You are on page 1of 5

SN 5 Belando, Emilia Isabel P.

Pangkat Blg. 6

1E- Pharmacy

INTRODUKSYON

Gaano ba karami sa atin ang mulat sa konsepto ng contraceptives? Ito ba ay


gamot na nakatutulong o isang mapanirang tuklas ng sinyensya na naglalayong
makapaminsala ng kalusugan ng kababaihan? Ito bay isang tamang pamamaraan
upang solusyunan ang lumalagong bilang ng ating populasyon? Maraming opinyon ang
umusbong ukol sa konseptong ito kung saan labis na pumukaw sa atensyon ng mga
mapanuring kritiko.
Ang contraceptives ay maituturing na kagamitan, gamot, o pamamaraan na
naglalayong maiwasan ang pagbubuntis ng isang babae. Maraming klase ng
contraceptives na maaaring pagpilian ng mga kababaihan sa panahon ngayon. Ngunit
ang pinakakilalang ginagamit nila ay ang oral contraceptives o birth control pills.
Ang oral contraceptives o mas kilalang birth control pills ay mga gamot para
mapigilan ang pagbubuntis ng mga babae. Itoy isang mabisang paraan ng
contraception. Ang karaniwang pills na ginagamit ng kababaihan ay ang mga
combination pills (OCP), na pinagsasama ang dalawang hormone na estrogen at
progesterone. At ang pills na progesterone lamang ang taglay na tinatawag na
progestin-only pills. Malaki ang pagkakaiba ng dalawang uri ng pills na ito. Ang mga
gumagamit ng combination pills ay dinudugo parin ng buwanan. Samantalang, sa
progestin-only pills (POP), spotting lamang ang nangyayari sa loob ng ilang buwan,
bastat patuloy ang paggamit nito.

SN 5 Belando, Emilia Isabel P.

Pangkat Blg. 6

1E- Pharmacy

Kritik ng Unang Dyornal


Paksa: Contraceptives
Tentatibong Pamagat: Epekto ng Oral Contraceptives sa Kalusugan ng mga
Kababaihan
Pamagat ng Dyornal: Epekto ng Hormonal Contraceptives sa Platelet Count ng
Kababaihan sa Sokoto State North Western, Nigeria
Suliranin: Ayon sa ulat ng mga eksperto, sa taong 2050 ay may posibilidad na umabot
sa sampung bilyon ang bilang ng tao sa mundo. Dahil sa pangangailangang makontrol
ang mabilis na paglago ng ating populasyon, napagkasunduan na magpatupad ng
patakaran ukol sa family planning at hormonal contraceptives. Kilala ang birth control
pills bilang bahagi ng family planning at hormonal contraceptives. Ito ay isang hormonal
contraceptive na madalas gamitin ng kababaihan. Itoy gumagana sa pamamagitan ng
pagpigil sa proseso na tinawag na ovulation, hindi nakapupunta ang itlog ng babae sa
lugar kung saan maaari itong maabot ng sperm cell ng lalaki. Nais ng dyornal na ito na
siyasatin ang epekto ng matagal na paggamit ng hormonal contraceptives sa platelet
count ng kababaihan. At alamin ang relasyon nito sa sociodemographic characteristics.
Metodolohiya: Nagsagawa ng case-control study ang Usman Danfondiyo Teaching
Hospital (UDUTH) para alamin ang epekto ng hormonal contraceptives sa kababaihan.
Mahigit tatlong buwan isinailalim sa masusing pag-aaral ang 43 babaeng gumagamit ng
hormonal contraceptives. At 20 babae na hindi gumagamit nito ay kabilang sa
kontroladong grupo na inobserbahan din. Edad 18-45 taong gulang ang kinuhaan ng
dugo upang pag-aralan ang mga pagbabago sa kanilang platelet count. Gumamit sila
ng SWELAB 3 part differential haematology analyzer.
Resulta: Ayon sa kanilang obserbasyon may negatibong ugnayan sa pagitan ng edad
ng babaeng gumagamit ng hormonal contraceptives at sa platelet count nito.
Mapapansin na ang babaeng matagal nang gumagamit nito ay may mababang mean
platelet count kumpara sa babaeng panandalian lamang ginamit ito. Kaugnay ng

paggamit ng hormonal contraceptives ang pagtaas ng aktibidad ng platelet ngunit hindi


ang bilang nito.
Konklusyon: Iminumungkahi ng pag-aaral na ito na ang maagang pagkamulat sa
ikatlong henerasyon ng hormonal contraceptives ay maaaring magdulot ng pagtaas sa
platelet count ng isang babae. Samantalang ang mahabang panahon na paggamit nito
ay makakaapekto sa pagbaba ng bilang ng platelets.

SN 5 Belando, Emilia Isabel P.

Pangkat Blg. 6

1E- Pharmacy

Kritik ng Ikalawang Dyornal


Paksa: Contraceptives
Tentatibong Pamagat: Epekto ng Oral Contraceptives sa Kalusugan ng mga
Kababaihan
Pamagat ng Dyornal: Ang Paggamit ng Hormonal Contraceptives ay maaaring maging
sanhi ng Glioma sa mga kabataan
Suliranin: Ang matagal na paggamit ng birth control pills ay may panganib na dala tulad
ng pagkakaroon ng kanser sa ibatibang bahagi ng katawan. Ang pag-inom ng
hormonal contraceptives sa loob ng limang taon ay kaugnay ng mataas na posibilidad
ng isang batang babae magkaroon ng tumor at glioma of the brain. Sa ibang pag-aaral
ang paggamit ng oral contraceptives ay maaring maging dahilan ng central nervous
system tumors. Sisiyasatin ang ugnayan ng paggamit ng hormonal contraceptives sa
pagbuo ng glioma sa mga premenopausal na babae sa loob ng isang populasyon.
Metodolohiya: Gamit ang listahan ng pambansang administratibo at pangkalusugan ng
Denmark nagsagawa ng case-control study ang mga scientist. Kinilala nila ang mga
babaeng 15-49 taong gulang na nasuring may glioma noong 2000 hanggang 2009.
Bawat kaso ay may edad na kapareha para sa walong kontroladong populasyon gamit
ang risk set sampling. Batay sa nilalaman ng preskripsyon hanggang dalawang taon
ang maaaring paggamit nito depende sa kategorya ng hormonal contraceptives.
Gumamit sila ng conditional logistic regression para kalkulahin ang odds ratio (ORs) na
may 95% confidence intervals (CIs) para sa pag-ugnay ng glioma at hormonal
contraceptives.
Resulta: May 317 na mga kaso at 2,126 na mga kontrol ang naitala. Ang pagkakaroon
ng glioma ng isang babae ay depende sa OR at paggamit ng hormonal contraceptives.
Ang kaugnayan ng matagalang paggamit ng hormonal contraceptives at pagkakaroon
ng glioma ay ang progestagen pills.

Konklusyon: Malaki ang posibilidad na magkaroon ang isang babae ng glioma kung
mahabang panahon sya gagamit ng hormonal contraceptives.
SN 5 Belando, Emilia Isabel P.

Pangkat Blg. 6

1E- Pharmacy

Batayang Konseptwal

Oral
Contracepti
ves

Gumagamit

Mabuting
Epekto

Masamang
Epekto

Resulta

Doktor
(ob gyne)

Opinyon

You might also like