Professional Documents
Culture Documents
Xir-John Heroes Word
Xir-John Heroes Word
NOON
Kung titingan natin maraming karapat dapat maging
bayani hindi lamang si Jose Rizal. Nariyan si Andres
Bonifacio, Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez Jaena
at iba pa. Ngunit bakit si Dr. Jose Rizal ang hinirang
na pambasang bayani ng Pilipinas? Ayon sa mga
kasulatan si Rizal ang napili dahil sa mga tumama sa
lahat ng batayan at dahil na rin sa kanyang
pamamaraan ng pakikipaglaban laban sa mga
dayuhan. Hindi siya gumamit ng dahas at sa halip ay
ang kanyang panulat. Sa pamamagitan ng pagsulat
minithi niya ang pagkakaroon ng kalayaan,
pagkapantaypantay ng Kastila at Pilipino at isinulat ang baho ng mga Kastila
at mga pinagdaraanan ng Pilipino. At kahit na pwede siyang mapahamak sa
kanyang mga isinusulat, hindi siya nagdalawang isip na ipagpatuloy ito.
Panglawa, si Rizal ay ang hinirang na pambansang bayani dahil siya lamang
ang nakagawa ng pinakamalaki at pinaka-epektibong hakbang upang
mapagkaisa ang mga Pilipino. Nangyari iyon ng kumalat ang kanyang mga
nobela, partikular na nga ang Noli Me Tangere, at El Filibusterismo. Kasama
pa ang mga artikulong naisulat niya sa kanyang kolum sa La Solidaridad na
paminsang ang tema ay diretsong tumatama sa ating mga kababayang
Pilipino noon. Naisulat niya ang, La Indolencia de los Filipinos o Ang
katamaran ng mga Pilipino na nakapukaw sa isipan ng mga Pilipino noon. At
pangatlo ay dahil sa kanyang labis na pagmamahal sa bansa at
nakipaglaban siya sa tahimik ngunit malakas (powerful) na paraan.
NGAYON
Sa kasalukuyang lipunan, simple lang ang ibig sabihin ng bayani: ang
makatulong sa kapwa. Ngunit, napakababaw ng kahulugan para sa isang
bayani. Kung ganoon lang ang mangyayari, marami na siguro ang naging
bayani.
Ano nga ba talaga ang isang bayani? Tama naman ang kahulugan ng iba na
ang isang bayani ay tumulong sa kanyang kapwa. Pero hindi lang dapat
tumitigil ang kahulugan diyan. Ang isang bayani ay hindi lang tumulong sa
kanyang sariling kababayan kundi ang tumutulong sa kapakanan ng
kanyang Inang Bayan.
AKO, Tayo!
Pwede tayong maging bayani kahit sa simpleng paraan. Sabi nga ni Rizal,
Ang kabataan ay pag-asa ng bayan!
Sanggunian:
http://ghistorians.wordpress.com/2012/03/30/bayani-noon-at-ngayon/
Pilipino), Emilio Jacinto (Ang utak ng katipunan at ng Himagsikan. Kanangkamay ni Andres Bonifacio), Marcelo H. Del Pilar (Ang Dakilang
mamamahayag ng kilusang Propaganda), Gregorio Del Pilar (Ang Bayani
ng labanan sa Tirad Pass), Heneral Antonio Luna (The Greatest General of
the Revolution), Graciano Lopez Jaena (Ang Dakilang
Mananalumpati), Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos, at si
Padre Jacinto Zamora (Ang tatlong paring martir).
Sanggunian:
http://tl.answers.com/Q/Sino_ang_mga_bayani_ng_Pilipinas
Inihanda ni:
JOHN
NICHAEL M. BAGOTSAY
SST I / Aral.
Pan Coordinator
Source: http://www.ncca.gov.ph