You are on page 1of 1

BASAHIN AT UNAWAIN

Ang Pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig


Ang krisis na naganap sa Bosnia noong Hunyo 28, 1914 ang naghudyat sa pagsisimula ng unang
digmaang pandaigdig. Noong hunyo 28 1914, pinatay si Archduke Franz Ferdinand at ang asawa nitong si
Sophie ni Gavrillo Princip Habang sila ay naglilibot sa Bosnia na noon ay sakop ng Imperyog Austria
Hungary. Narito ang mga pangyayari na nagbunsod sa unang digmaang pandaigdig.

Gawain :
Digmaan sa Kanluran
Dito naganap ang pinakamainit ng labanan noong Unang Digmaang Pandaigdig. Ang bahaging nasakop ng
digmaaan ay mula sa hilagang Belhika hanggang sa hangganan ngSwitzerland. Lumusob sa Belhika
ang hukbong Alemanya at ipinagwalang-bahala nitong huliang pagiging
Neutral na bansa nito. Ito ang paraang ginamit nila upang malusob ang Pransya.Ngunit sila'y inantala
ng magiting na pagsasanggalang ng mga taga-Belhika sa Leige.

Digmaan sa Silangan
Lumusob ang Rusya sa Prusya (Germany) sa pangunguna ni Grand Duke Nicholas,pamangkin ni
Czar Nicholas II. Ngunit noong dumating ang saklolo ng Alemanya, natalo anghukbong Ruso sa
Digmaan ng Tannenberg. Sa Galicia ay nagtagumpay ang Hukbong Ruso.Ngunit hindi nagtagal ang
tagumpay nila. Sila ay pinahirapan ng mga Aleman sa Poland. Ditotuluyang bumagsak ang hukbong
sandatahan ng Rusya. Ang sunud-sunod nilang pagkataloay naging dahilan din ng pagbagsak ng dinastiyang
Romanov noong Marso, 1917 at angpagsilang ng Komunismo sa Rusya. Upang makaiwas na ang Rusya
sa digmaan,nakipagkasundo si Lenin sa ilalim ng pamahalaang Bolshevik sa Alemanya sa pamamagitanng
paglagda sa Treaty of Brest-Litovsk. Iniwan ng Rusya ang mga Alyado at sumapi sa
CentralPowers
.

Digmaan sa Balkan
Lumusob ang Austria at tinalo ang Serbia pagkaraan ng ilang buwan. Upangmakaganti ang Bulgaria
sa kanyang pagkatalo, sumapi ang Bulgaria sa
Central Powers
noongOktubre, 1915. Sa taong 1916, karamihan sa mga estado ng Balkan ay napasailalim na ng
Central Powers”.
Ang Italya naman ang tumiwalag sa Triple Alliance
at nanatiling neutral pansamantalahanggang 1915. Sa taong ito sumali siya sa magkaanib na bansa.
Hinangad niyang maangkinang mga teritoryong Latin na hawak ng Austria (Italy Irrendenta) at ang
mga kolonya nito sa Aprika. Ang Turkey ay kumampi sa Alemanya upang mapigilan ang Rusya sa
pag-angkin saDardanelles.

Digmaan sa Karagatan
Sa unang bahagi ng digmaan ay nagkasubukan ang mga hukbong pandagat ng Alemanya at
Britanya. Ang lakas pandagat ng Britanya ay naitaboy ng mga barkong pandigmang Alemanya mula
sa Pitong Dagat
(Seven Seas)
. Kumanlong ang bapor ng Alemanya saKanal Kiel. Naging mainit ang labanan. Makapangyarihan ang
hukbo ng mga alyado sa dagat

Base sa inyong binasa ilarawan ang naganap o pangyayari noong unang digmaang pandaigdig sa pamamagitan ng
paggawa ng poster.

You might also like