You are on page 1of 1

Kabahagi ng Katawan

Maliit man ang nasasakupan, malaki pa rin ang gampanin.


Marahil madalas nating mamasdan ang kakayahan ng mga manggagamot.
Tila isang pagpapalang bigay ng Maykapal ang kanilang kakayahan. Tinutugunan
nila ang kanilang mga tungkulin gaano man ito kabigat o kahirap, maipagpatuloy
lamang ang nasimulan at maabot ang tagumpay. Maituturing silang parte ng
katawan, npakahirap yata kung mawawala sila.
Makahulugan ang bawat paggawang binibitawan ng isang nurse, o doktor.
Gayudin, kahit gaano kaliit ang pinagsisilbihan nilang ugar, nakaatang pa rin sa
kanila ang bigat ng tungkuling dapat nilang gawin. Mamamasdan sa kanilang mga
mata ang paglilingkod na handa nilang ipagkaloob sa marami, kabilang na rito si Bb.
Alsi T. Damatpat.
Sa kabila ng kanilang mga nararanasan, matibay silang tumatayo at muling
tumutulong sa mga taong nakakasaksi ng kanilang gampanin.
Eskwelahan man yan o pamayanan, hindi maipagkakaila ang lubusan nilang
pag-aalay ng puso. Patuloy sumusugod at nakikipagbaka sa kabila ng kanilang
suliranin. Mabuhay ang gaya nila! Isang pagsaludo!

You might also like