Sa milyong kabataang nabubuhay sa mundong ito, karamihan sa mga ito ay pinanganak na salat sa karangyaan. Nakakalungkot man isipin ng kanilang kapalaran, subalit hindi maitatanggi sa bawat galaw nila ang hirap na kanilang dinaranas. Sa kabila ng mga ito, napakainit naman sa kalooban na mayroon pa ring mga taong handing makibaka at bigyan muli ng pag-asa ang kanilang mga matang malapit nang magsara. Isa si Ginang Lorelyn si Minon sa nakikiisa sa proyektong Makibata. Nasasalamin sa kaniyang mukha ang mula sa pusong pagtulong sa mga batang hindi nagisnan ang marangyang buhay. Ang kaniyang maamong mukha ang naging isa sa mga ito. Ika niya, hindi dapat ipagdamot ang pagtulong. Tila nakakatuwang isipin na sa gitna ng matindig pagsubok, isa siya sa mga nagpapaangat sa mga taong nalulugmok. Naging dahilan rin ng pagsang-ayon ko sa kaniya ay ang bawat salitang namumutawi sa kaniyang labi na nagpapakahulugan sa pagtulong. Marahil ay isa siyang butihing ina at asawa, ngunit hindi hadlang ang kaniyang tungkulin upang hindi siya mkapagpatuloy sa kaniyang pagtulong. Na imbes na selos ang maramdaman ng kaniyang pamilya, pagsuporta pa ang ibinibigay sa kaniya. Nag-iwan siya ng katagang Ang pagtulong nagmumula sa puso. Sana bawat tao ay gaya niya. Nakapanata sa puso ang pagkalinga at nakabukas ang palad sa bawat taong nangangailangan. Mahirapan man sa una, sa bandang huli ay ipagpapatuloy pa rin ang nais tapusin upang makamtan ang tagumpay.