You are on page 1of 2

MSEP VI

Musika
VI-Gold

40 mins.

8:00-8:40

VI-Emerald

40 mins.

9:00-9:40
August 04, 2015
Tuesday

I.

Layunin
Natutukoy ang pagkakaugnay ng huling sukat sa ibang sukat ng awit na hindi
nagsisimula sa unang kumpas
Pagpapahalaga: Tama at Maayos na Pagkanta ng pilipinas Kong Mahal

II. Paksang-Aralin
Pagkakaugnay sa Huling Sukat sa Ibang Sukat ng Awit na Hindi Nagsisimula sa Unang
Kumpas
Sanggunian: BEC/PELC Handbook sa Musika 6
Umawit at Gumuhit 6
Awit: Pilipinas Kong Mahal at Santa Clara
Kagamitan: Tsart, Piyesa ng Pilipinas kong Mahal at Santa Clara, Laptop, Projector
III.Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagganyak
Bilang mamamayan ng Pilipinas, paano ninyo maipakikita ang pagmamahal ninyo
dito?
2. Balik-aral
Talakayin muli ang tungkol sa katuturan ng 2/2 o cut time.
Ano ang ipinahihiwatig sa bilang na nasa itaas? sa ibaba?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang awiting "Pilipinas kong Mahal" habang kinukumpasan ng guro.
2. Talakayan
Pagsabay ng mga bata sa awitin (Ipapansin ang pagkakaugnay ng huling sukat
sa ibang sukat ng awitin).
Pilipinas Kong Mahal
Unang Taludtod
Ang ba-yan ko'y ta-nging -ikaw
Huling Taludtod
Pi-li-pi-nas kong hi-rang
Ipaliwanag na maaaring maging magkaugnay ang huling sukat sa ibang sukat
na hindi nagsisimula sa unang kumpas.
3. Paglalahat
Ganyakin ang mga bata na magbigay ng sariling paglalahat sa natutuhang aralin.

C. Pangwakas na Gawain
Iparinig ang awiting "Santa Clara".
IV. Pagtataya
Ipatukoy sa awiting "Santa Clara" kung alin ang may pagkakaugnay.
V. Takdang Aralin
Pag-aralang awitin ang "Pilipinas Kong Mahal" at "Santa Clara".

You might also like