You are on page 1of 1

Cristobal, Jessa Angela B.

2A13
Palmolive Magaan ang Feeling MTV ft. Janella Salvador
Consumerism Halos lahat naman siguro ng shampoo commercial ay
sinasabing gaganda ang buhok nila; magiging straight, shiny, at smooth ang
buhok ng mga bibili nito. Ngunit sino ba nga ang may ayaw nito? Di bat
lahat tayo ay biktima ng ganitong klase ng advertising. Ipinapakita sa
komersyal na ito na kapag bumili ka ng Palmolive ay gagaan ang
pakiramdam mo dahil kapag maganda ang buhok mo ay maganda ka na rin.
Inilabas sa publiko ang komersyal na ito noong kasagsagan ng kasikatan ni
Janella Salvador at mapapabili ka talaga ng shampoo nilang ito dahil gusto
mo maging si Janella, gusto mo maging kasing ganda ni Janella. Kumbaga,
makisabay na lang sa uso.
Narcissism Oh no, andyan na si crush.., unang linya sa kanta ng
Palmolive na nagpapakita ng pagiging narcissist nito. Ipinapakita dito na
kailangan maganda ang buhok mo para mapansin at magustuhan ka ng
crush mo kaya dapat na bumili ka ng Palmolive. Na hindi ka mapapansin ni
crush kapag dry ang buhok mo. Kahit ilang bote ng Palmolive ang ibuhos mo
sa buhok mo o laklakin mo ay hinding-hindi ka magiging maganda tulad ni
Janella. Medyo gandang-ganda si Janella sa sarili nya sa komersyal na ito,
puro pacute na lang sa crush ang inatupag.

You might also like