You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
Schools Division Office of Pampanga
DISTRICT of Porac East
SIÑURA ELEMENTARY SCHOOL

WEEKLY LEARNING PLAN


Quarter: 4th Quarter Grade Level: Grade 4
Week: Week 8 Learning Area: Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP)- Home Economics Modyul 8
MELC/s:
1. 1. Pagtulong sa paghahanda ng masustansiyang pagkain.
2. Paggawa ng plano ng ilulutong pagkain sa almusal,
tanghalian at hapunan na naaayon sa Go, Grow at Glow foods.
Day Objectives Topic/s Classroom-Based Activities Home-Based Activities

1 1. Pagtulong sa Paghahanda ng Panimulang Gawain: Gabayan ang mga mag-aaral upang magawa ang
& paghahanda ng Masustansiyang Pagkain a. Panalangin mga sumusunod na gawain:
2 masustansiyang pagkain. b. Pagpapaalala sa mga health and safety protocols
2. Paggawa ng plano ng c. Attendance A. Subukin, p. 2-3
ilulutong pagkain sa d. Kumustahan Kilalanin ang mga larawan at punan ng tsek (/) o
almusal, tanghalian at ekis (X) ang bawat kahon.
hapunan na naaayon sa A. Balik-aral at/o pagsisimula ng bagong aralin
Go, Grow at Glow foods. Tingnan ang larawan ng mga pagkaing nasa unang
kolum sa baba. Gumuhit ng kung saang kolum ito
naaayon.
B. Paghahabi sa layunin ng aralin
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong B. Balikan, p. 5-6
aralin Sagutin ang Balikan sa pahina 5-6.
Sa paghahanda ng lulutuing pagkain sa araw-araw C. Tuklasin, p.
ay dapat nagtataglay ng pagkain sa Go, Grow at Basahin ang Tuklasin sa pahina 7 ng modyul.
Glow. D. Suriin, p. 8-10
Halimbawa: Basahin at unawaing mabuti ang aralin sa pahina 8-
Agahan: pandesal (Go), Itlog na may kamatis 10.
(Grow), Saging (Glow) E. Pagyamanin, p. 11
Sagutin ang Pagyamanin sa pahina 11.
Tanghalian: F. Isaisip, p. 11
Kanin (Go), Sinigang na baboy (Grow), Papaya Sagutin ang tanong sa Suriin sa pahina 11.
(Glow) G. Isagawa, p. 12
Sagutin ang Gawain I at II sa Isagawa sa pahina 12.
Hapunan: H. Tayahin, p. 13
kanin (Go), Tinolang manok (Grow) Sagutin ang Tayahin sa pahina 13.
Manga (Glow) I. Karagdagang Gawain, p. 14
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at Ilista ang pagkaing ihahanda sa hapunan sa inyong
paglalahad ng bagong kasanayan #1 bahay.
Ano-ano ang 3 pangkat ng pagkain at paano Suriin kung ang tatlong pangkat ng pagkain at ang
nakatutulong sa ating kalusugan? sustansiyang taglay nito ay makikita sa pagkain.

Pangkat 1. Mga pagkaing nagbibigay ng enerhiya,


lakas at sigla o GO foods. Ito ang pinagkukunan ng
mga sustansiyang carbohydrates, taba at langis na
nagbibigay init,nagpapalakas at nagpapasigla ng
katawan.

Pangkat 2. Mga Pagkaing tumutulong sa paglaki


ng katawan o GROW foods. Mayaman sa protina
ang mga pagkaing ito. Ang protina ay responsible
sa pagpapalaki ng mga kalamnan at ng buong
katawan. Ito ay nagpapalakas din ng mga buto at
nakatutulong sa pagpapalakas ng katawan, kung
ang isang tao ay galing sa pagkakasakit.

Pangkat 3. Mga Pagkaing pananggalang sa sakit at


impeksiyon o GLOW foods. Ang mga pagkaing ito
ay pinagkukunan ng bitamina at mineral. Ang mga
bitamina A, B-1, 6, 12 at C at mga mineral tulad
ng iron, calcium, yodo(iodine), phosphorus at
potassium ang mga sustansiyang nagsisilbing
pananggalang sa sakit at impeksyon. Ang mga
prutas at gulay na mayaman sa bitamina at mineral
ay nagsasaayos ng mga bahagi ng katawan.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at


paglalahad ng bagong kasanayan #2
F. Paglinang sa kabihasnan (Tungo sa
Formative Assessment)
Kilalanin ang pangkat ng pagkain. Isulat ang
A. kung pangkat 1
B. kung pangkat 2
C. kung pangkat 3
D. kung nagkahalu-halo
____________ 1. itlog, gatas, karne, munggo
____________ 2. Dalandan, bayabas, manga,
pinya
____________ 3. Tinapay, puto, suman, lugaw
____________ 4. Kamote, ube, mantika, tubo
____________ 5. Isda, mantikilya, kalabasa,
manok
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na
buhay
Gumawa ng isang plano ng pagkain na idudulot sa
agahan, tanghalian at hapunan. Sikaping may isang
pagkain buhat sa bawat pangkat.

H. Paglalahat ng aralin
Ano ang kahalagahan ng paggawa ng plano ng
lulutuin?
Mahalaga bang ang tatlong pangkat na ito ay
palaging matatagpuan sa ating pagkain, maging sa
almusal, tanghalian at hapunan?
I. Pagtataya ng aralin
Punan ang puwang upang mabuo ang go, grow at
glow sa bawat Plano ng lulutuin na pagkain sa
baba.
1. tinapay, ____________, saging
2. _________, piniritong manok, ginisang petsay
3. kanin, adobo, __________
4. ___________, sinabawang hipon, pinya
5. suman, gatas, __________________
6. kanin, piniritong isda, __________
7. ___________, sinabawang tulya,
_______________
8. kanin, ________________, manga
9. ____________, gatas, mansanas
10. Kanin, _____________, ginisang ampalaya

You might also like