You are on page 1of 8

3 Protesta kontra-APEC sa Cebu, tinapatan ng panunupil

3 Post-it protest, ikinasa kontra pagsasapribado, pagkabulok ng MRT-LRT


4 #StopLumadKillings: Kampanya kontra sa pagpaslang ng mga lumad sa
Mindanao, lumalawak
5 Kronolohiya: tumitinding atake laban sa mga lumad ng Mindanao
6 Tagapagsalita ng Karapatan Sorsogon, pinaslang
6 Gobyernong Aquino sinasabotahe ang usapang pangkapayapaan sa NDFP
6 Red-tagging sa mga miyembro ng Anakbayan SLU sa Baguio City, kinundena
7 Bureau of Customs inulan ng batikos mula sa mga OFW

SETYEMBRE 2015
UNANG EDISYON

7 Gobyerno, magtataas-pasahe sa PNR-NSPR


8 Walkout laban sa mataas na bayarin, K-12, at budget cuts sa SUCs

Salubungin ng mga protesta ang APEC 2015!


Nagsimula na ang serye ng mga pagpupulong ng Asia-Pacific Economic
Cooperation (APEC) sa ibat ibang siyudad sa bansa. Mula nitong
Disyembre ay inilulunsad na ang mga senior officials at ministerial
meetings at magtatapos ito sa taunang Economic Leaders Meeting (ELM)
sa Nobyembre sa Maynila.

na mga patakaran ang mga maliliit na


bayan at panatilihin ang kanilang paghahari
sa rehiyon. Bagamat boluntaryo at
konsensus ang mga kasunduan, nagiging
instrumento ito para sa pagtutulak ng iba
Ang APEC ay organisasyon ng 21 bansa at deregulasyon, at instrumento ito sa pang mga bilateral at multilateral na mga
sa Asya-Pasipiko kasama ang US, Japan, pagtutulak ng interes ng mga malalaking kasunduan kaagapay ang iba pang mga
China, Canada, Russia at Australia. Malaking bansa lalo na ng US at Japan.
pormal na pormasyon gaya ng WTO.
bahagi ng pandaigdigang ekonomiya ang
pinagsanib na mga bansang ito kung saan Ipinatawag ng US ang unang economic Buong pagmamalaki, halimbawa, na
matatagpuan ang 40% ng populasyon ng leaders meeting ng APEC noong 1993 ihinahayag ng APEC bilang achievements
daigdig, 50% ng pandaigdigang kalakalan at para tulungang makabwelo ang Uruguay nito ang pagpapababa ng trade barriers
60% ng gross domestic product ng daigdig. Round ng World Trade Organization (WTO) mula 16.9% noong 1989 tungong 5.8% noong
sa kabila ng mga pagtutol ng mga maliliit 2010. Gayundin ang pagkakaroon ng nasa
Itinatag noong 1989 para umano sa na bansa. Sinundan ito ng deklarasyon 140 free trade agreements sa rehiyon.
kooperasyon ng mga bayan para sa ng Bogor Goals noong 1994 na hayagang
paglago ng ekonomiya sa rehiyon, ngunit sa nagtutulak ng liberalisasyon ng kalakalan at Matapos ang mahigit apat na dekada ng
totooy matinding pananalanta sa maliliit na pamumuhunan sa rehiyon hanggang 2020.
globalisasyon, lalagpas sa 200 milyon ang
bansa ang layunin nito sa pagtutulak ng mga
walang trabaho, 2.7 bilyon ang naghihirap at
patakaran ng neoliberal na globalisasyon sa Mula noon, ginamit na ng malalaking
daigdig. Itinutulak nito ang liberalisasyon ng bansa, pangunahin ng US, ang APEC para
>>>Ituloy sa p2
kalakalan at pamumuhunan, pribatisasyon higit na ilubog sa kumunoy ng neoliberal

SETYEMBRE 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

808 milyon ang nagugutom. Samantala, hawak


ng 1% ng populasyon ng daigdig ang lagpas sa
kalahati ng yaman sa buong mundo. Katumbas
lamang ng yaman ng 80 pinakamayayaman sa
daigdig ang kabuuang yaman ng nakabababang
kalahati ng populasyon.

Samantala,
ang
Tsina
naman
ay
nagtutulak din ng bersyon nito na Regional
Comprehensive Economic Partnership
(RCEP) na nais nitong maging balangkas
ng FTAAP. Sa ganito, nagiging larangan ang
APEC ng pagkukuntsabahan at paligsahan
ng kapwa mga imperyalistang bayan, na
Ang tema ng APEC para sa 2015 na kapwa bagbag ng matinding krisis, para sa
Building Inclusive Economies, Building higit na pagsasamantala at kontrol sa mga
a Better World ay insulto sa mga bayang pamilihan at mga bansa sa rehiyon.
dumanas ng higit na kahirapan sa mga
patakaran ng neoliberal na globalisasyon. Anut ano pa man, ang mga usapan at
Ang mga mabubulaklak na slogan din kasunduang ibinabalangkas sa loob at labas
gaya ng human capital development, ng APEC ay naglalayong lumikha ng mas
small and medium enterprises, resilient bukas na kalakalan at pamumuhunan,
communities, ay sa totoo, mga adyendang sisira sa nalalabing mga proteksyon sa mga
magpapatindi pa ng pagkubabaw ng interes bansa, at magbubukas sa mamamayan,
ng monopolyo kapitalismo sa lakas- kapital at yaman ng mga di-maunlad
paggawa, ekonomiya at kahit mga maging na bayan sa pagsasamantala ng US at
maliliit na mga negosyo.
malalaking kapitalistang kapangyarihan.
Ang mayor na adyendang Regional Economic
Integration (REI) ay para sa higit na pagtalima
ng mga bansa sa rehiyon sa balangkas ng
neoliberal na globalisasyon. Bahagi ng REI
ang pagbabalangkas ng mas marami pang
mga kasunduan sa rehiyon at isa sa mga
ibinabalangkas nito ang tanaw na buuin ang
Free Trade Area of the Asia-Pacific (FTAAP),
kung saan itutulak ang mas mababangis na
mga kasunduan para sa integrasyon sangayon sa mga layunin ng mga bigong round
ng WTO at para sa interes ng imperyalistang
mga kapangyarihan sa rehiyon.
Sa balangkas din na ito itinutulak ng US
ang mga negosasyon para sa Trans-Pacific
Partnership Agreement (TPPA) isang
mabangis at mapaminsalang kasunduang
walang kasingtindi sa pagbubukas ng
mga ekonomiya ng maliliit na bayan sa
pananalasa ng imperyalismo kasabay ng
pivot nito sa Asya. Bahagi ng rekisito ng
TPPA ang pagbabago ng mismong mga
batas at konstitusyon ng bansa para umayon
sa interes ng imperyalistang bayan at
pagbibigay ng kapangyarihan na mas mataas
pa kaysa anumang regulasyon o batas.

Samakatuwid, higit pang pasasahulin ng


APEC ang kalagayan ng naghihirap na
mga bayan at patitindihin ang pananalasa
ng
malalaking
mga
imperyalistang
kapangyarihan sa mamamayan ng AsyaPasipiko at daigidig.

labanan ang APEC at ang kinakatawang mga


neoliberal na atake nito sa mamamayan.
Inaasahang sasalubungin ng malalaking
protesta ang mga pagpupulong sa ibat
ibang bahagi ng bansa na rururok sa mayor
na pulong sa Nobyembre 18-19.
Dapat ilantad ang salot sa bayan na
APEC at pananalasa ng imperyalistang
globalisasyon. Ilunsad ang maramihang
mga talakayan, pag-aaral at aktibidad sa
mga kampus, mga komunidad, pagawaan
at lansangan para ipabatid sa mamamayan
ang imperyalistang pagsasamantala at mga
patakaran. Dapat ipabatid sa taumbayan
kung paanong ang kanilang mga lokal at
sektoral na mga suliranin at laban ay epekto
ng mga pagtutulak ng mga makadayuhan at
kontra-mamamayang patakaran.
Bahagi ng adyenda ng APEC ang mga
neoliberal na reporma sa edukasyong
Pilipino gaya ng K-12 na naglalayong
higit na ituon ng edukasyong Pilipino
sa
pangangailangan
ng
malalaking
imperyalistang kapangyarihan.

Dapat ilantad ang rehimeng US-Aquino


bilang punong papet ng imperyalismo,
tagapagtaguyod ng mga patakarang pahirap
at kontra-mamamayan. Sa pagtatapos ng
termino ni Aquino, tiyak na mas marami
pang mga makadayuhang mga patakaran
at kasunduang nakatakda itong pasukin
gaya ng pagpapatindi ng pribatisasyon,
charter change bilang rekisito sa TPPA,
pagpapapasok ng baseng militar ng
Nanatili ang kawalan ng reporma sa lupa, dayuhan, at iba pa.
kawalan ng pambansang industriyalisasyon
habang patuloy na bumabagsak ang anumang Dapat ilahad sa mamamayan at sa daigdig
natitirang industriya at manupaktura. Para lalong ang pambansa-demokratikong programa
pigain ang mga manggagawa, itinulak ang ang at alternatiba laban sa bulok na sistemang
kontraktwalisasyon sa paggawa, pinapako ang malakolonyal at malapyudal. Ipabatid natin
sahod sa mababang halaga, habang itinataas sa buong daigdig ang pakikipagkaisa para
naman ang presyo ng bilihin at serbisyo.
palakasin ang kilusang anti-imperyalista at
mga pakikibaka para sa tunay na kalayaan
Dapat ilunsad ng mamamayan ang at demokrasya.
malalakas na protesta para ilantad at
Halos dalawang dekada mula nang huling
idaos ang APEC summit sa Pilipinas,
lalong lumalim ang krisis ng malapyudal
at malakolonyal na lipunan. Inilarga ang
todong
liberalisasyon,
deregulasyon
at pribatisasyon at ibinuyangyang ang
pambansang patrimonya sa mga malalaking
dayuhang kumpanya tulad ng pagmimina.

PUNONG PATNUGOT
Orion Yoshida
MGA KAWANI
Alexia Fuentes, Andrea Lim, Edward Pastor, Elizabeth Gonzales,
Issa Baguisi, Gem Aramil, James Relativo, Jackie Tan Gonzales,
Jaque Eroles, John Ian Alenciaga, John Levi Masuli, Karlo Mongaya,
Reeza Rosalada, Shelly Dalmacio, Vencer Crisostomo
Para sa mga suhestyon, komento at kontribusyon,
makokontak kami sa mga sumusunod:

anakbayan.media@gmail.com facebook | Anakbayan Phils


www.anakbayan.org
twitter | @anakbayan_ph

TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | HULYO 2015

Protesta kontra-APEC sa Cebu,


tinapatan ng panunupil

Mariing kinundena ng AnakbayanCentral Visayas ang panghaharas at


intimidasyon ng mga ahente ng estado
laban sa mga kabataang aktibista na
lumahok sa mga kilos-protesta laban
sa Asia-Pacific Economic Cooperation
(APEC) sa Cebu City.
Ayon sa tagapagsalita ng Rise for
Education-Cebu na si Ken Ecarma, may
naitalang 5 insidente ng harasment
pagkatapos maglunsad ng piket ang
mga kabataan sa labas ng APEC meeting
sa Radisson Blu Hotel Cebu noong
Setyembre 1.
Limang lalaking hinihinalang ahente
ng militar ang pumunta sa bahay ni
Ecarma at naniktik tungkol sa kanyang
kinaroroonan. May mga lider-estudyante
ring pinatawag ng administrasyon ng
kanilang pamantasan upang himukin na
huwag sumali sa mga protesta.
Dagdag pa ni Ecarma, may ilan ding
aktibista na nilapitan ng mga di-kilalang
tao sa kanilang paaralan at binantaan
laban sa pagiging aktibo sa kanilang mga
organisasyon.

Dinahas din ang protesta noong Setyembre


5 nang hinarang ng riot police malapit sa
Radisson Blu Hotel ang mga nagprotesta at
tinangkang agawin ng isang pulis ang lapel
microphone na bitbit ni Olayvar. Nahulog at
nasira ang microphone.

Nangangahulugan lamang ang APEC ng higit


na pagpasok ng mga dayuhang korporasyong
nais mandambong ng kayamanan ng bansa
at lalong pagsasamantala at paghihirap
ng manggagawa at mamamayang Pilipino,
dagdag nila.

Tinawag naman ni Anakbayan Vice


President for Visayas Nio Olayvar na
overkill ang ginawang dispersal ng
kanilang piket sa harap ng Radisson Blu
Hotel noong Setyembre 1. Pinalibutan
ang mga aktibista ng 89 na pulis na
may full anti-riot gear at ipinatigil ang
kanilang protesta.

Pinagtulakan din ng mga pulis ang halos


100 nagprotesta palayo sa pulong ng APEC.
Ayon sa Anakbayan-Central Visayas, layon
ng kanilang protesta na ilantad ang tunay
na katangian ng APEC bilang instrumento
ng imperyalismong US at malalaking
bansa upang itulak ang mga neoliberal na
patakaran na pabor sa kanilang interes.

Kabilang ang APEC Senior Officials


Meeting na ginanap sa Cebu City mula
Agosto 22-Setyembre 6 sa serye ng
mga pulong na inilunsad sa ibat ibang
siyudad ng bansa patungo sa Economic
Leaders Meeting sa Manila ngayong
Nobyembre.

Post-it protest, ikinasa kontra


pagsasapribado, pagkabulok ng MRT-LRT
Idinaan sa post-its ng mga kasapi
ng Anakbayan, Train Riders Network
(TREN), at National Union of Student of
the Philippines (NUSP) ang mga hinaing
ng mga pasahero laban sa patuloy
na pagkabulok ng pampublikong
transportasyon sa Pilipinas.
Noong Agosto 20, nag-ikot ang mga
kabataan sa North Avenue station ng Metro
Rail Transit (MRT-3) para alamin ang
sentimyento ng mga komyuter. Ipinasulat
nila ang mga ito sa mga post-it at idinikit
sa pader sa MRT.
Hindi pa rin maayos ang sistema.
Napakabagal ng interbal ng trains

at napakahaba ng pila, ang sabi sa


isang post-it. Dagdag naman ng isang
komyuter, Yung pila sa sa MRT parang
traffic sa EDSA, mahaba, mabagal, walang
katapusan, very inefficient.

gaya ng mga Sobrepenas, Ayala at


Pangilinan.

Ayon sa TREN, kaysa diretsong mapunta


sa pagsasaayos at pagpapaigi ng mga
serbisyo ay napupunta ang malaking
buwis na ibinabayad ng mamamayan sa
bulsa ng mga dambuhalang negosyante

Bukod sa MRT-3, nakatakda na rin ang


pagsasapribado ng LRT-1 at Philippine
National Railways (PNR) na siyang
magdudulot ng mga panibagong dagdag
sa pasahe.

Dagdag ng grupo, ibinabaon ng naturang


iskema ang gobyerno sa utang dahil
sa pagsalo sa mga inutang ng Metro
Nagkaroon ng maikling programa sa Rail Transit Corporation (MRTC) at
tapat ng istasyon upang ipaliwanag perang uutangin ng Light Rail Manila
kung paanong binubulok ng sistemang Corporation (LRMC). Maliban pa raw ito
public-private partnerships ang mga tren sa 15% return of interest na inaasahan
sa Kamaynilaan.
ng pribadong MRTC.

SETYEMBRE 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

#StopLumadKillings: Kampanya kontra


sa pagpaslang ng mga lumad sa Mindanao,
lumalawak

Lumalakas at lumalawak ang kampanya kontra sa pinakahuling serye ng lumad para sa harassment, pagkakampo,
pagpatay at panunupil ng militar laban sa mga lumad o katutubo sa Mindanao. pambobomba, at pagwasak ng mga pagaari sa ilalim ng Oplan Bayanihan.

Pinangunahan ng Anakbayan ang protesta ng


mga kabataan sa harap ng Camp Aguinaldo
noong Setyembre 4 at sa labas ng pulong ng
Kongreso para sa budget ng Department of
National Defense noong Setyembre 8.
Binato ng mga kabataang aktibista ng mga
paint bomb ang gate ng Camp Aguinaldo at
ipininta ang salitang berdugo sa logo ng
Armed Forces of the Philippines (AFP).
Nagtrending naman ang hashtag na
#StopLumadKillings sa Internet at social
media at iginiya ang atensyon ng publiko sa
mga atrosidad ng militar sa Mindanao.

PHOTO CREDITS: DAVAOTODAY.COM

Brutal na pinaslang ng Magahat Bagani


sina Emerito Samarca, Dionel Campos,
at Bello Sinzo sa Lianga, Surigao del Sur
noong Setyembre 1. Mahigit dalawang libong
indibidwal naman ang pwersahang nagbakwit
dahil sa harassment ng Magahat Bagani.

Ang Magahat Bagani ay isang grupong


paramilitar
na
sinusuportahan
ng
militar para sa mga operasyong kontrainsurhensya nito. Dalawang araw bago ang
pamamaslang, inokupa ng mga Magahat
Bagani ang komunidad kasama ang 36th
Infantry Battalion ng AFP.
Kinundena ng Anakbayan ang tumataas
na bilang ng pagpaslang ng mga aktibista
sa ilalim ng Oplan Bayanihan, ang kontrainsurhensyang plano ng rehimeng Aquino.
Ayon sa grupo, pinakikita nito na walang
pinagkakaiba ang polisiyang pandigma
ni Aquino kina Arroyo at Marcos.
Pagpapatuloy umano ito ng mala-Martial
Law na panunupil at pandarahas laban sa
ordinaryong mamamayan.
Idiniin ng Anakbayan na pangunahing
target ng AFP ang mga komunidad ng

Aabot na sa 53 lumad ang pinaslang at 87


paaralan ng mga lumad ang inatake ng militar
sa ilalim ng rehimeng Aquino sa tala ng
grupong Karapatan.
Ayon sa Anakbayan, ginagawang target
ng militar ang mga komunidad ng
lumad alang-alang sa totoong boss ng
rehimeng Aquino--ang mga dambuhalang
korporasyon sa pagmimina, pagtotroso, at
mga agrokorporasyon.
Gusto nilang paalisin ang mga lumad
upang madambong nila ang mga lupang
ninuno ng mga lumad. Dapat kagyat na
palayasin ang militar sa mga komunidad at
disarmahan ang mga paramilitary. Dapat
itigil na ang Oplan Bayahinan at panunupil
ni Aquino, ayon kay Anakbayan National
Chair Vencer Crisostomo.

TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | HULYO 2015


PHOTO CREDITS: MANILATODAY.NET

mga armadong pulis ang UCCP compound


upang diumanoy iligtas ang mga lumad
at ibalik sila sa kanilang mga tahanan.
Nagtamo ng mga sugat ang ilan sa mga
lumad, kabilang na ang lumad elder na si
Datu Benito na nasugatan sa kamay at ulo.

Isang 14 na taong gulang na babae, isa sa


mga lumad na nailigtas ng mga pulis,
ay natuklasang ginahasa habang nasa
custody ng militar. Kasalukuyang hinihiling
ng pulis sa Philippine Army na iharap ang
3 sundalong pinaghihinalaang gumasa sa
nasabing lumad.

Kronolohiya: tumitinding atake


laban sa mga lumad ng Mindanao
Tumitindi ang atake ng mga pasistang tropa at paramilitar ng rehimeng
Aquino laban sa mga lumad, ang mga katutubo ng Mindanao. Kaliwat
kanan ang pamamaslang, masaker, intimidasyon, harassment, sapilitang
pagbakwit sa mga komunidad at iba pang mga paglabag sa karapatang
pantao ng mga lumad.
Setyembre 1:
Brutal na pinaslang ng mga tropang
paramilitar
si
Emerito
Samarca,
executive director ng Alternative Learning
Center for Agricultural and Livelihood
Development (ALCADEV), isang paaralan
ng mga lumad sa Lianga, Surigao del Sur
sa loob mismo ng klasrum ng nasabing
paaralan. Nagtamo ang kanyang katawan
ng mga tama ng bala at mga sugat mula
sa pagsaksak. Tinali siya na parang baboy
at nilaslas ang leeg.
Sa parehong araw binaril sila Dionel
Campos at Jovillo Sinzo sa harap ng
maraming tao malapit sa ALCADEV.
Si
Campos
ang
tagapangulo
ng
Malahutayong Pakigbisog Alang sa
Sumusunod o MAPASU, organisasyon
ng mga lumad. Si Sinzo naman ay tribal
leader ng Sitio Kiwagan, Barangay San
Isidro ng Lianga.
Agosto:
Aabot na sa mahigit 2,700 lumad ang
pansamantalang nakatira sa Surigao
del Sur Provincial Sports Complex sa
Tandag City. Napilitan silang magbakwit
sa kanilang mga tahanan dahil sa
maitinding militarisasyon ng kanilang
mga komunidad sa Surigao del Sur at iba
pang bahagi ng rehiyon ng CARAGA.

Mismong ang United Nations Special


Rapporteur on the Human Rights of Internally
Displaced Persons na si Chaloka Beyani ang
nagpahayag na walang katotohanan ang
paratang ng militar na ikinukulong nang
labag sa kanilang kalooban ang mga lumad
sa UCCP compound.
Umani ng batikos ang Armed Forces of the
Philippines (AFP) matapos nitong baligtarin
ang mga pahayag ni Beyani hinggil sa
malubhang kalagayan ng mga lumad.
Bumisita sa Pilipinas si Beyani sa huling
linggo ng Hulyo.

sa paghahasik ng lagim ng mga pwersang


militar sa nasabing mga lugar.
Hunyo:
Mahigit 20 paaralan ng mga lumad sa Davao
Agosto 18:
del Norte ang hindi nakapagsimula ng klase
Isa-isang binaril ng mga sundalo ang dahil sa pagkakampo ng militar mismo sa
5 miyembro ng pamilya Samia sa labas mga paaralan, paninira at pagkumpiska ng
ng kanilang bahay sa Barangay Mendis, mga gamit, at intimidasyon at harassment
Pangantucan, Bukidnon. Kabilang sa mga sa mga estudyante at guro. Aabot sa 3,000
nasawi sa masaker ang magkapatid na kabataang lumad sa probinsya ang apektado
si Joebert (20) at Emir (19), ang kanilang sa pagsara ng nasabing mga paaralan.
bulag na amang si Herminio (70), at ang
kanilang kamag-anak na sina Norman Mas masahol pa, binigyang pahintulot ng
(13) at Elmer (17).
Department of Education (DepEd) ang hiling
Pinalalabas ng militar na mga kasapi ng
New Peoples Army (NPA) ang limang
Samia na napaslang sa isang engkwentro.
Tanging ang 15 taong gulang na anak
ni Herminio ang nakaligtas at nabuhay
upang maipahayag ang tunay na nangyari
sa kanila. Si Herminio ang ikalawang
pinakamataas na elder ng kanilang tribo
ng mga Manobo.

ng militar na ipasara ang mga paaralang ito.


Ayon sa militar, mga sundalo ang papalit na
bagong guro ng mga lumad.

Hunyo 14:
Tatlong lider ng mga lumad kasama
si Datu Ruben Enlog, Randy Carnasa,
at Oligario Quimbo ang minasaker ng
militar sa bahay ni Aida Seisa, isang lidermagsasaka, sa Purok 7, Paradise Embac,
Paquibato District. Nakaligtas si Seisa at
Hulyo 23:
tumestigo laban sa mga sundalo habang
Nilusob ng mga elemento ng pulis ang isang 12-anyos na bata ang sugatan.
mga lumad na pansamantalang nakatira
sa loob ng United Church of Christ in the Mula Marso hanggang Setyembre 2015,
Philippines (UCCP) Haran compound sa aabot na sa 13 lider ng mga lumad, aktibista,
Davao City noong Hulyo 23. Nauna nang at miyembro ng komunidad ang pinatay
lumisan ang 700 lumad mula sa kanilang sa sunud-sunod na kaso ng pulitikal na
mga tahanan sa Talaingod, Davao del pagpaslang at masaker. Sa kasalukuyan,
Norte at ilang bahagi ng Bukidnon dahil sa may 55 mga combat battalion, mahigit
matinding militarisasyon.
kalahati ng mga pwersang panlaban ng

Ilang mga paaralang pang-elementarya


at hayskul sa bayan ng San Miguel at
AFP, na nakadeploy sa Mindanao.
Lianga, Surigao del Sur ang napwersang Sa pangunguna ni North Cotabato Rep.
magsuspinde ng kanilang mga klase dahil Nancy Catamco, pwersadong pinasok ng

SETYEMBRE 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

Tagapagsalita ng Karapatan Sorsogon,


pinaslang
Pinaslang sa kanyang tahanan hatinggabi
noong Agosto 19, 2015 si Teodoro Tay
Tudoy Escanilla, 63 anyos. Si Tay Tudoy
ay tagapagsalita ng Karapatan Sorsogon
at mamamahayag sa lokal na programa sa
radyo na Pamana ng Lahi sa DZMS.
Taong 2012 pa lamang ay hinaharas na ng
31st Infantry Batallion Philippine Army
(IBPA) si Tay Tudoy. Sa kabila ng kanyang
edad at banta sa buhay ay pinili niyang
ipagpatuloy ang adbokasiya sa pagtatanggol
sa karapatang pantao.

kay Ka Tudoy. Tumanggi ang bilanggo at nang


makalaya ay tumungo sa Maynila sa takot na
balikan siya ng mga militar.
Ilang
buwan
bago
maganap
ang
pagpatay kay Tay Tudoy ay tinututukan
na ang Sorsogon ng operasyong militar.
Kamakailan, nakakatanggap na din siya
ng babala na siya ay kabilang sa hit list
pero sa kabila nito, patuloy pa rin niyang
nilabanan ang mga paglabag ng mga militar
sa karapatang pantao.

Ilang araw matapos ang pagpatay ay


Noong Nobyembre 2014, isang opisyal ng 31st nagprotesta ang mga mamamayang Bikolano
IBPA ang nag-alok ng kabayaran na P50,000 sa para ipakita ang kanilang galit at pagkondena
isang presong tinotortyur kapalit ng pagpatay sa pagpatay kay Escanilla at sa iba pang

biktima ng extrajudicial killings sa ilalim ng


Oplan Bayanihan ng gobyernong Aquino. Nagiwan ng labinlimang kabaong na gawa sa
papel ang mga nagprotesta sa tapat ng Camp
Escudero sa Sorsogon bilang simbolo ng mga
biktima ng karahasan ng estado.
Oras na para tapusin ang pandarahas at
pang-aabuso laban sa tao, pahayag ni Rev.
Pastor Dan San Andres, tagapagsalita ng
Karapatan Bikol.
Si Tay Tudoy ay ika-66 na biktima ng extrajudicial
killings sa Bikol sa ilalim ni Aquino at panganim sa buwan lamang ng Agosto.

Gobyernong Aquino sinasabotahe ang usapang


pangkapayapaan sa NDFP
Kinukundena ng Anakbayan ang
pananabotahe ng gobyernong Aquino
sa usapang pangkapayapaan sa pagitan
ng gobyerno ng Pilipinas (GPH) at
ng National Democratic Front of the
Philippines (NDFP), sa okasyon ng ika-23
anibersaryo ng Hague Joint Declaration
of 1992 noong Setyembre 1.
Ang pagsuway ng administrasyong Aquino
sa mga kasunduan sa ilalim ng Hague
Joint Declaration ay nagpapatunay na hindi
ito seryoso na makamit ang kapayapaan.
Paglabag sa Joint Agreement on Safety and
Immunity Guarantees (JASIG) ang pag-aresto
ng mga NDFP peace consultant kagaya nina
Concha Araneta at Adelberto Silva.
Paglabag naman sa Comprehensive Agreement
on Human Rights and International Humanitarian

Law (CAHRIHL) ang malawakang pamamaslang yumaong tagapagsalita ng Communist Party


at pandarahas sa ilalim ng Oplan Bayanihan.
of the Philippines na si Gregorio Ka Roger
Rosal, noong Setyembre 7 dahil sa samaGanito rin ang kamakailang pagpaslang kay samang pagkilos at patuloy na pagigiit ng
Leoncio Ka Parago Pitao at Vanessa Ka ibat ibang organisasyon.
Kyle Limpag. Ginagamot si Ka Parago para
sa diabetes, hyperthyroidism at hepatitis Pitong buwang buntis si Rosal nang inaresto
habang ang kanyang medic na si Limpag siya noong Marso 27, 2014 sa Caloocan City.
ay di-armado at itinaas na ang kamay nang Sinampahan siya ng gawa-gawang kaso ng
barilin ng mga sundalo.
murder at kidnapping. Namatay ang kanyang
sanggol na si Diona Andrea dalawang araw
Kabalintunaan na habang nakapiit ang mga matapos itong ipinanganak sa piitan.
bilanggong pulitikal at mga konsultant
ng NDFP, ang mga nandarambong sa Higit na pinatutunayan ng paglaya ni Rosal
mamamayan gaya ni Senator Juan Ponce na malinaw na walang batayan at gawaEnrile ay pakakawalan dahil umano sa gawa ang mga kaso laban sa mga bilanggong
humanitarian na kadahilanan.
pulitikal. Dapat sumunod na palayain ang iba
pang mga bilanggo at managot ang rehimen
Kaugnay nito, ipinagbubunyi ng Anakbayan sa kanilang ginawa kay Rosal.
ang paglaya ni Andrea Rosal, anak ng

Red-tagging sa mga miyembro ng Anakbayan SLU


sa Baguio City, kinundena
Mariing kinukundena ng ibat ibang
organisasyong pangkabataan sa Baguio ang
red-tagging ng mga tropa ng Armed Forces
of the Philippines (AFP) sa mga miyembro
ng Anakbayan SLU sa isang freshmen
orientation sa Saint Louis University (SLU),
Baguio City noong Agosto.
Habang inilulunsad ang nasabing freshmen
orientation, inakusahan ng isang Agnes
Reano ng Civil Military Operations Battalion
(CMOB) ng AFP ang Anakbayan SLU bilang

isang front organization diumano ng New CMOB sa loob ng SLU. Ayon sa kanila, walang
karapatan ang military na magsagawa ng
Peoples Army (NPA).
sarbey sa asembliya ng mga estudyante.
Ayon kay Luke Bagangan, miyembro ng
Anakbayan SLU, malinaw na paninira at Ayon sa mga grupo, ang mga paratang ni
pananakot ang ginagawa ng militar sa Reano ay hindi hiwalay sa mga death threat
kanilang organisasyon na kinikilala ng at panghaharass sa mga lider pesante sa
unibersidad bilang lehitimong organisasyon Tinoc, Ifugao kamakailan lang, at maging
ang iba pang paglabag sa karapatang
sa loob ng kampus.
pantao ng rehimeng Aquino laban sa mga
Higit dito, kinundena ng Kabataan Partylist- lider masa at aktibista.
Cordillera ang presensya ng mga ahente ng

TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | HULYO 2015

Bureau of Customs inulan ng


batikos mula sa mga OFW
Inulan ng sandamakmak na batikos mula sa mga Overseas Filipino
Workers (OFW) ang Bureau of Customs (BOC) kamakailan dahil sa
patakaran ng random inspection, mga istriktong restriksyon na
nagdudulot ng mas malaking gastos para sa mga nagpapadala, at
napakalaking buwis na ipinapataw sa mga OFW.
Dahil sa laganap na anomalya sa random
inspection ng BOC sa mga balikbayan
box ng mga OFW, napuno ang social
media ng mga reklamo patungkol sa
abusong ginagawa ng BOC sa mga
OFW. Laganap din ang paggamit ng mga
hashtag na #HandsOffOurBalikbayanBox,
#OFWStopSendingBalikbayanBoxes,
at
#OFWMagkaisa.

container van na ibababa sa mga daungan


sa Pilipinas. Nagtaas na ito ng P40,000
noong July 27, at nanganganib ulit magtaas
ng P100,000-P120,000. Kung P100,000 ang
itataas sa singil para sa clearing, maaaring
tumaas ng P325 ang kasalukuyang
binabayaran ng mga OFW.

Ayon sa Migrante, ang mga patakarang ito


ng BOC ay ibinunga ng utos ng gobyernong
Maraming kaso ang naiulat tungkol sa mga Aquino na dapat kumulekta ng lagpas na
nawawala at mga nasirang gamit matapos P600 milyon mula sa mga OFW ang BOC.
itong inspeksyunin ng mga taga-BOC.
Maliban sa mga anomalya, inireklamo din Nagpaabot ng galit ang mga OFW at mga netizen
ang patakaran patungkol sa mga restriksyon sa pamahalaang Aquino dahil sa pagwawalang
sa pagpapadala na pinapahirapan at bahala nito sa sitwasyon ng mga OFW at sa
ginagatasan ng pera ang mga OFW sa pagkunsinti nito sa ginagawa ng BOC. Tinawag
kanilang pagpapadala.
ng mga OFW na sistematikong pagnanakaw
mula sa mga OFW ang ginagawa ng BOC para
Samantala, isiniwalat ng grupong Migrante makaipon ng perang pangkampanya ng mga
ang patuloy na pagtataas ng presyo kaalyado ni Aquino mula sa Liberal Party sa
ng clearing fees para sa lahat ng mga halalan sa 2016.

Nagsagawa din ang mga OFW sa pangunguna


ng Migrante Partylist ng serye ng mga kilosprotesta sa ibat ibang panig ng mundo.
Dahil sa malawak na pagkundena, ipinatigil
ni Aquino ang random na inspeksyon ng
mga balikbayan box.
Noong Agosto 28, inilunsad ng mga OFW
ang Zero Remittance Day, kung saan hindi
nagpadala ng pera ang mga OFW pabalik
sa ating bansa. Lumahok sa pagkilos ang
mga OFW sa Hong Kong, Taiwan, Singapore,
South Korea, Japan, Middle East, Vietnam,
Thailand, United States, Canada, United
Kingdom, Italy, Belgium, Netherlands,
Australia, Switzerland, at iba pang bansa.
Isang tagumpay ang pagpapatigil sa random
na inspeksyon ng mga balikbayan box para
sa mga OFW, ngunit hindi pa tapos ang
laban. Hanggang nanatili ang P600 milyong
kota ng BOC para huthutan ang OFWs, hindi
titigil ang rehimeng Aquino sa paniniil. Dapat
higit na patindihin ang protesta at paglaban,
sabi ng Migrante.

Gobyerno, magtataas-pasahe sa PNR-NSPR


Sa pagpapatuloy ng bidding para
sa P171 bilyon proyektong NorthSouth Railway Project (NSRP),
lumalabas na maaring magpatupad
ng sunud-sunod na pagtataas ng
singgil sa pamasahe nito kada
dalawang taon.

Isa ang San Miguel Corp. sa mga


malalaking
kumpanyang
nagnanais
magbid para sa proyekto. Ang mananalo
sa bidding ang siyang magdidisenyo,
magpapagawa, mamalakad sa operasyon
Ayon kay Cosette Canilao, Executive at magmimintina ng mga istasyon mula
Director ng PPP Center, ang 10.25% Tutuban hanggang Calamba.
dagdag singil ay ibinase sa inaasahang
Ipinahayag
ng
gobyernong
Aquino inflation rate, o tantos ng pagtaas ng Nakasaad din sa kontrata ang 478
kilometrong long-haul na operasyon
na susundin ang 10.25% pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
mula Tutuban hanggang Legazpi at may
pamasahe sa Light Railway Transit (LRT)
Sa kasalukuyan, ang pamasahe sa PNR posibilidad na mag-extend ng 58 kilometro
1 para sa PNR.
ay nakapako P10 - P45. Nagpahayag mula Calamba City hanggang Batangas
Ang nasabing porsyento sa pagtaas ang administrasyon ng PNR noon na City at 117 kilometro mula Legazpi City
ay kinumpirma ni Pratish Hallady ng plano nilang pataasin ang pamasahe hanggang Matnog, Sorsogon.
Asian Development Bank (ADB) Office patungong P15-P60.
on Public-Private Partnership (PPP),
ang siyang tagapayong pantransaksyon
ng Department of Transportation and
Communication (DOTC) para sa NSRP.

SETYEMBRE 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

Walkout laban sa mataas na bayarin, K-12, at


budget cuts sa SUCs
Nagwalkout sa kanilang mga klase
ang mga estudyante mula sa ibat
ibang pamantasan noong Agosto 27
upang ipakita ang pagkasuklam sa
rehimeng Aquino dahil sa walang
humpay na pagtataas ng matrikula
at ibang bayarin, programang
K-12, at budget cut sa mga State
Universities and Colleges (SUCs).
Nagwalkout ang mga mag-aaral mula
sa University of the Philippines-Manila,
University of the Philippines-Diliman,
Polytechic University of the Philippines,
at mga paaralan sa university belt at
hayskul sa pangunguna ng Rise for
Education Alliance, National Union of
Students of the Philippines (NUSP),
Anakbayan, Kabataan Partylist, at iba
pang organisasyon.
Ayon sa grupo ng mga kabataan, ang tanging
legasiya ni Aquino sa serbisyong edukasyon
ay ang patuloy na komersyalisasyon ng
edukasyon at walang patid na pagpapahirap
sa mga estudyantet magulang.
Mula 2010 hanggang 2015 umabot sa
average na 108% ang naging pagtaas ng
matrikula sa pambansang saklaw, mula
P257 tungong P574 kada yunit.
Samantala, sa mga pampublikong paaralan
nakapanghuthot ng tinatayang P40.8 bilyon
sa matrikula at P 22.9 bilyon naman sa iba
pang bayarin.
Umalingawngaw rin sa walkout ang mariing
pagtutol sa programang K-12 ni Aquino na
diumanoy palulubhain ang paghihirap ng
mga mag-aaral at kanilang mga magulang.
Budget cut sa SUCs
Patuloy rin ang ginagawang pagbabawas ng
gobyernong Aquino sa pondo ng edukasyon.
Sa panukalang budget para sa 2016
nakatakdang kaltasan ang hindi bababa sa
59 SUCs ng badyet para sa operasyon na
nagkakahalaga ng P477.8 milyon.
Sa kabilang banda, 40 SUCs naman ang
kakaltasan ng pondo para sa capital outlay
(CO) na nagkakahalaga ng P4.1 bilyon.

WALKOUT SA PUP NOONG


AGOSTO 27, 2015.

Ang
pinakamalaking
kaltas
ay
mararamdaman ng University of the
Philippines system (UP) na nagkakahalaga
ng P2.2 bilyon, pinakamalaking budget
cut sa kasaysayan ng UP.

rehiyong pinakaapektado sa budget cut.


Susunod ang Eastern Visayas na may 7
paaralang kakaltasan din sa MOOE.

Sinundan ito ng Mindanao State University


na may 34.5 porsyentong kaltas mula
P418.8 milyon papuntang P274.2 milyon,
at Iloilo State College of Fisheries na may
29.7 porsyentong kaltas mula P34.2 milyon
pababa sa P24.1 milyon.

Dagdag pa ni Elago, magdudulot din ang


budget cuts sa mas malubhang kakulangan
ng mga pasilidad at kagamitan sa mga
SUC. Maaalalang naging malaking isyu
sa UP ang kakulangan ng mga dormitoryo
nitong nakaraang mga buwan.

Tatlong SUCs naman ang halos hindi


tatanggap ng CO para sa 2016: ang Marikina
Ang MOOE ang budget ng ahensya para Polytechnic College, Cagayan State
sa araw-araw na operasyon at kagamitan University, at Bulacan State University.
nito samantalang ang CO ay pondo para sa
bagong imprastruktura.
May malalaking alokasyon ng lump
sums para sa pork barrel sa 2016
Ang Mindanao State University Tawi-Tawi budget, ngunit budget cuts naman ang
College of Technology and Oceanography inilaan para sa SUCs. Magreresulta na
ang may pinakamalaking kaltas sa MOOE naman ito ng pagtaas ng matrikula at
(48.8 porsyentong kaltas) mula sa P32.4 iba pang bayarin, ani NUSP National
milyonpababa sa P16.6 milyon.
President Sarah Elago.

Ang Western Visayas, na may 8


pamantasang kakaltasan ng MOOE, ang

You might also like