira ko ro'n. Napalunok ako. Bakit ba siya ganito? Naguguluhan ako.

Pagkatapos niyang inumin 'yon ay umakyat na siya sa taas at ako naman naiwang
nakanganga. Hindi p'wede 'to. Ayoko siyang makasama sa iisang bubong. Baka kasi
hindi ko mapigilan ang sarili ko at any moment mapaamin ako na ako si Keycee. Pero
ano'ng gagawin ko?

***

Nakaupo ako sa mahaba at malambot na sofa habang nanonood ng movie. Tatlong movie
na 'yong natapos ko at unti-unti na 'kong nakakaramdam ng gutom. Tiningnan ko ang
suot na relo ko at nakita kong 7:45pm na pala. Kaya naman pala nagwawala na 'yong
mga alaga ko sa tiyan.

Bago pa 'ko tumayo sa sofa, nakita ko si Ace na pababa sa hagdan. Naka cargo short
lang siya at white v-neck shirt.

Lumingon naman siya sa 'kin. "Kumain ka na, Miss Perez?"

Bakit parang concern siya sa 'kin? Ano naman ang pakialam ng isang professor sa
isang estudyante niya? Bakit tinatanong niya ako kung kumain na 'ko? Kung gutom
siya, edi kumain siya mag-isa!

"Hindi pa po."

"Cut the honorifics 'pag tayo lang dalawa ang magkausap."

"Bakit po?"

"I said cut the—"

"Bakit nga po?"

"Wag ka ng matanong. Tara, kain na tayo."

"Po?" Bigla niya kong tiningnan nang masama dahil sa paulit-ulit kong paggamit ng
'po'. "Sorry, Professor Lee," sabi ko sabay yuko.

"Just call me Ace." Napa-angat agad ako ng tingin sa kaniya.

Ayoko siyang tawagin sa pangalan niya dahil naaalala ko lang ang nakaraan, noong
close pa kami at malaya akong tawagin siya sa pangalan niya.
"O-Okay...Ace." Pero bakit kahit ano'ng gawin ko hindi ko mautusan 'yong sarili ko?

"Tumayo ka na d'yan, kakain tayo sa labas."

Medyo nagulat ako sa sinabi niya. Sa labas kami kakain? Magda-date kami? E, paano
kung may makakita sa 'min at magtanong kung bakit magkasama ang isang teacher at
estudyante? "Alam ko kung ano'ng iniisip mo. Don't worry, sa malayo tayo kakain
para walang makakita. 'Tsaka 'wag kang mag-alala, hindi naman 'yon date. Kakain
lang tayo. Kain lang Jian, hindi date." Para 'kong napahiya sa sinabi niya.
Pinaulit-ulit niya pa 'yong salitang kakain lang. Bakit? Ayaw niya ba akong maka-
date? Wow, rumurupok yata tayo Keycee? Este, Jian?

Medyo nagdalawang-isip pa 'ko sa sinabi niya, pero dahil gutom na gutom na rin
naman ako kaya hindi na 'ko nagpakipot pa. Pinatay ko na 'yong tv tapos tumayo na
'ko. Nauna siyang lumabas kaya sumunod ako sa kaniya. Kinapa ko 'yong bulsa ko at
swerte ko dahil may dala akong pera.

"Get in," sabi niya sa 'kin pagkabukas niya sa pinto ng sasakyan. Pumasok naman ako
agad. Noong makapasok na siya, tiningnan niya 'ko bigla 'tsaka siya ngumiti bago
niya inistart ang sasakyan.

Pero habang nagda-drive siya nagsimula na akong mag-worry.

"Uhm...may naisip ako," sumulyap ako sa kaniya, "ano kaya kung mag-grocery na lang
tayo tapos sa apartment na lang tayo magluto? Baka kasi...alam mo na...ayoko kasing
ma-eskandalo ulit." Sapat na 'yong kumalat na picture namin sa university, ayoko ng
madagdagan pa 'yon.

"Good idea, but I don't know how to cook."

Alam ko, Ace.

"Ako na lang, marunong naman ako." Sumulyap siya sa 'kin dahil sa sinabi ko. Ang
alam niya kasi ay hindi marunong magluto si Keycee, which is totoo naman. Kaya
siguro siya mukhang hindi makapaniwala ngayon nang sinabi kong marunong ako. "Mag-
grocery na lang tayo tapos sa apartment na lang ako magluluto."

"Really? You can cook?" Tumango ako kahit hindi naman talaga ako marunong. Bahala
na mamaya.

***

Tulak-tulak ni Ace 'yong cart tapos ako naman ang tagakuha sa lahat ng sasabihin
niya. Medyo marami na kaming nabili. Pang-menudo 'yong binili namin kasi gusto niya
raw 'yon, syempre hindi ako kumibo dahil baka madulas pa 'ko at masabi kong alam ko
dahil paborito niya 'yon.

Nagpakuha na rin siya ng iba pang kailangan na gamit sa kusina at pang-stocks na


rin tulad ng 3-in-1 coffee, milo, fresh milk, tea, cereals, eggs, condiments,
frozen foods, karne at kung anu-ano pa. Feeling ko tuloy para kaming bagong kasal
na namimili ng gamit namin sa bahay.

"May nakalimutan pa ba?" tanong niya sa 'kin. Tiningnan ko yung cart at halos nag-
uumapaw na 'yon.

"Okay na," sagot ko nang masiguro kong wala na kaming nakalimutan.

Pero bigla siyang tumigil. "We don't have carrots here. Kumuha ka sa vegetables
section." Napatingin ako sa kaniya. Carrots? 'Di ba hindi siya kumakain no'n?
"Dalian mo para makauwi na tayo, nagugutom na 'ko."

"Okay, wait." Agad akong naglakad papunta sa vegetables section. Pero habang
kumukuha ako ng carrots nagsimula na 'kong kabahan. Alam kong allergy siya rito
kaya nga sinadya kong hindi kumuha ng carrots kanina. Hindi ko binanggit sa kaniya
na alam kong hindi siya kumakain no'n kasi baka mahalata niyang ako si Keycee, pero
ano'ng pakana ito ngayon at siya pa ang nag-utos sa 'kin na kumuha ng carrots?

Sinusubukan niya ba 'ko para malaman kung ako si Keycee o hindi?

Kung inaakala niyang pipigilan ko siyang kumain no'n, well...bahala siyang mamatay
mamaya kakaubo!

Chapter 37 - Come Back To Me

KEYCEE'S POV

Tahimik lang si Ace habang nagmamaneho pabalik sa apartment. Gano'n rin ako, hindi
ako kumikibo dahil busy ako sa pag-iisip kung paanong gagawin ko sa carrots mamaya
para hindi niya makain. Mahahalata naman kasi niya ako kapag hindi ko isinama 'yon
sa iluluto ko.

"So, you can cook?" baling sa 'kin ni Ace nang mapansin niyang tahimik ako. 'Yon pa
ang isang pinoproblema ko, hindi talaga ako marunong magluto, nagmagaling lang ako
kanina kasi alam niyang di naman marunong magluto si Keycee.

"Hmm," I hummed as a response, without looking at him. Medyo kinakabahan na 'ko.


Paanong luto ba ang gagawin ko? Naturingan akong HRM pero hindi ako marunong
magluto. Well, marunong naman basta may katabi akong recipe na may procedure. Pero
sabagay, may internet naman. Magse-search na lang ako. Kaso paano 'yong carrots?
B'wisit na carrot 'yan! Ipapahamak pa yata ako!

Pagdating namin sa apartment nagtulong na kaming ibaba 'yong mga pinamili namin at
ipinasok sa loob. S'yempre si Ace ang nagbayad using his black card.

Inayos ko muna 'yong mga dapat ilagay sa refrigerator para makapag simula na 'ko,
habang si Ace ay nakaupo sa mesa at pinapanood bawat kilos ko.

"You need help?" Hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya sa 'kin.

"No. I can do this alone." Tiningnan ko siya at mukhang wala siyang balak umalis sa
kusina. "Hindi ka ba aakyat sa taas?"

"No. I'd love to watch you cook." Seryoso ang mukha niya, ni hindi man lang siya
ngumiti.

"Pero mas masarap ako—"

"I know." Natameme ako at napalunok nang putulin niya 'yong sasabihin ko.

"Mas masarap akong magluto kapag walang nakakakita," I repeat. Hindi man lang niya
kasi ako pinatapos, nag-iba tuloy 'yong meaning ng sinabi ko. Parang minamanyak
niya 'ko nang very light. Bigla naman s'yang natawa nang bahagya.
"Okay, I'll go upstairs, tawagin mo na lang ako kapag pakakainin mo na 'ko."
Ngumisi siya bago umalis.

Kapag pakakainin ko na s'ya? Eh, kung pakainin ko kaya siya nang maraming carrots?

Nagsimula na 'kong mag-search ng recipe ng menudo. Binasa ko lang 'yon saglit


'tsaka ko na hinugasan 'yong baboy. Kumuha ako ng chopping board at kutsilyo para
simulan na ang pag murder sa kaniya. Hiniwa-hiwa ko na 'yon sa tamang size at hindi
ko alam kung tama ba 'yong pinaggagawa ko. Sunod kong kinuha 'yong carrots sa brown
na paper bag at parang bola kong shinoot sa basurahan. Pero agad din akong
napatakbo do'n para kunin 'yon nang maalala kong isasama nga pala 'yon sa menudo.

Nang mahugasan ko 'yong carrots ay agad ko na 'yon binalatan at hiniwa. Pagkatapos


kong igayak lahat ng kailangan ko ay nagsimula na 'ko sa pagluluto.

***

Nang matapos akong magluto ay kusang sumulpot si Ace sa kusina, kahit na hindi ko
pa naman siya tinatawag. Nagtaka pa 'ko dahil ang bilis niya. Hindi ko tuloy alam
kung umakyat ba talaga siya kanina o hindi at nagtago lang para panoorin ako.

Pareho kaming nakatingin sa niluto ko na ngayon ay nakahain na sa mesa, at


pinagmamasdan 'yon. "Akala ko ba marunong kang magluto?" baling niya sa 'kin.

Napangiti naman ako. "Oo nga. HRM ako, 'di ba?"

"Bakit ganito? Patingin nga ng recipe mo?" Inilabas ko agad 'yong cell phone ko at
ipinakita sa kaniya 'yong pinaggayahan ko. "Bakit magkaiba ang itsura? Parang mas
masarap 'yong nasa picture. Maputla 'yong luto mo."

Parang nagpanting ang pandinig ko sa sinabi niya. "Paanong hindi sasarap 'yan, naka
photoshop 'yan! Tingnan mo nga 'yong itsura, halatang may filter!" inis kong sabi.
Latiin ba 'yong luto ko? Sinunod ko naman 'yong nasa recipe pero hindi pa rin
talaga sila naging magkamukha. "Kung ayaw mong kainin 'yang luto ko, 'yang nasa
picture ang kainin mo. Nguyain mo 'yang cell phone ko nang mabusog ka!" Inis akong
umupo at nagsimula ng kumain. Natatawa naman siyang sumunod at umupo na rin.

"I'm just kidding, 'wag kang magalit." Hindi ko siya sinagot dahil natuon ang
tingin ko sa pagkuha niya ng menudo. Halos lahat ng carrots pinili niya at inilagay
sa kaniyang plato.

Seryoso ba siya? Kakainin niya 'yon? Napalunok ako at kinakabahan.

ACE'S POV

Nakatuon ang tingin ko sa pagkain, habang si Jian alam kong nakatitig sa 'kin.

"Prof Lee...I...I mean Ace." I looked up at her. She seemed nervous.

"Anong problema?" Alam kong nagtataka siya at nag-aalala dahil sa nilagay kong
carrots sa plato ko.

Gan'yan nga Keycee, hindi ko na kailangang tanungin ka pa kung ikaw nga ang asawa
ko. Dahil sisiguruhin ko na ikaw mismo ang aamin sa 'kin.

Ang totoo n'yan sinadya ko talagang magpakuha ng carrots kanina noong nasa
supermarket kami kahit na allergy ako do'n. Kung hindi siya si Keycee, hindi niya
'ko pipigilin kumain no'n. Pero kung siya si Keycee, alam kong alam niya na bawal
ako no'n.

At mukhang umaayon naman ang pinlano ko dahil nakatingin siya ngayon sa carrots na
nasa plato ko.

"S-sigurado ka bang kakainin mo 'yang carrots?"

"Oo, bakit?"

"Ano kasi..." tumayo siya sa inuupuan at umikot para makalapit sa 'kin. "Huwag mong
kainin 'yan." Kinuha niya agad ang mga carrots sa plato ko at ishinoot 'yon sa
basurahan. "Bulok kasi 'yong carrots baka makasama lang sa tiyan mo."

Hindi ako sumagot, pero palihim akong napangiti. Nakita ko 'yong mga kinuha niyang
carrots kanina at wala naman bulok do'n. Halatang nagpalusot lang siya para lang
hindi ko 'yon makain. At least napatunayan ko ngayon na siya pa rin talaga ang
asawa ko.

Habang kumakain kami tahimik lang siya, ako naman ay palihim na sumusulyap sa
kaniya habang napapangiti. Mas napansin ko na gumanda siya lalo. Mas bumagay sa
kaniya ang maikling buhok na nagpa matured nang kaunti sa kaniya. Hindi na siya
mukhang bata. Mas gumanda rin ang katawan niya at 'yong dibdib niya...parang lalong
bumilog at nagkalaman. Hindi ako manyakis, asawa ko naman siya kaya natural lang na
mapansin ko 'yon. Bigla ko tuloy naalala 'yong eksena sa sasakyan ko noon. Noong
naka kandong siya sa 'kin at—

"Baka matunaw ako," she said, snapping me out of my erotic fantasy. Hinaplos ko
'yong noon ko dahil bigla akong nainitan. "I'm done." Tumayo na siya, kumuha ng
baso at nagsalin ng tubig.

"Tapos ka na?" Gano'n na ba 'ko katagal nakatitig sa kaniya at natapos agad siyang
kumain samantalang hindi pa 'ko nakakapagsimula?

"I'm diet," tipid niyang sagot. 'Yon din pala ang isang napansin ko. Mas nagkahubog
pa ang katawan niya ngayon.

"Oo nga, tama 'yan. Mag diet ka, ang taba mo."

Bumaling siya sa 'kin at tinaasan ako ng kilay dahil sa sinabi ko. "Excuse me,
nahiya naman ako sa katawan mo!"

"Dapat lang na mahiya ka sa katawan ko, lalo na sa abs ko." Ngumisi ako sa kaniya
pero mukhang lalo siyang nainis.

"Abs? Wala ka no'n, 'wag kang feeling," she laughed a bit.

Napatayo ako dahil sinabi niya. Humakbang ako palapit sa kaniya, and took my shirt
off in front of her.

Nagulat siya sa ginawa ko pero pasimple niyang sinulyapan ang katawan ko bago
magtakip ng mata.

"Ano ba?! Mag damit ka nga! Hindi ka dapat kumikilos nang gan'yan sa harap ng
estudyante mo!"

"Edi, naniniwala ka na ngayon na may abs ako?" I chuckled, lalo na noong napansin
kong naging kulay kamatis ang mukha niya.

Ibinaba niya 'yong kamay na nakatakip sa mukha niya. "'Wag kang magmagaling, may
abs din ako, 'no!"

I looked down on her stomach. "Oo nga, mayro'n kang abs. A big stomach." Tumawa 'ko
pero halatang nainis siya lalo.

"Ikaw maghugas ng plato!" Inis siyang tumalikod sa 'kin at naglakad papunta sa


kwarto niya. Ayoko sana siyang tawanan pero hindi ko mapigilan. She's so cute.

KEYCEE'S POV

Hindi ako makatulog. Biling-baligtad ang ginagawa ko sa kama ko. Siguro dahil hapon
na 'kong nagising kanina kaya hindi pa 'ko inaantok.

Tumayo na lang ako at lumabas sa kwarto. Halos isang oras na kasi akong nakakulong
sa kwarto pagkatapos kong mag-shower after namin kumain ni Ace. Manonood na lang
muna 'ko ng tv para malibang ako.

Paglabas ko sa sala nagulat ako dahil wala na do'n ang tv. Teka, nandito lang 'yon
kanina, ah?

Oh my! Hindi kaya may magnanakaw na pumasok?

Dali-dali akong umakyat sa taas para ipaalam 'yon sa kaniya. "Professor Lee, 'yong
tv natin ninakaw!" sigaw ko. Pero hindi pa man din ako tuluyang nakakaakyat ay
narinig ko na agad ang pagtawa niya. At nagulat ako noong makita ko s'yang nakaupo
sa single-seater na sofa habang nanonood. So, hindi pala kami ninakawan. Inilipat
niya lang pala dito sa second floor 'tong tv para masolo niya.

Pansin niya sigurong nakatayo ako malapit sa hagdan kaya tumingin siya sa 'kin.

"Bakit?" tanong niya at nakaguhit pa rin ang pagtawa sa mukha niya. Seryoso ba siya
sa tanong niya? Bakit? Bakit nga ba? Nilipat lang naman niya 'tong tv dito para
siya lang ang makanood tapos tatanungin niya 'ko kung bakit?

"Bakit mo inilipat 'yang tv?" Lumapit ako sa kaniya at tiningnan kung anong
pinapanood niya. Comedy naman pala kaya siya tawa nang tawa.

"Ang hirap naman kung bababa pa 'ko para lang manood."

"Edi ang hirap din kung aakyat pa 'ko dito para manood," ganti ko sa kaniya.

"Okay lang 'yan. Exercise ang pag-akyat sa hagdan," tumingin siya sa 'kin tapos
bumaba ang tingin niya sa tiyan ko, tapos sa 'kin ulit, "nakakawala ng ABS."

"Bukas ilipat mo na 'yang tv sa baba. Kapag hindi mo inilipat, isusumbong kita sa


may-ari ng apartment," I warned him.

"I already told her. Bago ko 'to inilipat tinawagan ko na s'ya." Napasimangot naman
ako sa sinabi n'ya. Nakakainis naman! Parang ako tuloy ang lumalabas na makikinood
ngayon sa halip na s'ya! "Upo ka, tatangkad ka lalo n'yan." Hindi ko s'ya pinansin
pero umupo naman ako sa katabing single-seater na sofa.

Napatingin ako sa kaniya noong bigla na naman siyang tumawa. Tawa s'ya nang tawa sa
pinapanood namin. Ang g'wapo n'ya lalo kapag nakatawa s'ya.

Napaisip naman ako bigla. Paano kaya kung hindi nalaman ni Ace 'yong totoo noon?
Paano kung hindi n'ya nalaman na ako 'yong dahilan kung bakit nawala 'yong mommy
n'ya? Siguro naging masaya kami kung hindi n'ya nalaman 'yon. Siguro mas naging
malapit na kami sa isa't-isa. Siguro hindi n'ya nasabi sa 'kin ang mga masasakit na
salitang binitiwan n'ya dati. Siguro okay kami ngayon at masayang magkasama. Siguro
may anak na rin kami ngayo—wait! No!

Pero bakit nga ba n'ya nalaman? Paano n'yang nalaman 'yon, samantalang hindi ko pa
naman sinasabi sa kaniya. Sa pagkakatanda ko, si Christia at Ryza lang ang
sinabihan ko tungkol sa bagay na 'yon.

Bigla ko tuloy naalala 'yong dalawa kong kaibigan. Nasaan na kaya sila ngayon?
Kumusta na sila? Pero may malaking tanong pa rin sa isip ko. Sigurado ako na may
nagsabi kay Ace ng totoo noon. Pero sino? Sino sa kanilang dalawa?

"Jian..." narinig kong tawag ni Ace, pero hindi ako tumingin sa kaniya. Ayoko
s'yang tingnan, lalo pa't naalala ko 'yong nakaraan. Bakit ba kasi iniisip ko pa
ang lahat? Sinasaktan ko lang 'yong sarili ko, eh!

"Mmm?" tipid kong sagot habang sa tv pa rin nakatingin.

"Keycee..." I suddenly turned to him when I heard that name. Keycee? Pero siya, sa
tv pa rin nakatingin. "Please, come back to me."

To be continued...

Chapter 38 - Old Friend

KEYCEE'S POV

Hindi ako makatulog, biling-baligtad na naman ang ginagawa ko sa higaan ko. Bakit
ba kasi n'ya sinabi 'yon? Nasisiraan na ba siya? Alam na ba n'yang ako si Keycee?
Bakit niya 'ko tinawag na Keycee? Bakit niya sinabing...

Please, come back to me.

Hindi tuloy ako makatulog dahil nag e-echo pa rin sa pandinig ko 'yong sinabi niya.

*FLASHBACK*

"Please, come back to me." Nakatingin pa rin ako sa kaniya. Ramdam ko 'yong lungkot
sa boses niya noong sinabi niya ang salitang 'yon. Para s'yang nangungulila.
Nakaramdam ako ng awa at parang gusto ko s'yang yakapin nang mahigpit pero I did my
best not to, dahil baka bigla akong bumigay. Tumingin siya bigla sa 'kin kaya nag-
iwas ako ng tingin. Pati mata niya malungkot din. Gamit ang peripheral vision ko
alam ko na sa 'kin pa rin siya nakatingin. Ako naman ang tumawa nang malakas habang
nakatingin sa tv. Tumawa 'ko kahit na hindi naman masyadong nakakatawa 'yong
nangyari. I just wanted to change the atmosphere kaya tawa pa rin ako nang tawa
kahit wala namang nakakatawa. Pero natigilan ako nang damputin niya 'yong remote at
patayin ang tv."Look at me." I stopped laughing, but I didn't look at him. My eyes
fixated on the tv screen, unable to blink because of his gaze. Inipit niya nang mga
daliri niya 'yong mata niya na para bang pinipigilan n'yang may lumabas do'n. Bigla
tuloy may kumirot sa dibdib ko. Nalulungkot ako. "I didn't mean to hurt you,
Keycee." Ibinaba niya 'yong kamay niya sa unan na nakapatong sa lap niya. Itinuon
ko naman 'yong paningin ko sa tv kahit hindi 'yon nakasindi. Ayoko s'yang tingnan
kasi baka maiyak ako. Mahirap na baka mahuli n'yang ako nga si Keycee kahit na
parang nahuli na niya nga ako at ako lang 'tong manhid kasi pinaniniwala ko pa rin
ang sarili ko na hindi niya pa alam ang totoo. "Hindi ko sinasadyang saktan ka,
maniwala ka," he continued. "Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko no'n. Pero no'ng
naghalo na ang galit ko, do'n ko na-realized na mali ako. Sumobra 'ko masyado.
Hindi ko talaga sinasadyang magbitaw nang masasakit na salita sa'yo." His sincerity
filled my heart. Alam kong nagsasabi siya ng totoo pero hindi ko alam kung anong
gagawin ko. Ang gulo ng isip ko.

Naramdaman ko na parang nag-iinit 'yong sulok ng mga mata ko. Hindi p'wede 'to.
Hindi ako p'wedeng umiyak sa harap niya. Hindi p'wede. Tumayo na agad ako at umalis
sa kinauupuan ko. Nagmadali akong bumaba sa hagdan at dali-daling pumasok sa kwarto
ko. At doon ako nag-iiyak. Hindi ko mapigilan. Kahit na anong gawin kong pagpipigil
sa iyak ko kusang lumalabas ang malalakas kong hikbi. Mukhang hindi na nga yata
iyak ang ginawa ko kun'di hagulgol na.

*PRESENT*

Naramdaman kong may mainit na tumulo galing sa gilid ng mata ko. Kanina pa 'ko
umiiyak pero bakit parang ayaw maubos ng luha ko? Hindi p'wedeng ganito 'ko.
Sigurado akong mamumugto ang mata ko bukas kaya pinilit kong pakalmahin ang sarili
ko. Huminga ako nang malalim. Maraming beses kong ginawa 'yon hanggang sa maging
okay ako.

***

KINABUKASAN, medyo tinanghali ako nang gising. Nakalimutan ko kasing mag-alarm. Sa


bagay, thursday naman ngayon kaya 1:30pm pa ang pasok ko. Bumangon na 'ko sa kama
at susuray-suray na lumabas sa kwarto.

Si Ace agad ang naabutan ko sa kusina. He's cooking. Nakatalikod siya sa 'kin at
nakasuot ng apron habang may hawak na sandok. Dinig na dinig ko rin 'yong
pagsagitsit nang mantika sa kawali at amoy na amoy ko na 'yong piniprito n'yang
tocino. Nagutom tuloy ako bigla.

Dumiretso na muna ako sa banyo para maghilamos at mag-toothbrush. Iisa lang ang
banyo namin kaya naman share kami rito. Napansin ko 'yong lagayan ng toothbrush.
Naging dalawa na 'yong toothbrush do'n. The last time I checked akin lang ang
nakalagay do'n pero ngayon nandito na rin 'yong sa kaniya. Pati 'yong mga gamit
niya sa pagligo narito na rin.

Pagkatapos kong mag-toothbrush lumabas na 'ko at pumunta ulit sa kwarto ko. Hindi
ako nagsuklay, basta ko na lang tinali 'yong buhok ko paitaas para naman maging
maayos kahit paano, pero nakalaglag 'yong bangs ko sa magkabilang gilid ng mukha
ko.

"Good morning," bati sa 'kin ni Ace pagbalik ko sa kitchen. Tapos na siyang


magluto.

"G-good morning, Prof Lee." Napatingin siya sa 'kin nang kunot noo. Siguro nagtaka
siya kasi tinawag ko ulit s'yang Prof Lee. Sabi niya kasi sa 'kin Ace na lang daw
itawag ko sa kaniya 'pag kami lang dalawa. Pero sa nangyari kagabi mukhang gusto
kong magpakapormal na lang ulit para hindi maging awkward.

Kumuha ako ng fresh milk sa ref at nagsalin sa baso.

"Let's eat," sabi ni Ace habang naghahanda ng mga plato sa mesa. Sa tingin niya ba
pagkatapos ng nangyari kagabi makakakain akong kasama siya?

"Hindi pa po ako gutom, mamaya na lang ako kakain." Tinalikuran ko siya at nagpunta
sa second floor dala 'yong baso na may gatas para manood ng tv. Kung hindi niya
nilipat 'tong tv, edi sana hindi na 'ko mapapagod na umakyat pa rito.
I was about to turn the tv on pero naisip kong mali ang pagpunta ko rito. Mas
maaalala ko lang 'yong nangyari kagabi kaya naman binitbit ko ulit 'yong baso ko na
may gatas at bumaba na. Narinig ko naman si Ace na may kausap phone niya.
Nakatalikod siya sa 'kin kaya hindi niya alam na nakababa na ulit ako. Nakaharap
kasi siya sa sink.

"Blind date? No, I won't do it." Napakunot noo ako sa narinig ko. Halata rin ang
inis sa boses niya. "You told me I have another cousin, so why not him? I'm married
for goodness sake!" Blind date? Bigla s'yang humarap sa direksyon ko kaya nakita
niya 'kong nakatayo di kalayuan sa kaniya. Nakatingin lang siya sa 'kin habang
nakatutok pa rin 'yong phone sa tainga niya. "Okay. I'll do it," he said, not
leaving my eyes. Nang ibaba niya 'yong phone niya ay agad akong ngumiti sa kaniya.
Kanina lang sabi niya kasal siya, pero noong nakita niya 'ko, biglang I'll do it?
Nang-aasar ba siya? Naglakad ako papunta sa mesa para kumain. "Akala ko ba mamaya
ka na lang kakain?" Pum'westo na rin siya sa upuan niya at sinabayan ako.

"Bigla akong nagutom, eh." Ang totoo n'yan nainis ako bigla noong marinig ko 'yong
blind date kaya idadaan ko na lang sa kain.

"Anong oras pasok mo?" he asked, still looking at me.

"1:30 pa. Ikaw, anong oras ka pupuntang school?" Hindi ako tumitingin sa kan'ya.

"Eleven. May klase ako ng twelve." Napatango naman ako. So, maiiwan ako dito sa
bahay kasi maya-maya lang aalis na siya. Sabagay, mas okay na 'yon kaysa mailang
ako nang kasama siya.

Pagkatapos namin kumain ako na ang nag volunteer na maghugas nang pinagkainan
namin, since siya naman ang nagluto. Pumayag naman siya tapos umakyat na siya sa
taas. Siguro ay gagayak. Pagkatapos kong maghugas, pinatay ko na 'yong gripo at
akmang aalis na 'ko sa kusina noong makita ko si Ace na pababa sa hagdan. Half-
naked, tuwalya lang ang nakatapi sa baywang niya kaya dali-dali akong humarap ulit
sa gripo at binuksan 'yon. Nagkunwari akong hindi pa 'ko tapos. Noong maramdaman
kong bumukas at sumara na ulit 'yong pinto ng banyo 'tsaka lang ako bumalik sa
kwarto ko.

Bakit ba kasi s'ya lumalabas nang nakatapi lang? Nakalimutan na ba n'yang may
kasama s'yang babae dito sa apartment? Paano pala kung ibang babae 'yong kasama
n'ya dito? Edi, pinagnasaan na s'ya? Porque kasi maganda 'yong katawan, feel na
feel n'yang ibalandra kung saan!

Dumiretso ako sa kama at naupo sa gilid no'n. Tiningnan ko 'yong cell phone ko at
nagulat ako kasi may text sa 'kin si Ryan. Hindi naka save 'yong number niya sa
'kin dahil nga bago 'yong phone ko.

"Hey, Jian. It's me, Ryan. Namimiss na kita, dumating na 'ko galing America. P'wede
na ba tayong magkita? 'Tsaka may sasabihin din pala 'ko sa'yo."

"Sure. When and what time?" I replied.

***

Nasa foodcourt kami ngayon nila Jezza at Marian. 'Yon nga, tinanong nila 'ko kung
bakit hindi raw ako pumasok kahapon at sinabi ko na lang na masama ang pakiramdam
ko. Tapos sinabi rin nilang binigay nila 'yong bago kong number kay Ryan kasi raw
kinukulit sila nito dahil hindi raw ako ma-contact. Nakalimutan ko rin naman kasing
kontakin si Ryan simula noong binenta ko 'yong phone ko. Tapos noong pinabilhan
naman ako ng phone ni Madam Marlette, hindi ko naman alam kung paano s'ya
kokontakin kasi hindi ko kabisado ang number niya.

"So, ano na? Edi magkikita kayo mamaya?" tanong sa 'kin ni Jezza. Mukhang siya
'yong kinikilig.

"Oo." I responded. Inaaya kasi nila 'kong mag-mall pero hindi ako pumayag dahil nga
magkikita kami ni Ryan mamayang 6pm after ng klase namin kaya sinabi ko na next
time na lang.

"Nga pala, Jian..." baling sa 'kin ni Marian, "may naghahanap sa'yo kahapon dito sa
school. Dalawang babae. Kasing edad lang yata natin. Ang sabi nila kaibigan ka raw
nila."

Napakunot noo naman ako. "Sino?" I asked.

"Rizza at Cristine," sagot niya.

"Tanga!" singit naman ni Jezza, "Ryza at Christia!"

Si Ryza at Christia?

"Ay, oo pala." Natawa saglit si Marian bago ituloy ang sasabihin. "Sabi pa nga nila
hindi raw Jian ang pangalan mo kun'di Keycee Dela Vega."

To be continued...

Chapter 39 - The Meeting

KEYCEE'S POV

"Ay, oo pala." Natawa saglit si Marian bago ituloy ang sasabihin. "Sabi pa nga nila
hindi raw Jian ang pangalan mo kun'di Keycee Dela Vega."

Saglit akong natigilan sa sinabi Marian. Hindi ko alam kung anong dapat kong
sabihin kaya naman tumawa na lang ako. "Keycee? Saan naman nila napulot ang
pangalang 'yon?" pagkukunwari ko. Inangat ko 'yong juice sa harap ko at tinungga
'yon dahil sa kaba.

"Kaya nga. Parang mga baliw. Nakipag-debate pa sila sa 'min at pinagpipilitang


hindi Jian ang pangalan mo. Daig pa nila ang takas sa mental," komento ni Jezza.

Paano ko ba ipapaliwanag sa kanila ang totoo?

"Nasaan na sila ngayon?" baling ko sa kanila, hindi ko pinahahalata na ninenerbyos


ako.

"Umalis din agad kahapon no'ng hindi ka nakita," sagot ni Marian.

Hindi na lang ulit ako kumibo. Hayaan ko na lang muna, ang importante alam kong
nandito sila Christia at Ryza ngayon dahil hinahanap nila 'ko. God! Gusto ko na
silang makita. Miss na miss ko na sila. Pero...paano kapag nagkita na kami? Paano
na 'yong pagpapanggap ko bilang Jian Perez?

***
Pagkatapos ng klase namin, sabay-sabay na kami nila Jezza at Marian na lumabas sa
main gate. Pero nagpunta sila sa mall para naman daw hindi sila mainggit knowing na
makikipagkita ako kay Ryan. Akala kasi nila manliligaw ko si Ryan. Well, uhm, gusto
naman talaga ni Ryan na ligawan ako pero inexplain ko sa kaniya na kahit ako na
ngayon si Jian– kasal pa rin ako.

Pagpasok ko sa McDo, kung saan kami magkikita ni Ryan, agad ko siyang natanaw na
nakaupo malapit sa dulo. Naka side view lang siya pero nakilala ko agad.

"Hi, Ryan," bati ko sa kaniya paglapit ko. Bigla s'yang tumayo at niyakap ako nang
mahigpit. Mahigpit na mahigpit. Halos hirap na nga akong huminga pero hindi ko siya
pinigilan. Ano kayang problema?

Niyakap ko rin siya at hinaplos ang likod niya. Habang hinahaplos ko siya sa likod,
naramdaman kong umiiyak na siya. Bakit kaya?

"Sssshh, tahan ka na nga. Para ka namang hindi lalake n'yan, eh." Bumitaw siya sa
'kin at tumingin sa ibang direksyon. Hinawakan ko naman ang mukha niya at iniharap
sa 'kin. Pinunasan ko 'yong luha niya gamit ang kamay ko. "Ano bang nangyari?
Kwento ka, makikinig ako."

"Sandali, oorder lang ako." Tumayo siya at pumunta sa counter para mag-order ng
pagkain namin. Pagbalik niya, habang nagsisimula kaming kumain, doon na siya
nagkwento.

Kahit ako, hindi ko maiwasang hindi mapaluha dahil sa nalaman ko. 'Yong mommy kasi
niya, namatay na pala. 'Yon pala ang emergency na ipinunta niya sa America dahil
kritikal na ang mommy niya . Nalulungkot siya kasi hindi man lang daw niya nakasama
nang matagal ang mommy niya bago ito nawala.

At ngayon na bumalik na siya dito sa Pilipinas, nakilala naman niya ang lolo niya.
Ang totoo, ngayon niya lang daw ito nakilala dahil dito raw siya ipinagkatiwala ng
mommy niya dahil wala naman na silang ibang kamag-anak.

Kinwento niya rin sa 'kin 'yong history ng mommy niya, na anak daw ng lolo niya sa
ibang babae ang mommy niya kaya raw hindi niya ito nakilala noon.

"Mamaya, magkikita ulit kami ni lolo. Ipapakilala niya sa 'kin 'yong dalawa niyang
apo." Tiningnan ko si Ryan. Bakas na bakas pa rin sa mukha niya ang lungkot kahit
na nakangiti siya nang bahagya. "Jian, p'wede mo ba 'kong samahan mamaya? Nahihiya
kasi ako sa kanila." Bumuntong-hininga ako. Sa itsura niyang 'yan, walang puso lang
ang makakatanggi sa kaniya. I smiled at him and answered him with a nod. "Salamat,"
sabi niya sabay hawak sa kamay kong nakapatong sa mesa.

Pagkatapos namin kumain ay nag-offer siyang ihatid ako pauwi pero tumanggi ako
dahil baka matiyempuhan namin si Ace sa apartment. Hindi ko naman kasi binaggit sa
kaniya 'yong tungkol sa pagtira ko sa isang apartment kasama si Ace.

"Sigurado kang ayaw mong magpahatid?" Kumunot 'yong noo niya habang nakatingin sa
'kin. Nasa parking lot na kami at pasakay na siya ng sasakyan niya.

"Oo, okay lang. Hihintayin ko pa kasi saglit si Jezza at Marian para kuhanin 'yong
libro ko," I lied.

"Sige, ikaw bahala." Ngumiti siya. "See you later."

Pag-alis nang sasakyan ni Ryan, naglakad na rin ako para maghanap ng taxi pauwi.
***

7:00pm na akong nakauwi sa apartment. Pagpasok ko sa loob, sinalubong agad ako ni


Ace.

"Sa'n ka galing?" Napansin kong nakagayak siya at mukhang may pupuntahan.

"Kumain po sa labas, Professor Lee." I'm being mabait again. "Aalis po ba kayo?"

"Yes. I'll be late kaya i-lock mo 'yong pinto at gate pag-alis ko. 'Wag kang
magbubukas ng pinto kapag hindi mo kilala kung sino–" Natigilan si Ace sa
pagsasalita noong bigla akong matawa. "Why? Is there something funny?" Tumaas 'yong
kabilang kilay niya kaya sumeryoso na 'ko.

Sino ba naman kasing hindi matatawa? Para siyang tatay na nagbibilin sa nag-iisang
anak na babae.

"Wala po," I said, trying to hold my laughter. "Anyway, okay lang kahit ma-late ka.
Aalis din kasi ako. Baka ma-late rin ako sa pag-uwi." Biglang nagsalubong 'yong
kilay niya, halatang hindi niya nagustuhan 'yong sinabi ko.

"Where are you going at this hour?"

I could ask you the same, Ace. Where are you going at this hour? Sa blind date mo?

"May date po ako," sagot ko sa kaniya na lalong ikinalukot nang mukha niya. Anong
akala niya, siya lang ang may date?

Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita at dumiretso na 'ko sa kwarto ko.


Naghanap ako ng isusuot bago ako maghubad at ibalot ang sarili ko sa t'walya.

Lumabas ako sa kwarto para pumunta sa banyo at mag-shower, pero nagulat ako dahil
hindi pa pala umaalis si Ace. Nakatayo siya at nakatingin sa 'kin. He scanned me
from head to toe at pakiramdam ko daig ko na naman ang may tig-isang kilong blush-
on sa magkabilang pisngi.

Noong mapansin niya na hindi ako komportable at hindi ako makahakbang hangga't
nakatingin siya ay kusa na siyang tumalikod. Doon pa lang ako nakakilos at
nagmadaling pumasok sa banyo. Bakit ba kasi walang bathroom sa loob ng mga kwarto?

Nagmadali lang akong maligo. Pagkatapos ko ay lumabas na rin agada ko sa banyo at


nagulat na naman ako dahil hindi pa rin umaalis si Ace. Nakaupo na siya ngayon sala
na narito sa first floor. Nagbabasa siya ng newspaper at nakatakip 'yon sa mukha
niya kaya sinamantala ko ang pagkakataon na lumakad nang hindi niya napapansin.

"Sinong ka date–"

"Aachk!" Bigla akong nag-slide dahil nagulat ako nang magsalita siya, at dahil do'n
nag-loose ang t'walya na nakabalot sa 'kin, dahilan para malaglag 'yon sa katawan
ko. Natulala si Ace nang makitang wala akong saplot kaya agad ko s'yang sinigawan.
"PUMIKIT KA!" Nag-echo sa buong bahay ang boses ko at halos nagasgas yata ang
lalamunan ko dahil do'n. Agad kong dinampot ang t'walya at ibinalot ulit sa katawan
ko kasabay nang mabilis kong pagtakbo papunta sa kwarto. Pagkasara ko sa pinto ay
narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Ace. Kainis!

Pagharap ko sa salamin, sobrang pula nang mukha ko dahil sa kahihiyan. Sobrang


lakas din nang tibok ng puso ko dahil sa nangyari.

Nagbihis na agad ako at nag-ayos para hindi ako ma-late sa pagkikita namin ni Ryan.
Fitted dress na spaghetti strap ang suot ko, kulay pula at hanggang kalahati 'yon
nang hita ko. Sinuklay ko lang 'yong buhok ko at nag-apply ng kaunting make-up at
balm. Nang maisuot ko na 'yong sandals ko, kinuha ko naman ang maliit kong sling
bag 'tsaka na 'ko tumapat sa pinto.

Hindi ko muna 'yon binuksan dahil pinakikiramdaman ko pa kung nasa labas pa ba si


Ace o umalis na.

Noong wala na 'kong naririnig na ingay ay saka pa lang ako lumabas.

"Finally."

"Pusang gala!" Nagulat ako nang bigla siyang magsalita. Nakatayo siya at nakasandal
sa sementong pader na katabi ng main door. "B-Bakit hindi ka pa rin umaalis?"

Sa halip na sagutin, tiningnan niya 'ko mula ulo hanggang paa. Nang ibalik niya ang
tingin sa mukha ko, nagsalubong ang kilay niya.

"You're going out like that?" Hindi ko siya sinagot, binaba ko 'yong tingin ko para
tingnan ang suot ko. Okay naman, ah. "Magpalit ka," ma-awtoridad niyang sabi.

Sinimangutan ko naman siya. "Bakit? Okay naman, ah! 'Tsaka bakit ako magpapalit?
Hindi naman ikaw ang ka-date ko." Umirap ako sa kaniya pero mukhang hindi niya
nagustuhan 'yon kaya humakbang siya palapit sa 'kin.

Tinitigan niya 'ko sa mata. "Magpapalit ka o ihahatid kita?" Seryoso ang mukha niya
kaya hindi ako nakakibo. "If you change into jeans and long sleeves, I'll let you
go alone to wherever you go. Kapag hindi ka naman nagpalit mapipilitan akong ihatid
ka sa pupuntahan mo para lang makasiguro ako na makakabalik ka sa 'kin nang buo."
Napalunok ako sa sinabi niya. "Now, decide."

"Pero male-late na 'ko."

"Okay. Tell me where you're going, and I'll take you there."

"Pero–"

"No buts," he cut me off. Napabuntong-hininga na lang ako at inis na bumalik sa


kwarto ko para magpalit. Hindi na 'ko nakipagtalo. Ayoko namang ihatid niya pa ako
dahil baka makita niya lang si Ryan, at kapag nangyari 'yon mabubuking na 'ko.
S'yempre mapapaisip siya kung bakit kami magkasama. Hindi naman p'wedeng
coincidence lang na kakilala rin ni Ryan si Jian Perez na kamukha ni Keycee, right?

Sinunod ko ang gusto ni Ace at nagpalit ako ng jeans, pinartneran ko 'yon ng puting
blouse na mahaba ang manggas para naman lumigaya na siya.

Paglabas ko sa kwarto at makita niyang iba na 'yong suot ko, bumalik bigla 'yong
ngiti niya.

"Happy?" I said sarcastically.

"Of course," sagot niya sa 'kin habang nakangiti. Sabay kaming lumabas sa apartment
at siya na ang nag-lock no'n. Ipinagpara niya rin ako ng taxi at hinintay niya muna
akong makaalis bago siya sumakay sa sasakyan niya at umalis. Binilinan niya rin ako
na tumawag na lang raw ako sa kaniya just in case na mauuna akong umuwi para raw
makauwi rin siya agad, since nasa kaniya 'yong susi ng apartment. So willing siya
na takbuhan 'yong date niya para sa 'kin? Wow lang!
ACE'S POV

Nasa bahay na 'ko ni lolo at kasama ko na rin si Pinky. Nakaupo ako sa couch habang
hawak ang phone ko. Kanina pa 'ko nagdadalawang-isip kung tatawagan ko na ba si
Keycee para pauwiin na, samantalang wala pa naman isang oras simula noong umalis
kami sa apartment.

Hindi kasi ako mapakali dahil sa sinabi niyang may date siya. Isa pang gumugulo sa
isip ko kung sino 'yong hinayupak na 'yon para mag-ayos si Keycee nang gano'n
kanina. Litaw na litaw 'yong magaganda at makinis niyang legs, pati 'yong collar
bone niya ay binabalandra na niya. Damn! Kung hindi ko pa siya tinakot na ihahatid
ko siya, hindi pa siya magpapalit!

"Ano ba kasing gagawin natin dito?" tanong ni Pinky. Kanina pa siya nagrereklamo
dahil hanggang ngayon ay hindi pa dumarating si lolo. Ang usapan namin ay 8:00pm
pero 8:30 na wala pa rin siya. "Napakarami kong ginagawa, ngayon pa nag-ayang mag-
dinner si lolo. Nakaka-stress. Male-late na 'ko sa photoshoot ko, anong oras na!
Kanina pa text nang text sa 'kin 'yong manager ko." She's now a model kaya naman
sobrang hectic na rin ng schedule niya. Pinilit lang kasi kami ni lolo na pumunta
rito sa bahay niya dahil ngayon niya raw ipapakilala sa amin 'yong sinasabi niyang
apo niya. Pero si Pinky, mukhang wala pang alam tungkol do'n. "Hoy, Ace! Nasa'n na
ba si lolo? Tawagan mo nga."

"Tumahimik ka na lang at hintayin na lang natin, baka parating na 'yon," I said and
took my phone out. Wala pa rin text o tawag si Keycee.

"Bibilangan ko si lolo hanggang sampo. Kapag hindi pa siya dumating, aalis na 'ko
at bahala kayong mag-dinner na dalawa!" At nagsimula na nga siyang magbilang. "One.
Two. Three. Four. Five. Six. Seven. Eight. Nine. Nine at kalahati. Nine at kalahati
at ¼TEN!" Tumayo na siya sa couch pero kasabay noon ang pagbukas ng main door at
pagpasok ni lolo. "Oh my gosh! Lolo! I missed you so much!" Lumapit agad siya at
yumakap dito.

"Miss? Eh, ano 'yong naririnig ko na pagbibilang mo kanina?" Lolo laughed a little.
Ang sabi niya ipapakilala niya sa 'min ang apo niya pero bakit wala naman siyang
kasama?

"Lo naman, Im just checking kung kumpleto pa ba ang daliri ko sa kamay. So far,
kumpleto naman sila. Sampo pa rin." Natawa sila pareho. Nakakapit si Pinky sa braso
niya at lumapit naman sila sa 'kin.

Tumayo ako at nagmano. "Good evening, lo."

"Tara na, aalis na tayo." Napatingin kami pareho ni Pinky sa kaniya. Hindi na tayo
dito magdi-dinner. Sa labas na lang." Wala kaming nagawa ni Pinky. Sumunod kami kay
lolo sa labas, pero hiwa-hiwalay kami ng sasakyan. May dalang kotse si Pinky,
gano'n din ako. Si lolo naman may sarili rin s'yang sasakyan pero kasama niya 'yong
driver niya.

Naunang umalis ang sasakyan ni lolo kaya nagawa namin yon sundan.

KEYCEE'S POV

Nasa restaurant kami ngayon ni Ryan, sa VIP room, kung saan siya pinapunta ng lolo
niya para i-meet daw 'yong dalawang pinsan niya. Dapat nga sa bahay ng lolo niya
kami pupunta pero nagbago raw ang isip nito at sinabing sa restaurant na lang.

"Ang tagal naman ng lolo mo," reklamo ko. Naiinip na kasi ako dahil kanina pa kami
naghihintay.

"Hintayin lang natin, baka parating na sila," sagot naman sa 'kin ni Ryan na kanina
pa parang kinakabahan.

Tumayo ako sa inuupuan ko at naglakad-lakad sa loob nang malaking kwarto na 'to.


Glass wall ang right side kaya makikita mo 'yong matataas at maliliwanag na
building na katapat namin. Nakaramdam ako nang sakit ng puson. Bakit ngayon pa?
Sana 'wag naman akong mapag-abutan dito. Mukhang ngayon pa 'ko magkakaroon. Malas.

Naglakad ako palabas ng VIP room para pumunta sa restroom sa baba. Feeling ko kasi
talaga may kakaibang nagaganap sa 'kin dahil masakit ang puson ko.

Pero akmang hahawakan ko pa lang 'yong doorknob ay kusa na itong napihit.

"Keycee sa'n ka pupunta?" tanong ni Ryan. Pero hindi ko siya nasagot dahil kasabay
ng tanong niya ang pagbukas nang pinto at napaatras ako nang makita ko kung sinu-
sino ang nakatayo sa pinto. Si Pinky, ang lolo nila at Ace. Napalunok ako kasabay
nang panunuyo ng lalamunan ko.

"Keycee?" gulat na tawag sa 'kin ni Pinky at lolo.

To be continued...

Chapter 40 - I Missed You, Too!

KEYCEE'S POV

"Keycee?!" sabay na tawag sa 'kin ni Pinky at lolo. Bakas sa mukha nila ang
pagkabigla.

Naramdaman ko namang napatayo si Ryan dahil dinig ko ang pag-atras nang upuan niya.
Hindi ako makapagsalita lalo na ngayong nabaling ang tingin ko kay Ace, na
nakatingin din sa 'kin. Natatakot ako. Natatakot akong malaman niya na ako nga si
Keycee.

"K-Keycee...Is that you?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Pinky. Kahit


papaano naman natatandaan ko siya. Pinsan siya ni Ace at nagkita na kami dati. Siya
ang nag-tutor sa 'kin noon kaya ako pumasa sa exam sa math. Hindi ko siya sinagot
at yumuko lang ako. Hindi ako makapagsalita. Wala na. Sira na. Sira na ang pagiging
Jian ko. Alam kong alam na ni Ace ngayon na ako nga si Keycee, dahil isang malaking
ebidensya na ang pagiging magkasama namin ngayon ni Ryan. Biglang tumulo 'yong luha
ko. Ang tanga ko talaga! Dapat pala tinanong ko muna si Ryan kung sino 'yong lolo
na tinutukoy niya. "Keycee...oh my gosh!" Lumapit agad sa 'kin si Pinky at niyakap
ako.

"Keycee, iha. Ikaw nga ba 'yan? P-paanong...?" Sa boses ni lolo halatanag


naguguluhan rin siya. Sino ba naman ang hindi maguguluhan, eh, ang alam nila ay
patay na 'ko. Bumitaw sa 'kin si Pinky at hinawi ang buhok ko na tumatakip sa mukha
ko. Hindi ko na magawang mag-angat nang tingin kay Ace dahil nahihiya ako. Nakayuko
na lang ako habang tumutulo ang luha. Lumapit sa 'kin si lolo at siya naman ang
sumunod na yumakap sa 'kin.

"Ang buong akala namin—" hindi naituloy ni lolo ang sasabihin niya dahil pagbitaw
niya, tumakbo na agad ako palabas dahil sa sobrang hiya. Nahihiya ako na nalaman
nilang nagsinungaling ako tungkol sa pagkamatay ko.

"Keycee!" narinig kong tawag sa 'kin ni Ryan bago ako tuluyang makalayo. Sana Jian
na lang ang itinawag niya sa 'kin.

Nagtatakbo ako palabas sa restaurant habang umiiyak. Laking pasalamat ko na lang


dahil walang masyadong tao noong makalabas na 'ko hanggang sa kalsada. Pero para
'kong tanga dahil iyak pa rin ako nang iyak, at sa patuloy kong pagtakbo, natalisod
ako at napigtas 'yong sandals ko.

Wala na. Tapos na. Alam kong ito na ang katapusan ng pagiging Jian ko.

RYAN'S POV

Kinakabahan ako habang naghihintay kina lolo kaya naman hindi ko magawang kausapin
si Keycee. Hindi ko kasi alam kung anong magiging reaksyon nang dalawa kong pinsan
na ipapakilala niya ngayon sa 'kin.

Nahalata kong naiinip na rin si Keycee kaya siguro naisipan niyang tumayo at
tumanaw na lang sa glass wall, sa labas. Maya-maya pa, naramdaman kong humakbang
siya papunta sa malaking pintuan.

"Keycee, sa'n ka pupunta?" baling ko sa kaniya noong akma niyang bubuksan ang
pinto. Pero hindi niya 'ko sinagot dahil bigla na 'yon bumukas bago pa man niya
hawakan ang doorknob. Bumungad si Lolo, Ace at isang babae na hindi ko pa kilala
kaya napaatras si Keycee.

"Keycee?!" Daig pa ni lolo ang nakatita ng multo, gano'n din 'yong babae. Kahit ako
ay natulala rin, pero hindi dahil tinawag nilang Keycee si Jian, kun'di dahil sa
pagtataka kung bakit kasama ni lolo si Ace. Kumunot ang noo ko habang iniisip ko
ang posibilidad na sila 'yong pinsan ko.

"K-Keycee...Is that you?" tanong no'ng babae kay Keycee. Pero nagtaka ako nang
mabaling ako kay Ace dahil parang hindi man lang siya nagulat na makita si Keycee.
Parang wala lang sa kaniya, hindi katulad ni lolo at nang isang babae na gulat na
gulat. "Keycee...oh my gosh!" Lumapit at yumakap kay Keycee 'yong babae, habang si
Keycee ay umiiyak.

"Keycee, iha. Ikaw nga ba 'yan? P-paanong...?" Lumapit din si lolo sa kaniya at
niyakap siya saglit. "Ang buong akala namin—" at hindi pa man naitutuloy ni lolo
ang sasabihin nang biglang tumakbo si Keycee palabas.

"Keycee!" tawag ko sa kaniya kasabay rin nang pagtakbo ko para sana sundaan siya
pero hinarang ako ni Lolo. "Mag-uusap tayo, Ryan," sabi niya sa 'kin 'tsaka naman
siya bumaling kay Ace at sinabing, "Sundan mo ang asawa mo, mag-usap kayo." Tumango
si Ace at sinundan nga si Keycee.

KEYCEE'S POV

Tumutulo pa rin ang luha ko habang naglalakad sa kaliwang bahagi ng kalsada.


Madalim na pero kita ko pa rin naman ang daan dahil sa street lights. Nakayapak na
rin ako dahil iniwan ko na 'yong napigtas kong sandals kanina.

Hindi ko alam kung paano 'ko haharap ngayon kay Ace. Anong sasabihin ko sa kaniya?
Paano ko ipapaliwanag ang pagiging si Jian ko? Paano ako magpapalusot? Anong
gagawin ko?

Nakaramdam ako ng tunog ng sapatos sa 'di kalayuan, naglalakad rin siya pero sa
kabilang kalsada. Tumingin ako sa kanang bahagi ng daan at nakita ko si Ace do'n.
Sinasabayan niya ang paglalakad ko. Malaki ang pagitan naming dalawa. Nasa kaliwang
gilid ako, siya naman sa ay nasa kanan, at nasa gitna namin ang daanan ng sasakyan
pero magkatapat lang kami.

Mabagal ang paglalakad ko at gano'n din siya. Magkahawak sa likuran ang dalawang
kamay niya at diretso lang ang tingin niya sa daan. Ace naman, eh. Bakit mo pa 'ko
sinundan? Hindi ko na nga alam ang gagawin ko ngayon mas lalo pa 'kong nagugulo.

"Tumahan ka na. Baka 'pag may nakakita sa'yo na umiiyak ka sa kalsada, isipin pa
nila na baliw ka." Hindi malakas ang pagkakasabi ni Ace. Hindi rin mahina. 'Yong
saktong maririnig ko lang.

Hindi pa rin ako humihinto sa paglalakad. Sinubukan kong sundin ang sinabi niya
pero ayaw naman sumunod ng mga mata ko dahil may luha pa rin na lumalabas at
napapasinghot pa rin ako.

"AHH!" Napatigil ako nang may natapakan ako na hindi ko alam kung ano pero masakit,
pakiramdam ko ay nasugatan ang paa ko. Agad namang tumakbo palapit sa 'kin si Ace.

Nang i-angat ko ang kanang paa ko, may nakita akong piraso ng basag na bote at may
bahid na 'yon ng dugo.

"Sh*t." Napamura si Ace nang mahina nang makalapit siya at makita niyang may sugat
ang paa ko.

Nagulat naman ako nang bigla niya 'kong buhatin.

"Ibaba mo 'ko," utos ko sa kaniya. Pero hindi niya 'ko pinapakinggan. "Ibaba mo
sabi ako, kaya kong maglakad."

"How can you walk in this kind of situation?" sagot niya sa 'kin. Naglakad siya
pabalik sa restaurant habang buhat-buhat ako, pa-bridal style.

"Put me down, Ace," ulit ko sa kaniya.

"No. Uuwi na tayo."

"Ayoko. Ibaba mo 'ko sabi!" Gaya kanina, hindi pa rin niya 'ko pinakingnan.
Pagkarating namin sa parking lot, pilit niya 'kong isinakay sa loob ng sasakyan
niya at mabilis siyang umikot sa kabila para makapasok na rin. "Ayokong umuwi,"
baling ko sa kaniya.

Pagkatapos ng nangyari ngayon sa tingin niya ba sasama ako sa kaniya? Para ano?
Tatanungin niya 'ko? I-interviewhin niya 'ko kung bakit ako nagsinungaling? Kung
anong totoong nangyari sa 'kin? Tapos ano? Babalik na naman lahat ng sakit?

"Uuwi tayo, Keycee. Iuuwi kita, whether you like it or not."

"Ayoko nga!" Hindi na 'ko nagpigil at nasigawan ko na siya. "Ano bang mahirap
intindihin sa salitang ayoko?" inis kong sabi. "Ayokong umuwi! Ayokong sumama
sa'yo!"

"Damn it, Keycee!" nagulat ako dahil hinampas niya ng dalawang kamay niya 'yong
manibela. Natakot ako bigla kaya natahimik ako. Pinunasan ko 'yong luha ko at nag-
iwas ng tingin sa kaniya. Parang agad naman siyang natauhan. "Sorry, hindi ko
sinasadyang sumigaw." Inabot niya 'yong kamay ko at hinawakan 'yon, pero hindi ko
pa rin siya tinitingnan. "I just want you to rest. Kung hindi ka uuwi, sa'n ka
pupunta? I won't let you sleep on the street." Natahimik naman ako. Tama siya. Kung
hindi nga naman ako uuwi, saan ako matutulog? Wala pa si mama sa bahay at naka-lock
'yon.

He started the engine at nag-drive na siya. Tahimik lang kami sa b'yahe. Medyo
natahimik na rin ako dahil huminto na 'yong paghikbi ko.

Pagdating namin sa apartment, bumaba agad si Ace para buksan muna 'yong gate dahil
na-lock 'yon. Nang mabuksan niya na, agad siyang bumalik sa sasakyan at nag-drive
na ulit papasok sa loob.

Nagmadaling bumaba si Ace noong nasa loob na kami ng compound. Binuksan niya muna
'yong main door 'tsaka niya 'ko binalikan.

"Kaya ko na," pigil ko sa kaniya noong bubuhatin na dapat niya 'ko pababa.

"Huwag makulit, Keycee. May sugat ang paa mo." Hindi na niya 'ko hinayaan makasagot
at agad na niya 'kong binuhat at ipinasok sa loob, diretso sa kwarto ko. Iniupo
niya 'ko sa gilid ng kama at agad din siyang umalis. Akala ko hindi na siya babalik
pero mali ako.

Pagpasok niya ulit sa kwarto ko may dala na siyang basin na may tubig, at may
maliit na towel din siyang dala. Umupo siya sa harap ko pero nakaluhod ang isang
tuhod niya. Nilinis niya 'yong paa ko na nasugatan at nadumihan noong naglakad ako.
Tinitigan ko lang siya habang ginagawa niya 'yon.

Bakit parang hindi man lang siya nagulat kanina noong nalaman niyang ako si Keycee?
O baka kasi alam na niya 'yong totoo tapos sinasakyan na lang niya 'ko?

Pagkatapos niyang linisin at punasan ang paa ko, nilagyan naman niya ng gamot ang
sugat ko. Pagkatapos niyang gawin 'yon, tumayo na siya at naupo sa tabi ko.

"Keycee..." tawag niya sa 'kin.

"Labas," I said coldly. Sa halip sa magpasalamat ako sa pag-asikaso niya sa paa ko,
mas pinili ko pang palabasin siya. Feeling ko tuloy ang sama ko.

"No. Mag-usap tayo."

"Labas," I repeat.

"Keycee, please." Sa tono niya halatang gusto niya talaga akong makausap. Pero
hindi pa 'ko ready na ungkatin ang nakaraan dahil nasasaktan lang ako kapag
naaalala ko 'yon.

"Labas sabi!" Hindi ko na napigilang sumigaw. Pero hindi pa rin natinag si Ace kaya
ako na ang tumayo. Kung ayaw niyang lumabas, ako ang aalis.

Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang bigla rin siyang tumayo. Sinundan niya
'ko at bago pa 'ko makalabas sa pinto, napigilan na niya 'ko sa pamamagitan ng
pagyakap niya sa 'kin mula sa likuran ko. Mahigpit na yakap.

"Wag mo 'kong sigawan, please. Gusto lang kitang makausap. Masama ba 'yon?" Sobrang
lambing ng boses niya. Nakakawala ng galit. "Don't worry, hindi ako magtatanong ng
kahit ano sa'yo. Hindi kita tatanungin kung anong nangyari at kung bakit ka
nagpalit ng pangalan. Hindi kita pipilitin na sabihin ang dahilan mo. Gusto lang
kitang makausap bilang si Keycee. I wanna hear your voice. Gusto kong marinig 'yong
pagtawag mo sa pangalan ko. Gusto kong marinig sa'yo kung...kung namiss mo ba 'ko.
Kasi ako," bumitaw siya at umikot para pumuwesto sa harap ko, "miss na miss kita,"
he continued, kasabay ng pagyakap niya ulit sa 'kin. Hindi ako nakapagsalita dahil
may bumagsak na namang luha sa mata ko.

Wala akong masabi. Dapat galit ako ngayon. Dapat hinahampas ko siya dahil galit ako
sa kaniya. Pero bakit gano'n? Ngayong nakayakap siya sa 'kin parang nanghina ang
mga tuhod ko. Gusto kong sabihing bitawan niya 'ko pero on the other side gusto
kong sabihin na mas higpitan niya pa 'yong yakap niya kasi pakiramdam ay anytime
magco-collapse ako.

Hindi dapat ganito. Ayoko nang nararamdaman ko. Tinatraydor ako ng katawan ko. Wag,
Keycee! Please, maawa ka naman sa sarili mo!

Pero wala, hindi ko na napigilan dahil unti-unti nang umangat ang dalawang kamay ko
para iyakap rin sa kaniya, kasing higpit nang yakap niya sa 'kin.

"Ssssshh. Stop crying..." malambing niyang sabi habang hinahaplos ang likod ko.
Naiyak na naman kasi ako. "Namiss kita nang sobra-sobra, kung alam mo lang." Bakas
na sa boses niya ang saya dahil sa pagyakap ko sa kaniya kaya naman mas hinigpitan
ko pa 'yon para iparamdam sa kaniya na namiss ko rin siya.

"I...I missed you, too...Ace."

To be continued...

Chapter 41 - Zen

KEYCEE'S POV

“I…I missed you, too...Ace.”

Bumitaw sa 'kin si Ace at tiningnan ako, tila hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"What did you say?" tanong niya habang nagpipigil ng ngiti. Kinilig ba siya?

"Wala." Tinalikuran ko siya at bumalik ako sa bed ko, naupo ako sa gilid dahil
medyo mahapdi ang paa kong may sugat. "Gusto ko ng magpahinga."

“Sige na, magpahinga ka na. Alam kong pagod ka. Bukas tayo mag-uusap 'pag okay ka
na.” Lumapit siya ulit sa 'kin at yumuko para halikan ang noo ko. “Good night.”
Then he left my room. Naiwan naman akong nakaupo pa rin sa gilid ng kama.

Ano na ang gagawin ko ngayon? Alam na ni Ace ang totoo. Wala na 'kong lusot.

Siguro, kailangan ko ng makausap si mama. Kailangan kong sabihin sa kaniya ang


nangyari. At kung kinakailangan na pilitin ko si mama na isama niya 'ko sa
pinuntahan niya para lang makalayo dito, gagawin ko.

***

Kinabukasan, maaga akong umalis sa bahay. Tulog pa si Ace noong umalis ako at hindi
ko na rin binalak na magpaalam sa kaniya.

Nandito ako ngayon sa bahay namin. Pinilit ko na umakyat sa gate at sa likod ako
dumaan. Hinanap ko 'yong susi na itinago ko sa paso na may halaman ni mama. Noong
makita ko 'yon, agad kong binuksan ang bahay at pumasok sa loob.
Ang sabi ni mama, 'wag daw akong pupunta rito hanggat wala siya at hangga’t wala
siyang sinasabi. Pero hindi ko na nasunod. Kailangan kong malaman kung nasaan si
mama ngayon. Kailangan niyang malaman 'yong totoo.

Pero paano ko siya makakausap? Paano ko siya maco-contact. Nakalimutan ko 'yong bag
ko sa restaurant na pinuntahan namin ni Ryan kagabi at naroon ang cell phone ko
kaya hindi ko magawang tawagan si mama ngayon.

Kanino kaya ako p'wedeng humingi ng tulong?

Hindi ko alam kung bakit, pero biglang pumasok sa isip ko si Madam Marlette.

Nagmadali akong pumasok sa kwarto ko at hinanap ko sa bedside table 'yong telephone


number sa mansyon ni Madam Marlette. Binigay niya kasi sa 'kin 'yon noon bago 'ko
umalis sa mansyon niya.

At hindi naman ako nabigo. Nakita ko agad 'yong maliit na papel kaya bumaba ako sa
sala at tinawagan 'yon.

STEPHANIE'S POV

“Mama, please! 'Wag mo naman idamay si Keycee. Nananahimik ang anak ko. 'Wag siya!”
pakiusap ko kay mama, pero mukhang wala siyang balak na pakinggan ako. Noong sinabi
ko kay Keycee na aalis ako at may pupuntahan, dito ako kay mama dumiretso dahil
alam kong hindi na siya titigil sa pag-approach kay Keycee lalo na at natunton na
niya kami.

“Hindi mo na mababago ang desisyon ko, Steph. Sa ayaw at sa gusto mo, iuuwi ko rito
ang apo ko. Dito na kayo titira sa mansyon." Hawak niya ang pamaymay niyang kulay
ginto habang nakaupo sa couch at naka de-kwatro ang binti. "At sa isang linggo,
uuwi na rito sa Pilipinas si Richard kasama ang anak niyang si Zen," bumaling sa
'kin si mama. "Alam mo naman na siguro kung anong ibig kong sabihin?”

“Alam na alam ko, ma. Hindi ako tanga para hindi ka maintindihan. Pero nakikiusap
ako sa'yo, gagawin ko ang lahat ng gusto mo 'wag mo lang idamay ang anak ko. Apo mo
s'ya ma, at alam kong hindi siya magiging masaya sa plano mo. Kaya 'wag mo ng
ituloy, please. Nakikiusap ako.” I begged again. Kulang na lang lumuhod ako sa
harap ni mama para lang magmakaawa.

Hindi niya alam ang sitwasyon ni Keycee. Hindi niya alam na kasal na ang anak ko
kay Ace. At ngayon balak niya itong ipagkasundo sa sinasabi niyang anak ni Mr.
Richard Hart na si Zen. Ganitong-ganito rin ang ginawa niya sa 'kin noon kaya ako
umalis at sumama sa papa ni Keycee, dahil ipinagkasundo niya 'ko kay Carlo, na
hindi ko naman gusto. At ngayon, hindi ko alam na ganito pala ang magiging kapalit
ng pagmamatigas ko. Si Keycee ang gagawa nang dapat ay ginawa ko dati. Nalulungkot
ako, pero pakiramdam ko wala na 'kong magagawa dahil kilala ko si mama. What she
wants, she gets.

Paano ko ba siya mapipigilan?

"Buo na ang desisyon ko, Stephanie."

“Mama, please!” Nagmakaawa na naman ako. Ilang beses na ba 'kong nagmakaawa sa


kaniya simula noong unang araw na pumunta 'ko dito? Hindi ko na mabilang.

“May bisita nga pala tayo. I think malapit na s'ya, be ready,” tanging sagot niya
sa 'kin. Hindi ko alam kung sino ang sinasabi niyang bisita. Pero wala akong
pakialam. Siguro kailangan ko ng sabihin ang totoo sa kaniya, na kasal na si Keycee
dati pa.

“Mama, may kailangan kang malaman.” Yumuko ako saglit bago ibalik ang tingin sa
kaniya.

“Ano 'yon?” tiningnan niya ko. Halatang na-curious siya.

“Si Keycee, ma…h-hindi na siya p'wedeng magpakasal pa.”

“Tigilan mo na 'to, Steph! How many times do I have to tell you na hindi mo na
mababago ang isi—”

“She’s married, ma!” I cut her off.

“W-what do you mean?” Tinanggal niya 'yong pagkaka-krus nang binti niya at seryoso
akong tiningnan. Hindi na 'ko nagsinungaling. I explained everything to her, at
mukhang hindi siya makapaniwala. “Sino?” tanong ni mama. Ang ibig niyang sabihin ay
kung kanino kinasal si Keycee.

“Ace Lee,” tipid kong sagot. “Kaya ma, please lang, 'wag mo ng guluhin ang buhay ng
anak ko, ng apo mo. Hindi siya magiging masaya sa binabalak mo.” Hindi nagsalita si
mama. Pero base sa ekspresyon niya ay parang nababasa ko na roon na kahit anong
mangyari, tuloy pa rin ang plano niya.

Mukhang isa na lang ang p'wede kong gawin. Wala na 'kong pakialam kung magmukha
akong tanga, pero alang-alang sa anak ko gagawin ko 'to.

Lumuhod ako sa harap ni mama at mukhang nagulat naman siya sa ginawa ko. Hinawakan
ko ang dalawang kamay niya.

“What are you doing Stephanie Tan?!” Alam kong ayaw ni mama nang ganito. “Tumayo
ka!”

“Ginagawa ko 'to para sa anak ko, kaya please…'wag mong sirain ang buhay niya,
mama.” Hindi ko na napigilan ang luha ko. Ito na lang ang alam kong paraan. Mabilis
lumambot ang puso ni mama kapag ganito na ang sitwasyon kaya naman naisip ko 'tong
gawin.

“Ma?”

Pareho kaming natigilan ni mama noong marinig namin ang boses ni Keycee. Pareho
kaming lumingon at nakita ko si Keycee na kapapasok lang sa mansyon at nakatingin
sa aming mag-ina.

Anong ginagawa niya rito?

Tumayo agad ako at inayos ang sarili ko. Pinahid ko ang luha ko at lumapit sa
kaniya.

“Anak,” hahawakan ko sana siya pero umatras siya palayo sa 'kin.

“Anong ibig sabihin nito, ma? B-bakit mo tinawag na mama si Madam Marlette?” bakas
ang pagtataka sa mukha ng anak ko. Paano ko ipapaliwanag 'to sa kaniya ngayon?

“Keycee…” narinig kong tawag sa kaniya ng mama ko. Lumapit siya sa amin habang kay
Keycee pa rin nakatingin. "Apo ko…” Akmang yayakapin niya si Keycee nang bigla rin
itong umilag sa kaniya.

“Anak ka ni Madam Marlette, ma?" baling niya sa 'kin. "A-apo niya 'ko?” Hindi ako
sumagot pero dahan-dahan akong tumango. “Bakit ma? Bakit ka nagsinungaling sa 'kin?
Bakit hindi mo sinabi 'yong totoo?”

“Sorry, anak…” 'yon lang ang salitang lumabas sa bibig ko kasabay nang pag-agos ng
luha ko.

Bumaling naman siya kay mama. “Ibig sabihin noong una po tayong magkita alam niyo
na po na apo mo ‘ko?” Tumango lang din si mama bilang pagsang-ayon. Nagsimula nang
tumulo ang luha ni Keycee at kasunod no'n ang pagtakbo niya palabas.

"Keycee, anak!" Hahabulin ko sana siya pero pinigilan ni mama 'yong kamay ko.

"Hayaan mo muna siya."

“Siya ba ang sinasabi mong bisita, ma? Sinadya mo bang papuntahin siya rito para
malaman niya ang totoo?”

“I didn’t ask her to come. Siya ang nagsabing pupunta siya rito ngayon kaya pumayag
ako.”

ACE'S POV

Maaga akong gumising at bumaba agad para tingnan si Keycee sa kwarto niya. Pero
wala siya ro'n kaya bigla akong kinabahan. Bakit wala siya? Ang alam ko mamayang
alas dose ng tanghali pa ang klase niya kaya imposibleng pumasok na siya sa school.

"Keycee?"

Binuksan ko 'yong pinto sa bathroom pero wala rin siya ro'n. Lumabas ako para
tingnan kung nasa labas ba siya, pero wala rin. Saan siya nagpunta? Umalis ba siya?
Iiwan niya ba ulit ako?

Nagmadali akong pumasok sa loob ng bahay at dumiretso sa kwarto niya. Binuksan ko


agad 'yong cabinet at tiningnan kung naroon pa ang mga damit niya.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita kong nakaayos pa roon ang mga gamit
niya. Pero nasa'n ba siya? Bakit hindi man lang siya nagpaalam sa 'kin?

Kinuha ko 'yong cell phone at sinubukan ko siyang tawagan pero ring lang 'yon nang
ring. Walang sumasagot.

Biglang bumalik sa isip ko 'yong nangyari kagabi sa restaurant. Ryan, her ex, was
there. Hindi kaya kasama niya 'yon ngayon? Ugh! Ayokong mag-isip ng kung ano,
sumasakit ang ulo ko. Hindi sila magkasama. Baka napaparanoid lang ako.

Naligo na agad ako at nagbihis. Pupunta na 'ko sa school, baka sakaling makita ko
ro'n si Keycee. Baka maaga lang siyang pumasok.

***

Pagdating ko sa school, dumiretso na muna 'ko sa office ko. Inayos ko muna ang mga
gamit ko at pagkatapos lumabas na. Naglakad-lakad ako at pasimpleng sumisilip sa
mga room, kahit 8:00am pa lang nagbabaka-sakali pa rin ako na makita siya kahit na
alas dose ng tanghali pa ang klase niya.

Pero hindi ko siya nakita. Pati ang dalawang kaibigan niya na parati niyang kasama,
wala pa rin.

RYAN'S POV
Hindi ako nagkakamali sa nakikita ko ngayon. Kahit nakatalikod o nakatagilid, alam
kong si Keycee 'yon. Nasa bakanteng bench siya at tahimik. Nakatingin lang siya sa
malayo. May mga taong nagdaraan sa harap niya pero tulala siya.

Ang totoo, pinuntahan ko siya sa bahay nila para ibalik ang bag niyang naiwan sa
restaurant kagabi pero walang tao ro'n kaya umalis na rin ako agad. At ngayon nga,
nakita ko na siya. Pero mukha s'yang problemado.

Sabagay, sa nangyari kagabi alam kong namomroblema nga siya. Tapos na kasi ang
pagpapanggap niya. Kahit na isang milyong pagde-deny pa ang gawin niya wala na
siyang lusot kay Ace.

Hindi na 'ko nakatiis at humakbang na 'ko palapit sa kaniya. Paglapit ko, doon ko
lang na-realized na umiiyak pala siya nang tahimik. Kanina kasi noong malayo ako,
hindi ko 'yon napansin.

Bumuntong-hininga ako at umupo sa sabi niya. "Umiiyak ka na naman?"

“Hindi ko kasi mapigil." She wiped her tears.

“Sige, okay lang 'yan. Mas okay na inilalabas mo 'yong nararamdaman mo kahit man
lang sa pag-iyak, at least gagaan ang pakiramdam mo.”

“Kagabi pa nga ako umiiyak, eh. Pero bakit hindi gumagaan 'yong pakiramdam ko?
Bakit ang bigat pa rin?” Narinig ko ang paghikbi niya kaya inakbayan ko siya at
isinandal sa balikat ko. "Bakit parang lagi na lang akong umiiyak? Hindi ba 'ko
p'wedeng maging masaya?" Umiyak na naman siya.

"Ssssh. Tahan na. Nasasaktan ako 'pag nakikita kitang umiiyak."

KEYCEE'S POV

Pumunta ako sa mansyon ni Madam Marlette dahil siya lang ang alam ko na p'wedeng
makatulong sa 'kin dahil gusto ko ng umalis sa apartment. Naisip ko na baka
p'wedeng sa kaniya muna ako mag-stay habang wala si mama para makalayo na ulit ako
kay Ace. Tutal naman ang sabi niya sa 'kin noong unang pagkikita namin, lapitan ko
lang daw siya kapag may kailangan ako. Pero hindi ko inaasahan na gano'n ang
aabutan ko.

Hindi ko alam na doon ko malalaman ang totoo, na lola ko pala siya.

Pero bakit nagsinungaling sa 'kin si mama? Bakit hindi niya sinabi ang totoo sa
'kin? At ang isa pang ipinagtataka ko, bakit parang ayaw ni mama na makilala ko si
Madam Marlette gayong lola ko naman pala siya?

Dahil masyado nang magulo ang isip ko nagdesisyon na lang akong tumakbo palabas
habang umiiyak. Kaiiyak ko lang kagabi pero umiiyak na naman ako ngayon. Pinanganak
ba 'kong iyakin?

Huminto ako sa isang tahimik na lugar kung saan may bench at doon ako naupo.

Saan ako pupunta ngayon? Ayokong umuwi sa apartment at ayoko rin munang umuwi kay
mama dahil nakakapagtampo 'yong ginawa nila sa 'kin na hindi pagsasabi ng totoo.

Ilang sandali pa ay dumating si Ryan, bitbit niya 'yong bag kong naiwan sa
restaurant kagabi.

"Umiiyak ka na naman?" tanong niya sabay upo sa tabi ko.


“Hindi ko kasi mapigil." Agad kong pinahid ang luha ko dahil nahihiya ako sa
kaniya.

“Sige, okay lang 'yan. Mas okay na inilalabas mo 'yong nararamdaman mo kahit man
lang sa pag-iyak, at least gagaan ang pakiramdam mo.”

Mali siya. Dahil pakiramdam ko kahit anong iyak ang gawin ko, mabigat pa rin.

“Kagabi pa nga ako umiiyak, eh. Pero bakit hindi gumagaan 'yong pakiramdam ko?
Bakit ang bigat pa rin?” Hindi ko alam kung bakit ganito 'yong nararamdaman ko
ngayon, para akong pinagkaitan ng kasiyahan sa buhay dahil sa sobrang gulo ng isip
ko. "Bakit parang lagi na lang akong umiiyak? Hindi ba 'ko p'wedeng maging masaya?"

"Ssssh. Tahan na. Nasasaktan ako 'pag nakikita kitang umiiyak."

***

Noong humupa na 'yong nararamdaman ko ay nagpaalam na 'ko kay Ryan, kahit na hindi
ko naman alam kung saan ako pupunta. Nag-insist rin siyang ihahatid ako pero hindi
ako pumayag. Sakto rin ang pagtawag ng lolo niya, pinapauwi siya kaya naman
nagpaalam na rin siya sa 'kin at hindi na 'ko kinulit na ihatid pauwi.

Pakiramdam ko ngayon ay wala na 'kong tatakbuhan. Ayokong bumalik sa apartment


dahil makikita ko lang si Ace. Si mama naman, hindi ko pa siya kayang kausapin
ngayon. Hindi ko kasi matanggap na itinago niya sa 'kin ang totoo.

Si Madam Marlette, ayoko rin muna siyang makaharap. Nagsinungaling din kasi siya.
Hindi niya sinabi sa 'kin ang totoo noong unang pagkikita namin.

Sa patuloy kong paglalakad, nakaramdam ako ng gutom kaya naman huminto ako sa isang
covenience store para bumili ng ilalaman sa sikmura ko. Pagkatapos kong bumili,
lumabas agad ako at tumawid sa kalsada pero nalaglag 'yong binili kong burger at
juice nang may mabilis na sasakyang bumusina sa harap ko. Muntik na niya 'kong
masagasaan at dahil do'n hindi ako makakilos dahil sa panginginig nang binhi ko.
Halos one inch na lang kasi ang pagitan nang katawan ko at sasakyan niya.

Agad namang bumukas 'yong pinto ng sasakyan at may lumabas na isang lalaki. Lumapit
siya sa 'kin at hinawakan ang braso ko, "Are you okay, Miss?" tanong niya. Hindi
ako nakakibo dahil shocked pa rin ako sa nangyari. Akala ko kasi katapusan ko na.
May mga sasakyan na nagsimula ng bumusina sa 'min kaya naman inakay na niya 'ko.
"I'll take you to the hospital. Get in." Ayoko sanang sumakay pero parang nawala
ako sa sarili ko lalo na noong maalala ko kung paano nasagasaan noon ang mommy ni
Ace. Ganito pala 'yong pakiramdam. Muntik pa lang ako, pero sobrang kabog na nang
dibdib ko, what more pa kaya kung natuluyan ako?

Nang umandar na 'yong sasakyan, parang doon pa lang ako natauhan. "Ibaba mo na lang
ako. Okay na 'ko," baling ko sa lalaking muntik ng makasagasa sa 'kin.

"You sure?" Bakas sa g'wapo niyang mukha ang pag-aalinlangan na palabasin ako.
Tumango naman ako kaya ilang sandali pa ay inihinto na niya 'yong sasakyan. Pero
bago ako lumabas, kinuha niya 'yong wallet niya at may inilabas na card. "Just call
me if you need help." Kinuha ko naman 'yon at agad na 'kong bumaba. Noong tuluyan
ng nakaalis ang sasakyan niya 'tsaka ko pa lang tiningnan 'yong card na inabot niya
sa 'kin.

Zen Hart

Founder & CEO


Till next…

Chapter 42 - Spy

KEYCEE'S POV

Itinabi ko sa bag ko 'yong card na binigay sa 'kin noong lalaki na Zen ang
pangalan, na muntik makasagasa sa 'kin.

Bumalik na 'ko sa apartment, at swerte dahil wala si Ace, mukhang pumasok na siya
sa school.

Kanina nagdesisyon ako na hindi muna papasok. Pero naisip ko na mas lalo lang akong
malulungkot kung magmumukmok ako dito sa apartment mag-isa kaya naman naligo na 'ko
at gumayak. At least malilibang ako nang kaunti kapag kasama ko si Marian at Jezza.

***

Pagdating ko sa school, abot ang tanong ni Jezza at Marian sa 'kin kung bakit daw
ako naka-shades. Oo, nag salamin ako para hindi nila makita ang mugtong-mugto kong
mga mata.

"May sore eyes ako," sagot ko sa kanila. Umupo na 'ko sa upuan ko sa dulo at tumabi
naman sila sa 'kin.

"Dapat hindi ka na lang pumasok at nagpagaling ka muna. P'wede ka naman mag-pass ng


excuse letter tapos pa-note-an mo na lang kay dean at kami na ang bahalang
magpapirma sa mga prof natin," litanya ni Marian. Gold na kaibigan talaga sila
dahil sobrang maalalahanin sila sa 'kin. Kaya di 'ko itatapon 'yang dalawa na 'yan
kahit anong mangyari.

"Okay lang ako. 'Tsaka kailangan kong makahabol sa mga lessons. Ang dalas kong
absent nitong mga nakakaraang araw, e."

"Okay. Ikaw ang bahala," sagot naman ni Jezza sabay kibit nang balikat niya. "May
assignment nga pala tayo, kopyahin mo na lang 'tong sa 'kin." Inilabas niya 'yong
notebook niya at iniabot sa 'kin. I told you, gold sila.

"Buti na lang tumahimik na 'yong mga marites sa picture niyo ni Professor Lee na
kumalat," baling sa 'kin ni Marian. Natigilan naman ako sa pagsusulat nang maalala
ko 'yon.

Simula kasi noong kinausap ni Ace si dean, naging tahimik na rin sa classroom pati
na rin sa campus. Tipong parang walang nangyari. Gumamit siguro siya ng
impluwensya.

***

Nag-discuss lang 'yong prof namin pero hindi niya natapos ang topic dahil kinulang
sa oras kaya naman next meeting na lang daw itutuloy.

Business Math ang next subject namin kaya makikita ko na naman si Ace.
"Good afternoon, class!" bati agad ni Ace pagpasok niya sa room.

"Good afternoon, Professor Lee!" bati naman pabalik ng mga classmates namin.

Tumingin siya sa 'kin bigla, kaya nag-iwas ako ng tingin. Hindi niya 'ko tinanong
kung bakit ako naka salamin. Umupo na siya sa upuan niya at nagsimula ng mag-check
ng attendance. At syempre Perez pa rin ang tawag niya sa 'kin kahit alam na niyang
ako si Keycee.

Nag-discuss lang si Ace, tapos after no'n nag-seatwork kami. Madali lang natapos
'yong iba naming classmates dahil madali lang ang diniscuss ni Ace.

"Finished?" tanong ni Ace sa 'kin. Ako na lang kasi ang nasa loob ng room. Sinabi
niya kasi na kapag nakapagpasa na ng papel ay p'wede nang lumabas. At ako na lang
mag-isa ang tao sa room, tapos na rin kasi si Jezza at Marian. Sabi nila hihintayin
na lang daw nila 'ko sa garden sa labas.

Hindi ko na lang sinagot si Ace. Nakikita niya namang nagsasagot pa 'ko tapos
itatanong niya kung finished?

May naisagot naman ako kahit papaano dahil madali lang 'yong diniscuss niya. 'Tsaka
sinadya ko talagang makinig para naman kahit papaano mabawasan nang kaunti ang mga
bagay-bagay na nasa isip ko. Pero mabagal kasi talaga akong mag-solve kaya
natagalan pa rin ako.

Pagkatapos kong magsagot tumayo na 'ko at lumapit sa kaniya. Inabot ko na sa kaniya


'yong papel ko.

Akala ko kukunin niya 'yon dahil inangat niya 'yong kamay niya pero mali pala 'ko.
Imbes kasi na papel ko 'yong kunin niya, kamay ko ang hinawakan niya. Nabitawan ko
tuloy 'yong papel ko kaya nalaglag 'yon sa sahig.

SOMEONE'S POV

"Can we talk?" sabi ni Professor Lee habang hawak ang kamay ni Jian. Bakit gano'n
siya makatingin kay Jian?

"Professor Lee, bitawan mo 'ko." Pinilit ni Jian na tanggalin ang kamay ni Prof Lee
na nakahawak sa kaniya pero hindi ito bumitaw.

"Keycee naman, mag-usap tayo." Para siyang nagmamakaawa kay Jian. Pero bakit
tinawag niya itong Keycee? "Sa'n ka nagpunta kanina? No'ng nagising ako at
pinuntahan kita sa kwarto mo, wala ka na."

Oh my!

T-tama ba 'yong naririnig ko ngayon? Mabuti na lang pala at pinindot ko 'yong


recorder ng cell phone ko kanina. Mamaya ko na lang iche-check kung tama nga ba
'yong narinig ko.

Hindi sumagot si Jian sa tanong ni Prof Lee. Tahimik lang siya.

Tama nga kaya 'yong hula ko? May relasyon kaya sila? Hindi naman siguro yayakapin
ni Professor Lee si Jian sa office niya kung wala silang tinatago, 'di ba?

Buti na lang talaga at walang nakakaalam na ako ang kumuha nang picture nilang
'yon, at ako rin ang nagpakalat ng printed picture nila sa buong campus at nagpost
sa group page ng school.
"Bitawan mo 'ko, lalabas na 'ko."

"Keycee, nahihirapan ako sa ginagawa mo." Nagsalita ulit si Prof Lee. "Huwag mo
'kong iwasan. Kung may problema ka, sabihin mo sa 'kin...asawa mo pa rin naman
ako."

Sh*t. Is this real? Mag-asawa sila?!

Awesome!

KEYCEE'S POV

"Keycee, nahihirapan ako sa ginagawa mo." Ayaw niya pa rin bitawan ang kamay ko,
mahigpit niya 'yong hawak. "Huwag mo 'kong iwasan. Kung may problema ka, sabihin mo
sa 'kin...asawa mo pa rin naman ako." Inalis ko 'yong kamay niya na nakahawak sa
'kin dahil baka may makakita sa 'kin, 'tsaka ko dinampot sa sahig 'yong papel ko at
inabot sa kaniya.

"Good bye, Professor Lee." Bitbit ko 'yong bag ko at dumiretso na sa labas.

Problema? Hindi niya pa ba nahahalata na isa siya sa mga problema ko?

Nakita ko si Jezza na papalapit sa 'kin. "Tapos ka na?" tanong niya. Tumango naman
ako. "Tara, kain na tayo nagugutom na kami ni Marian. Dinaanan muna namin si Marian
na naghihintay sa garden 'tsaka na kami nagpunta sa foodcourt. "Jian, kailan ba
ulit tayo magbo-bonding? Namimiss ka na namin ni Marian. Gusto ko na ulit mag-movie
marathon kasama ka." Sumimangot si Jezza. Oo nga naman, ang tagal na namin walang
ganap sa buhay.

"Oo nga. Hindi ka na namin masyadong nakakasama. Ano bang pinagkakaabalahan mo sa


buhay? 'Di ba hindi ka naman na nagtatrabaho?" baling din sa 'kin ni Marian.

"Movie marathon tayo sa inyo mamayang gabi. Tutal naman Friday ngayon, walang pasok
bukas p'wede tayong magpuyat." Hindi ako natuwa sa naging suhestyon ni Jezza.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Hindi kasi nila alam na nag a-apartment muna
'ko ngayon. At kapag naman pumayag ako sa gusto nila, malalaman nilang magkasama
kami ni Ace sa iisang bubong. Baka kung ano pa ang isipin nila.

"Hindi kasi p'wede," mahina kong sabi, "may pupuntahan ako bukas hindi ako p'wedeng
mapuyat." Sumimagot sila pareho. Alam kong nagtatampo na sila sa 'kin pero hindi ko
talaga sila p'wedeng pagbigyan sa gusto nila dahil malalaman nila na mag-asawa kami
ni Ace. "Next time na lang kapag hindi na 'ko busy," pagdadahilan ko.

"Lagi ka namang busy kahit wala kang ginagawa, eh! Feeling ko tuloy may tinatago ka
sa 'min." Napa-angat ako ng tingin kay Jezza. "Oh, see? Halatang-halaga ka, Jian.
Alam kong may hindi ka sinasabi sa 'min."

"Parang gusto ko yatang magtampo to the heaven and earth." Nangalumbaba naman si
Marian habang nakatitig sa 'kin. Naghihintay sila ng sasabihin ko pero wala pa
'kong balak sabihin ang totoo kaya kung anu-anong palusot na lang ang ginawa ko.

***

Nasa apartment na 'ko ngayon, nauna na akong umuwi dahil may pupuntahan pa raw si
Marian at Jezza. May ka-meet daw kasi sila. Noong una nga ay isinasama nila 'ko
para raw makahanap din ako ng fafa pero hindi ako pumayag. Hindi naman kasi
boyfriend ang kailangan ko, mas kailangan ko ng pahinga at oras para makapag-isip
dahil sa mga nangyayari.
Pagdating ko sa apartment, nando'n na rin si Ace. Nakita ko kasi 'yong kotse niya
na naka parada na sa loob ng apartment, sa may gilid. Pumasok na agad ako sa loob
at umupo sa single-seater na sofa. Tinanggal ko 'yong sapatos ko at itinaas ang paa
ko sa center table. Masakit pa rin kasi ang paa ko hanggang ngayon dahil sa
natapakan kong basag na bote, pero kahit papaano naman ay nagagawa ko pa rin
lumakad nang normal.

Isang oras ang lumipas at narinig ko na ang yabag ni Ace pababa sa hagdan. Tumingin
siya sa 'kin habang bumababa siya.

Lumapit siya sa 'kin at umupo sa katapat na sofa.

"Wag mo 'kong kausapin, gusto kong magpahinga." Pinangunahan ko na agad siya bago
pa man niya ibuka ang bibig niya.

"Keycee, don't be like this. Akala ko ba okay na tayo?" I looked up at him? Okay?

"Sinong nagsabi sa'yo?" pagtataray ko sa kaniya.

"Last night, you said that you...missed me," mahina niyang sabi. Halatang bigla
siyang nahiya.

"But it doesn't mean na okay na tayo. Ace, hindi gano'n kadali na maging okay tayo.
Hindi porque sinabi kong namiss din kita magiging okay na tayo." Tumayo ako at
tinalikuran siya. Pumasok ako sa kwarto ko pero hindi ko namalayan na nakasunod na
naman pala siya sa 'kin.

"Keycee..."

"Can you please stop calling me Keycee, Ace? Naririndi na 'ko sa pangalang 'yan!"
Mainit ang ulo ko kaya nakapagtaas ako ng boses sa kaniya.

"What do you want me to call you then? Baby? Honey? Sweetheart? Love?" Natigilan
ako at napalunok. The last one sounds better. "Ano ba ang dapat kong gawin para
kausapin mo 'ko?" He took a step forward para lalo kaming magkalapit.

"Kinakausap naman kita, ah."

"Not like this Keycee. Gusto kong mag-usap tayo nang maayos. Gusto kong pag-usapan
natin kung kailan ka babalik sa 'kin." Again, natahimik ako. Tiningnan ko lang siya
dahil sa sinabi niya. "Keycee, I'm sorry. Believe me, I didn't mean what I said
before. I didn't mean to say those words." Hinawakan niya 'yong dalawa kong kamay
at pinisil pa 'yon.

Hindi naman ako tanga para hindi siya ma-gets. At mas lalong hindi ako ulyanin para
makalimutan ang mga masasakit na salitang sinabi niya sa 'kin dati. Pati na rin
'yong mga ginawa niya na nagpasakit sa loob ko. Noong bigla na lang niya 'kong
iniwan kay Ryan at umuwi siyang mag-isa, ni hindi niya 'ko tinawagan para tanungin
kung nasaan na 'ko. Tapos pagdating ko sa bahay nagwawala na siya. Halos kaladkarin
niya 'ko papasok sa kwarto niya para sigawan at sabihan na sana ako na lang ang
namatay at hindi ang mommy niya.

"You didn't mean?" Tumawa ako nang bahagya. "Alam mo ba na minsan 'yong mga bagay
na hindi sinasadya ang mas lalong masakit?" Hindi siya kumibo. "Kung hindi mo
sinasadya bakit hinayaan mong umabot sa punto na saktan ko ang sarili ko? Kung
hindi mo talaga sinasadya, dapat niyakap mo 'ko noon at saka mo sana sinabing hindi
mo sinasadya. Pero hindi, eh. Hinayaan mo lang akong masaktan." Mahinahon ang boses
ko kasabay ng pagpatak nang luha ko. "Hindi mo rin ba sinadya na itulak ako at
masubsob sa mga basag na salamin? Alam mo ba kung gaano ako nasaktan no'n, Ace?
Hindi mo alam kasi wala kang pakialam sa 'kin no'n. Ni hindi mo 'ko binigyan ng
pagkakataon na magpaliwanag. At oo, naiintindihan ko kung bakit. Dahil galit ka sa
nangyari sa mommy mo. Pero Ace..." Nagtuluy-tuloy sa pag-agos ang luha ko. "Ace,
biktima rin ako." Hindi ko na napigilan at napahagulgol na 'ko lalo na nang maalala
ko 'yong nakaraan.

Lumapit naman kaagad siya sa 'kin at kinabig ako para yakapin. "Sssssh. Stop
crying. Don't cry. I'm really sorry." Hinaplos niya 'yong likod ko para patahanin
ako. "If there is any word greater than the word 'forgive me', 'yon ang sasabihin
ko. Kung p'wede ko lang din kuhanin 'yong sakit at bigat na nararamdaman mo,
gagawin ko. Akala mo ba natutuwa ako kapag nakikita kitang umiiyak at nasasaktan?
It hurts me a million times more, Keycee." I felt his sincerity pero hindi ko alam
kung anong sasabihin. "So, please, give me another chance. I'll be a better husband
to you." Parang kaunti na lang at makukuha na niya 'yong loob ko. Pero 'wag,
Keycee! Isipin mo na lang 'yong sakit na naramdaman mo noon.

"Ace," mahina kong tawag sa kaniya. Bumitaw naman siya sa 'kin at tiningnan ako.
"Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Oo, m-masaya 'ko kasi nandito ka.
Pero...natatakot ako. Masakit kasi 'yong nangyari dati. Ayoko na ulit masaktan,
baka 'pag nangyari ulit 'yon...baka hindi ko na kayanin."

Umiling siya sa sinabi ko. "Hindi na mangyayari 'yon because I won't hurt you
again. I promise." Hindi muna ako nagsalita. Nakatingin lang ako sa kaniya at
nakatingin din siya sa 'kin habang hawak ang kamay ko. At pakiramdam ko nababaliw
na talaga ako. Kahit na kasi sumisigaw ang isip ko na galit ako sa kaniya, mas
malakas pa rin ang pag-echo nang puso ko na nagsasabing mahal ko siya.

"B-bigyan mo 'ko nang kaunting panahon para mag-isip," mahina kong sabi.

"Kapag nakapag-isip ka na? Babalik ka na ba sa 'kin?"

I didn't answer him with a yes, but I answered him with a nod, and that made him
smile.

To be continued...

Chapter 43 - You Are My Life

ACE'S POV

I was walking downstairs when I saw her, coming out of her room. Mukhang kaliligo
niya lang dahil basa pa ang buhok niya.

"Good morning," I smiled at her, as sweetly as possible.

"Good morning din," she greeted back. Masaya ako dahil alam kong hindi magtatagal
at babalik na rin siya sa 'kin.

"Anong gusto mong kainin? We're out of stockts kaya magpapa-deliver na lang ako."
She went straight to the refrigerator, grabbing a box of fresh milk.

"Pancake." Kahit na tipid lang siyang magsalita, masaya pa rin ako dahil kinakausap
na niya na 'ko at sumasagot na siya sa mga tanong ko. Kinuha ko 'yong cellphone ko
para makapagpa-deliver na 'ko agad. Gutom na rin kasi ako. Pagkatapos niya namang
uminom ng gatas, bumaling siya sa 'kin. "Ace," he looked up at me, "bakit parang
hindi ka nagulat noong nagkita tayo sa restaurant at narinig mong tinawag akong
Keycee ni Ryan?" she asked, curious.

I walked towards her and hold her hand, both. "Do you think I would hug and kiss
you in my office if you weren't her?" Kumunot ang noo niya. "I don't kiss and hug
someone who isn't my wife." Napalunok siya sa sinabi ko at biglang namula ang mukha
niya. She's blushing and I find it cute. "I did it because I already know the
truth. I'm sorry, I didn't tell you. I just want you to act normal and be
comfortable so I pretend na hindi ko pa alam."

He looked up at me again. "Sino'ng nagsabi sa'yo?"

"Hindi na mahalaga 'yon. Ang importante nalaman kong ikaw ang asawa ko." Hindi agad
siya nakapagsalita. Nakatitig lang siya sa 'kin, sa mata ko.

"Uh...Ace.," she started. Nakatayo pa rin kami at magkaharap. "P-paano kung...kung


maisip ko na...hindi na bumalik sa'yo?"

Nalungkot at natakot ako sa sinabi niya. Paano nga ba? Siguro hindi ko kakayanin.
"Don't say that. Akala ko ba bigyan lang kita ng panahon para makapag-isip?"
Hinawakan ko 'yong pisngi niya at hinaplos 'yon using my thumb finger. "I'll give
you the time you needed, so don't say that again, okay?" Binitawan ko na siya at
ako naman ang pumunta sa harap ng refigerator para kumuha ng maiinom. Pakiramdam ko
kasi nanuyo ang lalamunan ko sa sinabi niyang hindi na siya babalik.

"Ace..." she turned to me.

"Hindi ko kaya," sagot ko agad sa kaniya pagbaba ko nang baso. "Hindi ko kakayanin,
Keycee." I turned to her and met her gaze. "Isang taon akong nabuhay pero para rin
akong patay. Do you know what I mean? Para kong pasyente na naka life support na
lang. Humihinga 'ko dahil sa life support pero walang kwenta ang paghinga ko dahil
wala na ang buhay ko. Dahil wala ka na sa 'kin. Napakahirap." I put the glass down
and took a step forward so we could face each other closer. "Keycee, you are my
life at hindi ko na kakayanin kapag nawala ka pa ulit sa 'kin. Oo, sabihin mo nang
mahina akong lalaki, na duwag ako, pero dahil 'yon sayo. I never thought I would be
like this because of you." Pumatak na naman 'yong luha niya. "Don't cry. I don't
wanna see you like this." I pulled her closer and hugged her tightly, rubbing her
back so she could feel better.

KEYCEE'S POV

Noong dumating na 'yong pina-deliver ni Ace na pagkain, agad niya 'yon inayos para
makakain kami. Nagreklamo pa ako dahil marami siyang inorder, samantalang pancake
lang naman ang ni-request ko.

"Para may lunch na rin tayo mamaya," sabi niya sabay ngiti. Tumahimik na lang ako
at hindi na nagsalita. Ilang sandali pa, biglang tumunog 'yong cell phone ko na
nakapatong sa mesa. Tinitigan ko lang 'yon dahil nakita kong si mama ang tumatawag.
"Sino 'yan?" baling ni Ace sa 'kin. Napansin niya sigurong wala akong balak sagutin
'yon.

"Si mama," I simply said.

"Answer it, baka importante."

Bumuntong-hininga ako bago ko sundin si Ace. Hindi na 'ko tumayo sa upuan ko para
lumayo.
"H-hello ma..." hindi pa rin nawawala 'yong tampo ko sa kaniya.

"Anak, can we talk?"

"We're talking, ma."

"I'm on my way to your apartment, 'nak. I want to talk to you about something."

Nagulat ako sa sinabi niya. Papunta na siya? Ibinaba ko na 'yong phone ko kahit
hindi pa 'ko nakakasagot sa sinabi ni mama. Tiningnan ko agad si Ace, nakatingin
lang din siya sa 'kin nang kunot-noo. Para bang nagtatanong siya kung bakit.

"Ace...s-si mama, papunta siya rito ngayon. Kailangan mong magtago. Hindi pa niya
alam na nagkita na tayo, wala s'yang alam–" pinutol ni Ace ang pagkataranta ko sa
pamamagitan nang pagtawa niya. "Anong nakakatawa?"

"Calm down. It's okay."

"It's not, Ace. Hindi alam ni mama na magkasama tayo rito sa apart–"

"Alam niya," he said, cutting me off. Ako naman ang napakunot-noo.

"Alam ni mama? Pa'no?"

Nagbuntong hininga muna siya bago sumagot. "Kung hindi mo naitatanong, siya ang
nakiusap sa 'kin na samahan kita dito sa apartment habang wala s'ya. Sorry kung
hindi ko nabanggit sa'yo. Kasi naman nagde-deny ka pa na hindi ikaw si Keycee kahit
matagal ko naman ng alam ang totoo."

"Matagal mo ng alam?" nagsalubong ang kilay ko.

"The first time I saw you, iba na 'yong pakiramdam ko. You changed your name and
birth date, but your voice, how you smiled and laughed are still the same. Do you
think I wouldn't notice? Even your smell hasn't changed– you smell like my wife."
Smell? What smell? Napalunok ako. "You're my favorite smell– Keycee with shea
butter." Pakiramdam ko namula 'yong mukha ko dahil sa sinabi niya kaya dali-dali
akong uminom ng tubig pampawala ng init nang mukha.

Nang makabawi na 'ko ay nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "So, all this time pala
sarili ko na lang ang niloloko ko? Nakakatawa naman pala dahil mukha na 'kong tanga
sa paningin mo!"

"Don't worry, ikaw naman ang pinakamagandang tanga," natawa siya nang mahina kaya
tiningnan ko siya nang masama. Tumayo ako sa upuan ko para lumapit sa harap niya.
Pipingutin ko sana 'yong tenga niya pero madali rin siyang nakatayo at tumakbo
palayo.

"Bumalik ka dito, Ace! Bawiin mo 'yong sinabi mo!" Hinabol ko siya. Umakyat siya sa
taas kaya umakyat din ako. "Bumalik ka sabi dito!" Nagmadali siyang pumasok sa
kwarto niya pero hindi ko narinig ang pagsara nang pinto kaya binilisan ko ang
pagtakbo papunta ro'n. Pero akmang papasok na 'ko sa loob nang bigla siyang
humarang sa pinto– topless. Bakit siya naghubad?

"Sige, subukan mong pumasok dito sa kwarto ko. 'Pag nakapasok ka na, ilo-lock ko
ang pinto at alam mo na ang susunod na mangyayari," natatawa niyang sabi sa 'kin at
kinindatan niya pa 'ko. Pero s'yempre, hindi ako magpapatalo. Iniisip niya sigurong
matatakot niya ko sa sinabi niya kaya naman nagulat siya noong pumasok ako sa loob.
Piningot ko agad 'yong tenga niya no'ng makalapit ako sa kaniya. "Ahhhh!" reklamo
niya. "Awww! Aray! Tama na, tama na!" Natatawa ako sa itsura niya. Ang pula na nang
mukha niya pati na rin 'yong tenga niya na hawak ko.

Agad naman niyang natanggal 'yong kamay ko na nakahawak sa tenga niya at tiningnan
niya 'ko na parang may binabalak. Humakbang siya palapit sa 'kin kaya naman
napaatras ako. Humahakbang siya papalapit at papaatras naman ang ginagawa ko.

"Ace, s-sinasabi ko sa'yo, huminto ka na." Hindi pa rin siya huminto. Alam kong
wala na 'kong mahahakbangan paatras dahil lumapat na 'yong likod ko sa cabinet na
nasa loob ng kwarto. Lumapit naman siya sa 'kin. SOBRANG LAPIT.

Nakatingin siya sa mukha ko, hanggang sa bumaba 'yong tingin niya sa labi ko.

"What did I tell you? 'Di ba sabi ko kapag pumasok ka sa kwarto ko, alam mo na kung
anong susunod na mangyayari?"

He gave me a smirked, a hot one.

"H-hindi ako natatakot sa'yo!" Nakipaglabanan ako sa kaniya ng titig kahit na


kinakabahan ako. Pero hindi ko yata kaya kasi sobrang lapit nang mukha namin sa
isa't-isa. Idagdag pa 'yong hininga niyang amoy pinaghalong mint at honey sa
pancake.

"Talaga?" Nakangisi pa rin siya. "Hindi ka natatakot sa 'kin?" Bigla akong


napakislot nang hawakan niya 'ko sa baywang at hilahin palapit sa kaniya. At ngayon
magkadikit na 'yong mga katawan namin. "Hindi ka natatakot?" tanong niya ulit.
Keycee, lunok!

Lumunok muna 'ko bago sumagot. Pakiramdam ko kasi nanunuyo ang lalamunan ko.

"Hindi," matigas kong sabi. Wala siyang damit kaya ramdam ko rin 'yong matigas
niyang mga pandesal sa tiyan.

"Eh, bakit ka pinagpapawisan?" pinahid niya 'yong pawis sa gilid ng noo ko at


pinakita sa 'kin. "Masyado bang mainit dito sa kwarto ko?" natawa siya. Alam kong
pinagtitripan niya lang ako. At kung inaakala niyang magpapatalo ako. No way, pare!

Tinulak ko siya nang kaunti kaya naman nabitawan niya 'ko. Gumanti ka, Keycee. It's
your turn! Hinubad ko 'yong suot kong t-shirt at ihinagis kung saan. Bra na lang
ngayon ang nakatakip sa taas ko. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko dahil
napanganga siya. One point!

Lumapit ako sa kaniya at nginitian siya. "Oo nga, tama ka, ang init dito sa kwarto
mo. Ang hot ko kasi," ganti ko sa kaniya. Katulad nang ginawa niya kanina sa 'kin,
pinunasan ko rin ang pawis niya sa noo at ipinakita sa kaniya 'yong palad ko na
inihaplos do'n. "Sa sobrang hot ko, pinagpapawisan ka na. Sorry, ha?" Two points!

"Keycee," madiin niyang sabi kasabay nang pagpikit niya at pagbuntong-hininga. "Get
out before I lost my control." Three points!

Lumapit ako sa kaniya, at tumingkad para bumulong, "As you wish, baby." Ako naman
ang ngumisi sa kaniya 'tsaka ko dinampot 'yong t-shirt ko at lumabas. Four points.
Game over!

HAH! Akala niya siguro matatalo niya 'ko sa pa-gano'n-gano'n niya? Sino ang talunan
ngayon?

Sinuot ko na ulit 'yong t-shirt ko at bumaba na sa hagdan. Pagbaba ko nakita ko si


mama na kapapasok pa lang sa pinto.
My gosh! Nawala sa isip ko na darating siya. Buti na lang pala bumaba agad ako,
kung hindi baka naabutan niya pa kami ni Ace na parehong walang pang-itaas.
Nakakahiya 'yon.

"Keycee, anak..."

Lumapit sa 'kin si mama at humalik sa pisngi ko. Iba na ang bihis niya ngayon.
Naging sosyal ang dating niya. Maganda ang suot niyang dress at nakapatong sa ulo
niya ang shades niya, may bitbit siyang maliit na signature bag. Ang ganda ng mama
ko, para s'yang dalaga tingnan– dalagang anak-mayaman. Walang duda, mag-ina nga
sila ni Madam Marlette dahil kapag pala nag-ayos si mama mas mukha pa siyang
expensive kaysa sa lola ko.

"Ano po 'yong sinasabi n'yong pag-uusapan natin?" tanong ko. Pinipilit kong 'wag
maging bastos sa sarili kong ina kaya mahinahon lang ang boses ko.

"Keycee, tatanungin kita." Hinawakan niya ang dalawa kong kamay. "Gusto kong
sagutin mo 'ko nang totoo at buong puso. Dito nakasalalay ang katahimikan nating
dalawa, anak." Hindi ko maintindihan si mama. Anong pinagsasabi niya?

"Ma..."

"Keycee, anak...mahal mo ba si Ace?" Nagulat ako sa tanong niya at hindi ko rin


alam kung bakit niya 'yon tinatanong. "Answer me, anak."

Ito ba? Ito ba 'yong tanong na kailangan kong sagutin nang totoo at buong puso?

To be continued...

Chapter 44 - Choices

STEPHANIE'S POV

"Ma'am, okay lang po ba kayo?" tanong sa 'kin ni Kuya Edie, driver ko siya noong
dalaga pa 'ko at noong nasa poder pa 'ko ni mama. At ngayong nasa mansyon na ulit
ako, ipinatawag ulit siya para maging driver ko dahil hindi naman ako marunong mag-
drive.

"Ayos lang po." Kumuha ako ng tissue sa tissue box na nasa tabi ko sa loob ng kotse
at tinuyo ang luha ko. Hindi ko kasi maiwasang maalala 'yong sinabi sa 'kin ni mama
noong isang araw.

Pinapupuntahan niya sa 'kin si Keycee para makapag-ayos kami ng papers palipad sa


Amerika kung saan sila kinasal ni Ace, para makapag-file raw si Keycee ng divorce.

*FLASHBACK*

Nakasunod ako sa kaniya habang papunta siya sa balcony.

"Mama naman! 'Wag mo naman gawin 'to sa apo mo. Maawa ka sa kaniya." Alam kong
ginagawa niya 'to para maipakasal si Keycee kay Zen, anak ni Mr. Richard Hart.
"Hindi mo ba napapansin, ma? Ayaw rin ni Zen na magpakasal! Kaya nga tumakas siya
sa kanila kahit na next week pa dapat ang flight nila pauwi rito, 'di ba?" 'Yon
kasi ang narinig ko noong kausap niya si Mr. Richard thru video call, na umuwi raw
mag-isa ng Pilipinas si Zen nang hindi nila alam dahil ayaw rin nito sa ideya na
magpakasal sa hindi naman niya kilala. "Hayaan mo na ang mga bata, ma. Hindi ako
papayag na ipakasal mo si Keycee."

"Ayaw mo?" baling niya sa 'kin.

"Alam mo na ang sagot ko d'yan, mama."

"Fine, Stephanie. I will stop this, only if you..." she took a pause, at hindi ko
alam kung bigla akong kinabahan. Pero I'm willing to take the risk para lang sa
anak ko. "marry Carlo."

Natulala at hindi ako nakakibo sa sinabi niya. Marry him? Si Carlo? 'Yong dating
ipapakasal niya sana sa 'kin? Hindi pa rin ba nakakamove-on si mama sa Carlo na
'yon?

Teka, ibig sabihin...wala pa siyang asawa hanggang ngayon? Pero bakit?

"Ma, naman!" reklamo ko. Kahit wala na ang asawa ko, hindi pa rin nawawala ang
pagmamahal ko sa kaniya.

"Mamili ka, Stephaniie. Ipapakasal ko ang anak mo o ikaw ang magpapakasal?"

*PRESENT*

"Ma'am, nandito na po tayo." Natauhan ako nang marinig ko ang boses ni Kuya Edie.
Nasa tapat na kami ng apartment na tinutuluyan ni Keycee at Ace.

Hindi naka-lock ang gate kaya naman pumasok na 'ko at dumiretso sa loob. Agad ko
namang nakita si Keycee, mukhang kagagaling niya lang sa itaas.

"Keycee, anak..." Lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi. Tinitigan niya
muna ako. Alam kong nagtataka siya sa ayos ko. Hindi naman kasi ako ganito manamit.
Pero dahil sa mansyon na ako nakatira, gusto ni mama na maayos ako. Halos ibinili
niya ako ng mga kailangan ko, damit, accessories, bag at kung anu-ano pa. Kahit nga
mga bagay na hindi ko kailangan ay binili rin niya.

"Ano po 'yong sinasabi n'yong pag-uusapan natin?" Alam kong may tampo pa rin siya
sa 'kin. Nararamdaman ko 'yon kahit hindi niya sabihin.

"Keycee, tatanungin kita." Inabot ko ang magkabilang kamay niya at hinawakan 'yon.
"Gusto ko na sagutin mo 'ko nang totoo at buong puso. Dito nakasalalay ang
katahimikan nating dalawa, anak." Alam kong hindi niya 'ko maiintindihan pero
kailangan kong makuha ang sagot niya ngayon.

"Ma..."

"Keycee anak...mahal mo ba si Ace?"

KEYCEE'S POV

"Anak, alam kong nasaktan ka ni Ace dati. Kaya nga tinatanong kita ngayon. Mahal mo
pa ba siya?" seryosong tanong sa 'kin ni mama. Ano bang dapat kong isagot? Mahal ko
si Ace. Oo, alam ko sa sarili ko na mahal ko siya. Pero bakit walang lumalabas sa
bibig ko? Isip ko lang ang sumasagot. "Anak, sagutin mo 'ko." Napansin kong
namumula ang mata ni mama. Pero bakit kaya niya tinatanong sa 'kin ang bagay na
'to? Anong dahilan? "Kasi ako anak...mahal na mahal ko ang papa mo...hindi ko siya
kayang palitan sa puso ko. Papa mo lang ang nandito." Tinapat niya sa dibdib 'yong
kamay niya. Naiiyak tuloy ako. Si mama naman kasi ang lakas maka-impluwensya.

"Ma, ano ba'ng nangyari?" Biglang lumambot 'yong puso ko at nawala na 'yong tampo
ko kay mama. Gusto ko na lang siyang yakapin ngayon. "Sabihin n'yo sa 'kin kung
anong problema." Hindi niya 'ko sinagot pero inakay niya ang kamay ko palabas.

"Halika, sumama ka sa 'kin sa labas. Sa sasakyan tayo mag-usap."

ACE'S POV

"Anak...alam kong nasaktan ka ni Ace dati. Kaya nga tinatanong kita ngayon, mahal
mo pa ba siya?" Pababa na nasa ko noong marinig ko ang boses ng mama ni Keycee kaya
naman tumigil ako at bumalik sa taas pero hindi ako lumayo. Hindi ko ugaling
makinig sa usapan ng iba pero hindi ako makapagpigil ngayon. Hindi ko naririnig na
nagsasalita si Keycee. Hindi niya ba 'ko mahal? Bakit ayaw niyang sumagot?
Nakaramdam ako nang bigat sa dibdib. Keycee sumagot ka. Sabihin mong mahal mo 'ko,
please. "Anak, sagutin mo 'ko." Narinig kong sabi ng mama niya, but still no
response from her daughter. "Kasi ako anak...mahal na mahal ko ang papa mo...hindi
ko siya kayang palitan sa puso ko. Papa mo lang ang nandito."

"Ma, ano ba'ng nangyari?" tanong ni Keycee. Parang medyo nalungkot ako kasi hindi
niya pa sinasagot 'yong tanong ng mama niya kung mahal niya ba 'ko. "Sabihin n'yo
sa 'kin kung anong problema."

"Halika, sumama ka sa 'kin sa labas. Sa sasakyan tayo mag-usap."

Sh*t!

Bakit pa sila sa sasakyan mag-uusap? Hindi ba p'wedeng dito na lang para marinig
ko? Daig ko pa ang lalaking marites sa ginagawa ko.

Bumalik na lang ako sa kwarto ko at naupo sa gilid nang kama. Hindi ako mapakali.
Ano kayang sinabi ni Keycee sa mama niya? Ano kayang pinag-uusapan nila ngayon?
Ginulo ko 'yong buhok ko. I'm dying to know!

Almost 30 minutes na ako sa kwarto pero hindi ko pa rin nararamdaman ang pagpasok
ni Keycee sa loob. Nag-uusap pa siguro sila.

Masyado na 'kong naiinip kaya naman hindi na 'ko nakatiis at bumaba na 'ko. Umupo
ako sa sofa at nakatingin lang sa pinto. Hinihintay ko si Keycee na pumasok para
matanong ko siya kung anong pinag-usapan nila ng mama niya. May karapatan naman
siguro akong malaman dahil asawa niya ko.

"Keycee," tawag ko sa kaniya pagpasok niya sa loob. Tumayo ako at lumapit sa


kaniya. Nagbaling siya sa 'kin ng tingin at ngumiti nang tipid.

"Ace, gusto ko munang mag-isa," she said quietly and went straight to her room.
Para siyang lantang gulay. Matamlay siya. Nag-alala ako kaya agad ko siyang
sinundan. Pero bago pa 'ko makapasok sa pintuan, bumaling siya sa 'kin at tiningnan
ako na parang nagmamakaawa na iwan ko muna siya.

"Okay," the only thing came out of my mouth. Ayoko siyang pilitin makipag-usap
dahil halatang wala siya sa mood. Tumalikod na 'ko para iwan siya, kasabay no'n ang
pagsara niya nang pinto at narinig ko rin ang pag-lock niya noon mula sa loob.

Bakit n'ya ni-lock?

Umikot ako para bumalik sa tapat ng pintuan niya. Kakatok sana 'ko pero isang
hagulgol na ang narinig ko mula sa loob. Umiiyak siya. Hindi lang basta iyak.
Malakas na iyak. Nakasandal lang ako sa pinto nang kwarto niya at pinapakinggan ang
iyak niya. Gustuhin ko man na pumasok sa loob, hindi ko magawa dahil ni-lock niya
'yong pinto.

Ano ba kasing nangyari? Anong pinag-usapan nila ng mama niya? Alam kong hindi siya
magkakagan'yan kung walang dahilan, at alam kong dahil 'yon sa naging pag-uusap
nila.

Almost fifteen minutes siyang humahagulgol sa loob bago siya kumalma. Pero hindi pa
rin siya lumalabas. Ano kayang ginagawa niya? Gusto ko na siyang katukin pero hindi
ko pa rin magawa. Hahayaan ko muna siya. Mamaya na lang. Baka hindi pa siya ready
na makipag-usap.

Thirty minutes have passed.

And another thirty minutes again.

Hindi ko na kaya. Ayokong tumayo na lang dito. Ang tahimik niya kasi sa loob kaya
hindi ako mapakali. Inangat ko na 'yong kamay ko para sana kumatok pero biglang
bumukas 'yong pinto. Nagulat pa siya noong makita niya 'ko.

"Ano bang nangyari sa'yo? Bakit ka umiiyak sa loob?" tanong ko. Pero hindi niya 'ko
sinagot. Ngumiti lang siya. At nagawa niya pang ngumiti?

Niyakap niya 'ko bigla na siyang medyo ipinagtaka ko. "Namiss kasi kita," malambing
niyang sabi sa 'kin, but I know she's lying. Alam kong may dahilan kaya siya iyak
nang iyak sa loob kanina. Ginantihan ko naman siya ng yakap. Mas mahigpit pa kaysa
sa yakap niya sa 'kin. "Ace?" she called my name, in a soft tone.

"Mmm?"

"Pa-kiss nga."

Dahil sa sinabi niya, bumitaw ako sa pagkakayakap sa kaniya at tiningnan siya nang
kunot-noo. "Anong sabi mo?" Narinig ko 'yong sinabi niya pero gusto ko lang
masiguro kung tama ba 'yong pagkakarinig ko.

"Sabi ko, pa-kiss." Hindi na niya 'ko hinintay makasagot. Tumingkyad siya at
hinalikan ako sa pisngi. Hindi ko na kailangan magtanong. I know this is the hint
that she wants me to kiss her so I did. I grabbed her waist and pulled her close to
me. I kissed her gently, at almost fifteen seconds din siguro bago siya gumanti ng
halik sa 'kin. She placed her hands around my neck.

Gusto ko nang huminto habang kaya ko pang magpigil pero ayaw naman ng katawan ko.
Ngayon ko napatunayang na-miss ko talaga sya nang sobra-sobra. Noong una, dahan-
dahan lang ang ginagawa kong paghalik sa kaniya, but damn it! Para 'kong
sinasaniban, para 'kong nagugutom na hindi ko maintindihan. Hindi ko rin naman kasi
maintindihan si Keycee. Bakit ba bigla na lang siyang nagkaganito?

KEYCEE'S POV

Nararamdaman kong nagbabago 'yong paghalik sa 'kin ni Ace. Mas nagiging demanding
'yon. Parang may iba pa siyang gustong gawin. Pero hindi ako umangal. Lalo na noong
naglakad siya papasok sa kwarto ko, paatras naman ang ginagawa ko. Nagawa niyang
kabigin nang paa niya ang pinto para sumara ito nang hindi hinayaang makabitaw sa
labi ko.

Malapit na yata akong masiraan nang bait sa ginagawa niya. Hindi na 'ko makahinga
nang maayos. Parang mauubusan na 'ko ng hangin kaya medyo tinulak ko na siya.
"I...can't...breathe..." I said, almost out of breathe, at gano'n din siya. Pero
ilang segundo pa lang kaming nagpapahinga, hinalikan niya ulit ako at dahan-dahang
iniupo sa kama nang hindi nagbibitaw ang mga labi namin. Maingat niya 'kong inihiga
'tsaka siya umibabaw sa 'kin.

"Sh*t!" Napamura siya at bumangon bigla noong na-realized niya 'yong ginagawa
namin.

Umupo siya sa gilid ng kama. "B-bakit?" tanong ko sa kaniya.

"I'm sorry...hindi ko sinasadya." Hindi siya makatingin sa 'kin nang diretso. Alin
ang hindi niya sinasadya? "You're too young for this. Kaya ko namang maghintay," he
said and turned to me. Ngayon, alam ko na kung anong ibig niyang sabihin. Hindi
naman ako gano'n kainosente para hindi ko 'yon ma-gets.

Bumangon ako at niyakap siya mula sa likuran habang nakaupo siya sa gilid ng bed
ko. Gusto ko siyang mapasaya kahit ngayon lang.

"Paano kung sabihin ko na gusto ko na?" tinanggal niya 'yong kamay ko na nakayakap
sa kaniya at humarap sa 'kin.

"What?"

"Ace, hindi na 'ko bata. I'm already eighteen." Hinawakan ko siya sa magkabilang
pisngi at iniangat ko ang sarili ko para halikan siya sa noo. "And I think I'm
ready to do it."

Till next...

Chapter 45 - Future Husband

KEYCEE'S POV

"Ace, hindi na 'ko bata. I'm already eighteen." Hinawakan ko siya sa magkabilang
pisngi at iniangat ko ang sarili ko para halikan siya sa noo. "And I think I'm
ready to do it."

Matagal na katahimikan ang bumalot sa kwarto ko. Hindi siya nagsasalita. Feeling ko
tuloy na-reject ako. Nakatingin lang kasi siya sa 'kin at para bang hindi
makapaniwala sa sinabi ko. Ayaw niya ba? Pumikit siya nang mariin at huminga nang
malalim bago nagsalita.

"I'll think about it," sabi niya at tumayo na. Lumabas siya sa kwarto ko. Natulala
naman ako habang nakatingin sa pintuan ko na isinara niya.

Tinanggihan niya 'ko? Hindi ako makapaniwalang p'wede pala 'yon.

Sa inis ko at pagkapahiya, naisip ko na lang humiga at pumikit. Imbes na isipin ko


ang pangre-reject sa 'kin ni Ace, mas inisip ko na lang 'yong mas malaking problema
na kailangan kong harapin.

STEPHANIE'S POV
Pagkatapos kong makausap si Keycee, nag-drive na ulit si Kuya Edie pabalik sa
mansion. Pero malas dahil nasiraan kami at sa lugar pa na walang masyadong
dumadaang sasakyan.

"Kuya Edie, okay na ba?" tanong ko paglabas ko sa kotse. May inaaayos siya sa harap
no'n pero hindi ko naman alam kung ano.

"Naku ma'am, mukhang kailangan ko po munang dalhin sa talyer. Kung gusto n'yo po,
maglalakad na lang ako at ihahanap ko kayo ng taxi sa banda ro'n. Wala po kasing
nagdadaan dito."

Nag-aalinlangan man ay pumayag na rin ako, kaysa ma-stuck kami at abutin ng dilim
sa lugar na 'to. Nakakatakot pa naman dahil wala talagang nagdaraan. "Mabuti pa nga
Kuya Edie."

"Sige po ma'am, pumasok na lang po kayo sa loob ng sasakyan. I-lock niyo po ang mga
pinto at 'wag po kayong lalabas hangga't wala ako." Tinanguan ko na lang siya.
Mabait talaga 'yang si Kuya Edie kahit noon pa. May edad na siya kaya para ko na
rin siyang ama. Noong makapasok na 'ko sa loob ng sasakyan, 'tsaka pa lamang siya
umalis. Sinunod ko rin ang sinabi niya at ini-lock ko ang mga pinto pagpasok ko.

Bakit ba naman kasi masisiraan na nga lang kami ay dito pa sa hindi mataong lugar?

***

Halos isang oras na 'kong naghihintay pero wala pa rin si Kuya Edie. Nakakaramdam
na rin ako ng takot dahil papadilim na, idagdag pa na mag-isa lang ako rito at
walang kasama. Nasa gilid pa nang daan ang sasakyan at nakahinto sa may ilalim ng
isang puno. Paano na lang kung may biglang mang-holdap sa 'kin dito? Paano kung may
biglang kumatok sa bintana at tutukan ako ng baril? Paano na lang kung—

Halos malaglag 'yong puso ko nang bigla ngang may kumatok sa bintana ng kotse, sa
gilid ko. Kinakabahan akong lumingon sa taong 'yon para tingnan kung sino siya.
Medyo madilim na pero naaaninag ko pa naman, at alam kong hindi 'yon si Kuya Edie
dahil hindi sila magka-built ng katawan. Ayokong lumabas dahil baka kung sino ang
taong 'to at bigla na lang may gawin na masama sa 'kin.

Kumatok ulit siya, pero hindi ko pa rin binuksan dahil gaya nang bilin ni Kuya
Edie, 'wag daw akong lalabas hanggat wala siya. Alam kong hindi siya 'yong lalaki
sa labas kaya hindi ko pa rin binubuksan 'yong pinto.

Bigla naman nag-vibrate 'yong cellphone kong nasa loob ng bag ko. Nang ilabas ko
'yon, agad kong nabasa sa screen ang text na galing sa hindi ko kilalang number.

"Open the door, Stephanie! This is Carlo."

Ilang segundo akong nakatulala sa screen ng cell phone ko bago mag-sink in sa 'kin
'yong nabasa ko. Si Carlo?

Lumingon ako sa bintana para sinilip 'yong lalaki na kumakatok sa labas kanina.
Nakatayo siya sa gilid at hawak ang cell phone niya. Nakasuot siya ng kulay puting
long sleeves, nakatupi 'yon hanggang sa siko niya at naka tuck-in sa itim niyang
pants. Bakit ba hindi ko 'yon napansin kanina? Naisip ko na masama siyang tao at
baka holdaper. Pero meron bang holdaper na naka ayos pa nang attire?

Nag-vibrate ulit ang cell phone ko at yumuko ako ro'n para basahin ang text na
galing ulit sa kaniya.

"Babasagin ko ba 'yang bintana o lalabas ka nang maayos?"


Babasagin? I huffed in annoyance. Hindi na 'ko nag-aksaya ng panahon at binuksan ko
na agad 'yong kotse at lumabas.

"What are you doing here?" tanong ko sa kaniya.

"Wow! Aren't you going to say thank you first dahil dumating ako?"

"I didn't ask for you to come anyway," sarkastika kong sagot.

"You didn't change, Stephanie. Mataray ka pa rin hanggang ngayon, and I like you
for that. Alam na alam mong gustong-gusto ko 'yong mga babaeng tinatarayan ako." He
smiled, an evil one.

"Oh Carlo, you didn't change too. Hanggang ngayon pala—"

"G'wapo pa rin ako?" He cut me off.

Natawa naman ako sa sinabi niya. "Hanggang ngayon pala, patay na patay ka pa rin sa
'kin. But sorry not sorry, kahit kailan hindi kita magugustuhan. Keep that in mind,
honey." Nakita kong natulala siya sa sinabi ko. Ayokong makasakit pero masyado kasi
siyang mayabang.

"Yes honey, I'll keep it in my mind." Lumapit pa siya nang kaunti sa 'kin at
bumulong sa tainga ko. "You're going to be my wife soon, keep that in mind too." He
whispered.

"It's impossible, honey." Ngumiti naman ako sa kaniya. Para lang kaming nag-
aasaran. "I'm not going to marry you, over my dead body!"

"Don't say that honey, baka magkatotoo, sayang hindi ko pa naman natitikman." He
grinned. This is one of the reasons why I don't like him. He's such a perv! Pero
napansin ko lang, kanina pa kami nagtatawagan ng honey. Kadiri!

"Why don't you go and leave me alone here? Hindi kita kailangan dito."

"I'm going, don't worry. Medyo natatakot na rin kasi ako dito. Kanina ko pa
nararamdaman na parang may nagmamatyag sa 'tin. Sige, una na 'ko. Bye." Naglakad na
siya palayo, papunta sa kotse niya, habang ako natatakot na lumilinga-linga sa
paligid ko. Malapit na siya sa sasakyan niya nang huminto siya at lingunin ulit
ako. 'Wag n'yang sabihing mananakot ulit s'ya bago umalis?

"Uh wait, Stephanie. Alam mo bang accident prone area 'to? Marami na ang
naaksidente rito. Kaya nga kung mapapansin mo walang masyadong nagdadaan dito dahil
sabi nila marami raw nagpaparamdam—" Hindi ko na pinatapos 'yong sasabihin niya at
napatakbo na agad ako palapit sa kaniya kasabay nang pagkapit ko sa braso niya
habang nagtatago sa likuran niya. "Why?" natatawa niyang tanong sa 'kin. "Are you
scared?"

"After you scared me, you're going to asked me if I'm scared?" I said
sarcastically.

"Hindi ko naman alam na hanggang ngayon pala matatakutin ka pa rin," he laughed


even more.

"Shut up, Carlo! Just open the door for me to get in!" inis kong sigaw sa kaniya.
Sinunod niya naman ako kaya pumasok agad ako sa loob ng sasakyan niya. Umikot siya
sa kabila at sumakay na rin. Habang nasa b'yahe kami, naririnig ko siyang natatawa
nang mahina. Pinagtatawanan niya pa rin ako. "Ano bang tinatawa-tawa mo d'yan?"
Kanina pa 'ko naiinis.

"Nothing."

"Nothing's funny and you're laughing? Do you want me to call a psychiatrist for
you?"

"No need, honey."

"Don't call me honey!"

"Ikaw ang naunang tumawag ng honey sa 'kin tapos ngayon magagalit ka?" tinawanan
niya ulit ako. Napaisip naman ako ro'n. Ako ba? "Anyway, hindi totoo na may mga
nagpaparamdam dito. I'm just testing you."

"What?" Lalo akong nainis sa kaniya. "Talaga bang pinagtitripan mo 'ko, ha?"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Stop the car!" sigaw ko at walang kagatol-gatol niya
ngang inihinto 'yon.

"Bababa ka? Okay, go." He motioned the door. Natahimik naman ako. Malapit na 'kong
mapuno sa taong 'to.

"Sabi ko stop the car kapag nasa tapat na tayo ng mansyon, hindi dito."

Natawa na naman siya. "Lilinawin mo kasi."

Nag-drive na ulit siya at hanggang ngayon may nakaguhit pa rin na ngiti sa labi
niya.

"Paano mo nga pala nalaman kung nasa'n ako?" I asked without looking at him.

"Your mom called me. Sinabi n'yang tumawag daw 'yong driver mo sa kan'ya at
sinabing nasiraan kayo ng sasakyan. So, she asked me to get you. Pasalamat ka nga
at pinuntahan kita. Kung hindi lang kita mahal hanggang ngayon, baka naburo ka na
sa lugar na 'yon," litanya niya sabay sulyap sa 'kin.

"Thanks." Bigla akong nakaramdam ng hiya. Sinigaw-sigawan ko pa siya samantalang


nag-effort siyang puntahan ako.

"Only thanks?" He glanced back at me.

"Yeah. Thanks."

"I don't accept thanks. It'll be better if you give me a kiss."

"Fine. Binabawi ko na 'yong pasasalamat ko sa'yo." Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya


pero narinig ko siyang natawa nang mahina.

KEYCEE'S POV

Minulat ko ang mga mata ko at tiningnan agad ang oras sa suot kong relo. 6:47pm na
pala. Hindi ko namalayang nakatulog pala 'ko kanina. Hindi rin ako nakapag-lunch
kaya siguro parang hinahalukay ang tiyan ko ngayon dahil sa gutom.

Lumabas ako ng kwarto at naabutan ko naman si Ace, nasa kusina.

"H-Hi..." bati ko sa kaniya. Dahil sa nangyari kanina ang awkward tuloy ng


atmosphere namin ngayon.
Sumenyas siya sa upuan. "Sit. Painitin ko lang 'yong pagkain para makakain na
tayo." Kainis. Pinainit niya rin ako kanina pero...no comment. Naupo na 'ko at
pinagmasdan siya sa ginagawa niya.

"Ace..." tawag ko sa kaniya.

"Mmm?" he hummed, pero hindi siya tumitingin sa 'kin. Busy siyang nakaharap sa
microwave dahil pinapainit niya ro'n ang pagkain.

"Mamimiss kita," I said quietly at hindi ko alam kung narinig niya ba 'yon o hindi.

Bigla naman siyang humarap sa 'kin. "What?" So, hindi nga niya narinig.

"Wala. Sabi ko namimiss na kita." I smiled, at napangiti rin siya sa sinabi ko.

"Ang sweet naman ng asawa ko. Magkasama lang tayo, namimiss mo na agad ako?" Tumayo
ako sa inuupuan ko at lumapit sa kaniya. Niyakap ko siya at isinandal ko 'yong ulo
ko sa dibdib niya. Dinig na dinig ko 'yong mabilis na tibok ng puso niya. "Bakit?
May problema ba?" He sounds worried.

"Wala naman. Naglalambing lang." Mas hinigpitan ko pa 'yong yakap ko. "Ace, ganito
muna tayo."

"Ha?" Mukhang hindi niya ko na-gets.

"Sabi ko ganito muna tayo. Magkayakap lang. 'Wag mo muna akong bibitawan hangga't
hindi ko sinasabi." Naramdaman ko namang niyakap niya 'ko nang mas mahigpit pa.
Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming magkayakap. Tumunog na't lahat ang
microwave dahil tapos na ang timer no'n pero hindi pa rin kami nagbibitaw ni Ace.

"Kain na tayo," sabi niya pagkatapos niyang halikan ang ibabaw ng ulo ko.

"Ayoko," malungkot kong sabi. "Gusto ko ganito lang tayo." Hindi pa rin ako bumitiw
sa pagkakayakap sa kaniya.

"Kain muna tayo. Don't worry, pagkatapos natin kumain yayakapin ulit kita, mas
matagal pa dito," he reassured.

Tumingala naman ako sa kaniya. "Talaga?" Tumango siya biglang sagot kaya bumitaw na
'ko at pumwesto sa mesa.

"Bakit ba ang lambing-lambing mo ngayon?" tanong niya habang nilalagyan ako ng


pagkain sa plato.

"Wala lang. Bakit, ayaw mo ba na nilalambing kita?"

"S'yempre gusto, pero bigla lang kasi akong nanibago. Hindi ka naman gan'yan."
Hindi na 'ko sumagot dahil nagsimula na 'kong kumain. Naupo na rin siya sa katapat
na upuan at pinagmasdan ako. "Nga pala, ano 'yong pinag-usapan n'yo ni mama
kanina?" tanong niya na naging dahilan para masamid ako.

Kinuhanan niya agad ako ng tubig para makainom. At pagkatapos kong uminom, doon ko
pa lang siya nagawang sagutin, "Wala naman," I lied. "Hindi naman 'yon importante
kaya 'wag mo na lang isipin. Kain na tayo." Tinuloy ko na lang ulit 'yong pagkain
ko pero napansin kong hindi pa rin siya kumikilos. Alam kong nakatingin pa rin siya
sa 'kin habang nakakunot ang noo.

"You sure?" Halata sa boses niya ang pagdududa. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya
at tumango na lang. Bumuntong-hininga naman siya bago ituon ang atensyon sa
pagkain.

Ilang sandali ang lumipas, habang tahimik kami, tumunog ang cell phone ko na nasa
bulsa ko. Agad ko naman 'yon kinuha at unregistered number ang nakita ko sa screen.

Sino kaya 'to?

Nag-angat ako ng tingin kay Ace at nakita kong busy pa rin siya sa pagkain kaya
naman naisipan ko na rin 'yon sagutin. Baka importante.

"Hello?" bungad ko sa tumawag sa 'kin.

"Is this Keycee Dela Vega?" Nagsalubong ang kilay ko sa pag-iisip kung sino ba
siya.

"Yes. Who's this?"

"It's me...your future husband."

Till next...

Chapter 46 - Decision

KEYCEES POV

"Its me...your future husband."

Hindi ako nakakibo sa narinig ko. Future husband? Bigla akong kinabahan. Siya na ba
'yong sinabi sa 'kin ni mama?

"What's wrong?" Ace looked up at me noong napansin niyang natahimik ako. Pinatay ko
agad 'yong tawag at ibinaba ang cell phone ko.

"Wala. Scammer lang. Nanalo raw ako sa lotto samantalang hindi naman ako tumataya,"
I lied. Nawalan din ako ng ganang kumain pero hindi muna ako tumayo para hintayin
si Ace matapos. Ayoko namang iwan siya mag-isa sa mesa.

"Ayaw mo na?" baling niya sa 'kin. Napansin niya kasing nakatitig na lang ako sa
kaniya. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. "Bakit parang kaunti lang ang kinain
mo?"

"Wala na 'kong gana." Hindi na lang din kumibo si Ace. At 'yon din ang napansin ko
sa kaniya simula kanina noong tinanong niya 'ko tungkol sa kung anong pinag-usapan
namin ni mama. Noong sinabi kong wala, parang naging tahimik na siya. Siguro
nagdududa siya sa 'kin at hindi talaga naniniwala sa sinabi ko.

Pagkatapos kumain ni Ace ako na ang nagligpit sa kusina. Nagpaalam naman siyang
magsho-shower muna dahil gagawa pa raw siya ng long quiz namin para bukas.

Pagkatapos kong maghugas ng plato, agad na 'kong pumunta sa kwarto ko at naupo sa


kama habang binabalikan ko 'yong napag-usapan namin ni mama sa sasakyan.

*FLASHBACK*
Nasa loob kami ng kotse ni mama. Si Kuya Edie naman ay bumaba muna para mabigyan
kami ng privacy.

"Ma, ano ba kasing nangyari? Bakit parang umiyak ka?"

"Anak, hindi na 'ko magpapaliguy-ligoy, ha? Gusto kong malaman mo ang plano ng lola
mo sa'yo at sa 'kin."

Kinabahan ako bigla dahil sa sinabi ni mama. "Anong plano, ma?"

Napayuko siya saglit bago ako sagutin. "G-gusto kang ipakasal ng lola mo sa iba."

"What do you mean ipakasal? I'm already married, ma. Kay Ace."

"'Yon na nga, eh. Gusto n'yang mag file ka ng divorce. At kaya ako narito para
makausap ka nang masinsinan, anak." Huminto muna sa pagsasalita si mama at
pinunasan ng tissue ang luha niya. "Hindi ako pumayag sa gustong mangyari ng lola
mo. Ayokong masira ang buhay mo dahil sa gagawin n'ya kaya nakiusap ako na 'wag na
lang n'yang ituloy ang balak n'ya. Pero binigyan n'ya ako ng kondisyon."

"Ano yon, ma?" kinakabahan kong tanong.

"Its either you, to marry the son of Mr. Richard or me, to marry Carlo."

Son of Mr. Richard? Kumunot ang noo ko.

"And who's Carlo, ma?" tanong ko habang nakatingin pa rin sa kaniya.

"He's my ex-fiancé, anak."

"Ex-fiancé?"

Tumango naman si mama. "S'ya dapat ang ipapakasal sa 'kin ng lola mo noong dalaga
pa 'ko. Pero hindi ko s'ya mahal, papa mo lang ang mahal ko at kaya kong mahalin.
Kaya naman naisipan kong lumayas sa mansyon. Sumama ako sa papa mo at lumayo kami.
Nagpakasal kami ng papa mo noon nang hindi alam ni mama."

"Bakit ngayon mo lang 'to sinabi sa 'kin, ma? Bakit hindi mo kinwento sa 'kin dati?
"

"Natatakot kasi ako, anak. Ayokong maging magulo ang buhay mo kaya hindi ako
nagpakita sa lola mo hanggang sa lumaki ka. Hindi kita ipinakilala sa kan'ya dahil
natatakot akong matulad ka sa 'kin." Natahimik ako saglit. Ngayon alam ko na kung
bakit nagalit siya sa 'kin noong nakipagkita ako kay Madam Marlette. "Pero ngayon
nahanap na tayo ng lola mo, at nagsisimula na s'yang planuhin ang buhay mo."
Patuloy sa pag-agos ang luha ni mama kaya nasasaktan ako. Wala naman kasi akong
kalam-alam sa nangyayari.

"Ma? Mahal mo si papa, 'di ba?"

Nag-angat siya ng tingin sa 'kin pagkatapos niyang magpunas ng luha. "Sobra-sobra,


anak. Hindi ko s'ya kayang palitan sa puso ko. S'ya at s'ya lang ang mamahalin ko.
Kaya nga tinatanong kita kung mahal mo rin ba si Ace." Inabot niya 'yong ulo ko at
hinaplos ang buhok ko. "Kasi kung mahal mo si Ace, handa akong magsakripisyo para
sa kaligayahan mo."

Dahil sa sinabi ni mama, bigla kong naintindihan ang lahat, kung bakit niya 'ko
tinatanong kung mahal ko si Ace.
Kapag sinabi ko sa kaniya na mahal ko si Ace, siya 'yong magsasakripisyo at
magpapakasal sa ex-fiancé niya na hindi naman niya mahal.

"Ma, alam kong mahal na mahal mo si papa, at mahal na mahal ka rin niya kahit wala
na s'ya." Ayokong maging malungkot si mama. Ayokong gawin niya 'yong bagay na hindi
niya naman gusto para lang sa kaligayahan ko dahil makukunsensya lang ako. Feeling
ko makasarili ako kapag nangyari 'yon. "Ma, natatandaan mo ba 'yong sakit na
dinulot sa 'kin ni Ace? Kasi ako, hinding-hindi ko makakalimutan 'yon." Ayoko 'tong
sabihin pero kailangan. Pagkatapos nang nangyari sa 'kin dati sa tingin mo ba
kakayanin ko pang makasama si Ace?"

"Anak..." Lalong umagos ang luha niya noong makuha niya ang ibig kong sabihin.

"Yes, ma...papayag ako sa gusto ni lola." Lalong humagugol si mama 'tsaka niya 'ko
niyakap. Tumulo na rin ang luha ko.

Ngayon parang gusto kong bawiin 'yong sinabi ko pero hindi na p'wede.

*PRESENT*

Dumiretso ako sa kwarto ko pagkatapos kong mag-shower at agad nagbihis. Pagkatapos


kong magsuklay agad kong dinampot 'yong cell phone ko at itinext 'yong number na
tumawag sa 'kin kanina. "P'wede ba tayong magkita?"

Segundo lang ang lumipas at nag-reply naman siya agad. "Sure. That's what I was
going to tell you if you didn't hang up earlier. Let's meet tomorrow. I have some
business to offer." Kumunot ang noo ko sa reply niya. Business?

Nahiga ako sa kama habang hawak pa rin ang phone ko. Magre-reply na sana 'ko sa
kaniya nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Pumasok si Ace at sinara niya
rin 'yon agad.

"Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba gagawa ka nang long quiz?" Hindi niya 'ko
sinagot at agad siyang humiga sa tabi ko 'tsaka siya yumakap sa 'kin nang mahigpit.

"Payakap muna bago ako gumawa ng quiz," bulong niya habang nakasubsob ang mukha sa
leeg ko. I put my phone down, para hindi niya makita 'yong text sa screen.

Niyakap ko rin siya. "Tapusin mo na 'yong gagawin mo para makatulog ka na. Anong
oras na, oh? Gabi na."

"I wanna sleep here, with you," sagot naman niya sa 'kin, pero mahina lang.

"Ace, hindi tayo p'wedeng matulog nang magkatabi." Hindi ko alam kung bakit 'yon
ang lumabas sa bibig ko pagkatapos kong sabihin sa kaniya na ready na 'ko.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa 'kin at tiningnan ako nang kunot-noo. "Why not?"

"Im still a lady, Ace."

"What's wrong with that? We're married anyway. At ikaw rin naman ang nagsabi na
hindi ka na bata. Sinabi mo nga rin na gusto mo ng gawin—"

"Okay fine," pinutol ko na agad ang sasabihin niya. "Sige, I'm going to sleep with
you, but not here. Do'n tayo sa room mo." Bumangon na ako at gano'n din siya.

Pagkasuot ko nang tsinelas ko tinanong niya 'ko, "What's wrong with here?"

"Wala. I just don't feel like here."


Bumaba na rin siya sa kama, sinuot 'yong tsinelas niya 'tsaka niya 'ko inakay
papunta sa kwarto niya, pero huminto siya bago kami makalabas dahil napansin niya
'yong maleta na malapit sa cabinet ko.

"Aalis ka?" baling niya sa 'kin.

Nagkunwari naman akong natawa. "Hindi, ah. Mga gamit ko lang 'yan na galing sa
bahay noong lumipat ako dito. Hindi ko pa kasi naililipat sa cabinet dahil wala ng
space." Mukhang napaniwala ko naman siya kaya tumango siya at tuluyan na kaming
pumunta sa kwarto niya.

Ang totoo, inempake ko 'yong mga gamit ko noong pagkayari naming mag-usap ni mama
dahil ang sabi niya pinapauwi na raw ako ni lola o ni Madam Marlette sa mansyon.
Aalis din kami ng bansa ni mama para makapag-file raw ako ng divorce. Bigla tuloy
akong nakunsensya dahil walang kaalam-alam si Ace sa mga mangyayari.

Pagpasok namin sa kwarto niya, agad niyang nilock 'yong pinto 'tsaka siya bumaling
sa 'kin habang nakangiti. Bigla naman akong kinabahan. Lumapit siya nang husto at
ipinalupot ang pareho niyang kamay sa baywang ko. Nakangiti siya habang nakatitig
sa 'kin.

"I love you," malambing niyang sabi, pero hindi ako nakasagot. Natatakot akong
sumagot dahil ilang araw lang mula ngayon magpa-file na 'ko ng divorce.

Imbes na sagutin, nginitian ko siya. "Lets sleep." Tinanggal ko 'yong kamay niya sa
baywang ko at naglakad ako papunta sa kama niya para mahiga. Agad naman siyang
lumapit at tumabi sa 'kin. Niyakap niya 'ko nang mahigpit. Nakapikit siya pero alam
kong hindi pa siya tulog.

"Ace."

"Mmm?"

"Sorry."

"For what?"

"Sa kasalanan ko." Bumitaw siya sa pagkakayakap sa 'kin at tiningnan ako. Kunot ang
noo niya. Hindi niya siguro ako maintindihan. "Sorry, kasi ako 'yong naging dahilan
kung bakit nawala ang mommy mo."

"Why are you talking about this right now?" Yumakap ulit siya sa 'kin. "Kalimutan
mo na 'yon."

"Pero gusto ko pa rin mag-sorry. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko naririnig
sa'yo na pinapatawad mo na 'ko. Kasi hindi ko naman talaga sinasadya 'yong
nangyari. Sobrang natakot lang ako noon. Pero hindi ko ginusto 'yon. God knows kung
gaano kahirap sa 'kin na gawin ang bagay na 'yon. Pero maniwala ka sa 'kin Ace
hindi ko talaga—"

"Dont cry," pinutol na niya 'yong sasabihin ko. Hindi ko kasi namalayan na
humihikbi na pala 'ko. "'Wag kang umiyak. I believe you, Keycee. Naniniwala ako
sa'yo. At matagal na rin kitang napatawad." Hinaplos niya 'yong likod ko gamit ang
palad niya para patahanin ako. "Noong araw na nawala ka na sa buhay ko, do'n ko na-
realized ang pagkakamali ko. Na mali ang pinagsalitaan kita nang masasakit na
salita. Mali na inuna ko ang galit ko kaysa pakinggan ang explanations mo. Sorry
din. Oo, nahirapan akong tanggapin 'yong katotohanan noong una. Pero noong nawala
ka na sa buhay ko, noong iniwan mo ko 'tsaka ko naisip na sana nag-usap na lang
tayo nang maayos at sana pinatawad na lang kita para hindi ka na nawala sa 'kin.
Sana pinakinggan ko na lang ang paliwanag mo bago ako nagalit."

"Sorry, Ace."

"Stop apologizing, Keycee. Matagal na kitang pinatawad."

Gumanti ako ng yakap kay Ace, at mas mahigpit pa. Pero may biglang pumasok sa isip
ko. Kung paano niya nalaman noon ang totoo. "Ace?"

"Mmm?"

"Paano mo nalaman? Sino ang nagsabi sa'yo ng tungkol sa bagay na 'yon?" Hindi kasi
talaga ako mapakali. Wala namang nakakaalam ng tungkol sa bagay na 'yon kun'di si
Ryza at Christia, pati na rin si Pinky, dahil sila lang naman ang pinagsabihan ko.

Nag-angat ng tingin sa 'kin si Ace bago sumagot, "Si Ryza."

To be continued...

Chapter 47 - Left & Escape

KEYCEE'S POV

"Si Ryza."

Pakiramdam ko may kumurot sa dibdib ko nang banggitin ni Ace ang pangalan ni Ryza.
Idagdag pa na walang bakas nang pagsisinungaling sa boses niya. Pinaghalong galit
at lungkot ang bigla kong naramdaman. Para 'kong maiiyak pero pinigilan ko.

Paano niya nagawa sa 'kin 'yon? Bakit niya 'ko pinangunahan kay Ace? Dahil tuloy sa
ginawa niya kaya lumala at gumulo ang sitwasyon noon.

Pero ayoko munang isipin ang bagay na 'yon. Saka na kami mag-uusap ni Ryza kapag
nagkita na kami. May mas mahalaga pa akong kailangan isipin kaysa sa pangta-traydor
niya sa 'kin.

"Uhm, Ace...h-hindi ka pa ba matutulog?" Napansin ko kasi 'yong orasan sa bedside


table niya at mag-aalas diyes na. Siguradong kanina pa nagte-text sa 'kin si Kuya
Edie dahil siya ang susundo sa 'kin ngayon. Mabuti na lang at naiayos ko na ang mga
gamit ko sa maleta.

"Hindi pa 'ko inaantok," he responded, pero 'yong boses niya ang nagpapatunay na
inaantok na siya. Mahina na lang kasi 'yon, parang pinipilit niya na lang
magsalita. Hindi na 'ko kumibo at hinaplos na lang ang buhok niya nang paulit-ulit
para lalo siyang antukin.

"Good night, Ace." I said softly. Mamaya na lang siguro ako aalis kapag tulog na
tulog na siya.

Ngayon pa lang naiiyak na 'ko. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa 'kin kapag
iniwan ko na si Ace. Hindi ko alam kung anong magiging kapalaran ko kapag sinunod
ko ang gusto ni lola. Ayokong iwan si Ace pero ayoko rin naman na nahihirapan si
mama. Marami na siyang hirap na pinagdaanan dahil sa 'kin. Siguro panahon na para
ako naman ang magsakripisyo para sa kaniya.

"Keycee," mahinang tawag ni Ace, ang lalaking mahal na mahal ko, na mamaya lang ay
kailangan ko nang iwan. "Dito ka lang sa tabi ko...'wag kang aalis...'wag mo 'kong
iiwan." Mas hinigpitan niya pa ang pagkakayakap sa 'kin. Naramdaman ko ang pag-
iinit ng sulok ng mga mata ko pero pilit kong pinipigil na 'wag umiyak. Hindi ako
p'wedeng umiyak ngayon dahil baka makahalata siya.

"Oo, Ace. Hindi ako aalis sa tabi mo." Pumikit ako pero kasabay naman no'n ang
tahimik na pagpatak ng luha ko. Ang hirap umiyak nang walang tunog, ang sakit sa
dibdib. Paano ko magagawang iwan ang taong mahal ko kung hindi pa ako umaalis ay
pinipigilan na niya ako?

Sumiksik ako lalo sa dibdib ni Ace. Parang hindi ko yata kaya. Hindi ko na kayang
malayo pa sa kaniya.

"I love you, Keycee." That's the last word that I heard from Ace's mouth before he
fell asleep.

"I love you too, Ace."

***

I opened my eyes and looked at my phone. Its 3:00 AM. I think this is the right
time para umalis na ako. Tulog na tulog na rin kasi si Ace.

Tinanggal ko 'yong pagkakayakap niya sa 'kin at saka na ako bumangon sa kama.


Lumabas ako sa kwarto niya at dahan-dahang isinara ang pinto.

Tinawagan ko si mama. Nakatatlong ring pa bago niya sagutin 'yon, at halata sa


boses niya na kagigising niya lang.

"Ma, ipasundo mo na 'ko kay Kuya Edie." Bumaba ako sa hagdan at dumiretso sa kwarto
ko.

"Nasa apartment ka ba?"

"Yes ma, sabihin mo kay Kuya Edie bilisan, baka magising pa si Ace."

Binaba ko na 'yong cell phone ko nang marinig ko ang pagsang-ayon ni mama. Pumunta
ako sa kwarto ko at kinuha 'yong maleta na may mga gamit ko. Dahan-dahan ko 'yon
hinila palabas sa apartment, sa tabi ng gate.

Umakyat ulit ako sa taas at pumasok sa kwarto ni Ace. Tulog na tulog pa rin siya.

Naaawa ako sa kaniya habang pinagmamasdan siya. Wala siyang kaalam-alam na iiwan ko
na siya. Ano kayang magiging reaksyon niya bukas kapag nagising siya nang wala ako
sa tabi niya? Naiiyak tuloy ako. Hindi ako makapaniwalang malalayo ulit ako sa
kaniya. Pero kailangan. Ito ang pangalawang beses na iiwan ko siya.

Nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya at hinalikan siya sa noo. Bye, Ace. Tumulo
ang luha ko pagkasara ko sa pinto. Ang sakit sa dibdib.

Paglabas ko sa gate ay naroon na si Kuya Edie, naghihintay sa 'kin. "Sorry ma'am


kung natagalan ako."

"Okay lang po, ang bilis niyo nga, e." Kinuha niya sa 'kin 'yong maleta na hawak ko
at inilagay sa compartment ng sasakyan. Pinagbuksan niya na rin ako ng pinto kaya
pumasok na 'ko sa loob.
Kung kanina nalulungkot ako, ngayon mas grabeng lungkot ang nararamdaman ko. Hindi
lang doble, triple at parang mas higit pa do'n. Ngayon ko kasi naisip ang ginawa
ko. Umalis ako sa apartment, ibig sabihin nito...iniwan ko na si Ace.

Inihilig ko 'yong ulo ko sa sandalan at hinayaan lang tumulo nang tumulo ang luha
ko.

Pagdating namin sa mansyon, sinalubong agad ako ni mama at niyakap. Pero daig ko pa
ang lantang gulay. Para 'kong mamamatay dahil sa mabigat na nararamdaman ko sa
dibdib ko. Parang ang dami kong dala. 'Yong pag-iwan ko kay Ace, 'yong pagpa-file
ko ng divorce nang hindi niya alam, 'yong pagpayag ko sa gusto ni lola na
magpakasal sa iba at idagdag pa 'yong nalaman ko na ginawa ni Ryza. Sobrang sama ng
loob ko. Ang bigat sa dibdib.

Nang maihatid ako ni mama sa magiging kwarto ko raw, agad akong nagsabi sa kaniya
na matutulog muna dahil madaling araw pa lang naman. Nag-alangan siyang iwan ako
noong una at para bang gusto pa niya muna akong makausap pero sa pagkakataong ito
ay hindi ko talaga kaya. Gusto ko munang mapag-isa.

Saktong pagkasara ni mama sa pinto, agad ko 'yon ini-lock at doon na bumuhos ang
luha ko. Dumapa ako sa kama at isinubsob ang mukha ko sa unan para hindi marinig sa
labas ang pag-iyak ko.

Sobrang sakit nang mga nangyayari. Kung kailan okay na kami ni Ace, kung kailan
bumabalik na kami sa dati, kung kailan nagiging masaya na kami 'tsaka naman 'to
nangyayari. Idagdag pa 'yong nalaman ko na pangta-traydor sa 'kin nang matalik kong
kaibigan. Sobrang hirap tanggapin. Bakit ganito? Hindi na ba talaga 'ko p'wedeng
sumaya? Bakit ko 'to nararanasan? Naging masama ba 'kong tao? Mayro'n ba 'kong
inapi o inagrabyado? Bakit ako? Bakit kailangan masaktan at malungkot ako nang
ganito? Ayoko nang ganitong pakiramdam.

***

Nagising ako na mugtung-mugto ang mata. May narinig din akong kumatok sa pintuan
pero hindi ko 'yon binuksan.

"Miss Keycee, pinapatawag po kayo ng lola n'yo," sabi ng taong nasa labas, 'yong
kumatok. Sa tingin ko isa siya sa mga maid.

Agad naman akong lumapit sa pinto at sumagot nang hindi ko man lang 'yon
binubuksan. "Susunod na 'ko."

Pagkatapos kong maligo at magbihis, lumabas na ako sa kwarto at hinanap si lola. Sa


sobrang laki nang mansyon akala ko ay mahihirapan ako na hanapin siya, mabuti na
lang at may isang maid na nag-guide sa 'kin papunta sa kaniya. Nasa labas siya at
umiinom ng tsaa habang nakatanaw sa mga magagandang halaman.

"Good morning po. Pinapatawag niyo raw po ako?" Bahagya akong yumuko dahil ayokong
makita niya 'yong sitwasyon ng mata ko, mugto.

Agad naman siyang humarap sa 'kin. "Nagkita na ba kayo ng anak ni Richard?"

Sobra akong na-disappoint dahil sa sinabi niya. Hindi ba p'wedeng mag-good morning
muna siya o kaya naman ay tanungin niya ako kung anong oras akong nakauwi noong
sinundo ako ni Kuya Edie or kung kumusta ang tulog ko? Hindi ba p'wedeng tanungin
niya muna ako kung kamusta ang paglipat ko rito, kung masaya ba 'ko?

Isang malalim na buntong-hininga na naman ang pinakawalan ko para lang pigilan ang
luha na gusto ng maglandas sa pisngi ko.

"Hindi pa po," nakayuko pa rin ako.

"Nasabihan ko na ang abogado ko sa mga dapat gawin. Siya ang mag-aasikaso sa pagfa-
file mo ng divorce sa asawa mo. Alam na niya ang gagawin kaya hindi na kayo
mahihirapan." Hindi ako kumibo sa sinabi ni lola. Sa totoo lang ayokong pag-usapan
ang bagay na 'to dahil ang sakit sa loob ko. "Pupunta rito ang anak ni Richard
mamayang gabi para makita ka."

Ngayon ko pa lang nagawang mag-angat nang tingin sa kaniya. "Po?"

"Gumayak at mag-ayos ka mamaya, you need to meet him."

***

Alas singko pa lang ng hapon ay nagsisimula na 'kong mabalisa. Simula kaninang


umaga pagkatapos naming mag-usap ni lola ay hindi pa ulit ako lumalabas sa kwarto
ko. Hindi ako mapakali dahil alas siete raw pupunta rito ang anak no'ng porsyo
pilatong binanggit niya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Parang gusto ko na
lang tumakas at umalis sa bahay. Parang gusto kong tumakbo nang tumakbo hanggang sa
makarating ako sa lugar na walang makakakilala sa 'kin.

Ayokong ma-meet 'yong sinasabi ni mama na ipapakasal daw sa 'kin ni lola. Pero
hindi ko naman alam kung anong gagawin ko. Gusto kong tawagan si Ace para
magpasundo rito sa mansyon pero hindi p'wede. Hindi ko rin naman p'wedeng tawagan
at banggitin kay Ryan ang tungkol dito dahil magpinsan sila ni Ace at natatakot ako
na baka sabihin niya kay Ace ang sitwasyon ko.

Sinubukan ko namang tawagan si Marian at Jezza pero hindi sila sumasagot. Malamang
ay nasa school pa ang mga 'yon. Hindi ko na kasi nagawang pumasok dahil sa mga
nangyayari. Isa pa, makikita ako ni Ace.

Sino kaya ang p'wede kong hingan ng tulong? Gusto kong umalis dito sa mansyon para
hindi ako abutan no'ng anak ni Mr. Richard.

Naglakad ako nang pabalik-balik dahil sa sobrang pagkabalisa, pero ilang sandali pa
ay bigla akong may naalala.

"Just call me if you need help." 'Yon ang sinabi sa 'kin ng lalaki na muntik nang
makabangga sa 'kin.

Halos patakbo akong lumapit sa bag ko na nasa loob ng cabinet at ibinuhos ang laman
no'n sa kama. Hinanap ko 'yong card na ibinigay niya sa 'kin.

Zen Hart, ang pangalan na nakita ko sa card noong mahanap ko 'yon. Kakapalan ko na
ang mukha ko dahil siya naman ang nagsabi na tawagan ko siya kapag kailangan ko
nang tulong. Magkukunwari na lang ako na may masakit na nararamdaman simula noong
muntikan na niya akong mabangga. Tatakas ako dito sa mansyon at sa kaniya ako
magpapasundo para sabihing dalhin ako sa ospital. Tama. Gano'n ang gagawin ko.
Aalis muna 'ko hanggang sa matapos 'yong dinner at kapag sa tingin ko ay nakauwi na
siya 'tsaka na lang ako babalik para lang hindi kami mag-abot.

Agad kong binuksan ang cell phone ko at tinawagan ang number na nasa calling card.
Pero nagri-ring lang 'yon at walang sumasagot kaya naman naisipan ko munang mag-
text at magpakilala na ako 'yong muntikan na niyang mabangga. Baka kasi hindi siya
sumasagot sa tawag ng hindi niya kilala.

Pagkatapos kong mag-text, ilang sandali pa ay siya na ang kusang tumawag.


"How can I help you?" bungad niya sa 'kin.

"P'wede mo ba 'kong sunduin?" Hindi agad siya sumagot. Siguro ay nagtaka siya sa
sinabi ko. Hindi naman kasi magkakilala pero kung makapag-demand ako wagas. "At
dalhin mo 'ko sa ospital. Simula kasi noong muntikan mo na 'kong mabangga,
nahirapan na 'kong maglakad," palusot ko.

"Okay. Where are you?"

"Iti-text ko na lang sa'yo 'yong lugar maya-maya." Hindi ko na siya hinintay


makasagot at agad ko na siyang binabaan. Kailangan ko pa kasing mag-isip ng paraan
kung paano makakatakas sa mansyon nang hindi ako nahuhuli ng mga gwardya na
nakabantay sa labas.

Pero teka? P'wede naman siguro akong makatakas nang hindi nahihirapan, 'di ba?

Lumabas ako sa kwarto ko at agad na pumunta kay mama. Pagbaba ko sa mahabang hagdan
ay agad ko siyang nakita sa napakalaking sala. "Ma," lumapit ako sa kaniya, "p'wede
po ba 'kong magpasama kay Kuya Edie? May kailangan lang akong bilhin."

"Ano 'yon?"

Nag-isip ako nang mabilis. "Masakit po ang puson ko, kailangan ko ng gamot."

"Sige. Pero 'wag kayong magtatagal, ha?" Ngumiti ako nang bahagya dahil sa pagpayag
niya. Lumabas na ako sa mansyon at agad ko namang nakita si Kuya Edie.

"Sa pinakamalayong drugstore po tayo," sabi ko pagpasok ko sa loob ng sasakyan.

Napalingon naman siya sa 'kin at nagtataka. "Pinakamalayo po ba o pinakamalapit?"


paninigurado niya.

"Pinakamalayo po."

Napailing si Kuya Edie pero sinunod niya pa rin ako. Habang nasa biyahe kami,
itinanong ko na agad sa kaniya kung saang drugstore kami pupunta at itinext ko
naman ang lugar kay Zen, 'yong hiningan ko ng tulong.

"I'm almost there." He replied, at natuwa naman ako.

"Miss Keycee, okay na po ba rito?" baling sa 'kin ni Kuya Edie. Doon ko lang na-
realized na halos isang oras na pala kaming bumibyahe. Marami na rin kaming
nadaanan na drugstore kanina pero dahil nga sinabi ko na gusto ko nang malayo kaya
naman hindi niya 'yon inihinto sa mga nauna naming nadaanan.

"Opo, Kuya Edie. Salamat. Baba po muna 'ko saglit, may bibilhin lang ako."

"Sige po."

Sa gilid ng drugstore pumarada si Kuya Edie at hindi sa mismong harap kaya naman
hindi niya 'ko makikita kung papasok nga ba talaga ako sa loob o hindi.

Tatawagan ko pa lang sana si Zen nang bigla niya 'kong unahan dahil nag-ring na
'yong phone ko.

"Where are you?" bungad niya sa 'kin. Ang cold ng boses niya. Sabagay, hindi naman
kasi kami talaga magkakilala.
"Nakatayo ako sa harap ng drugstore, white blouse and black jeans with cap."

"Found you." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay agad na niya 'kong binabaan at maya-
maya lang ay may humintong sasakyan sa harap ko, 'yong sasakyan din na muntik nang
makabangga sa 'kin. Bumukas ang bintana no'n at agad akong lumapit noong mamukhaan
ko na siya 'yon. Sumakay ako sa sasakyan niya at tumanaw sa bintana para silipin
'yong sasakyan na gamit ni kuya Edie. Mukhang hindi niya naman ako napansin. Thanks
God. Bumaling naman ako sa lalaking katabi ko at naabutan kong nakatingin rin siya
sa 'kin nang kunot-noo. "Sabi mo hindi ka makalakad, bakit ang bilis mong sumakay
sa sasakyan ko? Niloloko mo ba 'ko?" Tumaas ang isang kilay niya kaya bigla akong
natakot. Hindi ko pa naman siya kilala. Baka bigla na lang niya 'kong saksakin
kapag nalaman niyang nagsinungaling ako.

"Masakit talaga 'yong paa ko. Binilisan ko lang makasakay para maihatid mo na agad
ako sa ospital. Sa pinakamalayong ospital."

"Pinakamalayo? Are you crazy?" Nagsalubong ang mga kilay niya. Nababaliw na nga
siguro ako dahil sa mga nangyayari sa buhay ko.

"Oo. Sa malayo."

"Instead of the farthest, I will take you to the nearest," sagot niya at pinaandar
na ang sasakyan. "Hindi ako p'wedeng magtagal. I have someone to meet." Hindi na
lang ako kumibo. Ayoko na lang mag-demand dahil hindi naman kami magkakilala.

Fifteen minutes na ang lumipas at wala pa rin kaming nadadaanan na ospital kaya
naman napapansin kong umiinit na ang ulo niya. Ilang sandali pa ay inihinto niya
ang sasakyan sa tabi ng daan, bumaling siya sa back seat at dumukwang dahil may
kinuha siyang cell phone.

"Bakit?" tanong ko sa kaniya.

"I have a dinner meeting but here I am driving, looking for the farthest hospital."
Bakas sa boses niya ang inis while scrolling down to his screen. Napasulyap ako
ro'n at parang may hinahanap siya sa contacts niya. Wait, tatawag ba siya ng
ambulansya para 'yon na lang ang magdala sa 'kin sa ospital?

"Sino'ng tatawagan mo?" I asked, nervous.

"I need to cancel the meeting so I could take you to your FARTHEST HOSPITAL,"
baling niya sa 'kin sabay tutok ng phone sa tainga niya. Inemphasize niya pa talaga
'yong salitang farthest hospital.

Magsasalita pa sana 'ko pero natigilan ako nang mag-ring ang cell phone ko na nasa
bulsa. Kinuha ko agad 'yon at nakita ko 'yong number noong lalaking tumawag sa 'kin
at nagsabing future husband ko raw siya. Kahit hindi ko sinave ang number niya,
natandaan ko naman ang tatlong numero sa dulo.

I tapped the answer button 'tsaka ko 'yon sinagot. "Hello?"

At nagulat ako nang marinig ko ang sarili kong boses na nag-echo sa kabilang linya.

To be continued...

Chapter 48 - Talking
ACE'S POV

Nagising ako na wala si Keycee sa tabi ko. Nasa'n siya?

Agad akong lumabas sa kwarto at bumaba sa hagdan. Dumiretso 'ko sa kusina para
tingnan siya roon, dahil baka nagluluto lang ng almusal. Pero pagdating ko ro'n ay
hindi ko siya nakita. Dumiretso naman ako sa kwarto niya at kumatok, pero walang
sumagot. Pinihit ko ang doorknob at binuksan ang pinto pero hindi ko rin siya
naabutan do'n.

Saan s'ya nagpunta? Maaga pa kaya imposibleng pumasok na siya sa school dahil
tanghali pa naman ang klase niya.

Bumalik ulit ako sa kwarto ko. Kinuha ko 'yong cell phone ko at sinubukan ko siyang
tawagan pero hindi ko siya ma-contact dahil nakapatay ang cell phone niya.

Agad akong naligo at gumayak para pumasok sa school, sa pagbabakasakali na naroon


siya at baka pumasok lang ng maaga. Pero hindi ko rin siya nakita.

Maya't-maya ko rin siyang sinusubukan tawagan pero katulad kanina ay nakapatay pa


rin ang cell phone niya. Hindi tuloy ako mapakali. Kung sakaling may pinuntahan man
siya, bakit hindi siya nagpaalam sa 'kin?

Hinintay ko na lang ang oras ng klase ko sa block niya para makita kung pumasok ba
siya o hindi.

Pagpasok ko pa lang sa room ay sa dulo na agad ako tumingin kung saan siya nakaupo.
Wala rin siya. Si Marian at Jezza lang ang naroon.

Nagsimula na 'ko sa pagtse-tsek ng attendance.

"Where's Perez?" Nag-angat ako ng tingin sa dalawa, kay Marian at Jezza, noong
tinawag ko na ang pangalang Perez, Jian at walang sumagot. Gusto kong malaman kung
alam ba nila kung nasaan si Keycee.

"Hindi po namin alam, Prof Lee. Hindi naman po kasi siya nagsabi sa 'min na hindi
siya papasok," sagot ni Marian.

Yumuko na ulit ako para ituloy ang ginagawa ko habang hindi ako mapakali. Parang
gusto kong lumabas na lang sa room at hanapin siya kung saan.

***

Lumipas ang maghapon at nagsimula na 'kong mag-alala no'ng hindi ko siya abutan sa
apartment. Maghapon siyang wala. Maghapon ko siyang hindi nakita. Maghapon din
akong nag-aalala.

Biglang sumagi sa isip ko ang papunta rito ng mama niya. Hindi kaya kinuha na niya
si Keycee? Iniwan na ba niya 'ko ulit?

Nagmadali akong pumunta sa kwarto niya para tingnan ang mga gamit niya sa cabinet.
Nakahinga ako nang maluwag no'ng makita ko na naroon pa ang mga ito. Ibig sabihin
hindi niya 'ko iniwan. Baka may pinuntahan lang siya tapos na-lowbat ang cell phone
niya kaya hindi ko siya matawagan.

Isinara ko na ulit ang cabinet niya para lumabas. Pero nang malapit na 'ko sa
pintuan, may isang bagay akong napansin.
Wala 'yong maleta niya na nakita ko kagabi.

KEYCEE'S POV

Dahan-dahan akong napalingon sa katabi ko noong marinig ko ang boses ko sa kabilang


linya. Naabutan ko na nakatingin na rin pala siya sa 'kin at bakas rin sa mukha
niya ang pagkagulat.

Binaba niya 'yong phone niya nang hindi inaalis ang tingin sa 'kin. "Keycee Dela
Vega?" kunot noo niyang tanong. Nang hindi ako sumagot ay bigla siyang natawa nang
mahina. "So, it's you?"

So, it's him? I almost said out loud. "Pa'nong...naging ikaw?" Naguguluhan pa rin
ako. Hindi ako makapaniwala na 'yong taong tinakasan ko...ay kasama ko na pala.

"Since we're here, talking to each other, let's talk about something more
important."

"Important?" Nagsalubong ang kilay ko at bigla akong kinabahan. Mukhang alam ko na


kung ano'ng ibig niyang sabihin. 'Yong kasal.

Hindi na siya sumagot at agad niyang pinaandar ang sasakyan. Inihinto niya 'yon sa
isang fine dining restaurant. Nauna siyang bumaba at mabilis na umikot para
pagbuksan ako ng pinto. Gentleman.

Pagpasok namin sa loob, sa private area, agad siyang umorder ng pagkain. Walang
ibang tao sa paligid namin kun'di kami lang dalawa.

Noong maihatid na sa amin ang pagkain at nakaalis na ang server ay bigla niya 'kong
tinanong.

"Do you know me?" Umiling naman ako agad. "I'm Zen Hart." He offered his hand para
makipagkamay at matagal bago 'ko 'yon tinanggap. Napilitan lang ako at nakunsensiya
dahil mukha naman siyang mabait kahit papaano, o baka feeling ko lang 'yon?
"Nararamdaman ko na kaya ka umalis sa inyo at nagpapahatid sa pinakamalayong
ospital...ay para takasan ako. Tama?" Napalunok ako bago tumango. Paano niya
nalaman? "And why is that? Why are you running away from me?"

Tinatanong pa ba 'yon? Malamang, ayokong magpakasal sa kaniya!

"Ayokong magpakasal sa'yo," diretso kong sagot.

"And do you think I do?" He shot back. Nagulat ako sa naging sagot niya. "Sa tingin
mo ba kaya ako pupunta sa inyo ngayon ay dahil gusto kitang pakasalan?" Natawa siya
nang bahagya. "I just wanted to meet you so we could talk about our current
situation and what we should do in order to stop the marriage."

Stop the marriage? Ibig sabihin hindi lang ako ang may ayaw na magpakasal kun'di
siya rin?

Hindi ko napigilan ang ngiti ko dahil sa narinig ko sa kaniya. Daig ko pa ang


nabunutan ng tinik sa lalamunan at talampakan. 'Yong bigat na nararamdaman ko no'ng
iniwan ko si Ace sa apartment ay parang biglang gumaan.

"'Yan ang pinakamaganda at astig na desisyong ginawa mo sa buhay mo at pinapangako


ko na hinding-hindi mo 'yan pagsisisihan kahit mamatay ka pa nang maaga!" Ngiting-
ngiti kong sabi sa kaniya. Sa sobrang saya ko, sinunggaban ko agad ang pagkain na
nakahain sa 'min. Kanina lang wala akong gana pero ngayon mayro'n na.
"Mamatay nang maaga?" Biglang nagkaroon ng inis sa boses niya.

Nag-angat naman ulit ako ng tingin sa kaniya at ngumiti. "Akala ko ako lang ang may
ayaw magpakasal sa'yo. Ikaw rin pala. Sobrang saya ko. Ito 'yong totoong mutual
understanding. Thank you."

Bigla siyang natahimik at tiningnan lang ako. Itinuloy ko ang pagkain at hanggang
sa mabusog ako ay nakatitig pa rin siya sa 'kin.

"Why?" tanong niya pagkatapos nang mahabang katahimikan. Salubong ang kilay niya.

"Ha?"

"I mean, bakit ayaw mong magpakasal sa 'kin?" Hindi ko alam kung bakit bigla siyang
naging seryoso samantalang kanina no'ng sinabi niyang ayaw niya rin magpakasal sa
'kin ay natatawa pa siya.

"Because I'm married, and I love my husband. So much."

"You're married?" Bakas sa mukha niya ang pagkagulat.

I hummed. "Bakit? Hindi ba sinabi sa'yo ni Madam— ni lola na kasal na 'ko?"

"No. She told me na single ka."

"Single?" Ako naman ang natawa. "Scammer si lola, alam mo ba 'yon? Gusto niya 'ko
na mag-file ng divorce para makapagpakasal sa'yo."

Bumuntong-hininga siya bago magsalita. "We're on the same boat kaya kailangan
nating mag-isip ng paraan para 'wag matuloy ang gusto nila."

"Ikaw na lang ang mag-isip, mukhang mas matalino ka naman sa 'kin, eh." Natahimik
siya saglit at parang gusto niyang matawa. "Bakit hindi ka na lang kasi humanap ng
iba na gusto mong pakasalan? Kasalanan mo 'to, eh! Kung noon pa sana nag-asawa ka
na, 'di sana hindi na nila tayo ngayon pinipilit sa isa't-isa!" Hindi ko alam kung
saan nanggaling ang lakas ng loob ko para magtaas ng boses sa kaniya samantalang
noong una ay takot pa 'ko na kausapin siya.

"Gustong pakasalan?" He said and laughed bitterly. Para siyang may naalala na hindi
niya nagustuhan. Yumuko siya at nagsimula ng kumain. Pinanood ko naman siya. "Three
years ago...I have someone I wanted to marry," sabi niya no'ng matapos niyang
nguyain ang nasa bibig niya. "She was my dream girl, my ideal type and I loved
everything about her."

"Tapos? Nasa'n siya ngayon?" curious na tanong ko. Marites session muna kami.

"Someone stole her from me." Natawa ulit siya nang bahagya. "At alam mo kung ano'ng
malupit? That someone was my best buddy. My best friend and almost like a brother
to me." Hindi agad ako nakakibo. Hindi ko alam kung paano ako magre-react. Parang
bigla akong naawa sa kaniya. Inagaw nang best friend niya 'yong babaeng gusto
niyang pakasalan. Aba, masakit 'yon lalo na at kaibigan niya pa.

"Oh, tapos? Ano'ng nangyari? Nasaan na sila ngayon?"

"Hindi rin sila nagtagal."

"Buti nga sa kanila! I mean, bakit pala?"


"He left her at nagpakasal siya sa iba. Rhian then became miserable. Lagi siyang
naglalasing hanggang sa isang araw...naaksidente siya." Bakas sa mukha niya ang
lungkot kaya bigla akong nanibago. Hindi naman siya ganito kanina pagpasok namin
dito. Hindi na lang ako kumibo at nagtanong dahil pakiramdam ko ay mas malulungkot
siya kapag nagkwento pa siya nang nagkwento.

"Gutom pa 'ko," pasulot ko 'tsaka ako yumuko at nagsimula na ulit lumapang. Maya-
maya pa, tumunog ang cell phone ko na nasa bulsa kaya kinuha ko 'yon at sinagot ang
tawag ni Jezza.

"Bakit hindi ka pumasok?" bungad niya sa 'kin. "Hindi ka man lang nagsabi sa 'min.
Hindi tuloy namin alam ni Marian kung ano'ng sasabihin no'ng tinanong ka sa 'min ni
Professor Lee!"

Hinanap ako ni Ace sa kanila? Oo nga pala, binlock ko nga pala 'yong number niya
pansamantala para hindi niya 'ko matawagan.

"May inasikaso lang ako," sagot ko kay Jezza. I looked up at Zen at nakita kong
nakatingin siya sa 'kin kaya nagpaalam na agad ako sa kaibigan ko.

"Sino 'yon?" tanong niya habang nakatingin sa 'kin.

"Si Ace," I lied. No'ng nabanggit kasi ni Jezza si Ace, namiss ko siya agad at
gusto ko na siyang makita. "Pinapauwi na niya 'ko kaya kung wala na tayong pag-
uusapan, baka p'wedeng mauna na 'ko? 'Di ba sabi mo ayaw mo rin naman magpakasal–"

"Ace?" ulit niya.

"Oo. Ace Lee' 'Yong asawa ko."

Natahimik siya at tiningnan ako nang matagal, halos isang minuto siyang tumitig sa
'kin. Yumuko siya nang bahagya at no'ng mag-angat siya ng tingin sa 'kin ay bigla
siyang ngumiti. Ngiting nakakatakot.

"File a divorce and let's get married."

To be continued...

Chapter 49 - Zen's Buddy

KEYCEE'S POV

"File a divorce and let's get married."

Natulala ako habang nakatitig sa kaniya. Hinihintay ko na sabihin niyang biro lang
'yon or what, pero hindi siya kumikibo.

Tumawa ako nang malakas, kahit pilit, para lang mawala ang kakaibang atmosphere na
nararamdaman ko. "Nakakatawa 'yang joke mo!" Kinuha ko 'yong baso na may iced tea
sa harap ko, tinanggal ko 'yong straw sabay tungga.

"I'm not joking. I'm dead serious. I'm going to marry you—"

Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya at pinaulanan ko siya ng iced tea sa


mukha, 'yong galing sa bibig ko. Oo, sinadya ko s'yang bugahan dahil bigla akong
nainis.

Kanina lang ang sabi niya ayaw niya rin akong pakasalan, tapos ngayon sasabihin
niyang mag-file ako ng divorce at magpapakasal kami? Kung kailan ako nabuhayan ng
pag-asa na bumalik kay Ace, 'tsaka niya babawiin 'yong sinabi niya?

Nakapikit siya nang mariin at may dinukot sa bulsa. Panyo. Dinampian niya 'yong
mukha niyang daig pa ang bagong hiilamos.

Nang matuyo na ang mukha niya, tiningnan niya 'ko nang may inis.

"Why did you do that?"

"And why did you say that?" ganti ko naman sa kaniya. "Hindi ba't kasasabi mo lang
na ayaw mo rin magpakasal sa 'kin? Ano 'yon, it's a prank?"

Sa halip na sumagot ay nginitian niya lang ako. "Finish your food. Ihahatid na kita
sa inyo."

"Sa amin? You mean sa asawa ko? Kay Ace?"

"No. Sa mansyon. Pero kung gusto mo na makita tayo ng asawa mo, p'wede rin naman,"
sabi niya sabay ngisi.

Napaisip naman ako. Kung sa mansyon niya ako ihahatid, malalaman ni mama at lola na
magkasama kami. Baka iba ang isipin ni lola at lalo pa 'yon magdiwang.

"'Wag mo na 'ko ihatid. Magpapasundo na lang ako."

"Kailangan kitang ihatid para makausap ko si Mrs. Tan, ang lola mo."

"Tungkol saan?"

"Sa kasal natin."

ACE'S POV

Kanina pa 'ko pabalik-balik sa labas ng apartment para abangan si Keycee. Alas


siyete na kasi ng gabi pero hindi pa rin siya umuuwi. Pati ang cell phone niya
hindi ko matawagan.

Sinubukan ko rin tawagan kanina ang mama niya pero nagri-ring lang 'yon at walang
sumasagot.

Hindi ko na alam kung ano'ng iisipin ko. Simula kasi no'ng pumunta rito 'yong mama
niya at inaya siyang mag-usap sa labas, nanibago na 'ko sa kaniya. Bigla siyang
naging sweet tapos ngayon ay bigla naman siyang nawala, maghapon na walang
paramdam.

Iniwan na ba niya 'ko? Ulit?

Umiling ako kasabay no'n ay dinampot ko 'yong susi ng kotse sa kama pati na rin
'yong jacket ko. Nagmadali akong lumabas ng apartment. Kailangan ko siyang makita.

Kasabay ng pagpasok ko sa loob ng sasakyan ay ang pagtunog ng cell phone ko. Agad
ko 'yon dinukot sa bulsa ko, sa pag-aakalang si Keycee na ang tumatawag. Pero mali
ako.
"Nasa'n ka?" bungad sa 'kin ni Julian no'ng sagutin ko 'yong tawag niya.

"Bakit?"

"Nakita mo 'yong sinend ko sa'yo?"

"Ano 'yon?"

"Basta tingnan mo!"

Agad kong pinatay 'yong call at chineck ang isa sa mga social media account ko kung
saan mayroon siyang ipinadalang litrato.

At nagulat ako no'ng makita ko ang picture na kuha sa isang restaurant kung saan
magkaharap si Keycee at...nagsalubong ang kilay ko habang kinikilala 'yong lalaking
nasa litrato. Zen?

Agad akong nag-type ng message kay Julian para tanungin kung saan ang lugar na
'yon. Parang bigla na lang nanginig ang buong katawan ko pero hindi ko alam kung sa
galit ba, sa takot o sa inis. Noong nag-reply na si Julian at alam ko na ang lugar
ay agad akong nagmaneho nang mabilis.

Hindi ko alam kung bakit sila magkasama ng asawa ko. Nagkataon lang ba 'to o
sinadya ni Zen na puntiryahin si Keycee para gantihan ako?

Napailing ako.

Pagdating ko sa lugar, sa restaurant kung saan sila nakita ni Julian, wala na akong
inabutan dahil pagpasok ko ay sumalubong agad sa 'kin ang isang staff at sinabing
magco-close na sila.

Ipinakita ko 'yong picture na isinend sa 'kin ni Julian para tanungin kung nakita
niya ang mga ito.

"Umalis na po sila, sir. Kani-kanina pa."

Hindi ko na nagawang magpaalan nang maayos dahil nagmadali na 'kong lumabas.

KEYCEE'S POV

Kausap ni Zen si lola sa phone habang nagda-drive. Sinabi niya na magkasama kami at
pabalik na sa mansyon. Kanina pa kasi tawag nang tawag si mama sa 'kin, pati si
lola, pero hindi ko 'yon sinasagot kaya naman siya na ang tumawag sa kanila.

"Hindi na ba magbabago ang isip mo?" baling ko sa kaniya no'ng tapos na siyang
makipag-usap kay lola. "Hindi pa naman huli ang lahat, p'wede mo pa bawiin 'yong
sinabi mo kanina."

"Hindi na. That's final. Magpapakasal tayo," sagot niya nang hindi man lang ako
nililingon. Hindi na ako nakakibo at yumuko na lang. Hindi ko alam kung bakit
biglang nagbago ang isip niya. Akala ko pa naman wala na 'kong problema. "Someone's
following us."

Binalik ko ulit ang tingin ko sa kaniya at nakita ko siyang nakatingin sa side


mirror niya. Nilipat ko agad ang tingin ko sa side mirror, sa gawi ko, para tingnan
kung totoo 'yong sinasabi niya at nakita ko ngang may kotse na kanina pa nakasunod
sa 'min.

Hindi ko inalis ang tingin ko sa salamin para pagmasdan ang sasakyan na 'yon. Ilang
sandali pa ay mas lalo 'yon bumilis at tinapatan na kami. Nasa mismong side ko
siya. Noong bumukas ang bintana no'n ay nagulat ako no'ng makita ko si Ace.

"Ace," binaba ko rin ang bintana sa side ko para sana makita niya 'ko pero biglang
binilisan ni Zen ang pagmamaneho kaya naiwan ulit si Ace. "Bagalan mo!" baling ko
sa kaniya pero hindi siya sumagot at hindi rin niya 'ko sinunod.

Lalo akong natakot no'ng halos nagkakarerahan na sila para lang mag-abot. Kumapit
ako nang mahigpit sa upuan ko dahil mas naging mabilis ang pagmamaneho niya. Mas
mabilis kaysa kanina. Pakiramdam ko hihiwalay na 'yong kaluluwa ko sa katawan ko
dahil sa sobrang tulin.

Naging mabilis din ang pagda-drive ni Ace at nag-over take siya sa 'min. Pero
gano'n din ang ginawa ni Zen. Nag-over take rin siya kay Ace.

"This is nice." Tumawa pa siya nang malagpasan niya si Ace.

"Ihinto mo!" sigaw ko sa kaniya. Hindi ko na kaya. Nahihilo na 'ko sa sobrang bilis
at sa likot ng sasakyan dahil sa paulit-ulit na pag-over take niya sa t'wing
mauunahan kami ni Ace. "Ihinto mo sabi! Mamamatay tayo sa ginagawa mo!" Again, he
didn't respond. Tumingin ako sa side mirror at nakita ko na malapit na ulit kaming
abutan ni Ace.

"At least we die together," ganti niya sa 'kin na lalong ikinainis ko.

"Mamatay ka mag-isa! Ibaba mo 'ko!" Halos mapasubsob kami pareho dahil sa pagpreno
niya. Humarang na kasi si Ace sa daan, sa harap namin mismo niya inihinto ang
sasakyan, dahilan para mapahinto rin si Zen. Hindi agad ako nakakilos dahil sa
pagkahilo. Nakatanaw lang ako sa harap at nakita ko na bumaba si Ace sa kotse niya
at nagpunta sa side ko. Kumatok siya nang malakas sa bintana. Akmang bubuksan ko na
'yong pinto para makalabas ay bigla kong narinig ang pag-lock no'n kaya hindi ko na
maitulak. "Unlock the door!" inis akong bumaling sa kaniya. Kay Zen.

Pero imbes na pinto ang buksan, 'yong bintana ang bumukas. Dahan-dahang bumaba ang
salamin no'n.

"Keycee, get out!" galit na utos sa 'kin ni Ace no'ng wala ng salamin na nakaharang
sa mga mukha namin. Tumingin siya sa lalaking katabi ko, Kay Zen. "Why are you
taking my wife?" bakas pa rin ang galit sa boses niya.

"Your wife?" Natawa si Zen kaya bumaling ako sa kaniya. Bakit ganito sila mag-usap?
Parang may pait, samantalang hindi naman nila kilala ang isa't-isa. Tiningnan niya
rin si Ace at nagulat ako sa sumunod niyang sinabi. "Long time no see, buddy."

Long time no see? Ibig sabihin magkakilala sila? Kumunot lalo 'yong noo no'ng
maisip ko 'yong tinawag niya kay Ace. Buddy?

Ilang segundo akong natahimik bago mag sink in sa 'kin kung ano'ng nangyayari. Doon
ko rin naalala 'yong sinabi ni Zen sa restaurant.

"Someone stole her from me. At alam mo kung ano'ng malupit? That someone was my
best buddy. My best friend and almost like a brother to me."

Siya 'yong best friend na tinutukoy ni Zen? 'Yong best friend niya na umagaw sa
babaeng gusto niyang pakasalan three years ago, at nang-iwan rin sa sa babaeng 'yon
dahil nagpakasal sa iba? At 'yong babaeng tinutukoy ni Zen na pinakasalan ni
Ace...ay ako?

"File a divorce and let's get married."


Kaya ba biglang nagbago 'yong isip ni Zen noong nabanggit ko 'yong pangalan ni Ace?

Bigla kong naalala 'yong pagpayag ni Ace na makasal sa 'kin three years ago. Ilang
beses siyang kumontra sa lolo niya noon na ayaw niyang magpakasal sa 'kin kaya
akala ko okay na at wala ng mangyayari na kasalan. Pero isang araw nagulat na lang
ako dahil bigla siyang pumayag. At hindi ko alam kung bakit.

"Sorry, but I need to take her home."

"She's my wife, Zen. Kung mayro'n man dapat mag-uwi sa kaniya, ako 'yon! Now, open
this f*cking door and let my wife go!"

"Really?" bumaling sa 'kin si Zen. "Saan mo gustong umuwi, Keycee? Kay Ace o sa
lola at mama mo na kanina pa naghihintay satin?"

Natahimik si Ace dahil sa sinabi niya. Binaling ko ang tingin kay Ace at naabutan
ko siyang nakatingin rin sa 'kin, bakas sa mukha ang pagtataka.

"Would you mind telling me what the f*ck is happening?" galit na sabi niya sa 'kin.
Hindi ako nakakibo. Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko. Hindi ko alam kung
paano magpapaliwanag. Parang gusto ko na lang maglaho sa kinauupuan ko ngayon.

Biglang bumaba ng sasakyan si Zen at umikot sa kinatatayuan ni Ace. Magkaharap na


sila ngayon. Walang nagsasalita isa man sa kanila. 'Yong tingin nila sa isa't-isa,
nakakatakot. Parang may apoy sa mga mata nila.

Wala akong narinig na kahit anong salita at bigla na lang sinuntok ni Zen si Ace na
naging dahilan para matumba siya.

To be continued...

Chapter 50 - Parted

KEYCEE'S POV

Agad akong bumaba sa sasakyan noong natumba si Ace dahil sa pagsuntok sa kaniya ni
Zen. Naupo ako sa harap niya para maging magkapantay kami.

Nang iangat niya ang mukha niya sa 'kin nakita ko 'yong sugat sa gilid ng labi
niya, may dugo 'yon. Nag-init ang ulo ko kay Zen kaya nilingon ko siya at tiningnan
nang masama.

Binalik ko 'yong tingin ko kay Ace at inalalayan ko siyang makatayo. Kinuha ko rin
'yong panyo sa bulsa ko at dinampian 'yong dugo sa gilid ng labi niya. Habang
dinadampian ko 'yon, hinawakan niya 'yong kamay ko, tapat ng pulso, 'tsaka niya ko
tiningnan sa mata. Nangugusap 'yong mga mata niya at kahit hindi pa man siya
nagsasalita, parang naintindihan ko na agad kung ano'ng gusto niyang iparating sa
'kin.

"Let's go home," mahina niyang sabi. Gusto kong maiyak dahil 'yon nga ang nabasa ko
sa mata niya. Para siyang nagmamakaawa na umuwi na 'ko at bumalik sa kaniya. Ngayon
ko mas naramdaman 'yong pagsisisi noong iniwan ko siya sa apartment habang tulog
siya. Naiinis ako sa sarili ko dahil sa desisyon ko na 'yon.
Tumango ako sa kaniya at ngumiti habang nanggigilid ang mga luha ko. "Mmm. Uuwi na
tayo." Napangiti siya dahil sa sinabi ko.

Hindi ko na nilingon si Zen at hinayaan kong akayin ako ni Ace papunta sa sasakyan
niya na nakaharang sa harap ng sasakyan ni Zen.

Pero narinig ko rin ang paghakbang at pagsunod niya sa 'min. Natigilan kami pareho
ni Ace at napalingon kay Zen nang hilahin niya ang isang kamay ko. Pareho na silang
nakahawak sa wrist ko.

"Sa inyo ka uuwi, hindi sa kaniya. Tara na." Hinila niya 'yong kamay ko pero
gumamit din ng pwersa si Ace para pigilan ako. Medyo sumakit 'yong buto ko sa braso
dahil sa ginawa nilang paghila sa magkabilang kamay ko.

Hinila ko 'yong kamay ko na hawak ni Zen 'tsaka ko siya tiningnan. "Umuwi ka mag-
isa. Hindi ako sasama sa'yo!" inis kong sabi sa kaniya at saka ako bumaling kay
Ace. "Let's go."

***

Sampong minuto na yata ang lumipas simula no'ng iwanan namin si Zen pero hanggang
ngayon ay hindi pa rin kumikibo si Ace. Tahimik lang siyang nagda-drive. Kanina pa
'ko sumusulyap sa kaniya at pansin ko na parang may malalim siyang iniisip.

Kaya ba hindi niya 'ko tinatanong?

"Ace," baling ko sa kaniya. Hindi ko na kaya ang katahimikan. Gusto kong humingi ng
tawad at magpaliwanag sa kaniya. "I'm sorry."

Nilingon niya rin ako 'tsaka siya ngumiti. "It's okay. Let's talk later when we got
home." Lalo akong nakunsensiya sa ngiti niya.

Bakit ang bait niya? Dapat nagagalit siya sa 'kin ngayon. Dapat tinatanong niya 'ko
kung bakit ko siya iniwan sa apartment. Dapat tinatanong niya kung bakit sumama 'ko
sa ibang lalaki. Pero bakit gano'n 'yong ngiti niya? Hindi pa man kami nag-uusap,
hindi pa man ako nagpapaliwanag, pero dito pa lang ramdam ko na ang pang-unawa
niya. Parang gusto ko tuloy siyang yakapin bigla.

"P'wede ba tayong huminto saglit?"

Nilingon niya 'ko at parang bigla siyang nag-alala kaya agad niyang iginilid ang
sasakyan at inihinto 'yon sa isang tabi.

Agad kong inilapit ang sarili ko para maabot ko siya at mayakap. Niyakap ko siya
nang mahigpit kasabay ng pag-agos ng luha ko dahil nakunsensiya ako sa ginawa kong
pag-iwan sa kaniya.

Agad niya rin akong niyakap. "Ssssh, it's okay. Don't cry." Hinaplos niya 'yong
likod ko habang pinapatahan ako. "'Di ba sabi ko sa'yo nasasaktan din ako kapag
nakikita kitang umiiyak? Kaya tumahan ka na."

Dahil sa sinabi niya, imbes na tumahan, lalo pa 'kong napahagulgol. Hindi ko alam
na ganito pala magmahal ang isang istriktong tulad niya. Pakiramdam ko tuloy hindi
ko siya deserved dahil sobrang tanga ko.

Pinilit kong magsalita sa pagitan ng mga hikbi ko. "I'm sorry Ace. Sorry
kung...umalis ako nang...hindi mo alam."
"Stop crying. Sasakit ang ulo mo n'yan. Okay lang ako. Mag-uusap tayo nang maayos
mamaya pag-uwi, hmm?" mahinahon niyang sabi habang patuloy sa paghaplos sa likod ko
para pakalmahin ako.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at tinitigan siya. "Patawarin mo 'ko, ha?


Promise hindi na 'ko aalis. Hindi na kita iiwan ulit." Ngumiti ako kahit may luha
pa rin sa mata ko 'tsaka ko inabot ang labi niya para dampian ng halik. "Sorry kung
maghapon kang naghanap at nag-alala sa 'kin. 'Wag kang mag-alala, simula ngayon
hindi na 'ko aalis sa tabi mo." Nginitian niya 'ko at siya naman ang yumuko para
abutin ang labi ko.

Sorry, ma. Sorry, lola. Pero mahal ko si Ace. Hindi ko siya kayang iwan.

THIRD PERSON'S POV

Pag-alis ng sasakyan ni Ace kasama si Keycee ay agad na tinawagan ni Zen ang lola
nito. Sinabi niyang sinundan sila ni Ace at pinilit na kuhanin si Keycee para isama
pauwi.

Agad na nagalit ang matanda nang marinig ito kaya naman agad niyang ipinatawag ang
lima sa kaniyang bodyguard at ipinahanda ang mga sasakyan para puntahan ang apo.

Si Keycee lang ang nag-iisa niyang apo na magmamana ng kaniyang ari-arian at mga
negosyo kaya naman gusto niyang siya ang mamili ng makakasama nito. 'Yong alam
niyang magaling at mapagkakatiwalaan pagdating sa negosyo. At si Zen ang una sa
kaniyang listahan dahil kilala niya ang mga magulang nito at alam niyang namana ni
Zen ang husay ng mga magulang pagdating sa pamamalakad at pagpapalago ng negosyo.

Nakaplano na rin ang kanilang company merger kapag naikasal na ang kaniyang apo at
si Zen.

"Ma, sa'n ka pupunta?" tanong ni Stephanie nang makita niyang palabas sa mansyon
ang kaniyang ina at may kasamang mga bodyguard.

"May pupuntahan lang ako," tipid na sagot nito sa kaniya bago tuluyang umalis.

Abot naman ang pag-aalala ni Stephanie sapagkat hanggang ngayon ay hindi pa rin
dumarating ang anak. Ang alam niya ay pauwi na ito kasama si Zen. Ngunit ilang oras
na ang lumilipas ay hindi pa rin dumarating ang dalawa.

Sinubukan na rin niyang tawagan si Keycee ngunit hindi ito sumasagot. Wala naman
din siyang numero ni Zen para ito ang tawagan at tanungin.

Gusto niyang umalis ng mansyon para hanapin ang anak ngunit hanggang ngayon ay
hindi pa rin nakakabalik ang kaniyang driver na si Kuya Edie.

"Ma'am, dumating po si Sir Carlo. Nasa labas po," sabi ng isa sa kanilang mga
kasambahay na kagagaling lamang sa labas.

Ayaw man niyang harapin ito ay napilitan pa rin siyang lumabas.

Natanaw niya ang sasakyan ni Carlo sa tapat ng malaki at mataas na gate ng mansyon.
Noong malapit na siyang dito ay bumukas ang bintana ng sasakyan nito at binungaran
agad siya ng ngiti.

"Ano'ng ginagawa mo dito?"

"I just wanted to drop this to you." Pinadaan nito sa bintana ang isang bouquet ng
bulaklak at iniabot sa kaniya. "Hindi na 'ko bababa dahil hindi rin naman ako
magtatagal. Mauna na 'ko."

Hindi na siya nakapagsalita dahil agad na nitong pinaandar ang sasakyan at saka
umalis.

At noong medyo malayo na ang sasakyan ni Carlo ay saka niya ito naisipang tawagan.

"P'wede mo ba 'kong samahan? Hanapin natin si Keycee."

KEYCEE'S POV

Malapit na kami sa apartment noong tinanong ako ni Ace kung gusto ko na raw ba na
umuwi na lang kami sa dati naming bahay. Sa bahay niya. Namimiss na rin daw kasi
ako ni Yaya Miranda.

"Gusto ko sana kaso pa'no 'yong pagpasok natin?" Napaisip naman siya. Malayo kasi
ang bahay namin na 'yon sa university na pinapasukan namin pareho ngayon. Apat na
oras ang biyahe mula roon. "Kung ayaw mo na sa apartment, p'wede naman tayo sa
bahay namin ni mama. Then, kapag weekend na lang tayo umuwi sa bahay mo."

"Bahay natin," pagtatama niya sa 'kin habang nakangiti. Napangiti na lang din ako.
Para kaming hindi nagkaproblema kung magngitian.

Pagdating namin sa apartment ay agad na kaming lumabas sa sasakyan. Pareho kaming


napalingon ni Ace sa tatlong itim na sasakyan na nakaparada sa kabilang gilid.
Sunod na dumako ang tingin ko sa gate at napansin ko na bahagya 'yong nakaawang.

Lumapit agad si Ace sa gate at nagtaka pa siya na bukas 'yon. "Bakit bukas 'to?"
Bumaling siya sa 'kin at inabot ang kamay ko pero nagsimula na 'kong kabahan. Hindi
ko alam kung bakit. "Let's go."

Inakay niya 'ko papasok sa loob at naabutan rin namin na bukas ang main door.

Pagpasok namin sa pinto ay si Madam Mar— si lola agad ang bumungad sa 'min sa sala
at may limang lalaki na nakasuot ng magkakamukhang uniform, polo na white. Nakatayo
ang lima sa magkabilang gilid ni lola. Dalawa sa kanan niya, tatlo sa kaliwa.

Napalunok ako dahil sa kaba. "Lola..."

Si Ace naman ay halatang naguguluhan dahil hindi pa niya alam ang tungkol kay lola.

"Halika, umuwi tayo." Tumayo si lola at humakbang palapit sa 'kin para hawakan ang
kamay ko pero agad ko 'yon iniwas.

"Pasensya na po. Hindi po ako makakasama sa inyo. Dito lang ako kay Ace. Sa asawa
ko," may paninindigan kong sabi. Gusto kong maramdaman ni Ace na totoo 'yong sinabi
ko na hindi ko na siya iiwan at hindi na 'ko aalis sa tabi niya.

"Kailangan pa ba na magalit ako bago ka sumunod sa 'kin?" Hinawakan ni lola ang


kamay ko para sana akayin ako palabas pero agad na namagitan si Ace sa 'min.

"Excuse me po," kinuha niya 'yong kamay ko na mahigpit na hawak ni lola, "asawa po
ako ni Keycee. Hindi n'yo po siya p'wedeng basta piliting sumama. Dito po siya sa
'kin."

Naningkit ang mga mata ni lola habang nakatitig siya kay Ace. Kinabig naman ako ni
Ace palapit sa kaniya.

Ilang sandali pa ay nilingon ni lola 'yong limang lalaki na naka uniporme. At


napayakap ako bigla kay Ace nang humakbang sila palapit sa 'min.

"Ayoko!" sigaw ko nang pilit nila 'kong inilalayo kay Ace. Yumakap ako nang
mahigpit at gano'n din si Ace sa 'kin. Na para bang ayaw niya rin akong bitiwan.

Pero nagsimula ng umagos ang luha ko nang hawakan si Ace no'ng tatlong lalaki
habang 'yong dalawa naman ay hawak ako at pilit kaming pinaglayo sa isa't-isa.

"Get your hands off!" Nagpumiglas si Ace sa tatlo at nang makawala siya ay sinuntok
niya 'yong isa na pumipigil sa kaniya para makalapit sa 'kin.

"Ace, tulungan mo 'ko, ayokong umalis," patuloy ako sa pag-iyak habang pilit akong
hinihila palabas no'ng dalawang lalaki na nakahawak sa magkabilang braso ko. Agad
na lumapit sa 'kin si Ace para kuhanin ako pero sinundan agad siya no'ng tatlo at
inilayo ulit sa 'kin.

"Dalhin niyo na siya sa sasakyan," utos ni lola sa dalawang lalaking may hawak sa
'kin kaya lalo akong nagwala at nagpumiglas habang pilit nila 'kong inilabas sa
pinto.

"Ayoko! Hindi ako sasama! Bitiwan n'yo 'ko!"

Agad na sumunod sa 'kin si Ace palabas pero bago pa man siya makalapit ay hinila na
siya no'ng tatlong lalaki.

"Keycee!"

Hindi na magawang lumapit sa 'kin ni Ace dahil tatlong lalaki na ang nakahawak sa
kaniya. Kahit anong gawin niyang pagpupumiglas ay hindi siya makawala dahil tatlong
pwersa sila at nag-iisa lang siya.

Kinagat ko 'yong kamay ng isang lalaki na nakahawak sa braso ko at no'ng makabitaw


siya at isa na lang ang nakahawak sa 'kin, nilakasan 'ko 'yong pagtulak sa kaniya
para makawala ako.

Tumakbo agad ako palapit kay Ace pero hindi ko pa man siya nahahawakan ay agad
akong nasundan no'ng dalawang lalaking may hawak sa 'kin kanina. Pinigilan nila 'ko
na makalapit kay Ace.

Iyak ako nang iyak habang nagpupumiglas at napansin kong namumula na rin ang mata
ni Ace. Gusto niya 'kong kunin at pigilan umalis pero wala siyang magawa dahil
tatlo sila at nag-iisa lang siya.

Noong tuluyan na nila akong nailabas sa gate ay agad nila 'kong isinakay sa isa sa
mga itim na kotseng nakita namin kanina. Si lola naman ay sa isang kotse sumakay.

"Ayoko!!! Palabasin n'yo 'ko dito!!! Hindi ako sasama sa inyo!!!" Hindi na 'ko
malabas dahil naka-lock ang pinto at hindi ko 'yon mabuksan.

Nakita kong lumabas si Ace sa gate at tumakbo palapit sa sasakyan kung saan ako
isinakay. Hinahampas niya 'yong bintana at halos murahin n'ya 'yong dalawang
lalaking nasa harap para palabasin ako pero hindi siya pinakinggan ng mga ito.

Nagsimula ng umandar ang sasakyan namin at wala akong nagawa kun'di ang lumingon
kay Ace habang humagulgol. Nakita kong tumakbo si Ace sa sasakyan niya para sundan
ako pero bago siya makasakay do'n ay hinawakan ulit siya no'ng dalawang lalaki,
habang ang isa naman ay pinasingaw ang isang gulong ng kotse niya. Pilit pa rin
siyang nagpumiglas at nagsimula ng makipagsuntukan. Lalo pa akong napahagulgol
noong nakita ko na ginantihan na rin siya no'ng isang lalaki.
At napasigaw na lang ako nang malakas sa loob ng sasakyan dahil sa sobrang sakit at
sama ng loob ko.

To be continued...

Chapter 51 - I Will Find You

KEYCEE'S POV

Pwersahan akong iniakyat ng dalawang bodyguard sa hagdan para dalhin sa kwarto ko.
Sobrang sakit na rin ng katawan ko dahil hindi ko tinigilan ang pagpupumiglas para
makawala sa kanila simula pa kanina no'ng ibaba nila ako sa sasakyan. Pero wala pa
rin nangyari. Halos namumula na rin ang braso ko dahil sa mga bakas ng pagkakahawak
nila sa 'kin nang mahigpit.

"Patawarin mo kami, Miss Keycee. Ayaw namin gawin 'to pero ayaw rin naman namin
matanggal sa trabaho." Pagkatapos sabihin 'yon ng isang bodyguard ay binuksan na
nila ang pinto ng kwarto ko at ipinasok ako ro'n. Hindi nila inilock 'yong pintuan
pero nakabantay naman sila sa tapat no'n para hindi ako makatakas.

Bigla 'kong naramdaman ang panghihina ng katawan ko dahil sa pagod sa pagwawala,


pagpupumiglas at pag-iyak. Idagdag pa ang panginginig ng katawan ko sa galit at
sama ng loob dahil sa ginawa ni lola sa amin ni Ace.

Bumagsak ang mga binti ko sa malamig na sahig dahil sa panlalambot ko. Tumutulo pa
rin ang luha ko habang paulit-ulit ang pagbulong ko sa pangalan ni Ace.

Bakit ganito ang kapalaran namin? Gusto ko lang naman maging masaya kasama siya
pero bakit ang hirap no'n makamit? Parusa ba sa 'kin 'to noong niloko ko siya at
nagkunwari akong wala na? Pakiramdam ko tuloy tinuturuan ako ng leksyon ng langit,
na kung gaano kadali sa 'kin ang iwan siya noon— ganito naman kahirap ang bumalik
sa kaniya ngayon.

Dagdag pa ang sakit dahil sarili kong lola ang humahadlang kung saan ako magiging
masaya.

Narinig ko ang yabag ni lola at alam kong pumasok siya sa kwarto ko.

"Keycee," tawag niya sa 'kin no'ng nasa loob na siya. Pero wala akong lakas tumayo
dahil hanggang ngayon ay ramdam ko ang panginginig ng laman ko. Tumayo siya sa
harapan ko at tanging sapatos lang niya ang nakikita ko dahil nakayuko ako. "Mag-
usap tayo, apo."

Napangiti ako nang mapait dahil sa narinig ko. Apo? Sa halip na papatahan na 'ko,
nag-init ulit ang sulok ng mga mata ko nang marinig ko sa kaniya ang salitang apo.
Napailing ako nang paulit-ulit habang nakayuko pa rin.

Kung talagang apo ang turing niya sa 'kin, bakit kailangan niyang gawin 'to? Bakit
kailangan niya 'kong pahirapan?

Pinilit kong tumayo kahit nanginginig ang mga binti ko. Humarap ako sa kaniya nang
maayos.
"Hindi po ako magpapakasal kay Zen," buong paninindigan kong sabi. Nagsalubong ang
kilay niya at parang balak na naman niyang magalit.

"Huwag mo na 'kong suwayin, Keycee. Matuto kang sumunod dahil para sa'yo rin naman
ang ginagawa 'ko! Para maging maayos ang buhay at kinabukasan mo! Dahil lahat ng
maiiwanan ko, ikaw ang makikinabang!"

Gusto kong matawa sa sinabi niya. Gusto ko siyang sigawan at sabihin na mali ang
katwiran niya pero nagpigil pa rin ako dahil alam kong matanda na siya at kailangan
ko pa rin siyang igalang. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko para hindi ako
makapagtaas ng boses sa kaniya.

"Para sa 'kin?" mahinahon kong sabi. "Hindi para sa 'kin ang ginagawa mo, lola.
Ginagawa mo 'yon para sa sarili mo dahil 'yon ang gusto mo at doon ka magiging
masaya. 'Yong bagay na akala mong magpapaayos sa kinabukasan ko— 'yon naman ang
sisira sa buhay ko." Patuloy sa pag-agos ang luha ko kaya pinahid ko 'yon gamit ang
palad ko. "Hindi naman po ako nanghihingi sa'yo ng kahit ano. Hindi ko naman sinabi
na sa 'kin n'yo iwanan lahat ng negosyo at yaman n'yo. Ikaw lang ang may gusto
no'n. Pero kung iiwanan n'yo 'yon sa 'kin kapalit ng kaligayahan ko...'wag n'yo na
lang po ibigay dahil hindi ko rin tatanggapin. Kaya kong mabuhay nang maayos kahit
wala akong matanggap sa inyo, pero hindi ko kayayanin mabuhay kung mawawala si Ace
sa tabi ko." Hindi siya nakakibo at halatang nagulat siya sa mga narinig niya sa
'kin. "Ayoko po sanang sabihin 'to, pero...mas okay pa ang buhay ko noong hindi ko
pa po kayo nakikilala. Kung alam ko lang na mangyayari 'to at masasaktan ako nang
ganito, sana hindi na lang po tayo nagkakilala. Sana hindi na lang tayo nagkita–"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sa malakas na sampal na dumapo sa pisngi


ko. Ramdam ko 'yong hapdi kung saan lumapat 'yong kamay niya. Ang sakit na nga ng
loob ko sa kaniya, dinagdagan niya pa.

Dahan-dahan kong idiniretso ang mukha ko at tiningnan s'ya. Bakas sa mukha niya ang
pagkagulat na para bang hindi niya akalain na nasampal niya 'ko. Nakita kong namula
ang mata niya at nanggigilid ang luha niya.

"Sa halip na magpasalamat ka dahil sa matatanggap mo sa 'kin, gan'yan pa ang


sasabihin mo?! Tutulad ka rin ba sa mama mo na susuwayin ako?! Hindi mo ba naisip
na ginagawa ko 'yon para sa ikagagaan at ikaayos ng buhay at kinabukasan mo—"

"Akala n'yo lang 'yon!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagsigaw. "Akala
n'yo lang na inaayos n'yo ang buhay ko pero hindi! Lalo n'yong pinabibigat! Lalo
n'yo lang ginugulo! Kung para sa inyo yaman ang sukatan para maging maayos ang
buhay– sa 'kin hindi!" Nagtaas na rin ako ng boses dahil pakiramdam ko kapag hindi
ko pa nailabas ang sama ng loob ko, sasabog na 'yong dibdib ko. "Kung hindi umalis
sa poder niyo si mama, sa tingin n'yo ba magiging masaya s'ya sa mga plano niyo sa
buhay niya noon? Kung alam niyang magiging maayos ang buhay niya sa desisyon n'yo,
bakit pa siya umalis? Bakit n'ya kayo iniwan?" Natahimik si lola habang patuloy
naman sa pag-agos ang luha ko. "Naging maayos naman ang buhay ni mama kahit wala
siyang natanggap sa inyo noon, eh! Naging masaya pa rin siya dahil 'yong lalaking
mahal niya ang nakasama niya! Naging masaya kami noon kasama si papa! Eh, kayo?
Naging masaya po ba kayo noong iniwan kayo ni mama? Napasaya po ba kayo ng yaman
n'yo? Gusto n'yo po ba na dumating pa tayo sa punto na ulitin ko ang ginawa ni mama
noon na pag-iwan sa inyo para lang maging masaya ako!" Pinahid ko ang luha ko dahil
basang-basa na ang pisngi ko sa pag-iyak. Pinilit ko na rin kalmahin ang sarili ko.
"Kasal ako kay Ace at kahit ano'ng gawin n'yo hindi n'yo kami mapaghihiwalay. Uuwi
at babalik ako sa kan'ya." Magsasalita pa sana si lola nang biglang nag-vibrate ang
cell phone ko at agad ko 'yon sinagot no'ng makita ko na tumatawag si Ace. "Hello
Ace—" Natigilan ako nang agawin niya 'yong cell phone ko at ibinalibag 'yon.
"LOLAAAA!!!" Napahagulgol ulit ako dahil sa ginawa niya.
"Hindi ka aalis!" matigas niyang sabi sa 'kin 'tsaka niya 'ko tinalikuran at
lumabas sa kwarto. Agad kong nilapitan ang cell phone ko at dinampot 'yon habang
umiiyak. Laking pasalamat ko at hindi 'yon nagkahiwa-hiwalay. Pero basag ang screen
at nakapatay. Sinubukan ko 'yon i-on para matawagan si Ace. Akala ko mawawalan na
'ko ng pag-asa dahil matagal bago 'yon nagsindi.

Tatawagan ko pa lang sana siya nang mag-ring na ang cell phone ko. Tumatawag ulit
siya at agad ko 'yon sinagot.

"Keycee." Naiyak ako lalo no'ng marinig ko 'yong boses niya na bakas ang pag-
aalala.

"Ace..." Iyak ako nang iyak at hindi ko magawang magsalita. Sunud-sunod ang
paghikbi ko na parang kakapusin ako ng hininga.

"Sabihin mo sa 'kin ang address kung nasa'n ka and I'll do everything to get you.
'Wag kang mag-alala, hindi ako papayag na kuhanin ka sa 'kin. I'll find a way, so
don't cry. You have nothing to worry about. I'll come to you and get you, no matter
what it takes. Do you understand?" He reassured. Tumango ako nang sunud-sunod kahit
na alam kong hindi niya 'ko nakikita. Dahil sa sinabi niya lumakas ang loob ko.

"Hihintayin kita," mahina kong sabi na may kasunod na paghikbi.

"Now, try to relax. Take a deep breath and think that everything's gonna be fine. I
love you and I will do everything to find you."

Parang bumalik sa 'kin 'yong pakiramdam noong na-kidnapped ako no'ng bata ako. Ang
kaibahan lang, may Ace ako ngayon na tutulong sa 'kin para kuhanin ako at ilayo
rito.

To be continued...

Chapter 52 - Gunshot

STEPHANIE’S POV

Hindi kami nagtagal sa paghahanap kay Keycee dahil tumawag sa ‘kin ang isang
kasambahay at sinabi niya ang nangyayari sa mansyon. Na naiuwi na raw si Keycee at
nagwawala ito habang umiiyak at hawak ng dalawang bodyguard ni mama.

Agad kong sinabihan si Carlo na bumalik na kami dahil bigla akong nag-alala sa anak
ko. Hindi ko alam kung ano’ng ginawa ni mama pero kinakabahan ako.

“You okay?” tanong ni Carlo. Napansin niya siguro na hindi ako mapakali. Pero hindi
ako sumagot at ibinaling ko ang tingin ko sa labas ng bintana. May nadaanan kaming
bus stop at may nakita ako ro’n na pamilyar na mukha.
“Ihinto mo saglit,” baling ko sa kaniya. Nagtataka man ay inihinto pa rin niya ang
sasakyan. Ibinaba ko ang salamin ng bintana at dumungaw ako sa labas para tingnan
kung tama ba na si Ryza at Christia ang nakita kong nakatayo roon.

Noong lumingon ako sa pwesto nila ay sakto rin ang paglingon ni Christia sa
direksyon ko kaya nagtama ang mata namin. “Tita!” Nakangiti siyang kumaway at
nagmadaling lumapit sa ‘kin habang kasunod niya si Ryza.

“Ano’ng ginagawa n’yo d’yan? Gabi na!” puna ko no’ng makalapit na sila.

“Naligaw po kami kahahanap sa address n’yo para mapuntahan si Keycee. Buti po


nakita n’yo kami! Kaninang umaga pa po kami naghahanap at pasikot-sikot,” sagot ni
Christia.

“Kaya nga po. Mali po yata ‘yong address na ibinigay sa ‘min no’ng napagtanungan
namin,” dagdag pa ni Ryza. Bigla akong naawa sa kanila dahil sa sinabi nilang
pagkaligaw para lang makita si Keycee. Siguro ay alam na rin nila ang totoo kaya
gusto nilang makita ang anak ko.

Bumaling ako kay Carlo at nakita kong nakatingin rin siya sa ‘kin. Hindi pa man ako
nagsasalita ay agad na siyang tumango na para bang alam na agad niya ang gusto kong
sabihin at pumapayag na siya ro’n.

Binaling ko ulit ang tingin sa dalawa at ngumiti. “Sumama na kayo sa ‘min pauwi.”
Agad na napangiti ang dalawa at sumakay na sa backseat.

Habang nasa biyahe ay napapasulyap sila sa katabi ko, kay Carlo, pero hindi sila
nagtatanong. Ako naman ang kumausap sa kanila at inalam kung sino ang nagbigay sa
kanila ng maling address. At base sa description nila ay si Marian ‘yon at Jezza.

Marami silang itinatanong sa ‘kin tungkol kay Keycee, kung ano talaga ang nangyari.
Pero hindi ko na lang ‘yon sinagot dahil magkikita-kita naman silang magkakaibigan
kaya ang sabi ko ay si Keycee na ang magpapaliwanag sa kanila. Isa pa, kaya ko
naisip na isama sila ngayon ay para kahit papaano ay malibang si Keycee dahil
sigurado akong namimiss ddin sila ng anak ko.

Pagdating namin sa mansion ay agad na nagpaalam si Carlo para umuwi. Bakas naman
ang gulat sa mukha ni Ryza at Christia habang papasok kami sa loob.
Noong makapasok na kami ay agad kong pinasamahan sa isang maid ang dalawa para
makakain muna. Sinabi ko na pupuntahan ko saglit si Keycee sa taas para sabihing
narito sila.

Mabilis akong umakyat sa hagdan para puntahan si Keycee sa kwarto niya. Pumasok ako
sa hallway para tunguhin ang bandang dulo kung nasaan ang kwarto niya. Pero agad
kong natanaw ang dalawang bodyguard at nakatayo sila sa labas ng pintuan ni Keycee.

Mabilis akong humakbang palapit doon dahil sa pag-aalala. Pero ilang hakbang pa
lang ang nagagawa ko nang bigla akong natigilan dahil narinig ko ang pag-iyak at
paghikbi niya. Habang naririnig ko ang pag-iyak niya, nag-iinit ang sulok ng mga
mata ko. Ang hirap at ang sakit na marinig siyang umiiyak.

Hindi ko alam kung ano’ng nangyari kaya imbes na puntahan muna si Keycee– kay mama
ako dumiretso.

"MA!” malakas ang tawag ko no’ng makapasok ako sa maluwang niyang music room.
Naabutan ko siyang nakatayo sa tapat ng salaming bintana habang nakatanaw sa labas.
“Ano’ng nangyari kay Keycee?! Ano’ng ginawa mo?!” Hindi ko mapigilang magtaas ng
boses dahil alam ko na may ginawa siya kaya gano’n ang iyak ng anak ko. “Sinaktan
mo ba s’ya, ma? Bakit kailangan pa siyang kaladkarin ng mga bodyguards mo?”

Dahan-dahang siyang humarap sa ‘kin at nakita kong namumula ang mga mata niya,
halatang galing din sa pag-iyak. “Tulad mo, masuwayin din ang anak mo, Stephanie,”
mahinahon niyang sabi. Hindi siya nagtaas ng boses dahil halata na pagod siya, at
hindi ko alam kung dahil ba ‘yon sa pag-iyak.

“Hindi masuwayin ang anak ko, ma! Siguro kung sumuway man siya sa inyo ay dahil
alam niyang mali ang ipinapagawa n’yo!” Hindi kumibo si mama pero hindi man niya
‘ko sagutin nang diretso ay mukhang alam ko na ang dahilan. ‘Yong pagpapakasal niya
kay Zen sa anak ko. “Ma, hindi ba p’wede na pabayaan mo na lang kami na maging
masaya? Lalo na si Keycee. Hindi mo alam kung ano’ng pinagdaanan niya.” Nagsimula
nang maglandas ang luha sa pisngi ko. “Masyado na s’yang maraming pinagdaanang
sakit at hirap. ‘Wag mo nang dagdagan ‘yon. Gusto mo ba na dumating pa sa punto na
ituring ka n’yang kaaway at hindi kapamilya?” Hindi pa rin siya kumikibo at
nakatingin lang sa ‘kin. “Matagal mo siyang hindi nakasama. Dapat samantalahin mo
ang pagkakataon para mag-iwan sa kaniya nang maganda at masasayang alaala bilang
lola niya. Gugustuhin mo bang dumating ang panahon na kapag nawala ka, ang tanging
maaalala niya lang ay ang sama ng loob na dulot mo sa kaniya?” Nanggilid ang luha
ni mama kaya agad siyang bumaling sa labas ng bintana. “Pabayaan mo na si Keycee,
ma. Hayaan na lang natin siyang maging masaya.” Agad akong tumalikod at lumabas sa
music room. Si Keycee naman ang pinuntahan ko para kausapin pero naabutan kong
naka-lock na ang pintuan niya.
“Ayaw n’ya pong magpa-istorbo,” sabi ng isang bodyguard na nakabantay sa pinto.

“Bakit n’yo siya binabantayan? Ano’ng tingin n’yo sa anak ko? Preso?” Hindi sila
nakakibo at yumuko lang. “Umalis na kayo rito, hindi n’yo siya kailangan bantayan.”
Nagdadalawang-isip man ay napilitan silang sumunod sa ‘kin. Noong nakaalis na sila,
kinatok ko ang pinto ni Keycee para makapasok at makausap siya. Pero walang
sumasagot. “Keycee, anak? Mag-usap tayo.” Kumatok ulit ako at ilang sandali pa ay
binuksan niya nang bahagya ang pinto at sumilip do’n.

“Gusto ko pong mapag-isa. Pasensya na po.” Hindi pa man ako nakakapagsalita ay agad
na niyang isinara ang pinto. Gusto ko siyang kausapin at sabihing hindi na niya
kailangan sundin ang lola niya na hiwalayan si Ace para lang makasal kay Zen.

Agad kong kinuha ang cell phone ko sa bulsa ng suot kong cardigan. Hindi pa rin
naka-save sa ‘kin ang number ni Carlo pero ngayon ay isinave ko na ‘yon.
Nagdadalawang-isip ako na pindutin ang call button kaya itinext ko na lamang siya.
“Let’s have a talk tomorrow if you still want to marry me.” Nang mai-send ko ‘yon
ay agad akong bumaba para kausapin ang dalawang kaibigan ni Keycee na dito na lang
muna sila magpalipas ng gabi dahil alanganing oras na.

“Hindi po bababa rito si Keycee?” kunot-noong tanong ni Christia.

Umiling naman ako. “Masama ang pakiramdam n’ya. Bukas n’yo na lang s’ya kausapin.”
Ngumiti ako nang bahagya at tinawag ang isang kasambahay para ihatid sila sa guest
room, tutal naman ay nakatapos na silang kumain. “Magpahinga na kayo, gabi na.”

KEYCEE’S POV

Alas singko ng umaga no’ng magising ako sa pag-vibrate ng cell phone ko na puro
crack ang screen. Alam kong si Ace ang tumatawag kaya sinagot ko ‘yon.

“Ace,” bungad ko sa kaniya.

“Be ready. I’m on my way.” Dahil sa sinabi niyang ‘yon ay napuno ng pag-asa ang
dibdib ko. Pakiramdam ko ay isa akong preso na sa wakas ay makakalaya na.

“Thank you, Ace. Hihintayin kita.” Nakangiti kong ibinaba ang cell phone ‘tsaka ako
bumangon sa kama at dumiretso sa banyo para mag-shower. Noong makatapos akong
maligo ay mabilis naman akong nagbihis. Simpleng floral summer dress na kulay dilaw
ang pinili kong suotin, above the knee ang haba no’n. Sinuklay ko lang ang buhok ko
at hindi na ‘ko nag-abala pang mag-ayos.

Maaga pa at sa tingin ko ay tulog pa si mama at lola kaya naman agad akong lumabas
sa kwarto para pumunta sa kusina at maghanap ng makakain dahil sa sobrang gutom na
nararamdaman ko. Gusto kong mainitan ang sikmura ko kaya nagtimpla ako ng gatas at
nagpalaman ng peanut butter sa slice bread. Binitbit ko ‘yon pabalik sa kwarto ko
para doon na lang kumain dahil ayokong maabutan nila ako sa kusina.

Dalawang oras mahigit ang lumipas noong tumunog ulit ang cell phone ko. Si Ace
ulit. “Will you be able to go out? Hindi ako makapasok. Maraming guards sa labas.
Hinaharang nila ‘ko,” bungad ni Ace sa ‘kin.

Natuwa ako no’ng malaman na narito na siya. Kaso problema ko ‘yong mga guards sa
labas. “Hintayin mo ‘ko d’yan. Ako ang pupunta sa’yo.” Binaba ko na ang cell phone
ko at agad akong lumabas sa kwarto. Daig ko pa ang magnanakaw na nagdadahan-dahan
sa paghakbang ‘wag lang makagawa ng ingay.

“Miss Keycee, sa’n po kayo pupunta?” Natigilan ako sa boses ni Mina, isa sa mga
maid sa mansion. “Nagbilin po ang mama n’yo, si Ma’am Stephanie, na hintayin n’yo
raw po s’ya dahil mag-uusap daw po kayo pagbalik n’ya,” sabi niya no’ng balingan ko
siya.

“S-saan s’ya nagpunta?” kinakabahan kong tanong sabay linga sa paligid dahil baka
makita ako ni lola at pigilan akong umalis.

“Hindi po sinabi,” tugon niya sa ‘kin. Hindi na ‘ko sumagot at agad ko na siyang
nilagpasan. Akala ko ay hahayaan niya na ako pero naramdaman ko ang pagsunod niya
sa ‘kin kaya binalingan ko ulit siya.

“Don’t follow me. Gusto kong mapag-isa,” I said coldy. Napalunok naman siya bago
tumango at humakbang patungo sa direksyon ng kusina.

Paglabas ko sa malaki at maluwang na pintuan, sa main door, ay agad akong hinarang


ng dalawang bodyguard. Sila ‘yong nag-akyat sa ‘kin kagabi sa kwarto. Nakaramdam
ako ng galit no’ng makita ko sila lalo ngayon na humarang sila sa daraanan ko.

“Hindi po kayo p’wedeng umalis. Bilin po ‘yon ng lola n’yo,” sabi ng isa. Pero
hindi ako nagpapigil at dumaan ako sa gitna nila.
CHRISTIA’S POV

“Ryza?” Inalog ko nang paulit-ulit ang balikat ni Ryza para gisingin dahil pasado
alas-osto na ng umaga. “Gising na. Nakakahiya, tanghali na tayong nagising. Baka
nasa baba na si Keycee n’yan.” Nang imulat na niya ang mga mata ay dumiretso na ‘ko
sa banyo para maghilamos. May mga bagong toothbrush din akong nakita kaya ginamit
ko ang isa.

Paglabas ko sa banyo, si Ryza naman ang humalili sa ‘kin. Nagpunas ako ng mukha
gamit ang towel na dinala no’ng maid sa ‘min kagabi. Hindi ko maiwasang mapahanga
sa mansion kung saan nakatira ngayon si Keycee. As in sobrang ganda nito. Magagara
lahat ng kagamitan at mahahalata mong hindi ‘yon basta-basta binili kung saan lang.

Kagabi habang kumakain kami ni Ryza ay tinanong namin ang maid na nag-asikaso sa
amin kung sino ang may-ari nitong mansion. At nagulat kami nang sabihin niyang lola
raw ni Keycee. Natuwa ako nang malaman ko na yayamanin pala ang kaibigan namin,
deserved niya naman kasi talaga 'to. Pero bigla rin nawala ang saya ko nang i-
marites sa ‘min ng maid ang history ni Tita Stephanie kung bakit siya umalis sa
kanila dati. At ngayon naman daw ay si Keycee ang ipapakasal sa iba kaya pinagpa—
file ito ng divorce para hiwalayan si Ace. Kaya siguro kagabi ay hindi niya
nagawang bumaba.

“Christia,” tawag sa ‘kin ni Ryza paglabas niya sa banyo. Nakatapos na rin siyang
maghilamos kaya inabot ko sa kaniya ang isang towel para tuyuin ang mukha niya.
“May sasabihin sana ‘ko sa’yo…” Naupo siya sa paanan ng kama.

“Ano ‘yon?” Yumuko siya at nilaro ang mga daliri niya. Na ginagawa niya lang sa
tuwing kinakabahan siya. “Ano ‘yon, Ryza?” ulit ko.

Nag-angat naman siya ng tingin sa ‘kin at parang maiiyak. “Di ba…t-tinanong mo ‘ko
dati kung paano…nalaman ni S-sir Ace ‘yong tungkol sa mommy niya…kahit hindi pa
naman sinabi ni Keycee sa kan’ya ‘yon?” Hindi ko alam kung bakit bigla akong
kinabahan sa sinabi niya. Parang nanlamig ang mga palad ko sa biglang pumasok sa
isip ko. Huwan n’yang sabihin na s’ya ang nagsabi no’n kay Sir Ace? “H-Hindi ko
sinasadya…” matapos niyang sabihin ‘’yon, bumagsak ang luha niya.

Nakatulala at nakatingin lang ako sa kaniya. Hindi ako makapagsalita dahil hindi
ako makapaniwala. Bumangon ang galit at inis ko nang maalala ang pinagdaanan ni
Keycee at kung paano siya umiyak at magwala noon sa ospital dahil sa nangyari sa
kanila ni Ace. Tapos ang may kasalanan pala at pinagmulan nito ay siya?

Naramdaman ko ang pag-iinit ng mga mata ko dahil sa sama ng loob kay Ryza. Sa tagal
naming magkakaibigan, paano niya nagawa 'yon kay Keycee? Kaysa mapagsalitaan ko
siya nang masasakit ay pinili ko na lang humakbang para iwan siya sa kwarto. Pero
akmang hahawakan ko na ang doorknob para pihitin, kumabog ang dibdib ko dahil sa
malakas na tunog na nagmula sa labas. At hindi ako p'wedeng magkamali...putok 'yon
ng baril.

Chapter 53 - Gunshot Pt. 2

KEYCEE'S POV

"Hindi po kayo p'wedeng umalis. Bilin po 'yon ng lola n'yo." Hindi ako nagpapigil
at dumaan ako sa gitna nila. Nagpatuloy ako sa paglakad dahil gusto kong makalabas
sa gate kung saan naghihintay sa 'kin si Ace. Pero ramdam ko ang paghakbang ng
dalawang bodyguards para sundan ako. Mabilis nila akong naabutan dahil mas mahaba
ang biyas nila kumpara sa 'kin kaya't ang dalawang hakbang ko ay parang isa lang sa
kanila. Humarang sila sa harap ko para pigilan ako sa pagpunta sa gate na ngayon ay
malayo pa rin dahil sa sobrang lawak nang bakuran ng mansion.

"Paraanin n'yo 'ko!" Kumaliwa ako para makadaan pero humarang ulit sila. Nang
kumanan naman ako ay gano'n din ang ginawa nila.

"Hindi po kayo p'wedeng umalis. Kami ang mapapagalitan," mahinahong sabi no'ng isa.
Ramdam ko na ayaw talaga nilang gawin 'to, napipilitan lang sila dahil kay lola.

Hindi ko alam kung paanong gagawin ko para makarating sa gate nang hindi nila
hinaharang. Malalaki ang katawan nila at hamak tangkad nila sa 'kin kaya alam ko sa
sarili ko na hindi ko sila kayang takbuhan. Pero dahil gusto kong makaalis dito—
kailangan kong subukan.

Ginawa na ni Ace ang parte niya na puntahan ako. Ngayon naman, gagawin ko ang parte
ko para makapunta sa kaniya. Hindi ako papayag na hindi ako makasama sa kaniya
ngayong araw na 'to.

Inis akong umirap sa dalawang bodyguard at saka na 'ko tumalikod sa kanila.


Humakbang na 'ko pabalik at nagkunwaring sa mansion ang punta. Pero syempre, it's a
prank, dahil ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko ay bigla na akong tumakbo
pakanan at nilagpasan sila.

"Miss, Keycee!" Tumakbo rin sila at hinabol ako kaya mas binilisan ko pa lalo ang
pagtakbo sa takot na maabutan nila 'ko. Pakiramdam ko ay nasa isang paligsahan ako
at nakikipag-unahang makarating sa finish line. At ang finish line ko ay si Ace. Sa
sobrang pagmamadali kong tumakbo ay napatid ang paa ko dahilan para bumagsak ako.
Sinikap kong makatayo agad kahit ramdam ko ang hapdi ng galos sa tuhod ko. Pero
bago pa man ulit ako makatakbo ay agad na nila akong nahawakan sa braso. Doon na
nagsimulang manggilid ang luha ko dahil pakiramdam ko ay wala na naman akong pag-
asa na makarating kay Ace dahil sa ginagawa nilang pagpigil sa 'kin.

"Parang awa n'yo na...hayaan n'yo na lang ako," pagmamakaawa ko sa kanila habang
hawak nila ang magkabila kong braso. "Asawa ko naman s'ya, pabayaan n'yo na 'kong
sumama sa kaniya." Umiling sila at sinimulan na nila 'kong akayin pabalik sa
mansion. Doon na 'ko nagsimulang magpumiglas. "Bitawan n'yo 'ko! Hindi ako babalik
sa loob!" Pilit kong hinihila ang magkabilang kamay ko pero mahigpit ang hawak nila
sa 'kin. "BITIWAN N'YO KO! ACEEEEE!" Sumigaw ako nang malakas kahit na hindi ko
alam kung maririnig ba niya ang boses ko dahil sa layo namin. "ACE TULUNGAN MO
'KO!" Sinikap kong pabigatin ang katawan ko, na halos iupo ko na ang sarili ko para
lang hindi nila 'ko mahila.

"Masasaktan ka lang sa ginagawa mo, Miss Keycee!" sabi no'ng isa na yumuko sa 'kin
para iangat ako nang maayos. Patuloy ako sa pagwawala nang may bumusinang sasakyan.
Sunud-sunod ang pagbusina no'n. Nilingon namin ang direksyon na 'yon at nakita kong
papalapit ito sa 'min. Gusto kong ipanalangin na sana ay si Ace 'yon, pero alam ko
sa sarili ko na hindi niya 'yon sasakyan.

Lumuwag ang hawak sa 'kin ng dalawang bodyguard at tumayo na rin ako nang maayos
dahil nakita kong sa amin papalapit ang sasakyan. At laking dismaya ko nang
makilala ko 'yong kotse. Kay Zen. Huminto mismo sa tapat namin ang kotse niya at
agad siyang bumaba ro'n. Nakasuot siya ng itim na pants at gray long sleeves na
nakatupi ang manggas hanggang siko. Bumaba ang tingin niya sa mga braso ko na hawak
pa rin ng dalawang bodyguard.

"Released her," ma-awtoridad niyang sabi at pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawang


nasa gilid ko. "She's going to be my fiancé, so I don't want anyone to touch her,
even the tips of her hair." Agad nila akong binitawan. Pero sa halip na matuwa ay
nakuyom ko ang kanang kamay ko habang nakatingin kay Zen. Fiancé? Never!

"Hindi mo 'ko magiging fiance dahil hinding-hindi ko hihiwalayan si Ace! Tandaan mo


'yan!" Inis akong umirap sa kaniya at tumalikod para puntahan si Ace sa gate. Pero
ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang marinig ko ulit siyang magsalita.

"Let him in." Bumaling ako sa kaniya at nakita kong may kausap siya sa cell phone.
Matalim ko siyang tinitigan bago ako muling magpatuloy sa paghakbang. Pagbaling ko
sa malaki at mataas na gate ay natanaw kong pumasok do'n si Ace kasunod ang limang
gwardya na nakasuot ng puting polo. Napapalibutan siya ng mga ito. Tatlo sa likuran
niya at tig-isa sa magkabilang gilid. Pinagmasdan ko siya at kahit malayo ay
g'wapong-g'wapo ako sa kaniya dahil sa suot niyang itim na jeans, white polo shirt
na dinoblehan ng itim na leather jacket.

Akmang tatakbo na 'ko para lapitan siya nang higitin ni Zen ang braso ko. "Ano ba!
Bitiwan mo 'ko!" Sinubukan kong alisin ang kamay niya na nakahawak sa 'kin pero
hindi ko magawa dahil sa higpit nang hawak niya.

"Dito ka lang." Hinila niya pa ako nang husto kaya naging magkadikit ang mga
katawan namin. Iniyakap niya rin ang kaliwang kamay niya sa baywang ko para hindi
ako makalayo sa kaniya. Nagpupumilit akong itulak siya pero ayaw niya 'kong
bitawan. Hanggang sa nagulat na lang ako dahil nakatumba na siya sa pagkakasuntok
ni Ace matapos ako nitong hilahin para ilayo sa kaniya.

"Didn't I tell you not to touch her!" Galit ang mukha ni Ace nang lingunin ko siya.
Matalim ang tingin niya kay Zen habang hinihingal. Dahil siguro sa pagtakbo niya
palapit sa 'min. Agad akong lumapit sa kaniya at pinulupot ang mga braso ko sa
baywang niya. Yumakap ako nang mahigpit. Now, I feel safe. "Are you okay?" Yumuko
siya sa 'kin at hinaplos ang likod ng ulo ko. Tumango naman ako bilang tugon.

"You're acting like a jealous husband," natatawang sabi ni Zen kaya kumalas ako kay
Ace at hinarap din siya. Nakatayo na siya ngayon at nakatingin sa 'min. "You
touched her, too. But, did you hear anything from me?" Ngumisi siya habang
nakatingin kay Ace. Kumunot naman ang noo ko dahil do'n sa sinabi niya. Pakiramdam
ko kasi ay hindi ako ang tinutukoy niya.

"Stop it, Zen! I'm too drained to put up with your nonsense!" Hinawakan ni Ace ang
kamay ko. "Let's go, Keycee." Inakay na niya 'ko paalis pero mabilis na nakasunod
sa 'min si Zen at hinila ang isang kamay ko na naging dahilan para mabitawan ako ni
Ace.
"You can't take her," sabi niya na lalong ikinapula ng mukha ni Ace sa galit.
Masakit 'yong pagkakahila niya sa 'kin pero hindi ko nagawang magreklamo dahil sa
kakaibang tensyon na bumabalot sa kanila.

"Don't you think you're taking things a bit too far? She's my wife, so I have the
rights— all the rights to take her with me!" Pagkasabi ni Ace no'n ay kumuyom ang
mga kamay niya habang matalim ang tingin kay Zen.

"Uh. So, you still have no idea na magpa-file siya ng divor—"

"Ano ba!" inis kong pinutol si Zen bago pa niya maituloy ang sasabihin niya.
Ayokong makarating kay Ace 'yon dahil alam kong masasaktan siya kahit na hindi ko
naman na 'yon gagawin. Nilingon naman niya 'ko at tiningnan saglit 'tsaka niya
nilipat ang tingin sa dalawang bodyguard na nasa tabi ko. Sumenyas siya rito sa
pamamagitan nang pagbaling niya ng ulo sa direksyon ko. At nagulat na lang ako nang
bigla ulit nila akong hawakan sa magkabilang braso. Narinig kong napamura si Ace
nang mahina bago pinakawalan ang isang suntok sa mukha ni Zen. Sa pagkakataong 'yon
ay hindi natumba si Zen kaya agad siyang nakaganti kay Ace. "Tama na!" Nagsimula na
'kong mag-panic dahil nagpapalitan na sila ng suntok habang ang limang gwardya na
kasama ni Ace kaninang pumasok ay nakapanood lang sa kanila. "Zen, tumigil ka na!"
Hindi siya nakinig sa 'kin kaya sinubukan kong kumawala sa dalawang bodyguard na
nakahawak sa 'kin pero hindi nila 'ko binitiwan. Patuloy sila sa pagsasakitan at
wala man lang umaawat. "Tumigil na kayo!" Napaiyak na 'ko dahil sa takot nang
makita kong may dugo ang gilid ng labi ni Ace at may blood stains na rin ang collar
ng damit niya. Hindi pa nga magaling ang nasuntok sa kaniya ng isang gwardya noong
inilayo ako ni lola, tapos ngayon nadagdagan pa ang sugat niya sa mukha. "Ano ba!
Tama na sabi!" Pati ang mukha ni Zen ay may sugat na rin. Pumutok ang gilid ng labi
niya at may tumutulong dugo malapit sa sintido niya.

"Anak!" Tumatakbong lumapit sa 'kin si mama pagbaba niya sa sasakyan. Dahil sa pag-
aaway ng dalawa hindi ko namalayan na dumating na pala siya. Agad niya 'kong kinuha
sa dalawang bodyguard na nakahawak sa 'kin.

"Ma, si Ace..." Umiiyak ako habang nakatingin kay Ace na nasa ilalim ni Zen dahil
sinakyan siya nito at pinagsusuntok.

"Zen! Ace! Stop it!" saway ni mama sa kanila pero parang wala silang narinig.
Bumaligtad ang posisyon nila at si Zen naman ngayon ang nasa ilalim at si Ace naman
ang nananakit sa kaniya. Dumating na rin si lola kasunod ang isang maid na may
hawak sa bag niya.

"Ano'ng nangyayari? Ipasok n'yo si Keycee sa loob!" utos ni lola sa dalawang


bodyguard na humawak sa 'kin kanina, pero lumayo ako at nagtago sa likod ni mama.

"Ma, please!" baling ni mama kay lola kaya natigilan din ang dalawang bodyguard sa
paglapit sa 'kin. Nilingon ko si Ace at Zen na ngayon ay halos gumagapang na lang
at pinipilit tumayo. Agad akong tumakbo kay Ace para alalayan siya. Tumutulo ang
luha ko habang nakatingin sa mukha niyang puro sugat at dugo.

"Tama na, please..." Yumakap ako sa kaniya para hindi na siya makasugod kay Zen at
para hindi na rin siya masugod nito.

"Let me ask you one thing, Zen." Ramdam ko ang panginginig ng katawan niya sa galit
habang yakap ko siya. May sugat rin ang kaliwang bahagi ng kilay niya at may dugo
rin 'yon. "Why are you messing up with me and my wife? Is it because of her?
Because of what happened?" Kahit tumutulo ang luha ko ay hindi ko naiwasang
mapaisip sa sinabi niya. Her. At isang tao lang ang pumasok sa isip ko. 'Yong
sinabi ni Zen na gusto niyang pakasalan. Si Rhian.
"I'm so glad that you still remember her after what you did!" Lalo kong naramdaman
ang tensyon sa pagitan nila.

"For pete's sake, Zen!" Inalis ni Ace ang kamay kong nakayakap sa kaniya at bahagya
akong ipinwesto sa gilid. Humakbang siya nang dalawang beses para makalapit kay
Zen. "Wala akong ginawa sa kan'ya! Bring your senses back!" Dahil sa sinabing 'yon
ni Ace ay sinuntok ulit siya ni Zen.

"Ace!" sigaw ko nang matumba siya. I was about to help him nang itaas niya ang
kamay sa ere para pigilan ako sa paglapit.

"I did consider you my friend, Ace! I treated you like a real brother for how many
years! And what? You betrayed me! Sa lahat ng p'wede mong kuhanin sa 'kin, bakit
s'ya pa?!" Bumaling ako kay Zen at nanginginig rin siya sa galit.

"Hindi ko s'ya kinuha sa'yo! Ikaw lang ang nag-iisip n'yan! You're just making it
worse! Kailan mo ba paniniwalaan ang sinasabi ko?! Aren't you happy that I rejected
her?!" ganti ni Ace sa kaniya. And I realized that this fight isn't about me
anymore. It's about her. Kay Rhian.

"Ano ba'ng nangyayari?" nag-aalalang tanong ni mama habang pinaglilipat-lipat ang


tingin sa dalawa.

"It's been three f*cking years and she's still unconscious! How can I be happy?!"
Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi ni Zen. Unconscious?

"What do you want me to do then? Puntahan ko s'ya sa ospital at piliting gisingin


para lang tumigil ka na?!" Lalong nagalit si Zen at bigla niyang sinipa si Ace sa
sikmura na naging dahilan para mapahiga ulit siya. Sinakyan niya ulit si Ace at
pinagsusuntok. Para naman akong nawala sa sarili dahil sa pag-iisip do'n sa mga
sinabi nila. Ospital? Unconscious? Ibig sabihin hindi patay si Rhian? Nasa ospital
lang siya at tatlong taon nang hindi nagigising?

Matagal akong nakatulala kahit na naririnig ko ang pagsigaw ni mama sa kanila na


ihinto na ang ginagawa. Natauhan lang ako nang makialam na ang limang gwardya dahil
sa utos ni lola na ilabas si Ace sa mansyon. Kitang-kita ko kung paano gumapang si
Ace para piliting makatayo. At tumulo ulit ang luha ko nang makitang dumura na siya
ng dugo.

"Oh my God, Ace!" Nag-panic na rin si mama dahil sa itsura niya. At ang hindi ko
kinaya ay ang paghila ng dalawang gwardya sa magkabilang kamay niya na para bang
isang patay na hayop, para lang mailabas siya sa mansyon. Habang ang tatlong
gwardya ay pumwesto sa harapan ko nang patalikod para siguro hindi ako makatakbo
palapit kay Ace. Sobrang sakit nang nararamdaman ko at para bang gusto ko rin
saktan 'yong dalawang gwardya na humihila sa kaniya. Nadudurog ang puso ko at hindi
ko na 'yon kayang tiisin. Sa taranta ko na matulungan si Ace ay nabaling ang tingin
ko sa baril na nakasuksok sa tagliran ng isang gwardya na nakatalikod sa 'kin.
Hindi ko alam kung paano ko 'yon nagawang kuhanin nang mabilis at agad na itinutok
sa langit gamit ang dalawang kamay ko.

"Keycee!" sigaw ni mama kasabay ng pagkalabit ko sa trigger. Napasigaw si lola pati


ang kasambahay na nasa tabi niya dahil sa pagputok ng baril na hawak ko. Ang
dalawang gwardya na humihila kay Ace ay natigilan din. Humakbang paatras ang
tatlong gwardya na nasa harap ako dahil sa kanila ko sunod na itinutok 'yon.

"T-tabi..." Nanginginig ang boses ko maging ang kamay ko habang hawak ang baril.
Nang makatabi sila ay tinutok ko naman 'yon sa dalawang humihila kay Ace. "Bitiwan
n'yo s'ya!" Agad nilang binitawan ang kamay ni Ace at sobrang sakit na makitang
halos hindi na siya makagulapay dahil bugbog sarado s'ya kay Zen. Dumilat si Ace at
tiningnan ako. Inangat niya ang kamay niya at ikinumpas 'yon pababa, na ang ibig
sabihin ay ibaba ko ang baril na hawak ko. Pero sa halip na sundin siya ay
nanginginig kong itinutok 'yon kay Zen. At nagulat naman siya sa ginawa ko kaya
hindi siya makakilos sa kinatatayuan niya.

"Put the gun down, Keycee!" sigaw sa 'kin ni lola kaya nilingon ko siya habang
umaagos ang luha ko. Kung hindi niya 'ko pinilit na ilayo kay Ace...kung hindi niya
'ko pinigilang makabalik sa asawa ko...hindi na sana aabot pa sa ganito. Binalik ko
ang tingin ko kay Zen habang sa kaniya pa rin nakatutok ang baril.

"Sabihin mo kay lola na hindi mo 'ko pakakasalan!" sigaw ko habang umiiyak.


"Sabihin mong hindi ako makikipaghiwalay kay Ace! Sabihin mong lalayuan mo na 'ko!"
Nanginginig ang kamay ko sa galit. "Sabihin mo!"

Narinig ko na rin ang paghagulgol ni mama kasabay nang pagbaling niya kay lola.
"Ganito ba ang gusto mo, ma?! Kailangan pa ba talagang umabot sa ganito bago mo
tigilan ang apo mo?!"

Gamit ang peripheral vision ko ay nakita kong nagpilit tumayo si Ace. "Keycee,
ibaba...mo 'yan..." halata sa boses niya na hirap siyang magsalita.

Pero hindi ko inaalis ang tingin ko kay Zen. "Leave me alone. Leave us alone!"
sigaw ko sa kaniya.

"Keycee..." Narinig ko ang boses ni Christia kaya saglit ko siyang nilingon. Nakita
kong kararating lang niya kasama si Ryza at mukhang galing sila sa loob ng mansyon.
Nasa tabi sila ni mama. Pinaghalong gulat at pag-aalala ang mababakas sa mukha
nila. Hindi ko alam kung paano sila nakarating dito.

Binaling ko ulit ang masama kong tingin kay Zen. "Now, decide. Pipilitin mo 'kong
makipaghiwalay kay Ace at magpakasal sa'yo o papatayin na lang kita?" Pinilit kong
maging matapang kahit na nanginginig ang boses ko maging ang kamay ko habang hawak
ang baril na nakatutok pa rin sa kaniya.

Hindi siya kumibo. Akala ko matatakot siya sa sinabi ko pero bigla siyang ngumisi.
Kasabay no'n ay humakbang siya palapit sa sasakyan niya. Pero isinunod ko pa rin sa
kaniya ang baril na hawak ko. Binuksan niya ang driver's seat at may inabot sa loob
no'n. Pagharap niya, may hawak na rin siyang baril at nagulat ako nang itutok niya
'yon kay Ace 'tsaka siya bumaling sa 'kin.

"Now decide. Hihiwalayan mo ba o papatayin ko na lang s'ya?" Nanghina ang mga tuhod
ko dahil sa sinabi niya. Para akong babagsak pero pinilit kong tumatag kahit na
ayaw tumigil sa pag-agos ang mga luha ko. Nakatutok ang hawak kong baril sa kaniya
at nakatutok naman ang baril niya kay Ace. Si Ace naman ay nakatingin sa 'kin. Alam
kong nangungusap ang mga mata niya na ibaba ko na ang baril na hawak ko.

"MA!" Bumaling ako kay mama dahil sa pagsigaw niya. "Wala ka man lang bang
gagawin?!" Nakita ko siyang umiiyak kay lola, nagmamakaawang may gawing hakbang
para patigilin si Zen. Nabaling naman ang tingin ko kay Ryza na lalong nagpasama ng
loob ko dahil biglang bumalik sa 'kin ang ginawa niyang pangingialam sa problema
namin ni Ace noon, na siyang pinagmulan nang matinding gulo kaya nagkandaleche-
leche kami ni Ace. Kung hindi siya nakialam sa amin noon, kung binigyan niya lang
ako ng pagkakataong makapagpaliwanag nang maayos kay Ace—siguro wala kami sa
ganitong sitwasyon ngayon. Hindi siguro kami naghiwalay. Hindi siguro kami napunta
sa lugar na 'to kung saan kami natunton ni lola.

"Keycee..." mahinang tawag ni Christia. Bumagsak ang luha niya habang nakatingin sa
'kin. Pero agad kong ibinalik ang tingin ko kay lola. Hindi pa rin siya
nagsasalita. Daig niya pa ang natuklaw ng ahas. Wala ba siyang pakialam kahit
patayin ni Zen ang asawa ko? O mas pabor pa siya do'n para malaya na siyang
ipakasal ako sa iba? Ano ba'ng tingin niya sa 'kin? Laruan na basta na lang niyang
ipamimigay kung kanino niya gusto? Hindi ba p'wedeng ako ang masunod kasi buhay ko
naman 'to? Bakit pakiramdam ko wala akong kalayaan? Bakit kailangan pa nila 'kong
pahirapan?

"Kung pipilitin n'yo akong makipaghiwalay kay Ace...sisiguraduhin ko namang hindi


n'yo na 'ko maipagkakasundo sa iba..." Inalis ko ang kaliwang kamay ko na
nakaalalay sa baril. At gamit ang kanang kamay ko, iniangat ko 'yon sa sarili kong
sintido.

"KEYCEE!" sabay-sabay na sigaw ni Ryza, Christia at Ace habang ako naman ay


nakaharap kay lola at tahimik na lumuluha.

To be continued...

Chapter 54 - Leaving the Mansion

KEYCEE’S POV

“Anak,” dahan-dahang humakbang si mama palapit sa ‘kin, pero bawat paghakbang niya
ay sinasabayan ko nang pag-atras kaya agad din siyang huminto. Tulad ko umiiyak din
siya at nanginginig ang mga kamay habang nakaunat 'yon para abutin ang baril na
nakatutok sa sintido ko. “H-huwag mong gagawin ‘yan…h-hindi kayo maghihiwalay ni
Ace…hindi ka ikakasal sa iba…a-alis kayo ni Ace dito…kaya pakiusap, ibaba mo na
‘yan. Nagmamakaawa ako sa’yo, anak.” Tanging pag-iling lang ang naisagot ko kay
mama kaya tinakpan niya ang bibig niya gamit ang mga kamay ‘tsaka siya humagulgol.
‘Yong mga salitang ‘yon ay hindi ko sa kaniya gustong marinig kun’di kay lola.

“Keycee, ibaba mo ‘yan…please.” Pati si Christia ay nagsimula na rin makiusap sa


‘kin. Si Ryza naman ay tahimik na umiiyak. Hindi ko alam kung bakit siya umiiyak
samantalang malaki ang ambag niya sa gulong nangyayari ngayon sa buhay ko.

Binaling ko ang tingin ko kay lola. Bakas din ang takot at pag-aalala sa mukha niya
habang nakatulala sa ‘kin. Biglang bumalik sa alaala ko ang una naming pagkikita.
Sobrang bait niya. Sabay kaming kumain at palagi siyang nakangiti noon habang
magkausap kami at nagkukwentuhan. Pero ang mga ngiti niyang ‘yon, hindi ko na
makita ngayon. Hindi ko akalain na darating kami sa ganitong pagkakataon. Na
kailangan pang may masaktan dahil lang sa makasarili niyang desisyon. Why can't
things just work out the way I want them to? “Akala ko kapag pamilya…susuportahan
ka kung saan ka masaya. Palalakasin ang loob mo kapag nanghihina ka. Aalalayan ka
kapag hindi mo na kaya. Pero bakit…bakit ganito?” Patuloy sa pag-agos ang luha ko
habang nakatingin kay lola. “Bakit kayo pa ang nagbibigay sa ‘kin ng sama ng loob?
Bakit kayo pa ang nagiging dahilan para manghina at mawalan ako ng pag-asa?"

“Keycee, put it down. I'm begging you...” Narinig ko ang boses ni Ace na nakikiusap
at parang maiiyak. Pero hindi ko magawang alisin ang tingin ko kay lola dahil gusto
kong malaman kung ano’ng pipiliin niya.

“Ngayon n’yo po sabihin sa ‘kin na makipaghiwalay ako kay Ace at magpakasal sa


iba.” Nanginginig ang kamay ko habang nakatutok ang baril sa sintido ko. "Ngayon
n'yo ako diktahan sa dapat kong gawin." Pati ang mga tuhod ko ay parang babagsak na
rin. Mas nakakapanghina pala kapag nagpapanggap kang malakas.
“Anak, nakikiusap ako sa’yo…” Hindi pa rin tumitigil si mama sa pag-iyak.
“Natatakot na ‘ko sa ginagawa mo…pakiusap…ibaba mo na ‘yan…” Sa totoo lang, hindi
lang sila ang natatakot sa sitwasyon ko. Ako man ay takot rin. Natatakot ako na
baka sa panginginig ng kamay ko ay bigla kong maiputok ang baril sa ulo ko. Ayokong
iwanan si Ace. Ayokong malayo sa kaniya. Hindi ko ‘yon kakayanin. Pero kailangan
kong tatagan dahil alam kong mahirap pakiusapan si lola. Baka kailangan munang may
madisgrasya bago lumambot ang puso niya.

“Mamili po kayo. Hahayaan n’yo akong maging masaya o habang buhay kayong
makukunsensya?” Pinilit kong tatagan ang boses ko kahit na ang sakit-sakit na sa
dibdib. Pero hindi sumagot si lola dahil nabaling ang tingin niya—nila, sa
direksyon ng malaking gate.

ACE'S POV

Nakatutok pa rin sa 'kin ang baril ni Zen habang kay Keycee siya nakatingin dahil
sa ginawa nitong pagtutok ng baril sa sarili niya. And seeing her with the gun
pointed on her head made my heart ache in an unexplainable way. The actual,
physical pain I felt because of the bruises and wounds Zen has caused me, is
nothing compared to the pain I felt when she pointed the gun on her head as the
tears streaming down her cheeks. Her eyes were full of pain, begging for freedom
and comfort. And I can feel the terrible tightening in my chest just by looking at
her— helpless and hopeless. Gusto ko siyang lapitan at yakapin nang mahigpit. Gusto
kong iparamdam sa kaniya na hindi siya nag-iisa. Na nasa tabi niya lang ako. Na
hindi rin ako papayag na paghiwalayin kami ng tao o kahit pa ng mundo.

“Mamili po kayo. Hahayaan n’yo akong maging masaya o habang buhay kayong
makukunsensya?” tanong niya sa lola niya habang umiiyak.

Sinubukan ko namang humakbang para lapitan siya, pero kasabay no'n ang pag-vibrate
ng cell phone ko sa bulsa at ang sunud-sunod na pagpasok ng pitong itim na kotse sa
malaking gate. Lahat kami lumingon sa mga sasakyang palapit sa direksyon namin
maliban lang kay Keycee na nakatuon pa rin ang atensyon sa lola niya. Huminto ang
mga sasakyan sa tapat namin. Bakit ngayon lang sila dumating?

Sabay-sabay na bumukas ang mga pintuan ng anim na sasakyan— maliban sa isa na alam
kong sinasakyan ni Ryan. Apat na tao ang laman ng isang kotse. Lahat sila ay
nakasuot ng itim na tuxedo at itim na salamin— at parang mga secret agent. They
moved in sync. Para silang nag-practice dahil pati ang pagbaba nila sa sasakyan ay
magkakasabay rin. Maging ang pagbunot nila ng baril sa likuran—lahat nasa timing.
Ang ilan sa kanila ay tinutukan ng baril si Zen and they instructed him na ibaba
ang baril na hawak. Ang iba naman ay tinutukan ang mga gwardyang nakaputi para
hindi na sila makakilos o manlaban.

I turned my gaze to my wife— noticing that she didn't seem to care what was going
on around her because her gaze was still focused on her grandmother— na ngayon ay
hindi na nakapagpigil at bumagsak na rin ang mga luha.

KEYCEE'S POV

Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari sa paligid dahil nakatuon ang atensyon ko kay
lola. Wala akong ibang gustong makuha ngayon kun'di ang sagot niya.

She turned to me at nakita kong nag-unahan na rin ang luha sa mga mata niya.
“Umalis na kayo!" matigas niyang sabi kasabay nang mabilis na pagtalikod. Humakbang
siya palayo, pabalik sa mansyon. Agad namang sumunod sa kaniya ang isang maid na
kasama niya kanina. Ang dalawang gwardya na palaging humahawak sa braso ko ay
sumunod na rin sa kaniya. Nabitawan ko naman ang baril kasabay nang panghihina ng
mga binti ko. Laking pasalamat ko na lang at biglang yumakap si Ace mula sa likuran
ko na nagsilbing suporta para hindi ako tuluyang bumagsak. Pinilit kong makaikot
paharap sa kaniya at hindi ko napigilang humagulgol noong mayakap ko siya. Hindi
man ako diretsong sinagot ni lola, pero pakiramdam ko ay tapos na.

“‘Wag ka nang umiyak.” Patuloy ang paghagod ni Ace sa likod ko para pakalmahin ako.
“I won’t leave you here. Uuwi na tayo satin.” Hindi man niya sabihin pero alam kong
nagpipigil din siya ng iyak dahil sa pagsinghot niya. "I know you're scared and
hurt. But I am here. I will hold you until you feel better." Humalik siya sa ibabaw
ng ulo ko at patuloy akong inaalo. "Kung alam ko lang na ganito kahirap ang kuhanin
ka ulit, sana hindi na lang kita binitawan noon. I was a coward. Forgive me,
Keycee." Sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya para kahit papaano ay mapigil ang
malakas kong paghagulgol. "Kung p'wede ko lang kuhanin ang sakit na nararamdaman
mo, gagawin ko." Halo-halo na ang nararamdaman ko. Nahihirapan at nasasaktan ako sa
ginagawa ni lola sa 'kin pero no'ng makita kong umagos ang luha niya— parang may
kumurot din sa puso ko. Para akong biglang nakunsensya.

"Mali ba 'yong ginawa ko?" wala sa sariling tanong ko kay Ace habang umiiyak pa
rin. Ni hindi ko alam kung naintindihan niya 'ko dahil nakasubsob ako sa dibdib
niya.

"No. Hindi ka mali. Ginawa mo lang kung ano sa tingin mo ang tama at kung ano ang
sinasabi ng puso mo na dapat. And even if they think na mali ang ginawa mo— para sa
'kin mas mali pa rin ang ginawa nila sa'yo." Humigpit ang yakap ko kay Ace dahil sa
sinabi niya. Ang isang kamay niya ay patuloy na humahagod sa likod ko habang ang
isa ay nakahawak sa likod ng ulo ko. "Don't be sad or hurt because you didn't
choose this path. It was chosen for you to be strong. You didn't know the answer or
how to make it through this but you found a way. You didn't let the weigh of the
pain crash you. For me, you are the bravest person in the world. You still chose to
be strong even though you knew you were weak and was about to collapse. You turned
your weakness into power and it amazed me. I will love you more for that. I promise
that you will never cry again. I won't let that happen. I will do everything— the
best things— just to give you the happiness that you deserve." Hinawakan niya ang
magkabilang pisngi ko at bahagyang inangat ang mukha ko para magtama ang mga mata
namin. Nakaramdam ako ng awa dahil sa mga sugat niya sa mukha at alam kong
pinipilit at tinitiis niya na lang tumayo kahit masakit ang katawan niya para
alalayan din ako. "You’re beautiful, strong and unique in all the ways that matter.
I'm so proud of you. You did well, baby." Ngumiti siya sa 'kin. Pinahid niya ang
luha sa pisngi ko at hinalikan ako sa noo. "Now, let's go home. I missed my wife."

Tumango ako habang nakangiti sa kaniya nang bahagya. "I missed you, too." Hindi
masyadong na-process sa utak ko 'yong mga sinabi niya dahil na rin siguro sa mga
nangyari at emosyon kong nag-ramble sa dibdib ko. Basta ang pagkakaintindi ko sa
haba nang sinabi niya—mahal niya 'ko.

Hinayaan kong umakbay sa 'kin si Ace at iniyakap ko naman sa baywang niya ang
kanang kamay ko para alalayan siyang maglakad papunta sa sasakyan na nasa tapat
namin. Pero ilang hakbang pa lang ang nagagawa namin nang bigla siyang huminto.
Bumaling siya sa pwesto ni Zen na ngayon ay nakatayo at nakatingin lang sa 'min.
Ngayon ko lang din napansin ang twenty four na kalalakihang nakasuot ng itim na
tuxedo at may mga hawak na baril. Nakatutok 'yon kay Zen at ang ilan ay sa mga
gwardya ng mansyon. 'Yong baril na hawak ni Zen kanina ay nasa paanan niya na.
Iginala ko ang tingin ko at nakita kong wala na rin si mama, Ryza at Christia.
Siguro ay pumasok na sa loob noong nakayakap ako kay Ace kaya hindi ko sila
napansin.

"Huli na 'to, Zen. Try to mess up with my wife again and I guarantee you I won't
stay still. I'm warning you." Pagkasabi no'n ni Ace ay inakay na niya ulit ako
papunta sa magkakasunod na sasakyan. Biglang bumukas ang pintuan no'ng nasa unahan
at lumabas do'n si Ryan.

"Ang tagal n'yo naman!" Napahawak siya sa batok niya.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko sa kaniya nang makalapit na kami ni Ace.

"Hindi ko rin alam, eh. Tanong mo na lang sa asawa mo baka sakaling alam niya."
Hindi siya ngumiti o tumawa, pero hindi rin naman siya galit. "Sakay na kayo. Ang
daming baril, natatakot ako, baka mas mauna pa 'kong mamatay dito." Binuksan niya
'yong passenger seat para makasakay kami pero binalingan siya ni Ace.

"Where's my car?"

"Worry about your face, not your car. May magda-drive no'n pauwi, 'wag kang mag-
alala," sagot niya. May dinukot si Ace sa bulsa at hinagis 'yon nang bahagya para
masalo niya. Susi 'yon ng sasakyan. Hinagis naman din 'yon ni Ryan sa isang lalaki
na pinakamalapit sa 'min.

Nauna akong sumakay sa loob ng kotse at sinikap ko na lang umusog para hindi na
umikot si Ace sa kabilang pinto dahil alam kong masakit ang katawan niya. Nang
makapasok na siya at maisara ang pinto ay agad na ring nag-drive si Ryan palabas sa
mansyon. Sumandal naman si Ace sa upuan niya at ipinikit ang mga mata. Napansin ko
ang mga sugat sa mukha niya. Sa magkabilang labi niya mayro'n. Sa kabilang kilay
niya mayro'n din. Bwisit na Zen talaga 'yon!

"Ryan, sa ospital muna tayo. Kailangan magamot ni Ace." Saglit akong sumulyap kay
Ryan bago ibalik ang tingin ko kay Ace.

"Hindi ko akalain na ipagda-drive ko 'yong babaeng gusto ko para dalhin sa ospital


ang lalaking gusto niya. Aish. Buhay nga naman." Napailing siya at narinig ko ang
mahina niyang pagtawa. "Buti na lang talaga naging pinsan ko si Ace. Kung hindi,
walang ospital-ospital sa 'kin!"

"Shut up, Ryan. I wanted to rest," saway ni Ace kaniya. Kahit nakasandal ang ulo ay
nagawa niya akong lingunin. Inabot niya ang isang kamay ko. "Come here. Masakit ang
katawan ko. Give me a hug." Nag-alangan ako sa gusto niya dahil kasama namin si
Ryan.

At mukhang nakahalata naman si Ryan sa hindi ko pagkilos kaya sumabat na siya.


"Sige na. Yakapin mo na. Okay kang ako dito. Hindi masakit, promise."

"Don't mind him," baling ulit ni Ace sa 'kin kaya nagdesisyon na akong umusog sa
kaniya at yumakap sa baywang niya habang isinandal ko naman ang mukha ko sa gilid
ng dibdib niya. "I love you, baby."

"I love you even more, big baby." Inangat ko ang mukha ko para makita ang reaksyon
niya at naabutan ko siyang nakangiti habang nakapikit. Inabot ko ang pisngi niya
para dampian 'yon ng halik at napadilat naman siya sa ginawa ko. Pero nakasandal pa
rin ang ulo niya sa upuan.

"I deserve more. Don't you think?" mahina niyang sabi sabay ngiti. Ngumiti rin ako
pabalik at inilapit ang bibig ko sa tainga niya para bumulong.

"I'm the one who deserves more, don't you think?"

Inalapit niya rin ang bibig niya sa tainga ko para sumagot nang pabulong din.
"Don't worry. You'll be getting an amazing reward soon. Just wait for me to regain
my strength."
To be continued...

Chapter 55 - Tempted

KEYCEE'S POV

Isang linggo na ang lumipas simula noong makaalis kami sa mansyon ni lola.
Nagdesisyon na rin si Ace na bumalik kami rito sa bahay niya—sa dati naming bahay.

Tahimik akong lumabas sa banyo, sa loob ng kwarto ni Ace, para hindi siya magising.
Gumagayak ako para pumasok sa school habang mahimbing pa rin ang tulog niya. Hindi
pa kasi siya p'wedeng pumasok dahil sa mga sugat na natamo niya sa mukha kaya nag-
sick leave na lang siya. One month, hanggang sa mawala na ang mga bakas no'n. Ayaw
rin sana muna akong papasukin ng lolo niya para mabantayan ko siya at maalagaan
kaso hindi pumayag si Ace. Masyado raw akong mapag-iiwanan sa klase kung aabsent
ako nang matagal. At isa pa, naisip ko rin na baka magduda lalo sa amin ang mga
estudyante kung sabay kaming maglalaho na parang bula. Lalo na at nagkaroon kami ng
issue tungkol sa kumalat naming picture na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam
kung sino ang nagpasimuno.

"Hmm..." Narinig ko siyang umungol nang mahina kaya nilingon ko siya. Nag-iinat
siya habang nakapikit pa rin. Kinapa niya ang side kung saan ako nahiga at agad
siyang dumilat nang hindi niya 'ko nasumpungan do'n.

"I'm here," nakangiti kong sabi sa kaniya. Akala siguro niya iniwan ko na naman
siya. Nginitian niya rin ako pabalik at saka siya bumangon. Pero nanatili lang muna
siya sa kama habang nakaupo. Kahit hindi pa tuluyang nawawala ang pasa at sugat
niya sa mukha—sobrang guwapo niya pa rin. Is it even legal to look this good while
having bruises and wounds? "Good morning, wifey. What time is it?"

"6 o'clock." Inalis niya 'yong puting kumot na nakatakip sa binti niya at agad
siyang pumasok sa banyo. "Ano'ng gagawin mo?" Hinabol ko siya ng tingin.

"Shower. Wait for me." Mabilis niyang isinara ang pinto at narinig ko na rin ang
lagaslas ng tubig sa loob. Bakit maaga s'yang naligo? Hindi naman siya papasok.

Natapos na akong gumayak at nag-aayos na ng mukha noong narinig kong bumukas ang
pinto sa banyo. Kahit hindi ko siya lingunin ay kitang-kita ko ang repleksyon niya
sa salamin na nasa harap ko. Puting twalya lang ang nakatakip mula sa baywang niya
kaya lantad na lantad ang maganda niyang katawan.

Yumuko ako para mag-iwas ng tingin sa kaniya sa salamin dahil nakita kong papalapit
siya sa 'kin. Kinuha ko 'yong lipbalm ko at naglagay ako no'n sa labi ko 'tsaka ako
nagsimulang magsuklay.

"I'll take you to school." Yumakap siya sa 'kin mula sa likuran.

"No." Tiningnan niya ako sa salamin na nasa harap namin pero hindi pa rin niya
inaalis ang kamay niyang nakapalupot sa baywang ko. "Hindi ka pa magaling. Apat na
oras ang biyahe mula rito hanggang do'n. Paano ka makakabawi ng lakas n'yan?"

A malicious grin suddenly formed into his face. "Bakit gusto mo na 'kong makabawi
ng lakas? Do you want your reward that badly?" Labi ko lang ang nilagyan ko ng balm
para lalong mamula, pero bakit parang pati ang mukha ko ngayon nabahiran na? "I can
give it to you now if you want...but in a gentle version." He planted a kiss on the
side of my neck pero pinilit kong hindi maapektuhan no'n.

"Ace, may pasok ako." Tinanggal ko 'yong kamay niya na nakayakap sa 'kin 'tsaka ako
umikot paharap sa kaniya. "Parating na si Ryan. Tinawagan ko siya para sa kan'ya na
lang ako sasabay. Sinabi ko na hindi ka pa p'wedeng mag-drive dahil nagpapagaling
ka pa."

"Mas gusto mo pa na s'ya ang maghatid sa'yo kaysa sa 'kin na asawa mo?" Nagsalubong
ang kilay niya at bumakas agad sa mukha niya ang pagtatampo.

"Hindi sa gano'n, Ace." Nilambingan ko ang pagsasalita para makuha ang loob niya
pero tinalikuran niya 'ko. Humakbang siya papunta sa malaking closet. Napabuntong
hininga ako at napapikit. Wala akong choice. Landi ang gamot sa Ace Lee na
nagtatampo. "Hubby..." Humakbang ako palapit sa kaniya at ako naman ang yumakap
mula sa likuran niya. "Hubby kong mahal na mahal sa buong mundo, 'wag ka ng
magtampo..." Wala pa rin siyang suot na pang-itaas kaya nagawa kong dampian ng
halik ang likod niya. Umikot siya paharap sa 'kin pero salubong pa rin ang kilay.
No effect?

"Kahit mahal na mahal kita, hindi mo 'ko makukuha sa gan'yan." Natulala ako sa
bigla niyang pag-irap sa 'kin. For the first time, ngayon ko lang siya nakitang
umirap. And it's fucking sexy.

"Saan kita makukuha? Sabihin mo. Ano'ng gagawin ko para hindi ka na magtampo?"
Hindi pa rin siya kumibo. Hahakbang na sana siya palayo sa 'kin pero pinigilan ko
'yong braso niya at hinila ko siya pasandal sa closet. Tinitigan ko siya sa mata.
"Kung hindi kita makuha sa lambing...pa-kiss na lang ako." Pinalupot ko ang mga
kamay ko sa leeg niya 'tsaka ako tumingkad para abutin ang labi niya. I kissed him
but he didn't respond. Now, he's playing hard to get. Binaba ko 'yong labi ko
papunta sa leeg niya habang 'yong kanang kamay ko pinagala ko naman sa malapad
niyang dibdib pababa sa matigas niyang abs.

"Stop...it..." Hindi ako tumigil at nilipat ko pa 'yong labi ko sa chest niya


'tsaka ko 'yon pinaulanan ng halik. Palusot.com! Alam ko namang gustung-gusto niya!
"If you really want to attend school today, you better stop, wifey." Nag-angat ako
ng tingin sa kaniya at ngumiti. Tumingkad ulit ako at dahan-dahang inilapit ang
labi ko sa kaniya. Dahil naramdaman ko na gaganti na siya—base sa pagkakabuka ng
bibig niya—hindi ko tinuloy at inatras nang bahagya ang mukha ko. Ngumisi ako dahil
parang nainis siya sa ginawa ko. Inilapit ko ulit ang labi ko sa kaniya, pero no'ng
malapit na 'yon magdikit—inatras ko ulit ang ulo ko. Then I bit my lower lip para
lalo siyang takamin— "Damn it!" Sa sobrang inis bigla niya 'kong hinawakan sa
magkabilang pisngi at siya na ang yumuko para halikan ako nang madiin. Napakapit
ako sa braso niya dahil bigla siyang humakbang habang inaangkin ang labi ko.
Feeling ko mabubuwal ako dahil paatras ang hakbang na ginagawa ko.

Alam kong wala na 'kong aatrasan dahil tumama na 'yong likod ng binti ko sa kama,
dahilan para mapaupo ako. Nagawa niya rin akong ihiga nang hindi binibitawan ang
labi ko. He placed himself on top of me and started kissing me hungrily. Sa una ay
gumaganti pa 'ko, pero nang maramdaman ko na hindi na ako makahinga—tumigil ako.
Pero hindi pa rin siya huminto. Halos hindi na ako makalanghap ng hangin dahil ayaw
niya 'kong tantanan.

"Hmmf! Hmff!" Pinalo-palo ko 'yong braso niya dahil pakiramdam ko malalagutan na


'ko ng hininga. "Hmmf!" Bigla siyang bumitaw at halos maghabol ako ng hangin noong
pinakawalan niya 'yong labi ko. "Papatayin...mo...ba 'ko?" reklamo ko sa kaniya
habang mabibilis ang paghinga. Pero nginisihan niya lang ako. Umalis siya sa ibabaw
ko at naupo 'tsaka niya itinaas ang suot kong pamasok na palda. "Ace!" saway ko sa
kaniya sabay hila pababa sa tela ng palda ko. Pero wala rin nangyari dahil
nakalusot pa rin ang kamay niya sa gilid since palda nga 'yon. Natunton niya 'yong
garter ng underwear ko at hinila niya 'yon pababa 'tsaka niya tinapon sa sahig.
"Stop it, Ace!" Kinakabahan na 'ko sa kaniya.

"No. You teased me earlier. It's my turn now." Pinilit niyang paghiwalayin ang mga
binti ko at sinimulan niya 'kong halikan sa tuhod, pataas. "I told you to stop but
you didn't listen." Hindi ako nakakibo dahil bumilis na rin ang tibok ng puso ko,
isabay pa ang pag-iinit ng paligid ng mga mata ko dahil sa kaba. At sumunod na ro'n
ang paglabas ng mga luha. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak samantalang asawa ko
naman siya. May karapatan naman talaga siya sa katawan ko. Pero bakit ako natatakot
nang ganito? Hindi naman ganito ang nararamdaman ko kapag hinahalikan niya 'ko.
Pero bakit iba 'yong takot no'ng inalis niya 'yong panloob ko? O,
baka...sadyang...hindi pa talaga 'ko handa? Malapit na siyang makarating sa
maselang parte ng katawan ko nang bigla akong mapasinghot dahil parang sinisipon na
'ko sa pagpipigil ng iyak. Agad siyang nag-angat ng tingin sa 'kin at nagulat siya
nang makita niya 'kong may luha. Gumuhit agad sa mukha niya ang pag-aalala.
"Keycee..." Agad niyang ibinaba 'yong palda ko at hinawakan niya 'ko sa magkabilang
braso para alalayang makaupo. "I...I'm sorry." Agad niya 'kong niyakap at hinagod
ang likod ko. "Forgive me if I scared you. I won't do that again. I'm sorry,
wifey." Bumitaw siya sa 'kin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Don't cry,
hmm? Hindi na mauulit. Hindi ko na uulitin." Hinalikan niya 'ko sa noo at saka niya
'ko muling tiningnan. "Promise, I'm not going to touch you. Not until you told me
to. I'm sorry, wifey. I love you." Niyakap niya ulit ako nang isa pang beses bago
siya umalis sa kama. Kinuha niya 'yong cell phone niya sa side table at may
tinawagan. "Nasa'n ka na? Drive faster, male-late si Keycee sa klase niya." Base sa
narinig ko, mukhang si Ryan 'yong kinausap niya.

Bumaba na rin ako sa kama at dinampot 'yong underwear ko. Sinamantala kong isuot
'yon habang nakatalikod siya sa 'kin at nagbibihis.

"Bababa na 'ko," nahihiya kong sabi sa kaniya.

"Eat your breakfast habang wala pa si Ryan," sagot niya sa 'kin pero hindi niya 'ko
nilingon. Bigla akong nakaramdam ng awkwardness.

"Hubby..." humakbang ako palapit sa kaniya. Nakabihis na siya. White shirt at gray
cotton shorts. "I'm sorry."

Humarap siya sa 'kin at bumuntong-hininga. "What are you sorry for?" Malambing ang
boses niya kaya alam kong hindi siya galit. "It's okay. I can see that you're not
ready and I got tempted." Bigla akong nahiya dahil sa sinabi niya kaya napayuko
ako. Alam kong ako ang may kasalanan. Kung hindi ko sana siya hinalikan at tinukso-
tukso... "I'm not in a hurry, wifey. I can wait 'till you 're ready." Lumapit siya
sa 'kin. Hinawakan niya 'yong chin ko at iniangat ang mukha ko. "Smile. I'm not
mad." Nginitian niya 'ko kaya ngumiti na rin ako sa kaniya. Sobrang gentleman niya.
What did I do to deserve him?

"I love you, hubby..."

"I love you even more..."

Sabay na kaming lumabas sa kwarto. Pumunta kami sa kusina dahil sasabayan niya na
raw akong kumain. "Good morning, yaya..." bati ko kay Yaya Miranda. Nakahanda na
rin ang breakfast.

"Good morning," nakangiti niyang bati sa 'min ni Ace. "Kumain na kayo habang mainit
pa ang pagkain. Ace, gusto mo ng kape?"

"Yes, please. Thank you."


"Ako rin po!" napalingon kami sa biglang pagsigaw ni Ryan. Kararating niya lang at
papalapit siya sa 'min. Nakasuot na rin siya ng uniform. "Pakain na rin. Hindi ako
kumain sa bahay dahil ang kulit ni lolo. Anyway, good morning, sir." Sinulyapan
niya saglit si Ace bago nagsimulang kumain.

"Bakit makulit?" tanong ko naman sa kaniya.

"No'ng hindi pa niya alam na buhay ka, nag-set s'ya ng blind date para kay Ace—"

"Ano'ng sabi ni lolo na itawag mo sa 'kin?" putol ni Ace sa kaniya.

Napakamot naman siya sa tainga bago muling tumingin sa 'kin. "Okay, take two. No'ng
hindi pa niya alam na buhay ka, nag-set s'ya ng blind date para kay KUYA Ace,"
binalingan niya si Ace ng tingin pagkatapos niyang diinan ang salitang kuya, "pero
ngayong bumalik ka na...ako na lang daw ang makipag-date."

"Good for you. At least I don't need to worry about my wife kapag nagkaroon ka na
ng girlfriend." Nilapag ni yaya ang kape nilang dalawa at gatas naman sa 'kin.

"You don't need to worry KUYA Ace, kahit wala pa 'kong girlfriend." Napailing si
Ryan sabay higop sa kape niya. "Ugh! Sarap pala magtimpla ng kape ni yaya. Mukhang
mawiwili ako rito."

"Don't bother having hope. I won't let you," sagot ni Ace sa kaniya.

"Why not? Hindi ba ako ang magiging driver ni Keycee habang hindi ka magaling? Kaya
dito muna 'ko para hindi na 'ko uuwi nang pabalik-balik sa bahay ni lolo sa tuwing
ihahatid ko siya. Ang mahal kaya ng diesel ngayon. Right, Keycee?" Ngumiti si Ryan
sa 'kin at napangiti lang din ako nang bahagya bago ko ituloy ang pagkain ko.

"Ako'ng bahala sa diesel mo, don't worry. Kahit tiyan mo kaya kong i-full tank."

"Woah! Iba ka pala ka-bonding 'pag hindi ka nakasuot ng uniform!" natatawang sabi
ni Ryan. "Anyway, isn't it awkward? Dati teacher at karibal lang kita, pero ngayon
pinsan na kita. Tapos kapag nagkaroon kayo ng anak—magiging tito pa 'ko nang anak
ng crush ko. Argh! This is illegal."

"Illegal?" Kumunot ang noo ni Ace at tiningnan siya nang masama. "Do you wanna get
married? I can talk to lolo so he can arrange you in marria—"

"Hep! Hep!" Tinaas ni Ryan ang kamay niya sa ere para pigilin si Ace sa sasabihin.
"Ayoko. No. I don't want to get married. Blind date nga lang masamang-masama na ang
loob ko, kasal pa kaya?" Binaba na niya ang tingin sa plato niya at nagsimula na
ulit lumapang. Tahimik lang ako habang nakikinig sa bardagulan nilang magpinsan.
Nakakatuwa lang dahil kahit hindi pa sila matagal nagkakasama, napapansin kong may
nabubuo ng cousin bond sa kanila.

Pagkatapos namin kumain, agad na kaming lumabas sa bahay. Pero hinatid ako ni Ace
hanggang sa labas ng gate. Hinintay ko munang makapasok si Ryan sa sasakyan bago ko
harapin ang asawa kong g'wapo. "Pasok na 'ko."

"Hmm. See you later." Nginitian niya 'ko sabay halik sa noo ko. "Send me a message
kapag nakarating na kayo sa school."

"Gabi na kami makakauwi dahil hanggang 6pm ang klase ko, plus 4 hours drive."

"I know. It's okay. Sige na, pumasok ka na sa loob baka mahuli pa kayo."
"Bye, hubby."

JEZZA'S POV

Hawak ni Marian ang cell phone at binabasa ang text ni Jian habang naglalakad kami
sa corridor papunta sa classroom. "Malapit na raw si Jian. Kasabay niya si Ryan."

"Mabuti naman at may balak pa pala s'yang pumasok." Tinungga ko ang bote ng juice
na hawak ko sabay liko para pumunta sa cr. "Samahan mo muna 'ko sa cr, Marian.
Didiligan ko lang 'yong toilet bowl." Naramdaman ko naman siyang sumunod sa 'kin.
Pareho kaming pumasok sa loob ng cubicle para umihi.

Akmang pipindutin ko na ang flush nang bigla akong natigilan dahil may narinig
akong kalatok ng takong na papasok sa cr. Kasunod no'n ang boses ni Dianne na
tumatawag kay dean at parang tumakbo pa ito palapit sa kaniya. "Dean! Dean!"

"Yes, Dianne?" Narinig ko ang pagsara ng pintuan ng cr bago sumagot si Dianne.

"May gusto po sana akong sabihin sa inyo. About po kay Professor Lee at Jian."
Nagsalubong ang kilay ko dahil sa narinig ko kay Dianne. Kay Professor Lee at Jian?
Pinakiramdaman ko si Marian sa kabilang cubicle at tulad ko, hindi pa rin siya
nagfa-flush. Siguro nakikinig din.

"Ano 'yon?" kalmadong tanong ni dean.

"Kasi po...may relasyon po silang dalawa." Relasyon? Si Professor Lee at Jian?


"Mayroon po akong ebidensya. Ito po, pakinggan n'yo." Ilang sandali pa, may narinig
akong recording. At kahit nasa loob ako ng cubicle, dinig na dinig ko ang boses ni
Professor Lee at Jian.

"Can we talk?"

"Professor Lee, bitawan mo 'ko."

"Keycee naman, mag-usap tayo. Sa'n ka nagpunta kanina? No'ng nagising ako at
pinuntahan kita sa kwarto mo, wala ka na."

"Bitawan mo 'ko, lalabas na 'ko."

"Keycee, nahihirapan ako sa ginagawa mo."

Keycee? Sure naman ako na si Jian ang kausap niya dahil boses 'yon ni Jian. Pero
bakit Keycee ang tawag ni Professor Lee sa kaniya? Bigla ko tuloy naalala 'yong
dalawang babae na lumapit sa 'min noon ni Marian at hinahanap si Jian, pero Keycee
rin ang tawag nila habang pinapakita sa 'min ang picture niya.

"Is that it?" Natawa pa nang bahagya si dean na siya kong ipinagtaka. "Dianne...ang
mga ganyang bagay, hindi mo na dapat pinag-aaksayahan ng oras. You're a student.
Narito ka sa school para mag-aral, hindi para makialam sa private life ng iba lalo
na ng professor mo at kaklase mo."

"Pero dean, hindi ba bawal po ang makipag-relasyon—"

"They're married." Napatakip ako sa bibig ko dahil sa sinabi ni dean. K-kasal sila?
"Yes, Dianne. Kasal si Professor Lee at si Jian or Keycee man. At hindi mo
kailangan manghimasok do'n. Ace already talked to me about their relationship,
noong kumalat ang picture nilang dalawa. Gusto nila ng tahimik na buhay kaya kahit
kasal sila, pinipili nilang itago 'yon hangga't hindi nakakatapos si Jian. Kaya
sana, anuman ang narinig mo, keep it to yourself. Gusto ni Ace na makatapos si Jian
nang maayos, na walang anumang iniintindi o issues. Don't ruin their peace of mind,
Dianne." Hindi nakakibo si Dianne. Pahiya siya kay dean. "Before posting someone
else's photo without their permission, the first thing to know is that it is
illegal. Ace already knew na ikaw ang nagpakalat ng picture nila. He did some
investigation, but he's being considerate...dahil estudyante ka n'ya. Isipin mo,
kung hindi ka estudyante ni Professor Lee, saan ka kaya pupulutin?" Biglang nag-
init ang dugo ko sa mga narinig ko kay Dean. Parang gusto ko tuloy kaldabugin si
Dianne nang paulit-ulit hanggang sa malaglag ang lalamunan niya! Bait-baitan pa
siya no'n kay Jian tapos siya pala 'tong salarin! Hinayupak siya! "I will talk to
Ace and—"

"Huwag po, dean! 'Wag n'yo po akong isusumbong kay Professor Lee. Baka po ibagsak
n'ya 'ko sa subject n'ya."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni dean bago sumagot. "Okay, I won't tell him.
But first, delete that recording. And you need to apologize at least to his wife.
Kahit kay Jian man lang mag-sorry ka. Hindi maganda ang ginawa mo sa kanila lalo na
ang pagpapakalat mo ng picture sa campus. Naiintindihan mo ba 'ko, Dianne?"

"O-opo..."

"Sige na. You can go."

To be continued...

Chapter 56 - I'm Sure

KEYCEE'S POV

Late ako ng ten minutes sa unang klase. Pagdating ko ro'n nagdi-discuss na si


ma'am. Agad akong naupo sa upuan ko, nakagitna ako kay Marian at Jezza.

"Kumusta kayo?" bati ko sa kanila, pero mahina lang para hindi namin maagaw ang
atensyon ni ma'am.

"Ikaw ang kumusta? Marami kang dapat ipaliwanag sa 'min mamaya," nakangiting sabi
ni Jezza.

"Humanda ka dahil hindi ka namin tatantanan." Nginisihan pa 'ko ni Marian na lalong


nagpakaba sa 'kin. Bakit gano'n sila makangiti? May ginawa ba 'kong mali o kahina-
hinala?

Mabilis lang lumipas ang oras. Break time na kaya agad nila 'kong hinila palabas sa
room. "Aray! Sa'n n'yo ba 'ko dadalhin?" Hindi ko mapigilan magreklamo dahil
mahigpit ang hawak nila sa 'kin. Dinala nila 'ko sa garden na nasa tapat ng
department namin. Walang mga estudyante sa paligid dahil halos lahat ay sa food
court ang direksyon.

"Aminin mo nga sa 'min...virgin ka pa ba?" nakangising parang demonyo sa 'kin si


Marian.

"Oo naman!"

"We? Mamatay ka man?" ganti naman ni Jezza. Namatay na 'ko noon, ayoko ng mamatay
ulit 'yon ngayon. "Aminin mo na kasi sa 'min kung nagchukchakan na kayo ni
Professor Lee."

"Ano ba'ng pinagsasabi n'yo? Nausog ba kayo ng masamang espiritu?" Nakaramdam ako
nang mabilis na pagtibok ng puso dahil sa sinabi ni Jezza. Bakit nila 'ko tinanong
nang gano'n? May alam na ba sila?

"Yiiie. Nagbu-blush! Kinikilig!" Pinagpapalo ako ni Marian sa braso at daig pa ang


kinikiliti ng mga anghel.

"Hindi ko kayo maintindihan." Umupo ako sa concrete chair sa nasa garden. Agad
naman silang tumabi sa 'kin, magkabila.

"Ikaw ang hindi namin maintindihan, Jian. Bakit kailangan mo pang maglihim sa 'min?
Bakit hindi mo sinabi na mag-asawa pala kayo ni Professor Lee?" Nagulat ako sa
sinabi ni Jezza sabay linga sa paligid para tingnan kung may nakarinig ba sa 'min o
wala. Bigla niyang kinuha ang dalawang kamay ko at tiningnan 'yon. "Bakit wala kang
singing?"

"Oo nga. Kasal kayo, 'di ba? Nasa'n ang wedding ring n'yo?" usisa rin ni Marian.
Natahimik naman ako. Nasaan nga ba? Hindi ko na maalala. Ang alam ko pagkatapos
namin ikasal noon ni Ace, hinubad ko 'yon agad at hindi ko na alam kung saan ko
nailagay since wala pa naman sa isip ko noon ang mag-asawa. Isa pa, hindi ko rin
naman nakikita na may suot siyang singsing simula pa noon. Dahil tulad ko, after ng
kasal, hinubad niya rin 'yon. "Huwag ka ng magsinungaling sa 'min, Jian. Alam na
namin ang totoo."

Tiningnan ko silang dalawa. Hindi ko alam kung saan nila nalaman 'to. "Sino'ng
nagsabi sa inyo?" Tumahimik ako at nagsimulang makinig sa pagku-kwento ni Jezza.
Kung paano nila narinig si Dean at Dianne na nag-uusap sa cr. At hindi maiwasang
sumama ng loob ko dahil hindi ko akalain na magagawa 'yon ni Dianne. Feeling ko pa
naman ang bait niya. Siya ang unang kumausap sa 'kin noong unang lipat ko rito.
Inabutan niya rin ako ng panyo noong sinadya akong tapunan ng juice no'ng mga
kaklase namin.

"Oo. Totoo. Kasal kami ni Ace. Asawa ko s'ya." Agad silang napatakip nh bibig.
Gulat na gulat.

"Ano? Kumusta? Masarap ba si Professor Lee?" Marian.

"Ano'ng ginawa n'yo?" Jezza.

"May nangyari na ba sa inyo?" Marian.

"Hindi ka pa ba buntis?" Jezza.

"Ano'ng ginagawa sa'yo ni Professor—"

"Wala!" pinutol ko agad ang sasabihin ni Marian. Daig pa nila ang reporter kung
makapagtanong sa 'kin. Hindi ba sila nahihiya sa mga tanong nila? "Wala pang
nangyayari sa 'min ni Ace," I continued.

Napasinghap sila pareho. "Legit?" hindi makapaniwalang tanong ni Jezza. "Wait.


Ilang taon na ba kayong kasal?"

"Dalawang taon mahigit."

"Dalawang taon na and you're still a birhen? My gosh, Jian! Kung ako ang asawa ni
Professor Lee, baka may anak na kami ngayon!" Natawa pa nang bahagya si Marian.
"Don't tell me bakla si Professor Lee kaya hanggang ngayon—"

"Akala n'yo ba gano'n kadali 'yon?" Inunahan ko agad si Jezza. "Syempre nag-aaral
pa 'ko. Bawal pa 'kong mabuntis. Gusto ko munang maka-graduate bago magkaroon ng
anak."

"E, si Professor Lee? Gano'n din ba ang gusto? Ayaw n'ya pa rin magkaroon ng anak?"
Natahimik ako sa sinabi ni Marian. Hindi ko alam kung pa'no sasagutin 'yon dahil
hindi naman kami nag-uusap ni Ace about do'n. Ni minsan hindi ko pa siya tinanong
kung gusto na niyang magkaanak.

"At saka, ang tinatanong namin—kung may nangyari na ba sa inyo? P'wede ka naman
hindi mabuntis basta gagamit lang kayo ng proteksyon," seryosong sabi ni Jezza.
Bakit ba ganito ang topic namin? Hindi ako natutuwa dahil naaalala ko lang ang
eksena kaninang umaga noong tinukso-tukso ko si Ace. Ang hirap magkaroon ng
kaibigang manyakol.

"Aminin mo nga sa 'min, Jian. Kahit minsan ba wala pa talagang nangyari?" Umiling
ako sa tanong ni Marian. "How about kiss? Siguro naman nag-kiss na kayo?" Tumango
ako.

"Hayun naman pala, e! Nag-kiss na pala kayo. Bakit wala pa rin nangyari?" singhal
ni Jezza. "Alam mo kasi Jian, ang mga lalaki manyak 'yan. 'Pag hinalikan ka n'yan,
hahawakan ka na rin sa dede, sa pepe, sa p'wet. Gano'n sila kamanyak!"

Humagalpak ng tawa si Marian at binalingan si Jezza. "So, nangyari na sa'yo 'yon?"

"Gagi! 'Wag mong ibahin ang usapan! Si Jian ang topic natin!" Jezza turned to me
again. "So, ano? Hinawakan ka na ba ni Professor Lee?" Napaisip naman ako agad. Sa
pagkakatanda ko sa dibdib at legs pa lang ako nahawakan ni Ace. Matagal na 'yon. Sa
sasakyan. Noong hindi pa ako si Jian.

Umiling ako kay Jezza. "Sa dibdib at legs lang," nahihiya kong sabi. Pakiramdam ko
namumula ang buong mukha ko dahil sa hiya sa kanila.

"Hay nako! Parang gusto kitang sabunutan, Jian! Si Professor Ace Lee ang asawa mo!
Isang Ace Lee! G'wapo. Macho. Delisyoso. Bakit? Bakit nakakapagpigil ka? Don't be a
boring wife, Jian. Gahasain mo rin si Professor Lee paminsan-minsan—" tinakpan ko
agad ang bibig ni Marian dahil sa banat niya. Luminga-linga ako para tingnan kung
may tao sa paligid. Nakahinga ako nang maluwag no'ng makita kong wala.

"Manahimik nga kayo! Baka mamaya may makarinig sa inyo!" pabulong kong sita sa
kanila.

"Pero seryoso 'ko, Jian. Ang mga lalaki, hindi 'yan katulad nating mga babae na
kayang mabuhay nang walang sex life. Kaya bago pa bumatares sa iba si Professor Lee
—pagbigyan mo na."

Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi ni Jezza. "Bumatares? Ano'ng ibig mong
sabihin?"

"I mean, baka sa iba n'ya gawin 'yon."

***

Pauwi na kami ni Ryan. Madilim na dahil alas nuebe na ng gabi. Nagda-drive siya
habang sinasabayan ang music na kanina pa tumutugtog simula noong umalis kami sa
university. At simula pa kanina tahimik na rin ako. Hindi maalis sa isip ko 'yong
sinabi ni Jezza. Na baka maghanap ng iba si Ace kapag hindi ko naibigay ang
pangangailangan niya. Parang hindi ko yata 'yon kaya. Ayoko siyang mambabae. Hindi
p'wede.

"Bakit kanina ka pa tahimik?" baling sa 'kin ni Ryan. Hininaan niya ang volume ng
kanta para magkarinigan kami. "May problema ba?"

"Wala."

"E, bakit ang tahimik mo?"

"May iniisip lang."

"Sino? Si Ace? 'Wag kang mag-alala, mahal na mahal ka no'n!"

Alas diyes y media noong nakarating kami ni Ryan sa bahay. Inasikaso agad ni Yaya
Miranda 'yong isang guest room na tutulugan ni Ryan. Ako naman dumiretso sa kwarto
ni Ace at naabutan ko siyang nakahiga. Mukhang nakatulog na siya sa paghihintay sa
'kin.

Agad kong hinubad ang uniform ko at kinuha 'yong puting bathrobe 'tsaka ako pumasok
sa banyo para mag-hot bath saglit. Hanggang ngayon naiisip ko pa rin ang mga
pinagsasabi sa 'kin ni Jezza at Marian. What if gusto na nga ni Ace magkaanak at
ako lang 'tong may ayaw pa? What if maghanap siya ng iba kapag nainip? Napailing
ako. Ayokong mag-isip nang gano'n. Ang sakit yata sa dibdib.

Agad kong isinuot ang bathrobe pagkatapos kong maligo. Underwear lang ang suot kong
panloob dahil wala akong damit dito sa kwarto ni Ace. Tinatamad na rin akong
lumipat sa kwarto ko para kumuha ng damit kaya binuksan ko na lang ang closet niya
para maghanap ng p'wede kong suotin. Isang malaking tshirt na puti ang kinuha ko at
agad ko 'yon sinuot. Hindi ko binasa ang buhok ko, katawan lang, kaya p'wede na
'kong mahiga.

Agad akong lumapit sa kama ni Ace at naupo muna sa gilid para pagmasdan siya. Pero
naagaw ang atensyon ko nang mag-vibrate ang cell phone niya na nakapatong sa side
table. Kinuha ko 'yon at tiningnan ang screen. Mula sa notification banner, nabasa
ko ang email na galing sa isang Hotel. Isa 'yon reservation confirmation.
Nagsalubong ang kilay ko dahil do'n. Reservation? Bakit siya nagpa-booked sa hotel?

Bumalis ang tibok ng puso ko lalo na no'ng maalala ko ang sinabi ni Jezza.

"I mean, baka sa iba n'ya gawin 'yon."

Binalik ko 'yong cell phone ni Ace sa side table at saka na 'ko nahiga. Nakatalikod
ako kay Ace at yakap ang unan ko. Hindi ko alam kung ano'ng iisipin o mararamdaman
ko. Para 'kong nadudurog kapag iniisip ko 'yong confirmation sa isang hotel,
idagdag pa 'yong sinabi ni Jezza. What if totoo? Pa'no kung may ibang babae si Ace
na—

"Wifey..." Agad kong naramdaman 'yong paggalaw ng kama. Umusog si Ace sa tabi ko at
yumakap sa baywang ko. Hinapit niya 'ko para lalo akong mapalapit sa kaniya.
"Ano'ng oras ka dumating?"

"Kani-kanina lang. Good night."

"Nag-dinner ka na?" Hindi ko siya sinagot at nanatili lang akong nakapikit. "May
nangyari ba? Why aren't you facing me?" Again, I didn't respond. "Wifey, what's the
problem?" Pinilit niya 'kong iharap sa kaniya. At kahit na ayoko, wala pa rin akong
nagawa dahil mas malakas siya sa 'kin. "Pinag-aalala mo 'ko kapag hindi ka
nagsasalita. Ano'ng nangyari?"

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "May babae ka ba?" diretso kong tanong.

"Babae?" He furrowed his eyebrows. "Mayro'n. Ikaw."

"Bukod sa 'kin?"

"What kind of question was that?"

"Yes or no?"

"No, of course. Bakit mo tinatanong? Ano ba'ng nangyari?" Bumangon siya at naupo sa
tabi ko. Ginaya ko naman siya. Umupo rin ako 'tsaka ko kinuha 'yong phone niya.

I handed it to him. "Bakit nag-booked ka sa hotel?"

Ilang segundo niya 'kong tinitigan bago niya ibaba ang tingin sa screen. "So, you
see?" Nag-angat siya ng tingin sa 'kin sabay buntong-hininga. "You checked my
phone?" Sa tono niya parang hindi niya nagustuhan na pinakialaman ko 'yon. Pero
hindi ko naman totally inopen ang email niya. Nabasa ko lang sa notification
banner.

"Bakit? Bawal ba? May tinatago ka ba sa 'kin?"

"Wifey—"

"Don't wifey me, Ace. Naiinis ako!" Nag-init ang ulo ko kaya agad akong tumayo at
nagmadaling lumabas sa kwarto niya.

"Where are you going?" Hindi ko na siya pinakinggan at malakas kong isinara ang
pinto. Dumiretso ako sa kwarto ko at doon nahiga sa sarili kong kama. Ilang segundo
lang ang lumipas at naramdaman kong bumukas ang pintuan ng kwarto ko.

"Get out, Ace." Inunahan ko na siya agad. Pero hindi siya nakinig dahil nahiga siya
sa tabi ko at yumakap mula sa likuran ko.

"Do not jump into conclusion, wifey. I made that reservation for us." Pilit kong
inaalis ang kamay niyang nakayakap sa tiyan ko, pero mas lalo niyang hinigpitan ang
yakap sa 'kin.

"For us? Tigilan mo 'ko. P'wede naman natin gawin dito sa bahay pero bakit magho-
hotel pa? Palusot.com!"

"Gawin ang alin?" Narinig ko siyang tumawa nang mahina.

"Don't laugh. Hindi ako natutuwa."

"Wifey, you're getting mad for nothing. 'Wag mo masyadong pakaisipin 'yon."

"Huwag pakaisipin?!" Napabaling ako sa kaniya dahil sa inis. "Ace, hotel 'yon!
Paano ko hindi iisipin 'yon kung alam kong may babae kang dadalhin do'n at mag..."
natigilan ako. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin.

"Mag? What? Continue."

"Magse-sex kayo." Yumuko ako dahil sa sobrang hiya. Ilang segundo siyang hindi
nagsalita bago siya tumawa nang malakas. "Ano'ng nakakatawa?"
"You're too paranoid. I made that reservation for us. I wanted to surprise you in
our wedding anniversary next week. But because you saw the email and throw a
tantrum, it's all ruined."

"Wedding...what?" Ako naman ang natigilan at napaisip.

"Our wedding anniversary," he continued. "Nakalimutan mo na?" Natulala ako nang


ilang segundo. Wedding anniversary? Oo nga pala. So, mali ako. Hindi lang pala
mahigit dalawang taon kaming kasal kun'di magtatatlo na.

"I didn't, I...I forgot." Nagkabulol-bulol na 'ko dahil sa hiya.

"You forgot?" Mukha niya naman ang sumama ang timpla. "You don't seem to care about
our wedding that's why." Bigla siyang tumayo at dali-daling lumabas sa kwarto ko.
Siya naman ngayon ang nagtatampo. Bakit ba kasi nakalimutan ko 'yon? Ang tanga-
tanga ko!

"Ace, sandali!" Sumunod agad ako sa kaniya. Bumaba siya sa hagdan at dumiretso sa
kusina. Sa mini bar counter siya pumunta at kumuna ng isang rocks glass. Inilabas
rin niya 'yong bote ng alak na hindi ko alam kung ano'ng tatak, basta kulay C2
'yong laman. "Hubby, makinig ka sa 'kin. Hindi sa gano'n." Nagsalin siya ng alak sa
baso at binalingan ako.

"Go to your room. May pasok ka bukas. Matulog ka na." Sa sobrang lamig ng
pakikipag-usap niya, para akong magyeyelo. Sinulyapan niya rin ako mula ulo
hanggang paa na parang mas lalo niyang ikinainis. "And please, wear at least a
pajama. Hindi lang ako ang lalaki rito, Keycee." Keycee? Hindi n'ya 'ko tinawag na
wifey kaya alam kong nagtatampo talaga s'ya. Akmang tutunggain na niya 'yong baso
na may alak, no'ng bigla ko 'yon inagaw sa kaniya. "Stop—" Bago niya pa makuha sa
'kin 'yong baso, nasimot ko na 'yong laman no'n. Pero gumuhit sa lalamunan ko 'yong
pait na naging dahilan para magkandaduwal-duwal ako. Agad akong lumapit sa sink at
doon nagtawag ng uwak. Pero kahit anong duwal ko, walang lumalabas. Naramdaman ko
'yong paghagod ni Ace sa likod ko dahil hindi pa rin ako tumitigil kakaduwal.
Umalis siya saglit sa likuran ko at binuksan ang ref. Lumapit siya sa 'kin at
binuksan ang gripo para hugasan ang ilang pirasong ubas na nasa kamay niya. "Eat
this." Isinubo niya agad sa 'kin 'yong dalawa, magkasunod. Kahit papa'no nawala
'yong pait sa lalamunan ko. "Bakit mo ba kasi ininom?" Bakas pa rin sa boses niya
ang pagkainis. Pero hindi ko nagawang sumagot dahil nagsimula ng umikot ang
paningin ko. Iginala ko 'yong tingin ko sa kusina at pabilis nang pabilis ang ikot
ng bahay.

"Ace, nahihilo ko..." Humakbang ako dahil gusto kong kumapit sa kaniya pero na-out
balance ako. Buti na lang agad niya 'kong nasalo. Yumakap ako nang mahigpit sa
kaniya 'tsaka ko ipinadyak nang ipinadyak ang kanang paa ko. "Umiikot 'yong bahay
natin! Pahintuin mo! Mabilis! Nahihilo ko! Pahintuin mo, Ace!" Kahit nakayakap na
'ko sa kaniya, para pa rin akong mabubuwal. "Ace, pahintuin mo! Hindi ko na kaya!"

Narinig ko siyang bumuntong-hininga bago niya 'ko binuhat. "See? Ayan ang napapala
mo. Hindi ko naman kasi sinabing inumin mo 'yon. Edi, hilo ka ngayon?"

"Umiikot pa rin. Malalaglag 'yong chandelier sa 'tin, umilag ka, gumagalaw s'ya..."
Sa sobrang hilo ko, hindi ko namalayan na nakapasok na si Ace sa kwarto niya. Sa
banyo kami dumiretso at dahan-dahan niya 'kong iniupo sa bathtub. Tiningnan ko ang
paligid at pati ang banyo umiikot rin. Naramdaman ko ang pagtama sa 'kin ng malamig
na tubig dahil binuksan ni Ace ang shower at itinapat sa 'kin.

"Hintayin mo 'ko rito." Agad siyang lumabas. Isinandal ko naman ang ulo ko sa gilid
ng bathtub dahil hilong-hilo pa rin ako. Habang ang tubig na galing sa shower, sa
katawan ko naman tumatama. Pagbalik ni Ace, may dala siyang tasa at agad siyang
naupo sa gilid ko. "Drink this. It's ginger tea. Makakatulong 'to para mawala ang
hilo mo." Pati 'yong tasa umiikot rin sa paningin ko kaya siya ang naghawak no'n
habang unti-unti kong hinihigop. Pero napapangiwi ako sa lasa.

"Ayoko na..." Inilayo ko 'yong tasa sa bibig ko.

"Tiisin mo. Gusto mo bang magalit ako? 'Yong alak nga nagawa mong tunggain!" sermon
niya sa 'kin. Inilapit niya ulit 'yon sa bibig ko at tiniyaga niyang maipaubos sa
'kin ang laman. "Good girl." Tumayo siya at inilapag sa sink ang tasa. Binuksan
naman niya 'yong faucet para punuin ng tubig ang bathtub. Nilagyan niya 'yon ng
pampabula 'tsaka na siya lumabas. Effective 'yong ginger tea dahil nabawasan na
'yong hilo ko. Hindi pa totally nawala pero kahit papaano hindi na umiikot ang
paligid. Wala na si Ace kaya hinubad ko na 'yong t-shirt niya na suot ko. Isinandal
ko ang likod ko at hinayaan kong nakalubog lang ang katawan ko sa tubig na may
mabangong amoy. Biglang bumukas ang pinto at agad na lumapit sa 'kin si Ace. May
hawak siyang maliit na bote at may dropper 'yon. Pinatakan niya 'yong bathtub.

"Ano 'yan?"

"Essential oil. Lavender." Tinakpan niya 'yon at ipinatong katabi ng mga shampoo.

"Para saan?"

"Relaxation, wifey." Ilang segundo akong napatitig sa kaniya bago mapangiti.

"Mahal na mahal mo talaga 'ko, 'no?"

"Yes. More than you'll ever know." Ngumiti rin siya sa 'kin nang bahagya. "I'll be
outside. Call me when you're done." Agad na siyang lumabas. Naiwan naman ako para
namnamin ang bago ng tubig na nasa bathtub. Tama nga si Ace. Nakaka-relax ang amoy.
Para akong hindi tumungga ng alak. Nawala na 'yong hilo tapos ngayon na-relax pa
'ko.

Inabot ko agad ang bathrobe na nakasabit sa gilid pagkatapos kong magbanlaw.


Paglabas ko, naabutan ko si Ace na isinasaksak ang hair blower ko.

"Ano'ng ginagawa mo?

"Come here. Papatuyuin natin 'yang buhok mo para makahiga ka agad." Hala, bakit
napaka-sweet niya? Normal pa ba 'to? Siya pa ba 'yong istrikto kong teacher sa math
o may sanib siya? "Come here. Anong oras na. Kailangan mong matulog agad, may pasok
ka pa bukas." Agad akong lumapit sa kaniya at naupo sa harap ng salamin. Ini-on
niya ang blower at sinimulang patuyuin ang buhok ko. Hindi ko maiwasang mapangiti
habang nakatitig sa repleksyon niya sa salamin. Parang ang swerte ko yata. Worth it
'yong pakikipagtutukan ko ng baril sa mansyon para lang makasama sa kaniya.

"Ace..."

"Hmm?" Sinulyapan niya 'ko sa salamin pero tuloy pa rin siya sa ginagawa niya sa
buhok ko.

"Gusto mo na bang magkaroon ng anak?"

"Hmm." He hummed again and it means yes.

"When?"

"Before this year is up."


"With who?"

"You, of course."

"Ilan?"

"Three. Two boys, one girl." Napalunok ako. Tatlo? Isn't it too much? Itinigil na
niya ang ginagawa no'ng natuyo na ang buhok ko. Hindi pa totally natuyo, pero kahit
papaano p'wede ko na ihiga dahil hindi na tumutulo kagaya kanina.

"How do you know I want kids?" Tinitigan niya 'ko mula sa salamin.

"Ayaw mong magkaanak?" kunot noo niyang tanong sa 'kin.

"Gusto. Pero isa lang. You're not getting more than one from me." Akala ko
magagalit siya sa sinabi ko, pero bigla siyang natawa.

"Ako ang magde-decide, wifey. Wala kang magagawa ro'n. Kapag sinabi kong tatlo—
tatlo. Okay? Kapag umangal ka, p'wede ko pang dagdagan ng isa. Mamili ka? Tatlo o
apat?"

Napalunok ulit ako. "Isa."

"Sure. Three. That's final. Their name is Faith, Love and Hope." Tinalikuran niya
'ko at saka siya lumabas ng kwarto. Naiwan naman akong nakatulala. Faith, Love and
Hope? Faith Lee. Love Lee. Hope Lee. Wow, that's cool. Pero paano kung puro lalaki
ang maging anak namin? Ang Hope p'wede pa sana, pero ang Faith at Love? Baka
sumpain ako ng dalawa dahil sa pangalan nila. 'Di bale sana kung puro babae ang
magiging anak namin, walang problema. "Wear this." Bumalik si Ace sa kwarto at may
dala na siyang damit ko. Pantulog. Terno pajama, underwear at bra. Kumpleto rekado.

Tumayo ako sa inuupuan ko at lumapit sa kaniya. Kinuha ko 'yong damit na hawak niya
at hinagis ko 'yon sa kama. "I don't need that." Nagsalubong ang kilay niya dahil
do'n at saka ako naglambitin sa leeg niya at ngumiti.

"Wifey, I'm warning you. If you don't wanna cry again—sleep."

Umiling ako. "No. Let's do it."

"Do what?"

"Faith, Love and Hope." I smiled at him. The most sweetest smile I could ever make.

"Are you sure?" Nakakunot pa rin ang noo niya. Tumango naman ako bilang pagsang-
ayon. "You have one minute to take back what you said. I need you to be sure
because I don't think that I'll be able to stop once I start. Now, your time is
running. Think carefully." Tinitigan ko lang siya habang lumalakad ang bawat
segundo. Nakangiti ako sa kaniya kahit na kinakabahan ako. Pero siya, seryoso ang
tingin niya sa 'kin. Tila inaaral bawat anggulo ng mukha ko kung may nakakubli ba
roon na biro. "Three...two...one...I'm gonna ask you one more time. Are you sure?"

"I'm sure, hubby." I smiled, then he quickly caught my lips.

***

Announcement: Follow my page Miss Ahyenxii Stories, doon po ako nag-a-announce ng


schedule regarding sa update. Thank you!
Chapter 57 - The Night

KEYCEE'S POV

Mabilis niyang ipinalupot ang mga kamay niya sa baywang ko. His lips covered mine
and his tongue slipped into my mouth. Biting my bottom lip and a moan escaped from
my mouth. Para 'kong mababaliw sa halik niya.

"You're enjoying it already," pang-aasar niya sa 'kin nang saglit siyang bumitaw.
Pakiramdam ko namula ang buo kong mukha dahil sa sinabi niya. "It's okay. I
understand." He smiled at me flirtatiously before bringing his lips back on mine.
Bumaba ang halik niya sa leeg ko at nakaramdam ako ng kiliti, pero pinipigilan kong
'wag tumawa dahil masisira ang moment. Pero— shemay! Hindi ko kaya!

Natigilan siya sa ginagawa niya nang bigla akong natawa. Pinagmasdan niya 'ko nang
nagtataka. "S-sorry...malakas kiliti ko sa leeg."

Napangiti lang din siya at hinalikan na ulit ang labi ko. Hanggang sa inihiga na
niya 'ko nang hindi bumibitaw sa 'kin. Pumwesto siya sa ibabaw ko kaya ramdam ko
'yong bigat niya. Pero hindi ako nagreklamo. Naramdaman ko ang kamay niya na
kinakapa 'yong tali ng bathrobe na suot ko at agad niya 'yon nakalag. Sh*t.
Nagsimula na ulit bumilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan na naman ako. Parang
may mga kabayong nagtatakbuhan sa dibdib ko.

Umalis siya sa ibabaw ko at naupo— sa gawing tuhod ko. Nanginginig 'yong kamay ko
habang nakatitig siya sa 'kin. Hinawakan na niya 'yong bathrobe ko para hawiin 'yon
pero agad kong napigilan ang kamay niya. Ayoko, nahihiya akong makita niya 'yong
katawan ko.

Tinitigan niya 'yong kamay ko na hanggang ngayon ay nanginginig pa rin sa kaba.


"It's okay, wifey." Inabot niya 'yong kamay ko na nakahawak sa kaniya at hinalikan
ang ibabaw no'n. "Don't be nervous. I want you to trust me. Hmm?" Dahan-dahan akong
tumango kahit na hiyang-hiya ako. Ni hindi ko magawang magsalita dahil feeling ko
pati boses ko may posibilidad na manginig rin sa nerbyos. Tuluyan na niyang nahawi
ang robe na nakabalot sa 'kin 'tsaka niya 'ko pinagmasdan. Sumilay ang ngiti sa
labi niya 'tsaka siya bumalik sa ibabaw ko at bumulong sa tainga ko. "Gorgeous."
Pakiramdam ko lalo akong namula at kinabahan sa sinabi niya. Hindi nakakatulong sa
'kin 'yong mga banat niyang gano'n. Hindi ba p'wedeng 'wag na lang siyang
magsalita?

Inangkin niya ulit ang labi ko hanggang sa unti-unting bumaba ang halik na 'yon sa
leeg at collar bone ko. Kung kanina natatawa ako dahil sa kiliti—ngayon hindi ko
magawang tumawa dahil mas nangingibabaw sa 'kin ang kaba. His mouth went quickly to
my right breast while his right hand was playing on the left. And I moaned as he
sucked hard on my nipple. Awtomatikong pumunta ang mga kamay ko sa buhok niya at
halos nasabunutan ko siya dahil sa ginagawa niya.

Tinigil niya ang paglalaro sa dibdib ko at muling naupo sa tapat ng tuhod ko.
Pinagmasdan niya ulit ang katawan ko na walang anumang takip. I felt awkward being
naked habang siya ay nakadamit pa rin. That's not fair! Gusto ko rin siyang
makitang nakahubad.

Napangisi siya kasabay ng paghubad sa suot niyang t-shirt, shorts at pati na rin
'yong underwear niya. Mukhang nabasa niya 'yong nasa isip ko. Good.
Nag-iwas agad ako ng tingin nang tumambad sa harap ko ang maselang bahagi ng
katawan niya. Natawa siya sa ginawa ko kaya umibabaw ulit siya sa 'kin at inangkin
ang labi ko. Pero hindi ako makapag-focus na halikan siya pabalik dahil
nararamdaman ko si adonis sa tapat ng puson ko. Mainit at matigas. Pusang gala!
Mamamatay na yata ako sa kaba. His mouth found its way back to my breasts before
slowly making his way down my stomach and planted soft kisses there. He spread my
legs a little wide and slowly brought his head down south—to my perlas ng
silanganan. His mouth sucked on my clit as I let out a moan. My hands travelled to
his hair and rugged it lightly.

"Ace..." I moaned his name when he swirled his tongue in circular motion. Mas
lalong humigpit ang kapit ko sa buhok niya and I arched my back as he started to go
faster.

I finally threw my head back and moaned uncontrollably as I felt a huge buildup of
pressure and it being released. Halos mahimatay ako sa unan ko pag-angat niya ng
ulo niya. Bumalik siya sa ibabaw ko at hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na
tumatakip sa mukha ko. Bumaling ako sa gilid dahil nahihiya akong tingnan siya.
Magkahiwalay pa rin ang mga binti ko at naro'n siya sa pagitan no'n. Ramdam ko si
adonis at hindi pa rin mawala ang kaba sa dibdib ko kapag iniisip ko kung paano
'yon magkakasya sa 'kin.

"Look at me," ma-awtoridad niyang sabi. Dahan-dahan kong ibinalik ang tingin ko sa
kaniya kahit na pakiramdam ko sobrang pula na ng pisngi ko. "This might hurt a
little, wifey." Napalunok ako at lalong kinabahan. Hayan na nga ba! Bakit sinabi
niya pa 'yon? Nananakot ba siya? "Tell me and I'll stop." Wala sa sariling
napatango ako. Hindi ko magawang magsalita dahil parang may bumabara sa lalamunan
ko dahil sa sobrang kaba.

Gamit ang kanang binti niya, lalo niyang pinaghiwalay ang hita ko. Gininaw ako
bigla dahil wala naman tela o kumot na nakatakip sa 'min, idagdag pa ang malamig na
buga ng aircon.

Naramdaman ko na si adonis sa bungad ko at unti-unti 'yon bumabaon. My heart was


racing a million miles an hour out of excitement, fear and pleasure. "Ah,"
napadaing ako nang mahina dahil sa sakit kaya bigla siyang huminto. Inabot niya
'yong labi ko at saglit akong hinalikan bago ipagpatuloy ang dahan-dahang pagpasok
sa loob. Napakagat ako sa ibabang labi ko para pigilan ang sarili ko na dumaing
ulit but it wasn't working so well. "Ah," I whimpered again. Hindi ko mapigilan.
Parang pinupunit ang laman ko sa loob.

He stopped for a second at tiningnan niya 'ko. "Are you okay?" he asked, out of
breath. He's enjoying this already. Pinagmasdan ko siya saglit at nakita kong
punong-puno ng pag-aalala ang mukha niya. Na para bang ready talaga siyang tumigil
once na sinabi kong ayoko na.

"I'm not okay...but it's okay." Ngumiti ako at hinaplos ang pisngi niya para mawala
ang pag-aalala niya sa 'kin.

"You sure?" Tumango ako bilang pagsang-ayon kaya ipinagpatuloy na niya ulit ang
ginagawa. Yumakap ako sa kaniya habang kagat ang lower lip ko. Wala sa sariling
humigpit ang kapit ko sa likod niya. Habang pilit niyang binabaon sa 'kin ang
sarili niya, bumabaon rin ang kuko ko sa balat niya.

"Ah! Ace, a-aray..." A tear fell out of my eye as he kept going. Bakit ganito
kasakit? Hindi ako na-inform. P'wede bang mag-back out?

"I'm sorry, wifey, but you are so tight." Naging mabilis ang paghinga ko dahil sa
hapdi na nararamdaman. Hindi ko rin namamalayan na habang nasasaktan ako, mas
bumabaon lalo ang kuko ko sa likod niya. He pushed himself in and out of me slowly
and gently, as if he was trying not to hurt me.

"Aw, Ace..." Alam kong dahan-dahan na 'yon pero nasasaktan pa rin ako. Gusto ko
siyang pahintuin at sabihing tama na. But every time I would open my mouth to
protest—I couldn't. Pinahid niya saglit ng daliri niya 'yong luha sa gilid ng mata
ko habang patuloy siya sa ginagawa. Muli kong kinagat ang ibaba ng labi ko para
itago ang sakit. And when he noticed that, he kissed me immediately, making me
forget the pain for a while.

"You sure you're okay? Do you want me to stop?" tanong niya ulit sa 'kin. Hanggang
ngayon nag-aalala pa rin siya. But honestly, my body was in complete disagreement
with my mind.

"I'm okay, hubby. Keep going." Tumawa ako nang mahina para kahit papano mapagaan ko
rin ang kalooban niya at mawala ang bakas ng pag-aalala sa mukha niya.

He continued, and a few minutes later the pain I was experiencing turned into
pleasure. When he saw that I was finally enjoying it he started to thrust into me
faster.

"You're so tight," he said trying to hide his moans. I finally relaxed and wrapped
my legs around his waist. I moaned in his ear as he cursed obscenities in mine. "Oh
fuck," he groaned as I tightened my vagina around him. He threw himself into me
faster and faster. Feeling of tension grew inside me and I threw my head back and
closed my eyes. Kinagat ko rin ang labi ko para pigilan ang pag-ungol na gustong
kumawala ro'n, pero walang nangyari, dahil kusa silang tumatakas. "Let it out
wifey, it's okay," he said as he kissed me deeply. He pushed his tongue into my
mouth. Dumilat ako sandali para tingnan siya. He's enjoying the moment and I was
enjoying watching him. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Pinakawalan niya 'yong
labi ko and I closed my eyes again when he hit a spot. He then thrusted faster and
harder when he saw the effects it had on me. My legs got weak and I came fast. He
did quickly after me and wrapped his hand around my waist as we rode out our
orgasm, and I felt a warm liquid inside me before he collapsed on top of me. "I
love you, wifey."

Hindi ako nakasagot dahil pareho kaming hinihingal. Hindi rin siya umaalis sa
ibabaw ko at doon nagpalipas hanggang sa maging normal na ulit ang paghinga naming
dalawa.

"Hubby," hinaplos ko 'yong buhok niya kaya nag-angat siya ng mukha sa 'kin. "I love
you, too." Agad niya 'kong nginitian matapos ang sinabi ko.

"How are you feeling? Okay ka na?" Hinaplos niya 'yong buhok ko habang nakatitig sa
mata ko.

"Hmm. Okay na 'ko. Worth the pain."

"Then, shall we move to the next round for Hope?" Nagsalubong ang kilay ko sinabi
niya. "The first round was for Faith. Just so you know." First round for Faith? So,
may dalawang round pa for Hope and Love? Parang hindi ko na yata kaya.

"Pero..."

"Let's do the second round and then you can sleep after." Ngumiti siya sa 'kin at
hindi na niya 'ko hinayaang makasagot. He pressed his lips on mine. Nagsimula na
ulit maglakbay ang mga kamay niya sa katawan ko. Bakit parang hindi siya nagsasawa?

Tinigilan niya ang paghalik sa 'kin at saka siya umalis sa ibabaw ko. He flipped me
over quickly and pulled my bottom in the air. Hindi ako ready sa ginawa niyang
pagbiling sa 'kin. He climbed on the bed and pushed into me once again. Napangiwi
ako nang bahagya dahil akala ko wala nang sakit, pero mayro'n pa rin pala.

He grunted as he moved faster and faster. Agad ko namang sinubsob ang mukha ko sa
unan at nilamukos ang bedsheets gamit ang dalawa kong kamay.

***

Kinaumagahan, nagising ako dahil sa mga katok na narinig ko sa pintuan. "Keycee,


ready na ang almusal. Bumaba ka na, nakagayak na si Ryan."

Nakayakap si Ace sa baywang ko habang nakatalikod ako sa kaniya. Agad kong inalis
ang kamay niya para bumangon. Inabot ko 'yong damit ko na kinuha niya kagabi sa
kwarto ko 'tsaka ko 'yon sinuot.

Hindi ko alam kung anong oras na. Hindi ko rin maalala kung nag-alarm ba 'ko kagabi
o hindi. Parang hindi yata kaya napasarap ako ng tulog.

Bumaba ako sa kama at isinayad ang mga paa ko sa malamig na tiles. Inabot ko 'yong
slippers ko at isinuot muna 'yon bago tumayo. Humakbang ako papunta sana sa banyo
pero bigla akong natigilan. Iba 'yong pakiramdam. Hindi ako makalakad nang maayos
dahil masakit 'yong nasa pagitan ng mga hita ko. Sinubukan ko ulit humakbang nang
ilang beses pero masakit talaga.

"Stay in bed, wifey." Binalingan ko si Ace no'ng bigla siyang magsalita. "Good
morning, gorgeous." He smiled at me flirtatiously. Walang good sa morning dahil
hindi ako makalakad. Daig ko pa ang nalumpo.

"G-good morning." Dahan-dahan akong humakbang pabalik sa kama at naupo sa gilid.

"How are you feeling?" Inabot niya 'yong isang hita ko at hinaplos 'yon.

"Soar. Very," baling ko sa kaniya sabay irap. Natawa naman siya ro'n. Paano nga ba
naman kasi akong makakalakad nang maayos kung hindi niya 'ko tinigilan kagabi? Ang
sabi niya round two lang, hanggang kay Hope tapos p'wede na raw akong matulog. Pero
scammed pala 'yon dahil umabot pa sa round ni Love. Binuo na!

"Huwag ka na munang pumasok. Magpahinga ka muna." He smiled at me again at hindi ko


gusto 'yong ngiti niya.

"Feeling ko kapag nag-stay ako rito sa bahay—lalo lang akong mapapagod." Napangiti
naman siya kaya alam kong tama ako. "Papasok na lang ako." Tumayo ulit ako at
pinilit kong maglakad papunta sa banyo para maligo.

Pagkatapos ko at paglabas sa banyo, wala na si Ace sa kwarto Siguro lumabas.


Nagsimula na 'kong mag-ayos muna ng mukha at magsuklay.

Ilang sandali pa, bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Ace. Nakasuot na siya
ng t-shirt at shorts.

"Umalis na si Ryan."

"Ha? Bakit? Sabi ko papasok ako—"

"You need to rest, wifey. Isa pa, halatang-halata na hirap kang maglakad. Gusto
mong pag-usapan ka?" Sumimangot ako dahil sa sinabi niya. Kapapasok ko lang kahapon
tapos absent na naman ako ngayon? Agad naman siyang lumapit sa 'kin at niyakap ako.
"I'm sorry. Gan'yan talaga sa una, hmm?" Hinaplos niya 'yong likod ko sabay halik
sa ibabaw ng ulo ko. "Don't worry, I will let you rest today. Pagsisilbihan kita
maghapon. I'll be your feet and hands. Ako ang kikilos para makapagpahinga ka nang
maayos." Napangiti na rin ako kahit na medyo naiinis ako.

Kumalag ako sa yakap niya at nag-angat ng tingin sa kaniya. "Ikaw, kumusta


pakiramdam mo?"

"Amazing, wifey. That was the best night of my life." Alam kong hindi siya
nagbibiro dahil hindi lang labi niya ang nakangiti kun'di pati mga mata. At hindi
ko rin maitago ang saya ko dahil alam kong napasaya ko siya. "I love you always,
wifey. Remember that."

"I love you too, always. Mahal na mahal kita. Higit pa sa sobra." I smiled at him.
He leaned down and started kissing my lips again.

To be continued...

Chapter 58 - Alamat ng Saging ft. Scammer

KEYCEE'S POV

Nakaupo ako sa kama, sa kaliwang bahagi at nakasandal sa headboard. Nakasindi ang


tv dahil may pinapanood akong movie sa Netflix. “Here’s your food mahal kong
asawa,” nakangiting sabi ni Ace pagpasok niya sa kwarto habang bitbit ang tray na
may pagkain. Pinanindigan talaga niyang hindi ako palabasin sa kwarto niya kaya
dinalhan niya na lang ako ng pagkain. Siya na raw ang bahalang mag-asikaso sa ‘kin
ngayon para makapagpahinga ako. Ang sweet, ‘di ba? Nakakapanibago. Feeling ko tuloy
hindi si Ace ang kaharap ko. What if may sumanib lang pala sa kaniya na ibang
katauhan tapos hindi pala siya ‘yong asawa ko? Umupo siya sa tabi ko sabay lapag ng
tray sa side table.

Natakam agad ako sa fried rice na may carrots, corn at ground pork. Sunny side up,
hotdog at tocino naman sa isang plato 'tsaka 'yong maliliit na isda na parang
daing. May gatas rin sa baso at isang saging. "Ang sarap..." bulong ko habang
nakatitig sa pagkain.

“Ang akala ni Yaya Miranda may sakit ka.”

Nag-angat ako ng tingin kay Ace. “Ano’ng sabi mo sa kan'ya?”

“Sabi ko wala kang sakit–may masakit lang.” Ngumisi siya sa ‘kin sabay tapat ng
kutsara sa bibig ko para subuan ako. “Biro lang, wifey,” bawi niya agad nang
tingnan ko siya nang masama. Sinunggaban ko naman 'yong pagkain sa kutsara dahil
gutom na ‘ko. Habang ngumunguya, inangat niya ‘yong kamay niya at kinuha ‘yong
butil ng kanin na naiwan sa gilid ng labi ko. Ang akala ko ilalagay niya 'yon sa
gilid ng tray pero diretso sa bibig niya. Napatulala ako dahil do'n. Feeling ko
talaga hindi siya ‘to!

“Ace, kilala mo ba ‘ko? Ano’ng pangalan ko?” Gusto kong makasiguro kung kilala pa
ba niya ako or nagpapanggap lang siya. Baka may kung anong elemento na ang sumapi
sa kaniya.

Kumunot naman ang noo niya, halatang nagtataka sa naging tanong ko. “Of course. You
are my wife.”
“Ano’ng pangalan ko?”

“Keycee Dela Vega – Lee.”

“How about the other one? ‘Yong pangalan ko ngayon.”

“What’s wrong with you, Miss Perez?” Sumeryoso ang mukha niya habang nakatingin sa
‘kin. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil sa pagbanggit niya sa 'Miss Perez', at
least kilala niya ‘ko.

“Wala, hubby.” I smiled sheepishly, sabay subo ulit sa kutsara na nakaumang sa


bibig ko. “Basta sabihan mo lang ako agad kung hindi na ikaw ang asawa ko, ha? Para
alam ko kung kalian ako tatakbo.” Dinampot ko 'yong tinidor at tinuhog 'yong isang
hotdog, diretso sa bibig ko.

“Don’t even bother, wifey. Hindi kita hahayaang tumakbo palayo sa ‘kin. Ang hirap-
hirap mong kuhanin pabalik, sa tingin mo papayag akong malayo ka ulit?” Natigilan
ako at napatitig sa kaniya habang kagat 'yong hotdog. Nagpipigil ako ng ngiti dahil
kinikilig ‘yong apdo ko pati baga. Nakatitig rin siya sa ‘kin at pakiramdam ko
matutunaw ako sa titig niyang nakakapugto ng hininga. Binaba ko 'yong tinidor at
itinuloy muna ang pagnguya bago ako magsalita.

“Hindi lang ikaw ang nahirapan, ‘no! Mas nahirapan kaya akong bumalik sa’yo!
Imagine, kinailangan pang malagay sa alanganin ang buhay ko para lang payagan nila
akong sumama sa'yo! Kaya dapat ingatan mo 'ko!"

“Kahit hindi mo sabihin ‘yan, iingatan talaga kita.” Napairap naman ako bago ulit
tanggapin ang kutsara na tinapat niya sa bibig ko. Iingatan daw, samantalang isang
gabi pa lang daig ko pa ang nalumpo!

"Hanggang kailan ang pagiging sweet mo? May expiration ba 'yan o unlimited?"
natatawa kong sabi sa kaniya. Ayaw niya kasing ipahawak sa 'kin ang kutsara. Gusto
niya talagang siya ang magsubo sa 'kin. Pati baso, siya ang may hawak kapag iinom
ako. Medyo mahapdi lang naman ang shamburut ko pero hindi naman ako paralisado.

"Namnamin mo ang pagiging sweet ko kapag nasa bahay tayo. Dahil pagdating sa school
—back to normal."

"Back to normal? You mean istrikto ka ulit? Susungitan mo ulit ako?"

"It depends on how you behave, wifey. You know me, ayoko ng estudyanteng pasaway.
At hindi rin naman ako magagalit kung mabait ang estudyante."

"Pa'no kung mahuli mo akong nangongoypa? Ano'ng gagawin mo?"

"You know my rules. Tatayo sa harap, hands outstretched with encyclopedia."

"Kahit asawa mo 'ko?"

"Kahit asawa pa kita na mahal na mahal ko." Tinapat niya ulit sa bibig ko 'yong
kutsara at this time tinanggap ko na 'yon. Pero nakatitig ako sa kaniya habang
ngumunguya. So, kahit asawa niya 'ko paparusahan niya pa rin ako?

"Pa'no kung matulog ako sa klase habang nagtuturo ka?"

"Gigisingin kita para palabasin."

"Pa'no kung mag-ingay naman ako habang nagpapa-quiz ka?"


"Minus."

"Gano'n? Okay, hubby. Do what you want." Ngumiti ako sa kaniya na halatang
ipinagtaka niya. Ine-expect niya siguro na magagalit ako.

"Okay lang sa'yo?" kunot-noo niyang tanong.

Tumango naman ako. "Okay lang sa 'kin. Basta 'wag mo lang akong ipapahiya nang todo
lalo pa at alam na ni Marian at Jezza na mag-asawa tayo. Kapag ako pinahiya mo sa
klase...hindi ka makakapag-change oil sa gabi."

"Change oi—" natigilan siya bigla at bahagyang natawa nang makuha niya ang ibig
kong sabihin. "Are you threatening me?"

"Are you threatened?"

"No."

"Bakit hindi?"

Nilapit niya 'yong mukha niya sa tainga ko at saka bumulong. "Because when I take
you to bed, you'll be begging me. I don't have to force everything." Napalunok ako
sa sinabi niya lalo na noong maalala ko kung paano ako nabaliw kagabi. "Wanna try?"
Hinawakan ko siya sa dibdib at bahagyang itinulak para makalayo sa 'kin.

"No, thank you." Ngumiti ako sa kaniya at kunwaring hindi apektado. Natawa naman
siya nang bahagya bago ulit ako subuan.

Patuloy lang siya sa pagpapakain sa 'kin at nakunsensiya naman ako kaya kinuha ko
'yong kutsara sa kamay niya at ako naman ang nagsubo sa kaniya.

"Hindi p'wedeng ako lang ang kakain, dapat ikaw rin." Tinapat ko 'yong kutsara sa
bibig niya at agad naman niya 'yon tinanggap. Kaso lang, bahagya siyang natawa at
hindi ko alam kung bakit.

"Ako dapat ang magsabi sa'yo n'yan, wifey." Kinuha niya 'yong saging sa gilid ng
tray at binalatan 'yon hanggang kalahati 'tsaka niya tinapat sa bibig ko. Gumalaw
ang dalawang kilay niya pataas kaya napaisip ako. "Open your mouth." Nakangisi pa
rin siya habang salubong naman ang kilay ko. Dahan-dahan kong binuka ang bibig ko
para isubo at kagatin 'yong saging.

"Buti pa ang saging sinubo. Sana all saging." Natulala naman ako sa naging banat
niya. Sunod niyang kinuha sa kamay ko 'yong hawak kong tinidor na may hotdog at
itinapat ulit sa bibig ko. "Eat." Napatagilid nang bahagya ang ulo ko habang
nakatingin sa kaniya. Bakit parang may kakaiba? Parang pinagtitripan niya yata ako?

Inagaw ko sa kamay niya 'yong tinidor at binaba ko 'yon sa plato. "Ayoko ng hotdog.
Baka 'pag sinubo ko 'yan, sabihin mo naman 'sana all hotdog'. Ayaw kitang maging
hotdog, hubby. Mahal kasi kita. Gusto ko maging tao ka lang, hindi hotdog o
saging."

Natawa naman siya sa sinabi ko. "Kapag naging hotdog o saging ako, hindi mo 'ko
kakainin?"

"Hubby naman! Huwag mo ngang sabihin 'yan! Hindi ka magiging hotdog o saging! Hindi
ako papayag do'n! Tao ka, okay? Tao!"

Lalo niya akong tinawanan habang napapailing. "Kumain ka na nga lang, wifey.
Kapangit mo naman ka-bonding."

"Ano'ng pangit do'n? Ikaw ang pangit ka-bonding, hubby! Bigla ka na lang magsasabi
na 'sana all saging'! Ikaw lang ang taong kilala ko na gusto maging saging!" sigaw
ko sa kaniya. "Pa'no kung bukas pagkagising ko saging ka na o hotdog! Paano na
'ko!"

"Hindi naman ako magiging saging talaga! Joke lang 'yon, wifey! Joke!"

"Bakit mo 'ko sinisigawan?!"

"Hindi kita sinisigawan!"

"Anong hindi?! Ang lakas ng boses mo!"

"Malakas din ang boses mo kaya pinapantayan ko lang! Pero hindi ako sumisigaw! Ikaw
ang sumisigaw sa 'kin!"

"So, ako pa ngayon?!" Inis akong umusad para bumaba sa kama.

"Where are you going?"

"Maghuhukay sa labas! Para kapag naging saging ka ibabaon na lang kita ro'n para
tumubo ka!" Humakbang ako papunta sa pinto pero agad niya 'kong hinabol.

"Okay na, wifey. Don't shout." Hinawakan niya 'yong kamay ko habang nagpipigil pa
rin ng tawa. "Sige na. Binabawi ko na 'yong sinabi ko. Ayoko na maging saging.
Okay?" Kinagat niya 'yong lower lip niya para pigilan ang pagtawa. "Tayo lang yata
ang mag-asawa na nag-away dahil sa saging. B'wisit na saging 'yan! Ayoko na maging
saging kahit kailan!" Niyakap niya 'ko at hinaplos ang buhok ko. Pero ramdam ko
'yong pag-alog ng balikat niya dahil sa tawa.

Bumalik na ulit kami at naupo sa gilid ng kama para ituloy ang almusal. Ako na lang
din ang humawak sa kutsara para subuan ang sarili ko. Noong kinuha ko 'yong saging
sa gilid ng tray at itinapat sa bibig ko, agad ko siyang sinungitan. "Pikit!"

"Bakit?"

"Basta pumikit ka! Baka mainggit ka na naman sa saging!" Pumikit siya habang
natatawa kaya nagmadali akong ubusin 'yong saging na hawak ko.

Pagkatapos namin kumain with asaran, iniligpit na niya 'yong tray at dinala sa
kusina.

Habang hinihintay ko siya sa kwarto, nag-ring naman ang cell phone ko. Unregistered
number ang tumatawag kaya bigla akong kinabahan. Sino naman 'to? Nagpalipas ako
muna ako ng ilang segundo bago ko 'yon sinagot. Pero imbes na 'hello' ang maibungad
ko—saging ang nasabi ko.

"Saging? Ano'ng saging?" boses ni Ryza ang nasa kabilang linya kaya natigilan ako.
"Si Keycee ba 'to?" paninigurado niya.

"Hmm. Ako nga. Ano'ng kailangan mo?" Siya naman ang natahimik. "Kung wala kang
sasabihin, ibababa ko na. Busy ako."

"Keycee, wait!" pigil niya sa 'kin. "P'wede ba kitang puntahan? Gusto kasi kitang
makausap...kung okay lang sa'yo." Narinig ko 'yong pagsinghot niya. Para siyang
umiiyak. "Bukod sa gusto kong humingi ng tawad...gusto rin kitang makita. Kailangan
ko ng kausap, Keycee." Bigla akong kinabahan dahil napahagulgol na siya. Alam kong
malaki ang kasalanan niya sa 'kin. Alam ko rin sa sarili ko na may galit pa ako sa
kaniya. Pero dahil sa iyak niya...bigla akong nag-alala.

Napalingon ako sa pinto nang pumasok ro'n si Ace. Nakatingin siya sa 'kin dahil
nakita niyang may kausap ako sa phone.

"Sige. Pero magpapaalam muna ako sa asawa ko. Kapag pumayag siya, ititext kita
agad." Nang marinig ko ang sagot ni Ryza, binaba ko na 'yong cell phone ko.

"Sino 'yon?" tanong ni Ace sa 'kin pag-upo niya sa tabi ko.

"Si Ryza. Gusto niya raw akong makita at makausap. Gusto niyang mag-sorry. Okay
lang ba sa'yo?"

Inabot ni Ace ang kamay ko at pinisil 'yon nang bahagya. "Ikaw...ano ba'ng gusto
mo? Gusto mo ba s'yang makita at makausap?" Umiling ako nang dahan-dahan. "Why are
you crying then?" Kung hindi pa sinabi ni Ace, hindi ko pa malalaman na naiiyak na
pala 'ko. Hindi ako sumagot kaya lumapit siya sa 'kin nang husto para yakapin ako.
"Mag-usap kayo. Sa tingin ko 'yon ang kailangan n'yo para parehong gumaan ang
pakiramdam n'yo."

"Hindi ka ba galit sa kan'ya?"

"Nagalit ako, oo. Pero it's all in the past. Besides, magkasama naman na ulit tayo
kaya hindi ko na 'yon iniisip."

"Umiiyak s'ya kanina. Gusto n'yang humingi ng tawad at kailangan n'ya rin daw ng
kausap. Hindi ko alam kung ano'ng problema n'ya pero ramdam kong mayro'n."

"Then talk to her." Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Ace at tiningnan siya.
"Papuntahin mo s'ya rito para makapag-usap kayo." Pinahid niya 'yong luha sa pisngi
ko at saka siya ngumiti. "Bukal man sa puso n'ya ang paghingi ng tawad o hindi—
patawarin mo."

"Pero hindi naman 'yon gano'n kadali, hubby. Hindi ko pa siya kayang patawarin.
Hindi ko makakalimutan 'yong ginawa niyang pakikialam sa problema na dapat ako ang
aayos."

"Listen, wifey." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at tiningnan ako sa mata.
"Forgiveness brings a kind of peace that helps you go on with life. Isipin mo na
lang, hangga't hindi mo s'ya pinapatawad, mahihirapan ka rin dahil may galit kang
dala sa dibdib mo. Mabibigatan ka lang lalo dahil sa tuwing maiisip mo s'ya,
magagalit ka at maiinis. Pero kung papatawarin mo s'ya, mas gagaan ang pakiramdam
mo. I know it's not easy, but trust me, wifey. You might even find compassion and
understanding. Mas masarap magpatawad kaysa magtanim ng galit—lalo na kung mahal mo
'yong tao." Tumulo ang luha ko dahil sa sinabi ni Ace. Ang dami biglang pumasok sa
isip ko. Naalala ko 'yong pag-uusap namin sa apartment noong sinabi niyang matagal
na niya akong pinatawad sa nagawa ko sa mommy niya. Pati 'yong mga ginawa sa 'kin
ni lola na nagpasama sa loob ko bigla kong naalala. Pakiramdam ko tuloy
nagpapahiwatig si Ace na kailangan ko na rin magpatawad. Hindi lang kay Ryza,
kun'di pati kay lola.

Dahan-dahan akong tumango at bahagyang ngumiti. Pinahid niya ulit ang luha ko bago
ako magtext kay Ryza.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at hinawakan ang pisngi niya. Dahil sa mga sinabi
niya nakapag-isip ako. "Thank you, hubby."

"Always, wifey." Ngumiti siya at saka nagpaalam na maliligo. Dumiretso siya sa


banyo kaya dinampot ko ulit ang cell phone ko para naman itext si mama at
kumustahin siya. Ilang segundo lang ang lumipas noong tumunog ang cell phone ko at
makita ang pangalan ni mama sa screen. Agad ko 'yon sinagot.

Nagkumustahan lang kami hanggang sa humaba ang usapan. Sinabi niyang hindi niya ako
madalaw kahit gustuhin niya dahil binabantayan niya raw si lola sa mansyon. Simula
raw kasi noong umalis ako ro'n hindi ito masyadong lumalabas sa kwarto. Dinadalhan
na lang daw ni mama ng pagkain para doon kumain. Bigla tuloy akong nalungkot.

"Ma...kung dadalawin ko ba si lola, makakaalis ako nang maayos sa mansyon? Hindi ba


ulit ako pipigilan ng mga gwardya?"

"Hindi, anak. Tapos na. Okay na lahat."

"Tapos? Ano po ibig n'yong sabihin?"

"Saka ko na lang ipapaliwanag sa'yo anak kapag nagpunta kayo rito ni Ace. Pero wala
ka ng dapat ipag-alala. Okay na ang lola mo. Ang totoo n'yan, nagtext ako kay Ace
kahapon pa. Sinabi ko sa kan'ya na gusto s'yang makausap ni mama. Pero ang sabi ng
asawa mo, hihintayin n'ya lang daw muna na maging okay ka bago kayo pumunta rito.
Inaalala ka kasi n'ya dahil sa nangyari. Baka raw hindi ka pa handa na bumalik."

"Bakit po s'ya gustong makausap ni lola?"

"Hindi ko rin alam, anak. Pero wala kang dapat ipag-alala. Mukhang nakapag-isip-
isip naman na ang lola mo. Mas kalmado na siya ngayon."

"Sige po, ma. Kakausapin ko na lang din po muna si Ace." Nang maibaba ko ang cell
phone, bumukas naman ang pintuan sa banyo. Topless at tanging tuwalya na naman ang
nakabalot sa katawan niya.

"Enjoying much the view, wifey?" panunukso niya sa 'kin kaya nag-iwas agad ako ng
tingin. Narinig ko pa siyang natawa habang palapit sa closet. Habang kumukuha siya
ng damit, sinubukan ko ulit siyang sulyapan. Pero may napansin akong mapupula sa
likod niya.

"Ano 'yang nasa likod mo?"

"Kalmot ng pusa. Malaking pusa," sagot niya habang nakatalikod pa rin. Pusa?

"Halika nga rito, patingin." Agad siyang lumapit sa 'kin habang bibit 'yong nakuha
niyang pamalit. Tinapik ko 'yong kama para paupuin siya sa harap ko. Noong makaupo
na siya, agad kong tiningnan 'yong kilod niya at bigla akong naawa at nakunsensya.
Hindi 'yon kalmot ng pusa. Kalmot ko 'yon at bakat ng mga kuko ko.

Hinawakan ko siya sa braso. "Sorry, hubby. Hindi ko sinasadya." Bumaling siya


paharap sa 'kin at hinawakan ang kamay ko. Parang gusto kong maiyak sa sobrang
daming bakas sa likod niya. Feeling ko ang sakit no'n, baka hindi lang niya
nagawang magreklamo. "It's okay, wifey. Tulad nga ng sinabi mo—i'ts worth the
pain."

"Pero ang dami..."

"Okay lang. Itatali ko na lang 'yong kamay mo sa susunod." Kinindatan niya 'ko
sabay nakaw ng halik sa labi ko. Tumayo siya at humakbang pabalik sa closet.
Binuksan niya 'yong cabinet sa bandang ibaba at naglabas ng neck tie 'tsaka siya
lumapit sa 'kin. "Give me your hands."

Nagsalubong naman ang kilay ko. "Bakit?"


"Ipapakita ko lang sa'yo kung paano 'yong tali na sinasabi ko. Don't worry,
tatanggalin ko rin agad." Umupo siya sa tabi ako at inabot ko naman sa kaniya 'yong
kamay ko. Pinagdikit niya 'yon nang maayos at ipinaikot do'n 'yong neck tie niya.
"Tell me kapag masyadong mahigpit." Wala sa sariling tumango ako habang nagsisimula
na siyang ibuhol 'yon. "Done." Nag-angat siya ng tingin sa 'kin at saka ngumiti.
"Now, subukan mong alisin ang kamay mo sa pagkakatali. Subukan mong paghiwalayin."

Sinubukan kong paghiwalayin at hugutin ang kamay ko pero ayaw. Medyo mahigpit kasi,
pero hindi naman nasasakal ang kamay ko. "Ayaw, hubby."

"Okay, good." Bigla siyang tumayo at lumapit sa pintuan at saka niya 'yon ini-lock.
Humakbang siya palapit sa 'kin habang nakangiti kaya parang kinabahan ako. Parang
may mali yata.

"Tanggalin mo na 'to, hubby." Inangat ko 'yong kamay ko sa harap niya.

Sumampa naman siya sa kama at inilapit ang mukha niya sa 'kin, habang 'yong kanang
kamay niya gumagapang pataas sa hita ko. "Laters, wifey." He caught my lips,
kissing me hard and making my lips burn.

At bigla kong na-realized...na-scammed niya ako.

Chapter 59 - Ace Scammer Lee

KEYCEE'S POV

Our lips stuck together like magnets to metal. He's kissing me passionately, at
first. Then, I felt his tongue slowly invade it's way into my mouth. He began to
draw circles on my tongue with his, and I tasted mint. Para na naman akong
mababaliw. Nakakalunod.

Bumaba 'yong halik niya sa leeg ko habang ang kanang kamay naman niya ay nakatawid
na sa loob ng bathrobe na suot ko at humahaplos sa hita ko. Ang kaliwa naman ay
nakasuporta sa gilid para hindi ako masyadong mabigatan. How sweet.

"Sabi mo tatanggalin mo rin agad?" He leans up to look at me.

"Well, I...uh..." ngumiti siya sabay bulong, "It's a prank."

"Hubby!" reklamo ko pero tinawanan niya lang ako. Umalis siya sa ibabaw ko at saka
niya kinalag 'yong tali ng bathrobe kong suot. Pilit ko namang hinihila 'yong kamay
ko para makawala sa neck tie niya. Pero ayaw talaga. Bakit ba kasi ako pumayag
magpatali? Bakit ako naniwala sa kaniya? Hinawi niya 'yong bathrobe sa katawan ko.
"Ace!" Kahit nakatali ang kamay ko, pilit kong inabot 'yong tela ng bathrobe sa
gilid para itakip ulit 'yon sa 'kin. Wala kasi akong suot na bra, underwear lang.

"Why cover it? Nakita ko na rin naman lahat." Natawa siya nang bahagya at muling
hinawi 'yong tela sa katawan ko. "Let me admire the view, wifey. You're gorgeous,
don't worry." Nag-init ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko pulang-pula
ang pisngi ko. "You're blushing." Ngumisi ulit siya sa 'kin.

"Stop it, Ace! Hindi ako natutuwa!" singhal ko sa kaniya.


"Gusto mong matuwa? Okay. Let me take care of it." Nakangiti siyang bumalik sa
ibabaw ko at muling inangkin ang labi ko. Para namang may sariling isip 'yon dahil
kusang gumaganti ng halik sa kaniya. Naramdaman ko tuloy ang pagngiti niya habang
hinahalikan ako. Inaasar n'ya 'ko. Buwisit! Bumaba 'yong halik niya sa leeg ko and
I turned my head to give him more access. His cold hand touching and massaging my
warm breasts brought a delighted shiver down my spine as I arched my back and a
soft moan slipped my mouth.

Napapikit ako dahil sa ginagawa niya at kasunod no'n ang mahina ulit niyang
pagtawa. Alam kong inaasar n'ya talaga 'ko! Kinuha niya 'yong kamay kong nakatali
at itinaas sa ulunan ko. "Stay your hands up there, wifey." Hindi ako kumibo pero
nanatili lang 'yong kamay ko sa taas tulad ng sabi niya. Nagsimula ulit ang
paghalik niya sa leeg ko pababa sa collar bone, sa dibdib at tiyan hanggang sa
puson. Instantaneously, my body began to melt as the hanger continued to
overpowered my thoughts.

He begin to pull down my panties but paid no attention to it. I was so lost in the
feelings and sensations of his lips against my skin. Nagsimula na rin bumalis ang
paghinga ko at parang kakapusin na naman ako ng hangin.

Pinaghiwalay niya ang mga binti ko kaya agad ko siyang sinulyapan. Tiningnan niya
rin ako at nginitian bago niya hawakan 'yong shamburut ko.

"Ace..." Agad kong pinagdikit 'yong mga hita ko kaya naipit 'yong kamay niya sa
gitna. Binaba ko na rin 'yong nakatali kong kamay at ipinatong sa tiyan ko. "Ayoko
na. Kalagan mo na 'ko."

"I will. Later." Natatawang pinaghiwalay niya ulit 'yong mga mga hita ako at dahan-
dahan siyang yumuko ro'n. Nakaramdam ako ng kiliti noong maabot ng bibig niya si
shamburut kaya agad kong naikom ulit ang mga hita ko, dahilan para maipit ang ulo
niya. Natawa ako nang bahagya noong mag-angat siya ng tingin sa 'kin habang
nakaipit pa rin siya sa pagitan ng mga hita ko. Hinawakan niya 'yong magkabilang
tuhod ko at pinaghiwalay ulit 'yon para makasisid siya. Pero tulad kanina, nakiliti
na naman ako sa paglalaro ng dila niya ro'n kaya inikom ko na naman ang mga hita ko
at naipit ulit siya. Bumuntong-hininga siya at pinaghiwalay ulit 'yon para makawala
ang mukha niya. Nag-angat siya ng tingin sa 'kin at bahagya akong nginitian. "Gusto
mo rin ba na itali ko ang mga paa mo sa magkabilang dulo ng kama? Sabihin mo lang,
wifey. Madali akong kausap," banta niya sa 'kin.

Wala sa sariling napailing ako. "Ayoko."

"Good." Yumuko ulit siya at itinuloy ang ginagawa sa pagitan ng mga hita ko.
Nagsunud-sunod ulit ang paghinga ko dahil sa kakaibang pinaparamdam niya sa 'kin.

"Ace..." Naabot ko 'yong buhok niya kaya napasabunot ako roon kahit na magkadikit
at nakatali ang mga kamay ko. "Hubby..." Alam na alam niya talaga kung paano ako
baliwin. Umangat nang bahagya 'yong likod ko dahil ayaw niyang tumigil sa pagkain
sa 'kin. Noong naramdaman niya na iikom ulit ang mga hita ko dahil sa kakaibang
nararamdaman ko, agad niya 'yon pinigilan gamit ang mga kamay niya. Hindi siya nag-
aangat ng tingin sa 'kin at patuloy pa rin sa ginagawa. Shemay! "Ace, please..."
Nakapikit ako habang nakasabunot sa kaniya. Napadilat lang ako nang maramdaman ko
siyang tumigil.

"Please, what?" Narinig ko siyang tumawa nang mahina kaya nagbaba ako ng tingin sa
kaniya. Nakatitig siya sa 'kin at nakangiti na parang nang-aasar. Hindi ko rin alam
kung bakit ko 'yon nasabi at kung ano'ng ibig kong sabihin. "Tigil na ba 'ko?"
nanunukso niyang tanong. Hindi ako nakakibo. Pinadulas niya 'yong kamay niya sa
hita ko pababa sa pinakasentro. "Tell me what you want, wifey. I will give it to
you." He chuckles as he started to play his finger on my sensitive area. Kinagat ko
naman ang ibabang labi ko habang nakapikit para pigilan ang ungol na gustong
kumawala sa labi ko dulot ng ginagawa niya sa 'kin. Mababaliw na yata ako!

Tumigil siya sa ginagawa kaya nagbaba ulit ako ng tingin sa kaniya.

"Bakit?" ka huminto? Inalis niya 'yong towel na nakabalot sa baywang niya at agad
na pumwesto sa ibabaw ko.

"Wrap your legs around me." Tinitigan ko muna siya sandali bago ko sinunod ang
sinabi niya. Dahan-dahan kong inangat ang mga binti ko at pinalupot sa baywang
niya. Kinulong ko siya ro'n at napangiti naman siya. "Good girl." Umayos siya at
itinapat sa entrance ko 'yong saging—I mean 'yong hotd— 'yong alaga niya pala. Pero
hindi siya pumasok sa loob. Nagsimula siyang gumalaw nang dahan-dahan, up and down,
habang nakatapat sa entrance ni shamburut. At feeling ko gusto ko siyang sapakin
dahil sa pagpapahirap niya sa 'kin. Kanina pa niya ako binibitin! Tinutukso niya
lang ako lalo sa paggalaw niya sa ibabaw ko habang nakatapat lang do'n sa lagusan
ng encantadia. Alam niya rin na kanina pa ako nanlalagkit sa sarili ko sa ibaba
pero parang tuwang-tuwa pa siya.

Wala ba siyang balak? Iniskam n'ya ba ako para iskamin lang ulit?

Hahalikan niya sana ako pero agad kong iniwas ang labi ko. Naiinis ako! Kahit
nakatali 'yong kamay ko sinubukan ko siyang itulak sa dibdib. Napansin niya ang
pagbabago sa mood ko kaya tumigil siya sa paggalaw sa ibabaw ko. Doon ko na siya
itinulak papunta sa kabilang side. Pinilit kong bumangon kahit nakatali ang kamay
ko.

"Kalagan mo 'ko!" inis kong sabi at saka ko siya tiningnan nang masama.

"Bakit?" Hindi pa rin nawawala sa labi niya ang mapanuksong ngiti. Napakagat naman
ako sa labi ko nang makaramdam ako ng sakit ng puson.

"Kung ayaw mong pumasok—lalabas ako! Maiwan ka rito!" Sa halip na sagutin at


kalagan ako, tiningnan niya lang ako habang nagpipigil ng tawa. Para akong maiiyak
sa inis sa kaniya kaya kahit nakatali ang kamay ko sinikap kong bumaba sa kama para
iwanan siya. Pero agad niya akong nahabol at binuhat ako pabalik. "Ibaba mo 'ko,
Ace! B'wisit ka! Naiinis ako sa'yo!" Pahiga niya akong ibinaba sa kama at saka niya
'ko tinitigan habang nangingiti. "Huwag mo 'kong ngitian!"

"I'm sorry, wifey. I'm just...testing you." Kinalag niya 'yong neck tie sa kamay ko
at hinagis 'yon sa gilid.

"Testing? And what did you find out?" Tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Marupok ka, wifey." Tumawa siya nang bahagya at saka bumalik sa ibabaw ko.
Pinaghiwalay niya 'yong mga binti ko gamit ang isang kamay niya. "Okay lang maging
marupok, basta sa 'kin lang, ha?" Nainis ako lalo nang kindatan niya 'ko.

"Marupok? Huh! Tigilan mo 'ko kung ayaw mong ibaon kita sa labas!" Bumaba 'yong
kanang kamay niya sa manhood niya at itinutok 'yon sa lagusan ng encantadia.

"No need, wifey. Ako na magbabaon sa sarili ko—sa'yo nga lang." Kasabay no'n ang
dahan-dahan niyang pagpasok kaya hindi ko na siya nasagot.

"Uh, aw..." Bakit ang sakit pa rin? Hindi ko mapigilang mapapikit at kumapit sa
braso niya dahil ramdam ko pa rin 'yong sakit. Hirap mag-adjust si shamburut sa
size niya.

"Do you remember what I told you?" Napadilat ako sa tanong niya, sakto namang
nakapasok na siya sa 'kin. "That I don't need to force everything coz you'll be
begging me." He smirked at me before he started to move in and out.

"Okay lang na mang-scammed ka, basta sa 'kin lang din, ha?" Hinawakan ko 'yong
magkabilang pisngi niya at inabot ang labi niya habang patuloy siya sa paggalaw sa
ibabaw ko.

"Sure, wifey!" He was gentle at first hanggang sa bumilis na siya.

"Hubby..." Pilit ko namang sinasara ang bibig ko para pigilan ang pag-ungol dahil
nahihiya ako sa kaniya. Baka akala niya gusto ko 'yong ginagawa niya. Well...I...I
do like— oo na nga lang!

"Sa klase ko lang...ayaw...ng maingay...pero dito... kahit sumigaw


ka...wifey...okay lang." He said in between his heavy breathings habang patuloy sa
pagbayo. At hayun nga, hindi ko na napigilan dahil napa-ungol na 'ko at gano'n din
siya. "I...love...you...wifey! Uhh!"

"I...love you...too, Ace...Scammer...Lee!"

And we make love until twelve noon. Di naman namin ramdam ang init ng panahon dahil
sa aircon.

***

Katatapos kong maligo at nagbubuklat ako ng damit sa closet ni Ace. Kapag nasa
bahay, mas gusto kong isuot ang malalaking t-shirt niya. Wala naman siyang angal
kaya hinayaan niya lang ako.

"Hubby, nagugutom na 'ko," baling ko sa kaniya pagkatapos kong isuot 'yong kulay
puting t-shirt niya. Simula kasi kanina pagkatapos namin, hindi pa kami lumabas ng
kwarto. Almusal pa lang ang kinain namin tapos pinagod niya pa ako nang husto.
Scammed na nga 'yong sinabi niyang aalagaan niya ako sa maghapon tapos na-scammed
pa niya ulit ako sa pagtali ng kamay ko. Sobra tuloy ang pagod at gutom ko.

"Hindi ka kasi kumain, wifey. Kaya nagugutom ka," sagot niya sa 'kin. Nakahiga siya
sa gilid ng kama. Cotton shorts lang ang suot at walang pang-itaas.

"Hindi pa naman talaga tayo kumakain, ah!"

"Kumain na 'ko. Ikaw ang hindi kumain."

"Ano'ng kinain mo?" Kumunot ang noo ko habang nakatitig sa kaniya. Nakangiti lang
siya at hindi sumasagot kaya binalik ko muna ang tingin sa salamin para ayusin ang
buhok ko. Naramdaman ko naman siyang tumayo sa kama at naglakad palapit sa 'kin.
Yumakap agad siya sa baywang ko at bumulong sa tainga ko. "Vitamin V." Lalong
nagsalubong ang kilay ko habang nakatingin sa repleksyon niya sa salamin. Hindi ko
alam kung ano'ng sinasabi niya.

"Ano'ng vitamin v? Wala ka naman ininom na gamot kanina, ah?"

Natatawa naman siyang kumalas sa 'kin. "Nevermind, wifey. 'Wag ka ng mag-isip baka
mapasma pa utak mo."

"Mano kasing sabihin mo nang maayos, in a way na maintindihan ko. Hindi tayo pareho
ng utak, hubby. 'Yong utak mo parang kulay berde yata. 'Yong sa 'kin, fresh and
100% pure organic. No chemicals and no preservatives added!" pang-aasar ko sa
kaniya.
"Stay innocent, wifey. Mas natutuwa ako sa'yo kapag wala kang alam." Nginitian niya
ulit ako at saka siya naglakad papunta sa banyo. Sinabihan niya ako na gumayak
dahil lalabas daw kami after niya maligo.

***

Nagpunta kami sa isang restaurant at doon kumain. Pagkatapos, dinala naman niya ako
sa mall. Nakasuot ng shades si Ace at facemask para hindi raw makita 'yong pasa at
sugat niya sa mukha.

Pumunta kami sa bilihan ng mga damit at sinabi niyang ituro ko lang lahat ng gusto
ko at siya na ang bahala. Binanggit niya rin sa 'kin 'yong pag-alis namin next week
dahil magce-celebrate raw kami ng anniversary for one week kaya tumingin na raw ako
ng mga damit na gusto kong baunin. Alam niya kasi na 'yong ibang damit ko nasa
bahay namin ni mama at 'yong iba naiwan naman sa apartment kaya wala akong
masyadong damit sa bahay niya.

Bawat mapili kong dress, ipinapasukat niya sa 'kin. May nag-aasikaso sa 'kin na
dalawang staff sa pagsusukat ko at lalabas naman ako sa fitting room para ipakita
'yon kay Ace. Kapag hindi niya nagustuhan, pinagku-krus niya ang dalawang hintuturo
niya. Kapag okay naman sa kaniya, thumbs up.

Pagkatapos namin mamili ng dress, sapatos at sandals naman ang sumunod. Agad akong
naakit sa mga heels na matataas ang takong kaya 'yon ang mga tinuro ko sa saleslady
para makuhanan niya ako ng size. Kaso nang mapansin ni Ace na puro heels ang pinili
ko, agad niya akong nilapitan.

"Huwag 'yan. Mga flats lang." Agad naman akong napatingin sa kaniya pati na rin ang
saleslady na nag-aasikaso sa 'kin. At medyo nainis ako dahil titig na titig siya
kay Ace. Kahit na kasi naka facemask, g'wapong-g'wapo pa rin siya.

"Bakit? Ang gaganda kaya nito! Gusto ko nang may takong, hubby."

"Kung gusto mo nang may takong, maximum one inch lang. Ayoko nang mas mataas pa
ro'n."

"Bakit? Ako naman ang magsusuot, hindi ikaw."

"Hindi ka p'wedeng magsuot nang may takong kapag nagbuntis ka na. Delikado."
Natulala ako sa sinabi niya sabay nabitawan ko ang isang pares ng heels na hawak
ko. Bumaling naman siya sa saleslady sa tabi ko. "Miss, lahat ng one inch heel na
mayroon kayo ilabas mo and we'll take it."

"Yes, sir." Agad na sumunod 'yong babae at iniwan na kami ni Ace.

"Hubby..." kumapit ako sa damit niya at bahagyang nanginginig ang mga kamay ko.
"Kinakabahan ako," mahina kong sabi. Agad naman siyang nagbaba ng tingin sa 'kin.

"Saan?"

"Na mabuntis." Bahagya niya akong tinawanan at saka niya kinuha ang kamay ko na
nakakapit sa damit niya at saka niya 'yon pinisil.

At kahit naka facemask siya, halatang-halata na nakangiti siya. "You shouldn't be


nervous, wifey. Just thinking about having my Faith, Hope and Love Lee—It excites
me." Napabuntong-hininga na lang ako dahil ayoko na muna 'yon pag-usapan. Though,
nabanggit na niya sa akin na gusto na niyang magka-anak, kinakabahan naman ako.
Para kasing nakakatakot manganak.
Pagkatapos bayaran ni Ace lahat ng napili ko, sa mga bags naman kami nagpunta. Pero
hindi ako mahilig sa bag kaya dalawa lang ang itinuro ko. Sling bag na white at
black naman 'yong isa.

Noong makuha namin lahat ng pinamili, inaya niya muna ako sa parking lot para
ilagay raw muna 'yon sa sasakyan. Bumalik ulit kami sa loob ng mall pagkatapos
dahil baka raw may maisip pa akong bilhin. Pero nahihiya na 'ko kasi ang laki nang
binayaran niya kanina. Kahit no limit 'yong card niya, ayokong mang-abuso.

Habang naglalakad kami sa loob ng mall hawak niya 'yong kamay ko. Napaisip naman
ako dahil hindi ko alam kung ano'ng ireregalo ko sa kaniya sa anniversary namin.

"Hubby, ano'ng gusto mong regalo sa anniversary natin? Nahihirapan akong mag-isip,
e." Ang hirap kasing mag-isip ng regalo lalo na't parang nasa kaniya na ang lahat.
Parang wala naman siyang kailangan pa.

"Huwag mo nang pahirapan ang sarili mo sa pag-iisip, wifey. Ikaw lang naman ang
gusto kong regalo. Samahan mo na rin ng magilas-gilas na performance para naman may
ambag ka kay Faith, Hope at Love ko."

To be continued...

P'wede po bang pa-vote and comment naman. Huhu. Char! :)

Chapter 60. Question & Answer

KEYCEE'S POV

Unang araw namin sa hotel para i-celebrate ang aming wedding anniversary.

Pero simula umaga hanggang ngayong hapon ay nasa labas kami ni Ace. Nag-beach kami
pero siya lang yata ang nag-enjoy dahil hindi naman ako marunog lumangoy. Wala
akong hilig sa water activities, hindi katulad niya.

Kanina pa kasi siya nag-eenjoy sa tubig. Kaninang umaga ay nanawa siya sa surfing.
Noong tanghali ay parasailing. After namin mag-lunch at makapahinga, water skiing
naman ang inatupag niya.

"Wifey, come on! Hindi ka mag-eenjoy kung uupo ka lang d'yan at papanoorin ako."
Lumapit siya sa 'kin at kinukulit na naman ako na lumusong sa tubig. Nakasuot siya
ng rash guard na kulay itim at gano'n din ako. Ayaw niya kasi akong pagsuotin ng
bikini at baka sa halip daw na mag-enjoy siya ay mapaaway lang.

"Huwag kang mag-alala, nag-eenjoy akong panoorin ka, hubby." Ngumiti ako sa kaniya
at ang loko, kinilig naman.

"Halika, doon tayo." Itunuro niya 'yong tubig kaya agad akong umiling.

"Ayok—AAAAH! Ace, ibaba mo 'ko!" Nagulat ako sa pagbuhat niya sa 'kin. Hindi buhat
na parang bagong kasal, kun'di nakasablay ako sa balikat niya. "Ayoko! Natatakot
ako! Hindi ako marunong lumangoy!" Pinagpapalo ko ang likod niya pero tinatawanan
niya lang ako.

"It's okay, wifey. Hindi ka malulunod sa tubig—sa pagmamahal ko lang." Ay,


walang'ya! Kinilig pa 'ko nang very light kahit nakatuwad sa balikat niya.

Ibinaba niya ako sa tubig at kapit na kapit pa rin ako sa kaniya kahit na hanggang
hita ko lang naman ang lalim.

"Ayoko rito, hubby. Tara na."

"Sumakay ka sa batok ko, dali." Tumalikod siya at naupo sa harap ko para maabot ko
siya. At ako naman si utu-uto, pumasan nga sa batok niya without knowing na plano
niya palang pumunta sa malalim.

"Ace! Ace! Ace! Balik! Bumalik ka!" sigaw ko sa kaniya nang humakbang siya nang
humakbang hanggang sa marating namin ang lalim na hanggang dibdib niya. Nakasabunot
ako sa buhok niya para doon kumapit.

"Wifey, relax! Hindi ka mamamatay rito!" Tawa pa rin siya nang tawa. Ilang saglit
pa ay unti-unti niyang inilubog ang sarili sa tubig.

"Ace fucking Lee!" Napasigaw ako sa inis bago ako tuluyang lumubog din. Para akong
mamamatay habang nasa ilalim kami ng tubig. Agad naman akong hinawakan ni Ace at
iniahon para makahinga. Yumakap ako sa kan'ya at ikinapit ang mga binti ko sa binti
niya para hindi ako lumubog dahil hindi ko abot ang lupa sa ilalim. "Ano ba! Sabi
ko natatakot ako tapos inilubog mo pa 'ko! Get me out of here bago pa 'ko mainis
sa'yo!" Natatawa naman siyang binuhat ako pabalik sa cottage. "Kung nagkataong
nalunod ako, mabubyudo ka nang maaga!" singhal ko sa kaniya.

"You think hahayaan kitang malunod? Gusto lang kitang mag-enjoy kaya kita dinala
ro'n. Kaysa naman pinapanood mo lang ako." Inabot niya sa 'kin 'yong buko na may
nakatusok na straw pero agad ko 'yon tinanggihan.

"Saging gusto ko." Agad siyang napangisi sa sinabi ko dahil iba na naman ang
tumatakbo sa utak niyang berde.

"Saging ko?"

"Tigilan mo 'ko, hubby. Utang na loob, mahabag ka sa 'kin kung ayaw mong malumpo
ako nang maaga!" Inirapan ko siya sabay hablot sa saging na nasa mesa, sa harap
namin. Agad ko 'yon binalatan at nilantakan. Pero kada subo ko ay nginingisihan ako
ni loko. "Ano na naman? Gusto mo na naman maging saging? Sige. Hindi na kita
pipigilin. Payag na akong maging saging ka. Basta siguraduhin mo lang na marami
kang ibubunga kung ayaw mong tabasin kita!"

"Wifey, bakit ang init ng ulo mo sa 'kin ngayon? Kaninang umaga ka pa gan'yan.
Hindi mo na ba 'ko mahal?" Ngumuso pa siya na para bang inapi ko. At tama rin siya
dahil kaninang umaga, bago kami bumiyahe ay mainit na ang ulo ko sa kaniya. Habang
kumakain kasi kami ng almusal sa bahay, nag-request ako ng corn soup kay Yaya
Miranda. Inilagay niya 'yon sa medyo malaking mangkok at nagbalat ako ng saging
para gayatin at ilagay ro'n sa soup. Kaso mukhang na-curious siya sa lasa no'n kaya
tinikman niya nang hindi nagpapaalam sa 'kin at nilimas pa 'yong saging na ginayat
ko. Dahil do'n nabadtrip na 'ko at hindi ko na tinikman 'yong soup, tinitigan ko
lang 'yon hanggang sa matapos akong kumain.

"Mahal—hindi na pala. Nawala 'yong pagmamahal ko sa'yo noong inilubog mo 'ko sa


tubig. Sumama sa alon." Kumagat ulit ako sa saging habang nakatanaw sa malayo.

Bahagya siyang napangiti sabay sabi ng, "Knock, knock."

At wala sa sariling napasagot naman ako ng, "Who's there?"


"Who."

"Who who?"

"Bakit ka umiiyak?" Tatlong segundo lang ang lumipas bago ako napahalakhak. Na-gets
ko kasi bigla. Walang'ya! Nawala bigla 'yong inis ko dahil do'n.

"Knock, Knock!" ulit niya.

"Who’s there?" sagot ko habang nakangiti pa rin at nakatingin sa kaniya.

"Novel."

"Novel who?"

"Novel…that’s why I knocked!" This time hindi ako natawa, napangiti lang.

"Better luck next time, hubby," pang-aasar ko pa sa kaniya.

"Knock, knock."

"Who’s there?" Kahit na medyo corny ay itinuloy ko lang ang pagsabay sa kaniya.

"Cow says."

"Cow says who?"

"No, a cow says 'mooooo'." Natawa ulit ako nang bahagya dahil sa kalokohan niya.
"Again. Knock, knock."

"Who's there?"

"Hawaii."

"Hawaii who?"

"I'm fine. Thank you." Isusubo ko sana ulit 'yong saging no'ng bigla akong natawa.
B'wisit! Alam na alam niya talaga kung paano alisin ang badtrip ko sa kaniya.
"Knock, knock."

"Who's there?"

"Aw." Hindi muna ako sumagot at bahagyang nag-isip. Aw who? Agad akong napangiti
pero sinabayan ko nang pag-irap noong ma-gets ko 'yon.

"Ayoko na. Gagawin mo pa 'kong asong ulol!" Siya naman ang natawa sa sinabi ko.
"Oh, ako naman, hubby. Knock, knock."

"Who's there?"

"Leaf."

"Leaf who?"

"Leaf me alone!" sabay bato sa kaniya no'ng balat ng saging. Natatawa akong tumayo
para iwan siya sa cottage at bumalik sa hotel pero agad niya akong nasundan.

"Wifey, may tanong ako. Last na." Inakbayan niya ako habang naglalakad kami.
"Basta 'wag lang Math."

"Hindi. Alam ko namang bopis ka ro'n—AAAGH!" Natigilan siya nang sikuhin ko siya sa
tiyan.

"Ilakas mo pa. May mga tao sa paligid," I said through greeted teeth.

"Ano'ng kulay ng hagdan sa pulang bungalow?" natatawa niyang tanong sa 'kin habang
patuloy kami sa paglalakad.

"Malamang pula." Natahimik siya sa sagot ko kaya tiningala ko siya.

"Wifey, isipin mong mabuti. Uulitin ko 'yong tanong, palawakin mo utak mo." Gusto
kong mainis dahil parang nainsulto ako sa part na palawakin ko raw ang utak ko.
"Anong kulay ng hagdan sa pulang bungalow?" he asked again.

"Pula 'yong bungalow, edi pula rin! O kaya brown, baka hindi pa napinturahan."
Natawa siya sa sinabi ko bago niya sabihin ang sagot.

"Wifey, isipin mo naman kasi, may hagdan ba sa bungalow? Wala naman, 'di ba?"

Nilingon ko rin siya at sinamaan ng tingin. "Isipin mo rin, hubby. Alam mo pala na
walang hagdan sa bungalow, bakit mo pa tatanungin kung ano'ng kulay ng hagdan do'n!
Palawakin mo rin ang utak mo minsan!" singhal ko sa kaniya. Aambaan ko sana siya ng
sipa pero agad siyang nakalayo.

"Ito, wifey, last na talaga!" Lumapit siya sa 'kin habang natatawa. "May dalawang
magsyota. Nag-decide silang maligo sa ulan. Ang tanong, bakit hindi sila nababasa?"

"Nagpayong sila." Bigla siyang humalakhak kaya binago ko ang sagot ko. "Nagsuot ng
kapote."

"Mali, wifey. Kasi nag-decide lang naman sila. Hindi naman sila talaga naligo."
Huminto ako sa paglalakad at sinamaan ulit siya ng tingin. "Okay, ulitin natin.
Bibigyan kita ng chance. May dalawang magsyota. Nag-decide silang maligo sa ulan.
Ang tanong, bakit hindi sila nababasa?"

"Kasi nag-decide lang naman sila. Hindi talaga sila naligo!" I copied his answer.

"Mali. Hindi naman kasi natuloy umulan." Humalakhak siya at agad na lumayo sa 'kin
dahil alam niyang hahampasin ko siya. Siraulo talaga. "Ito pa wifey, makinig kang
mabuti. Logic tayo. Ang eroplano na mula sa Pilipinas ay nag-crashed sa dagat sa
pagitan ng bansang Japan at katabing bansa nito. Saan dapat ilibing ang mga
survivors?"

"Sa Pilipinas."

Natawa siya bigla. "Mali."

"Sa Japan."

"Mali pa rin, wifey. Use your coconut," natatawa siyang lumapit at ipinalupot ang
kamay sa baywang ko. Napaisip naman ako. Saan ba dapat ilibing?

"Ah! Alam ko na!" nakangisi akong humarap sa kaniya. "Sa sementeryo!"

Bigla siyang nagpigil ng tawa kasabay ng pagbuntong-hininga. "Wifey, uulitin ko ang


tanong, ha? Mag-isip kang mabuti. Hindi p'wedeng puro ganda lang." Gusto ko sanang
mainis at sungitan siya kaso tuluy-tuloy ang pagtatanong niya. "Ang eroplano na
mula sa Pilipinas ay nag-crashed sa dagat sa pagitan ng bansang Japan at katabing
bansa nito. Saan dapat ilibing ang mga survivors?"

Tumahimik ako at nag-isip sandali. Kung nag-crashed 'yon sa dagat... "Alam ko na!"
nakangiti ulit akong bumaling sa kaniya. "Sa dagat nag-crashed kaya baka doon na
rin sila nilibing."

"Sure ka na d'yan? Hindi na ba titino ang sagot mo? Hanggang d'yan na lang ang kaya
ng brain cells mo?"

Nakasimangot naman ako. "Matino naman ang sagot ko, ah! 'Yong nagtatanong lang
naman ang hindi matino!"

Huminto siya sa harap ko at tiningnan ako habang nagpipigil ng tawa. "Wifey, isipin
mo ngang mabuti. Kung isa ka ro'n sa mga survivors, gugustuhin mo bang
magpalibing?"

Natigilan naman ako at napaisip 'tsaka ko binalikan ang tanong niya kanina.

"Walang'ya naman kasi, hubby! Bakit itatanong mo pa kung saan ililibing, e,


survivors na nga! Ikaw ang may problema sa ating dalawa, hindi ako!" Inirapan ko
siya 'tsaka ako nagpatuloy sa paglalakad.

"Ito wifey, last—"

"Ayoko na! Maawa ka sa brain cells ko, hubby! Kumikirot na sila!" putol ko sa
kaniya. "Tigilan mo na 'ko sa mga gan'yan at baka 'yan pa ang maging dahilan ng
paghihiwalay natin. Anniversary pa naman natin ngayon."

Hindi ko alam na may side pala siyang ganito. Nito ko lang nalaman noong naging
sobrang close na namin. Kung iisipin, mukha siyang hindi marunong tumawa at magbiro
kapag nasa harap ng klase. Pero siraulo rin pala siya kapag nakilala mo na nang
husto.

"Kapag nasagot mo 'to bibigyan kita ng one hundred thousand."

Napahinto agad ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya. One hundred thousand?

"Okay. Game!" nakangiti akong humarap sa kaniya.

Lumapit siya ulit sa 'kin at hinapit ang baywang ko palapit sa kaniya. Nagpatuloy
kami sa paglalakad habang sinasabi ang tanong niya.

"Ang nakababatang kapatid ko ay kalahati nang edad ko noong six years old ako.
Ngayong sixty na ako, ilang taon na 'yong kapatid ko?"

Dahil konektado sa Math 'yong tanong niya, biglang nag-loading ang utak ko.
Pakiramdam ko humina ang signal. Pero pinilit ko pa rin mag-isip.

Kalahati ng edad niya 'yong kapatid niya noong six years old siya...so that time
three years old 'yon. Ngayong sixty na siya...thirty na 'yong kapatid niya.

"Thirty years old."

"Ayokong isipin na mahina ka sa Math, lalo na at Math teacher pa ang asawa mo.
Bibigyan kita ng oras para mag-isip ng tamang sagot. Ayokong masayang ang one
hundred thousand kaya pag-isipan mo. Kunwari na lang wala akong narinig ngayon."

"Tama naman, ah! Sabi mo six years old ka no'n at kalahati naman noong edad mo ang
edad niya, so three naman ang kapatid mo that time. Ngayong sixty ka na, dahil
kalahati ng edad mo siya, edi thirty nga! Ano'ng mali ro'n?" Nagsisimula na naman
akong mainis. Ako ba talaga ang tanga sa aming dalawa o siya?

"Mag-isip ka, wifey. I'll just pretend I haven't heard you," natatawa niya pang
sabi. "Mahina ka na nga sa Math, takot ka pa sa tubig. Ano'ng talent na lang ang
mamanahin sa'yo ng magiging mga anak natin?"

"Pasensya ka na Mr. Lee kung magandang lahi lang ang kaya kong iambag sa magiging
mga anak mo!" Muli ko siyang inirapan sabay tanggal ng kamay niyang nakapalupot sa
baywang ko. Naiinis ako!

"Biro lang, wifey." Natawa ulit siya nang bahagya at muli akong hinapit palapit sa
kaniya.

***

Pagbalik namin sa hotel, dumiretso kami sa suite na okupado namin. Pero abala pa
rin ako sa pag-iisip ng sagot sa tanong niya tungkol sa edad.

"Wifey, I want coffee. Giniginaw ako. Can you make some?" paglalambing niya
pagpasok namin sa loob ng room. Halos maghapon siyang babad sa tubig, sino ba naman
ang hindi giginawin?

"Magpalit ka muna para hindi mababad sa katawan mo 'yang basa mong damit. Igagawa
kita ng kape saglit." Agad naman siyang naglabas ng damit na pamalit. Akala ko
magpapalit na, pero dumiretso siya sa shower room para maligo saglit.

Pagkatapos niyang magbihis, agad kong inabot sa kaniya 'yong kape.

"Thanks, wifey. You can take a shower and get ready. We'll be out at 7pm."

Kumunot naman bigla ang noo ko. "Out? Sa'n tayo pupunta?"

"It's for me to know and for you to find out." Kinindatan pa niya ako na nagdulot
sa 'kin nang pananabik. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero parang na-eexcite
ako.

Till next...

☆゚.*・。゚

Naku, baka ma-scammed ulit 'tong si Keycee. Ano sa tingin niyo?

Don't forget to vote, pampagana mag-update 😁

Chapter 61. The Ring

KEYCEE'S POV

Nagmadali akong maligo para makagayak na. 6:12 PM noong tiningnan ko ang oras sa
cell phone ko, paglabas sa shower room.

Kung kanina ay nakasuot lang si Ace ng simpleng t-shirt at shorts, ngayon ay


nakabihis na rin siya na pangmalakasan ang dating. Kulay gray na coat, puting
panloob na button-down at black pants.

"Ano'ng isusuot ko?" baling ko sa kaniya habang habang tutok na tutok siya sa
kaniyang cell phone. Para siyang may katext pero hindi ko 'yon pinuna dahil tiwala
naman ako sa kaniya. Isa pa, hindi ako paranoid dahil alam kong mahal niya ako.

Nag-angat naman siya ng tingin sa 'kin bago sumagot. "Something nice but don't show
too much skin if you don't want me to take you back here and pin you to bed.
Alright?" Oh, 'di ba? Sabi ko naman sa inyo mahal niya talaga ako.

Dahil sa sinabi niya ay pumili ako ng dress na hindi masyadong revealing. Kulay
orange ang napili ko, iyon nga lang ay hindi masyadong mahaba ang manggas, ngunit
hanggang tuhod naman.

Noong nakabihis na ako ay inayos ko naman ang mukha ko pati ang buhok. Super light
make-up lang ang ini-apply ko at lip balm.

"Hubby, tingnan mo nga ako kung ano'ng itsura ko," baling ko sa kaniya. "Okay na
ba? Hindi ba 'ko mukhang nautusan lang bumili sa tindahan?" Hindi kasi ako
satisfied sa look ko, feeling ko ang pangit ko, lalo na kapag pinagtabi na kami ni
Ace. Pinagmasdan naman niya ako mula ulo hanggang paa, then balik ulit sa mukha ko
ang tingin niya. "Ano? Maganda ba 'ko?"

"Hmm. Okay na." Nagsalubong ang kilay ko sa tipid niyang pagsagot. Hindi 'yon ang
inaasahan kong marinig mula sa kaniya. Gusto kong sabihin niya kung maganda ba ako
o hindi!

"Idetalye mo sa 'kin 'yang okay na sinasabi mo! Ayoko ng gan'yang sagot!"


Sumimangot ako bigla dahil sa inis. Sumandal naman siya sa single-seater na couch
na kaniyang inuupuan at bumuntong-hininga habang nakatitig sa mukha ko.

"Dahil mahal kita, sige, masusunod." Bigla siyang tumayo at humakbang palapit sa
'kin. Pinagmasdan niya ang mukha ko at halos ilang minuto rin bago siya nagsalita.
"Listen up, wifey. The main features I’m paying attention to is the maxilla
positioning, mandible, philtrum, nasobladial angle, zygomatic structure, gonial
angle, and your face to neocranium ratio." Ang kilay ko na kanina ay magkasalubong–
biglang dumiretso dahil sa sinabi niya. Ano raw? Neocre...mation? Cremate? "You
have perfect symmetry, and your face is the ideal shape as well. Your chin is on
the slight side of being recessed, though not as dramatically. You do have a little
bit of facial fat concentrated on your lower cheeks, which goes against achieving
the facial 'S' line curve, or an ogee curve. You do have high cheek bones which is
nice." Hindi ako nakakibo dahil sa mga pinagsasabi niyang hindi ko naman
naintindihan. Titig na titig pa rin siya sa 'kin at tila inaaral bawat detalye at
sukat ng mukha ko. "An ideal gonial angle for a golden ratio face is 120–130
degrees. I think yours is around 130, and 130 degree gonial angle gives you more of
a v-shaped jawline which is attractive, giving you a more feminine and delicate
look." Scammer Lee! Tinanong ko lang naman kung maganda ako, pero bakit may math na
sa sinasabi niya! Bakit mayroon pang 130 degrees?! "Your philtrum reaches the
maximum of the ideal philtrum length for a woman which is 11–13 mm, and yours looks
around 13–14 mm which is alright. It’s not as deep or concave but it’s not convex
either, it’s slightly concave. And I believe your nasobladial angle is perfect.
Your nose is wonderful. You also possess a small forehead and a small face to
neocranium ratio."

Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi dahil sa pinagsasabi niya. Pakiramdam ko, nag-
transformed na naman ako bilang Keycee Dela Bopis.

Buwisit! Wala na nga akong naintindihan sa degrees, dinagdagan pa ng mm at ratio!


So, ano'ng gusto niyang palabasin?!

Nang makita ko na magsasalita ulit siya ay agad kong itinaas ang kamay ko sa ere
para patigilin na siya.

"Hubby, utang na loob. Stop talking. My brain is still loading, maawa ka."
Tumalikod na ako sa kaniya ngunit kasabay no'n ang mahina niyang pagtawa. Sumakit
bigla ang ulo ko. Hindi kinaya ng brain cells ko ang pinagsasabi niya. Magkakatumor
yata ako sa utak dahil sa kaniya.

Sa susunod, hindi na ako magtatanong, mas gugustuhin ko na lang tingnan ang sarili
ko sa salamin kaysa umabot pa sa punto na maging pulbura na ang utak ko. Ang hirap
pala kapag may asawa na matalino. Lalo ko lang nare-realized na bobo ako.

"Sabi mo idetalye ko?" Tanaw ko ang repleksyon niya sa salamin na bahagya pa rin
nakangiti. Ang nakalugay kong buhok kanina ay itinali ko na lang paitaas dahil sa
inis ko.

"Gusto ko lang naman malaman kung maganda ba ako o hindi. Pero 'yong sagot mo,
parang pinapamukha mo sa 'kin na hindi na nga ako maganda—bobo pa ako!" pagmamaktol
ko. "Masyado mong kina-career ang pagiging math teacher mo. Hindi ako natutuwa."

Dahil sa badtrip ko, 7:30 PM na kaming nakalabas sa suite dahil kinailangan niya pa
akong suyuin. Akala ko ay aalis kami sa hotel, pero hindi pala. Sumakay kami sa
elevator at umakyat sa 17th floor kung nasaan ang restaurant para doon mag-dinner.

Pero ang nakapagtataka ay walang ibang tao roon bukod sa amin. Restaurant 'to pero
bakit walang customer?

Nakakapit ako sa braso niya habang naglalakad kami sa loob. "Hubby, close na yata
rito. Sa iba na lang tayo."

Huminto siya at nilingon ako sabay ngiti. "For you to be comfortable, I rented the
whole place, wifey." Napatulala ako sa sinabi niya. Legit? Pero napakalaki ng
restaurant na 'to! Magkano kaya ang binayad niya?

"Magkano?" pabulong kong sabi habang iginagala ang paningin ko sa loob ng malawak
at mukhang hindi basta-bastang restaurant.

"Huwag kang mag-alala, mas MAHAL kita." Yumuko siya sandali para halikan ako sa
noo. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o maiinis dahil nag-aksaya pa siya ng
malaking halaga para maging komportable ako, samantalang ayos lang naman sa 'kin
kahit may nakapaligid sa amin dito na ibang tao.

Biglang may lumapit sa amin na waiter para i-guide kami papunta sa pwesto namin. Sa
bandang dulo niya kami dinala, sa isang private room na puro salamin ang wall kaya
kitang-kita ang maraming ilaw sa labas pati na rin ang nagtatayugang mga building.
Tanaw na tanaw rin ang kalangitan na kumikislap sa dami ng bituin. Halos hindi ako
makapagsalita dahil abala ang mata ko sa paghanga sa mga nakikita at natatanaw ko
sa labas, lalo na sa langit.

ACE'S POV

Nakatitig siya sa mga bituin sa langit, habang nakatitig naman ako sa bituin na
nasa harapan ko—mas makislap pa kaysa sa tinitingnan niya sa itaas.

Hindi ko maiwasang mapangiti dahil habang pinagmamasdan ko siya, mas lalo kong
nakukumpirma sa sarili ko na hindi ako mali sa desisyon ko noong pumayag akong
pakasalan siya.
And I thank God, because If I didn't pray and asked for his guidance that time, I
wouldn't be this happy.

Dahil ang totoo, noong mga panahon na 'yon na pinipilit ako ni lolo sa kasal, 'yon
ang araw na sobrang durog ako. Halos wala akong gana sa lahat ng bagay. Hindi
nagfu-function nang maayos ang isip ko dahil sa nangyari kay Rhian.

So I prayed and let God drive my life. And he brought me to her—to this woman
sitting in front of me now.

"Wifey, as much as I would like to sit and admire your beauty in silence, I much
prefer the beauty of your voice," nakangiti kong sabi sa kaniya. Simula kasi kanina
pag-upo pa lang namin ay hindi na siya kumibo at naka-focus na lang ang paningin
niya sa labas pati na rin sa langit.

Lumingon naman siya sa 'kin na bakas ang malaking ngiti sa labi niya. God knows how
much I wanted to taste her thin luscious lips.

"Hubby, nabanggit ko ba sa'yo na fan ako ng mga butuin?"

"No."

"Hindi ko pala nasabi sa'yo pero sobra mo 'kong napasaya ngayon." Again, she turned
her gaze back up to the skies, admiring the beauty of the shining stars.

Hindi ko alam ko kung magseselos ba ako dahil sa langit siya naka-focus gayong nasa
harap niya naman ako. Pero dahil masaya siya, napangiti na lang din ako habang
pinagmamasdan ang mukha niya. Then I remembered her question earlier kung ano raw
ba ang itsura niya.

Truth is, she looks very pretty in a unique way. For me, she looks like an angel
descended from heaven. I noticed her eyes are very prettily shaped, as well as her
eyebrows. Her heart shaped lips and puffy eyes are so cute. Her cheeks looked very
squishy. Her nose is well formed and her face is harmonious. Her pale skin shined,
has a nice body but looks way shorter. Her smile is breathtaking, looks really
sweet and kind.

Patuloy ko siyang pinagmasdan habang nakatanaw pa rin siya sa labas. "Anyway wifey,
tumawag nga pala sa 'kin ang lola mo kanina habang naliligo ka." Bigla siyang
bumaling sa 'kin. "She wanted to talk to me."

"Nabanggit na rin sa 'kin ni mama 'yan. Hindi ko nga alam kung bakit ka gustong
makausap ni lola. Kinakabahan ako dahil baka pagpunta mo ro'n, masaktan ka na naman
ng mga gwardya." Sasagot na sana ako nang lumapit sa amin ang lalaking server.

He didn't speak when he opened the bottle of red wine that was bathing in cool
water, filling up my glass slightly so that I could taste it before filling up both
of our glasses to the appropriate amount.

The server carefully placed the bottle back in its cool bath before speaking.
"Entrees will be out soon." Tumango lamang ako sa kaniya bago ito tumalikod at
umalis. I cleared my throat as I reached for the glass of wine, letting the rich
taste settle in my mouth before swallowing.

"Hindi naman siguro, wifey. Wala naman s'yang masamang sinabi. Gusto n'ya lang na
makausap ako. Pero sabi ko, pagbalik na lang natin dahil nasa bakasyon pa tayo."

"Natin? Isasama mo 'ko sa mansyon?" she asked, eyes filled with apprehension.
Inabot niya ang wine glass na nasa harapan niya pero bigla kong naalala na mahina
ang tolerance niya sa alcohol kaya agad akong dumukwang para pigilan siya sa
pagtungga.

"Water na lang sa'yo. Baka utusan mo pa 'kong pahintuin ang pag-ikot ng hotel
mamaya," biro ko sa kaniya. Inabot niya naman ang water goblet para uminom ng tubig
at saka niya ako hinarap.

"Sabi ni mama sa 'kin noong magkausap kami, okay na raw si lola. Wala ng problema.
Pero parang kinakabahan kasi ako, hubby. Feeling ko kapag pumasok ako sa mansyon,
hindi na ulit ako makakalabas. Kaya parang ayokong sumama." Bigla akong natahimik
nang maalala ko ang text ni lolo sa 'kin kanina habang nasa kwarto pa kami ni
Keycee, bago niya ako tanungin kung ano'ng itsura niya.

Lolo told me na nabalitaan niya ang tungkol sa nalalapit na kasal ni Mama Steph kay
Carlo Vivar, isang business tycoon. At mukha ngang wala pang alam si Keycee tungkol
doon. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit sinabi ng mama niya sa kaniya na wala
ng problema. Dahil siya na ang magpapakasal. Pero hindi ko pa magawang banggitin
kay Kaycee ang tungkol doon dahil baka humahanap lang ng tiyempo si Mama Steph para
sabihin 'yon sa kaniya.

I was about to open my mouth to talk when the previous server came with a heavenly
scent alongside him. He placed a plate in front of me and another in front of my
lovely wifey without uttering a word.

"Gusto sana kitang isama para maipagpaalam sa kaniya nang maayos. Pero ayos lang
din naman sa 'kin kung ayaw mo. I won't force you," baling ko sa kaniya nang muling
makaalis ang server.

"Maipagpaalam saan?" she asked, curious.

"Hindi s'ya pabor sa 'kin, 'di ba? Gusto n'ya tayong paghiwalayin. Isa pa, kinasal
din tayo nang hindi niya alam, so I wanted to talk to her, and asked for her
blessing. Gusto ko s'yang makunbinsi na hindi mo kailangan si Zen o kung sino pa
man. As long as you have me, you'll be fine and safe." Napangiti naman siya bigla
sa sinabi ko, namula rin ang pisngi nang bahagya. Kinilig yata.

Lumipas ang pa ang oras at muling bumalik ang server para kolektahin ang naubos na
naming soup at nag-served naman ng Chicken Florentine Pasta. Pero ang
pinakahihintay ko talaga na i-served sa amin ay ang dessert dahil naroon ang
surprised ko sa kaniya. Nakapaloob sa cake.

"Hubby, since nabanggit mo na rin naman si Zen...p'wede ba akong magtanong?" She


looked at me in the eye, at alam ko na agad kung ano'ng gusto niyang malaman. Hindi
pa siya nagsasalita pero nababasa ko na 'yong mata niya. It's about Zen, Rhian and
I.

"Sure, wifey." Ngumiti ako sa kaniya para maging panatag siya at komportable.
Ayokong isipin niya na gusto ko 'yon ilihim.

"Ano'ng nangyari sa inyong dalawa? At...sino si Rhian?" Sabi ko na nga ba.

"Wifey, gusto kong ikuwento sa'yo lahat. Pero ayokong masira ang gabing 'to. This
night is important to me—to us. So, let me answer that when we get back to our
suite. Would that be okay?"

Ngumiti naman siya agad sa 'kin. "Okay lang, hubby."

Ilang sandali pa, dumating na ulit ang server at inilapag na sa harap namin ang
german chocolate cake. Alam naman ng server kung alin ang sa 'kin at alin dapat ang
para kay Keycee. Hindi kasi kami p'wedeng magkapalit dahil nasa cake ni Keycee ang
singsing.

Hindi ko siya nabigyan noon ng engagement ring dahil kinasal agad kami. Kaya ngayon
ko iyon ibibigay sa kaniya at mamaya naman pagbalik sa suite, ipapasuot ko na rin
ang wedding ring niya. Alam kong iniisip niyang naiwala na niya 'yon, pero ang
hindi niya alam, itinabi ko lang noong naiwan niya sa banyo, ilang araw pa lang
matapos kaming ikasal.

Hindi pa man niya nauubos ang Chicken Florentine Pasta nang sinimulan na niyang
galawin ang dessert. Gusto ko siyang panoorin habang nilalantakan ang cake, pero
ayokong makahalata siya kaya itinuon ko na lang ang atensyon ko para ubusin naman
ang pasta sa harap ko.

Pero ilang minuto ang lumipas, naubos na't lahat ang cake sa harap niya, wala man
lang siyang naging kakaibang reaksyon.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya, dinampot niya ang water goblet at tinungga ang
tubig. Binaba ko naman ang tingin sa pinagkainan niya ng cake at nakita kong ubos
na 'yon.

Where's the f*cking ring?

Inilayo ko sa harap ko ang kinakain kong pasta at sinubukan kong tusuk-tusukin ng


tinidor ang cake na nai-served sa 'kin. Hindi kaya nagkapalit kami?

Halos nagkaluray-luray na 'yong cake sa harap ko pero wala akong nakitang singsing.
Agad ko namang kinawayan ang waiter na nag-served sa 'min. Nang malakapit siya ay
sumenyas ako para payukuin siya at makabulong ako nang maayos.

"Nasa'n ang singsing?"

"Nasa cake po ni madam," mahina niyang sagot.

"Kung naroon, bakit wala siyang iniluwa? Wala rin dito sa nai-served mo sa 'kin.
Ano'ng nangyari?" Patuloy ang pagbulong niya sa 'kin at pagpapaliwanag na hindi
kami p'wedeng magkapalit dahil may palatandaan daw silang inilagay sa cake ni
Keycee kung nasaan ang singsing. Tatlong strawberry ang nasa ibabaw no'n at mas
malalaki raw kumpara sa strawberry na nasa akin.

Mukhang nakahalata naman si Keycee sa pagbubulungan naming dalawa kaya agad siyang
nagtanong. "Bakit? Ano'ng pinag-uusapan n'yo?"

Umayos naman nang tayo ang server sa gilid ko. Nagsimula na rin akong kabahan at
mag-alala.

"Wifey, where's the ring?" seryoso ang mukha kong nakatingin sa kaniya.

"Ring? Ano'ng ring?"

"May singsing d'yan sa cake mo. Hindi mo nakita?"

"Ewan ko. Hindi naman ako ngumuya masyado dahil tinatamad ako, kaya lunok lang ako
nang lunok." Agad akong napatayo sa upuan, pahampas na bumagsak ang magkabilang
kamay ko sa mesa.

"F*ck! Nilunok mo 'yong singsing?!"


Till next...

**

Magpapalambing na naman po si author, vote and comment on your feedback . Pampagana


mag-update. :)

You might also like