Professional Documents
Culture Documents
na yun."
MAG TUTURO ULIT SIYAAAA? YES! Magandang ideya yan. Lex,
susundan kita at pipilitin kitang alalahanin ako..... itaga mo yan sa bato!
3rd~
Summer: Humanda ka...
"Nagturo ka dahil..." Napatingin si Kyla at Lex sakin. "I-I mean, nagturo ka sa
school namin noon."
"Huh? Really? Naging prof mo ba ako?"
"O-Oo!"
Konting saya ang naramdaman ko nung sinabi niya yun.
"Oh, anong mga ginawa ko dun?"
He`s curious!
"Uh, yun nga... nag turo ka."
Ano pa bang sasabihin ko sa kanya? Na nagturo siya para sundan ako? Baka
mabigla ko siya at mas lalong lumayo sakin. Gusto kong sabihin sa kanya yung
totoo, yung tungkol sakin, tungkol samin. Pero maghahanap na lang muna ako
ng mas magandang tyempo, hindi ngayong andito si Kyla.
"Aw." Tumango siya. "I`ll teach in UDP." Sabi niya kay Kyla.
"Oh! Dun? Sige sige." Ngiting-ngiti si Kyla.
Symepre, ba`t di yan ngingiti eh di naman ako taga UDP. Tsaka, mahirap
makapasok dun... paano ako ngayon nito?
Kailangan kong pumasok dun! Kailangan kong sundan si Lex. Pero mahirap
dun! Kakayanin ko na lang. Sana lang tanggapin nila yung records ko, kahit na
may isang sem akong binagsak ang lahat ng subjects, sana matanggap ako.
"Bakit, Summer? Gusto mo na rin bang mag UDP?"
"H-Huh?"
Si Kyla talaga! Nakakainis!
"Uh, hindi-"
"Baka susundan mo si Lex?"
OMG? WTF? Bakit tinanong yan ni Kyla in front of Lex?
"Huh? What do you mean?"
O my God!
"Diba? Why don`t you tell him. You liked him ever since. Simula pa noon,
diba? Kaya lagi kang nandyan kung asan siya?"
Napatingin si Lex sakin. Namumuo na naman ang luha ko. Para akong
pinapaamin sa kasalanang totoong ginawa ko, pero dinagdagan ng mga di
totoong detalye. Lex was still staring at me. And I can sense that he`s
distancing a lot right now.
"A-Ano bang pinagsasabi mo, Kyla?"
Totoo yung sinabi ni Kyla na gusto ko si Lex. Pero hindi ko siya sinundan!
"What are you talking about, Kyla?-"
"Sa gabing nadisgrasya si Lex, bakit andun ka sa scene? Because you were
stalking him?"
Ang mukha ni Kyla ay parang siguradong-sigurado siya sa lahat ng sinsabi
niya. Pinagpapawisan na ako ng malamig at parang bumabaliktad na ang tiyan
ko.
"I wasn`t stalking him! Sinundan ko siya-"
"Sinundan? It`s the same!"
"Sinundan ko siya-" Lex stared at me. May malaking distansya na talaga akong
nakikita sa mga mata niya. "Because..."
I can`t say it.
"You`re his girlfriend ba?" Tanong ni Kyla.
Nakahalukipkip na ito.
Tiningnan ko ang mga tao sa paligid, buti walang nakatingin samin. Tapos, si
Lex naman ang tiningnan ko... ganun parin ang ekspresyon niya.
"Hindi."
True. I`m not his girlfriend. I was never his girlfriend.
Narinig ko ang pagsinghap ni Lex.
"Miss Summer, do you like me?" Kinakausap niya ako na parang bata. "a lot?"
Napatingin ako sa pinakamaamong mukhang nakita ko sa balat ng lupa. It was
"Damn!"
Tumingin ulit siya.
Hindi na ako huminga sa second look niya.
I heard his voice, "Summer?"
Ngumiti ako.
Masaya ako dahil nakikilala niya na ako! Sana nga lang, pati ang alaala niya
tungkol sa akin, bumalik na.
6th~
Summer: gusto ko lang ng bagong environment.
"Summer, ba`t ka nandito?" Tanong ni Lex.
Napatayo ako.
"Uh... nagtake ako ng exam eh. Titingnan ko kung... makakapasok ako sa
school na `to."
Tumango si Lex, "O sige... goodluck!" Umalis siya.
Sinundan ko siya sa tingin. Ni hindi ko na namalayang nandito parin si Dave sa
tabi ko habang tinitingnan ko ang buong detalye ng pag-alis niya sa harapan ko.
Pumasok yata siya sa opisina ng presidente ng eskwelahang ito. Naiisip ko
tuloy, ang layu-layo niya na sakin ngayon.
He's young and very successful. Responsable na rin siya at mature na,
samantalang ako, nag-aaral pa, wala pang landas na gustong tahakin sa buhay,
at puro puso lang ang iniisip. Parang ang liit-liit ng tingin ko sa sarili ko...
"Summer, you're spacing out." Sabi ni Dave. "May nangyari ba sa inyong
dalawa nung boss mo?"
"Uh... wala." Nagsimula akong maglakad dahil nakita kong kakapark lang ng
sasakyan nina Aliyah at Nadine. "Wala."
Lumabas naman ang dalawa. Si Nadine mukhang naninibago sa eskwelahan
kaya tingin nang tingin sa mga tao, si Aliyah naman...
"Oh... Lex is here!" Sabi niya nang nakita ang bagong sportscar ni Lex.
"Nagkita kayo?"
"Oo." I sighed. "Nagkausap kami."
"And??"
"Wala... of course, wala." Sagot ko.
Umiling si Aliyah. Napansin nila si Dave sa likuran ko.
"Oy Dave! You're studying here?" Tanong ni Nadine.
"Uh, yeah! Kayo?"
"No. Sasamahan lang namin si Summer." Sagot ni Nadine.
"So ano, lunch muna tayo?" Sabi ni Aliyah.
"O sige. Pero, siguro mas mabuti kung dito na tayo maglunch sa school." Sabi
ko. "Dave, sama ka sa lunch? Para makapagkwentuhan tayo."
"O sige! Saan niyo gustong maglunch? Maraming cafe dito sa school. Ibaibang klase."
"That's cool." Sabi ni Nadine.
Pinuntahan namin ang mga sinabing cafe ni Dave. At cool nga ang mga ito.
Yung iba, fast-food-type, may mga sweets lang din ang pagkain, may mga
coffee shop, may japanese foods, at iba-iba pa.
"Ang dami! At iba-iba pa. Kaso, nakakapagod na." Reklamo ni Nadine.
"Ang ganda nung bar type ah, daming gwapo. Tsaka, maraming tao sa mga
cafe niyo ah. Sana ganito din sa school. Hay naku, kaya naman pala mahirap
makapasok dito." Sabi ni Aliyah.
"Oo nga eh... hmmm, so ano, Summer? Saan mo gustong pumunta?"
"Napuntahan na ba natin ang lahat dito?"
"Hindi pa eh. Marami pang iba diyan."
"Ahhh. Saan ba yung wala masyadong tao?" Tanong ko.
Nakita kong mejo natigilan siya.
"Ohhh boring!" Sabi ni Aliyah.
"Kakain lang naman eh." Sabi ni Nadine.
"Uhmm... Sa Blue Rose, sa-"
"Blue Rose? Dun na lang." Sabi ko agad.
Hindi naman sa, naiintriga ako sa pangalan ng cafe na yun, pero talagang
kumakalam na ang sikmura ko at kailangan ko ng kumain.
Hindi ko naman inakalang talagang nasa liblib na lugar yung sinabing Blue
Rose. Mukhang jungle na ang lugar at hindi mo aakalaing may ganitong lugar
sa loob ng school.
"Blue Rose? Ang layu naman kaya siguro walang pumupunta masyado dito.
Kakain ka na nga lang mali-late ka pa. Tsaka... tunog flowershop din tong cafe
na `to ah?" Sabi ni Aliyah.
Nakarating na kami. Kapansin-pansin ang mga puno sa paligid at mga rosas.
Nakakapagtaka tuloy kung bakit Blue Rose ang pinangalan sa cafe na `to.
Sobrang ganda din ang paligid. May pond at mga bench pa kung saan-saan. At
totoo ngang mejo hindi matao dito kumpara sa ibang cafe nila.
Tumunog ang windchime pagkapasok namin.
At kamuntik na akong tumakbo sa nakita ko sa loob - si Lex!
"Lex," Tinawag ni Aliyah ang pinsan niya habang tinuturo samin ang table
katabi ng table ni Lex.
Mukhang may ginagawa siya at maraming papel sa table niya.
"Aliyah! Why are you here?"
"Well, uhm, sinamahan ko si Summer." Sabay turo sakin.
Tumingin si Lex sakin at balik ulit kay Aliyah.
"You sure? Baka may pinuntahan kang boyfriend dito?"
"Wala noh! Seriously, I'm with Nadine pa nga eh. We're here to help her."
Tumango si Lex.
"Are you, like, waiting for someone?" Sabay tingin ni Aliyah sa katapat na
upuan ni Lex.
"Uhm, yeah! Pupunta daw kasi si Kyla. Sinabi ko nalang sa kanyang nasa Blue
Rose ako. How did you find this place?" Tanong ni Lex.
"Uh, si... Dave. Pinili kasi ni Summer yung 'cafe na di matao'."
Tiningnan ako ni Lex kaya tiningnan ko na lang ang menu.
"Ayaw niya ng matao?" He chuckled. "I thought you're cousins? And you hang
out a lot?"
"Well..." Nagkibit-balikat si Lex.
Napakamot tuloy ako sa ulo. So ano naman kung ayaw ko ng matao ngayon?
Tsaka... damn! Kyla's coming? Parang kinakabahan ako or something.
Pakiramdam ko na naman ang liit-liit ko kumpara sa kanilang dalawa.
Umupo na si Aliyah sa harap ko habang nginunguso si Lex. Umiling na lang
ako.
"So, Summer, ba`t ka nga pala lumipat?" Tanong ni Dave pagkatapos naming
umorder.
"Uhm..." At paano ko naman ito sasabihin? "I-I was bored?"
Lintik! Ano bang sasabihin ko? Sasabihin kong may sinusundan ako? Hindi
naman pwede diba?
"Huh?" Bahagyang tumawa si Dave. "Hindi nga?"
"Uhmm, basta... gusto ko lang... talaga."
"Ohh. Are you running away or something?"
"Huh? Hindi naman. Talagang gusto ko lang ng bagong environment."
Tumango siya. I was relieved that he believed me, or at least accepted my
answer.
Ilang sandali, dumating na ang order namin. Pagdating ng order namin,
dumating na rin si Kyla.
7th~
Summer: Ok, sure!
"Lex!" Bati ni Kyla kay Lex habang nakatingin samin. "K-Kanina ka pa ba
dito?"
"Yeah! Nandito nga rin si Aliyah, Nadine... at si Summer."
"Ohh. So, ano? Lika na?"
"Mamaya na. I just want to finish this." Sabay pakita niya sa papers niya.
"Where's your laptop?"
"Iniwan ko sa car. Inaayos ko lang ang schedule ko. Ayoko kasi ng loaded
masyado. Half-time lang."
Half-time lang? Sorry. Nakikinig ako sa usapan nila. Wala naman kasi
masaydong tao kaya walang nag-iingay. Kumakain naman kami kaya wala
Tumango ako.
"So, ano? Kitakits na lang!" Ngumiti siya habang tumatayo.
AALIS NA SILA?
Tumayo na rin si Kyla.
"Aliyah, alis na kami. May ipo-process pa akong papers dito eh."
AT KASAMA SI KYLA? Naku! Ang sarap umapila! Kaya lang... wala naman
akong karapatan.
"And... Summer, I'll be your prof." He smiled an evil smile.
Tinanggap niya ang hamon ko! Lalaban ka rin Lex? Sa labang ito, dalawa lang
ang pwedeng mangyari... maaalala mo ako o mamahalin mo ako!
"Ok, sure!" Nginitian ko na rin siya.
Umalis sila ng walang imik si Kyla. And something is burning inside me.
Pakiramdam ko, may pag-asa pa talaga! GAGAWIN KO ANG LAHAT PARA
MAHALIN NIYA ULIT AKO.
Sigurado na ako sa gagawin ko ngayon!
Nang nakuha ko na ang results ng exam at nakita kong nakapasa na ako,
siguradong-sigurado na ako. KAYA, LEX, HUMANDA KA! Sa ayaw't sa
gusto mo, mamahalin at mamahalin mo ulit ako!
8th~
Summer: I'm new here talking to an old friend
Dali-dali akong pumasok sa loob ng classroom. Hindi ko alam kung excited
ako o natatakot ako. Linsyak din naman kasi tong schedule sa skul na to! To Be
Announced lang yung nakalagay sa mga instructor kaya hindi ko alam kung
sino ang magiging professor ko. Kung si Lex ba o hindi.
"And aga natin ah?" Nakangiti si Dave habang papalapit sa akin.
"Uh, excited lang." Sabi ko. I tried to smile.
"Excited? For school?"
Tumango ako.
"You've really changed a lot, Summer." There's a weird look in his face.
Nagsidatingan na rin ang mga kaklase namin.
Parang wala lang sa kanila si Dave na artista ah. Siguro dahil araw-araw din
naman nila siyang nakikita dito.
"Anyway, dun ako uupo." Sabay turo sa upuan malapit kay Lindsay - yung ka
loveteam niya. "Dun ka na rin sa tabi ko!"
"Uhm, wa`g na. I'm okay here." Ngiti ulit.
"You sure?"
Malayo ako sa whiteboard, nasa pinaka huling upuan ako. Samantalang nasa
harap naman ang upuang tinuturo ni Dave.
"I'm really okay here."
"Okay." He grinned.
Dumami na ang mga kaklase ko. Halos di ako mapakali sa kabang
nararamdaman ko.
"Pssst, hi!"
Ang tagal naman ng professor namin.
"Miss, hi!"
Napatingin ako sa group of chinito boys sa right side ko. Nakangiti silang apat
habang kumakaway sakin. Mga loko `tong mga to ah? Pinagtri-tripan yata ako?
"Hello!" I smiled my sweetest smile.
Halatang mga anak mayaman. Mga intsik siguro. Inayos ko ang buhok ko
sabay pangalumbaba sa desk ng upuan.
"Sige kayo... pagtripan niyo pa ako. Akala niyo ha..." Bulong ko sa sarili ko.
Ngiting-ngiti parin ang apat kahit napapalibutan na sila ng magagandang babae.
Hindi ko na lang pinansin. F4? Sus. Not my type.
"Good afternoon class!"
Biglang pumasok ang professor namin.
Napatayo ako para lang makitang hindi si Lex ang professor ng klaseng ito! I
sighed, sat down again.
Dissapointing. :(
Alfonso Sebastian.
Matanda na yung professor namin, mga 40+ na siguro ang edad. Paano
"Sir, why are you still single? Third sex?" Nagtawanan ang mga lalaki sa klase.
"Uhm, no." Ngumiti siya sa lahat ng nag dududa. "I've had relationships. And
I've been engaged once..."
"WHOAAAAA!"
"Engaged with Kyla?" Napabuntong-hininga ako habang nakapangalumbaba at
tinitingnan si Lex sa malayo.
"Then why did you broke up with her, Sir? Ang swerte naman nung babaeng
yun, pero sayang!" Naghiyawan ang buong klase.
Ako lang yata ang tahimik dito habang tinitingnan silang tuwang-tuwa sa
pagtatanong kay Lex ng kung anu-ano.
Sana ako rin pwedeng magtanong kay Lex... Pwede naman, alam ko. Pero sana
may maisagot siya sa tanong ko. Sana alam niya ang sagot sa tanong ko. Pero
malabong mangyari yun...
ang dami ko na palang nagawa para sa kanya ano? Pinasok ko pa talaga ang
school na `to para lang mapalapit sa kanya. Siguro, iisipin ng iba na naloloka n
a
ako sa ginagawa ki. Ayan na naman si Summer, naloloka na naman ulit sa pagibig. Parang ganun? Pero kasi, sa lahat ng mga minahal ko, ito na yata ang
pinaka hindi ko kayang pakawalan at ang pinaka masaklap. Yung tipong
hahamakin ko na talaga ang lahat. Desperada na. Pero masisisi niyo ba ako sa
ginagawa kong `to?
Masisisi niyo ba kung sinisisi ko ang sarili ko sa lahat ng nangyari?
"For now, di muna ako magsisimula sa lectures. This is the first day of school,
I
want to get to know all of you. Syempre, ito ang unang semester na magtuturo
ako dito..."
May biglang nagtapon ng papel sa akin. Syempre, sino pa ba yung kanina pang
nagpapapansin diyan? Edi yung mestiso! Mas malala pa yata ang sayad nito sa
mga F4 kanina eh. Grrr.
Binuksan ko yung nakalukot na papel.
So the famous Summer Romero isn't interested in boys anymore? C'mon, I
know you remember me, we danced in a bar two years ago...
WHAT!? Tumaas ang altapresyon ko sa nabasa ko.
"Crap!" Sinimangutan ko ulit siya at mas lalong linukot ang papel.
Mabilis natapos ang klase, kasi nga walang lecture. Nakakainis mang isipin
pero mabuti na rin yun kasi mas lalo akong naiinis sa mestisong yun! GRRRR!
May narinig pa akong mga babaeng nanghihingi ng contact number ni Lex pero
di niya naman binibigay.
Nagmadali akong umalis sa loob ng classroom. Kahit na dadaan ako sa harapan
kung nasan si Lex, eh alam ko rin namang di ako papansinin nun dahil...di niya
ako masyadong kilala. :(
"Hey Summer! Can't remember?" Hinabol pa talaga ako nung mestiso kaya
nagmadali akong lumabas na... pero hindi pa lang ako nakakalabas ng room,
hinawakan niya ang balikat ko para lang makuha ulit ang atensyon hinihingi
niya galing sa akin. "Hey!"
"Hey what?! I don't know you!" Hinarap ko siya.
Nakita kong nakangiti siya habang linalagay ang mga kamay sa baywang.
"Really?" May pagdududa sa tingin niya.
"Really! Seriously? What is wrong with you? Nakakainis ka na ah?
Kinakabahan ako sa ginagawa mo, will you stop that-"
"But-"
"Please?"
"Summer!" May tumawag sakin galing sa labas... it was Dave!
OH GREAT! OH PLEASE! Wa`g niyo naman akong bigyan ng problema...
"What's wrong?" Pumasok siya sa classroom.
Napansin kong imbis na magsialisan ang mga kaklase ko eh mas lalo pa yata
silang nagtagal sa klasrum dahil sa nangyayari.
HELLO! Artista si Dave kaya malaking scoop ang makukuha ng kung sino
man sa kung anu mang gagawin niya ngayon dito...
"Dave, let's go!"
lang akong naiinlove. Palagi na lang akong nasasaktan. Minsan nga noon naisip
ko baka hobby ko na ang mainlove. At ngayon, kahit anong mangyari ayaw ko
na `tong pakawalan. Naiisip ko ring naloloka na ako. Bata pa ako at marami pa
akong magagawa at makikilalang iba. Bakit ko pa pinagsisiksikan ang sarili ko
sa taong nasa ganitong sitwasyon?
Pero pabalik-balik man yun sa isipan ko, hindi ko parin maitanggi. Mahal ko
siya. No logic. Very irrational. Biruin niyo, sa dinami dami ng inisip ko,
mauuwi parin sa simpleng 'dahil mahal ko siya' na rason.
"Summer, can you help me with this papers..." Sabi ni Lex sabay turo sa files
sa harap.
Halatang ginawa niya lang yun para makawala ako kay Dave.
"Come with me." Sabi niya.
OMG! He is finally noticing my existence, isn't he? Masayang masaya ako!
Kinilig nga ako. Isang feeling na ngayon ko lang ulit naramdaman.
Sa mga nakaraang buwan kasi puro drama ang nangyayari sa life ko.
Maybe this time, I should move on. I should be happy with this little
development. Kahit na ganito lang, masaya na ako. Hindi na siguro ako
magiging emo masyado at nega...
"Pakilagay diyan..." Sabay buntong hininga.
Nakapasok na kami sa loob ng office. Dumaan pa nga si Professor Alfonso
Sebastian, isang prof namin sa major subject. Mejo malagkit ang tingin.
"Let's have dinner somewhere far..." Sabi niya.
"Okay!"
Nang nasa sasakyan niya na kami...
"What were you like before?" Tanong niya.
Huminto ang sasakyan sa red light.
"The same..."
Katahimikan. Napansin ko ang pag kunot ng noo niya.
"You wear the same kind of clothes?"
Napatingin tuloy ako sa outfit ko. Shorts, tank top... Anong problema? Hindi
ako nakapagsalita.
"I don't know if its your clothes or maybe its your body... If you wear
something like that you'll catch every man's attention."
"Huh? Anong problema sa soot ko? All the other girls at school wear shorts and
tank tops too."
"And you aren't that sensitive with the people around. Kanina, while I was
discussing, may mga lalaking tingin ng tingin sayo, and I'm sure they were
looking at your cleavage."
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. What cleavage? At nag seselos
ba siya?? LOL!
"Nagseselos ka?"
Katahimikan.
Ngumisi ako.
"Nagseselos ka ba?"
Napabuntong hininga siya. He looked irritated.
"No! Of course not! Hindi ko lang talaga alam kung paano na inlove si Lex
Santos sa'yo! I normally wouldn't go for girls who wear this type of clothes...
a
girl who is YOUNGER. A girl-"
"-like me?"
13th~
Summer: I think I should go
"Hindi naman sa ganun."
Napabuntong hininga ako.
"Alam ko. Mayaman ka, successful at a very young age. At ako, some wasted
party girl diba? Hindi ko din naman alam eh. Sinabi
ko na sayo yun diba? Hindi ko alam kung paano. kahit ako hindi
makapaniwala."
Pumasok na kami sa restaurant. Tahimik. At... Kumain na kami. Tahimik parin.
"Lex??!"
Napairap ako nang biglang nakita si Kyla na sumulpot bigla kung saan. Naka
black dress siya at tulad ni Lex, may aura siyang
pang successful people.
"This is such a surprise!"
She ignored me and kissed Lex.
"I missed you, Kyl!"
"Oh, I missed you too!"
Tapos pinaupo niya sa tabi ko.
Hindi ko maiwasang mairita sa pangyayari. Kumain na lang ako ng tahimik.
"May dapat tayong pag usapan..."
"What is it?"
Diba engaged daw si Lex kay Kyla? Well, hindi ako sure pero...
"It's about our engagement."
Sumulyap silang dalawa sakin.
Nawalan naman ako ng ganang kumain.
"What about our engagement?" Sabi ni Lex.
"At tungkol sa pag bisita ng Daddy mo dito before or on our engagement day.
We need to fix things. I called you kanina nung
kadadating ko lang from my flight but you didn't answer me, why?"
"I've been busy."
Parang gusto kong umalis dito. Out of place... Buti sana kung out of place lang
eh nasasaktan ulit ako eh.
Summer, give it up! My gosh! You've come a long way! This is too much! This
isn't your world!
Tumingin ulit si Kyla sakin.
"Why is she here?"
"Dinner. Nag dinner ka na ba? Order."
Sabay bigay ni Lex sa menu.
"Dinner? Sure?"
"Bakit? May problema bah?"
"Well, you see, Lex, that can't be good! Estudyante mo siya, di ka pwedeng
basta basta na lang makipagdinner sa students mo.
"This isn't 90s." Sabi ko.
Lalong sumama ang tingin ni Kyla sakin.
"And for the win, yung walang modo pa."
Sinabi niya yun with complete poise and elegance. Ang sarap sapakin. Pero
kailangan kong mag fit-in sa lugar kung saan si
Lex, baka sakaling maalala niya ako... Kaya kailangan kong magpigil at
magtimpi sa kahit anong eskandalong gusto kong gawin.
"Lex, I think I should go."
"You SHOULD go..." Sabi ni Kyla.
"W-Wait!"
Hinawakan ni Lex ang kamay ko nang bigla akong tumayo para umalis.
"Kyl, tell me... kilala mo si Summer, diba?"
"Huh? Wh-What do you mean?"
"Ang ibig kong sabihin, kilala mo na siya noon. Noong di pa ako nagka
amnesia."
"No..."
Bumuntong hininga na lang ako. Magsinungaling ka pa. Alam kong atat ka ng
mapasayo siya!
"Really?"
Umiling si Kyla at umalis na agad ng walang imik kay Lex. Leaving us two,
alone.
Ayan na naman. Naiiyak ako. Sobra! Bakit ba parang tinalikuran ako ng mga
taong maaring makapagsabi sa katotohanan? :( Pero
expected naman yun, diba? Mahal niya si Lex. Tulad ko, desperada siyang
makuha si Lex. Gagawin niya ang lahat.
"Alam ko..." Sabi ko.
Nakahawak parin siya sa kamay ko. He squeezed my hand tight.
"Alam kong sa tingin mo nagsisinungaling ako. Pinagsasamantalahan kita kasi
Kita tayo mamaya after class, The Academy Hotel room 208. Need to talk to
you in a private place.
Kinabahan ako. Bakit kailangan sa private place pa kaming mag-usap?
Reply:
Bakit?
Di na siya nag reply. Hinintay ko ang klase niya, pero binigyan lang kami ng
assignment kasi may Urgent meeting daw siya sabi ng assistant.
"Hello, Aliyah?" Tinawagan ko si Aliyah.
"Yep?"
"Wa'g niyo na akong sunduin ngayon ah?"
"Why? You're with Lex?"
"No. But maybe later." Sabi ko ng nakangiti sa phone.
"You sound happy." Sabi niya.
"I don't think I should be, though."
Kasi nga may kung anong kirot sa puso ko. Kinakabahan ako sobra! Natatakot
tuloy ako. Is this a sign?
Nagtaxi ako papuntang The Academy Hotel. Yung room 208 ay nasa 20th floor
pala. Sobrang kaba ko sa elevator, maging sa paglabas at pagkatok sa pintuan.
Kumatok ako ng kumatok pero walang sumasagot kaya binuksan ko na. Dahandahan.
My heart skipped a beat. I opened the lights and too my surprise!!!
GUESS WHAAAAAAAAAAAT!?
Napahawak ako sa puso ko nang naramdamang ito'y nababasag. Basag na 'to,
noon pa. But it broke into more and more pieces. Para bang di na ulit to
maaayos pang muli!
"summer!" Nabigla si Lex nang makita ako.
He was topless under Kyla. Although hindi sila hubo't hubad, but I know it's
getting there!
I went outside, closed the door, ran to the elevator and closed the elevator
doors.
Though he tried to chase me, I didn't let him... hoping my heart's doors will al
so
be closed for him after this.
15th~
Summer: you broke my heart
Hinabol niya akong hanggang labas ng hotel. Nagtago ako. Napasandal ako sa
wall na tinataguan ko at di ko na mapigilang umiyak. I knew it!
Simula palang alam ko nang maaaring mangyayari 'to sa kanila at sa akin. I
never thought it would hurt this way.
"May nakita ba kayong babae, uhh, she's this tall and wearing shorts, pretty..."
Mukhang tinanong niya sa guard.
"Doon yata siya tumakbo, sir."
Tumakbo pa ako palabas na talaga ng hotel.
"Summer!"
Pagkalabas ko sa hotel, tumakbo ako noong papatawid sa kalsada.
*PIIIIIIIIIIIIP!*
Muntik pa akong masagasaan! Pero nang nakarating na ako sa kabilang lane,
naisipan kong sana nasagasaan na lang ako.
Lex was there. Shouting my name but too blurry to be seen. Lumandas ang luha
sa mga mata ko habang pumapara ng taxi at pumasok.
Di siya nakatawid papunta sakin.
I knew it would happen but I didn't see it coming this early. Akala ko magtitiis
muna siya at mawawalan ng pag-asang mabalik ulit ang alaala niya saka niya
'to gagawin. I don't think this is the first time they'll do that. They have don
e it
before, they may again. Pero sana naman, di sa mukha ko. Hindi naman sa big
deal sakin ang ganung bagay.
Ang big deal sakin ay ang pag asa kong hihintayin niyang makaalala bago niya
gagawin ulit yun.
Lex is successful and old enough to walk in the aisle. Kyla, too. I'm too young
Mangiyak-ngiyak na si Kyla.
"Summer? Si Summer ba? Lex, wa'g ka namang bastang maniwala dun! She
likes you, she's obsessed! Gagawin nun ang lahat-"
"Its not about Summer!"
"No! Its about her!" Sabi ni Kyla.
"I don't even remember anything about that girl, why would it be her?"
Ang sarap pag untugin ng dalawa! Kainis! Kaya ayun, dumaan ako sa harapan
nila.
"Excuse me!"
At dumiretso sa classroom.
Umupo na ako agad. Nakita kong papasok si Lex at tinitigan ako. Mukhang
galit. Same expression. Di na ako nawiwindang sa mukha niyang yan dahil
araw-araw niya akong tinititigan ng ganyan.
"Write an essay about..."
Ayan! Nabadtrip tuloy. Sa tuwing nababadtrip siya, lagi niya lang kaming
iniiwan at di na nag lelecture. Minsan quiz, minsan ganito.
"Pass your outputs after one hour... to Miss Romero."
Napatingin ang lahat sa akin. First time na pinili niya akong magdala ng mga
papel ng mga kaklase ko. Kadalasan kasi si Lindsay o yung isa kong kaklase.
Umalis din naman siya pagkatapos nun.
"Ang hirap naman nito." Lumapit si Dave sakin. "Buti ka pa! Syempre, kaw
yata ang top sa klase." Sabi niya sakin.
"Hindi noh. Pupunta nga siguro akong library para magkaroon ng ideya." Sabi
ko.
"Talaga? Sama-"
"Hey Dave! Let's go!" Sabi ni Lindsay at kumapit sa braso ni Dave.
"Uhh..."
Gusto kong mapag-isa kaya...
"Oo nga Dave. Sumama kana kay Lindsay." Ngumiti pa ako.
Umalis din naman sila.
Pagkatapos ng higit isang oras, halos nabaliw sa kakahanap ang mga kaklase ko
sakin kasi mag-isa ako at nakaupo lang sa isang bench sa malaking school na
'to.
Maswerte yung mga nakakita sakin, malas yung iba. Pero mas malas ako dahil
kinailangan ko pang maghintay sa iba.
*tok-tok-tok*
Magagabi na nang pumasok ako sa faculty. Si Lex na lang at si Professor
Sebastian ang naroon, si Prof Sebastian, ganun parin, malagkit ang tingin.
Binalewala ko na lang.
"Eto na po, Sir." Sabay abot ko kay Lex na nakapikit at nakahawak sa ulo.
Hindi siya nagsalita.
"Masakit ang ulo mo?" Tanong ko.
Tumingin siya sakin.
"Just occassional headaches." Aniya.
"Especially when I'm around?"
Naalala ko nung dito rin kami sa faculty at nagkaganito din siya.
"Try pain relievers." Sabi ko at umambang aalis na.
"Hindi ka man lang ba gagawa ng paraan para maalala kita?"
Natigilan ako.
"Like what?" Hinarap ko siya. "I don't think you'll regret marrying Kyla kahit
maalala mo pa ako..."
"You heard everything?" Sabi niya.
"It doesn't matter."
Tumayo siya para bang pinipigilan ang pag-alis ko... "Truth is, I postponed the
engagement because somehow, I feel like I forgot something important."
Natigilan siya nang sumakit ulit ang ulo niya.
"Forget it, forever." At umalis na ako...
Ginawa ko ito para malaman kung nasaan talaga ako sa buhay niya. Kahit di na
siya ang Lex ko, alam kong nasa puso niya parin ako. Hindi ko siya kayang
diktahan na mahalin ulit ako, at ngayong itinataboy ko na siya, parang di siya
umaalis ng lubusan.
Kung umalis na nga siya ng tuluyan, maaring di talaga ako minahal ng Lex
ko... Kung di siya umalis, maaring may lugar pa talaga ako sa puso niya kahit
di niya ako maalala.
Hindi ko mapigilang umiyak. Umiyak dahil sa pagtataboy ko sa kanya, umiyak
dahil sa inis dahil di niya ako maalala at umiyak dahil kahit anong gawin ko di
ko siya makalimutan.
18th~
Summer: Nga pala sir
Ilang weeks na ang nakalipas at anun parin kami ni Lex. And today is another
day... buong session siyang naglecture. Malapit na din kasi ang finals.
"Class... this is probably my last class. I've decided to stop teaching." Sabi n
iya
na ikinabigla naming lahat.
"Ha??? Bakit?" Sabay sabay na tanong ng mga kaklase ko.
"I haven't found a reason to stay." Sabi niya.
Shet! Parang nabilaukan ako sa sinabi niya. Ano? Summer? Yun na ba talaga
yun? You came all the way here to chase him pero in the end you'll give up?
Pero kung tutuusin, mag aanim na buwan na at wala parin siyang naaalala.
Hindi niya naman ako nagugustuhan. Sinabi pa nyang wala na siyang rasong
magpatuloy dito. :(
Gusto kong umiyak, pero pinigilan ko... pagkatapos ng klase, nagpahuli ako at
inabangang umalis siya at hinabol sa labas.
"Lex... Lex!" Tawag ko.
Lumingon siya sakin.
"Uh, Summer, here's my paper. Don't forget to give it to Mr. Sebastian." Sabi ni
Lindsay na naka hawak sa braso ni Dave.
Pareho silang na weirdohan sa pakikipag-usap ko kay Lex. Kakausapan nga
sana ako ni Dave kaso tinoon ko ang buong atensyon ko kay Lex na di na nila
nagawang magtagal sa harapan namin.
Nagtitigan kami ni Lex. Pero wala pa ngang nagsalita, naramdaman ko na ang
pagbuo ng luha sa gilid ng aking mga mata.
"What?" Sabi niya.
Hindi ako makapagsalita. Wala akong masabi.
"I don't want you to go..." Sabi ko.
Suminghap siya.
"For what reason? Weeks ago you told me to forget it forever!"
Lumandas ang luha ko at sinuntok ko ang kanyang dibdib. Di siya natinag sa
suntok ko. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para makasuntok
ng ganun. Malakas sa umpisa, pero nang dumapo na sakanya, nawalan ng
lakas.
"Bakit ba kasi di mo maalala! Please naman! Wake up! It's me Summer!"
Umiyak ako sa harapan niya habang siya ay tinitignan lang ako. Walang
magawa. Anim na buwan na ang nakaraan ng nagising siya at wala parin siyang
maalala.
"Sobrang di ko na kaya 'to." Tinignan ko siya.
Halatang naaawa siya sakin pero wala siyang magawa.
"Bakit wala kang magawa!!! Lex!!!"
Nakita kong may mga dumaang mga tao kaya umalis na ako, iniwan siya sa
ere.
Hindi ko na kaya 'toooo! :( Umupo ako sa bench at tinawagan si Aliyah.
"Hello?"
"Hello! Mag tataxi na ako pauwi. Wa'g niyo na akong daanan dito. Sabi ko."
"Aryt then! See you later!" Sabi niya at agad kong binaba ang cellphone ko.
Hikbi ako nang hikbi sa isang bench habang hinahawakan ang papers ng
kaklase ko for Mr. Sebastian. Dumidilim na at nagpasya akong maya-maya ko
na ipasa tong papers kung wala na si Lex sa faculty.
Pag dating ng alas syete, pumunta na ako sa faculty. Kumatok at nakitang wala
si Lex. Si Prof sebastian na lang ang natira.
"Sir, eto na po yung papers." Sabi ko sa pintuan.
"Oh, come here. Pasok Ms. Romero." Tinanggal niya ang glasses niya.
Lumapit ako ng konti sa table niya...
"Upo ka." Sabi niya.
Umupo naman ako.
"Nga pala sir, I'd like to see my midterm grade." Sabi ko.
Di kasi nirelease yung midterm grade ko. Di ko alam kung bakit.
"That is what I want to discuss with you tonight..." Sabi niya.
"Bakit po?"
Natahimik kami habang tinignan niya ang grade ko sa isang folder.
May pumasok na isang professor.
"Sir Seb, kaw na lang talaga maiiwan, kami lahat my klase at this time eh. And
si Sir Lex pero mukhang umalis na." Tumawa siya at lumabas agad, may
kinuha lang sa table niya.
So, may ibang mga professors pa pala pero may inaatupag na klase.
Tinitigan ako ni Sir Sebastian.
"You're failing."
WHAAAAT? Paano nanggyari eh nag aral naman ako!
"Bakit po?" Sabi ko.
Tumayo siya at lumapit sa upuan ko.
"But I'll give you an option..." Hinawakan niya ang braso ko. "Ganito kasi
talaga dito, my subjects are one of the worst subjects. You're not the only one
failing in your class... Actually madami, pero ikaw ang napili kong bigyan ng
option coz I know you'll do it..." Ngumisi siya at tinignan...
Tinignan ang boobs ko!
Now I think this is wrong!
Agad akong napahawak sa celphone ko at di na nagsalita.
Hinawakan niya ang legs ko nung umambang tatayo ako.
"Just once!" Sabi niya at hinawakan na talaga ang boobs ko!
OMG! Is this the part where I should shout... "Rape!!!"?
"Walang makakarinig sayo dito!" Sabi niya.
I tried to run pero hinawakan niya ang heel ko kaya nadapa ako. Sabay ng
pagkadapa ko ang pagpindot ko sa number ni Lex...
Calling...
19th~
Summer: Ayoko na dito
Calling!!!
Todo sigaw parin ako pero walang makarinig sakin.
Tumilapon ang cellphone ko ng iginapos niya ang kamay ko sa kamay niya.
Halos magkapunit-punit na ang damit. Oh my God! Tinadyakan ko siya.
Napapilipit siya sa sakit!
Bumangon ako ng mabilis. Muntik na akong umabot sa pintuan pero agad niya
akong naabutan at hinila pabalik.
"Wa'g ka ng magpumiglas! Aren't you that kind of girl?"
Kinagat ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Nakawala ako sandali
pero agad niya akong nahabol.
Narinig ko ang phone kong na loudspeaker ko yata sa sobrang panic.
"Hello? Summer??" NASAGOT NI LEX!
"LEEEX! HELP MEEE! PLEASE! Nasa faculty ako!"
Pero bago ko natapos yung sinabi ko, naputol ang linyo. Mejo natigilan si Prof
Sebastian.
"Hindi ako natatakot!" Nanggalaiti siya habang yinugyog ang braso ko.
Nagsimula ulit siyang singhot-singhutin ang leeg ko. YUUUCK! Sobrang
kinakabahan ako at the same time nandidiri!
"Bwuset kang matanda ka lumalandi ka parin!"
Hinalikan niya ako! The wettest pssible kiss! YUUUCK! OH GOD! Maiiyak
na talaga ako sa kaba at sa pandidiri!
Langit sa akin nung bumukas ang pinto paglandas ng luha ko sa pisngi.
Napayakap agad ako sa bumulagtang tao. Kinalas kasi agad ni Prof yung
pagkakahawak niya nang narinig ang pumasok!
"What happened!?"
"Its like... Its like a dream." Pinikit niya ang mata niya at sinandal ang ulo s
a
upuan. "The dream is fading away."
"Wa'g mo ng isipin yun." Sabi ko bigla. "Alam kong nahihirapan ka na. Just let
it go. Don't think about it anymore."
Tumingin siya ulit sakin.
"That's what you want me to do?" Tanong niya.
"Kung nahihirapan ka naman, di bale na lang."
"I thought you wanted my memories back?"
"I want it back... just not the hard way!" Sabi ko.
"Kung di sa ganitong paraan, eh paano? Theres no other way but to remember
you the hard way." He's raising the tone of his voice na.
Natahimik ako.
"I'm sorry but I'm desperate." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko. "Please
help me remember. I can't move on without it."
Sa mga sinabi niya mukha siyang marami ng naaalala kahit na yung hat ko lang
pala talaga ang naalala niya.
"Okay... Sige... But how?" Tanong ko.
His face lightened up.
"First, we are going to report professor Sebastian..." Sabi niya at pinaandar an
g
sportscar.
"Wa'g na."
Hindi ko alam kung bakit pero kinurot ang puso ko at napapaiyak ulit.
"Wa'g na." Sabi ko ulit habang umiiyak.
Tumingin siya sakin at agad ibinaling ulit ang atensyon sa kalsada. Nad-drive
na siya.
"Ayokong dunggisan ang pangalan mo. Ayaw ko ding malaman ng lahat ang
nangyari sakin. My mom and dad will be furious. Ayoko nang palakihin. Ang
importante sakin ay hindi na natuloy."
"BUT WHAT IF IT'LL HAPPEN AGAIN?" Galit siya!
"It won't! Di ko na sya kukunin sa kahit anong subjects ko."
"I'm not going to be there all the time anymore!" Sabi niya sakin.
Napatingin ako sa kanya. Seryoso siya at kalmado na. Nakatingin sa kalsada at
pinark ang sasakyan sa TGIF.
"I'll pass my resignation tomorrow. I won't teach for the second sem."
Imbis na mejo huminahon na ako sa pag-yak. Bumuo ulit ang mga luha ko
dahil sa sinabi niya.
Iiwan niya na ako?
"But I'll be waiting for you everyday, after school." Sabi niya trying to cheer
me up.
He poked my nose. Nakatunganga parin kasi ako.
"I told you I'll chase after that summer. I'll chase that memory. I'm serious...
I'll
remember that summer, the summer I'm with you."
22nd~
Summer: What else do you remember?
I have no idea how we are going to do that.
"Dito tayo unang nagkita."
Umihip ang malakas na hangin kaya hinawakan ko ang hat kong galing
Taiwan. Nasa pier kami ngayon ng Sortee.
Tama! We are here to relive the past. Kung akala niyo tinalikuran ko ulit ang
syudad at ang pag-aaral ko, nagkakamali kayo. Sembreak ngayon. Kahit na
tatlong araw lang kami dito (dahil yun ang gusto ng mga magulang ko) sa
tingin ko sapat na yun para ma describe ko sa kay Lex kung paano kami dati.
Sana lang may maalala siya kahit konti.
Nagmartsa ako sa mismong lugar kung saan niya pinark ang sasakyan niya
noon para sunduin ako.
"Susunduin mo sana ako noon." Sabi ko.
Tinanggal niya ang hat ko.
23rd~
Summer: Stop it!
Papalubog na ang araw at nakaupo kaming dalawa sa buhangin. Sinabi ko sa
kanya ang mga nangyari except sa mga signs dahil may
ginawa akong box kung saan nandun lahat ng mga alaala tungkol dun. Sana
lang bago ko ipakita yun, maalala niya na ako.
"I'm not sure how much you loved me... or if you really do.." Sabi ko paghuli
sa buong sinabi ko tungkol sa mga nangyari.
"So that's all that happened?" Tanong niya.
Tumango ako.
"Kung ganun, totoong sobrang mahal kita." Sabi niya sakin.
Kulay orange ang dagat dahil sa papalubog na araw.
"Sa iksi ng panahon na yun, halos imposible kong maisip na maiinlove ako
sayo. Pero kung talagang sinabi kong mahal kita...
ibig sabihin, hindi lang kita mahal, sobrang mahal na mahal kita."
Nakatunganga ako sa harap niya na parang bata. Yinayakap ko ang mga tuhod
ko habang tinitignan ang seryoso niyang mukha, may
repleksyon ng papalubog na araw.
"Pero..."
Tumingin siya sakin...
"Kung ganun nga kita ka mahal, bakit di kita maalala? Bakit ikaw ang nabura?
Sa lahat ng alaala ko, ba't ikaw?"
Gusto kong umiyak sa mga tanong niya.
"Hindi ko rin alam." Sabi ko.
Gumuhit na lang ako ng kung anu-ano sa buhangin.
"It's so hard to believe... when all I can remember is the first time we met. Th
e
rest are just feelings... I feel like I forgot something important pero kahit an
ong
alala ko, wala akong maalala. I can't remember saving you from a foreigner,
hiring you in my hotel, playing a piece for you, and even bringing you to my
father's birhday...like what you said."
"Hindi naman kita pinipilit na maalala yun! Sinabi ko lang kung ano yung nasa
alaala ko nagbabakasakaling maalaala mo rin!" Sabi ko.
Ayokong iparamdam niya sa akin na para bang ipinipilit ko sa kanyang
alalahanin ang lahat.
"I know, its just... unbelievable." Sabi niya habang umiiling.
"I know, right." Tumayo ako. "That's why I told you to just forget it." At
umalis.
Nagkulong ako sa kwarto... Naligo... Umiyak hanggang sa nakatulog.
Ayokong pinaparamdam niya sakin na pinipilit ko siyang makaalala. At lalong
ayokong sinasabi niyang imposibleng mainlove siya sakin. Its like he's
insulting me.
Alas onse na nang nagising ako. Namumugto ang mga mata. Nakalimutan kong
nasa Sortee pala ako at nagdrama!
"Pssst! Dalawang oras siyang kumakatok sa kwarto mo kanina." Sabi ni Kyla.
"Anong 'pssst'? summer ang pangalan ko no."
Pinandilatan niya na lang ako.
Pagkalabas ko kasi sa kwarto ko, nagutom ako kaya pupunta na sana ng resto
nang mapadaan ako sa front desk.
"Asan siya?" Tanong ko kay Kate.
"Natulog na ata. Sabi niya sakin, matutulog na siya at dalawang oras siyang
kumakatok sa pintuan mo sabi ng isang room boy. Pagnagising ka raw, kumain
ka sa resto."
Tumango ako at tumungo sa resto. Kumain mag isa.
Eto na naman ako at nangungulila sa syudad. Ilang oras kasi akong natulog
kaya ayan tuloy, dilat na dilat ako ngayon. Lumabas ako sa resto at may
nakitang beach party malapit sa bar nila.
Ito lang ang pinagkaiba ng Sortee noon sa Sortee ngayon. Ang Sortee noon,
mejo wala masyadong turista. Ang Sortee ngayon, sa sobrang daming turista, di
na nagkasya ang mga nagbar hop sa tatlong bars ila kaya inilabas ang party!
May DJ sa labas at nag fa-fire dance! Sobrang saya!
Pero syempre, wala ako sa mood. Ganun pa man, ayokong magkulong na lang.
Mas mabuti nang maging malungkot sa magandang lugar kesa maging
malungkot sa isang sulok.
Eto talaga, seryoso, limang shot lang ng tequila, tapos na ako dito. Ni ayaw
kong sumayaw o makihalubilo. At sa sobrang bored ko talagang napansin ko si
Derek Ramsay at iba pang artista. WHOA!
Ilang sandali ay naubos ko na ang limang shot. Tumayo ako at aalis na sana
nang may naapakan akong parang malaking coral kaya mejo na out-balance
ako. Agad naman akong inalalayan ni LEX!
Ayan na talaga! Yung pagiging OA nya, naaalala ko yung noon!
"Based on what you told me, alam ko na talaga kung saan ka pupunta tonight."
Sabi niya habang OA na inaalalayan ako.
"I'm not drunk."
Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa baywang ko. He's stealing the
attention of the crowd. Pati yung mga artista.
Agad akong umalis at sinundan niya ako.
"Leave me alone... just for tonight."
"No!" Hinawakan niya ang braso ko na agad ko namang binawi at naglakad
palayo.
Hinawakan niya ulit kaya hinarap ko siya.
"Just stop doing this! Stop it! Stop it! Stop doing it like you remember
anything!" Sinigawan ko siya sa harapan ng hotel.
Tutulo na talaga yung luha ko. God no! God, please!
"I'm sorry sa sinabi ko! Thats just how I think! And don't tell me that I don't
remember anything... because I do!"
"Anong naaalala mo? yung hat kong galing Taiwan?! Yun lang ba?" sigaw ko.
"No! I brought you here coz though I can't remember anything about you... I
remember my feelings! My feelings! JUST THAT! Nothing else! Dinala kita
dito dahil gusto kong maramdaman kung paano at bakit ganito kabigat ang
pakiramdam ko sayo ngayong hindi naman kita kilala!"
Natahimik ako at mahinahong tumulo ang luha ko. Agad kong pinunasan ang
mga ito.
"Rest for tonight. We'll go to the white island tomorrow. Rest in your room.
Pag nakita kitang lumabas ulit, I'll drag you inside my room."
24th~
Summer: Wala bang pating dito?
Nakabikini ako sa ilalim at naka maxi dress ulit habang tinatahak ang bridge
papuntang speed boat. Akala ko yate ang
gagamitin, di naman pala. Pero mas mainam 'to para mas marami kaming
mapag-usapan ni Lex (dahil masikip).
Naglahad siya ng kamay kasi nahirapan akong tumungtong.
Nagdalawang isip pa akong tanggapin ito, pero tinangap ko na lang para di na
siya magtaka.
Pinaandar niya agad 'to at unti-unti na kaming lumayo sa Sortee at papunta na
ng White Island.
Kagabi, naisip ko yung nakita ko dun sa hotel sa gabing pinapunta ako dun. Si
Kyla at si Lex... Love scene. Kaya di
natatanggal ang inis ko at ang pagkamunhi sa kanila.
Alam kong wala akong karapatan pero nakakainis parin!
"So what happened when we went to the white island last year?" Tanong niya
nang tumabi siya sakin.
"Actually, di lang tayong dalawa. Kyla was there too." Sabi ko ng di tumitingin
sa mga mata niya.
Tumango lang siya at di na ulit nag tanong. Alam kong iniiwasan niya ang
pagtatanong ko tungkol dun sa hotel o maging topic
man lang si Kyla.
"So... did you text me that night?" Tanong ko sa kanya.
Tumingin siya sakin at nagdalawang isip pa sa pagtanggap sa tanong ko.
Tumango siya.
"I think I'm crazy bout you." Sabi niya.
Natigilan ako.
"You mean, noon?"
Tumango siya at hinawakan naman ngayon ang papel na may lamang 24 signs
of Summer.
"Open your eyes." Sabi ko.
Tinignan niya ang hinawakan. Gusto kong umiyak nang binasa niya ito.
"The 24 Signs of Summer."
26th~
Summer: I'm thinking...
Ilang segundo siyang tahimik na binabasa ang signs.
"Ano 'to?"
Napalunok ako.
"Noon, gumawa ako ng signs para sa next boyfriend ko. Yan yung mga signs."
Tumango siya at mukhang wala paring ideya.
"You... completed it." Dagdag ko.
"Really? How?" Tanong niya.
"You cheated." Sabi ko.
Nakatigin siya sakin habang tumtingin na lang ako sa bonfire. Tumingala ako,
pero walang stars. Ang lakas ng ihip ng hangin. May naaalala akong panahon
sa nararamdaman ko ngayon.
Yung maulang gabi na yun...
"Why did I cheat?" Tanong ni Lex.
Di pa ba obvious yung sagot?
"Hindi ko alam."
Of course! Kasi mahal mo ako! Pero ayokong pangunahan siya sa feelings
niya.
Suminghap ako.
"I guess thats all for tonight?"
Naramdaman ko ang unti-unting pag ambon at pagkulog. May nakita akong
mga taong sumilong sa hotel.
Uulan na!
Tumayo ako para iwan siya doon at makapag-isip pero hinila niya ang braso
ko.
"Don't run away from me." Sabi niya.
"Gusto kong mag-isip kang mag-isa kasi ayokong kaawaan mo ako kung ano
man ang desisyon mo sating dalawa. I don't wanna be a choice dahil lang
nakakaawa ako." Sabi ko bigla!
NASABI KO NA TALAGA ANG INIISIP KO!
"Hindi mangyayari yun! Just stay with me while I clear my head and remember
you!"
"But what if you won't remember me?"
"I will! I know!"
Umulan na! Basang basa kami.
"Just stay with me!"
Ganito din yung umalis ako galing party dahil nalaman kong niloko niya ako sa
signs. Basang-basa din kami sa ulan.
"I'm thinking..." Sabi ko.
Niyakap niya ako.
"I'm thinking... maybe the reason why I found out you cheated was because we
are not meant to be." Sabi ko.
"There's no such thing as meant to be... Siguro kaya ako nag cheat."
OMG! Kung naririnig niyo siya parang siya talaga! Parang siya talaga yung
Lex ko! Parang siya ang Lex ko!
Giniginaw na ako! Buti maiinit ang katawan niya.
Pero sa tuwing naiisip ko ang insidente kanina, at yung sa hotel with Kyla,
parang gumuguho ang mundo ko. Parang hindi kapanipaniwala lahat ng
sinasabi niya.
That night, I stayed in his room. Slept in his room. Walang nangyari samin.
Syempre kasi alam naming dalawa na hindi tama iyon sa sitwasyon namin
ngayon.
I love him. I'm not sure if he loves me back. And I know, he's not sure too.
Umalis na kami sa Sortee. Hindi ko alam kung may development ba sa
memories niya.
Pagkarating ko sa bahay, tulog agad ako. At pag gising ko... inaapoy ng lagnat.
Ilang beses akong tinawagan ni Lex sa dalawang araw kong pagkukulong sa
bahay dahil sa lagnat pero di ko naaabutan.
Summer: (text)
I'm sick. Sorry di ko namalayan.
Lex: (reply)
What? Pwede ba ako jan?
Napangiti ako sa text niya.
"Summer, let's go!" Sabi ni mama.
"yeah."
Ang sakit ng ulo, lalamunan at katawan ko. Pupunta kami ng ospital para mag
pacheck. Pagdating dun, agad naman akong na admit.
Summer: (reply)
st. Benedict's Hosp.
May pneumonia ako, pero di naman ako mamamatay no!
"Ano bang nangyari?" Tanong ni Gette. May-ari kasi ng ospital ang boyfriend
niya.
"Wala lang. Nagka pneumonia lang ako. Virus." Sabi ko.
"I mean... Tatlong araw ka sa isla... tapos umuwi kang... ganito?"
Tumawa si Aliyah at Nadine.
"Ano ba kasi nangyari sa inyo dun?" Tanong ni Nadine.
"Wala nga! Weak masyado ang resistensya ko." Sabi ko.
May kumatok sa pintuan ng room!
"Ma, sino?" Tanong ko kay Mama nang binuksan niya 'to.
"Si Lex." Sagot niya.
May dala siyang flowers, fruits, at kung anu-ano pa.
Nahalata kong pnipigilan ni mama na magsalita.
"Good evening po." Sabi ni Lex.
"Upo ka." Sabi ni mama.
Extremely quiet din sina Gette, Nadine at Aliyah.
"Hindi na po ako magtatagal." Sabi ni Lex.
Awkward moment!
"Ba't naman?" Tanong ni Mama.
"May meeting kasi ako..." Sabi niya.
"With?" Tanong ko.
Hinaplos niya ang noo ko.
"With my father."
27th~
Summer: O-Okay
Buti na lang at di ako nagtagal sa ospital. Naka enrol din ako sa 2nd sem at
nagpatuloy sa pag-aaral.
Araw-araw akong hinahatid sundo ni Lex sa school. Di na siya nagtuturo dun.
Negosyo na nila ang inaatupag niya.
Nandun padin si Prof Sebastian. Hay nako! Iniiwasan ko na lang. Buti di siya
kailanman nakita ni Lex.
"Let's go?" Sabi niya.
Pumasok ako agad sa sasakyan niya pagkatapos ng klase. Hindi ko namalayang
sinundan pala ako ni Dave. Nakita ko siyang tumitingin sakin pagpasok ko sa
sportscar ni Lex.
Tinignan ko din si Dave.
Kung ordinaryong buhay ko lang sana eh siguro si Dave na ang kasama ko.
Pero di eh... Pinili ko ang mahirap na landas. Pinili ko ang masaktan. Pinili ko
ang hindi ordinaryo. Bahala na. Ganun naman talaga ako diba? Pinipili ko yung
mga mahirap na daanan kahit di ako siguradong masisiyahan nga ako sa huli.
"You wanna hang out... with him?" Tanong niya.
I shook my head.
"Nagtaka lang ako ba't niya ako sinundan." Sabi ko.
"It's obvious he likes you." Sabi niya. "In fact, maraming nagkakagusto sayo...
naririnig ko ang pangalan mo halos sa lahat ng klase ko."
"Naririnig mo lang yun kasi maraming naiinis o naweweirduhan sakin." Sabi
ko.
Ngumiti siya at umiling.
"Let's go." Sabi ko.
Pinaandar niya naman agad ang sasakyan niya at umalis kami ng school.
Ganito lagi ang scene pagkatapos ng klase. Apat na buwan ng ganito. Minsan
dumadaan kami sa restaurant of fastfood, minsan sa restaurant.
"Daan muna tayo ng Starbucks." Sabi niya at pinark ang sasakyan niya.
"Okay."
Bumili kami ng frappe.
Ang totoo... kinakabahan ako. Halos limang buwan na ang nakalipas nung
nandun kami sa Sortee. At hanggang ngayon, wala parin siyang naaalala. Alam
kong pati siyay nagaalala na sa kanyang sarili.
"I will be gone for about a month." Sabi niya sakin.
Something's weird sa kanya. Mukha siyang malungkot this past few days pero
mas amlungkot siya today.
"Bakit?" Tanong ko.
"Kailangan kong asikasuhin yung negosyo. I will personally go to Cambodia
and maybe Thailand to see furnitures and some products. May isla din akong
pinapasurey dun, I'll see if it's an asset for me."
Sa tuwing naririnig ko siyang nagsi-share sakin tungkol sa business nila, parang
nasisiyahan ako. Pero at the same time, nalulungkot. Third year college pa lang
ako. Sana dapat 4th year na ako this year, pero dahil sa pagtigil ko nun, ayan
tuloy. I feel like my life is a mess. Wala pa akong nagagawang remarkable.
Walang trabaho. Unsuccessful. Pero siya, ang layo ng agwat namin. Malayo
siya. Mas lumalayo siya sakin lalo na pag naiisip kong hindi niya ako maalala.
"O-okay!" Pinipigilan ko na naman ang pagtulo ng luha ko. Buti di niya
napansin.
HAPPY THOUGHTS PLEASE, SUMMER!
"Wow! So bibili ka ng island sa Cambodia? Lumalago na talaga yung negosyo
niyo." Pinilit kong ngumiti. "Mabuti naman."
Di ko alam anong sasabihin ko. Buti na lang di niya ako tinitignan.
"Ingat ka dun ah?" Pahabol ko.
Tahimik siya hanggang nahatid niya ako sa bahay.
"My flight will be tomorrow." Sabi niya sakin sa labas ng bahay namin. "Ingat
ka rin dito."
Tumango lang ako. Yoko ng magsalita, baka manginig ang boses ko at tuluyan
akong mapaiyak. Ang drama ko! Kainis! Isang buwan nga lang siyang
mawawala diba? Mejo nasanay kasi akong nariyan siya. Eto na nga ba sinasabi
ko. Risk nang risk eh alam ko namang walang patutunguhan! Wala naman
siyang nararamdaman sakin! I'm a stranger to him! Wala siyang maalala!
"Yes, I will..." Sabi ko.
Tumalikod siya para pumasok sa sasakyan niya.
"I..." Napalingon siya. "I'll wait for you." Sabi ko.
TUTULO NA TALAGA! AYAN NA!
Ngumiti siya pero may lungkot sa mga mata niya. Wala siyang sinabi at agad
nang umalis.
Parang nagkabuhul-buhol ang tiyan ko sa nangyari. Lalo na nung umalis na
siya. Nawala na ang sasakyan niya sa paningin ko.
Napaupo talaga ako sa labas ng bahay. Parang gusto kong sumigaw o umiyak
man lang. Di ko kaya ang nararamdaman ko.
Natatakot ako. Pero di ko alam kung ano ang kinakatakot ko.
Today is February 22. I hope on my birthday... March 22, makita ko siya.
28th~
Summer: He's in Cambodia,
March 22. Its almost Summer again. Almost Summer kasi birthday ko na. I was
Hinang-hina ako nang dumating sabay. Wala na akong lakas para umiyak.
Nandoon si Aliyah at Nadine sa bahay.
Mukha silang may pinagkakaguluhan na newspaper.
Wala na akong lakas para usisain pa ang dalawa.
Didiretso na sana ako sa kwarto nang napansin ko nung nakita nila ako, tinago
nila iyon.
"Ano yan?" Tanong ko.
"W-Wala." Sabay silang dalawa.
Natigilan ako at tinignan silang dalawa sa mata.
Napabuntong-hininga sila.
"May party na gaganapin sa Sortee bukas."
Ipinakita nila ang newspaper na naka frontpage ang Sortee. Parang may
bubuksan silang bagong resort.
New resort. New life.
Tinignan ko ito at nakita si Lex kasama ang kanyang mama sa frontpage.
"May sakit daw ang papa ni Lex." Sabi ni Aliyah. "At... nasa Pilipinas na siya."
"Alam ko." Sabi ko ng walang gana.
"P-Paano mo nalaman?"
"Nag-usap kami ni Kyla kanina. 3 days ago, nakarating na siya dito. Ni hindi
niya ako tinext o tinawagan! Yun lang yun! Ayoko na!" Sabi ko.
Aalis na sana ako at papasok na sa kwarto.
"Nagpunta siya dito." Sabi ni Nadine.
Para siyang pinipigilan ni Aliyah sa sinabi niya.
"Si-Sinabi niya samin na wa'g daw naming sabihin sayo ang pagpunta niya dito
at pagdating niya sa Pilipinas."
"Yeah yeah! I get it now!" Pumasok ako sa kwarto at ni-lock ang pintuan.
"Summer!" Kinatok nila ang pintuan ko.
"Summer!"
Napapikit na lang ako sa sakit.
"Wa'g kayong mag alala, di ako magpapakamatay dito. I just need to rest... and
forget!" Sabi ko.
"Summer?" Nag iba ang tono ng boses nila.
"summer." Si Mama. "Mag impake ka."
Akala ko ipapadala niya ulit ako sa US for good...
"Bakit?" Tanong ko. Binuksan ko ang pinto.
Niyakap niya ako. Pati si Nadine at Aliyah nag iyakan na.
"You'll go to Sortee tomorrow and clear everything."
Inayos ni mama ang buhok ko.
"Tell Lex everything you know... your feelings... everything. Then after that,
kung wala paring mangyari. Leave him." Sabi ni mama at niyakap ulit ako.
Gusto kong umiyak pero di ko na magawa. Ubos na ang lakas ko.
"Sasamahan ka namin." Sabi n Aliyah.
"Wa'g na. Tatapusin ko 'to mag-isa." Sabi ko.
Hinayaan nia ako. Grabe supportive na supportive silang lahat sakin. Ang
daming pinadalang pera.
Halos hindi ako makatulog sa gabing yun. Maaga akong umalis. Hinatid ako ni
Aliyah at Nadine sa sakayan ng barge. Halos dalawang oras na byahe yun.
Kung ordinaryon araw, di nila yun gagawin. Pero iba 'to.
"Mag ingat ka. Don't do anything foolish." Sabi ni Nadine.
Ngumiti naman ako.
"Uuwi din siguro ako bukas. Isang araw ko lang sasabihin sa kanya ang
nangyari. di na ako magtatagal." Sabi ko.
"This party is for Sortee, Summer. Magtatayo ng airport dun para ms madaling
mapuntahan ng turista. At the same time, celebration for their new resort
located in Cambodia. At... may sakit si tito." Sabi ni Aliyah. "I heard from my
mom, na nanghihingi na siya ng apo... kay Lex."
Kinabahan ako sa sinabi niya. Para kasing may isa pang bagay na di niya
sinasabi sakin.
"Engagement din ba 'to ni Lex?" Tanong ko kahit sobrang lakas na ng tibok ng
puso ko.
Pain in the ass ang paghihintay mag alas sinko. Sobrang kaba ko na halos
masuka na ako.
"Summer, nandun na si Lex. Di ka pa ba pupunta?"
Nabigla ako nang sinabi yun ni Kate, 4:30pm pa lang.
"Huh?"
Agad akong bumangon sa pagkakahiga ko at inayos ang buhok, nagmake-up...
"Marami na ring tao."
Sobrang kaba ko na. Lalabas na yata ang puso ko sa dibdib ko. Parang
nagkabuhol yung bituka ko. Nanginginig ang pa ang paa ko.
"Sige, tayo na."
Ngayon lang ako kinabahan ng ganito!
Nung nasa pintuan na kami, nakasalubong ko ang mama ni Lex!
"T-Tita." Sabi ko.
"Summmerr!" Niyakap niya ako. "I'm glad you came."
Nagulat ako sa sinabi niya.
"I told your mom. Sinabi ko sa kanya na baka gusto mong pumunta dito... nang
magkaliwanagan kayo ni Lex." Bulong niya sakin. "Thank God you came!"
Ngumiti siya pero may halong lungkot sa ngiti niya.
"Eto." May binigay siya saking papel. "Tell him the truth." At pumasok siya sa
loob.
LALO AKONG KINABAHAN! Yung binigay niyang papel ay isang article sa
newspaper, one year ago. Isang Yellow Lamborghini na binangga ang
tenwheeler sa kabilang lane. Kritikal ang driver ng sportscar. Si Lex Andrew
Santos. Alam niya ang lahat ng ito... Ang di niya alam... ay kung bakit siya nag
d-drive sa kabilang lane.
Dinig na dinig ko ang puso ko.
Nauna si Kate sakin sa loob. Huminga ako ng malalim at naaninaw ang loob ng
function room. Maraming tao at halatang mas bongga 'to sa birthday ng papa ni
Lex.
Ang sumalubong sakin bukod sa mga nag gagandahang chandelier ay ang
kislap ng mata ni Lex. Tinignan niya ako habang may kausap na negosyante.
GRABE! Nakita ko ang nakangiti niyang mukha na unti-unting natanggal ng
nakita ako. Sobrang sakit! Parang nag slowmotion lahat para sakin. Gustong
umurong ng mga paa ko. Ang puso ko na lang ang kulang. Walang kakampi
pero siya ang nasusunod.
Iniwan niya ang kausap at agad pumunta sakin. Nakita ko si Kyla sa likuran
niya. Unusually pretty. Napawi din ang ngiti ni Kyla, pero imbis na lumapit
sakin, umalis siya, di ko alam kung saan pumunta,
"S-Summer." Nakita ko ang pagbuo ng luha sa gilid ng mga mata niya.
Gusto ko siyang sampalin pero mahal ko siya. Nyetang buhay! Sana may
maexplain akong matino kesa sa 'mahal ko siya'.
"Makinig ka." Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.
Maraming tumitingin samin.
"No. Ikaw muna ang makinig sakin." Sabi ko. "I came here... not to ruin
anything. I came here to tell you the whole truth."
Di ko na mapigilang umiyak.
"Bushet na luha! Sabi na nga ba eh! Kaya ayoko ng ganito." Sabi ko.
"Shhh... let me explain-"
Di ko siya pinatapos. "Mahal kita sobra!" Sabi ko ng pabulong. "Mahal ako ni
Lex... si Lex na... hindi ako sigurado kung ikaw. Alam ko yun. Inubos niya ang
halos lahat ng signs ko, because he was desperate to be with me. Until the end..
.
he was desperate." Inabot ko sa kanya ang kapirasong article sa newspaper.
Binasa niya ito.
"That night. I chased you... Sa gitna ng kalsada. Coz I thought you'd never
come back to me. I rejected you... Sinaktan kita. But in the end, ako yung
naghabol. Niliko mo ang sasakyan mo, at hinarurot papunta sakin. No... hindi
papunta sakin... papunta sa tenwheeler truck na sana ay ako ang mababangga.
You saved my life... Masaya ako at di ka namatay. Kasi kung nangyari yun, di
ko mapapatawad ang sarili ko. As punishment... I guess... ngayon, wala kang
maalala tungkol sakin. Ganun pa man, kontento na ako dahil buhay ka. Kung
ano man ang desisyon mo, okay lang sakin. Ang importante... nasabi ko lahat!"
"Ladies and Gentlemen, may we call in, the ever handsome and successful
yound CEO of Sortee Beach Club... Mr. Lex Andrew Santos!"
Pinunasan ko ang luha ko. Panirang emcee!
Halos di alam ni Lex ang gagawin. Tumingin siya sakin tapos sa mga taong
nakatingin at naghihintay sa kanyang umakyat sa stage... pabalik ulit sakin.
"Stay here... give me a minute." Sabi niya.
Pero ang totoo, gusto ko ng umalis. Sobrang kinakabahan ako at umiiyak pa...
Okay na siguro yun! Basta na sabi ko diba? Pero again, di sumusunod ang puso
ko.
May bumulong sa emcee habang papaakyat si Lex sa stage.
"And oh!!! our soon to be Groom pala! Tonight... is also the engagement of Mr.
Lex Andrew Santos and Ms. Kyla Marquez!
Nakita ko si Kyla na mas nauna pang umakyat kay Lex at kumapit sa braso
nito. Si Lex naman... tumingin sakin. Yung ibang tao, napatingin na rin sakin.
O. M. G. Time to exit na talaga! I'm uninvited! I'm the other woman.
Tumakbo ako sa dorm nina Kate. Sa sobrang bilis ng pangyayari... di ko
namalayang umiiyak na ako sa loob ng taxi...
"Manong may byahe pa po ba?" Tanong ko.
"Oo... hanggang 8pm yung barge." Sagot niya.
Umalis ako dun dahil sa kahihiyan na tinamo ko. I get it! Engagement party
nila yun! Tama si Kyla! Pati si Kate may alam sa engagement nila. Ako lang
yung nagbubulag-bulagan! Uninvited ako! Tumulong na nga yung mama ni
Lex dahil naawa na siya sakin. Syempre, pinaasa ako ng anak niya sa wala!
Bumili ako ng ticket at nagmamadaling sumakay sa barge. Umihip ang malakas
na hangin at natangay pa ang nilapag kong ticket sa mesa. Walang hiya,
sinundan ko kahit kaya kong bumili ng bago.
Sa pagsunod ko... may nakita akong ilaw... ilaw na parang noong muntik akong
masagasaan ng tenwheeler. Bumusina pa ito ng pagkalakas-lakas!
"AHHHHHHH!" Sigaw ko habang pinupulot ang ticket at nakitang may taxi na
sasagasa na sakin.
Napaupo ako sa gitna ng kalsada nang nakitang binangga ng bahagya ng isang
SUV ang taxi... SUV... SUV ni LEX!
"Summer! Are you okay?!" Tanong niya sakin pagkalabas niya.
Lumabas din ang reklamo nang reklamong taxi driver. Natahimik agad nang
nakitang si Lex pala yung nag drive sa SUV!
Niyakap ako ni Lex.
"I remember everything now..."
Yun lang ang gusto kong marinig. Salamat Lord! Pero higit pa ang ibinigay
niya...
Ipinakita niya sakin ang isang Tiffany and Co. na lalagyan ng alahas. Akala ko
necklace... yun pala.. eternity rings!
"Just now!" Pumikit siya at napahawak sa ulo. "Nung binangga ko ang taxi...
Naalala ko ang lahat ng tungkol sayo." Tumulo ang luha niya
Hindi ko parin matanggap ang lahat.
Suddenly, he kissed me.
"I love you so much!" Sabi niya.
Kinuha niya ang eternity ring at kinuha ang kamay ko para isoot ito. Di ako
makapaniwala.
"T-teka! Baka para kay Kyla yan!? Diba engagement niyo?" Tanong ko.
"Hindi ko alam yun! It was her idea! And I bought this ring in Thailand... with
your name and mine, carved in it. Kahit nung di pa ako nakakaalala, sigurado
na akong ikaw ang pakakasalan ko. AT LALO NA NGAYONG NAAALALA
NA KITA!"
Sobra ang ibinigay ni Lord sakin. Sobra pa sa sakit na dinanas ko sa isang taon
na paghihintay na makaalala siya. Sobra dahil dalawang beses siyang na inlove
sakin. Yung Lex na walang amnesia at yung Lex na meron... ay mahal ako.
"Hindi kita tinawagan because of this party... I want everything to be cleared.
Gusto ko, settled ang lahat bago kita yayaing magpakasal. Ang negosyo, ang
airport, si papa... lahat! That was all part of my plan. You just couldn't wait.
"
Ngumisi siya kahit na may luha sa kanyang mga mata.
"Wheeew." Singit nung taxi driver. "Mukhang malapit na ang kasalan ah."
Tumawa ang mga taong kanina pa pala nakatingin samin ni Lex.
Tumawa din si Lex! Sobrang saya niya na parang naging sobrang saya na rin
ako!
"Let's go!" Naglahad siya ng kamay. "Bumalik tayo... para malaman ng lahat...
kung sino ang tunay na bride."
Binigay ko ang kamay ko sa kanya ng walang pag-aalinlangan. Sa wakas!
Naalala niya rin ang lahat tungkol sakin. Pero useless pala yun. Kasi maalala
niya man ako o hindi, ako parin ang pipiliin niya.
"Di mo pa nga ako tinatanong eh." Sabi ko ng seryoso.
Ngumiti siya at kinurot ang pisngi ko.
"Hindi ko kasi na ready ang speech at fireworks ko. Ni wala pang decoration sa
yate eh... Pero sige na nga... Will you marry me?" Sabi niya.
Ang atat ko kasi! Nasira tuloy ang diskarte niya! HAHAHA
"Of course! Pero gawin mo ulit yung proposal na sinasabi mo sa yate ah?
HAHA PLEASE?"
Hinalikan ko siya sa pisngi.
"Kahit sa kwarto... gagawin ko yun." Kumindat pa siya.
"Tseh!"
"Please? Gusto na ni papa ng apo."
Sinuntok ko na! HAHA! ANG SAYA KO!
The Aftermath
Tumakbo si Lex habang nakapaa sa buhangin ng isang Private Island sa
Cambodia. Mahigit dalawang taon na ang nakakaraan. Ang
lahat ng nangyari ay parang panaginip na lang. Hindi ako makapaniwalang
kami talaga sa huli.
"Come... come here." Laki ng tawa ni Lex habang inaabangan ang maliliit na
hakbang ng anak namin.
Ako, picture nang picture sa kanilang dalawa. Ang dalawang lalaki sa buhay
ko.
Tumawa siya ng malakas nang nahagkan na ang anak at hinawakan ito pataas
tulad ng lagi niyang ganigawa.
"Superaaan!" Sabi niya.
Ako naman, hindi maalis sa mukha ang ngiti habang click nang click sa
camera.
Inilapit niya ito sakin.
"I lub tu momy" Sabi ni Ciel.
"Aww. I love you too." Sabi ko at hinagkan siya.
Si Lex ang nagtuturo sa kanya ng mga ganun. Kahit di pa naman
nakakapagsalita ng maayos si Ciel, tinuturuan parin nia.
Hinalikan ko si Ciel. Halos sabay nito ang paghalik ni Lex sakin.
"Pero wala ng makakatalo sa love ko sayo." Halik niya ulit with matching hug
saming dalawa ni Ciel.
Ngumiti na lang ako. Di parin niya tinatanggal ang pagyapos niya samin.
"Hmmmp! Tumigil ka nga..." Sabi ko habang nararamdaman ang pag init ng
pisngi ko.
"Wa'g ka na ngang mahiya kung kinikilig ka." Tumawa siya.
"Tse! Feeling." Pinandilatan ko siya ng nakangiti.
Hinalikan niya ako sa noo. Tatlong beses.
"Daddy." Ciel tried to stretch his arms to his Dad.
"Lika dito..." Kinuha naman 'to ni Lex. "I'm gonna miss you big boy."
Hinalikan niya ito sa pisngi.
Inakbayan niya ako at nagsimula kaming maglakad papuntang hotel.
"Bakit? Miss?"
Nagtaka ako sa sinabi niya. Bakit? Iiwan ba namin si Ciel?
Naaninaw ko ang yaya ni Ciel, mama ni Lex at papa niya sa harap ng hotel.
Nagpapahinga sila pero mukhang hinintay kami.