You are on page 1of 2

CHARACTER EDUCATION VI

Section 1

30 mins.

7:25-7:55
July 24, 2015
Friday

I. Layunin
Nagkukusang sumali/lumahok sa mga gawaing pansibiko tulad ng gawaing
pangnutrisyon.
II. Paksang Aralin
Karunungan Tungo sa Maunlad na Buhay
B.P.
: Katotohanan
K.P.
: Kaalaman
Sang.
: ELC 1.1.2 EKAWP VI pah. 7
Kagamitan : Mga larawang nagpapakita ng ibat ibang gawaing pansibiko katulad ng
gawaing pangnutrisyon.
III.Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Paano natin maiwasan ang ibat ibang uri ng polusyon?
Tulad ng polusyon sa tubig at hangin?
2. Pagganyak
Bakit maraming batang malnutrisyon sa Pilipinas? Ano ang masasabi mo sa
pangnutrisyong suliranin ng bansa?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Pag-aaral sa mga larawang ipakikita tungkol sa gawain ng samahang pansibikong
pangnutrisyon.
2. Talakayan
Ano ang mga gawaing ipinakikita ng bawat larawan?
Dapat ba tayong kusang sumali o lumahok sa mga gawaing pansibiko tulad ng
gawaing pangnutrisyon? Bakit?
3. Paglalahat
Bakit kailangang makiisa/makilahok ka sa mga gawaing pansibiko tulad ng
pangnutrisyon?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalapat
Nagkasunod ang proyektong pangnutrisyon sa inyong pamayanan, ano ang dapat
mong gawin?

IV. Pagtataya
Isulat ang mga layunin ng gawaing pansibikong pangnutrisyon at ng mga gawaing
ginagawa ng mga lumalahok dito.
V. Takdang Aralin
Iguhit sa isang papel ang mga gawain ng samahang pansibikong pangnutrisyon.

You might also like