Sa bawat ng paglipas ng oras sa lupang ating ginagalawan, sa bawat pag-ikot ng
mundong ating tinatapakan, nakatutuklas tayo ng ibat ibang bagay na ating pagaaralan. Sa ngayon, kung saan-saan inihahalintulad ng mga tao ang buhay. Pero saan nga ba magandang ihalintulad ito? Sa buto na maganda ngunit hindi maganda ang tubo? O sa binhi na pangit ang panlabas ngunit maganda ang pamumukadkad? Kung ako ang tatanungin, maihahalintulad ko ang buhay natin sa isang tren. Mahaba, malawak, mabilis, magulot masikip at sa bawat istasyon ay kabanata ng ating buhay. Train to Busan isang palabas na pumatok at tinangkilik ng masa. Isang pelikulang maganda ang takbo ng kuwento ngunit mas malalim pa ang ipinahihiwatig na mensahe sa
bawat senaryo. Tuwing sumasakay tayo sa tren, ibat ibang tao ang
nakakasalamuha natin. Batat matanda, mayamat mahirap, matalinot mangmang ay
maaaring maging pasahero. Sa bawat hinto sa mga istasyon may mga bumababa at mayroon ring sumasakay upang makarating sa kanilang patutunguhan. At sa patuloy na biyahe ng tren naroon ang nag-aagaw na liwanag at dilim na walang kasiguruhan kung hanggang kalian ang ganitong eksena sa loob at labas ng tren. Kung ating hihimay-himayin, ang bawat senaryo ng pelikulang itoy mababatid natin ang tunay na kahalagahan ng pagsasakripisyo at pagmamalasakit sa kapuwa. Sa pamamagitan ng palabas na ito ay naantig an gating puso at nagising ang matutulog na kabutihan nananalantay sa ating pagkatao. Ipinakita dito kung paano kumalat ang virus at kung paano nito inubos o sinira ang buhay at pag-asa ng maraming tao sa Seoul. Halos balutin ng takot at kaguluhan ang mga lulan ng nasabing tren lpatungong Busan. Sadyang nakapangingilabot at nakakatindig balahibo ang mga kaganapan sa palabas na ito. Ngunit sa kabila ng mga pangyayaring aking napanood ay napagtanto ko ang sakripisyo n gating Panginoon. Siyay nagpakasakit sa mga kasalanang ginawa natin, ipinako sa krus, namatay, inilibing at nabuhay muli upang tubusin tayo sa ating mga kasalanan, iligtas tayo sa kamatayan at sa dagat-dagatang apoy.
Tunay nga kapupulutan ng aral ng pelikulang ito. Nawa, ang maganda at
mabuting mensaheng nais ipahiwatig nito ay ating mabatid at maisabuhay ang tunay na kahulugan ng pagmamahal at pagsasakripisyo. Dahil kailanman ang kasamaan ay hindi mananaig sa kabutihan. Kaya naman, kung paano mabilis na kumalat ang virus sa Train to Busan, ganun din sana kabilis ang pagpapalaganap natin sa pag-ibig na nakaugat sa Poong Maykapal. #