You are on page 1of 2

PINAGSANIB NA ARALIN SA EDUKASYONG PANTAHANAN, EKAWP AT HEKASI IKA-ANIM NA BAITANG I. Mga Kasanayan sa Pagkatuto 1.

. Nakagagawa na padron para sa harapang katawan at likurang katawan ayon sa tumpak na sukat. 2. Naisasagawa ang mga paraang dapat gawin.

II.

Paksang Aralin: Paggawa ng padron para sa harapang katawan at likurang katawan. Integrasyon ng: EKAWP Matiyaga, maingat at tumpak na pagkuha ng sukat ng katawan. HEKASI Pagtitiwala sa sariling kakayahan at pagiging produktibo. Mga Sanggunian: 1. 2002 BEC Handbook/Kompetensi sa Makabayan (EPP VI) B.11.3.4. 11.3.5 p. 70 2. Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan. pp. 225 228 3. Agap at Sikap 217 240 4. Modista o Sastre Mga Kagamitan: sewing box medida lapis ruler pattern paper gunting wastong sukat ng katawan III. A. Mga Gawaing Pagkatuto

Panimulang Gawain: a. Itsek ang mga kagamitan ng mga bata b. Pag-usapan ang dapat gawin habang gumagawa ng padron c. Ang pagkilos ng tumpak at pagkakaroon ng tiwala sa sarili ay magbubunga ng wastong paggawa ng proyekto B. Mga Gawain sa Pagdevelop ng Kasanayan 1.

Pakikinig at pagmamasid sa panauhing tagapagsalita (Ang Modista) a. Magbigay ng ilang pamantayan sa wastong pagmamasid sa panauhing tagapagsalita (modista) b. Ipakikilala ang panauhing tagapagsalita c. Paggabay ng guro sa wastong pakikinig at pagmamasid ng mga bata sa panauhing tagapagsalita 2. Pagpapakita ng modista kung paano ang wastong pagkuha ng sukat ng katawan 3. Return Demo ng mga mag-aaral a. Ang mga bata ay kukuha ng kapareha at magkukuhanan ng sukat ng katawan. b. Paggawa ng padron ng harapang katawan gamit ang tumpak na sukat ng katawan. c. Pagbibigay ng mga tuntunin pangkaligtasan sa paggawa. IV. Pagwawasto ng Sariling Padron

Pahalagahan ang mga batang nakabuo ng wastong padron a. Pangwakas na Gawain Ipaskil ang mga padron ng mga bata sa isang bahagi ng silid-aralan b. Ebalwasyon Gawan ng padron ang iyong kapareha. Gamitin ang wastong sukat ng katawan V. Kasunduan Dalhin ang iyong padron at tatahiing tela sa susunod na klase.

You might also like