You are on page 1of 2

Ashley F.

Sanchez

March 4, 2015

IV- Amiable

FILIPINO IV

Kabanata 15: Si Ginoong Pasta

Nagtungo si Isagani sa opisina ng manananggol na si Senyor Pasta.


Si Ginoong Pasta ay isang bantog na manananggol at isa sa mga may
pinakamatalas na pag-iisip sa Maynila na sinasangguni ng mga Prayle kung
ang mga ito ay nasa gipit na kalagayan. Sinadya ito ni Isagani upang
pakiusapan na kung maari ay mamagitan ng sang-ayon sa kanila kung
sakaling sumangguni si Don Custodio. Ngunit nabigo siya dahil nagpasiya
ang abogado na huwag makialam dahil maselan ang usapan. Marami siyang
pag-aari kayat kailangang kumilos nang ayon sa batas. Ang ganting
katwiran ni Isagani ay lubos na hinangaan ng abogado dahil sa katalinuhan
at katayugan ng pag-iisip nito. Inilahad nang pabuod ang mga nangyari
habang pinakikiramdaman ang naging bisa ng kanyang mga salita sa
abogado. Nakinig itong mabuti at kahit alam ang kilusan ng mga
estudyante, nagkunwari itong walang alam para ipahalata agad sa binata
na wala itong pakialam sa gawain ng kabataan.
Subalit nang malaman nito ang kailangan nina Isagani at marinig na
may kaugnayan sa proyektong Akademya ang Bise-Rektor, ang mga
prayle, ang Kapitan Heneral, napakunot-noo't napabulalas ito: "Ang
Pilipinas ay Lupain ng mga panukala! Sige, magpatuloy ka, magpatuloy ka."
Sa bandang huli hindi pa rin pumayag si G. Pasta sa nais ni Isagani.

Talasalitaan
Manananggol- Abogado
Anasan- Pag-uusap sa mahinang boses

Pabulalas- Pasambulat
Pangangayupa- Pagyuko, pagluhod o pagpapatirapa
Silyon- Isang upuang may patungan ng kamay
Rector- Punong pari
Kondesa- Tawag sa asawa ng Konde

You might also like