You are on page 1of 2

MSEP V

Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan


Section 1

40 mins.

7:55-8:35

Section 2

40 mins.

1:35-2:15
June 26, 2015
Friday

I. Layunin
Natataya ang antas na sariling tindig at ayos at tikas ng katawan sa pamamagitan ng
plumbline test
Naisasagawa ang plumbline test
Napapahalagahan ang pagpapanatili na wastong tikas at tindig
II.Paksang Aralin
Plumbline Test
Sanggunian: BEC Handbook sa Makabayan MSEP (Edukasyon sa Pagpapalakas ng
Katawan) 5,1. A.2
Kagamitan: (improvised plumbline , tseklis)
III. Mga Gawain sa Pagkatutuo
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aralan ang mga naisagawang kilos.Anu-ano ang mga kilos na
naisagawa?Bakit natin ginawa iyon?
Gusto nyo bang malaman kung gaano kaayos ang inyong tikas at tindig?
2. Talakayin ang aktibidad na gagawin sa araw na iyon at ipabatid ang hinihingi
ng tseklis sa wastong tindig at tikas.
B. Panlinang na Gawain
1. Sabihin: Ang plumbline ay gumagamit ng isang hulog. Ito ay isang kagamitan ng
isang karpintero sa pagtutuwid ng kanyang ginagawang bahay o gusali.
a. Kailangang malayang nakabitin ang hulog
b. Nasa kaayusan ang hulog na ang pisi ay nakalinya sa umbok ng paa.
2. Ipagunita ang mga pamantayan
a. Pumila ng maayos at tahimik habang hinihintay ang sariling pagkakataon.
b. Habang naghihintay, tingnan ng maigi kung paano isinasagawa ng nauunang
mag-aaral ang Posture Check Test
3. Ipagawa ang sumusunod:
a. Tatayo ang bata na ang hulog ay nasa pagitan ng bata at ng guro na nagbibigay
ng pagsubok.
b. Kailangang nakahanay ang hulog sa dulo ng tainga, dadaan sap unto ng balikat
hanggang balakang, tamang-taman sa likod ng bayugo ng tuhod sa gitna ng
umbok ng paa.

C. Pangwakas na Gawain
1. Magpagawa ng apat na pangkat ng mga mag-aaral na may lider. Susundin ng mga
kapangkat ang anumang gagawin ng lider
a. Wastong pagdadala ng bag
b. Wastong pag-akyat at pagbaba sa hagdan
c. Wastong paglalakad
d. Wastong pag-abot sa mataas na bagay
IV. Pagtataya
Magtatala ang guro ng tikas at tidig ng mga mag-aaral sa paggamit ng tseklis.
Ul
o

Itaas Ibabang
na
Likod
Likod

Legend:
Mahusay ang tikas
May kahinaan
May kapansanan

Dibdi
b

Tiyan Tuhod Balikat Balakang

1
2
3

V. Takdang-aralin
Bilinan ang klase na panatilihing maayos ang tikas ng kanilang katawan.

You might also like