You are on page 1of 4

AWIT NG PAGSUYO (Marian Song)

Koro: Bawat naming sambitin, bawat naming awitin,


Ay papurit parangal saYo.
Pakinggan mo Inang Mahal.
Ang awit ng Pagsuyo.

O Mahal naming Ina, aming galak at saya,


Kandungin, aliwin kami sa oras ng pighati. (Koro)

Kalangitay nagdiriwang sa karangalang nakamtan.


Puso mong kay wagas kanlungan ng Tagapagligtas. (Koro)

Koda: Ang awit ng pagsuyo. Bawat naming sambitin,


Bawat naming awitin ay awit ng pag suyo.

BAWAT SANDALI (Second Collection)

Bawat sandali, dalangin koy binibigkas,


nang masilayan Kang maaliwalas.
Nang ibingan Ka, Panginoon, buong wagas,
Nang aking masundan ang Yong bakas. (Ulitin)

Bawat sandali hangad Kita, ang Siyang landas.

KAPURI-PURI KA (Offertory)

Kapuri-puri Ka, O Dyos Amang lumikha ng lahat.


Sa Iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.
Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa.
Ang tinapay na ito, para maging pagkaing nagbibigay-buhay.

Koro: Kapuri-puri ang Poong Maykapal, ngayon at magpakailanman.


Kapuri-puri ang Poong Maykapal, ngayon at magpakailanman.

Kapuri-puri Ka, O Dyos Amang lumikha ng lahat.


Sa Iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.
Mula sa ubas at bunga ng aming paggawa.
Ang alak na ito, para maging inuming nagbibigay-lakas.
HESUS NA AKING KAPATID(Communion)

Hesus na aking kapatid sa lupa namiy bumalik:


Iyong mukhay ibang-iba, hindi kita nakikilala.

Koro: Tulutan Mong aking mata mamulat sa katotohanan:


Ikaw, Poon, makikilala sa taong mapagkumbaba.

Hesus na aking kapatid, putikin man ang Yong sapin,


Punit-punit ang Yong damit, nawa Ikay mapasaakin. (Koro)

Hesus na aking kapatid, sa bukid Ka nagtatanim,


O sa palengki rin naman, Ikaw ay naghahanap-buhay. (Koda)

Koda: Tulutan Mong aking mata mamulat sa katotohanan:


Ikaw, Poon, makikilala, Ikaw, Poon, makikilala
Ikaw, Poon, makikilala sa taong mapagkumbaba.

ITO ANG BAGONG ARAW(Easter Sunday Gospel Acclamation)

Ito ang bagong araw, itoy araw ng tagumpay;


Anak ng Taoy nabuhay, Siyay ating parangalan.
Si Hesus muling nabuhay sa kamatayay nagtagumpay.

Magalak, hwag nang lumuha, hinango ang tao sa sala,


Kristo Hesus, tunay Kang Hari, kami sa Yoy nagpupuri.
Sa krus, Ikay namatay ngunit muli Kang nabuhay.

Aleluya, leluya, aleluya! Aleluya, leluya, aleluya!


Aleluya, leluya, aleluya! Aleluya, leluya, aleluya!

Aleluya, leluya, aleluya! Aleluya, leluya, aleluya!


Aleluya, leluya, aleluya! Aleluya, leluya, aleluya!

MAGSIAWIT SA PANGINOON (Processional or Recessional)

Koro: Magsiawit kayo sa Panginoon, Aleluya! Magsiawit sa Panginoon!

Purihin, purihin ang Kanyang pangalan.


Ipahayag, ipahayag ang dulot Nyang kaligtasan. (Koro)

Kayong mga angkan, maghahandog sa Poon.


Luwalhati at papuri ialay sa Panginoon. (Koro)
O HESUS, HILUMIN MO (Communion)

Koro: O Hesus, hilumin Mo, aking sugatang puso,


Nang aking mahango kapwa kong kasimbigo.

Hapis at pait, Iyong patamisin.


At hagkan ang sakit nang magningas ang rikit. (Koro)

Aking sugatang diwat katawan,


Ay gawing daan ng Yong kaligtasan. (Koro)

SANLIBONG BUHAY (Communion)

Sanlibo man aking buhay, bawat isay i-aalay


Sa Dyos at bayan kong mahal, sasanggalan inyong dangal.
Isugo Mo kahit saan, hamakin man akot saktan,
Dalangin koy maging tapat, pag-ibig Mo ay sasapat.

Koro: Sanlibo man aking buhay, sanlibo ring iaalay.


Sanlibo kong kamatayan sa palad Mo ilalaan.
Sanlibo man aking buhay, sanlibo ring iaalay.
Sanlibo kong kamatayan sa palad Mo ilalaan.

(Ulitin lahat)

THE FACE OF GOD (Advent, Second Collection)

To see the face of God is my hearts desire.


To gaze upon the Lord is my one desire.

For God so loved the world,


He gave His Son, His only begotten Son.

And they shall call Him Emmanuel.


The Prince of Peace. The Hope of all the world.

Descant: Emmanuel! Emmanuel! Emmanuel!


NOONG PASKONG UNA (Communion)

Noong Paskong una, si Mariang Ina,


Sanggol nyang kay ganda, pinaghele sa kanta.
Awit nyay kay rikit, anghel doon sa langit
Sa tamis, naakit, sumamang umawit.

Koro: Pasko na. Pasko na. Pasko na! Sumabay, sumabay sa kanta.
Ni Mariang ina, sa Niong kay ganda.

Mga talat bituin, pati ihip hangin.


Nakisama na rin kay Mariang awitin:
Ang buong kalangitan, pati na rin kalikasan
Hango sa awitan ng unang Paskuhan. (Koro)

Mga tupat baka sa giray na kwadra.


Umungol dumamba kasabay ng kanta.
Pastores sa paltok sa tuktok ng bundok
Kahit inaantok sa kantahany lumahok. (Koro)

Koda: Aleluya! Aleluya! Aleluya! Aleluya!


Ni Mariang ina, sa Niong kay ganda.
Aleluya! Aleluya!

You might also like