You are on page 1of 9

Sobre la indolencia de los filipinos ("On the Indolence of the

Filipinos" in Spanish) is a socio-political essay published in La


solidaridad in Madrid in 1890. It was written by Jos Rizal as a
response to the accusation of Indio or Malay indolence. He admits
the existence of indolence among the Filipinos, but it could be
attributed to a number of reasons. He traces its causes to factors
such as the climate and social disorders. He defends the Filipinos
by saying that they are by nature not indolent, because in fact,
even before the arrival of Spaniards, Filipinos have been engaged
in economic activities such as agriculture and trade. Indolence
therefore has more deeply rooted causes such as abuse and
discrimination, inaction of the government, rampant corruption
and red tape, wrong doctrines of the church and wrong examples
from some Spaniards who lead lives of indolence which ultimately
led to the deterioration of Filipinos values. In the end, Rizal sums
up the main causes of indolence to the limited training and
education Filipino natives receive and to the lack of national
sentiment and unity among them. Education and liberty,
according to Rizal, would be the cure to Filipino indolence.

A similar work was written by Syed Hussein Alatas, entitled The


Myth of the Lazy Native.

Chapter 1
Rizal acknowledges the prior work of Gregorio Sancianco and
admits that indolence does exist among the Filipinos, but it
cannot be attributed to the troubles and backwardness of the
country; rather it is the effect of the backwardness and troubles
experienced by the country. Past writings on indolence revolve
only on either denying or affirming, and never studying its causes
in depth. One must study the causes of indolence, Rizal says,
before curing it. He therefore enumerates the causes of indolence
and elaborates on the circumstances that have led to it. The hot
climate, he points out, is a reasonable predisposition for
indolence. Filipinos cannot be compared to Europeans, who live in
cold countries and who must exert much more effort at work. An
hour's work under the Philippine sun, he says, is equivalent to a
day's work in temperate regions.
Chapter 2
Rizal says that an illness will worsen if the wrong treatment is
given. The same applies to indolence. People, however, should
not lose hope in fighting indolence. Even before the Spaniards
arrived, Rizal argues, the early Filipinos were already carrying out
trade within provinces and with other neighboring countries; they
were also engaged in agriculture and mining; some natives even
spoke Spanish. All this disproves the notion that Filipinos are by
nature indolent. Rizal ends by asking what then would have
caused Filipinos to forget their past.
Chapter 3
Rizal enumerates several reasons that may have caused the
Filipinos' cultural and economic decadence. The frequent wars,
insurrections, and invasions have brought disorder to the
communities. Chaos has been widespread, and destruction
rampant. Many Filipinos have also been sent abroad to fight wars
for Spain or for expeditions. Thus, the population has decreased in
number. Due to forced labor, many men have been sent to
shipyards to construct vessels. Meanwhile, natives who have had
enough of abuse have gone to the mountains. As a result, the
farms have been neglected. The so-called indolence of Filipinos
definitely has deeply rooted causes.
Chapter 4
Filipinos, according to Rizal, are not responsible for their
misfortunes, as they are not their own masters. The Spanish
government has not encouraged labor and trade, which ceased
after the government treated the country's neighboring trade
partners with great suspicion. Trade has declined, furthermore,
because of pirate attacks and the many restrictions imposed by
the government, which gives no aid for crops and farmers. This
and the abuse suffered under encomenderos have caused many
to abandon the fields. Businesses are monopolized by many
government officials, red tape and bribery operate on a wide
scale, rampant gambling is tolerated by the government. This
situation is compounded by the Church's wrong doctrine which
holds that the rich will not go to heaven, thus engendering a
wrong attitude toward work. There has also been discrimination in
education against natives. These are some of the main reasons
that Rizal cites as causing the deterioration of values among the
Filipinos.
Chapter 5
According to Rizal, all the causes of indolence can be reduced to
two factors. The first factor is the limited training and education
Filipino natives receive. Segregated from Spaniards, Filipinos do
not receive the same opportunities that are available to the
foreigners. They are taught to be inferior. The second factor is the
lack of a national sentiment of unity among them. Because
Filipinos think they are inferior, they submit to the foreign culture
and do everything to imitate it. The solution, according to Rizal,
would be education and liberty.

Ang ating kinikilalang bayani ng ating baying si Jose Rizal ay may


isinulat na isang artikulong naglalaman ng kontrobersyal na
pahayag laban sa mga kastila na sinisisi sa kanila ang pagiging
tamad ng mga Filipino, ang Indolence of the Filipinos. Meroong
dalawang ipinrisentang ideya si Rizal sa pagsusulat ng Indolence
of the Filipinos, unang-una, ang edukasyon o kawalan ng sapat na
edukasyon, at pangalawa, ang relihiyon. Sinabi nya na ang
relihiyon ang isa sa mga dahilan kung bakit tamad ang mga
Pilipino. Panahon ng mga Kastila nang papilla ang relihiyong
katoliko. Nagturo ang mga espanyol ng bagong pananaw o
relihiyon/paniniwala sa mga tinatawag na Indio. Dahil rito,
Sinabi ni Rizal, ang mga Pilipino ay naging pala-asa sa diyos
dahil tinuro ng mga kaparian na ang mga inaapi ay pinagpapala
at tanging mahihirap lamang ang nakararating ng langit. Maaring
ito ay isa sa mga istratehiya ng gobyerno/relihiyon upang
tuluyang masakop ng mga Kastila ang Pilipinas.
Naging submissive tayo sa mga Espanyol sa pamamagitan,
syempre, ng relihiyon. Marami pang itinuro ang mga pari sa atin
tulad na lamang ng mga dasal. Kadalasan, dahil hawak ng
kaparian o simbahan ang marami sa mga kolehiyo at Unibersidad,
nagtuturo na lamang sila ng mga dasal at nobena sa mga
estudyante imbes na turuan ng mga lektura. Naipapakita lamang
rito na naging alipin tayo sa isang banyaga sa pamamagitan ng
relihiyon.
Kung ating paguugnayin ang ideyang ito ni Rizal sa kasalukuyang
konteksto, talagang naiukit ng husto ang ang kanilang mga
paniniwala. Panatisismo. Isa sa mga nakikitang ugali ng Pilipino na
naging kultura na rin nang naglaon. Hanggang ngayon, maling-
mali pa rin ang relihiyon. Napasailalim tayo sa impluwensya ng
simbahan kaya kahit na alam nating hiwalay ang estado sa
simbahan, patuloy pa rin nating hinahayaang makisawsaw at
utuin tayo ng simbahan. Meroon tayong ilang relihiyon na
nakaiimpluwensya pati na sa politika. Kung maka-dilaw ang lider
ng simbahan, maka-dilaw na rin pati na ang mga
miyembro/mananampalataya (tsk, tsk!) talaga namang hanggang
ngayon, ay napapasailalim pa rin tayo ng simbahan na tulad na
lamang noong panahon ni Rizal. Di na lamang nakapagtataka
kung ang pananaw ng mga Pilipino sa kasaysayan ay paulit-ulit!
Hay!

Sa kasalukuyang sitwasyon ng Pilipinas, maraming naiwang


impluwensya ang mga Kastila sa ating mga Pilipino. Sa mga akda
ni Rizal makikita kung kanino nanggaling ang mga pag-uugali ng
mga Pilipino. Sa isang akda ni Rizal na pinamagatang Ang
Katamaran ng mga Pilipino, makikita ang malaking impluwensiya
ng mga Kastila sa buhay ng mga Pilipino. Sa Katamaran ng mga
Pilipino, inilahad na ang mga Pilipino ay tamad dahil sa mainit
ang panahon, tamad dahil sa nakikita nila ang ginagawa ng
kanilang tagapangasiwa at tamad dahil naniniwala sila sa himala.
Isa pang dahilan kung bakit tamad ang mga Pilipino ay dahil
sinasabi ng mga prayle na ang mayayaman ay hindi pumupunta
sa langit kaya mas gusto nila na hindi na lang magtrabaho dahil
kung may pera na sila hindi rin naman sila pupunta sa langit. Sa
akdang ito makikita natin na dahil sa mga Kastila at dahil sa klima
ng Pilipinas kaya ang mga Pilipino ay tamad at hindi
nagtatrabaho. Ngunit kung ating titingnan, ang mga Kastila ay
mas tamad pa kaysa sa mga Pilipino. Ang mga Kastila ay hindi
maagang pumapasok sa trabaho at sa oras ng tanghalian sila ay
umaalis sa trabaho para kumain, pagkatapos kumain sila ay
nagpapahinga. Sa kasalukuyan, makikita pa rin ang mga
katamaran ng mga Pilipino dahil sa paniniwala sa himala at dahil
sa sobrang init sa Pilipinas. Ipinahayag din ni Dr. Rizal na ang
katamaran nating mga Pilipino ay ating kinamulatan at hindi
minana. Kung gayon, namulat lamang tayo sa lipunang
ipinamalas sa atin ng mga Kastila kung saan hindi sila makakilos
ng walang utusan o walang gagawa ng gawain para sa kanila.

Ang Katamaran ng mga Pilipino


ni Dr. Jose P. Rizal

(Ang matutunghayan ay isang lagom sa Tagalog ng sanaysay na


La Indolencia de los Filipinos, na nalathala sa La Solidaridad mula
noong Hulyo 15 hanggang Setyembre 15, 1890. Ang sanaysay na
itoy isinulat ni Rizal sa ikalawang pagtungo niya sa Europa. Isinulat
niya ito bilang tugon sa paulit-ulit na upasala sa mga Pilipino na
silay mga tamad. Ang upasalang itoy hindi tinutulan ni Jose Rizal
sa kaniyang sanaysay. Manapay inamin nga niya ang pag-aangkin
ng katamaran ng kaniyang mga kababayan. At sa pag-amin niyang
iyan ay nagbigay siya ng mga matuwid kung bakit ang mga Pilipino
ay masasabi ngang tamad. Narito ang kaniyang mga matuwid.

Ang pangunahing sanhi ay ang mainit na singaw ng panahon. Kahit


na ang mga banyagang nandarayuhan sa Pilipinas buhat sa mga
bayang malamig ang klima ay nagiging tamad pagdating dito at
ayaw humawak ng mabibigat na gawain. Sa bayang mainit ang
panahon, kahit hindi kumilos ang isang tao, siyay pinagpapawisan
at hindi mapalagay. Wika pa ni Rizal: Ang mga Europeong
naninirahan sa Pilipinas ay nangangailangan pa ng mga tagapaypay
at tagahugot ng sapatos, at hindi nagsisipaglakad kundi laging lulan
ng kanilang karwahe, gayong masasarap ang kanilang kinakain at
ginhawa ang kanilang kabuhayan. Silay malaya, ang bunga ng
kanilang mga pagsisikap ay para sa kanilang sarili, may pag-asa sa
kinabukasan, at iginagalang ng madla. Ang abang katutubo, ang
tamad na katutubo ay kulang sa pagkain, walang inaasahan sa
araw ng bukas, ang bunga ng kanilang pagod ay sa iba napupunta,
at kinukuha sila sa paggawang sapilitan.

Sinasabing ang mga Europeo ay nahihirapan sa mga bayang mainit


ang singaw ng panahon palibhasay hindi sila hirati sa gayong
klima, kayat karampatan lamang na dulutan sila ng balanang
makapagpapaginhawa sa kanilang kalagayan. Datapuwat ang wika
nga ni Rizal, ang isang taoy maaaring mabuhay kahit saan kung
sisikapin lamang niyang ibagay ang kanyang sarili sa hinihingi ng
pangangailangan.

Ang sikap at pagkukusa ay nawala sa mga Pilipino dahil din sa


kagagawan ng mga Kastila. Ang mga Pilipino, nang bago dumating
ang mga Kastila ay ginhawa sa kanilang kabuhayan,
nakikipagkalakalan sila sa Tsina at iba pang mga bansa, at
hinaharap nila ang pagsasaka, pagmamanukan, paghabi ng damit
at iba pa. Kayat mapagkikilalang nang wala pa rito ang mga
Kastila, ang mga Pilipino bagaman ang mga pangangailangan nilay
hindi naman marami, ay hindi mga mapagpabayang gaya ngayon.

Ang lahat ng industriya at pati na ang pagsasaka ay napabayaan


sapagkat ang mga Pilipinoy hindi makapagtanggol laban sa
pananalakay ng mga mandarambong buhat sa Mindanaw at Sulu.
Paanoy ayaw pahintulutang makapag-ingat ng mga baril at iba
pang sandata ang mga Pilipinong naiiwan sa bayan habang ang
ibay wala at kasama sa mga pandarayuhang walang kabuluhan.
Nang panahon ng Kastilay maraming digma at kaguluhan sa loob
ng bayan at maraming ipinapapatay. Isinalaysay ni Rizal ang
nangyari sa isang pulong malapit sa Sebu, na halos nawalan ng tao
sapagkat madaling nangabihag ng mga piratang buhat sa Sulu
palibhasay walang sukat maipananggol sa sarili.

Ang pagsasakay napabayaan dahil pa rin sa sapilitang paggawa na


ipinatutupad ng pamahalaan. Dahil sa maraming pandarayuhang
ginagawa ng mga Kastila, kailangan ang walang tigil na paggawa
ng mga barko, kayat maraming Pilipino ang pinapagpuputol nila ng
mga kahoy sa gubat upang magamit. Wala tuloy katiyakan ang
kabuhayan ng mga tao kayat naging mga mapagpabaya. Tungkol
ditoy sinipi ni Rizal si Morga na nagsabi (sa kanyang Sucesos) na
halos nakalimutan na ng mga katutubo ang pagsasaka,
pagmamanukan, ang paghabi, na dati nilang ginagawa noong silay
mga pagano pa hanggang sa mga ilang taon pa pagkatapos ng
pagsakop. Iyan ang naging bunga ng tatlumput dalawang taon ng
sapilitang paggawa na ipinataw sa mga Pilipino.
Ang pamahalaay walang dulot na pampasigla upang ang mga tao
ay mahikayat na gumawa. Pinatamlay ng mga Kastila ang
pakikipagkalakalan sa mga bansang malaya, gaya ng Siam,
Cambodia, at Hapon, kayat humina ang pagluluwas ng mga
produktong Pilipino at ang industriya ay hindi umunlad. Ang
Pilipinoy hindi maaaring gumawa sa kanilang bukid kung walang
pahintulot ng pamahalaan.

Bukod sa mga iyan, ang Pilipinoy hindi tumatanggap ng


karampatang halaga sa kanilang mga produkto. Sinabi ni Rizal na
alinsunod sa istorya, matapos alipinin ng mga encomendero ang
mga Pilipino, silay pinagagawa para sa sarili nilang
kapakinabangan, at ang iba namay pinipilit na sa kanila ipagbili
ang inaani o produkto sa maliit na halaga at kung minsay wala
pang bayad o kayay dinadaya sa pamamagitan ng mga maling
timbangan at takalan.

Alinsunod pa rin kay Rizal, ang lahat ng negosyoy sinasarili ng


gobernador, at sa halip pukawin ang mga Pilipino sa kanilang
pagpapabaya, ang iniisip lamang niyay ang kanyang kapakanan
kayat sinusugpo ang ano mang makaaagaw niya sa mga
pakinabang sa pangangalakal.

Mga kung anu-anong kuskos-balungos sa pakikitungo sa


pamahalaan, mga kakuwanan ng pulitika, mga kinakailangang
panunuyo at pakikisama, mga pagreregalo, at ang ganap na
pagwawalang-bahala sa kanilang kalagayan,- ang mga iyan ay
naging pamatay-sigla sa paggawang kapaki-pakinabang.

Nariyan pa ang halimbawang ipinamalas ng mga Kastila: pag-iwas


sa pagpaparumi ng kamay sa paggawa, pagkuha ng maraming
utusan sa bahay, na para bang alangan sa kanilang kalagayan ang
magpatulo ng pawis, at ang pagkilos na animoy kung sinong
maginoo at panginoon na ipinaging palasak tuloy ng kasabihang
para kang Kastila,- ang lahat ng iyan ay nagpunla sa kalooban ng
mga Pilipino ng binhi ng katamaran at pagtanggi o pagkatakot sa
mabibigat na gawain.
At ang wika pa ng mga Pilipino noon: Bakit gagawa pa? Ang sabi
ng kura ay hindi raw makapapasok sa kaharian ng langit ang taong
mayaman.

Ang sugal ay binibigyan ng luwag, at itoy isa pa ring nagpapalala


ng katamaran.

Ang Pilipinoy hindi binibigyan ng ano mang tulong na salapi o


pautang upang maging puhunan. Kung may salapi man ang isang
Pilipinong magsasaka, ang natitira, matapos bawasin ang buwis at
iba pang impuwesto ay ipinambabayad naman niya sa kalmen,
kandila, nobena, at iba pa.

Kung ang mga pananim ay pinipinsala ng balang o ng bagyo, ang


pamahalaan ay hindi nagbibigay ng ano mang tulong sa mga
magsasaka, kaya ang mga ito ay inaalihan ng katamaran.

Walang pampasiglang ibinibigay sa pagpapakadalubhasa. May


isang Pilipinong nag-aral ng kimika sa Europa, ngunit hindi man
lamang siya pinag-ukulan ng pansin.

Ang katamaray pinalulubha pang lalo ng di mabuting sistema ng


edukasyon. Ganito ang wika ni Rizal:

Iminulat palibhasa sa halimbawa ng mapagbulay-bulay at tamad


na pamumuhay ng mga monghe, ang mga katutubo namay walang
ginawa kundi iukol ang kanilang buhay sa pagkakaloob ng kanilang
salapi sa simbahan dahil sa inaasahang mga himala at iba pang
kataka-takang bagay. Ang kanilang kalooban ay nagayuma; buhat
sa pagkabata ay wala silang natutuhan kundi ang pagkilos na
parang mga makina na hindi nalalaman ang buong kabagayan.
Kataka-taka bang ang ganitong maling pagmumulat sa isip at
kalooban ng isang bata ay magbunga ng kahambal-hambal na mga
pagkakasalungatan? Iyang walang puknat na pagtutunggali ng isip
at ng tungkulin ay humantong sa pananamlay ng kanyang mga
pagsisikap, at sa tulong ng init panahon, ang kaniyang walang
katapusang pag-aatubili, ang kaniyang mga pag-aalinlangan ay
siyang naging ugat ng kaniyang katamaran.
Ang sistema ng edukasyon, na isang kawil ng mga pagmamalupit,
ay nagpatamlay sa halip na magpasigla sa Pilipino. Siyay
nagkaroon ng mababang pagkakilala sa sarili at pagwawalang-
bahala sa paggawa.

Ang isa pang nagpalala sa katamaran ng mga Pilipino ay ang


kawalan nila ng damdamin bilang isang bansa palibhasay
pinagkaitan sila ng karapatang makapagtatag ng mga samahan na
magbibigay sa kanila ng pagkakataong magkaunawaan at
magkaisang damdamin.

Palibhasa ngay walang bansang kinaaaniban, ang mga Pilipinoy


hindi nagkaroon ng pagkabahala sa ano mang kahirapang
dinaranas ng mga tao. Patay ang apoy ng kanilang pagsisikap, at
walang sukat makaganyak sa kanila na mag-ukol ng panahon at
sigla alang-alang sa kaunlaran at kasaganaan ng kanilang Bayan.

Ang sabi ni Rizal: Ang edukasyon ay siyang lupa, at ang kalayaan


ay siyang araw, ng sangkatauhan. Kung walang edukasyon at
walang kalayaan, walang pagbabagong maisasagawa, walang
hakbang na makapagdudulot ng bungang ninanais.

You might also like