You are on page 1of 2

Ang pagpaslang kay Archiduque Franz Ferdinand ng isang makabayang Serbiyo

na nagngangalang Gavrilo Princip noong 28 Hunyo 1914 ang itinuturing na


siyang pinakasanhi ng pagsisimula ng digmaan. Nagsimula ito noong ika-27 ng
Hulyo 1914 nang magpahayag ng pakikidigma ang Austriya-Unggarya laban
sa Serbiyana siya namang nagbunsod sa dalawang magkalabang alyansang
nabanggit, kasama na maging ang kani-kanilang kolonya, na makibaka sa isa't
isa. Makalipas ang ilan pang linggo, ang digmaan ay tuluyan nang lumaganap sa
buong mundo.[3][4][5]
Matapos makapagpahayag ng pakikidigma ay kagyat na sinalakay ng AustriyaUnggarya ang Serbiya. Sinundan ito ng pananakop ng Imperyong Aleman
sa Belhika, Luksemburgo at hilagang Pransiya, at ng bigong pananalakay ng
Imperyong Ruso sa silangang Alemanya. Buhat naman nang mapipilan ng
sandatahang Briton-Pranses ang pag-abante ng sandatahang Aleman
patungong Paris ay nauwi na sa pakikidigmang pambambang ang mga
sagupaan doon na siya naman nagdulot upang halos hindi na umusad ang
magkabilang panig. Nang mga sumunod na taon ay nakisangkot na rin sa
digmaan angImperyong Otomano, Italya, Bulgarya, Rumanya, Gresya at iba pa
samantalang bumagsak ang monarkiya sa Rusya matapos angHimagsikang
Ruso noong 1917 na nagbigay daan upang kumawala ang mga Ruso sa
digmaan at maglunsad ng sunod-sunod na opensiba ang mga Aleman sa
kanlurang Europa hanggang sa pumasok angEstados Unidos sa digmaan.
Sumuko ang Imperyong Aleman at mga kaalyado pagsapit nang 11 Nobyembre
1918 matapos ang isang matagumpay na kontra-opensiba ng Alyadong
Puwersa.[6][7]
Sa pagtatapos ng digmaan ay maraming bansa ang itinatag sa Europamula sa
labi ng mga imperyong Aleman, Austro-Unggaryo, Otomano at Ruso. Itinatag
noon ang Liga ng mga Nasyon upang pigilan ang anumang tunggaliang

maaaring maganap sa mundo. Ang mga kasunduang itinadhana ng Kasunduan


ng Versailles na nagdul

You might also like