You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV – A CALABARZON
Division of Laguna
District of Victoria
VICTORIA
SAN FELIX ELEMENTARY SCHOOL
S.Y. 2018 – 2019

Inihanda n:

Binigyang Pansin ni:


BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN IV

I. LAYUNIN

Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahan na:


1. Natutukoy at naipapangkat ang mga pagkain ayon sa Go, Grow, at Glow food.
2. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paghahanda ng mga masusustansiyang pagkain.
3. Nakikiisa sa pangkatang gawain.
II. PAKSANG ARALIN
Paksa: Masusustansiyang Pagkain (Go, Grow, Glow Food)
Kagamitan: powerpoint presentation, laptop, smart tv, kartolina, larawan
Sanggunian: Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan pp. 301-305
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1.Pagbati
2.Panalangin
3.Pagsusuri ng liban sa klase
B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Pagganyak
(Magpapakita ang guro ng isang batang malusog at isang batang
payat/matamlay.)

Itanong: Ano ang masasabi mo sa dalawang bata na nasa larawan?


Ano ang kaibahan ng bata na nasa unang larawan sa ikalawa? Ilarawan.
Ano sa palagay mo ang uri o klase ng pagkain ang kinakain ng batang
nasa unang larawan?sa ikalawa?
2. Paglalahad
(Ipakikita at tatalakayin ng ang mga pangkat ng masusustansiyang
pagkain-Go, Grow, at Glow food sa pamamagitan ng picture analysis.)

Pangkat I- Go Food Pangkat II- Grow Food Pangkat III- Glow Food

-Ano-ano ang mga pagkain na nasa unang grupo?ikalawa?ikatlo?


-Kinakain ba ninyo ang mga ito? Bakit?
-Ano ang masasabi ninyo sa mga ito? Ano ang nagagawa nito sa
inyong mga katawan?
-Mahalaga ba na kainin ang mga ito?
3. Pagtatalakay
Itanong: Ano-ano ang mga sustansiyang ibinibigay ng Go?Grow?Glow food?
Dapat bang kainin ang mga ito? Bakit?
May mga maidaragdag pa ba kayong pagkain sa pangkat ng Go, Grow, at

Glow food?

Pagsasapuso: Ano ang natutunan ninyo sa ating aralin? Ano inyong gagawin
para magkaroon ng malusog na pangangatawan?
4. Pangkatang Gawain
 Ipaliwanag ang rubrics sa pagmamarka ng bawat pangkat.

 Hatiin ang mga mag-aaral sa apat na pangkat.


Unang Pangkat: Lumikha ng isang patalastas tungkol sa pangkat ng
masusustansiyang pagkain. Maaring gumamit ng props, musika at iba pa.
Ikalawang Pangkat:Gumuhit ng isang poster tungkol sa pangkat ng
masusustansiyang pagkain..
Ikatlong Pangkat: Magpakita ng dula-dulaan tungkol sa pangkat ng
masusustansiyang pagkain.
Ikaapat na Pangkat: Magpakita ng isang slogan na tungkol sa pangkat ng
masusustansiyang pagkain.

(Ipaalala ang mga tuntunin na dapat sundin sa pangkatang


gawain.)
5. Paglalahat
Ano-ano ang pangkat o grupo ng masusustansiyang pagkain? Ano-ano ang
sustansiyang dala ng bawat pangkat ng pagkain?

IV. Pagtataya/Ebalwasyon:
Kilalanin ang sumusunod na pagkain. Isulat ito loob ng basket na kaniyang kinabibilangan.

gatas karne dalandan lugaw


itlog isda mangga puto

GO FOOD GROW FOOD GLOW FOOD

V. Takdang Aralin
Kilalanin ang sumusunod na pagkain. Tukuyin kung ang mga ito ay GO,GROW, at GLOW
food. Isulat ang sagot sa patlang.
_______1. mantikilya
_______2. bayabas
_______3. kamote
_______4. kalabasa
_______5. munggo

You might also like